Unbreak My Heart

By BhebeCheekay

42.2K 990 130

SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong... More

S Y N O P S I S
E X C E R P T
A N O T H E R E X C E R P T
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
😅PROMOTION😅

Chapter Two

968 24 1
By BhebeCheekay

Dedicated to macristinacompuesto

All I Need

Dahil sa napakaraming negatibong nangyari kay Scarlett ay hindi muna siya dumeretso sa bahay niya. Bagkus, dumaan muna siya sa isang parke na sa oras nang gabi ay wala masyadong tao. Madalas niyang gawin ang bagay na iyon. Doon siya sa parke naglalabas ng sama ng loob bago siya umuwi. Hangga't maaari ay ayaw niyang umuwi sa bahay niya nang may bitbit na saloobin dahil ang bahay na iyon ang kauna-unahan niyang ipinundar.

Nang iposisyon siya ng ama-amahan sa trabaho ay nagsabi siya rito na nais niyang lumipat ng bahay. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya ang lungkot na dumaan sa mga mata nito ngunit isa lang ang sigurado niya, tuwang-tuwa ang maybahay nito pati na rin ang anak nito dahil sa desisyon niyang lisanin ang mansiyon.

At simula nang makalipat siya nakaramdam siya ng kalayaan. Nakakakilos siya ng walang mga matang nakatingin sa kanya, nakakain niya ang anumang pagkaing naisin, wala siyang iniisip na ibang gawain maliban sa trabaho at hindi niya inaalala ang mga taong kanyang paluluguran. Sa madaling salita, nakahinga siya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nagmistula siyang isang ibon na nakawala sa hawla. Malayang nakakalipad anumang oras ang naisin niya kahit na nga ba sabihin pang gapos pa rin siya ng mga obligasyong galing sa hindi mabayad-bayarang utang na loob. At hindi niya alam kung hanggang kailan siya igagapos ng nakaraan at kahapon. Hindi niya alam kung kailan niya matatamasa ang kalayaang matagal nang ipinagkait sa kanya. Gayunman, sa yugtong iyon ng buhay niya ay hindi pa rin siya sumusuko. Matatag ang paniniwala niyang may hangganan ang lahat.

Umupo siya sa duyan na gawa sa bakal. Pinagmasdan niya ang mala-kadenang hawakan niyon. Noong bata siya ay hindi man lang niya naranasang magsaya habang nagduduyan. May duyan si Penelope sa likod ng mansiyon ngunit mahigpit na ipinagbabawal sa kanya ang paggamit niyon. Ni hindi rin siya naisama sa parke ng pamilya Sandoval ni minsan kaya hindi niya kailanman naranasan ang magsaya sa buong kabataan niya.

Nagsimula siyang dumuyan ngunit mahina lang. Nakakailang balik pa lang siya ngunit bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Lumabas na naman ang bigat ng kanyang mga alalahanin. Hindi na naman niya napigilan ang mapaiyak. Huminto siya sa pagduyan at sinapo niya ang kanyang mukha. Yumuko siya at ang kanyang mga hikbi ay naging hagulgol. Yumuyugyog ang kanyang mga balikat sa malakas na pag-iyak. Hindi na niya napigilan ang pagsabog ng emosyon pati na rin ang walang katapusang pagdaloy ng mga mapapait na alaala ng kanyang buhay.

"Ano ka bang bata ka, ha? Hindi ka ba talaga titigil?" Masama ang tingin ni Carlotta sa tatlong taon na anak na si Scarlett na patuloy niyang hinahampas sa binti sanhi upang lalo mapaiyak ng malakas ang bata.

Noong dumating si Perlita, ang lola ni Scarlett, upang awatin si Carlotta sa ginagawa nito.

"Ano ka ba,Carlotta?" Matigas ang tinig ni Perlita sa pagpigil sa anak saka ito inawat sa pagpalo sa kanya. "Hindi ka na naawa sa bata!" Anito saka siya binuhat. "May sakit ang anak mo, Carlotta! Bakit imbes na alagaan mo'y kulang na lang patayin mo!" Galit na sabi ng kanyang lola sa kanyang ina habang inaalo siya. "Tignan mo nga't inaapoy ng lagnat. Ni hindi mo pa yata ito napapainom ng gamot." Akusa nito.

Nanlilisik ang mga mata ni Carlotta habang nakatingin sa kanya.

"Bakit ko naman pag-aaksayahan ng panahon na pagalingin ang batang iyan? Ano ang mahihita ko kapag ginastusan ko 'yan?" Bulyaw nito sa ina.

"Diyos ko naman, Carlotta! Anong klaseng ina ka! Hindi naman kita pinalaki ng ganito, ah." Nanghihinang sabi ng kanyang lola saka naghagilap ng bimpo at maligamgam na tubig habang buhat buhat siya nito sa tagiliran nito.

"Iba naman ang sitwasyon niyo, 'Nay. May katuwang kayo sa pagpapalaki sa'min. Nandiyan si Tatay." Katwiran ni Carlotta sa ina. "Eh, ako? Hindi na 'ko binalikan ng lintik na ama niyang letseng batang 'yan!" Sigaw nito.

Inilapag siya ng kanyang lola sa papag saka pinunasan.

"Eh, 'di hindi ka sana nagpabuntis na gaga ka! Bakit ba pilit mong ibinubunton sa bata ang kasalanang ikaw naman ang may kasalanan?" Sabi ni Perlita sa magaling na anak.

Naupo si Carlotta saka sinapo ang noo.

"Nangako siya, 'Nay, eh." Naiiyak na saad ni Carlotta. "Nangako siya na bibigyan ako ng magandang buhay."

"At naniwala ka naman." Sansala ni Perlita.

"Eh, hindi ko naman ho alam na pamilyado pala ang lintik na lalaking iyon! Pinaasa lang ako sa wala ng tarantadong iyon!" Galit muli ang tinig nito.

Umiling-iling ang matanda. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng anak.

"Anak mo ngayon ang pinagdidiskitahan mo?" Anang matanda habang pinapalitan siya ng damit. Pagkatapos niyon ay binuhat siya nito saka inihilig sa balikat nito. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit may anak ka ngayon. Hindi mo dapat ibinubunton ang galit mo sa bata dahil wala siyang kasalanan!" Sermon ng matanda kay Carlotta. "Ikaw ang tangang naniwala sa lalaking iyon at walang kinalaman doon ang batang ito. Magpakaina ka, Carlotta. Huwag mong hayaan na lumaki ang batang ito na ganyan ang pakikitungo mo sa kanya!" Patuloy ni Perlita.

Iritableng tumayo si Carlotta saka inis na nagkamot ng ulo.

"Hindi ko ho kayang magpakaina sa lintik na batang iyan!" Bulyaw nito. "Simula nang dumating 'yan sa buhay ko, nagkandaletse-letse na ang lahat! Sinira ng batang iyan ang buhay ko! Malas 'yang batang 'yan! Malas!" Dagdag nito.

"Nababaliw ka na, Carlotta!" Sigaw ni Perlita sa anak. "Ang alam ko'y walang ina ang makatitiis sa kanyang anak ngunit nagkamali ako. Dahil meron pala! At nagkataon pang anak ko!" Sabi nito saka nagtuloy sa kwarto nito at inilapag sa papag na may manipis na kutson ang batang si Carlotta.

Dahil sa hindi magandang pagtrato ni Carlotta sa kanya ay nagkaroon siya ng matandang pag-iisip. Sa edad na tatlo ay katumbas na ng limang taong bata ang isip niya. Matatas na siya kung magsalita at marunong ng mangatwiran sa isip dahil hindi naman niya iyon maaaring isatinig. At maraming beses pang naulit ang ganoong pangyayari sa pagitan nila ng kanyang ina at lola.

Isang araw, sa kasagsagan ng mainit na sagutan ng kanyang lola at ina, ay bigla na lang sinapo ng matanda ang dibdib dahil pinanikipan ng hininga. Tumumba ito sa sahig at histerikal na dumulog si Carlotta sa nangyari sa ina.

Nagsisigaw ito upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay ngunit nang madala sa ospital ay sinabing patay na ito nang dalhin sa ospital at hindi na kaya pang i-revive.

"Tignan mo na ang ginawa mong bata ka!" Duro ni Carlotta sa limang taong si Scarlett. "Namatay ang Nanay nang dahil sa'yo! Namatay siya dahil sa mga pasakit na dala mo!" Anito saka tinampal-tampal ang mukha niya. "Malas ka talaga! Malas ka!" Patuloy ito sa pagtampal sa kanya hanggang sa masukol siya nito sa pagkakasandal sa pader.

Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi gamit lamang ang isang kamay nito saka siya dinuru-duro.

"Simula talaga nang dumating ka sa buhay ko, puro na lang kamalasan ang binigay mo! Wala ka nang ibinigay na maganda! Napakawalanghiya mo!" Gigil na sabi nito.

"Carlotta!" Nagbababalang tinig ni Perdie, nakatatandang kapatid ni Carlotta. "Ano bang ginagawa mo sa bata!" Hindik na sabi nito saka iniharang ang katawan sa kanya. "Hindi mo na iginalang ang burol ng Nanay." Galit na sabi nito. "Isinisisi mo pa sa batang walang muwang ang kasalanan mo! Mahiya ka naman, Carlotta!" Babala nito saka inakay patungong labas si Scarlett. Ngunit bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay nilingon siya ng kapatid at pinukol ng masamang tingin. "Kung tutuusin ay ikaw naman talaga ang may kasalanan nito. Ang pagkamatay ng Nanay ay mas nararapat na ibintang sa'yo dahil hindi mo siya napaluguran sa paraan ng pagtrato mo sa sarili mong anak!" Matigas na bitaw ni Perdie sa kanya bago siya tuluyang nilisan.

Ilang linggo matapos mailibing ang kanyang lola ay wala nang ibang ginawa ang kanyang ina kundi magsugal sa umaga at sa gabi nama'y lasing itong uuwi. At doon ay pagdidiskitahan na naman siya at sisisihin sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman lalo na ang pagkamatay ng lola niya na ang talaga namang sanhi ng kamatayan ay ang sama ng loob na ibinigay ni Carlotta rito.

Ilang buwan pa lang ang lumilipas ay ipinaampon na siya ng kanyang ina kay Frederick. At panibagong kalbaryo na naman ang kanyang hinarap sa panibagong buhay niyang iyon. Mas mahirap ang naging yugto ng kanyang buhay. Mas nahirapan siyang huminga at kumilos. Mas nahirapan siyang bumangon. Mas lalong naging madilim ang naging pananaw niya sa buhay. Nawalan siya ng kasiguraduhang umahon at kumawala sa bigat na sanhi ng konsekwensya ng buhay.

Na kahit anong pilit niyang sabihin sa sarili na kaya niya at matatapos din ang lahat ay hindi iyon ang nangyayari. Dahil habang lumilipas ang panahon, palaki lamang ng palaki ang responsibilidad na pasanin niya sa buhay. Lalo lamang siyang nahihirapang umahon dahil animo'y nasadlak siya sa isang kumunoy na panahon lamang ang mkakapagsabi kung makakawala pa siya.

"Miss, are you okay?" Untag ng isang tinig sa kanya.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷

Still enhancing the story to make it worth the wait. Dinadagdagan ko pa ng iba pang eksena para lalong gumanda sa panlasa ninyo. Sana po ay magustuhan ninyo. Please continue to support and vote to this story. 😘😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...