Unbreak My Heart

Von BhebeCheekay

41.8K 990 130

SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong... Mehr

S Y N O P S I S
E X C E R P T
A N O T H E R E X C E R P T
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
๐Ÿ˜…PROMOTION๐Ÿ˜…

Chapter Twelve

703 24 2
Von BhebeCheekay

Dedicated tonorthville6

Hiding in Anger

Halos naging ganoon na ang naging araw-araw na buhay ni Scarlett. Ihahanda niya ang susuotin ni Andres  pangtrabaho para lamang mapagod dahil hindi naman din iyon susuotin ng asawa. Maghahanda siya ng almusal upang ignorahin lang din ng lalaki. Sa hapo'y sisiguraduhin niya na makakauwi ng maaga upang ipagluto rin ng hapunan ang esposo ngunit hindi rin naman nito iyon kakainin.

Ni hindi pa sila nagkasabay kumain kahit na minsan. Ni hindi magawang suotin ni Andres ang inihahanda niyang damit para rito. Wala ring gabi na hindi ito umuwi ng lasing. Nalaman niyang mayroon palang maliit na silid ang study room na malamang ay ginagamit ni Andres upang tulugan sa gabi dahil hindi pa rin ito nakatabi sa kanya na matulog. Kahit sabado't linggo pa nga ay hindi rin napipirmi sa bahay ang lalaki.

Nais man ni Scarlett na sukuan na ang sitwasyon ay hindi niya magawa. May kung anong bagay na pumipigil sa kanyang pagkatao. Sa tuwina ay idinidikta ng kanyang damdamin na huwag siyang mawalan ng pag-asa. Kaya ngayon, nagtitiis siya.

Sa katunayan ay anim na buwan na siyang nagtitiis sa pagsasamang ito. Anim na buwan na siyang umaasa sa isang relasyong wala naman talagang kasiguraduhan, walang label.

Walang gabi na hindi siya umiiyak, nagtatanong sa Diyos kung anong kasalanang nagawa niya at walang magkagusto na mahalin siya kahit isa. Lalo na mula sa mga taong mahalaga sa kanya. Pakiramdam niya ay nabubuhay lamang siya upang maparusahan sa mga kasalanang ni hindi niya matandaang ginawa niya.

Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Hanggang ngayon ay wala pa ring nabago sa hitsura niya. Wala pa ring kasiyahan ang mga mata niya. At mukhang wala ng pag-asa pang magkaroon ng ningning ang mga iyon.

"Let's go!" Pukaw ni Andres sa atensyon niya.

Tinignan niya ito saka tumayo. Nauna na itong lumabas ng silid.

Anibersaryo ng kompanya ng mga Guillermo. At obligado siya na dumalo sa pagtitipong iyon dahil asawa siya ni Andres. Nananatili sa dibdib niya ang kaba. Malipas ang anim na buwan ay ngayon niya lang muli makakaharap ang pamilya ng asawa. Sabihin pang hindi dumalo ang mga ito sa kasal nila dahil sa matinding pagkadisgusto sa kanya. Siguradong mapapabilang na naman ang gabing ito sa isa sa mga hindi magandang tagpo ng kanyang buhay.

Bumuntong hininga siya bago tuluyang nilisan ang silid. Habang nasa gitna ng hagdan ay natanaw niya ang naiinip na mukha ni Andres. Nagtuloy siya sa pagbaba hanggang sa sulyapan siya ng lalaki. At kung tama ang basa niya sa emosyon ng mukha nito ay nababanaag niya ang namamanghang tingin nito sa kanya.

Why, she is indeed beautiful. Glamorously beautiful, perhaps. She was wearing a red off shoulder dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Hapit na hapit ang tela ng damit sa kanyang kurbadang katawan. Nagmake-up siya ngunit hindi gaanong makapal. Itinaas niya ang kanyang buhok ngunit may ilang hibla na inilaglag sa mukha. She could pass as a beauty queen especially that her height is a plus. Not to even mention her wit.

Nang nasa pinakaibabang baitang na siya ay bigla na lang tumayo si Andres at dali-daling tinungo ang sasakyan. She could not help herself but to smile bitterly.

Hindi niya pwedeng maipagkamali ang nakita sa mukha ng asawa. Namangha ito sa kanya. He was astonished for a moment. But then, all of a sudden, astonishment vanished. At basta na lang siya nitong iniwan.

Mahirap bang aminin para rito na namamangha ito sa kanya? Natatakot ba ito sa kadahilanang hindi niya malaman? Bakit? Magiging kabawasan ba dito kung mapagtuunan siya nito ng pansin?

She was his husband, for Pete's sake! And she was entitled of his time, effort and attention. But due to the circumstances of their marriage life, she has to bare the pain. She has to stick with her lousy plan of making him fall for her. Kahit na masakit. Kahit na mahirap.

Tinungo na niya ang sasakyan ng asawa. Sumakay siya roon at wala silang imikan sa loob ng sasakyan. Narating nila ang venue at napakakaswal lang ng pakikitungo nila sa isa't isa. Nagtuluy-tuloy sila sa pagpasok sa loob ng bulwagan. Tinunton nila ang mesa para sa pamilya ng mga Guillermo.

Binati niya ang mga magulang ng asawa pati na rin ang lolo nito. Ni isa man sa mga ito ay walang nag-atubiling ngitian siya. Inaasahan na niya ang tagpo iyon ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang masayang pagtanggap ng mga ito sa pamilya Sandoval. Naroon ang pagbebesuhan pati na rin ang palitan ng mga papuri sa isa't isa. Lalong hindi niya napaghandaan ang lantarang pagpapakita ng pagkagusto ng ina ni Andres kay Penelope.

"Why don't you dance with Penelope, hijo?" Suhestiyon ng ginang sa anak na animo'y wala si Scarlett doon.

Matamis na ngumiti si Penelope sa ginang.

"I'd love that, Tita." Eksaheradang bulalas nito saka namumungay ang mga mata na tinignan si Andres at inalahad pa ang kamay sa harap ng lalaki.

Hindi na sumagot pasi Andres. Bagkus, naoobligang tumayo ito saka inalalayan si Penelope na makatayo. Hindi pinalagpas ng huli ang mabigyan siya ng nang-uuyam na tingin.

"E-Excuse me." Aniya sa mga ito saka tumayo.

She needs air. Kailangan niyang lumayo sa mga taong iyon at huminga. Kailangan niyang kalmahin ang sarili niya. Hindi siya dapat magpaapekto.

Habang patungo sa kung saan ay nadaanan niya ang isang waiter na may dalang mga wine. Kumuha siya ng isa saka iyon dinala sa hardin ng bulwagan. Uminom siya ng wine upang kalmahin ang sarili.

Gumuhit ang pait sa kanyang lalamunan ngunit nagdulot din iyon sa kanya ng kakaibang tamis. Nagustuhan niya iyon saka inisang lagok ang laman ng kopita.

"Mi hermosa, may plano ka bang magpakalasing ngayong gabi?" Tanong ng isang 'di pamilyar na tinig.

Nilingon niya ang pinanggalingan niyon upang mapasinghap lamang sa nakita; isang guwapong lalaki ang nagmamay-ari ng baritonong tinig na iyon. Base sa suot nito ay malamang na bisita rin ito sa pagdiriwang na iyon.

Mabilis niyang pinasadahan ang hitsura ng lalaki. Gaya ng nabanggit ay may angkin itong kaguwapuhan. Marahil ay lagpas trenta na ang edad nito. May makisig itong pangangatawan at may maaliwalas na mukha. Iyong tipong palakaibigan dahil sa nakapaskil na ngiti nito sa mga maninipis na labi. Naengganyo tuloy siyang ngitian rin ito.

"You're beautiful." Hindi mapigilan na papuri nito sa kanya.

At hindi niya napaghandaan ang papuring iyon. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi at nawalan siya ng salitang ibibigkas. Nanatili lang siyang nakanganga sa harap ng lalaki habang nakatingin dito.

"Close your mouth, mi hermosa." Sabi ng lalaki na nakalapit na pala sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang baba at isinara ang kanyang bibig. "I might be tempted to kiss your sensual lips." Dagdag nito.

Marahas niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Oh, I'm sure you wouldn't want to taste lips of a married woman." Laban niya.

"Says who?" Tanong nito na ang tinig ay nanghahamon.

Nilingon niya ito. A mocking smile is pasted on his lips. Pero hindi niya maramdamang binabastos siya nito. Marahil ay paraan lang nito iyon upang magpapansin.

"Me!" Matigas na tugon ng isang pamilyar na tinig.

Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses. It was Andres. Nagulat siya sa galit na nakabadya sa nagbabaga nitong mga mata habang nakatingin sa lalaki.

"Back off, Brandon! She's my wife! And I cannot just allow others to kiss my property." Andres possessively said saka lumapit sa kanya at hinapit siya sa beywang.

Mukha namang hindi natinag ang lalaki na nangngangalang Brandon. Bagkus, nakipagtagisan pa ito ng tingin sa kanya.

"Are my eyes playing tricks on me, Andres?" Tanong nito. "Hindi ba't may kasayaw kang babae sa harap kanina? How come na hindi ang asawa mo ang kasama mong nagsasayaw roon?" Sarkastikong tanong nito kay Andres na binigyan ng diin ang salitang asawa mo. "And to think that your wife here is way more beautiful than the one you danced with." Dagdag pa nito na lantarang ipinapakita ang paghanga sa mga mata habang nakatingin sa kanya.

"It's none of your damn business, Brandon. And stop staring at my wife!" Matigas na babala ni Andres.

For the second time, he addressed her as his wife. Iyon nga lang, parang hindi bukal sa loob nito ang pahayag na iyon.

"Woahhh..." nakangising saad ni Brandon. "You are referring to this gorgeous lady here as your wife pero ibang babae ang binabantayan mo? Anong style 'yon, Andres? Isn't that what you called infidelity? To think na kasama mo pa ang asawa mo, ha?" Nang-uuyam na saad nito. "How sad, mi hermosa." Anito saka muling tumingin sa kanya.

"Don't call her that, Brandon." Asik ni Andres saka siya hinila na sa beywang upang lisanin na ang lugar na iyon. Ngunit hindi pa man nila tuluyang nalalagpasan ang lalaki ay hinawakan na siya nito sa braso.

"Mi hermosa..." Anito saka siya tinignan. "Kapag dumating ang araw na naghiwalay na kayo ng asawa mo," anito na binigyang diin ang katagang iyon. "tandaan mong nandito lang ako. Sisiguraduhin kong maaalagaan ka ng maayos sa piling ko. I will always keep you company ang happy." Seryosong sabi nito.

Ang akma niyang pagsagot ay napalitan ng tili. Paano? Agad na binigyan ni Andres ng suntok si Brandon. Pumaimbabaw pa ito sa huli ngunit hindi naman nagpapatalo kahit na nasa ilalim. Kung sa laki at lapad ng pangangatawan ay magkaparehas lang ang dalawa ngunit hindi hamak na mas mabilis manuntok si Andres lalo na't maganda ang posisyon nito.

Mabilis niyang dinulugan ang dalawa.

"Andres, stop it!" Sigaw niya habang inaawat ang asawa.

Mabilis na sumugod ang mga tao sa kinaroroonan nila at dalawang malalaking lalaki ang mabilis na bumuhat kay Andres palayo kay Brandon.

"Kapag binalaan ka na, tumigil ka na!" Singhal ni Andres sa huli.

Ngunit imbes na maapektuhan ay ngumiti lang ito. Pinunasan ng hinlalaki nito ang dugong umagos mula sa ilong.

"Why should I? Sino ka para sundin ko?" Nakuha pa nitong mang-asar habang nakangisi.

Andres gave him a deadly glare saka siya hinawakan sa palapulsuhan at hilahin palayo sa lugar na iyon. Hindi nakaligtas sa kanya ang hindi makapaniwalang mukha ng pamilya Guillermo at pamilya Sandoval lalong lalo na ang hindi maipintang mukha ni Penelope.

Halos kaladkarin na siya nito patungo sa kung saan nakaparada ang kotse nito.

"A-Andres, I-I'm hurting." Nasasaktang saad niya ngunit hindi siya pinansin ng lalaki.

Binuksan nito ang pinto ng kotse at pinapasok siya roon. Mabilis itong umikot sa driver's seat at pagalit na minaniobra ang sasakyan.

"Y-You're too fast, Andres." Sita niya rito ngunit animo'y wala itong narinig.

Mabuti na lamang at nakarating sila ng ligtas sa kanilang bahay. Halos magkapanabay silang bumaba ng sasakyan at laking gulat ni Scarlett nang muli siyang hawakan ni Andres sa palapulsuhan at halos kaladkarin papasok ng bahay. Nilagpasan nila ang nagtatakang mukha ni Nana Lora.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷

Sino dito ang damang-dama ang karakter ni Scarlett? Ang sakit grabe...

Napag-iwanan na po ang mga story ko. San na po kayo? Remember that your votes and comments count all the time...

Thankieee😘😘😘

Love lots,
Bhebe Cheekay

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

17.9K 510 27
Calyx Kheifer Huscaro, the youngest CEO who runs the Beaux Enterprise. He's known as "The Wolf of the Beaux Entre". He's tall, handsome, rich and sma...
123K 6K 51
"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito ๐Ÿ˜Š thanks!
1.1K 126 22
They both fell in love. SHE fell in love with HIM. HE fell in love with HIM. You're right, she fell in love with a gay.
257K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.