STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 18

26.3K 701 113
By Missflorendo

Kabanata 18

"Mukhang masaya ka ha," ani Easton pagdating namin sa tapat ng room ko. Hindi ko naman ito itinatanggi dahil simula pa kaninang kausap ko si Fyuch ay hindi na talaga nawala ang ngiti ko.

Feeling ko nga na-stroke na yata ako at ayaw ng bumalik sa normal ng mukha ko.

"Sabi ko na sa 'yo hindi mo na 'ko kailangan ihatid."

"Sino ba'ng kausap mo kanina pa?" curious na tanong niya.

Feeling ko kanina pa niya gustong itanong sa 'kin 'yan e. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa 'kin pero ngayon lang siya nagsalita.

Tinitigan ko siya tapos parang may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko.

"Can I ask you something?" medyo alangan ko pang tanong dahil hindi ko sigurado kung okay lang ba na sa kanya ko ito itanong.

"What is it?" walang pag-aalinlangan namang sagot niya.

Bahagyang nagdalawang isip talaga ako pero medyo desperada akong makakuha ng sagot. At saka feeling ko since nagustuhan naman ako dati ni Easton, may matino siyang maisasagot sa 'kin.

Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya.

"Ano ba 'yung...pinakagusto ninyong mga lalaki sa isang babae?"

"What do you mean?"

Kinagat ko ang labi ko habang patagong nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. Humakbang pa ako palapit sa kanya.

"Gusto ko lang malaman kung ano ba 'yung pinaka-unang nagugustuhan niyo sa isang babae? I mean bukod sa ganda, ano ba 'yung katangian na unang nakakahuli ng atensyon ninyong mga lalake?"

"Hmm." Parang napa-isip siya bigla. "For me, it's the personality," sagot niya tapos nilapit pa niya 'yung mukha niya sa 'kin. "Dahil maliban sa ganda mo, 'yung napaka unique mong personality ang humuli sa puso ko. Do you still remember when we first met? You fucking punched me in the face."

"HAHAHAHA! Hoy! Akala ko ba kinalimutan mo na 'yon?!" bigla tuloy akong nahiya at natawa sa pagpapaalala niya sa 'kin non.

"How could I forget the moment that made me fall in love with you?"

"Luuh! Maiyak ka pa d'yan?" asar ko sa kanya dahil ang seryoso niya. Hahahaha! Kase naman nag-reminisce pa! "Paano ka makaka-move on agad sa 'kin niyan?" biro ko pa.

"Sino bang may sabing mag-mu-move on ako?"

"Hoy break na tayo FYI, kaya move on move on din ui!"

Tinawanan lang ako ng siraulo at akala yata ay nagpapatawa ako? Konting hirit na lang talaga bibinggo na sa 'kin 'tong lalaking 'to. Parang lahat kasi ng sinasabi ko hindi naman niya siniseryoso.

Mukha ba 'kong nag-jo-joke? Joker ako minsan, pero may times naman na seryoso ako. Ayoko lang naman kasi ng kumplikasyon kapag naging kami na ni Fyuch. Baka kase mamaya seloso pala ang bb ko tapos ma-insecure siya sa ex ko, dibuhhh?

"Magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas," sabi ni Easton at umatras siya palayo ng kaunti sa 'kin.

"Bakit? Aalis ba tayo bukas?" nagtatakang tanong ko. Parang wala naman kasi akong alam na lakad ko bukas kasama siya.

He just smiled and touched the top of my head.

"I just want to bring you somewhere you'll surely love."

"Saan?"

"Bukas mo malalaman."

"Ayy pa-suspense effect pa? Basta hindi 'yan date ha!"

"Ano naman kung date?" parang naghahamon na tanong niya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at bahagyang tumagilid ako sa kanya.

"Ay hindi ako sasama kung date," honest na sagot ko.

Loyal ako kay Fyuch at alam ng langit 'yan. Siya lang naman 'tong taksil sa aming dalawa. Wala siyang pake sa feelings ko. Huhu.

"Bakit? May magagalit ba kung i-de-date kita?"

"Hah!" mayabang kong singhal. "Baka...pero...'di ko pa sure e."

Tinawanan na naman ako! Aba gago 'to ah! Nakapamaywang ko siyang sinamaan ng tingin at lakas loob naman niyang sinalubong ang mga titig ko tapos napapailing pa.

"Just guard your heart well, Portia. Don't easily fall for someone who doesn't love you."

Ayyy may pa-warning! Gusto ko siyang tawanan pero hindi ko magawa. Parang pakiramdam ko kase medyo tumagilid ako doon sa sinabi niya.

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Pinilit kong tumawa kahit mukha akong tanga sa kaplastikan ng tawa ko.

"Wag kang mag-alala! Ako pa ba? Segurista yata 'to baka nakakalimutan mo?" mayabang na tugon ko.

Sana nga, Portia. Sana nga.

"Oo na sige na. Alam mo naman lagi ang lahat e." Hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat at saka itinulak papasok sa room ko. "Have a good rest, babe. Good night."

"Good night, Easton." Kumaway ako sa kanya bago ko tuluyang isinara ang pinto.

He left with a smile, but I know how fake that smile was.

Alam kong nasasaktan ko siya kahit hindi niya sabihin sa 'kin ng deretso. Hindi pa naman ako ganoon kamanhid para hindi maramdaman 'yon, pero alam kong mas masasaktan ko siya kung ipagpipilitan kong mahal ko pa rin siya kahit hindi na.

Pagpasok ko sa kwarto naligo agad ako at nagpalit ng damit pantulog. Pagkatapos kong makapagpatuyo ng buhok at mag-skincare routine, tumalon agad ako sa kama at chineck kung online si Fyuch. Kaso malas lang dahil hindi siya online.

Maaga pa naman ah. Tulog na ba siya?

Tinignan ko ang oras at 8pm pa lang naman. Pagkatapos kasi naming umattend sa gathering kanina, may mini after party pang naganap with the oldies. Buti na lang nandoon si Easton at may nakausap ako kahit papaano.

Dior: kayo na ulit?!

Mona: shuta bago ka umalis sinusumpa mo pa 'yan, ngayon kasama mo na d'yan?!

Lyra: nag make-up sex siguro kayo ano?! Spill it!

Marahil kung katabi ko ang mga ito ay pinagbabato ko na sila ng mga unan.

Portia: eh kung pinapatapos niyo muna akong magkwento bago kayo sumabat d'yan?!

Parang nagsisisi tuloy akong nakipag-video call ako sa mga bruhang pinsan ko na 'to! Kase naman buryong buryo na 'ko rito sa kwarto 'di pa rin online si Attorney. Huhu. Wala tuloy akong choice kundi ichika sa kanila ang tungkol kay Easton. Pero binabaan ko rin sila agad dahil masyadong pasmado ang mga bunganga at ang sasama ng mga pinagsasasabi nila.

Na-excite ako nang ang best friend kong si Adara naman ang tumatawag sa 'kin ngayon.

"At anong himala ang iginawad ng langit para bahagian ka ng extra time at tawagan ang pinakamaganda mong best friend? Huh?" bungad na speech ko sa kanya pagkasagot ko. Tawang tawa naman si gaga na akala mong wala ng bukas. "Sige lang tumawa ka pa para paglabas niyang anak mo ay ako ang maging kamukha."

[Ang kulit mo talaga! Kelan ka ba uuwi? Baka naman gusto mo 'kong bisitahin sa bahay bago ako manganak?]

"Kelan ba wala ang asawa mo sa bahay? Para kasing walking CCTV 'yun na laging nakatingin ng masama sa 'kin kapag nandiyan ako! Para bang laging sinisigaw ng mga mata niya umalis ka na, umalis ka na."

[HAHAHAHAHAHA! Kasalanan mong gaga ka kapag nanganak ako ng wala sa tamang buwan dito!]

Buong pag-uusap yata namin ay puro tawa lang ang ginawa ng bruhang 'to. Hindi ko tuloy sure kung sobrang saya lang ba niyang makausap ako o talagang isa akong komedyante sa paningin niya.

Inisip ko na lang na buntis siya at pinaglilihian niya 'ko kaya siya gan'to. Hinayaan ko na siyang magpakaligaya sa mga chika ko sa kanya about kay Fyuch alang-alang sa inaanak ko. Tapos nu'ng napunta na kami kay Easton, bigla siyang sumeryoso at parang bubutasan ng titig niya ang noo ko.

[Alam ba ni Sam na nand'yan ang ex mo?]

"Hindi. Bakit? Kailangan pa ba niyang malaman?" I mean baka isipin niyang napaka-feeling ko na masyado kung pati ex ko ichi-chika ko pa sa kanya.

Ano 'yun, share ko lang? Hahaha.

[Sabagay, hindi naman din required. Di ka naman niya nililigawan 'di ba?]

"Alam mo? Ang harsh mo," sabi ko at inirapan siya. Nakita kong napasandal na naman si gaga sa sofa sa sobrang tawa niya.

[HAHAHAHAHA! Sorry hahahahahhaha. ]

"Konti na lang, Adara at magdududa na 'ko sa pagkakaibigan nating dalawa," may halong pang-uuyam na wika ko. Pero syempre charot lang dahil masaya ako na napapaligaya ko ang best friend ko. Ang babaw lang kasi ng kaligayahan nito e.

Ilang oras pa akong naghintay kung mag-o-online pa ba si Fyuch pero pagmulat ko ay maliwanag na. Umaga na shit! Dali dali akong tumakbo sa bintana para i-check kung umaga na nga ba talaga o nananaginip lang ako.

Pagtingin ko ay napakataas na nga ng sikat ng araw! Tinignan ko agad ang oras at nakahinga ako ng maluwag pagkakita kong 9am pa lang. Akala ko ay masyadong late na ang gising ko.

Bumalik ako sa paghilata sa kama at kinuha ang phone ko. Hindi na yata talaga nag-online kagabi si Fyuch dahil wala man lang siyang reply sa mga messages ko sa kanya. Binuksan ko ang chat box namin para i-greet ko sana siya ng good morning kaso nakita kong na-seen naman pala niya 'yung messages ko kagabi.

Eh bakit hindi niya 'ko nireplyan?

Porkshaaa: Good morning! 😘

Puno ng tender love and care ang message ko sa kanya dahil ngiting ngiti akong habang tinitipa iyon kaso bigla naman siyang nag-offline!

Luh! Hindi man lang binalik 'yung good morning kong may kiss! Huhu. Kukulitin ko pa sana siya nang maalala ko bigla 'yung sinabi ni Easton kagabi na aalis kami dahil sa pagkatok sa pinto ko. Grabe, ang aga naman.

Tamad na tamad akong bumangon ulit at tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay si Easton nga na mukhang kalalabas lang sa isang anime show. Hahahaha. May pagka-anime character kasi ang facial features ni Easton lalo na iyong medyo singkit niyang mga mata tapos ang puti pa niya. He's wearing a big striped long sleeve shirt and a maong pants, then a black cap too.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" tanong ko paglabas namin ng kwarto. Hindi niya 'ko sinagot kaya hindi na rin ako nag-follow up question pa. Lalo na nang may nakita akong taho sa labas ng hotel at binilhan ako ni Easton. "Ugh! Ang sarap!"

Natatawa niya 'kong inakbayan at nagpatuloy kami sa paglalakad. Dahil sa pagkatuwa ko sa kinakain ko ay hindi ko napansin ang daang tinatahak namin. Nang huminto lang kami at naubos ko na ang taho ko saka ko lang napagtanto kung nasaan kami.

May rest house at nasa tabing dagat ito! Nagniningning ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"Ang ganda rito, Easton!"

"Yeah. That's why I brought you here. Pangarap mong tumira sa gan'tong lugar 'di ba?"

Umangat ang magkabilang sulok ng labi ko habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid.

"Naaalala mo pa pala 'yon?"

"Oo naman. I even promised you before that we'll buy a property near the beach once we get married. Do you still remember that promise, Portia?"

Napalunok akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Tiningala ko ang langit at halos pumikit na ang mga mata ko dahil sa nakasisilaw na liwanag nito.

"Sorry ha, Easton."

"You don't have to say sorry. It's my fault that you fell out of love from me. Kung hindi lang ako naging duwag noon, siguro ay mahal mo pa 'ko hanggang ngayon."

Siguro nga... Dahil kapag nagmahal ako, sigurado akong mahal ko talaga. Pero sa oras na dumating sa puntong kailagan ko ng bumitaw, sigurado rin akong kayang kaya kong bumitaw. At kapag nakabitaw na ako, wala ng balikan dahil gustuhin ko man ay puso ko na mismo ang kusang nagsasara sa lahat ng pinto ng pagmamahal na mayroon ako.

At ganoon ang nangyari sa amin ni Easton.

Kahit naiintindihan ko na ngayon ang nangyari noon sa amin at kung bakit namin kailangang maghiwalay, huli na. Sarado na ang puso ko at tanging pagkakaibigan na lamang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Siguro ganoon talaga kapag may self love ka. Hindi ko naman itinatanggi na mahal ko ang sarili ko.

Sobrang nag-enjoy ako sa pinuntahan naming ito. Inilibot pa ako ni Easton sa paligid at nag-picture picture pa kami gaya ng lagi kong gustong ginagawa sa bawat lugar na pinupuntahan ko. Pakiramdam ko kasi ay kahit sa pamamagitan lang ng mga litrato, kaya kong baunin pauwi ang kagandahan ng bawat lugar na binibisita ko.

Pagbalik namin sa hotel ay saktong nakasalubong namin sina Daddy at Allyson na mukhang mamamasyal din sa labas. Hindi ko sila pinansin pero narinig kong kinausap sila ni Easton bago ako tuluyang nakalayo. Tsk. Sira na naman ang araw ko.

Pabagsak akong humiga sa kama at tinignan iyong mga pictures ko na kinunan ni Easton kanina. Kung lalaki lang siguro ako baka nagka-crush na 'ko sa sarili ko.

Kaya bakit hindi ako ma-crush-an ni Fyuch? Saan ako nagkulang? Sa pwet ba? Sa dede ba? Char. Muntik ko nang maibagksak ang cellphone ko sa mukha ko nang mag-pop up iyong chat head ni Fyuch.

Finally!

Sssmith: hi.

Napasimangot agad ako sa chat niya.

Porkshaaa: napuyat ako kahihintay sayo kagabi tapos hi lang?

Porkshaaa: wala man lang kiss?

Sssmith: 😘

Porkshaaa: hala naman to di mabiro! Sana sinamahan mo na rin ng hug!

Sssmith: how's your day?

Porkshaaa: okay naman po, Daddy. Nakasagot naman po ako kay Teacher.

Sssmith: funny.

Porkshaaa: HAHAHAHA. Bakit kasi para kang si Daddy kung mangumusta?

Sssmith: okay.

Porkshaaa: joke lang bb! Pero sad ako kagabi kasi di mo ko nireplyan. ☹

Sssmith: yeah sorry. I was busy reading tons of cases.

Porkshaaa: hala oki lang bb. Don't abuse your body po. Only I can abuse it. 🙃😝

Sssmith: okay.

Porkshaaa: omg. Permission granted? HAHAHAHA.

Sssmith: ikaw bahala.

Muntanga akong nagsasayaw sa kilig! Grabe 'tong si Fyuch hindi talaga mabiro! Napaka pa-fall niya kaineees! Sana po marunong ka din sumalo hano? Huehue.

Kinabukasan excited akong umuwi dahil nag-ayang maglasing ang mga pinsan ko kinagabihan. Matagal tagal na rin nang huli akong madiligan ng alkohol kaya pakiramdam ko tuloy nanghihina na ang buong sistema ko. Madali kong kinuha ang sling bag ko at tumakbo palabas ng condo. Kasama ko naman si Kairo at siya ang driver ko papunta doon.

Pagdating namin nagsasaya na silang lahat at si Lyra ang agad kong nakita na may kamomol sa couch! Kita niyo 'tong babaeng 'to. Lalandi na lang, dito pa sa pwesto namin!

"Huy, shupi shupi!" pananaboy ko sa kanila pagkalapit ko. "Dun nga kayong dalawa magkalat!"

Napahiwalay si gaga sa lalake niya pero nakakapit pa rin ang mga braso niya sa leeg nito.

"Di pa naman kami nilalabasan ah?"

"Lyra Juliet!"

Tumatawa siyang nagtaas ng dalawang kamay.

"Okay fine, fine! Eto na tatayo na. Ang KJ mo, alam mo?" nakahawak sa baywang niya iyong lalaki at lumipat nga sila ng pwesto doon sa sulok. Iniwasan ko na sila ng tingin dahil wala naman akong balak manood ng live porn.

"Nasaan na 'yung lawyer mo?" tanong ni Dior pag-upo niya sa tabi ko. Yumuko ako at inabot ang bote ng Jack Daniel's.

"May family dinner e," sagot ko.

Aayain ko naman talaga dapat siya kaso nabanggit niyang may dinner sila ng pamilya niya kaya 'di ko na binanggit pa. Hindi naman ako ganoon ka-epal para hatakin siya rito.

"Aww. Good boy yata masyado 'yang crush mo. Di ka pa rin ba niya crush?"

Sasagot na sana ako nang pabagsak na umupo sa tabi ko si Mona.

"Kadiri ka, Portia. Crush pa rin? Ano ka, elementary?"

"Pake mo?" inirapan ko siya at dahil doon ay hinatak niya 'ko patayo. "Hoy gaga ka saan mo 'ko dadalhin?!"

"Iuuntog kita sa abs ng mga lalake dito nang matauhan kang hindi mo kailangan ng crush."

"Bruha ka bitawan mo nga 'ko!" pilit kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sadyang amasona talaga 'tong babaeng 'to at hindi ako makapalag! Medyo malayo na kami kay Dior para makasigaw pa 'ko ng tulong.

Nakipagsiksikan kami sa gitna ng dance floor na puro mga lalake nga! Ay sus ginoo ako'y napayakap sa sarili ko nang bitawan ako sa wakas ni Mona.

Hahatakin ko na sana siya paalis dito pero may kasayaw ng papi si gaga! Wala na 'kong nagawa kundi umalis na lang mag-isa nang yakap ko pa rin ang sarili ko dahil sobrang sikip at talagang hindi na maiiwasang ang pagdikit ko sa mga balat ng mga narito.

Feeling ko nanlagkit ako paglabas ko sa kumpol ng mga nagsasayawan doon! Pinagpagan ko ang sarili ko pero parang ang lagkit ko pa rin kaya pumunta muna ako sa restroom. Pagpasok ko ay medyo hindi ko inasahan ang madaratnan ko sa tapat ng salamin na nag-re-retouch.

That Jenny girl.

Sobrang iksi ng suot niyang skirt at kulang na lang ay ipangalandakan ng dibdib niya ang yaman ng mga ito. Deretso lang akong tumungo sa lababo at naghugas ng kamay. Kumuha ako ng tissue at binasa ko ito saka ko pinunas sa nanlalagkit kong braso.

"Hey! Portia, right?"

Tinignan ko siya sa salamin habang nagpupunas pa rin ako.

"How did you know my name?"

"Sorry ha, I asked Sam your name. I thought kase something was going on between you two that's why I kinda felt jealous!" she let out a graceful laugh. "Pero buti na lang he made it clear to me na you are his friend's cousin lang daw that's why he's being nice to you."

His friend's cousin?

"Really..." ngumiti na lang ako sa kanya.

"Sorry din pala last time we met in a resto, ha? Muntik na kitang masungitan. Akala ko kasi talaga katulad ka rin ng mga desperate girls na habol ng habol sa kanya. I like him so much kase and he knows it naman. Kaso we had a misunderstanding before kaya until now ay hindi pa rin kami okay. But we're trying to fix things out naman na recently."

Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Should I say Goodluck to her? Or should I cheer her up na maayos din nila ang kung ano mang meron sila before?

I really don't know what to say. Basta ang alam ko lang, ang sakit nung mga sinabi niya.

Napatingin ako sa phone na hawak niya nang biglang nag-ring ito.

"Oh gosh. He's calling na." Napaawang ang labi ko nang makita ang pangalan ni Sam sa screen ng phone niya. "Nainip na yata siya sa tagal ko."

Bumilis ang tibok ng puso ko at napakunot pa ang aking noo.

"H-He's here?"

Please... Tell me he's not.

Kilig na kilig ang itsura niya na tumitig muna sa kanyang phone bago sa 'kin.

"Yeah we're together! Osya, I'll go ahead na ha? Baka magalit na' yun sa sobrang tagal ko." ngumiti siya bago tuluyang maglakad palabas at naiwan akong nakatulala.

Family dinner pala ha?

*** 

Angel's note: Kabanata 19-24 are now in Patreon!

www.patreon.com/missflorendo

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
12.1K 495 17
Julia don't believe in love, not until Aries effortlessly sent her tingling sensations. Eventually, even without trying, she fell. Aries Chase was th...
3.3M 76.7K 43
Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...