PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

803K 22.5K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 8

19.9K 604 38
By Zaenixx

CHAPTER 8






"P-PINATAY ko ang sarili ko?" Naguguluhang tanong ko.





Nagkatingin silang tatlo at tila hindi alam kung paano sasabihin sa akin ang lahat.





"You did..." Napalingon muli kami sa pintuan nang makarinig ng pamilyar na boses.





Paglingon ko ay si kuya Maximo lang pala, "Dad!" Tumakbo si Lucifer papunta sa kanya at mabilis na yumakap ngunit si Nicholai ay tila walang kagana-ganang naglakad papunta sa kanya at sabay mano.





"Oh, nandito ka na pala..." Ani ate Pilar at humalik sa pisngi ng kanyang asawa.





Humalik naman si kuya Maximo sa kanyang noo at pagkatapos ay naglakad papunta sa direksyon namin.





Pabagsak siyang naupo sa sofa katabi ni mayor.





"You killed yourself almost five years ago but it took us years to find out that it was set up." Paliwanag niya, nanlalabi ko siyang tinignan umaasang mas gawin niyang kainti-intindi ang kanyang sinabi.





"Someone planned to kill you before but it wasn't successful that's why they came up to a new plan that you have to kill yourself." Mas naintindihan ko ang kanyang paliwanag ngayon kaysa kanila.





"Kung g-gano'n, ibig sabihin ba ay talagang namatay ako?" Pag-uusisa ko.





Hinayaan nilang si mayor ang sumagot sa tanong ko.





"That's what Lazarus said, he saw your lifeless body that was hanging in your room. That's why we're wondering how you managed to be alive now with no memories." Wika niya. Hinawakan ko ang aking leeg.





Kung totoo ang sinasabi nila, dapat ay magmamarka sa leeg ko ang mahigpit na lubid na ginamit ko noon pero nakakapagtaka namang kahit isang peklat ng galos ay wala.





"Amber, listen to me..." Lumingon sa akin ni mayor at hinawakan ang aking kamay.





"You have to recover your memories as soon as possible. I can hide and protect you this time but it will be better if we finds out who behind all of this." Aniya.





Ilang beses akong napalunok bago dahan-dahang tumango, "I'm not forcing you to remember what happened before, I know it's painful for you but I'm here. I'll help you," Kinabig niya ako at mabilis na niyakap.





Halos mapunit na ang labi ko sa kakapigil sa pagngiti. Baka mamaya ay isipin pa nila ay kinikilig ako.





"I'm sorry..." Mahinang bulong niya bago lumayo ng bahagya sa akin.





"Kumain na muna tayo." Pag-aaya ni ate Pilar sa amin.





Tumayo kami at nagtungo na sa medyo may kahabaang lamesa.





"Mauuna na kami." Paalam ni kuya Cassius.





"Kumain muna kayo bago umalis," Pag-aaya sa kanila ni ate Pilar.





"Hindi na, pupunta kami sa Quarters para balitaan sila Luther sa nangyayari." Tugon naman ni kuya Caspian.





Aalis na sana sila nang may makalimutan si kuya Cassius na ipaalala.





"Don't use your landlines, it might be bugged. Use your phones instead incase you have to contact each one of us... Jegudiel will test the security of your lines for assurance." Paalala niya, lumapit siya sa akin at ginulo ang aking buhok.





"Magiging maayos rin ang lahat," nakangiting wika niya.





Nakangiti rin akong tumango upang hindi na sila mag-aalala pa ng husto.





Kahit na wala akong maalala kahit isang memorya na kasama ko sila, kapag malapit sila sa akin ay nararamdaman kong ligtas ako.





"Huwag na huwag kang lalabas hanggang hindi pa ligtas. Sa ngayon, paniguradong alam na nilang buhay ka." Huling wika niya bago sila tuluyang umalis ng bahay.





Iginaya ako ni mayor paupo sa kanyang tabi.





Kumain lamang kami at nagkwentuhan ng mga nangyari sa kanila noong mga panahong wala ako.





"AMBER," Napalingon ako sa pintuan ng kwarto na pinagdalahan sa akin ni ate Pilar.





Pumasok siya sa pintuan at nakangiting bumaling sa akin, "Pwede ba 'kong pumasok?" Tanong niya.





Bahagya akong natawa, "Syempre naman po, bahay niyo 'to." Tugon ko.





Tumawa siya at napailing bago tuluyang pumasok, lumapit siya sa akin at naupo sa espasyo sa kamang kinauupuan ko.





Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "Masaya akong nakabalik ka na." Nakangiting wika niya, kitang-kita ko ang kanyang nanunubig na mga mata na ikinagulat ko.





Natataranta kong kinuha ang tissue box na nasa gilid ng kama at pinahid ang kanyang pisnge kung saan lumandas ang kanyang mga luha.





Natawa siya at kinabig ako upang yakapin.





"Ang akala ko talaga ay mawawala ka na sa amin. Kahit saglit na panahon lang tayong nagkasama noon ay alam kong mabait kang bata..." Aniya habang hindi pa rin kumakalas sa kanyang pagkakayakap sa akin.





"Nandito lang kami kung sakaling kailangan mo ng tulong. H-Hindi kami aalis sa tabi mo hanggang sa panahong maalala mo na ulit ang lahat." Dugtong pa niya.





Kumalas siya sa pagkakayakap at pagkatapos ay tumingin sa akin at  hinawakan ang aking dalawang balikat.





"Kung hindi ka man nila naprotektahan noon, sigurado kong mapoprotektahan ka nila ngayon, lalo na ni mayor. Mahal na mahal ka no'n," wika pa niya.






"Uhm, a-ate?" Nagtataka niya akong tinignan.






"Ano 'yon?" Tanong niya.






"A-Ano po ba kami ni mayor noon?" Tanong ko.






Napangiti siya at bahagyang ginulo ang aking buhok.






Umakto siyang nag-iisip, "Hindi ko naman talaga kayo nakitang madalas na magkasama noon pero base sa kwento ni Maximo sa akin, sa palagay ko ay talagang importante ka sa kanya." Sagot niya.






"Ay sandali, may naalala ako. Isang beses noong ginawa tayong hostage nung gago kong ex, dumating si mayor noon at alalang-alala sa'yo." Wika pa niya, napatango-tango ako.






"Action pala ang buhay ko dati," pagbibiro ko.






Natawa siya at pagkatapos ay tinignan ako, "Natural lang 'yon, mayaman kayo e." Aniya.






Kumunot ang aking noo. "Mayaman?"






Tumango siya at pagkatapos ay inilabas ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.






Saglit siyang nagtitipa doon bago ipakita ang litrato ng isang lalaki na palagay ko ay kasing edad lang ni mayor.






"Ito ang kuya mo," aniya.






"Siya si Miguel Valerico, siya ang kasalukuyang namamahala ngayon sa ValCorp. Isa rin 'yan sa pinaka maimpluwensiyang mayaman dito sa atin. Madaming babae ang nagkakagusto 'dyan dahil na rin siguro talaga namang gwapo at malakas ang dating pero may asawa na 'yan." Paliwanag niya.






"May asawa na?" Naguguluhang tanong ko.






"Si Thriska Santori, yung kakambal nung may-ari ng Merchels at anak sila nung may-ari ng SanCorp. Ito picture niya oh, maganda 'yon." Aniya sabay pakita muli ng litrato ng isang magandang babae.






Hindi ko alam kung bakit o anong koneksyon ko sa babae ngunit nang lumandas ang mata ko sa litrato ng maamo niyang mukha ay may naramdaman akong kakaiba.






Para bang kumirot ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.






"Ito naman ang mama at papa niyo, si Rosana Valerico at Miguelito Valerico. Yung mama mo, kilala bilang isa sa pinaka maluhong asawa ng businessman, lahat ng mahal na mga designer bags and collection mayroon siya. Ultimo mga tasa sa mansyon niyo ay purong ginto kaya hayahay ang buhay ng mama mo." Paliwanag niya.






Napakunot ang aking noo, "T-Talagang mayaman sila?" Pag-uusisa ko.






Tumawa siya at pinakita sa akin ang litrato ng isang matanda ngunit nakapagandang babae.






Naka-suot siya ng isang kulay puting roba na may tatak ng isang sikat at mamahaling brand sa likod. Sa palagay ko ay nasa veranda siya sa litrato na 'yon at nagkakape gamit ang isang gintong tama.






Napanganga ako, kung o-obserbahan ay napaka-elegante ng matandang babae sa paraan pa lang ng pag-upo. Mukhang edukada at talagang nanggaling sa marangyang pamilya.






"Ito naman ang papa mo, isa siya sa pinaka pinangingilagan kapag negosyo na ang pinag-uusapan." Lumapit siya ng bahagya at bumulong sa akin.






"Pailalim raw kung manapak ng tao." Bulong niya.






"Pailalim?" Tanong ko dahil wala akong ideya sa pinag-sasabi niya.






"Yun bang tutulungan ka niyang makaahon sa pagka-bankrupt pero ang totoo, dahan-dahan ka na niyang hinihila pailalim. Sa madaling salita, madumi ang ilang negosyo niya at galing sa iba't-ibang bumagsak na negosyo." Paliwanag niyang muli.






"Pero magaling talaga sa negosyo ang papa mo, maraming naniniwala na gumaganti lang raw siya sa mga nang-apak sa kanila noon. Yun bang mga pamilya na hiningian nila ng tulong noong mga panahong walang-wala sila pero tumalikod at kahit piso ay hindi sila napahiram." Wika niya.






Ipinakita niya rin ang litrato ng isang matandang lalaki na itim pa rin ang buhok. Naka-business suit ito at tindig pa lang ay talagang mukhang matinik na.






"Tapos ito ka," Ipinakita niya sa akin ang pangalan doon ngunit walang litrato.






"Ambrosia Bernice Valerico, magtu-twenty ka noon nung nalaman kong nagpakamatay ka raw. December twenty five ang birthday mo at kolehiyala ka, Business Management ang kurso mo dahil bali-balitang namana mo ang galing sa negosyo ng papa mo katulad ng kuya Miguel mo." Paliwanag niya sa dati kong buhay.






Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang lahat.






Kahit naman noon ay may hinala na ako sa kwento ni papa at mama kung bakit wala akong maalala pero hindi ako nag-abalang alamin ng totoo dahil wala namang naghahanap sa akin at gumaan na rin ang pakiramdam ko sa kanila.






"Bakit wala akong litrato?" Tanong ko.






Saglit siyang nag-isip ngunit umiling siya pagkatapos, "Alam mo hindi ko rin alam, tinanong ko rin kase si Maximo noon tungkol 'dyan pero wala rin siyang masagot. Hindi ko alam sa magulang mo, kung ako sa kanila ay magiging proud ako dahil mayroon kaong magandang anak, at matalino pa." Dugtong niya.







Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.






"Kahit saang parte ng google o kahit sa social media ay wala akong makitang picture mo. Tinatago ka ata ng mga magulang mo sa baul." Biro niya.









A/N: Ang aga ngayon 'no? HAHHAHAHHAH ewan feel ko lang magsulat. #Motivated

Continue Reading

You'll Also Like

364K 6.7K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1.6M 34.1K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samantha's eleg...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...