Don't freak out, it's me! (le...

By WriteMyHeartForYou

687K 28.2K 7.2K

[FILIPINO] Published date: February 07, 2020 Mars and Nike are best friends since diapers, they are inseparab... More

Don't freak out, It's me.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Birthday Greetings
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
FYI
The Sequel Stories

Chapter 7

14.5K 656 124
By WriteMyHeartForYou


Break time na at kanina pa ako naghihintay dito sa canteen kay Mars pero until now wala pa sya. Unfortunately ay hindi kami classmates this second year in high school. Kaya tuwing break time nalang kami nagkakasama at pag-uwian na. I already texted and called Mars narin pero hindi sya sumasagot. Kaya I decided na puntahan sya just to check if she's okay.

Gutom narin ako and she probably tell me like 'Bakit nasa akin ba ang kaldero at hindi ka makakain ng wala ako?' Napakawitty ni Mars at magaling gumawa ng katwiran. Kaya naman pangarap nya maging lawyer. Which is bagay sa kanya and I'm pretty sure na makakamit nya ito in the future.

Bigla akong natigilan nang makita ko si Mars na nakatalikod at napapalibutan ng tatlong babae. Of course, I know who they are. Sila lang naman ang grupo ng bully dito sa school.

"Mars..." Nagmamadali akong lumapit sa kanila. "Mars!" Pero hindi sya tumitingin sakin. "Anong problema?"

"Wala naman Nike." Ang leader ng bully group ang sumagot. Nagtama ang mata namin ni Crayon. Yes, crayon nga. Alam nyo naman si Author, mas bet ang weird name. "Kinakamusta lang namin si Pig--"

"Stop okay?" Agad kong pagpigil sa sinasabi ni Crayon. "Tigilan mo na si Mars."

Crayon smirked devilish at me. "You can't tell me what to do Nike at saka wala kang paki--"

"May pake ako." Galit na galit ko na sabi kay Crayon. Unti unting nagdidilim ang paningin ko sa babaeng ito. "Kaya pwede ba tigilan mo na si Mars, Crayon? Humanap ka ng ibang mabubully mo."

Crayon crossed her arms with a smug look on her face. "Ayaw ko nga, gusto ko si Mars."

"Ano bang kasalan nya sayo para--"

"Wala." Natawa si Crayon at pinagmasdan si Mars na nakatayo sa likuran ko. "Pero nakakatawa ang itsura nya.." Nilingon nya ang mga kasama nya. "Diba girls?"

"Oo nga." Pagsang-ayon ng mga ito.

"And look at her." Ngumisi si Crayon. "Ang taba taba na nga, nakapiggy tail pa."

I felt the blood in my head.

Naramdaman ko ang kamay ni Mars sa braso ko. "Nike.."

Pero yung galit ko ay parang sky rocket na and no one can't stop me even Mars. How dare she this bully na pagsalitaan si Mars nang masakit.

"Napakapangit!" Dagdag ni Crayon.

That's it.. I lost all my control as my hand flies and hit her face. Gulat na gulat naman si Crayon sa nangyari habang hawak ang mamula mula nyang pisngi. It took her a minute or two to react.

"Walang hiya ka!" Galit na galit nya akong sinugod. Kamukha nya na si Maleficent. "Wala kang karapatang sampalin ako!"

"Meron!" Sabay dakma ko sa buhok ng bruhang bully. Hindi ako magpapadaig kay Crayon kahit ang sakit ng anit ko sa pagkakasabunot nya. "Ang pangit na nga ng pangalan mo, mas napakapangit pa ng ugali mo!"

"Nike!" Sigaw ni Mars, nanginginig ang boses nya. "Tama na!" She even tried to stop unentangled us ni Crayon pero tinulak sya ng isa sa kasama nito. Natumba si Mars habang sabunot namin ni Crayon ang isa't isa.

I wanted to listen to her though pero kailangan kong lumaban para kay Mars--Para sa aming dalawa. That way ay hindi kami inapi api ng kung sino sino. Gusto ko syang protektahan sa kahit sinong ponsyo pilato na mananakit sa damdamin nya. Wala silang karapatan saktan si Mars.

"Aray..." Pagdaing ko habang nilalapatan ni Mars ng bulak na may alcohol ang sugat sa noo ko. Ang walanghiyang krayola nakaisang kalmot sakin. "Magdahan dahan ka naman Mars."

"Ikaw kasi eh!" Halos pasigaw na sambit ni Mars. It makes me flinched a little. But her eyes are watering habang nakatingin sakin. Nakaupo na kami dito sa garden ng school at tabing puno na madalas naming tambayang dalawa. "Sabi ko naman sayo wag mo na silang patulan."

Taas kilay na pinagmasdan ko si Mars. "So galit ka sakin dahil pinagtanggol kita?"

"No.." Hindi agad nakakibo si Mars at yumuko. "Pero totoo naman ang sinasabi nila na ang taba taba ko--pangit."

I hate it when Mars put herself down. Wala talagang nagagawang mabuti ang bullying. It only affects people--innocent people. They suffered inside.

"Sshh.." Agad kong pag-awat sa kung ano pa mang sasabihin nya. "Don't listen to them okay?" Hinawakan ko ang mga kamay nya. "At wala akong pakialam kung mataba ka, payat ka--Ah basta! Ipagtatanggol parin kita kahit patayan pa."

Natawa si Mars. Honestly, I love seeing her smile. She is so cute. I actually didn't see her na mataba gaya ng iba, Mars is such a sweetheart. "Patayan talaga?"

Tinaas ko ang sleeve ng uniform ko at niflex ang braso ko. "Kita mo to?"

"Nasaktan ka na nga eh." Naiiling na tumatawang sambit ni Mars. "Pero puro ka parin kalokohan." Tumayo sya at pinagpagpag ang palda nya. "Tara na nga."

"Saan?" Nagtataka man ay tumayo narin ako.

Nilingon ako ni Mars. "Kakain, gutom na ako eh."

Natawa nalang ako. Well, at least she is okay despite of what happened. Sumunod ako kay Mars at niyakap ko sya nang patagilid. "Pakagat nga." Masamang tingin ang binigay nya sakin at lalo naman akong natawa. "I love you Mars."

I love you Mars...

Bigla akong nagising at napaayos ng upo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa set habang abala ang lahat ng crew sa pagseset-up ng mga cameras at props. Sumandal ako sa upuan sabay buntong hininga. I just couldn't believe na napanaginipan ko yung time na nag-aaral pa kami ni Mars. Siguro namimiss ko lang yung friendship na meron kami dati. But because of different priorities we separated ways.

"Nike." Biglang sumulpot si Gael sa harapan ko, pawis na pawis at hinihingal sya. "May problema tayo."

"Ha? Anong problema?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

Tumingin si Gael sa hawak nyang ipad. "Look."

"Just tell me." Puro script na nga ang laman ng utak ko. Pagbabasahin nya pa ako.

Kakamot kamot si Gael sa ulo nya. "Are you sure?"

Tinitigan ko sya ng maigi. "Gael, don't waste my time."

"Si Trish, tinakbo ang pera mo."

Napatayo ako na titig na titig sa mukha ni Gael. "Ano? Si Trish? Anong nangyari!?"

"After mag-invest ni Sir Leon last week ay hindi na nagpakita si Trish pati ang asawa nya. Milyon milyon ang nascam nilang pera." Paliwanag ni Gael sakin. "Kahit yung ibang artista at producer naloko din."

Trish used to be my personal assistant at okay naman kami sa isa't isa. I trusted her dahil maganda ang pinakita nya sakin. Machika at magaling magsalita kaya naencourage nya akong mag-invest sa company ng asawa nya. Pero ang bruha, scammer pala!

"Ipahanap mo sya Gael!" Pinagsamang galit at disappointment ang boses ko. "I want my money back! Hindi biro ang dalawang milyon."

Hinawakan ni Gael ang braso ko. "Don't worry Nike, may kinontak na ako na from NBI."

Nanghihinang napaupo ako sa upuan. Parang nawalan ako ng lakas. "Pinaghirapan ko yon Gael.." Sobrang nanlulumo ako. "Ipapakulong ko talaga yang Trish na yan."

"I know.." Pabuntong hiningang sabi ni Gael. "Babawiin natin ang pera mo."

"Humingi tayo ng tulong sa mga taong maaring makatulong sakin Gael." Biglang sumakit ang ulo ko sa problemang dumating sakin. "Aside from my money, i want Trish and her husband to pay for she has done."

"First we need a good lawyer Nike." Suggestion ni Gael.

"Nike!" Sigaw ng direktor na may kasama pangkaway sakin. "Mag-uumpisa na tayo."

I just sigh in predicament bago tumayo. "Just do anything Gael." At naglakad na ako papunta sa set. Pero kahit na professional na ako sa trabaho ay halatang distracted ako the whole time. Ikaw ba maman mawalan ng dalawang milyon sa isang iglap.

Wala ako sa mood after work so I decided to go home early. Pinauwi ko narin si Gael dahil alam ko na pagod din sya sa maghapong pagfollow-up about kay Trish. Dumaretso ako pool at nagswimming. I just liked it here. Nakakarelax at nakakawala ng negative vibes.

"Want some drink?"

Nagulat ako nang biglang may nagsalita but I already know who is it. "What are you doing here? May pasok ka pa bukas diba?"

"Woah, isa isa lang ang tanong." Sagot ni Eris habang umuupo sa gilid ng pool. "Saturday bukas ate."

I just rolled my eyes at her. "Hindi ka na High School Eris, I know may pasok ka every Saturday." Nagfloating ako sa tubig and just closed my eyes to relax. "So why are you here?"

"Nag-aalala si Papa sayo."

Napabukas ang mata ko. I already know why she is really here. "Tell him I'm okay and nothing to worry." Lumangoy ako papunta sa hagda at umahon. "Napakadaldal talaga ni Gael."

"Pero ang laki ng perang nawala sayo ate." May pag-aalala sa boses ni Eris.

"Kami nang bahala ni Gael, Eris." Pag-aassure ko sa kapatid ko. "May nakausap na kami na tutulong para mahanap at makulong yang si Trish." Kinuha ko ang bathrobe. "So tell father to relax." Naupo ako sa patio lounge chair habang pinupunasan ang buhok ko. "Kakausapin namin bukas iyong lawyer na kaibigan ni Gael, magpapatulong kami."

Ang tagal nakatingin ni Eris sakin. "Ate.."

Tumaas ang kilay ko. "Why?"

"Kamusta na kaya si Mars?" Out of the blue na tanong ni Eris sakin.

My sister still remember Mars kahit na maraming taon na ang lumipas. Elementary pa ata si Eris noon.

"Who knows." Kibit balikat ko na sagot. "Why did you asked?"

"I just thought of her." Ngumiti si Eris bago ibalik ang atensyon sa tubig ng pool na nagrereflect ang mga bituin at buwan. "Kelan kaya sya babalik? Ano na kayang itsura nya?"

Natawa nalang ako with a shake of my head. "She will never coming back Eris, kaya kalimutan mo na sya."

Gaya nang pagkalimot nya sa pagkakaibigan namin.

Pero naisip ko din kung kamusta na kaya si Mars?

Continue Reading

You'll Also Like

354K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
68.1K 1.7K 10
"Siya na ata ang pinakakuripot na taong nakilala ko." - Allison Jane "Siya na ata ang pinakamaarteng taong nakilala ko." - Geraldine Dayne ----- So...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7M 170K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...