Why Not Me?

By MataNgJelRi

26.7K 1.5K 449

It's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG IS... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Author's Note
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two (R30) SPG
Chapter Thirty Two (Revised) R18
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Epilogue

Chapter Six

495 34 2
By MataNgJelRi

Nagising ako ng maka-amoy ng masarap.
Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko.

"Good Morning Baby kigwa" nginitian ko lang sya.. Ang aga nya nagising, akala ko magigising pa akong kayakap sya.

Dun kasi sya natulog sa kwarto ko, syempre bilang marupok ako hinayaan ko lang sya.

Siguro dapat na lang ako makuntento kung hanggang saan lang kaya nyang ibigay sakin, tanggapin ko na lang yun kaysa mawala sya.

Kumuha ako ng tinapay sa lamesa at pinagdiskitahan kainin iyon.

"Kelan ka pa nahilig magluto?" pansin ko kasi napapadalas pagluluto nya

"Simple lang naman mga niluluto ko" sagot nya at sinandok ang sinigang na hipon.

Amoy pa lang ang sarap na at paborito ko ang hipon.

"Bini-baby mo ko.." kunwaring reklamo ko sa kanya habang nakanguso. Paano ba naman kasi pinag sasandok nya pa ako ng kanin sa pinggan ko.

"Baby naman talaga kita. Baby kigwa" ngumiti pa sya ng nakaka loko kaya inangilan ko sya

"Stop calling me kigwa"

"Bakit naman? Ang cute kaya hahaha" natatawang saad nya tsaka naupo sa harapan ko at naghanda na rin ng kakainin nya.

"Alam mo ba ibig sabihin nun?"

"Ate Ai told me."

"Pssh.. Ano sabi nya sayo?"

"kigwa means mahal? Love? Kaya Baby kigwa means baby love" ngiting ngiti pa sya habang sinasabi sakin

"Don't believe on my idiot sister." asar na saad ko.

"Why?" umiling na lang ako at humigop ng sabaw ng sinigang. Ang sarap na magluto ni Kaoni. Pwede na mag-asawa.

Asawa ko. Hihihi

"Ano naman nginingiti ngiti mo dyan?" di ko napansin na napapangiti na pala ako sa naiisip ko

"Wala lang." di na sya umimik, kumain na kaming dalawa. Galit galit muna hehehe

Pagkatapos kumain ay ako na naghugas ng pinggan. Mamaya sabihin nya inaalipin ko sya e

"Je.." lumapit sya sakin habang naghuhugas ako ng pinggan

"Ano kasi.." parang nahihiya syang ituloy sasabihin nya kaya tinitigan ko sya

Nakatingin na naman sya sa kamay nya..

"Mauuna na akong pumunta sa Dinner ni Reign. Susunduin daw kasi ako ni Dianne." ahhh...

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti para di nya mahalata na disappointed ako.

Dinner yun. 8pm pero 12nn pa lang sinundo na sya ng girlfriend nya.
Mahaba pa ang oras kaya nagtingin tingin na lang ako sa Social Media.

Nakita ko nag post si Dianne ng picture nila ni Kaori.

Cute. Pero si Kaori lang sinasabihan ko.

Pinusuan ko na rin pero dahil nga andun si Kaori. Ang cute nya pa dun. May kasama silang corgi na tuta. Halatang masaya sila, mahilig talaga sa tuta si Kaori e.

Sana naging tuta na lang ako. Charot hehehe

Naiinip na ako kakapanuod sa Youtube ng kung ano ano ng mag chat si Ashley.

"Pst!"

"Jelay pangalan ko hindi pst." reply ko dito

"Hehe. Ano gawa mo?"

"Wala. Nagpapatay ng oras"

"Andito ako sa ice cream parlor malapit sa inyo. Punta ka dito!"

Sobrang bored na ako at gusto ko kumain ng ice cream kaya pinuntahan ko na lang si Ashley.

"Hi! Ganda natin ngayon ah.." bati ko dito at sya namang nginiti nya.

"Ngayon lang?"

"Ngayon lang hahaha" nagtawanan naman kami sa sinagot ko

Magaan talaga kasama si Ashley. Hindi sya maarte tulad ng makikita mo sa kanya sa unang tingin.

"How are you? You're so wasted the last time we're together" tinawanan ko naman sya sa sinabi nya. Kasi naman nang-uuyam ang tono nya.

"Ayos lang naman. Salamat nga pala ulit"

"Always. Basta kapag kailangan mo ng sasagip sayo, i'm just here." i smile to her sincerely.

Niligtas nya na naman ako ngayong araw sa pagmumukmok ko sa bahay.

"May kotse kang dala?" umiling naman sya

"Good. Sabay na tayo papunta kay Reign." ngumiti naman sya at tinuloy na namin ang pagkkwentohan sa ibang bagay na kadalasan ay related sa Volleyball.

"Mag-8 na, tara?" sabay na kami pumunta ni Ashley sa Restaurant na sinabi ni Reign..

Nakita ko agad si Kaori masayang nakikipag kwentuhan sa Mommy ni Dianne. Naagaw naman ang atensyon nya sa pagdating namin.

Nginitian ko sya ng magtama ang mata namin.
Naupo ako sa tapat nya.. Katabi nya si Dianne at ang Mommy nito. Mukang close na sya sa pamilya ni Dianne.

Nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan habang hinihintay pa ang iba na dumating.

"You okay?" bulong sakin ni Ashley. Nginitian ko lang sya..

"Ayuko nyan. Gusto ko yung totoong ngiti mo." hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko tsaka nya kinurot

"Aray!" reklamo ko sa kanya pero binelatan nya lang ako kaya natawa na lang rin ako.

"Ang kulit kulit mo" sagot ko sa kanya at ginulo ang buhok nya.

"Ayukong nalulungkot ka."

"Hindi na" muli ko syang nginitian, nagsimula na rin kaming kumain.

Paglalagyan ko sana ng kanin si Kaori pero naunahan ako ni Dianne. Naka-angat na ang sandok ko e.
Narinig ko pang nagpasalamat si Kaori sa kanya tsaka ngumiti.

Sweet. Psh

Napansin kong naghihintay si Ashley ng sandok kaya sa kanya ko na lang binigay ang kanin na para kay Kaori sana..

Nasanay kasi akong pinag sasandok sya ng kanin. Nakalimutan kong hindi na nga pala ako ang pinaka malapit sa kanya.

"Thank you Jeje" narinig kong pagpapasalamat ni Ashley.

Di ko maiwasan mapatingin sa harapan ko. Nakikita ko kung paano asikasohin ni Dianne si Kaori.

Pinaghihiwa nya pa ito ng steak. Ngiting ngiti naman si Kaori. Pssh

"Reign, advance Happy Birthday. Thanks for the dinner. I have to go" nagpaalam na ako. Di ko na matagalan ang nakikita ko.

Umalis na rin ako agad pagkatapos magpaalam.
Napahinto ako sa kotse ko paglabas ng restaurant.

Tang-ina!!

Yung mga ngiti nya dati ang nagpapabilis ng puso ko pero ngayon ang mga ngiti na yun ang nagpapasikip ng dibdib ko.

Nakayuko lang ako sa manibela ng kotse ko ng may kumatok sa bintana ko kaya napa-angat ako ng tingin

"Ash.."

"Gusto ko mag-inom, sama ka?" napa-tango ako sa aya nya.

Bumili kami sa grocery store ng beer at nagdrive lang ako sa malayong lugar.

Nahinto kami sa lugar na tahimik. Binuksan ko ang trunk ng kotse ko at dun kami naupo at sinimulan ang pag-inom.

"Magagalit si Coach satin kapag nalaman nya ito." biro ko kay Ashley tukoy ko sa pag-iinom namin ng beer

"Di nya naman malalaman. Hahaha" natatawang sagot nya sakin

"Ash.. Thank you" paki ramdam ko lang dapat ako magpasalamat sa kanya.

Napatingin lang ako sa kalawakan. Ang daming bituin at ang ganda ng buwan na bilog na bilog.

"Kwento ka na. No judgement" pambabasag ni Ashley sa katahimikan.

Hindi ako nagsalita. Inubos ko muna ang isang boteng beer at muling nagbukas ng panibago.

"Di ko maintindihan Ash.. Ano ba meron si Dianne na wala ako?"

"hmm.."

"Nakita mo ba yung ngiti kanina ni Kaori? Ang saya saya nya.. Hindi ako nalulungkot dahil masaya sya. Nalulungkot ako kasi hindi ako yung dahilan ng saya nya." Ashley just intently staring at me..

"Sabi nya di nya gusto si Dianne. Bakit nya sinagot? Sabi nya, straight sya kaya hindi ako sumugal. Hindi ko sinugal yung best friendship namin. Ash.. Bakit hindi na lang ako?" dahan dahan pumatak ang luha kong di ko na mapigil.

Hinawakan ni Ashley ang ulo ko at dinala nya sa balikat nya. Dun ko binuhos lahat ng luhang naipon ko.

Umiiyak ako ngayon pero sigurado ako isang ngiti nya lang sakin, aasa na naman ako.. Na baka pwedeng hindi lang ako bilang Bestfriend nya.

Umiiyak ako ngayon pero siya pa rin yung laman nitong puso ko.

"Walang sasapat na salita para mapagaan ko ang nararamdaman mo. Hindi ako ang makakasagot ng mga tanong mo. Hindi ko mapapahinto ang pagpatak ng luha mo pero pwede mo kong sandalan kapag nanghihina ka na."
-----

Sinubukan kong iwasan si Kaori. Practice sa umaga, klase sa tanghali hanggang hapon at practice ulit sa gabi.

Gabi gabi akong pumupunta kila Ashley para magpalipas ng oras at para pag-uwi ko ay matutulog na lang ako.

Kakatapos lang ng Training namin ng makita ko sa labas ng Gym si Dianne na papalapit sa akin.

"Jelay"

"Hi! Di ko kasama si Kaori e" sagot ko dito at ngumiti pa.

"I came here for you" sumulyap naman ako kay Ashley.

"Sige Jelay.. Mauna na ako, text me if you need something." i smiled to her and mouthed thank you.

Nakatingin ako sa papaalis na imahe ni Ashley ng muling magsalita si Dianne.

"Girlfriend mo?"

"Ah. Hindi. Kaibigan ko" nakangiting sagot ko sa kanya

Naupo kami ni Dianne sa bench na malapit.

"How well do you know Kaori?" nagulat ako sa tanong nya.

Gaano ko nga ba sya kakilala? We've been Bestfriend for 8 yrs and i know all her secrets.

"Kilala ko siya. Hindi ko lang masasabi kung gaano kalalim pagkakakilala ko sa kanya. Bakit?" nakita ko ang paglungkot sa mata nya.

"How is she sa mga past relationships nya?"

"Ikaw ang una nya."

"She's so cold. Never nya sinabi sakin na she loves me." napataas ang kilay ko sa sinabi nito.

Hindi na kami nagkakausap ni Kaori dahil iniiwasan ko na nga ito.
Balita ko sila din naman ang laging magkasama.

"Tahimik lang talaga si Kaori. Hindi sya showy, hindi sya vocal sa nararamdaman nya pero alam kong m-mahal ka nya" shet. Ang sakit pala sabihing may ibang mahal si Kaori.

"Ganon ba? Wala ba syang nababanggit sayo kung may iba syang nagugustuhan?" napa-iling naman ako sa sinabi nya.

Kahit di kami nagkaka-usap ni Kaori kilala ko yun. Di nun magagawang manloko lalo na sa mga taong mahahalaga sa kanya.

"Hindi gagawin ni Kaori yan. Magtiwala ka lang sa kanya. Kung mahal mo talaga sya, magtitiwala ka sa kanya" natahimik si Dianne sa sinabi ko.

"Salamat Jelay. Gumaan pakiramdam ko" tumango lang ako sa kanya.

Alam kong nasa bahay ngayon si Kaori pero pinili kong umuwi dahil kung hindi okay si Dianne baka ganon din si Kaori.

Baka nagkakalaboan silang dalawa.

Naabutan ko syang nagbabasa sa Dining.

"Jelay.." nagulat na tawag nya sakin.

Di nya siguro inaasahan na maaga ako uuwi ngayon.

Nginitian ko lang sya..

"Kaoni.." tumakbo sya palapit sakin at yumakap ng mahigpit.
Napansin ko ang pagyugyog ng balikat nya. Tanda na umiiyak sya.

May pinagdadaanan talaga sila ni Dianne.

"Kung ano man pinagdadaanan mo, malalagpasan mo rin yan. Andito lang ako." humigpit ang yakap nya sakin at naramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa luha nya

Kung ako na lang sana minahal mo di kita hahayaang umiyak.

Tumugon ako sa mahigpit nyang yakap. Miss na miss ko na rin sya.

"Sshh.. Pwede kang magkwento sakin. Makikinig ako" nakakatawa pucha! Ako pa naging takbohan nila.

Sabagay, yun naman papel ng Bestfriend diba?

Humiwalay sya ng yakap sakin habang tinitignan nya lang ako parang gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig nya.

"Pwede bang tumabi matulog sayo?" tinanguan ko siya.

Magkatabi kaming nakahiga na. Alam kong mabigat ang dinadala ni Kaori. Di ko sya pipilitin magkwento.

Magkaharapan lang kami sa isa't isa. Nakatitig lang sya sakin at ganon din ako sa kanya.

"Matulog ka na"

"Kantahan mo ko" ngumiti naman ako sa request nya.

Niyakap ko sya at sumiksik naman sya sakin.

Tell your goodnight to the light and close your eyes
There's a better place for you than to stay awake
You'll get closer to a paradise of dreamers in love
You'll get better like heaven has done something

Sinimulan ko syang kantahan habang sinusuklay ang ng marahan ang buhok nya gamit ang aking kamay.

So lay now, I'll take over the night
There's no teardrop, you can count on me tonight
Or I'll stay up with you

Gusto kong burahin ang sakit na nararamdaman nya pero paano? Hindi naman ako magagawa nun. Tulad ng sakit na dulot nya sakin, siya lang rin ang makakatanggal ng sakit na ito.

Baby it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about

Gusto ko iparating sa kanya gamit ang kanta na andito ako. Ako na lang.

Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight

Hindi ko hahayaang malungkot ka sa piling ko.

I'll cover you with my arms and hold you tight
I'll be listening to your wonderful and calm little voice
I'll keep watching 'til my eyes burn down

Kung ako na lang sana, hindi mo ito mararamdaman pero hindi kasi ako.

Baby it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about

Mahal na mahal mo na siguro sya kaya ka nalulungkot ng ganito.

Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight

Napakaswerte nya naman. Sana ako na lang.

I'll never sleep, I'll never leave
I'm gonna chase this dream tonight
I'll never leave, I'll never
I'll never go

Kaori, why not me?

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 511 50
Mahirap pala yung akala mo, nakalimutan mo na yung isang tao, pero may mga bagay na magpapaalala sa'yo sa kanya. Mahirap, pero kailangang kayanin. Ka...
29.9K 631 47
Gela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit...
44.7K 1.7K 39
Paano kung makatagpo ka ng president na ubod ng sungit? ngunit nakakabighani ang kagandahan neto . Paano namn kung makatagpo ka ng babae na normal ln...
9.6K 749 16
Nagkaroon ng trauma si Louise Averille dahil sa kanyang nakaraan. Pinatay ang kanyang buong pamilya ng mga taong walang puso at gusto niyang maghigan...