First Mission Day 2
💓💓💓💓💓
Pagkatapos maghapunan ay sama-sama kaming naupo sa may bakuran sa labas ng bahay nila Angeline. Liwanag lamang ng buwan ang tanglaw namin habang ang lahat ay nakaupo sa katawan ng isang malaking puno na mukhang kapuputol lamang. Napagpasyahan ng buong grupo na dito na muna magpalipas ng gabi.
“Pasalamat kayo Angeline, King at Marina na hindi kayo napasama sa top 20.” Sabi ni Lily na siya talaga laging unang nagsasalita at nag-uumpisa ng topic. “Kung hindi ay baka nategi na din kayo tulad nila Dylan at Liza.” She added. “Ang hihina ninyo pa man din. Pasalamat kayo at buhay pa kayo.”
“Grabe ka naman sa amin.” Sabi ni Marina.
May punto naman si Lily. Hindi sa minamaliit ko ang mga ito pero lahat ng natirang dalawampu noon sa kompetisyon ay sadyang malalakas at palaban. Baka hindi din kayanin ng mga ito.
“Oh, my gulay.” Biglang sabi naman ni Lily na parang may naalalang kung ano. “May isa pa pala tayong ka-member. Si Hazel!”
Waaaahhhh. Oo nga, no? Nawala na siya sa aking isipan.
“Hindi ba't kapatid siya ni Charlie?” Tanong ni Nate.
“Oo. Nabanggit niya nga.” Sagot ni Eli. “Siya yung duplication ang kapangyarihan.”
“Kumusta na kaya siya?” -Marina. “Wala bang nababangit si Head Master sa inyo?”
“Wala.” Sagot ko “Hindi naman siya nagku-kwento tungkol sa buhay niya. Masyado na iyong pribado para tanungin namin at saka hindi din naman kami interesado sa kung anong buhay niya sa labas ng Head Quarters. Wala na kami, 'don.”
“Sabagay. May punto ka naman.” Sabi ni King na katabi ni Marina. Kanina ko pa napapansin ang closeness ng dalawang ito. May namamagitan kaya sa kanila? Ano bang pakielam ko?
Sinindihan ko ang mga inilagay ni Angeline na kahoy sa gitna namin para walang dumapong mga lamok sa amin. Nagmasid ako sa paligid. Nakapadilim. Mangilan-ngilan lang kasi ang mga kubo dito. Halos mabibilang mo lang sa mga kamay. Napaka-simple ng pamumuhay nila. Parang ang sarap ulit mabuhay sa ganito. 'Yun bang wala kang alalahanin?
“Ikaw? Kumusta ka na simula ng matanggal ka sa kompetisyon?” Tanong ni King kay Angeline.
Binigyan niya kami ng mais na kulay dilaw na naka-tuhog sa malaking stick. Masarap daw iyon kapag inihaw kaya habang nagkwe-kwentuhan ay ganoon ang ginagawa namin. Marami din kasing tanim ang mga ito na sari-saring prutas at gulay.
“Ayos naman.” Sagot niya. “Ganoon pa din. Tulad pa din ng dati. Wala namang nagbago sa akin.”
“Wala naman na talagang magbabago sayo. Ipinanganak kang baluga, lumaki kang baluga, mamamatay kang baluga.” Walang pakundangang sabi dito ni Lily.
“Bwiset ka talaga, Lily.” Sabi ni King.
“Alam ko.”
Salamat naman at aminado siya. Binalingan ko si Angeline. “Hindi ba sabi mo sa amin na sa isang bar ka nagta-trabaho bilang singer?” Iyon ang pagkakaalala ko sa sinabi niya noon.
“Ah, 'yun ba?” Sabi nito. “Nag-resign na ako doon. Medyo tumatanda na kasi si Inang kaya gusto ko matulungan na lamang diya dito.”
“Sabagay.” Sabi naman ni Nate. “Ano nga ulit ang kapangyarihan mo?”
“Flying, hindi ba?” -King.
“Without Wings?” Singit ng baliw. “Ano to, ikaw ang Westlife? Lipat ka na lang kasi sa GMA.”
Walang pumasin sa mga pinagsasasabi ni Lily.
Mula sa liwanang ng apoy ay nakita ko ang pagtango nito. “Oo. Iyon nga.”
“May kapangyarihan din ba si Selene?” Curious na tanong ko dito.
Tumingin siya sa akin. “Mayroon din. Teleportation.”
“Talaga? Halos parehas din pala kami.” Sabi ni Marina.
“Parehas na walang silbi.” -Lily. “Bwiset na kapatid mo na 'yon. Pinaglakad pa kami kaya naman palang mag-teleport.” Tumingin ito kay Hazel. “Isa ka pa. Kaya mo din, hindi ba? Bakit ba nagkaroon ako ng mga tanga at inutil na walang silbi na mga kasama? Ang hirap maging leader, ha?”
“Alam ko dapat sa isipan ko ang lugar na pupuntahan ko.”
“Kwento mo sa pagong.”
Ilang oras minuto pa ang inilagi namin sa labas habang nagkwe-kwentuhan hanggang nagpasya ang lahat na matulog na dahil karamihan sa mga ito ay nakakaramdam na ng antok dala na din siguro ng maghapong paglalakbay.
**********
Kinabukasan, maagang nagising ang lahat.
“Maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa amin.” Sabi ko sa Ina nila Angeline at Selene nang nasa labas na kami ng tirahan ng mga ito.
“Maraming salamat po sa masarap na pagkain.” Sabi naman ni Eli.
“Masarap? Wala ngang lasa, eh.”
“Hiyang-hiya naman kami sayo, Lily.” Sabi ni Angeline habang nakangiti. “Kaya palang ang dami mong binaon.”
“Wala ngang lasa, no? Tutal, nasa kamay ko naman ang magic ako na ang bahala mamaya. Lulutuin ko na lang ulit.”
“Saan mo naman lulutuin?” Tanong ni Marina sa baliw.
“Sa pwet ng nanay mo.”
Lagi na lang itong barado kay Lily. Well, lahat naman kami.
“Maraming salamat po.” Sabi naman ni King.
“Mag-iingat kayong lahat. Sana ay magawa ninyo ng maayos ang inyong misyon.”
“At malayo ang ating mundo sa tiyak na kapahamakan.” Dagdag ni Angeline. Pahapyaw kasi naming nasabi sa kanya ang ilan sa mga nangyayari sa Athens. “Kayo ang tunay na bayani.”
Nginitian ko ang mga ito.
“Mauuna na po kami. Maraming salamat.” Sabi ni Nate.
Bago tuluyang lumayo at maglakad ay kinawayan pa namin ang mga ito habang nakahabol ang mga tingin nila sa amin. Nawa'y mangyari ang lahat ng sinabi ng mga ito.
Tumingin ako sa orasan na nasa bisig. Alas-sais pa lang ng umaga. Nilakad namin ang kahabaan ng liblib na lugar na ito hanggang sa mga puno na lamang ang nakikita namin. Medyo malamig pa. Basa-basa din ang mga damo dahil sa hamog. Ngunit nakakatiyak akong mamaya lang ay mabilis ding matutuyo ang mga ito dahil sa liwanag ng araw na nagbabadya ng sumikat.
Habang binabagtas namin ang bayan ng Arigundon ay may nasalubong kaming isang puting baka. Lalagpasan na sana namin iyon ng biglang tumigil sa paglalakad si Lily at biglang pumorma na para bang sasabak sa isang matinding labanan.
“Ano na namang pakulo 'yan?” -Eli.
“Huwag kang maingay na negro ka. Manghuhuli ako ng baka.”
“Seryoso?” Hindi makapaniwalang tanong ni King. “Itatali mo 'yan at isasama sa paglalakbay natin?”
“Ang bobo mo talaga. Syempre, hindi.”
Jusko po. Pati ang nananahimik na hayop ay pagdidiskitahan pa nito.
“Ano na namang binabalak mo?” Walang ganang tanong ko dito.
Kinindatan niya kaming lahat. “Watch and learn, mga babies. Manghuhuli ako ng pokemon.”
“Pokemon ba 'yan?” Tanong ulit ni King.
Pokemon? Parang ang bastos sa pandinig niyon, ah.
“Yes.”
Napakunot ang noo ko nang naglabas ito ng lata ata ng sardinas 'yun at walang sabi-sabing ibinato iyon sa kawawang baka. Nagulat kaming lahat ng bigla na lamang kinuha ng bagay na iyon ang kanina lamang ay nananahimik na hayop na ngayon ay wala na.
Dinampot nito ang lata. “Perfect. Huli ka, balbon. May corned beef na tayo.” 'Yun lang at nanguna na ito sa paglalakad.
Ahhhhhh. Kagaling. Lagi na lang talagang may bagong pakulo ang babaeng 'yan. Haaay nako. Hhhhhmmmm. Saan kaya kami dadalhin ng daan na ito? Sana naman ay hindi na kami mahirapan sa susunod na istasyon.
*********
About The Story #3
*** Bakit walang prologue ang The Four? Syempre, gusto ko hulaan ninyo kung saan nga ba talaga tatakbo ang istorya. Sapat na ang description para magkaroon kayo ng idea tungkol sa kwentong ito.