Collide with the storm (Song...

By ashaeau

656 205 19

End is measured by our mind. We never know when it will ensue.But the end doesn't always define certainty, wh... More

A/N
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 2

59 19 4
By ashaeau


"Tigilan mo na 'yan pre, ako na ang kinukulit ng mga chikababes mo," inis na sabi ni Hunter nang mabanggit ko ang pagtawag sa akin ng babae nung isang araw.

Nasa condo kami ngayon dahil niyaya ko siyang uminom. Ang medyo mahabang lamesa ko ay naglalaman ng mga pulutan namin na halos lahat ay ulam na. Nakabukas ang balkonahe ko para presko ang hangin kahit gabi na. Nakaupo ako sa sahig habang si Hunter ay kakalipat lamang sa sofa at nilalantakan ang liempong inorder ko. We usually hang out once a week if we're not busy, he is my only friend in this field since I have trust issues. 

"Tumigil na ako sadyang makulit lang sila. I need to grind more bro alam mo namang wala akong maasahan kundi sarili ko, hindi ako nag-aaksaya ng oras sa ganiyan,"nakangisi kong tugon.

Naramdaman siguro ni Hunter na ayaw kong pag-usapan pa 'yon kaya iniba niya ang usapan."Kamusta pala si sir Villamor?"

"Sobrang tanda na pala pre, akala ko naman halos kaedadan lang natin."

"Kaibigan 'yan ni lolo, mala-bagets daw 'yan! Isasama nga dapat ako ni lolo sa party ng apo non e," napatingin naman ako sa kanya dahil sa nabanggit. 

"Do you know her?" 

"Sinong her? Yung apo ba?" pinanliitan niya ako ng mata. "Sabi ko na nga ba, maganda?"

I scoffed.  I don't want to talk about her especially to Hunter. Sobrang babaero ng lalaking 'to baka mamaya makita ko nalang 'to sa site at nakikigulo.

"Hindi ko nakita, nabanggit lang sa akin ni Mr. Villamor. Ubusin mo na 'yan at nang makauwi ka na maaga pa ako bukas. "

"Sus, kilala kita Alex pero sige na nga kunwari wala akong alam."

Napailing ako sa sinabi niya at inubos na ang beer na iniinom ko. Nag-usap pa kami saglit tungkol sa 'nililigawan' niya bago siya umalis. Hindi man lang tumulong sa pag-lilinis. 

Pagkatapos kong linisin ang lamesa ay naligo na ako.  I looked at the reflection of my body on the mirror and flex my muscles.   I need to work out more.  Pag-higa ko sa kama ay sakto namang tumawag si Kaye.  I answered the phone and pulled the comforter. 

[Hello kuya?]

"Hello, kamusta na kayo d'yan?"

[Dito ako nag-stay kina Lyrae kuya, alam mo namang ayoko ring makisama kina mom. By the way kamusta si Noah? Nakita ko siya sa airport nung paalis kami, it breaks my heart seeing them apart.]

"Magiging ayos din siya, ayaw niyang makipag-usap sa amin ngayon kaya bigyan nalang natin siya ng oras para makapag-pahinga," I closed my eyes, it is also a pain to me to see those two hurting but we all know it's for the best. Parang nakakabatang kapatid ko na rin si Lyrae kaya concern ako sa kanya samantalang si Noah naman ay matalik kong kaibigan.

[How about you? Sabi ko naman kasi sayo kuya bukas ang bank account ko para sayo, para sa'tin 'yong dalawa.]

I bitterly smiled at what she said. "Para sayo lang 'yon Kaye. You know they never give a damn about me, but don't worry I'm fine, I will be fine."

[But kuya they are fucking with you! I told them to stop but they won't! Ginagamit nila ang pera nila para hindi ka makakuha ng mga project. I hate them to bits talaga grr.]

"Haha 'wag kang magpaka-conyo diyan. Ayos lang ako at may kumuha na rin sa akin para sa pagsasaayos ng bahay nila. Not bad right? Don't worry lil sis they will realize that I won't give up that easily." Narinig ko ang pagsinghot niya sa kabilang linya kaya napaayos ako ng puwesto. "Huwag ka na umiyak, I'll get through this. Sige na matutulog na ako late na rito."

[Sige call me nalang if ever you need anything,bye.]

"Bye," after the call I sighed heavily, I don't want Kaye to be mad at our parents because of me.  Mahirap na dahil baka may gawin sila kay Kaye. Mas okay na sa akin na ako nalang.  

The reason behind all their hate is because of my true mom. Anak ako sa labas ni dad at simula noong namatay si mommy noong naipanganak ako ay kinuha na ako ni dad.  Eversince then, my life is fucked up, well not really.  Eventhough they've been hard on me , I still have my friends behind me. Kahit kasama sa desisyon ko noon ang lumayas ay hindi ko pa rin itinuloy dahil kay Kaye. Natatakot ako na sa oras na umalis ako siya naman ang mapag-buntunan ng galit ni dad. I know they love her but we never know when hell would break loose. 

Now that I have a job atleast I have one thing to be proud of.  I glanced at my room, it is not that big but not bad either. The theme of my room is black with a touch of gold, may isang banyo ako rito at isa sa labas. May walk in closet din ako pero puro sapatos ang naandon dahil mahilig akong mangolekta ng sapatos.  These are the fruit of my savings and a little help from my sister.  I have a thing or two with sentimental value that's why I never bring a woman in here.

Morning came and I start my daily rituals by taking a bath. I wear my long sleeve uniform and brown pants same with my gold watch to match my outfit.
I noticed my hair is kinda messy so I grabbed the wax and put a little bit on my hair to make it look presentable.  

After all that I went to the kitchen to cook my breakfast. I always eat heavy meals in the morning that's why waking up early became a thing for me since I have to cook.  Bacon, eggs and fried rice is the food for today.   Nanuod lang ako ng balita habang kumakain pagkatapos noon ay nagsipilyo na ako at umalis ng condo.

When I arrive at the site I step out of my car and look at the overview of the house. Ginigiba na siya ngayon kaya may panahon pa ako para irecheck ang mga gagamitin naming materyales. Ayoko namang pumalpak ang unang project ko.

Nakaparada ako sa grahe nila, malaki ang bahay sobrang lawak din ng garden at grahe mayroon pa nga silang guest house pero bagong gawa iyon kaya hindi na kailangang ayusin. Huminga ako ng malalim at dinama ang simoy ng hangin na humahampas sa mukha ko nang mahagip ng paningin ko si Sienna.

Naka-upo lang siya sa bench at naka-earphone nakikinig siguro ng kanta. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Lumingon siya sa akin bago nagsalita.

"Engineer?"

"Hey, how do you know its me." I said smiling.

"I may be blind but I do smell your scent." Tinanggal niya ang earphone sa tenga niya at medyo humarap sa akin at tipid na ngumiti.

"Really? Mabango ba ako?" Pasimple kong sininghot ang sarili ko, hindi ko maalala kung nakapaglagay ba ako ng pabango kanina.

"Uhm oo." Hinawakan niya ang dulo ng suot niyang sweater na tila'y nahihiya.

I grinned at what she said, ang bango ko raw. "Thank you, normal na sa'kin 'to."

"Talaga ba?" Natawa siya sa sinabi ko kaya napatawa nalang din ako. She is wearing a navy blue sweater paired with  white shorts, I also noticed a puppy with a leash sleeping under the bench I think it's a golden retriever.

"Ang cute ng aso mo, anong pangalan?"

"Daisy" She simply answered.  Typical pet name of girls. Tahimik lang siya at halatang ayaw ako kausapin.

"By the way what song are you listening to?" Pangungulit ko sa kanya.

"Actually I'm listening to an audio book."

"Ah kaya pala napakaseryoso mong tingnan kanina."

"Well a lot of people said that I always look serious,"tipid niyang sabi. "Do you want me to address you with po? You're way older than me eh."

I stared at her face for a moment looks like our age gap just sink in to her just now,but she doesn't look so young to me. "Ilang taon ka na ba?"

"I just turned 18," I'm shocked when I heard her said that but I just shaked it off.

"Welcome to legal life," I tapped her shoulders and I regret it instantly because I saw how uncomfortable she is, tumingin siya sa kaliwa para itago ang mukha niya sa akin. "Sorry."

"It's okay... you better go baka kanina  ka pa hinahanap do'n." Tinupi ko ang suot kong long sleeve at tumayo na. I stared at her face for a few seconds before walking away.

I didn't mean to scare her. What the fuck was I thinking?

Nang makarating ako sa likod ng bahay ay nakita ko si Mr. Villamor na may kausap na isang trabahador kaya dumiretso na lang muna ako sa guest house na office naming ngayon para tingnan ang record ng materyales para sa concrete support. I need to ensure the structural integrity of this house and make sure to provide a technical advice to the workers.

I still have doubts in what I did last time so I have to start all over again. In this field of work the word doubt shouldn't be used.

I was focused on the files in front of me that I didn't notice the time.

"Engineer kain muna tayo."

"Sige Dan susunod na ako."  I said at one of our construction worker. Inayos ko muna ang nagusot kog damit bago lumabas. Kumuha na ako ng makakain, pagkakuha ko ay babalik na sana ako sa opisina dahil wala akong maupuan nang tawagin ako ni Mr. Villamor.

"Engineer Azur! Come and join us please." Pumasok ako sa mini kitchen at nakita ko si Sienna na kumakain kasama niya.

"Sure sir." Umupo ako sa tapat niya at tiningnan si Sienna na nasa tabi ko lang at kumakain. Hindi na niya kailangan ng katulong at parang nakikita niya ang nasa plato niya dahil sa halos sunod-sunod niyang pag-subo.

I started eating nang mapansin kong nakangiting nakatingin sa akin si Mr. Villamor habang nakatingin ako sa apo niya.

" What do you think about my granddaughter, engineer?"  Nalunok ko agad ang nginunguya ko dahil sa sinabi niya at tumikhim.

"Alex nalang po...I think she's gorgeous sir."

"Oh really? She's a great singer you should listen to her song covers." 

"Lo naman!" Nahihiyang apila ni Sienna. 

"Huwag ka mahiya napakinggan ko na nga kanta mo," humalakhak ako dahil ngumibi siya at tinakpan ang tenga.

"Blah blah blah," pag-babara niya sa akin.

"Kumain muna kayo mamaya na 'yan. Maiwan ko muna kayo rito may kikitain lang ako sa labas. " Wika ni Mr.  Villamor pagkatapos niyang tingnan ang cellphone niya.  

"Sorry pala kanina, "pagputol ko sa katahimikan.

"It's fine, sorry din for being weird."

"Huh sino namang nagsabing weird ka? Hindi no," kumuha pa ako ng ulam at sinandukan siya ng mapansin kong kaunti na lang ang nasa plato niya.

Napaismid lang siya at animo'y hindi naniwala sa sinabi ko.

Napatingin naman ako kay Sienna na umiinom na ngayon.  "Pero seryoso ako maganda ang boses mo... parang ikaw."

She licks her lips after drinking, the way her plum lips glistened because of the water caught my attention.

Paano ba maging tubig?

"Nag-music lesson kasi ako before kaya siguro hindi na ako tunog bibe ngayon 'pag nakanta."

"Tologo bo? Parinig nga ng kanta mo na mala-bibe." I smirked.

"Alam mo... ito ka." Itinaas niya ang gitnang daliri niya at itinapat sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya pero napa-hagalpak din kinalaunan. Para siyang batang asar na asar sa akin.

"For someone who is way younger than me, you're feisty."

"And for someone who is way OLDER than me, you're childish." Halata ko ang pagka-inis sa boses niya pero may maliit na ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi.

"Luh, ubusin mo na 'yang pagkain mo. I want to hear you sing later."

"Sige"

"Payag ka?"

"Sige uubusin ko na...'wag kang feeling d'yan." Ipinagpatuloy niya na ang pagkain niya. At dahil tapos na naman ako, inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato, mas mabuti pang titigan to kaysa sa kawalan. Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko dahil sa pagkuha ng litrato.

Shit.

"Alex!!"

_____________________________

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...