His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XXIII

1.3K 61 7
By NeifileTheDreamer


Every good gift and every perfect gift are from above, coming down from the Father of lights with whom there is no variation or shadow due to change.
~James 1:17

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Tatlong Kabanata

NAUBOS ang oras ko ngayong Christmas Break dahil sa mga gawain. Tinapos ko na rin ang nakatokang gawain ko sa Research namin. Isama mo na rin ang iba pang school works na ibinigay sa amin bago mag-Christmas break.

Simula noong last vlog namin ng Christmas Party for the Orphan, hindi pa ito nasusundan sapagkat abala kaming Sixth of Ace sa panahong ito.

Noong Pasko, masaya kaming nagdiwang kasama sila Tito Nike. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Nash noong Christmas eve.

Nash holds my hand and looked at me sincerely.  I saw his gray eyes sparkling in the dark.

"Thank you Mango Graham Shake for making my woeful stare into a wonderful one, but..." he paused and sighed, "Xeidrine, don't trust this stare too much."

"Why?"

He's so sweet earlier, but why is he saying this to me now? You're confusing me Nash...

"Because..." his voice cracked, "I can be your nightmare through my stare."

A nightmare? What does he mean? Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Bigla na lamang akong nanlamig sa sinabi ni Nash.

"Xeidrine, all of us were dream of someone. But dreams can be a nightmare. Hindi lang natin alam kung paano, bakit at kailan. Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat kung dumating man ang panahon na iyon, nais kong maging handa."

Napabalik ako sa reyalidad nang biglang pumasok sa kwarto si Stair. He was holding something on his back. Sinubukan ko itong silipin, ngunit itinago pa niya ito ng todo.

"Happy Birthday Bal!" bati niya.

"Happy Birthday too!" I also greeted him.

"Bukas pa ang birthday ko remember?"

I chuckled a bit. Yeah right. Kami ang kambal na magkaiba ng araw at taon na ipinanganak.

"I have a gift for you."

Inutusan niya akong lumapit sa kaniya at sinunod ko naman ito. Nang nasa harapan na niya ako, inilabas ni Bal ang itinatago niya sa kaniyang likuran.

Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang mayroong dumapong malagkit at manamis-namis na bagay sa aking mukha. Pinaninkitan ko si Bal na ngayon ay parang mamamatay na kakatawa. Tumitirik pa ang kaniyang mata. Akala mo wala ng bukas kung makatawa siya.

"IT'S A PRANK!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kumuha ako ng whipped cream na nasa aking mukha at pinahid ito sa kaniyang buhok.

"Prank pala ha!"

Kinuha ko rin ang iba pang whipped cream na natira sa paper plate at isinapal sa buhok niya. Ayan, prank pa. Hindi ako papayag na ako lang ang magmukhang multo ng whipped cream!

"Aray! Tama na Bal! 'Yung buhok ko!"

Hindi ko pinakinggan ang daing niya. Patuloy pa rin ako sa pagpapahid ng whipped cream sa kaniyang buhok.

"Iyan ang napapala mo!" wika ko sabay tawa.

Huminto lamang ako sa pagganti nang ako'y mapagod na. Pareho na kaming malagkit ngayon. Si Bal naman kasi.

Nang makawala si Stair sa bisig ko, kinuha niya ang camera na nakatago pala sa isang sulok. He's filming our fight this whole time!

"So Acers, backfire agad ang prank natin. As you can see pareho na kami ngayong parang whipped cream na tinubuan ng mukha."

I laughed out loud when I heard 'whipped cream na tinubuan ng mukha.' When we finished the clip of the video, Bal closed the camera and sat on my bed.

Agad ko siyang pinanlisikan ng mata. Ang dumi dumi pa namin tapos mayroon pa siyang ganang umupo sa kama! Ang hirap hirap maglinis!

"Hoy kadiri ka! Maglinis ka muna ng mukha," utos ko.

He grin at me. "Linisan mo ako. Ikaw may gawa nito."

Binigyan pa niya ako ng nakakaloko at mapang-asar na tingin.. Kadiri. He looks addict with that look and he's like seducing me.

"Yuck! Kambal kita hindi jowa."

"Hindi naman talaga ikaw ang jowa ko kung hindi si---" My eyes widened and cut his words.

"Oh. My. God. May nabingwit ka na?! Hindi ka bakla Bal!"

I shouted with rejoicing. Ball is not in a relationship with codes now! Sa totoong tao na! I'm so happy for my twin. Akala ko talaga bakla siya dahil wala pa siyang girlfriend since birth.

Mukhang nadulas siya sa akin. Tae 'tong kambal ko, hindi nakukuwento!

"Huwag kang maingay! Ikaw pa lang ang makakaalam."

"So totoo nga?! Spill it! Sino 'to?"

Umupo ako sa tabi ni Bal. Pareho pa ring mayroong whipped cream ang mukha namin. Okay lang sa akin basta makasagap ako ng chismis tungkol sa lovelife ng kambal ko. 

Titiisin ko ang lahat ng lagkit. Charr. Bahala na rin ang bed sheet na gamit ko, lalabhan ko na lang.

Nagkuwento na sa akin si Stair, nakilala raw niya 'yung babae noong undas. In fairness sa kakambal ko, nagsimula ang love story sa sementeryo.

Hindi pa pala sila! Ang bagal ng kakabal ko, nililigawan pa lang daw niya kasi. He said that he wants to take it slow. Sabagay si Nash nga almost three months nang nanliligaw sa akin pero hindi ko pa sinasagot.

"I think I love her Bal."

"Teka lang, mahal mo agad dalawang buwan pa lang kayong nagkakakilala?!" pasarin ko.

"Time doesn't matter in terms of love. Kayo rin kaya ni Nash. Buti nga pumayag akong ligawan ka niya noong nagpaalam siya sa akin sa ospital."

"Wait. What?!" Naguguluhan kong tanong.

Kaya ba pinabili ako ni Bal noon ng pagkain nang bumisita si Nash? He talked to Nash regarding me?

Mukhang nasubok na pala ni Bal si Nash eh! Bantay sarado talaga lahat ng lalaki ko sa kakambal kon ito.

"Huwag kang magseselos pero nauna pa niyang hingin ang kamay ko, ng mga kaibigan natin, ni Tita Aliza at nila Mama kaysa sa iyo."

"What do you mean?"

"Putek nahigop na ba ng whipped cream 'yung utak mo? Syempre bago manligaw si Nash sa iyo, dumaan muna siya sa amin."

Pinagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari. 'Yung bulalak at kandila sa puntod ng mga magulang ko, si Nash ang may dala noon? Nang makita ko siya na nakikipaglaro sa tricycle drivers, hindi lang ba nagkataon 'yun?

I asked all of this to Stair and he says yes. It was all planned by Nash. I cannot believe! Hindi ko rin maiwasan ang kiligin. Sa panahong ito, mayroon pa rin pa lang lalaki na hindi lang ang babae ang liligawan niya. Hihingi muna siya ng permiso sa mahal niya sa buhay.

Nash was so sweet. I can't deny it.

"WHAT THE?! ANONG NANGYARI SA INYO?!"

Napalingon kami sa sumigaw sa may pinto ng kuwarto. Nakita namin si Aera roon at parang nakakita ng multo dahil sa gulat. Hindi namin namalayan na nakapasok na pala siya sa bahay namin.

Napahawak ako sa aking mukha, hindi pa pala namin naalis ni bal ang whipped cream at natutunaw na ito.

"Nagta-try lang kami ng bagong skin care," pabiro kong sagot.

"Gusto mo i-try?" Gatong ni Bal at nandiri si Aera sa amin.

Sinabihan niya kaming maglinis na ng aming mga katawan. Kadiri raw kaming dalawa. Maka-kadiri siya sa amin wagas, hindi naman tae ang nasa mukha namin kung hindi whipped cream.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

BUONG maghapon ay naghanda kami para sa darating na Media Noche. I opened my social media accounts earlier, ang daming bumabati ng Happy Birthday.

Aqui posted epic pictures of me. Ganti raw niya sa niregalo ko sa kaniya. Pati si Quias binati rin ako. Ang daming mga fans namin ang bumabati sa akin at kay Bal. Ngunit napasimangot ako ng hindi ko makita ang pangalan ni Nash.

Nang sumapit ang alas diyes ng gabi, nag-video call kaming Sixth of Ace. Hindi sila makakapunta ngayon sa birthday namin ni Bal dahil mayroon silang kani-kaniyang lakad ngayong bagong taon. Pwera na lamang kay Aera.

Coast:
[What's up Xeidrine and Stair?!]

Napatawa kami ni Bal sa bungad sa amin ni Coast sa video call. With matching actions pa ang pagkakasabi niya.

Keist:
[Welcome back to our YouTube Channel!]

Aera:
[So, for today's video, we are now serenading our two birthday celebrants.]

Aba, mayroon pala silang hinandang pakulo. Si Aera nasa kabilang bahay lang akala mo ang layo namin sa isa't isa.

Axti:
[Three, two, one!]

Nag-beat si Axti gamit ang kaniyang drums, si Keist naman sinimulan nag mag-strum sa kaniyang gitara. Halatang naghanda ang mga kaibigan ko, in fairness sa kanila.

♬♪Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy happy birthday day dear twins
Happy birthday to you♬♪

Hindi namin mapigil ang tawa ni Bal sa kanta nila. 'Yung mga loko kasi kung makakanta akala mo may patay sa sobrang lungkot. May pa-props pa sila Coast at Aera na wari umiiyak.

♬♪Maligayang bati sa iyong pagsilang
Maligayang maligayang bati
Maligayang bati Kambal♬♪

Aba mayroon pa pala silang hinandang tagalog version. Akala ko ay tapos na sila. Pagkaraan nilang kumanta, hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko dahil sa mga pinaggagawa nila.

Coast:
[Xeidrine at Stair kung nasaan man kayo, mahal na mahal namin kayo. Huhuhu!]

Aera:
[Maraming salamat sa mga alaala kambal. Gabayan ninyo kami riyan sa taas Huhuhu!]

Ang sarap pagbabatukan! Akala mo nga namatayan sila dahil sa tono ng boses nila. Mayroong kinuha si Aera sa tabi niya na isang malaking tarpaulin. Nang binuksan niya to, nanlaki ang mga mata namin ni Bal.

Nakalagay kasi sa tarp ang epic na pagmumukha naming dalawa at mayroon pang background na ulap at kalapati. Akala mo patay ang may birthday.

"Mga hinayupak kayo! " Natatawang saad ni Bal.

Hindi ko na rin mapigilan ang tawa ko. May toyo talaga ang mga kaibigan ko! Puro kalokohan ang alam!

Coast:
[Hoy pinag-effortan ni Axti ang pag-eedit dito. Buti nga napag-edit namin siya for the first time!]

Keist:
[Gumaganti kasi sa inyo, ilagay ninyo naman daw ba mukha ni Axti sa isang sperm cell.]

Namayani ang tawanan naming lima bukod kay Axti na ang sama ng tingin sapagkat pinaalala na naman 'yun ni Keist.

Tuwing may magbe-birthday kasi sa amin, ginagawan namin ng tarpaulin. Noong birthday lang ni Aera ito nagsimula. Nag-edit kami ng pic niya na parang wanted siya, sumunod si Axti na nakalagay ang mukha sa sperm cell kagaya ng sinabi ni Keist. Ngayon, kami naman ang napagdiskitahan.

"Humanda na kayo Coast at Keist, kayo na ang susunod."

Nakaisip na ako ng kalokohan sa mga pagmumukha nila Coast at Keist. Nagpatuloy kami sa pag-aasaran at kwentuhan. Nang sumapit ang alas onse ng gabi ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Isang oras na lamang at birthday na ni Bal at Bagong Taon na.

Dumating na rin sila Tita Aliza at Aera dahil sabay kaming magdiriwang ngayon. Dala ng pinsan ko ang tarpaulin na mayroong pagmumukha namin ni Bal.

Habang hinihintay namin ang pagsapit ng alas dose ng madaling araw, hindi ako mapakali. Ilang beses ko nang chine-check ang phone ko ngunit wala pa rin siyang paramdam. Hindi pa rin bumabati si Nash.

"Hoy Bal! Ten minutes nalang birthday ko na bakit ganiyan ang pagmumukha mo?"

"W-wala. Nami-miss ko lang sila Mama," I said with half lie and half truth.

Totoong nami-miss ko sila Mama dahil ito ang una naming kaarawan na hindi namin sila kapiling. Half lie dahil hindi naman ito ang dahilan kung bakit ako malungkot. Tanggap ko na nawala na sila Mama.

Mag-iisang taon na rin kasi simula noong namatay sila. Ewan ko ba, noong mga nakaraang buwan ay hindi ko pa matanggap na wala na sila pero ngayon ay ayos na sa akin. Wala naman na akong magagawa kung hindi ang to accept the fact that my parents was already gone.

Malungkot ako dahil ni anino o chat man lang ni Nash hanggang ngayon ay wala. Kung kailan birthday ko tsaka siya walang paramdam. Ito pa naman ang kauna-unahang birthday ko na kasama siya.

"Bal, huwag ka nang mag-emote riyan. Birthday natin at Bagong Taon na oh. Tsaka hindi naman nawala sila Mama, nandito sila sa ating puso. Kahit kailan ay hindi nila tayo iniwan."

Dahil sa mga salitang binitiwan ni Stair ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Tama siya. Our parents never leave us. I hugged my twin and he does the same.

"Ngiti na Bal. Papanget ka lalo."

Hinampas ko mahina ang kaniyang dibdib. Tuwing malungkot ako, lagi niyang sinasabi na papanget ako kapag nakasimagot ako. Kaasar. Pero effective 'yun lagi dahil napapangiti niya ako.

"Bwisit ka talaga!" I hissed.

"Ang gwapo ko namang bwisit."

Parehong-pareho talaga sila ni Aqui na sobrang hangin. Ang lakas makapag-compliment sa sarili.

"Sige pagbibigayan kita. Tutal birthday mo naman. Happy Kaarawan Kambal!"

"Kahit naman hindi ko birthday, gwapo pa rin ako," mahangin niyang tugon.

Napatigil kami sa pag-aasaran ni Bal nang parehong tumunog ang phone namin.

"Sagutin ko lang 'to," we said and chorused. We both chuckled.

Lumayo ako ng kaunti kay Bal bago sagutin ang tumatawag. Napakalalim na ng gabi at mayroon pang tumatawag.

"Hello?"

[Happy Birthday Mango Graham Shake]

Napatingin ako sa cellphone kung sino ang caller. It was Nash! Hindi ko man lang napansin na siya ang tumawag. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Nash didn't forget my birthday! At sakto pa talagang 11:59PM siya bumati ah. Muntik nang 'di umabot.

"Akala ko hindi mo na ako babatiin," wika ko na mayroong tampo sa aking tono.

[Pwede ba 'yun? I just waited for the last minute of the day para batiin ka.]

"Why do you always want to be my last?" I asked him.

I asked him. I just noticed last time he was the last person that I danced with at the acquaintance party and the last person I talked to before Christmas.

[I know Xeidrine in terms of acads and other extra-curricular activities I'm always first—]

"Hangin," singit ko.

We both chuckled and Nash continues what he's saying

[But seriously, in terms of you, I know I'm not your...] he paused for a while and I heard that he sighed. [First crush, man and such, but I can be your last Xeidrine. It was hard to explain, but in love, it doesn't important who's first. Ang mahalaga ay kung sino ang huli na makakasama mo habang buhay...]

Napatahimik ako sa sinabi niya. Bigla na lamang nag-init ang aking mukha at ramdam ko parang namumula ito. Lumakas din ang pagkabog ng aking dibdib.

[Look at the sky Xeidrine.]

I followed what he said. Nagpuputukan at nagkakaingay na, it means that New Year na.

"Happy New Year Mango Graham Shake..." I greeted him.

[Happy New Year Mango Graham Shake. I hope this wouldn't be the last.]

That conversation of mine with Nash is unforgettable. I hang up the phone with a smile on my face. I welcome the new year with a happy feeling.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

DUMATING ang ikatlong araw ng Enero, nagkasama-sama na rin kaming anim. Bukod sa concert via video call na ginawa nila sa amin ni Bal last time, ngayon ang inihanda nilang party para sa amin.

My friend prepares a mini party for us. There's no program just like I wanted. Sabi nila magpapa-18 roses, bills and such sila ngunit kinotra ko. I don't like a formal party like that.

Makapaghanda lang ay ayos na. Good thing ay pumayag sila. We just invite some visitors but it just our common friends.

"Happy Birthday Praise!" bati sa akin ni Aqui at binigay sa akin ang hawak niyang paper bag. He's with Khlei now.

"Thank you! Good thing you came."

Pinapasok ko sila sa venue kung saan nadoon ang iba pang mga bisita. My friend decorated our grandma's house with gray and blue banderitas, balloons and ribbons. It was a really simple party after all.

"Aqui! Regalo ko?" tanong ni Aera nang makita kong kasama ko si Aqui.

"Bakit ikaw ba may birthday?"

"Che!" wika niya at bumaling sa katabi ko, "Khlei, buti nahila ka rito ni Aqui? Alam mo na..."

Binitin ni Aera ang sasabihin niya at mukhang na-gets naman ni Khlei. "Si Xeidrine naman ang pinunta ko rito hindi siya."

"Okay. Tara kain kayo!"

Hinila kami ni Aera papunta sa table kung nasaan angmga pagkain. Akala mo siya ang may birthday. Nang makakuha kami ng pagkain, we find a table and eat there.

"Nasaan nga pala si Stair? Hindi pa namin siya nakikita," sambit ni Aqui.

"Nasa tabi-tabi lang siya, kausap siguro ang mga kaklase niya."

I searched around and I was right. My twin was with his classmate. Sila Coast naman ine-entertain ang ibang mga bisita.

Napahinto kami sa pagkain nang biglang lumapit si Axti sa amin. Huminto siya sa tapat ni Khlei.

"Khlei, let's talk."

Tumingin muna si Khlei kay Aqui at para bang hinihingi ang permiso ng kaniyang pinsan. Tumango naman si Aqui at tumayo na si Khlei. Umalis na ang dalawa at naiwan kami nila Aera sa table.

"Kapag mayroong ginawang masama 'yung kaibigan n'yo sa pinsan ko, pasensyahan na lang."

"Kaya mo ba si Axti?"

Aqui just nodded and we continue eating. After we finished our food, we decided to talk about some stuffs.

"Legal na si Xeidrine. Pwede nang makulong," pabirong sambit ni Aqui.

"Ikaw ikukulong ko eh!"

"Saan? Sa bisig mo?"

I rolled my eyes on Aqui's pick up line. Nakasinghot ata siya ng katol kaya ganito siya makabanat ngayon.

"Hoy may Nash na 'yan. Hanap ka ng iba," bwelta ni Aera.

"Speaking of Nash, nasaan siya?"

Nagkibit balikat ako. Ang huli pa naming pag-uusap ay noong New Year at hindi na ito nasundan pa. I don't know what happened to him.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NANG sumapit ang alas otso ng gabi, nagsiuwian na ang mga bisita namin. Kami nalang ng mga kaibigan ko ang natira. Magi-sleep over daw sila rito ngayon since matagal kaming hindi nagkita.

Actually, I didn't enjoy the party that much. I don't know, but I feel empty. Parang mayroong kulang.

Nasa sala 'yung apat, nagbihis muna ako para sa sleep over namin. Papunta na sana ako sa kanila ngunit nakita kong nakabukas ang kwarto ni Bal. Nandito ba siya?

Sumilip ako sa kwarto at nakita kong nakaupo siya sa kama niya at nakaharap sa phone. Mayroon siyang kausap dito. Mukhang 'yung bebe niya.

Dumeretso na lang ako sa sala at hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap nila. Sana all ka-video call ang bebe nila.

Nang makarating ako sa sala, nandoon ang apat at naglalaro. Hindi ko na lamang sila pinansin at naupo na lamang ako sa isang sulok.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung mayroong text or chat galing kay Nash pero wala. Bakit kaya hindi siya nakapunta? Wala naman siyang sinabi sa akin.

Siguro may plano na naman si Nash. Baka nga mayroon siyang surprise sa iyo Xeidrine. Think positive.

"Hoy Xeidrine! Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Ay palaka!"

Nagulat ako sa sigaw ni Coast. Binato pa niya ako ng unan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"You're spacing out," Axti said.

Nakatingin silang lima sa akin. Hindi ko alam na nandito na rin pala si Bal sa sala. Tama nga ata si Axti, I'm spacing out.

"Paanong hindi magiging lutang 'yan eh mayroon atang hinahanap. Hindi kasi sumipot kanina sa party," wika ni Aera.

I rolled my eyes. Kailangan talagang ipamukha na hindi sumipot si Nash sa party?

"Ano?" Keist asked.

"Hindi ano, kung hindi sino" sabi naman ni Coast at tumingin sa akin ng nakakaloko. I glared at her.

"Tumigil nga kayo. Hindi ko hinahanap si Nash," palusot ko.

Mas lalo pang ngumiti ito ng nakakaloko at sumama na si Aera. Ang sarap nilang pagbuhulin!

"Tunay nga ang sinasabi nila na ang isda ay nahuhili sa kaniyang sariling bibig."

"I'm not a fish."

"But you're finding Nash," banat ng aking pinsan.

Fine. Talo na ako sa kanila. Ano naman kung hinahanap ko si Nash? I expected too much. This was my first party with him but he didn't come.

"Alam mo Xei, sagutin mo na kasi si Nash para official na kayo at mayroon ka nang karapatan sa kaniya."

I shook my head on what's Coast said. Parang ang bilis naman ata noon? Sasagutin ko kaagad si Nash after three months? Dalagang Pilipina kaya ako.

Tsaka isa pa, Nash promised me that he will wait for me. Kahit gaano pa ito katagal. And also, I don't want to rush things between us. Just like Stair and his girl. Kambal nga kami, pareho naming ayaw minamadali ang bagay-bagay.

"Hindi na uso ang matagal na panliligaw ngayon. Tingnan mo ako may jowa na ulit."

"Huwag mo akong igaya sa iyo Coast."

"Sa ating anim, kayo na lang kambal ang walang jowa!" Aera stated.

Wow. Akala mo itong pinsan ko may jowa. Lagi namang kinakalimutan. Charr.

"Akala n'yo lang wala," my twin whispered at sapat na upang ako lang ang makarinig. Inlababo na talaga ang kakambal ko.

"Enough with that jowa thing., suway sa amin ni Axti. Problema nito?

"LQ ata kayo ng jowa mo. Huwag mo kaming idamay sa ka-bitteran mo Titus Axle!"

Axti didn't mind what Aera said and he just rolled his eys. Makairap 'tong kaibigan ko daig pa babae.

"Tama si Axti, balik tayo kay Xeidrine. Alam naming miss mo na 'yung MGS mo kaya bigay mo na Coast."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Bal. "Anong bibigay sa akin?"

"We already know that Nash can't come today because of some reasons."

My eyes widened. So, all this time alam nila? Hindi man lang nila sinabi sa akin. Wow. Umaasa akong dadating si Nash.

Coast gave me a flashdrive and she said there's a video there. So, I get our laptop and immediately played it.

Bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Nash. Hindi pa siya nagsasalita, napawi na kaagad ang aking kalungkutan.

"Xeidrine, my Mango Graham Shake, Happy Birthday again! I'm sorry if I cannot come to your party. I have an emergency but don't worry about me, I'm okay. Just enjoy your party."

Nash smiled at the video and assured me that he was really okay. After hearing his voice, my heart keeps rejoicing.

"Even my presence was absent, but always remember that in your heart, I'm always present. I already said my message to you last time. Babawi na lamang ako sa iyo. Pangako."

He never fails me. Even he's not here, just like what he said, I can feel that I'm with him.

"Mango Graham Shake, palangga ta ka, ta amo yo contingo, kaluguran da ka, hinigugma ko ikaw, aku kaimu... Tandaan mo, ikaw lang ang minamahal ko..."

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

746K 28.8K 44
City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used to this, except when it came to her lovel...
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
38.4K 1.7K 73
"They say that Omegle is a site for bored people. But for her case... she's broken not bored." Epistolary #1
1.1K 106 43
an epistolary ; dulce & jake