IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Chapter 39

3K 87 2
By Lorenzo_Dy

Lost. (Perduto)

"It's been a long time, Venice.."

Isang malutong na sampal ang iginawad ko kay Venice na ikinagulat nito, ang buhok nitong umaabot hanggang balikat ay halos takpan ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko rito.

"I never thought na after eight years, ngayon lang ako nakaganti sa pagsampal mo sa'kin noon sa hospital."

Umangat ang sulok ng labi ko habang pinapanood ko kung paano suklayin ni Venice ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya at isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa'kin.

"Do you want more? Baka lang kasi nakalimutan mo ang mga ginawa mo noon."

Umikot lang ang mga mata nito bago humarap sa salamin at naglagay ng powder sa kanyang pisngi na namumula.

"Why are you here?"

Kaswal nitong tanong na para bang walang alam sa nangyayari.

"Nasaan ang asawa mo?!"

Natigilan ito sa paglalagay ng powder sa kanyang mukha at saglit ako nitong sinulyapan.

"What are you talking about?"

Aniya nito kaya kumunot ang noo ko.

"You know what I'm talking here. Nasaan ang lalaking 'yon?!"

Doon na ako nilingon ni Venice na puno ng pagtataka sa kanyang mukha na mukang wala talagang alam sa mga sinasabi ko.

"Nasaan ang lalaking 'yon?! Saan niyo tinatago si Yael at Rome, ang mga kambal ko?!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Venice na para bang hirap na hirap itong intindihin kung ano ang sinasabi ko. Asawa niya na ang lalaking 'yon at kung itatanggi niya ang bagay na iyon baka masampal ko lang siya ulit! Dahil ayaw kong pinaglalaruan ako at pinagmumukang tanga.

"Look. I really don't know what you're talking about. Si Primo ba ang hinahanap mo sa'kin?"

"Ang mga anak ko!"

Singhal ko. Bumagsak ang mga balikat nito bago diretsong tumingin sa mga mata ko. Bakit ko naman hahanapin ang lalaking 'yon?

"I'm sorry for what everything I've done to you and for what happened years ago. I'm truly sorry."

Punong sinseridad na sambit ni Venice, umiwas ako sa mga titig niya dahil hindi ko makayanan na tingnan ang pamumula ng kanyang mga mata.

"It's not what you think. I'm already married to someone else."

Dahil sa repliksyon namin sa salamin ay nakita ko ang wedding ring sa ring finger ni Venice na itinaas nito.

"I'm glad to see you, and I understand kung galit ka pa rin sa'kin hanggang ngayon. I really want to talk to you in private but I have to go for my check up."

Bumaba ang tingin ko sa tiyan ni Venice na medyo umuusbong habang hinahaplos niya iyon. She's pregnant, kaya nakaramdam ako ng konting guilt sa pagsampal ko sa kanya kanina but she deserved it anyway.

"Next time na sasampalin mo ako papatulan na kita, hinayaan ko lang ngayon dahil sa mga nagawa ko sa'yo before. So, I guess patas na tayo ngayon."

Lumapit sa'kin si Venice para gawaran ako ng goodbye kiss sa pisngi bago ito tuluyang lumabas sa women's lavatory.

"It's not what you think. I'm already married to someone else."

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa salamin hanggang sa marealize ko ang sinabi ni Venice kanina. So, ano naman ngayon?

Shit!

Baka alam ni Venice kung nasaan ang lalaking 'yon!

Nagmamadali akong lumabas sa women's lavatory para hanapin sa labas si Venice pero dahil sa marami na ang tao sa loob nitong restaurant ay nahirapan akong hanapin si Venice.

"Leche!"

Inis na sambit ko dahil sa may bumunggo sa'kin na hindi ko malaman kung sino sa mga taong nagtayuan at naghiyawan dahil sa nagkaroon ng eksina sa gitna nitong restaurant kung saan may nagpropose na lalaki sa kanyang nobya.

"Congratulazioni!"

Aniya ng isang waiter sa magkasintahan na nagyayakapan sa gitna na sinundan ng romantikong tugtugan.

Napansin ko na palinga-linga ang tatlong bodyguards na tila hinahanap ako. Mas mabuti kung si Venice ang magdadala sa'kin sa lalaking 'yon na mukang pinaglalaruan lang ako!

Sumilay ang ngiti sa labi ko matapos kong matanaw si Venice na palabas na ng restaurant kasama ang isang italianong lalaki kaya sumabay ako sa mga taong palabas na rin ng restaurant para hindi ako mapansin ng mga bodyguards.

Nagtagumpay naman ako na matakasan ang mga bodyguards kaya pinag-patuloy ko ang pagsunod kay Venice na naka-puting lace dress. Mabilis ang naging paglakad ko para maabutan si Venice na naka-kapit sa braso ng  italianong lalaki na kasama niya.

"Venice.."

Hinigit ko ang siko ni Venice pero..

"Sorry.."

Aniya ko at napapahiya kong binitawan ang braso nitong italianang babae na buong akala ko ay si Vince!

Iginala ko ang mga mata ko sa buong lugar kung saan ako dinala ng mga paa ko. Doon ko lang napansin na nasa gitna pala ako ng bridge na ang ibaba ay malinis na lake kung saan may mga namamangka.

Nasaan na ako?!

Hindi ko na rin makita ang restaurant kung saan ako nangaling kanina.

Fontana dell'Acqua Paola, basa ko sa isang gusali na malapit sa kinatatayuan ko at may fountain sa tapat nito na halatang inspired by eagle and dragon that present to the whole structure.

Umupo ako sa isa sa mga bench na nasa gilid at pinagmasdan ko ang mga ibon na umiinom sa  fountain. Malalim na paghinga ang pinakawalan ko dahil sa hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon!

Bukod sa wala akong dalang cellphone wala rin akong dalang pera! Binuksan ko ang rattan bag at kinuha ko ang picture naming mag-iina.

Mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga ngiti ni Yael at Rome na parehong nakayakap sa'kin sa picture na hawak ko ngayon.

Sobrang miss ko na ang mga anak ko.

"Don't be stupid! Gumawa ka ng paraan. 'Wag kang umupo lang diyan!"

Pagalit na sambit ko sa sarili ko. Dahil kung uupo lang ako dito ay walang mangyayari! Hindi ko makikita ang kambal.

Sinimulan ko ang pagtatanong sa mga taong nakakasalubong ko habang pinapakita sa kanila ang picture nina Rome at Yael, ng mga anak ko.

Marami ang nilalagpasan lang ako at ang iba naman ay saglit lang na titingnan ang picture at iiling pagkatapos. Hanggang sa mapadpad ako sa isang kalye na puro nagtitinda ng pagkain ang nasa gilid ng kalsada. Bawat stall ay may kanya-kanyang niluluto at nakakagutom ang amoy. May mga maliliit din na mesa kung saan kumakain ang mga italiana't italianong costumer at marami rin ang nakahilerang bisekleta sa gilid nitong one way road.

"Fare you volere a acquistare, bellissimo signora?" (Are you going to buy, beautiful lady)

Alok sa'kin ng isang matabang italiano habang pinapaikot nito sa apoy ang isang buong manok. Napalunok ako habang tinititigan kung paano niya pahiran ng pangpalasa ang buong manok bago ulit nito marahan na paikutin sa apoy.

Amoy palang nakakatakam na!Nakakagutom lalo.

"I don't have money. Sorry."

Tanging nasabi ko na mukang hindi naman narinig ng tinderong italiano dahil sa mas inentertain na nito ang dalawang costumer na lumapit sa kanyang stall.

Pinagpatuloy ko ang pagtatanong sa mga taong kumakain pero bigo pa rin ako kagaya kanina.

Tumingala ako sa langit na kulay kahel na dahil sa palubog na ang araw, may mga eroplano sa himpapawid na nag iiwan ng makapal na usok na kalaunan ay nagiging isang makapal na ulap. Matatapos na naman ang isang araw na hindi ko nakikita ang kambal.

Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng Italy basta nasa harapan ko ngayon ang maraming baitang na hagdan na ang dulo ay isang renaissance building at may watawat ng Italy sa tuktok nito.

Iilan lang ang tao sa lugar na 'to na kumukuhang litrato at may mga naka-upo rin sa paakyat na hagdan habang nagkukuwentuhan.

Mabagal ang naging paghakbang  ko sa bawat baitang habang tahimik na lumalandas ang mga luha ko.

Mula ng dumating ako dito sa italy ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak! Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay kulang ang mga ginagawa ko para makita ang kambal!

Marahas kong pinahid ang mga luha ko pagkarating ko sa huling baitang ng hagdan. Tanaw mula dito sa tuktok ang bawat kalsada sa baba na unti-unting nagliliwanag dahil sa pagbukas ng mga street light. Malamig na rin ang ihip ng hangin kaya halos yakapin ko na ang sarili ko habang naka-upo sa huling baitang ng hagdan.

Malapit na ring mag-gabi kaya hindi kona alam kung anong gagawin ko, bukod sa pagod na ako wala pang laman ang tiyan ko.

Sobrang pamilyar sa'kin ang ganitong eksina. Hindi ko akalain na mararanasan ko ulit ang maging palaboy-laboy, ang kaibahan nga lang ngayon ay nandito ako sa Italy hindi sa lansangan ng Quiapo.

Nagsisimula ng lumitaw ang mga bituin sa langit at tuluyan nang lumubog ang araw. Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan kaya napayakap ako ng husto sa mga balikat ko hanggang sa isang dyaryo ang tinangay ng hangin malapit sa may paanan ko.

Pinulot ko iyon dahil nakakaagaw ng atensiyon ang litrato ng isang mala-palasyong gusali, 'yon nga lang ay hindi ko maintindihan ang nakasulat sa headline maliban sa tatlong salita!

"Roma Infinite Palace!"

Wala sa sarili kong sambit. Bakit ngayon ko lang naaala ang lugar na 'yon na sigurado akong alam ng mga taga-rito sa Italy!

Ang lugar na p'wedeng pagdalhan ng lalaking 'yon sa kambal! Dahil sa pagkakatanda ko taga-roon siya. Ang lugar na pinagmulan ng angkan ni Señor Freigo, ng mga De Lucio.

Tumayo agad ako para lumapit sa apat na italianong lalaki na nag-uusap sa may bandang gitna ng hagdan para magtanong tungkol sa Roma Infinite Palace at kung saan ko ito makikita.

"Excuse.."

Pag-kuha ko sa atensiyon ng apat na lalaki na tumigil sa pinaguusapan nila at sabay-sabay nila akong nilingon. Yung tatlo ay mukang nasa 30s na at yung isa naman ay binata na mas bata sa'kin ng ilang taon.

"Sì?" (Yes?)

Aniya ng may bigote na pinasadahan ako ng tingin.

"I don't speak Italian but you know where is this place?"

Itinuro ko ang litrato ng Roma Infinite Palace sa apat na lalaki na pinagpasa-pasahan na ang dyaryo. Nagkatinginan ang mga ito bago tumango sa'kin ang binatang lalaki matapos may sabihin sa kanya 'yung isang kulot na italiano.

"We can take you there if you want."

Sunod-sunod ang naging pagtango ko dahil sa naging pahayag nito.

"Thank you!"

Nakangiti kong sambit sa apat na lalaki na nagtanguan sa isat-isa. Nauna ang dalawang lalaki na parehong may bigote habang nasa likod ko naman 'yung kulot at binatang lalaki.

Naguusap-usap sila sa salitang italian kaya hindi ko maintindihan kung ano ang kanilang pinaguusapan at minsan din akong nilingon ng may bigote na nasa unahan.

Akala ko sasakay pa kami pero dahil kanina pa kami naglalakad kaya naisip ko na baka malapit lang ang Roma Infinite Palace na p'wede lang lakarin. Hanggang sa pumasok kami sa isang eskinita na hindi masyadong maliwanag at wala ring tao bukod sa amin.

Bumagal ang paglalakad ko dahil bigla akong ginapang ng kaba lalo na nang pinagitnaan na ako ng dalawang italianong lalaki na nasa likod ko lang kanina.

Humigpit ang hawak ko sa rattan bag habang pinapakiramdaman ko ang mga kilos nila hanggang sa lumingon sa'kin ang dalawang lalaking may bigote na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi!

"Fare esso adesso!" (Do it now!)

Aniya nong isang italianong lalaki sa dalawa na nasa gilid ko na mabilis na hinawakan ang magkabilang braso ko!

"W-what are you doing?! Help! Help--mmmm!"

Nagpupumiglas ako habang tinatakpan nong isa ang bibig ko gamit ang malapad niyang palad. Naramdaman kong may kumuha sa rattan bag ko pati ang necklace na suot ko ay hinablot din nong isa!

Nangilid ang mga luha ko dahil sa may naramdaman akong matalim na bagay na nakatutok sa tagiliran ko!

Bakit nangyayari 'to sakin?!

Mahigpit ang pagkakahawak nang dalawa sa magkabilang braso ko kaya nahihirapan akong manlaban habang 'yung isa sa kanila ay marahas na sinira ang rattan bag ko matapos walang makita bukod sa picture namin ng mga kambal na pinunit pa nito!

"Sfortunato!" (Malas!)

Naiinis na sigaw ng italianong lalaki na syang sumira at pumunit sa litrato. At kahit matinding kaba at takot ang nararamdaman ko ay nagawa ko paring tuhurin sa maselang parte ang lalaking nasa harapan ko bago ko itulak ang dalawang nakahawak sa mga braso ko.

Mabilis ang naging pagkilos ko para tumakbo papasok sa isa pang eskinita habang walang tigil sa paglandas ang mga luha ko.

Saglit ko pang nilingon ang mga italianong lalaki na mabilis na bumangon para habulin ako!

Bukod sa maliit na espasyo ang eskinita ay medyo madilim din ang daan na tinatahak ko dahil sa iilan lang ang gumaganang poste ng ilaw.

"Ahhh!"

Daing ko dahil sa napasubsob ako sa maruming tubig na nasa kalsada matapos kong matisod sa isang gulong ng bisekleta na nakakalat sa daan.

Bumangon agad ako kahit pa nananakit ang palad at mukha ko, basa at marumi na rin ang suot kong damit. Mabilis kong hinubad ang suot kong sandals na nasira dahil sa pagkakatisod ko at para rin makatakbo ako ng maayos dahil malapit na ang mga italianong humahabol sa'kin!

Nanlalabo ang paningin ko habang patuloy lang ako sa pagtakbo dahil sa pagod at gutom na nararamdaman ko. Hindi ko magawang humingi ng tulong dahil sa wala naman akong makitang ibang tao sa loob ng madilim na eskinitang tinatakbo ko.

Natatakot ako na sa oras na maabutan nila ako ay baka may gawin silang hindi maganda sa'kin! Lalo na't wala akong laban dahil sa mag-isa lang ako at mga lalaki pa sila, bukod pa don ay nanghihina na ang katawan ko dahil sa pagod at gutom.

Walang tigil sa paglandas ang mga luha ko habang binabaybay ang eskinita na habang lumalayo ay dumidilim lalo. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga anak ko! Gusto ko pa silang makita! Mayakap at makasama!

Hindi ko akalain na ganito ang kahihinatnat ko sa lugar na 'to!

"Ahhhh!"

Sigaw ko dahil halos mapalundag ako sa sobrang gulat matapos kong sumubsob sa isang malapad na katawan na sumalubong sa'kin! At bago pa man ako makaatras ay may kamay nang pumulupot sa baywang ko kasunod ang sunod-sunod na pagputok ng baril kasabay ang pagsigaw sa sakit ng mga lalaki kaya naibaon ko lalo ang mukha ko sa dibdib ng taong ito.

Naamoy ko ang isang pamilyar na amoy habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib ng taong nasa harapan ko ngayon kaya dahan-dahan akong tumingala para silipin ang mukha nito.

Muling nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko dahil sa seryosong mukha ng lalaki na diretsong nakatingin sa likod ko habang nakatutok pa sa ere ang kamay niyang may hawak na baril.

Kumislap ang bughaw nitong mga mata matapos matamaan ng manilaw na ilaw mula sa poste kaya lalo kong nakumpirma kung sino ito!

Nangatog ng husto ang mga tuhod ko at halos manlamig ang buong katawan ko dahil sa naghahalu-halo ang mga emosiyon at nararamdaman ko ngayon! Nawawalan ako ng lakas dahil na rin sa matinding pag-hikbi ko.

"You are safe now, darling.."

Bulong nito sa'kin habang hinahaplos ang likod ko at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa noo ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manggas ng suot niyang itim na damit dahil sa panghihina ko.

I couldn't help but to cry in pain, pain in everything what he'd done to me!

"I h-hate y-you!"

Mga salitang binitawan ko bago ako tuluyang bumagsak sa mga bisig niya at mawalan ng malay.

Bella Carina.
~My Sweet Lover~

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 80 52
AKIRA GAIL SANTIAGO a.k.a diyosa she half Japanese and half Filipino. noisy and never -ending stories. many envied it because of its beauty until she...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
46.2K 986 59
"I am the legal wife. But still, I was treated like a mistress." She is Jacey Keight Vargas. She is beautiful, understanding, considerate and kind. S...