Billionaire's Ex-girlfriend...

By Amihan2526

664 31 4

WARNING: Nakakakilig! He is a tricycle driver who turned into a Billionaire. He is a romantic young man who t... More

Disclaimer and Synopsis
Prologue
Chapter 1 - Doubt
Chapter 2 - Deal
Chapter 3 - Interview with Niel
Chapter 4 - Past
Chapter 5 - Cellphone
Chapter 7 - Tutubusin kita

Chapter 6 - Following

34 2 0
By Amihan2526

Casual lang ang turingan ni Niel at Anayeli bilang mag-boss. Although minsan ay natutukso si Niel na kumustahin ang dalaga at tanungin sa nangyari sa buhay nito. Pero mas pinipili na lamang niya na huwag pansinin ang kagustuhan.

Isa pa ay wala naman na siyang pakialam nga kay Anayeli. Tapos na sila nito. Kaya bakit kailangan pa niya itong kumustahin. Pero minsan ay sadyang mahirap din labanan ang tukso. Mabuti na lang at nasa labas palagi ng opisina niya ang dalaga. Kaya napipigilan niya ang sarili niya.

Madalas nga ay hindi niya ito tinatawagan kahit na may kailangan siyang iutos dito. Ayaw kasi niyang may mabuhay na naman sa dibdib niya na kung ano para sa dating kasintahan. She will just be his weakness and distraction. That's why he better ignore her and pretend that she is just nothing for him.

Alas otso na pala ng gabi. Anong oras kaya ako pauuwiin ng Niel na ito. Magdadalawang linggo na akong absent kay Mr. Chan. Malamang pagagalitan na ako ng intsik na yun. Hindi umuusad ang numero ng utang ni papa sa kanya. Sabi ni Anayeli sa isip habang pinagmamasdan ang pinto ng office ni Niel.

Tapos na naman ang lahat ng appointment nila ngayong araw. Pero hindi pa rin ito pinapauwi ng gwapo pero arogante nitong boss.

Nag-tyaga pa rin ang dalaga na maghintay ng kahit 10 minutes. Nang hindi na makatiis ay kumatok na ito sa pinto ng binata. Agad naman itong pinapasok ni Niel.

"Sir, may I ask if until what time po ang overtime ko?" kinakabahan nitong tanong, baka kasi wala sa mood si Niel.

"You may go now," sagot ni Niel na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap.

"Sige po sir salamat po. Ingat po kayo pauwi," malamyos nitong paalam kay Niel.

"You too!" sagot niya na wala pa ring gana na tingnan si Anayeli.

Nagmamadali namang umalis ng office si Anayeli. Dahil maya-maya ay oras na nito ng trabaho kay Mr. Chan. Umuwi muna ito ng bahay para magbihis at mag-ayos. Hindi ito pwedeng dumiretso doon na naka-uniform ng CT mall office. Malaking kahihiyan iyon para sa kompanya.

Pagsapit ng alas nwebe ay pumunta na ito sa club ni Mr. Chan. At gaya nga ng ini-expect nito. Nasabon muna ito ng matandang intsik bago ito pinagsimulang mag-trabaho.

Yun ba namang may halos dalawang linggo itong hindi pumasok doon. Kaya inis na inis ang matanda dito. At gaya ng dati, pinamukha na naman nito ang utang ng ama ni Anayeli kung gaano pa kalaki. Kaya sino ba naman ang makakalimot sa utang na iyon.

Lingid sa kaalaman ni Anayeli, sinundan ito ni Niel pagkaalis nito kanina sa opisina. Hindi rin maintindihan ni Niel kung bakit naisip niyang sundan ang dating kasintahan.

Akala niya ay hindi na lalabas ng bahay si Anayeli kanina. Pero nagulat na lang siya nang mamataan ito na lumabas mula sa isang madilim na eskinita. Ang suot ay di mawari kung gaano kaigsi. Halos lumuwa na ang kaluluwa nito. Kaya napailing na lang siya na pinapanood sa malayo ang dalaga.

Nakataas ang buhok nito, mataas ang takong ng sapatos. At aninag din niya mula sa ilaw ng poste na makapal ang lipstick at make up nito. Sobrang layo ng dalaga sa itsura nito kanina sa opisina.

Kung noong nakita niya ito sa interview nito na moderno ang ayos. Ngayon ay mas malala ito. Daig pa nito ang pokpok sa porma nito. Pero hindi maipagkakaila ni Niel na napakaganda nito kahit pa ganoon ang ayos nito.

What the hell is happening with you woman! Bulong niya sa isip habang sinusundan ang sinakyang jeep ni Anayeli. Ibang kotse ang ginamit niya upang hindi makilala ng dalaga.

Hanggang sa bumaba na ng jeep ang dalaga. Nabigla si Niel dahil ang lugar na binabaan nito ay pugad ng mga stripper club. Madami din doong nagkalat na pokpok na nagbebenta ng aliw.

Minsan na siyang naisama doon ng isa niyang kliyente, pero nag-inom lamang sila doon. Hindi sila cheap para pumatol sa mga burikat. Mayayaman at kolehiyala ang tinitikman niya, hindi sawsawan ng bayan.

Tang-ina naman Anayeli. Di ko matatanggap na isa ka sa mga pokpok na nagbebenta ng aliw sa lugar na ito. I swear to God tatanggalin kita sa trabaho! I don't need a slut in my company! Galit niyang asik sa isip habang minamasdan ang nagmamadali sa paglalakad na sekretarya.

Napahampas pa siya sa steering wheel. Hindi niya malaman kung bakit ba siya inis na inis sa natuklasan. E wala na naman siyang pakialam dito.

Nakita niya na pumasok si Anayeli sa 24/7 na building. Kilala ang club na iyon na nagbibigay ng extra service bukod sa inuman at live na sayawan ng mga burikat doon. Aside from their super loud music, you can also meet lots of shitty people inside that club.

Most women in that club are wearing the tightest dresses, shortest skirts, or the lowest cut shirt. That 24/7 club is all about women's assets which are showing their asses, boobs, etc. It's a perfect club for a sex cocktail. Pero mga sosyal ang mga babae nila. At mayayaman lang ang customers nila.

Doon sila nag-inom dati ng kliyente niya. Akala mo ay basta lang nagbebenta ng alak ang mga babae doon. Pero pa-simple na silang mag-aalok ng katawan sayo kapag alam nilang medyo nakainom na ang customers nila.

Pero bakit hindi ko nakita noon doon si Anayeli? Naka-book ba ito sa customer nang araw na yun kaya hindi ko ito nakita? Kunot-noong tanong niya sa isip.

Tang-ina talaga! I can't believe it, Anayeli! Mas mabuti pang itinanan na lang kita ng sapilitan noon kaysa magbenta ka ng katawan! Hindi ko ito kayang tanggapin. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng minahal ko ay sa ganito nasadlak. Damn that woman! Inis na inis na naman niyang sermon sa utak niya.

Hindi niya maintindihan kung maiiyak siya o maaawa sa dalaga. Basta ang alam lang niya ay nanghihinayang siya sa dating Anayeli.

Ang Anayeli na minahal niya ay pino kung kumilos at gentle kung magsalita. Palaging may words of wisdom na sinasabi sa kanya. Hindi maigsi manamit at lalong hindi nagme-make up. Natural ang kagandahan nito at napaka-inosente.

Napabuntong‐hininga siya ng malalim at napasandal sa upuan habang inaalala ang dating kolehiyala niyang kasintahan. Iba ka na talaga ngayon. May panghihinayang pa rin niyang sabi sa isip.

Sa ilang minuto niyang nakamasid lang sa 24/7 mula sa loob ng kotse niya, ay bigla niyang naisipan na pasukin ang nasabing nightclub.

Pero hinubad muna niya ang suit na suot niya. Kinuha niya sa may backseat ang bag niya na may laman na ilang damit. Nagpalit siya ng simpleng polo lang. Para naman hindi siya agad makilala ni Anayeli at ng mga tao doon na posibleng nakasalamuha na niya. Club na tambayan iyon ng mayayamang uhaw sa laman at aliw. Kaya imposible na wala siyang kakilala na nasa loob ngayon.

Nagsuot siya ng baseball cap at ngumata siya ng bubble gum. Para mas mukha siyang astig. Nagpalit din siya ng rubber shoes. Nagsuot siya ng sun glasses. Ayaw niyang ipangalandakan ang itsura niya lalo na sa ganoong klase ng lugar. Hindi naman para mag-renta siya ng vip room doon. Dahil si Anayeli lang ang target niya sa loob.

Hindi naman siya nahirapang pumasok sa nasabing bar. Dahil hindi naman siya mukhang menor de edad.

Nang nasa loob na siya ng 24/7 club ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Anayeli. Pero hindi niya ito makita kahit na hinagod na niya ng tingin ang lahat ng sulok ng lugar na iyon. Hanggang sa nakita niyang may lumabas na lalaki sa isang pinto sa second floor ng club. Lalo siyang kinabahan dahil kasunod nito ay si Anayeli.

Humawak pa sa kamay nito ang lalaki. Pagkatapos ay sabay ang mga itong bumaba ng hagdanan habang ang lalaki ay nakapulupot ang isang kamay sa bewang ng dalaga. Pagdating sa tabi ng bartender ay humalik pa sa pisngi ni Anayeli ang lalaki. Wari'y namamaalam na. Ngiting-ngiti naman si Anayeli na nagpaalam din dito.

Pagkaalis ng lalaki ay pumuwesto na si Anayeli sa may cashier malapit sa bartender. Parang gusto ng hilahin ni Niel si Anayeli palabas ng club na iyon. Pero pinigilan niya ang sarili.

Maya-maya pa ay may lumapit sa kanya na isang bading. Maganda ang bading at maayos manamit, pero makapal din ang make up. Sa tingin ni Niel ay ito ang bugaw sa nasabing club. Kanina pa kasi niyang nakikita na kausap nito ang mga lalaking customers doon kasama ang mga babaeng trabahador ng 24/7.

"Sir, gusto nyo po ba ng ka-table at kaibigan na makakausap?" magalang na tanong sa kanya ng binabae.

"Yes, but can I request someone?" malumanay na sagot niya dito.

"Yes, sir. Basta po available ang nire-request nyong kaibigan natin," agarang sagot naman nito.

"Okay, I want that woman sa may cashier." Tinuro ni Niel si Anayeli.

"Naku sir, cannot touch po si Ms. Yeli. May nagmamay-ari na po dyan, pasensya na po," may panghihinayang na sagot nito sa kanya.

"Ganon ba, kahit bigyan kita ng malaking halaga?" pansisilaw niya sa binabae.

"Opo sir, pili na lang po kayo ng makaka-table nyo sa ibang mga babae dito na makaka-kwentuhan nyo habang nag-iinom kayo."

"She is what I want. I can pay you ten thousand pesos. Just let me table her," giit niya na may kaunting inis sa loob-loob niya.

"Naku kahit pa po sir 20 thousand yan. Hindi ko po tatanggapin sir," mariin pa ring tanggi nito.

"Why, binibigyan ka ba ng boss mo ng kasing laki ng tip na kaya kong ibigay sayo?" Hindi na niya napigilang iparamdam ang inis sa kausap. Pa-hard to get pa kasi ito e alam naman niyang mukhang pera din ito.

"Hindi po sir, mura at sermon nga lang po ang napapala ko d'on. Kaya lang hindi po talaga pwede si Yeli. Hindi po siya kabilang sa nagte-table na mga babae dito. Kasi kay boss lang po yun," pag-amin ng bading.

"Who is your boss. I want to talk to him," may awtoridad niyang sabi.

"Nasa office po niya sa taas. Pero hindi po siya ang may-ari kay Yeli, yun pong isa pa naming boss na anak ni Mr. Chan."

"I see. You said she is not one of those women?" Nginuso niya ang mga babaeng naka-table sa kanya-kanyang customers. "Then ano yung babaeng yun dito?" si Anayeli ang tinutukoy niya.

"Sir personal na po yan. Iba na lang po talaga ang i-table nyo," giit nito kaya napa-ismid si Niel.

Pagkatapos ay dumukot siya ng 5 thousand sa wallet niya. Ipinakita niya iyon sa binabae. Kita niya na nakatutok ang mga mata nito habang kinukuha niya ang pera sa wallet niya.

"Ano siya dito?" tanong muli niya habang ibinabalandra ang pera sa kausap. Wari'y inaakit ito na magsalita na kapalit ang malaking halaga.

"10 thousand, I'll tell you why she's not one of those women," hirit ng binabae na palinga-linga sa paligid. Nag-aalala na baka may makarinig na kasamahan sa offer nito kay Niel.

Madaling kausap si Niel. Kaya dinagdagan nga niya ang perang hawak. Tuwang-tuwa naman ang binabae nang iabot iyon ni Niel ng walang pagdadalawang-isip.

"Now tell me about her? I want detailed, or else babawiin ko yang 10 thousand na yan!" dominante niyang sabi dito.

"Okay sir, hindi po isa si Yeli na kaladkarin dito. Nagtatrabaho lang po siya dito para pambayad utang kay Mr. Chan," siwalat nito na ikinalaki ng mga mata ni Niel.

"Utang?!" kunot ang noo niyang tanong dito.

"Opo, yung papa po ni Yeli nagkautang kay Mr. Chan ng 1 million sa casino. Kalahati lang po ang nabayaran nila. Kaya yung natitira pa po ay si Yeli ang nagbabayad kay Mr. Chan sa pamamagitan ng pagtatrabaho dito sa gabi."

Hindi nakapag-react si Niel sa narinig. Pero nakadama siya lalo ng awa sa dalaga.

"Napagalitan nga po yan kanina ni boss dahil ang tagal niyang absent. Mabuti na lang dumating ang boyfriend niya. Kaya hindi na naituloy ni boss ang sermon kay Yeli. Sa lahat ng tao dito yang bata na yan ang pinaka-kawawa talaga," patuloy pang kwento nito sa kanya.

"Do you know her personally?" may awa sa dalaga na tanong niya sa kausap.

Tumango ang binabae. "Magkapit-bahay po kami nyan sa Sityo sa Tondo. Nagulat nga ako nang makita ko siya dito noon. Ang alam ko po kasi secretary ang trabaho niya. Tapos yun, kinuwento niya sa akin na sinugod daw sila ng tauhan ni Mr. Chan para maningil. Binugbog daw ang papa niya ng mga ito at tinakot na papatayin kung hindi makakabayad. Wala namang pera ang mga pobre. Kaya napilitan si Yeli na i-offer ang sarili na magtrabho dito sa boss namin ng walang bayad. Para naman mabawasan kahit kaunti ang utang ng papa niya sa matanda. Tapos sunod-sunod pa ang naging problema nila," mahabang kwento nito.

"I see. So you mean may boyfriend na siya?" parang kinurot ang puso niya sa sariling tanong.

"Opo, si Christian po, yung anak ni Mr. Chan. Ang una pong deal ay dapat po ipapakasal yan kay Mr. Chan kasi balo na si boss. Kaso nagustuhan siya ni Christian. Kaya ang naging final na usapan na lang, dito na lang siya sa club magtatrabaho ng walang sahod. Dahil ang sahod niya e diretso ng bayad sa 500 thousand na utang ng papa niya," may awa ang tono na kwento nito.

"Nasaan ba ang papa niya? Bakit hindi yun ang magsilbi dito ng walang bayad. Kahit janitor dito na posisyon."

"Nakakulong po kasi siya sir. Simula nang maghirap sila nasangkot sa droga yung tatay ni Yeli. Saksi ako sa kasipagan ni Yeli. Tapos napakamaalaga pa niya kay Tantan, yung sa kapatid po niya na bunso."

"E yung Christian, kumusta naman bilang boyfriend niya?" tanong niya dito. Teka, bakit ka ba interesado sa love life ng babaeng yun. Saway niya sa isip.

"Ang sabi po ni Yeli, mabait naman daw po si boss Christian. Kaya tingin ko wala silang problema," sagot naman nito kay Niel.

Tumango lang si Niel at tinigilan na ang pakikipag-usap sa bugaw. Sapat na para sa kanya ang nalaman. May mga tao naman siya na pwedeng mag-halukay pa ng buong pagkatao ng dating kasintahan. Kaya sa mga iyon na lamang niya ipapagawa.

Nang makapagpaalam sa kanya ang bading na kausap. Pumuwesto na siya sa isang sulok na may kadiliman, para hindi siya mamataan ni Anayeli. Umorder lang siya ng alak. Pero hindi siya kumuha ng ka-table. Gusto niyang bantayan ang dalaga hanggang sa umuwi ito.

Kinabukasan ng umaga sa opisina ay kita niya na namumula ang mga mata ni Anayeli. Halata na napuyat. Naawa naman siya dito. Kaya kahit paghingi ng kape ay hindi niya ginawa. Gusto niyang bigyan ng pahinga ang dalaga.

Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng galit niya kay Anayeli ay tinutubuan siya ng habag para dito. Sinabi na nga niya sa sarili na hindi na niya ito mahal. Pero bakit ngayon ay concern siya dito?

Bumabalik na ba ang pag-ibig niya dito? O baka naman awa lang talaga sa kalagayan nito ang nararamdaman niya. Nabigla kasi siya masyado sa sinapit ng buhay nito. Kaya ngayon pati siya ay hindi mapakali kung paano pagagaanin ang buhay ng dating kasintahan.

Pero alam naman niyang balewala na ito sa kanya. At sana nga balewala na ito. Dahil hindi niya alam ang pwede niyang gawin sa dalaga kung sakaling may makapa pa rin siyang pag-ibig para dito. Pag nagkataon ay kahit pa may boyfriend na ito ay gagawin talaga niya ang lahat para mapasa kanya ito muli.

Nang mga bandang alas otso ng gabi ay hindi na naman mapakali si Anayeli sa upuan nito. Hindi na naman kasi ito sinabihan ni Niel kung anong oras ito uuwi. Nag-aalala ito na baka masabon na naman ni Mr. Chan kapag hindi na naman ito pumasok ngayong gabi.

Kaya naman lakas-loob na naman nitong kinatok si Niel sa office. Agad naman muli itong pinapasok ng binata.

"Sir, can I go home now?" maagap nitong tanong kay Niel.

"No, I want you to stay here. I'll tell you when you can leave," dominante nitong sagot.

"Okay po sir." Nakatungo at malungkot na nilisan ni Anayeli ang office na iyon.

Nagtataka ito dahil wala namang iniuutos sa kanya si Niel. Pero ayaw pa itong pauwiin. Nagugutom na nga ito, pero hindi nito alam kung kailan makakaramdam ng gutom ang mayabang na Niel na iyon.

Hanggang nang mga bandang 8:30 PM ay may dumating si Niel na bisita. Nginitian ni Anayeli ang bisita. Amoy na amoy nito ang bitbit na pizza ng magandang babaeng iyon. Lalo tuloy itong nagutom.

Napakadaya ng Niel na yun, mabuti siya may tagahatid ng pagkain niya. E kumusta naman ako dito! Asik nito sa isip nang mapapasok na ang babae sa office ni Niel.

Hindi pa nagtatagal sa upuan si Anayeli ay lumabas na si Niel at ang babaeng bisita. Nakalingkis pa ang bisita sa braso ni Niel. Sayang-saya ang mukha nito. Bitbit naman ni Niel ang dala ng babae na pizza kanina.

Nang nasa tapat na ng table ni Anayeli ang dalawa ay huminto si Niel sabay patong ng kahon ng pizza sa table ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Anayeli, ang babae naman ay nakangiti lang sa inosenteng sekretarya.

"Sir?" may pagtatakang tanong ni Anayeli kay Niel.

"Sayo na lang yan, kakain na lang kami ng baby ko sa labas," nakangiting sabi ni Niel dito. "Kumuha ka na lang ng maiinom sa mini fridge sa loob ng office ko."

"Thank you po sir. Pero pwede na po ba akong umuwi?" tanong na naman ni Anayeli na hindi nawawala sa isip ang pagmumukha ni Mr. Chan na naniningkit na naman lalo ang mga mata sa galit habang panay ang sermon sa dalaga.

"No. Stay here until midnight. I'll tell my driver to drive you home later," mariing sagot ng binata.

"But sir, I'm done with my work. Saka wala naman po kayo," katwiran nito.

"I'll be back if I can. Just follow my instruction. I'll text you kung pwede ka ng umuwi," paliwanag niya sa dalaga.

Napatango na lamang ng ulo si Anayeli. Wala naman itong magagawa dahil boss na nito ang nag-utos. But anyway, dagdag din sa sweldo nito ang overtime kahit nakatunganga lang ito. Busog pa ito dahil may free pizza naman ito ngayon.

Eksakto alas dose nakatanggap si Anayeli ng text mula kay Niel, na hindi na makakabalik ng office. Kaya sinabi ng binata na pwede ng umuwi si Anayeli. Pairap namang nag-reply dito si Anayeli upang magpasalamat.

Kinabukasan ay ganon na naman ang nangyari. Iba namang babae ang bisita ni Niel at ang bitbit naman na pagkain ng bisita nito ay isang bucket na chicken, at may kasama pang drinks.

Nang mga sumunod pang mga araw ay ganon na naman. Naiinis na talaga si Anayeli dahil may dalawang linggo na ganon palagi ang utos dito ni Niel. Alas dose na ito palagi nakakauwi. Kaya naman alam nitong umuusok na ang ilong ni Mr. Chan dito. Dahil nga 2 weeks ng hindi na naman nakakabayad ng utang si Anayeli sa intsik na iyon.

Pero ang hindi rin nito maintindihan kung ang kinaiinis ba nito ay ang pagpapa-overtime dito ni Niel ng sobra-sobra. Na wala namang ginagawa, at pinapakainin pa nga ito ng mga babae ng binata. O naiinis ito dahil gabi-gabi ay iba-iba ang babaeng dumadalaw dito?

Hindi maintindihan ni Anayeli ang sarili kung bakit nakakaramdam ito ng inis. Kapag nakikita nito na palaging iba-iba ang kalampungan ni Niel sa tuwing dadaan sa table nito, para ibigay ang mga pagkain na bitbit ng mga babaeng bisita.

Pig talaga ang walangya! Gabi-gabi na lang iba ang babae, maputulan ka sana! Pairap at inis na sabi ni Anayeli sa isip nang makaalis na si Niel at ang malandi nitong bisitang babae, na halos maghubad na ng damit. Panay pa ang himas ng babaeng iyon sa dibdib ni Niel habang naglalakad.

Lingid sa kaalaman ni Anayeli. Sinasadya talaga ni Niel na hindi ito pauwiin ng maaga para hindi ito makapasok sa club ni Mr. Chan.

At sa tuwing tatawagan si Niel ng mga babae niya ay inuutusan niya ang mga babaeng iyon na magdala ng pagkain na kunwari ay para sa kanya. Pero ang totoo ay para kay Anayeli iyon.

Paraan niya iyon para wala ng madami pang tanong si Anayeli. Ewan ba niya kung bakit niya ginagawa iyon kay Anayeli. Basta ayaw na niyang babalik pa ito sa club. Kaya ginigipit niya ang oras nito. Masaya siya na nalaman na hindi ito kaisa ng mga hookers na babae sa club ni Mr. Chan. Kaya sinabi niya sa isip na gagawin niya ang lahat para hindi ito matukso na maging kaisa ng mga babaeng iyon kapag nagipit sa salapi.

Di bale ng sa opisina niya mapuyat ang dalaga wag lamang sa loob ng club na iyon na punong-puno ng iba't-ibang klase ng mga mayayamang lalaki na mababa ang tingin sa mga trabahador doon. Hindi man kaisa si Anayeli sa mga Magdalena doon. Alam niya na ang tingin ng mga kalalakihan sa dalaga ay mababa din ang lipad. Dahil empleyado ito doon.

Napag-alaman din niya sa inutusan niyang imbestigador na marami ang gustong maglabas kay Anayeli sa club na iyon. Hindi nga lamang ito mailabas ng sinoman dahil nga pag-aari na ang dalaga ng anak ni Mr. Chan. Naiinis siya sa anak ng Mr. Chan na yun. Dahil hinahayaan nito na magtrabaho ng walang bayad doon si Anayeli. At hinahayaan na ma-expose sa mga customers ng mga ito na alam naman ng lahat kung ano ang pakay sa club na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...