PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

797K 22.4K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 3

22.2K 679 127
By Zaenixx

CHAPTER 3



ILANG araw ang lumipas nang ipatawag ni Kapitan sila mama at papa sa baranggay hall.



Hindi ko alam kung bakit pero sa palagay ko ay mahalaga ang pag-uusapan nila dahil seryoso ang mukha ni kagawad Susan kanina nang magpunta dito sa bahay.



"Rosi, may opening ng liga raw sa court mamaya. Tara nood tayo," Pag-aaya ni Puresa.



"Magtitinda ako mamaya, 'wag mo na kong damay sa kaharutan mo." Suway ko, napairap siya sa akin.



"Ouch ah, ang saket no'n." Aniya.



"Rosi'ng pader!" Mariin akong napapikit nang marinig na naman ang pang-asar na bansag sa akin ni Benedict.



"Utang na loob, Benedict... Lubayan mo 'ko," pagbabanta ko.



Narinig ko siyang tumawa, "Manood ka mamaya sa court, dapat maging proud ka na may ka-baranggay kang basketball player!" Wika niya, sinamaan ko siya ng tingin at akmang pupukpukin ng sandok ng magtago siya sa likod ni Puresa.



"Aba, anak ng pucha, ginawa mo pa 'kong shield!" Wika nito at pilit na pinapaalis si Benedict sa kanyang likuran, napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto ng tinolang manok para sa pananghalian namin mamaya.




Maganda ang kita namin nitong mga nakaraang araw kaya nakabili si papa ng isang kilong manok pang-tanghalian hanggang hapunan.




"Seryoso, Rosi... Manood ka mamaya," Wika muli ni Benedict.




"Ako tigilan niyo 'kong dalawa, sinabi ng hindi ako pwede dahil magtitinda ak——"




"Rosi, huwag ka munang magbukas ng tindahan mamaya. Nagpapaluto si kapitan ng meryienda dahil bibisita raw si Mayor para sa pagbubukas ng liga." Putol ni mama sa sasabihin ko.




Hindi ko napansin na nakauwi na pala si mama at papa galing sa baranggay hall.




"Tamang-tama, aling Jessie! Manonood kami ni Rosi sa court mamaya," ani Puresa.




Tumango na lamang si mama at pumasok na ng bahay. Si papa naman ay ibinaba ang dalawang malaking kahon na may lamang buhay na mga manok. Alam kong manok dahil sobrang ingay sa loob.




"Bigay ni kapitan 'yan, pa?" Tanong ko.




Pumasok muna siya ng bahay, paglabas niya ay dala-dala na niya ang itak niya na parati niyang hinahasa kapag wala siyang ginagawa.




"Oo, kakatayin para mamaya." Sagot niya.




Saktong dumating sila kuya Arnie at Arnel, siguro ay break time nila sa pier.





"Oh, kumain na muna kayo." Ani mama tsaka lapag ng mga plato sa lamesa.





"Siya nga pala, Rosi... Magpunta ka kay kapitan mamaya, tulungan mo raw sila sa pag-aayos para sa pagdating ni mayor." Utos ni mama, agad akong napatingin sa kanya at nagtataka siyang tinapunan ng tingin.





"Bakit pati ako?" Tanong ko.





"Huwag ka ng maarte, para sa baranggay natin 'yon. Baka mamaya ay maisipan ni mayor na magbigay, mabiyayaan ka pa." Wika niya.





Bumuntong hininga ako at napairap sa hangin.





Habang kumakain kami ay hindi mawala ang tingin ko sa sugat ni kuya Arnel sa braso pati ang maliit na pasa ni kuya Arnie sa may labi.





Paniguradong hindi halata nila mama at papa pero para sa akin na malinaw pa ang mata, kitang-kita.





Pagkatapos kumain ay nagpahinga sila kuya sa duyan sa puno ng mangga na nasa tapat ng bahay namin.





"Jusko po, Rosi, maligo ka na't magpunta ka na ng baranggay!" Bulyaw ni mama, hindi na ako sumagot at nagtungo na sa lalagyanan ng damit ko at pumili ng disente.





Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang t-shirt na kulay asul na doble ang laki sa akin. Pinaglumaan ito ni kuya Arnie pero dahil hindi naman ganon kaluma ay kinuha ko na.





Tapos nag-suot ako ng Jeans na kapag magsisimba lang tuwing ko sinusuot.





Naka-tsinelas lang ako at pagkatapos ay pinusod ko ang aking buhok upang hindi sumagabal sa aking mukha.





Tinignan ko ang aking repleksyon sa may basag na salamin sa loob ng nag-iisanv kwarto kung saan kami natutulog nila papa at mama. Sila kuya kase ay sa sala natutulog.





Kahit nasa skwater ang kinatitirikan ng bahay namin ay gawa pa rin naman sa kahoy at hindi basta-basta masisira.





Nakatingin lamang ako sa repleksyon ng aking sarili, hinawakan ko ang aking mukha dahil punong-puno ng pagtataka ang aking utak.





Bakit sa amin nila kuya, ako lang ang maputi? Hindi rin naman maputi si mama at papa kaya saan ako magmamana?





Pinaliwanag na sa akin ni papa ang lahat at sinabi niyang kay lolo ako nagmana pero kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang lolo at lola ko.





O kahit litrato man lang ay walang maipakita sa akin sila mama at papa, ang dahilan nila ay nasunog raw sa dati naming tinitirahan.





"Kuya," Tawag pansin ko kila kuya Arnel at Arnie na halatang masinsinan ang pinag-uusapan.





Naupo ako sa pagitan nilang dalawa, tumingin sila sa akin na parang nagtataka.





"Bakit ang luwag ng suot mo?" Tanong ni kuya Arnie.





"Wala akong ibang matinong masuot kaya ito na lang, maayos naman ah?" Tinignan ko pa ang suot ko ngunit tila hindi natuwa sila kuya.





"Sumama ka bukas, sasahod na kami ni Arnel sa pier. Bumili ka ng bagong damit at hindi ganyang isang yuko mo lang nakikitaan ka." Ani kuya Arnie.






Nagtataka ko silang tinignan, kahit minsan naman ay hindi sila naging mahigpit sa pananamit ko kaya nakakapagtakang ganito ang inaasal nila ngayon.





"Mukhang bait niyo ah," puna ko.





Napailing sila at ginulo ang buhok ko, "Mag-iingat ka palagi, huwag kang pagala-gala. Huwag na huwag kang dadayo ng kabilang baranggay, maraming mga gago do'n." Bilin ni kuya Arnel.





Tumango ako, "Tsaka tigilan mo kakalabas ng bahay ng walang panloob, kababae mong tao kukutusan kita." Banta niya.





Napakamot ako sa ulo ko dahil nakukulitan na ako sa dami ng bilin nila, "Ang dami niyong bilin," Tugon ko.





Natawa silang dalawa, "Mabuti ng nag-iingat... Nag-iisa ka lang," sagot ni kuya Arnie.





"Ang korni niyo ah," wika ko.





Tumayo ako at nameywang, tumingin sila sa akin ng nagtataka. "Bakit?" Tanong ni kuya Arnel.





"Nakipag-away kayo 'no?" Tanong ko.





Sabay silang nag-iwas ng tingin, "H-Hindi!" Tugon ni kuya Arnie.





"Anong hindi? Kala niyo 'di ko makikita 'no? Susumbong ko kayo kay papa." Pagbabanta ko.





Agad silang naalarma at tumingin sa akin, "Sige subukan mo kukutusan kita," banta nila.





"Sige 'di ko kayo susumbong kapag sinabi niyo kung bakit kayo nakipag-away." Pakikipag-negosasyon ko.





Umiling sila at tumayo na, "Huwag kang makulit, kung aalis ka magpasama ka kay Puresa o kaya kay Benedict. Kung pupunta kang court sumabay ka kay Benedict sa pag-uwi, huwag kang lalayas ng hindi nagpaalam kay mama at papa." Bilin nila bago naglakad paalis.





Nagpaalam silang pupunta na muli ng pier para magtrabaho muli kaya ako ay nagpunta na sa bahay nila Puresa.





Hindi na ako kumatok at basta na lang pumasok, una kong nakita si aling Fiona na nagtutupi ng damit habang nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.





"Halika't maupo ka muna dito, Rosi. Patapos na magbihis 'yon si Puresa," wika niya.





Naupo ako sa tabi niya at itinaas ang aking paa para kumportableng-kumportable ang pag-upo ko.





"Puresa!" Rinig kong boses ni Benedict sa labas ng bahay nila Puresa.





"Halika, Benedict pumasok ka muna!" Pag-aaya ni aling Fiona.





Pumasok si Benedict, nakasuot na siya ng uniporme nila na Jersey na kulay blue.





Number one ang nakalagay sa kanyang damit at ang apelyidong Benitez sa likod.





Saktong-sakto ang kulay ng damit na suot ko para sa kulay ng jersey nila.





Tumingin sa akin si Benedict na parang kinikilatis ako, "Alam mo, kapag nag-aayos ka, hindi ka mukhang mahirap." Puri niya, inirapan ko siya.





"Wala 'kong piso." Tugon ko.





Tumawa si aling Fiona, "Mga kalokohan niyo talaga," wika ni aling Fiona.





"Oh, nandyan na pala kayo." Ani Puresa na kakalabas lang ng kwarto nila.





"Kanina pa," sagot ko. Nakasuot rin siya ng asul na t-shirt ngunit short lang ang suot niya na hanggang tuhod.





"Punyeta ka, Puresa, mag-pantalon ka!" Suway ni aling Fiona sa kanyang anak. Ngumiwi si Puresa at pilit na binaba ang kanyang short par maging kaaya-aya sa mata ng kanyang nanay.





"Mama, mainit." Tugon niya.





"Sige na, aalis na po kami, aling Fiona." Paalam ko.





Ngumiti siya, "Benedict, ingatan mo 'yang dalawa ah.." Bilin ni aling Fiona sa kanya.





Sumaludo si Benedict, "Syempre naman, aling Fiona." Tugon niya.





Nang makaalis kami ay naglakad na kami papuntang court, "'Di ba mamaya pa ang simula ng opening? Ba't sasabay ka na sa amin, Benedict?" Pag-uusisa ni Puresa kay Benedict.





Inilabas niya ang kanyang braso at ipinakita sa amin ang maliit na muscle, "Hindi kayo pwedeng umalis ng wala ako!" Aniya at hinampas pa ang kanyang braso.





Napailing ako, "Ang kokorni niyo." Tugon ko.





Tumawa si Puresa samantalang si Benedict ay napasimangot, "Hoy, Rosi, magtago ka mamaya ah!" Bulyaw ni Benedict sa akin.





Kumunot ang aking noo, "Gago ka ba? Bakit naman ako magtatago?" Tanong ko.





"Madaming taga-ibang baranggay ang pupunta, baka mamaya ay mabastos ka do——"





"Sa suot neto? Nako, walang magtatangka." Tugon ni Puresa sabay turo sa jeans at malaking t-shirt ko.





"Daig pa sanggol kung makabalot sa katawan." Dugtong pa niya.





Sumeryoso ang mukha ni Benedict at tumingin sa akin, "Kahit na. Maraming gago sa panahon ngayon, baka mapagdiskitahan ka." Nakanguso pa siya habang nakatingin sa akin.





Napailing na lamang ako, "Nanay ba kita?" Tanong ko.





"Gaga! Ah basta, sumigaw ka lang kapag nabastos ka, kita mo 'to?" Tinuro niya'ng muli ang kanyang muscle.





"Gugulpihin ko sila gamit 'to. Huwag kayong maghihiwalay, Puresa ah. Puwesto kayo kung saan kita ko," bilin niyang muli.





Nagkatinginan kami ni Puresa at sabay na napailing.





"Bahala ka sa buhay mo," sabay naming tugon na kinanguso lalo ni Benedict.








A/N: Got my new set of book covers ♡

By the way, may gusto lang akong itanong. For those who finished reading my previous works (Luther, Faris, Asmodeus & Maximo) hehe.

I just want to ask kung sino sa kanila yung feeling niyo na pwede kong isali sa Wattys. Hehe, I just want to give it a shot for experience na rin HAHHAHAHAH

Kung hindi palarin, lesson. Kung palarin edi blessing. Hehe ♡

Continue Reading

You'll Also Like

475K 10.5K 34
Mendoza Brothers Series #3: Jaycee Wayde R. Mendoza She wants someone to pop her cherry before she turns 30. . . but he just gave her an unexpected b...
35.3K 201 44
Everything about her is perfect. Her family love her so much. Na kahit hindi maganda ang naging relasyon ng magulang niya, natuto pa rin itong buksan...
951K 14.3K 38
Familiá Altamirano Series #1 Kelsea Maurice Altamirano, the firstborn of the prominent and wealthy Altamirano family, is the epitome of kindness, ele...
399K 11.1K 33
Mendoza Brothers Series #2: Jester Warren R. Mendoza Her son wanted a father, and the skies gave her an unexpected groom. ----- Queency T. Dela Vega...