Stuck In My Rainbow Identity

By meriemei

4.9K 1.8K 778

[Completed] Rans Keith Abing is not a normal guy, He's strong, handsome, and Smart. And now you're asking, Wh... More

Stuck in my rainbow identity
Beki Lingo Translation
Simula
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Wakas
Author's Note

10

152 83 16
By meriemei



Chapter 10

"Rans, what was that? Salonga?" Tony asked habang nakakunot ang noong nakatingin sa'kin, He's holding his phone at tumatawag siya sa staff para magpabili ng kailangan nila para sa laban ng basketball mamaya.

"Anong Salonga pinagsasabi mo? Aanhin ko naman si Lea Salonga?" I asked him, kanina pa ako dito sa couch at hindi kami makaalis dahil hindi ko alam kung paano ako maglalakad ng normal dahil masakit parin ang hita ko.

Sabi ko sa kanila kaya ko pero itong mga protective boyfriend ko, ayaw. Ganda ko talaga!

"Pain killer..." He said dahilan para batukan siya ni Blake

"Salonpas, Bro!" Sigaw ni Blake

"Is that it? Uh, Stupid." Tony whispered

"Mabuti naman at aware ka." Pahabol ni Tayler

Awtomatikong umikot ang magaganda kong mata dahil sa ginagawa nila pero admit it, kinikilig ang lola mo! Napaka-over protective naman ng mga boyfriends ko, sino kayang unang manliligaw?

"Here," Napalingon ako nang magsalita si Nick, nakalahad ang kamay niya and He's offering me a Salonpas?! Saan galing 'to?!

"Ano 'to?" I asked him, Napakagwapong lalaki pero gumagamit ng salonpas?! Shutangina!

"Salonpas," He answered

"Alam ko pero bakit mo binibigay sa'kin 'to?" Tanong ko dahilan para mapakamot siya ng ulo, ang gwapo shutangina!

"I just have extra on my cabinet, I have that every training. It helps."

"Salamat," I mumbled and smiled at him, ngumiti naman siya pabalik at naglakad na papunta sa kusina. Chineck na 'to ng nurse ng school at sinabing hindi naman daw seryoso ang kaso ko, I just have to rest at tiisin ang kaunting sakit na mararanasan.

Pina-x ray na rin ako ni Tony at mabuti naman at wala akong natamong bali, Medyo masakit lang 'yung pagkakahampas kaya ika-ika akong maglakad. Pero sa totoo lang, kaya ko naman, gusto ko lang makita kung paano sila mag-alala. Charot!

"You want something?" Napalingon ako nang may magsalita sa tabi ko, I saw Tony holding his phone na nakatapat sa tainga niya at tila may kausap.

"Ikaw." I answered directly, He shook his head at nagsalita.

"Nope, I don't want something." He answered, what the freak?! Hindi ba siya marunong lumandi?! Shutangina, ang ibig kong sabihin, ikaw ang gusto ko pero ang sagot niya, nope I don't want something?!

Shutangina! Mag seminar ka nga kung paano lumandi, nakakaloka 'to!

Natapos kaming maglandian at naglagay na ako ng salonpas sa binti ko para mabawasan ng kaunting sakit, hindi ko alam kung gamot ba 'to sa hampas pero keri na 'yan!

'Yan lang naman ang alam kong pain killer.

Kasalukuyan kaming nasa dining at kakain ng almusal, nakaupo lang ako at hinayaan silang apat na mag-asikaso sa ganda ko.

"Here's the soup..." Nick said at mayroon siyang inilapag na mushroom soup sa harap ko, I smiled at him at tinanggap ito.

"Ito na ang hotdog." Si Tayler naman ang sumulpot habang hawak hawak ang platong puno ng hotdog, ugh! My favorite!

Natapos kaming kumain nang hindi nawawala sa maganda kong mukha ang mga ngiti ko, hindi ko naman inexpect na ganito sila kung mag-alala sa'kin. Ang akala ko hahayaan lang nila ako sa isang tabi, pero halos hindi sila makatulog knowing na hindi ako okay.

And that's a dream come true!

Parang ayoko na tuloy umalis ng matthew...

"Jacket baka lamigin ka." Blake said at mayroong siyang ipinatong na jacket sa balikat ko, hinayaan ko nalang dahil gandang-ganda ako sa role ko dito. Babaihan ang peg ko dahil sa pag-aalala nila, pakiramdam ko tuloy daig ko pa si Kylie Jenner sa ganda kong 'to.

"I called my uncle to buy a wheelchair for you-" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at agad ko ding hininto, anong pinagsashabu nito?! Hindi pa ako baldado! Hindi ako na-stroke! Shutangina.

"Hoy! Hindi pa ako baldado! Masakit lang pero kaya ko namang maglakad." Singhal ko sa kaniya, kahit kailan talaga 'to si Tony. Serious mode pero shunga shunga din pala paminsan-minsan. Nakakaloka.

"But-"

"No buts Tony, I just need some help-" Naputol ang sasabihin ko nang sabay-sabay silang sumigaw.

"Ako!"

"Here."

"Tara!"

"Come on."

"Okay? Maglalakad nalang pala ako." I said at paika-ikang nilagpasan ang mga gwapo, mahirap na baka isa sa kanila buhatin ako ng bride style. Charot! Nakakaloka naman 'tong mga 'to! Ganito na ba ako kaganda para pag-agawan nilang apat?!

"Saklay?"

"Prostetic leg?"

"Wheel chair?"

Sunod-sunod na sulpot nila sa tabi ko dahilan para mapasabunot ako ng buhok ko, nakakaloka naman 'tong mga baklang 'to! Matatanggap ko pa 'yung saklay at wheel chair pero 'yong prostetic leg?! Shutangina! Mukha ba akong kulang ng paa?!

"Nakakaloka!" I shouted at naglakad ng mabilis palabas ng deluxe house, kahit hirap ay tiniis ko para lang makalayo sa kanila. Baka kasi kapag hindi pa ako umalis, masisiraan na ako ng kagandahan sa kanila.

Napakagagwapo pero mga sinto at mukhang kulang sa buwan.

Nang marating ko ang labas ng deluxe house ay isang pink na service ang bumungad sa'kin, nakangiting tumingin sa'kin si Manong at sinuklian ko naman siya kaagad.

"Sir, pinapunta po ako ni Sir Tony dito." He said dahilan para mapangiti ako ng sikreto, secret lang ha! 'Wag niyo sabihin, sampalin ko kayo!

Sandali nga, sa ganda kong 'to, tinawag niya akong Sir?! Shutangina!

"Come on," Napalingon ako nang magsalita si Tony at inalalayan akong maka-upo sa service, mukha kaming magtropa dahil sa suot namin pero kami talaga in real life-Charot.

Nang maka-upo ay nakasimangot na sumunod ang apat at pumwesto sa likod, sa likod namin ni Baby Tony. Hihihi.

"Iba rin si Tony, ayaw patalo." Bulong ni Blake at sinuklian lang siya ng matalim na tingin ni Tony

"Tsk,"

---

Nakarating kami ng gym area at mukha nila akong kabarkada dahil sa suot nila, they are wearing their respective jersey para sa laro at mga sapatos na ubod ng gwapo katulad nila. They are wearing their white jersey terno with their surename at the back and our University name infront, it is partnered with their colorful shoes na sumisigaw ng kamahalan sa presyo.

Today is our Intramurals at puro sports and games lang ngayong araw, pwede ring magpapasok ng outsider kaya lang hindi pwede ang mga bakla dahil mayroon silang upcoming exam sa University nila. Hinayaan ko nalang dahil study first dapat ang mga bakla!

"Coach!" Blake shouted at masigasig na sinalubong coach nila, taray! Parang hindi ka baliw sa'kin ah?!

"Ready na ba kayo?" Their coach asked, mukha siyang in mid-30's dahil maayos pa ang hubog ng katawan niya, He's wearing his blue polo shirt and his black slacks, mukhang isa s'ya sa staff ng laro today...

And in all fairness, gwapo! Yummy, pwedeng-pwede pa!

"Come on, puno na ang gym." He said at sabay-sabay naman silang tumango dito, we entered the gym and the moment they step inside is also the moment na nasira nag eardrums ko. Nakakaloka!

'OMG Blake!'

'Shit ang gwapo ni Tony my loves!'

'Si Nick napaka-yummy!'

'Tayler palahi!'

Babaho ng hininga ah! First time niyo? Ako kasi everyday ko silang nakikita, ako lang 'to ha!

Maraming mga bagong mukha at marami ring kabaklaan na nagkakalat ng halimuyak dahil sa kanilang apat, maraming galing sa pinagmulan kong school at mayroon ding mga babaeng walang ibang ginawa kung hindi tumili hanggang maputol ang litid nila.

Kung nandito lang sana sina Edrianne, edi sana kanina pa tahimik ang mga 'yan sa ganda namin, I don't know lang ha.

"Good morning, everyone!" Anunsyo ng commentator dahilan para magsigawan ang mga babaihan at sang kabaklaan, nakakaloka! Ang daming kalaban!

"Today is the most awaited day! Handa na ba kayo sa Matthew all boys basketball team versus University of Santo Tomas basketball team?!" He asked, nandito lang ako sa gilid at nagmimistulang girlfriend sa tabi ng apat. Hello, ganda kong 'to? Duh!

"Hoy bakla! Mag-isa ka?" Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko, si Kyle pala shuta.

"May nakikita ka pa bang iba?" Pabalang kong sagot dahilan para batukan niya ako, kakalbuhin ko 'tong long hair na 'to e!

"Wala, wala ka kasing jowa." Pagbibiro niya pero imbes na mainis ako ay lalong lumawak ang ngisi ko.

"Ayoko nalang magtalk." Mayabang kong sabi kasabay ng pagkrus ng mga braso at pagtingin sa malayo, ayoko nalang talaga magtalk! Bahala na siyang mag-observe.

"Bakit?"

"Basta ayoko nalang magtalk..." Ani ko at mukhang Irita na sa'kin si Kyle dahil sa itsura niya, naputol naman ang pag-uusap namin nang bumalik sa Blake sa pwesto namin at nakangiting kumaway.

"Rans! May ni reserve akong seat para sa'yo, doon oh!" He said habang nakaturo siya sa bakanteng bench malapit lang sa seats ng mga players, nginitian ko naman siya at pasimpleng itinago ang buhok sa likod ng tainga ko.

Siyempre imagination lang, papansin talaga 'tong make face ni Kyle.

"S-selemet..." I responded at kumaway na sa'kin si Blake at bumalik na sa loob ng court, kasalukuyan silang nag-uusap kasama ng coach nila at ang team captain na si Blake-Uh! Ang gwapo kapag nagtuturo! Shutangina naman!

"Pokpok bakla ah!" Pabiro akong hinampas ni Kyle at bahagyang natawa, binigyan ko lang siya ng iling and I wave my hands.

"Shh, ako lang 'to." Pagyayabang ko

"Tara manood na tayo, landi nito." He mumbled at nagsimula na kaming maglakad papunta sa reserved seat namin.

Pumito na ang referree hudyat na magsisimula na ang laro, first game palang at masasabi kong magaling ang Matthew team, lalong lalo na ang apat. Unang nakapuntos si Blake dahilan para uminit ang laban, bawat puntos ay may kaakibat na sigaw at hampas ng baklang katabi ko. Nakakaloka!

Second game na at lamang na lamang parin ang Matthew sa UST, everyone was cheering their team except me na hindi mapakali dahil sa sobrang kaba. Natapos ang second game at lumamang ang UST, third game na at mas naging mainit ang laban nang maagaw ng Matthew ang bola laban sa UST. Halos mabingi ako sa ingay nang mag-three points si Blake!

'Jowa ko 'yan tangina niyo!'

'Putangina i-shoot mo Blake! Sige pa!'

Napangiwi ako nang marinig ko ang sigawan ng mga minor at mukhang taga-UST pa, halos maputol ang litid nila kakasigaw, sa'kin lang naman ang bagsak niyan-Charot!

Natapos ang third game at lamang na lamang ang Matthew ng 13 points, last game na at matatapos na ang semi-finals ng game. Kung sino man ang mananalo ay magpoproceed sa finals at kakalabanin ang La Salle, which is the school na mayroong mataas na number of wins when it comes sa basketball, here in manila.

Mainit na mainit ang laban, kasing init ng pagmamahal nila sa'kin-Eme! Last 20 seconds at si Tony ang may hawak ng bola, halos dumugo ang labi ko kakakagat dahil sa kaba.

Last 15 seconds at lamang ang UST ng 2 points sa kanila, it's either mag-2 points shoot si Tony for tie or mag-3 points shoot siya para manalo sila. Ipinasa ni Tony ang bola kay Blake, last 10 seconds nalang at pumwesto si Blake para mag-3 points shoot.

Last 6 seconds...

"Number 12 for three!" Sigaw ng commentator dahilan para maghiyawan ang mga taga-Matthew dahil sa tuwa. Kahit kaming dalawa dito ni Kyle hindi mapakali dahil sa kilig at tuwang nararamdaman, nanalo ang Matthew!

Natapos ang game at nasa gitna parin sila ng court para magsaya, hinila ako palapit ni Kyle sa apat at nang makarating ay nginitian ko lang sila.

"Go USTe, Go USTe, Go Go Go Go!" Sigaw ng mga bastos na babaeng walang ibang ginawa kung hindi mag-ingay. Nakakaloka.

"Ang iingay ng kipay, talo naman." I whispered kasabay ng pag-irap ko, hindi ba sila marunong rumespeto? Nasa locker room na ang team nila at puro Matthew na dito, papansin lang?

Mukhang narinig ako ng mga tilapia dahil nagsilapit sila sa'min at tila manunusok ang mga kilay dahil sa sobrang tulis. Burahin ko 'yan e! I don't know nalang.

"Excuse me? Ano naman kung talo kami? Atleast mayroong girls sa University namin unlike here, super plain and..." She looked at me from head to toe at saka tumawa kasama ng mga kapwa tilapia niya.

"What do you call it? Uh-huh! Yeah, boring!" She said at sarkastikong tumingin sa'ming dalawa ni Kyle, nararamdaman kong nakayukom na ng kamao si Kyle kaya hinigpitan ko ang hawak sa laylayan ng damit niya. Mahirap na, baka biglang magsplit 'to sa ere at masipa ang mga tilapia, makasuhan pa kami ng animal abuse.

But I remember this fish, sa tingin ko nakakita na ako ng ganiyang mukha. Hindi sa palengke, sa ibang lugar.

"Is there a problem here?" Natigilan kami nang magsalita si Tony, nilingon ko siya at nakita ko silang apat na matalim ang tingin sa dalawang tilapiang nakatayo sa basketball court. Shokot talaga!

I don't know, ngayon lang ako nakakita ng tilapiang nakatayo. Only here in Matthew!

"T-Tony! You did great! I love your stunts!" Sabi ng isa na mukhang leader ng mga tilapia.

"Hi baby Blake..." Malanding bati ng isa sa mga tilapia na pamilyar sa'kin, alam ko nakita ko na talaga siya!

Got it! Siya 'yung pumunta sa deluxe house at nagsabing, can't wait for the outcome! Oo, siya nga! Galing ko talaga! Anong ginagawa ng mga 'yan dito?

"What's happening, Rans?" Nick asked and I just shrugged, hindi ko naman talaga alam! Bigla nalang silang sumugod na tila ba may ginawa akong masama, dinaan ko lang naman sa ganda.

"Elisha? Diana? Anong ginagawa niyo dito?" Takhang tanong ni Blake pero isang malaking ngisi lang ang iginanti ng dalawa. Tila tuwang-tuwa sila sa reaksiyon ng apat kahit na wala namang nakakatuwa. Mga siraulo, shokot!

"Supporting my babe, what else should I do here?" Malanding sabi ni Diana at malanding hinaplos ang braso ni Blake, habang siya naman ay naka-kunot noong nakatingin dito.

"Mag-usap tayo mamaya, Diana." Malamig niyang tugon, landi naman nitong Diana na 'to! Ano ka ngayon ha?! Sino ba 'to?!

"Elisha..." Maawtoridad na sabi ni Tony dahilan para kiligin si babaita.

"Yes my Tony?" Malandi niyang sabi at hindi na nagsalita si Tony at hinintay nalang siyang magpatuloy. Hindi ko alam kung anong ganap ko dito sa harap nila pero nakikinig parin ako, malay mo may chika. Atleast updated ang lola mo.

Malandi siyang naglakad palapit kay Tony at nakangising ipinulupot ang braso nito sa leeg ni Tony. Awtomatikong umangat ang kilay ko dahil sa kalandian ng higad na 'to. Shutangina, pigilan niyo ako!

"Checking my client's task... I was just wondering if my group was doing well and I think they are doing great..." She licked her lips at malagkit na tumingin kay Tony, "That was awesome..." She continued.

"Elisha!" Sigaw ni Tayler, hindi ko alam kung bakit parang galit na galit silang apat dito sa Elisha at Diana na 'to. Hindi ko rin alam kung bakit hindi man lang pumapalag si Tony sa ginagawa ng babaeng 'to pero isa lang ang alam ko, malandi 'tong Babaeng 'to!

Inaagaw niya sa'kin si Tony!

"Nivel superior will be happy on your Assignment, good job boys." She said at tinapik niya sa balikat ang apat, "Bye, see you on our next appointment." Nakuha pa niyang kumindat sa'ming dalawa ni Kyle dahilan para manakit ang bunbunan ko, nakakaloka 'tong baklang 'to! Ang hirap kapag nanggigigil, nauubusan ako ng buhok!

Nivel superior?

Teka, anong appointment?

Naputol ang pag-iisip ko nang mawala si Kyle sa tabi ko, inikot ko ang paningin ko at nakita ko siyang kumikendeng palabas ng court. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinundan ko nalang siya, gigil na gigil ang bakla!

Nakalabas ako ng gym at hindi ko siya nakita, bilis naman ng baklang 'yon!

Hindi ko na pinansin na naiwan sa loob ang apat at dumiretso ako palabas ng Matthew, I called Edrianne para makipagchikahan at mabilis naman siyang sumagot. Basta kalandian, buhay na buhay 'to.

"Beks anong mukha 'yan?" He asked at inirapan ko lang siya

"Kagandahan," I answered kasabay ng paghigop sa kapeng nasa harapan ko, I ordered brewed black coffee dahil gusto kong kabahan sa mga nangyayari.

We're currently here at the coffee shop near Matthew dahil may victory party mamaya at hindi na ako pwedeng lumayo pa ng campus.

"Kasuka kamo,"

"Hindi ko alam mi, stress na ako sa apat." I answered, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanilang apat! Mga mga times na masaya dahil ang sweet nila and later on, may susulpot na kipay na magbibitaw ng mga salitang hindi ko naman maintindihan.

Parang tanga lang, nakakaloka! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-overthink dahil sa mga salita nila.

"Ano-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Edrianne nang mayroong sumigaw sa likod namin, shutangina! Ano ba naman 'tong mga babaeng 'to!

"Hi there, Mr. Rans!" Nakangiti niyang bati, mukha siyang anghel at ang ganda ganda niya. Pero sa likod ng maamo niyang mukha, isa siyang baliw na mayroong tinatagong baho.

Mr. Rans shutangina? Ganda kong 'to? Mister?

"You know me?" I asked her, malay ko ba na fan ko siya. Edi nagbigyan ko pa sana siya ng autograph, Duh! Sa ganda kong 'to, I won't be shock kung mayroong makakilala sa'kin.

"U-Uh Yeah, heard your name." She answered while nodding

"How can I help you?"

"I'm Elisha by the way, I'm Tony's fiancé." Pagpapakilala niya and She offered her hands, mabilis ko namang tinanggap dahil baka sabihin bastos ako, well infact, totoo naman.

Wala naman siyang ring, fiancé mo mukha mo.

"Uh, really?" Maarteng tanong ni Edrianne, pasimple ko siyang siniko at nginitian para hindi na siya tumalak. Kilala ko 'tong baklang 'to, baka magbitaw ng mga salitang hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Mahirap na.

"Yeah, so if you're planning to seduce him with err- don't do it. It's disgusting." Maarte niyang sabi

"What-" She cut me off

"Don't get me wrong okay! It's just a friendly reminder, He's mine and please stop being a Gay. That was disgusting." She said at tanging pekeng ngiti lang ang naisukli ko sa kaniya, nakakaloka naman 'to!

Ganito ba epekto kapag immune sa sea water?

She looked at the person behind me at nakangiti siyang kumaway dito.

"Oh hi there Keizi, heard about your brother's identity?" She said, hindi ako lumingon dahil alam kong kahihiyan lang ang maibibigay ko sa kapatid ko. I don't want that to happen...

"Let's go Elisha!" Rinig kong sabi ni Keizi, "...I don't know him." She said dahilan para mapaawang ang labi ko, ang sakit pala marinig 'yung mga ganiyang salita galing sa kapatid mo.

Sarili kong kapatid, hindi ako kilala. Great, just great. Hindi naman masakit.

Nginitian ako ni Elisha bago tuluyang umalis sa harap namin at lumabas ng coffee shop kasmaa ni Keizi, I want to apologize to my sister pero wala naman akong ginagawang masama! Uh! Kakaloka!

"Beks, tara na bago ko pa sila maipasok sa vendo machine. Nakakaloka! Mga kipay talaga, ang babantot!" Singhal ni Edrianne at tanging pag-iling lang ang iginanti ko sa kaniya. Ayoko na ng ayaw, baka pag-awayan pa nina Mommy at Daddy 'to 'pag nagkataon.

--

Lutang akong bumalik ng Matthew at mabuti naman at hindi pa masyadong madilim, it's just 5 in the afternoon at mayroon pang party mamayang 9 o'clock. Dapat fresh parin ako kahit problemada.

Nang makarating ako sa deluxe house at tila may pumipigil sa'king pumasok dito, I sat at the gutter at taimtim na tumingin sa kalangitan.

Out na out na nga ako pero hindi ako masaya, parang may kulang. 'Yung tanggap na ako ng mga tao sa paligid ko pero hindi kasali ang pamilya ko, ang sakit lang.

One day, makakapag-out din ako. 'Yung out na tanggap na ako ng buong mundo, kasama na ng pamilya ko. 'Yung gigising ako ng isang araw na hindi na ako magwo-worry kung sinong sasapak sa'kin kapag kumendeng at nagtwerk ako.

Alam mo 'yon, malaya lang.

"Rans? Why are you here?" Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko

"Okay lang ako," I answered

"I'm not even asking if you're okay," Sagot niya dahilan para lingunin ko siya, nakakaloka naman 'to!

"Sisipain kita, tantanan mo ako, Nick." Seryoso kong sabi pero tinawanan niya lang ako, naglakad siya palapit sa'kin at naupo sa tabi ko. Umiwas ako ng tingin at inabala nalang ang mata sa pagtingin sa langit.

It's pastel pink dahil sunset na, ang ganda ng langit kapag may halo na talagang kulay.

"I just want to thank you for the note in my bear.." He whispered at pabiro ko siyang tinulak

"Ah, walang anuman."

"You made me smile..." Ani niya

"I think--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang mayroong umubo sa likod namin, halos mapabalikwas ako dahil sa gulat. Nakakaloka naman!

"Tony!" Sigaw ko kasabay ng paghawak ko sa dibdib kong matambok.

"Both of you, get inside." Maawtoridad niyang sabi at seryosong pumasok sa loob.

Pagkatapos manira ng moment, aalis na tila siya pa galit?!

Are you jealous, Baby Boy?!

--

A/N:

If you don't understand some beki language, go back to the "Beki lingo translation"

But if you can't find it there, comment in a certain chapter and I will answer it.

Don't forget to vote! Happy reading!

Love, meriemei

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
4.9K 1.8K 35
[Completed] Rans Keith Abing is not a normal guy, He's strong, handsome, and Smart. And now you're asking, Why isn't He normal? Because behind his st...
18.6M 593K 35
When her longtime boyfriend proposes to her, Nari does not seem happy. She rejects him, hoping he would understand. But two years, seven days, three...