Chapter Seven

485 39 17
                                    

Nakaya ko ng iwasan sya pero ng malaman kong nasasaktan sya nakalimutan ko na naman na nasasaktan nga rin pala ako.

Isang hakbang palayo kapalit ng sampung hakbang palapit ulit.

Nagising akong nakayakap sya sakin, mahimbing na natutulog.
I kissed her forehead and slowly get up on bed but she grab me and hug me tight again.

"Dito ka lang bebe" puno ng lungkot ang boses nya..

"Magluluto lang ako para sayo"

"Dito ka lang" pag-uulit nya at sumiksik pa sa leeg ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung ang pananatili sa tabi nya ay makakapag pagaan ng nararamdaman nya, kakayanin ko ang sakit kahit makita syang masaya sa iba.

"What happened between you and Dianne? Did she do something on you?" umiling sya sakin.

"No. She loves me so much and i want to love her back" natameme ako sa sinabi nya.

I love you too. So much. Why not love me instead?

"That Dianne is so lucky. She have you" hindi ko alam kung nagtunog bitter ako pero yun talaga ang sinasabi ng puso ko

"You have me." malambing na sagot nya

"Yes. As your best friend" kasabay ng mapait na ngiti ko

"That's forever. No break up. I don't want to lose you" forever bestfriend.

Ito pala yung tinatawag nilang Friendzone.

"Me either. I don't want to lose myself" i cracked a joke to lighten the mood.

"kigwa" we both laugh on what she said.

Habang nagluluto ako ay nakabantay lang sakin si Kaori. Pinapanuod nya akong nagluluto

"Wala kang morning training?" ngumiti ako sa kanya. Nakalimutan nya ata

"First game namin later kaya pinagpahinga kami ni Coach pero after Lunch need ko ng umalis" di sya sumagot at nanatiling pinapanuod lang ako sa ginagawa ko

"Galingan mo mamaya. Manunuod ako" pambasag nya sa katahimikan

"Ako pa ba? Haha" pagyayabang ko sa kanya

"Titilian ka na naman ng mga kababaihan at bibiliban ng mga kalalakihan."

"Selos ka?" biro ko sa kanya. Medyo umaasa lang ako sasabihin nyang oo.

"Hindi. Alam ko naman na ako pa rin ang no. 1 dyan" tinuro nya pa ang kaliwang parte ng puso ko.

You're not my no. 1, you're my only one.

"Mas mayabang ka pala" natatawang sagot ko sa kanya

"Bakit? May iba na ba?" umiling naman ako.

"Good. I'm your Bestfriend kaya hanggat wala ka pang jowa dapat ako no.1 dyan" bakit sa tono ng pananalita nya ramdam na ramdam kong ayos lang sa kanya na mag Boyfriend ako? Tanggap nya. Di tulad ko hanggang ngayon di tanggap na may jowa na sya.

Gusto ko sana tanongin kung pang-ano ng number ako sa puso nya kaso baka masaktan lang ako kaya wag na lang.

Makukuntento na lang ako ng ganito. Hays

After namin kumain ay nauna na ako sa school. Susunduin naman daw sya ni Dianne.

Sa University namin gaganapin ang first game namin. Home-Away kasi ang format ng games. Round robin, Top 4 teams pasok sa Semis na Best of 3 at Finals na Best of 5.

Why Not Me? Where stories live. Discover now