ViceRylle: Pansamantala

By nickstah

205K 5.8K 513

What would you do when you accidentally fall for your best friend? Kaya mo kayang ipaglaban ang totoong nara... More

Introduction
Story Of My Life
Boys Night Out
"I need you now.."
Someone Special
Tampo Moments
Lucky I'm In Love With My Best Friend
Now Playing: Tamang Panahon
Coffee Date
Dedma-zoned
Seenzoned
Ang Pagtatagpo
Akin Ka Na Lang
Feb-ibig
Just A Friend
Wag Kang Bibitiw, Bakla.
One Night... Stand?
Happy Birthday
Vice, Surprise.
Deal or No Deal?
Probinsyano
Under The Stars
This Is It Pansit
Reality
Chances
Ang Nakaraan
Darkness
Revelations
Diary

Emergency

5.4K 162 5
By nickstah

K: I'm sorry kung galit ka. Pero I promise i'll... Vice?

Tiningnan naman ni Karylle ang hawak na telepono at doon nakita niyang ibinaba na pala ni Vice ang tawag. Nakaramdam naman siya ng kirot sa kanyang puso, dahil naiisip niyang galit nga sa kanya ang kaibigan. 

Inilapag naman niya muli ang cellphone sa kama ng ina, at muling bumaba para makasama ang mga kapatid. Pagkarating niya ay nakasalubong naman niya ang kanyang nobyo na kanina pa siya hinahanap. 

"Your mom told me to call you kasi.. I thought--" bigla na lang siyang iniwasan ni Karylle na ipinagtataka niya naman.

"Anak, you didn't tell me kasama mo pala si Yael. So did you find my phone ba?" tanong ng ina niya. Narinig naman ito ni Yael kaya napalingon siya. "Now I know..." bulong niya sa sarili.

Umupo na kaagad si Karylle tabi ng kanyang ina. Binigyan niya agad ito ng isang mahigpit na yakap. "Are you okay?" sabi nito. 

"Oo ma. Pagod lang. Can we just talk later? Masama talaga pakiramdam ko eh." 

"Sige Yael can you--"

"Ma, i'm fine. Yael you can go ahead."

Her sisters were surprised sa ginawa niya. Even her mom didn't know what was going on. Naisipan na lamang niyang ihatid ang boyfriend ng anak sa labas ng bahay nila para makauwi na ito dahil meron pa siyang gig mamaya.

Right after that, she confronted her two other daughters.

"What's wrong? Do you know anything about this?" pagtanong nito. Napailing lang ang dalawang anak kaya naman napag-isipan niyang tanungin nalang mismo ang panganay na anak. Umakyat siya sa kwarto ni Karylle at nakitang nakatakip ito ng kanyang kumot at mahigpit na yumayakap sa unan nito.

Slowly, she walked closer papunta sa anak niya. 

Nakita naman niyang naluluha ito kaya hindi na siya nag atubiling yakapin ang anak dahil alam niyang may problema na naman ito.

Karylle let out a deep breath and spoke up. 

"Ma, nagbago na talaga si Yael eh. I don't know what I have done, to let him act this way."  she sobbed. "Mahal pa ba niya ako?" 

"Of course anak. I talked to him kanina, I asked him kung anong nangyari between the two of you. Sabi niya konting tampuhan lang. Can you tell me the whole story?" her mother asked.

Bumangon naman si Karylle at umupo ng maayos. 

"Nadadamay si Vice eh."

"What do you mean?" 

"It all started one night after namin lumabas ni Yael. He kept uttering the name Julia. So the next day di ko siya kinausap. I called Vice. He went sa condo ko and stayed there to comfort me, until Yael came and suddenly punched him in the face." at ikinagulat naman ito ng ina niya.

"So yeah after that, pinatawag pa si Vice sa Dean because of what happened to his face nga. Inaasar kasi siya ng classmates niya. Last Thursday the three of us went on a coffee date, nagulat nalang ako when hinatid ako ni Yael pinagbawalan na niya akong makita si Vice." 

And she knew what was happening. She wiped the tears of her daughter away and smiled.

"Your boyfriend is just being protective."

"Nah. Over.. Protective" pagcorrect ni Karylle.

"Well, oo ganun na nga. And I can see na nagseselos siya sa best friend mo." 

"Sa lahat ba naman ng pwedeng pagselosan niya si Vice pa talaga, ma?!" 

"That's not impossible. Sa sobrang close niyo kasi ni Vice minsan para na kayong mag-on." sabay tawa nito. "You and Yael just need to talk this over. Okay? Everything will be okay." she added.

"I hope so.. I miss Vice.Karylle said with a smile.

Since she'll be staying sa bahay ng kanyang ina, ay naisipan niyang tawagan ulit si Vice. Ilang beses na niyang sinubukan i-dial ang numero nito, pero hindi pa rin ito sumasagot.

This made her worry.

She decided to call Billy instead. 

Right after knowing where Vice is, ay bigla naman siyang kinabahan.

----------------------------

Vice's POV

Pag-uwi ko sa dorm ay hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin sa lahat ng sinabi ng dalawa kong kaibigan kanina. Tama nga naman sila, e ano naman kung bakla ako? Wala na ba akong karapatan magmahal ulit ng isang babae? Oo, ulit. Jumowa na rin kasi ako ng merlat noong high school pa lang ako. Wala eh, habulin kasi ako. Kapal.

Sa sobrang saya ko, lahat ata ng taong nadaanan ko kanina binabati ko. Pati yung Jessica na dati pa may issue sakin, pinansin ko. Inirapan lang ako ng gaga! Haha! Pero hindi ako magpapaapekto. Wala ako sa mood para ma-BV. Good vibes lang!

"Te, lumafang ka na ba? May ulam pa dito kung gusto mo."  pabaklang tanong ni Archie.

"Di na, busog na ako. Busog sa saya! Chos! De okay lang sige itabi mo na muna yan." 

Alam ko sa sarili kong magiging mahirap 'tong papasukin ko pero, aanhin mo naman ang kabayo kung walang damo na makakain. Ay este, teka! Ano ba 'tong mga iniisip ko! Haha!

Kinuha ko ang cellphone ko dahil gusto ko sanang kausapin si Karylle at humingi na rin ng tawad dahil binabaan ko siya kanina sa sobrang inis ko sa jowa niyang pandak. Nang bigla ko namang nabasa ang text ng kapatid ko. 

"Tutoy, si Lolo nasa ospital."  

Nabitawan ko naman ang cellphone.

At pinulot ito ulit.

Mabilis kong tinawagan ang kapatid ko sa La Union dahil imposible namang makapunta ako dun ngayon.

"Hello, Ate? Si Lolo? A-ano nangyari?" 

"Inatake na naman siya sa puso.. Tutoy, nasa ICU na siya. Kailangan ka namin dito please."

"Eh.. Teka naman, si-sige susubukan kong makapunta dyan ngayon."

"Mag-ingat ka.."

Mabilis kong kinuha ang bag ko at nilagyan ng damit na maisusuot ko. Alas-onse na at alam ko sa sarili kong wala na talagang biyahe sa ganitong oras pero susubukan ko pa ring makauwi. Hindi pa pwedeng mawala ang Lolo ko... Hindi ko kaya.

"Viceral! San ang punta mo gabing-gabi na!" pag-aalalang tanong ni IC.

"Uuwi ako ng La Union."

"Hoy bakla walang.."

Di ko na pinatapos ang sinabi niya. Ang nasa isip ko lang ngayon, ay sana nasa maayos na kalagayan ang pinakamamahal kong Lolo.

Lumipas ang higit isang oras at nakarating na ako ng terminal. Hindi ako nagkamali, wala na ngang biyahe. Nagmakaawa ako sa isang driver ng bus doon na ihatid man lang ako sa isang malapit na lugar sa amin, pero hindi rin daw maaari. Wala akong nagawa. Kundi hintayin na lamang ang pagsikat ng araw para sa unang trip ng mga bus mamaya.

Tumawag naman bigla ang kaibigan kong si Billy.

"Brad, nasan ka na ba? Papunta ka na?"

"Nasa bus terminal. Magpapalipas ng gabi para maaga akong makauwi bukas."

"Seryoso ka ba?"

"Ay hinde hinde. Nagbibiro ako. Malamang seryoso."

"Brad sorry wala kasi akong sasakyan ngayon kaya di kita maihatid. Sorry talaga."

"Okay lang. Naiintindihan ko naman.."

"Dito ka muna sa bahay."

"Wag na. Dito lang ako wag kang mag-alala. Sige na low battery na talaga ako. Bye."

"Ingat ah." 

Binaba ko na ang tawag at naghanap nalang ako ng komportableng lugar kung saan ako makakahiga ng maayos. Buhay probinsyano nga naman o. 

---------------------------

Lumipas ang ilang oras at nakasakay rin si Vice ng bus pauwi ng La Union. 

Saktong pagdating naman ni Karylle ay nakaalis na ang bus na sinakyan ni Vice. Kaya wala na siyang naabutan doon. Hindi rin kasi siya pinayagan ng ina niya kahapon na umalis dahil nga gabi na at baka ano pa ang mangyari sa kanya.

Nanghinayang siya dahil hindi na niya nahanap sa lugar ang kaibigan. Lalo na't hindi niya ito matawagan.

"I hope he's okay..." 

Gustuhin man niyang sundan ito sa La Union, ngunit hindi niya kabisado ang lugar dahil matagal na rin nung huling beses na isinama siya ni Vice doon. 

Sobrang malapit na din si Karylle sa pamilya ni Vice. Kaya kilala na rin siya ng Lolo nito. Sobra siyang kinabahan sa maaaring mangyari, kaya di ri niya mapigilang mapaluha sa tuwing iniisip ang Lolo ng kaibigan.

.

.

.

1:00 pm 

Nakarating naman ng maayos si Vice ng ospital. Mabilis siyang nagtanong sa kung nasa anong kwarto ang kanyang Lolo. Ngunit sa lobby pa lang ay sinalubong na siya ng kanyang ina. Na may malungkot na ngiti sa mukha nito.

Si Vice naman ay binigyan lamang siya ng yakap.

"O ano Nay, si Lolo kumusta?" 

Hindi naman nakapagsalita ang ina niya. Kaya bigla naman siyang kinabahan. Pumatak na ang luha ng kanyang ina tinanong na kaagad siya ni Vice.

"Nay, anong kwarto.."

"Nasa ICU anak.." 

Napatakbo na agad si Vice, at doon ay naabutan niyang tinakpan na ng puting kumot ang katawan ng kanyang Lolo..

"Lolo ko...Hin..Hindi pwede.. Lolo!" at hindi na niya mapigilang mapaiyak ng sobra habang kayakap naman ang isa niyang kapatid.

"He's gone..." eto lamang ang nasa isip niya sa oras na iyon.

--------------------------

Author's Note

Happy new year babies!!! Eto regalo o. Hehe. Sorry kung medyo masakit yung mga nangyayari dito. Nirelate ko lang ng konti sa real life. Ge :))

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
75.1K 3.3K 62
This young lady who secretly fell inlove with her bestfriend, This story is for my imaginations only! And this is my first time to create a story h...
130K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
36.2K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"