Akin Ka Na Lang

6.4K 167 5
                                    

Papasok na si Karylle ng kanyang sasakyan nang bigla naman siyang may narinig.

"I love you." agad naman siyang lumingon dahil alam niyang boses ito ni Vice.

"Ha?" 

Nung una ay hindi pa nakasagot si Vice. Hindi niya alam ang susunod na sasabihin, dahil nadulas siya. Bumalik nalang siya sa sarili niya nung hinampas na siya ni K sa braso niya.

"Araaaay!!!" sabay hawak nito sa braso niya. "Bakit mo naman ginawa yun!?" pagtatanong nito.

"Para kang sira. I heard you say something. Ano yun?" nakita naman ni Vice yung pagmumukha ng kaibigan niya. Halatang gulat ito sa kanyang narinig at nangangailangan ng explanation.

Napakamot nalang si Vice sa batok niya at sumagot. "Ano nga ba yung sinabi ko?" 

Karylle shook her head and just giggled. "Forget it, Vice. Antok ka lang siguro. Sige na pumasok ka na. We need to be early for our classes tomorrow." he stepped back nang bigla na lamang siyang hinalikan ni Karylle sa pisngi. At dahil ayaw niyang makita siya ni Karylle, ay napatakbo siya kaagad papasok ng dorm niya.

"Shet shet sheeet!!!!" pagtitili nito. Nakasalubong naman niya ang kasama niya din doon na si Buern na mukhang takang-taka naman sa pinanggagawa ng kaibigan. "Anyare teh ba't mas pula pa sa lipstick mo yang pisngi mo?" 

Nginitian lamang siya ni Vice dahil lutang parin ito. Kaya naman hinayaan na lang niya ito.

Vice's POV

Grabe!!! Bakit dati wala lang naman sakin kapag hinahalikan niya ako ng ganon? E ngayon, feeling ko magtatumbling na ako sa saya! I don't know what kind of magic she has. I've last felt this noong nagkajowa ako nung high school. Hindi ko nga 'to naramdaman nung unang beses kaming nag date ni Kevin. 

Iba kasi talaga si Karylle eh. Sa tingin ko may spark kami. Ansaveeeeh?!!?

"Ang ingaaaaay..." pagrereklamo ni IC ang reklamador kong kasama.

"O edi isipin mo munang bingi ka! Eeeeeehhhh!!! ARAY!" binato ko naman pabalik sa kanya ang unan niya.

"Matulog ka na bruha ka." 

Hinayaan ko nalang siya at sinubukan nalang na matulog. Pero bago yun, ay bigla ko na namang naisip si Karylle. Gusto ko sana siyang itext pero, di ko naman magawa. Hayaan mo, K. Pag nagkapera ako ibibili kita ng cellphone kahit 3310 lang muna ha. Ang gusto ko lang kasi, makausap ulit kita sa cellphone. 

Bakit ganito. Ang dami kong tanong. Sa dami-dami ng pwede kong magustuhan, ikaw pa?

---------------------

Lumipas na ang isa't kalahating oras, at hindi parin nakatulog si Vice. Naisipan na lamang niyang magsulat muli sa kanyang diary dahil alam niyang espesyal ang araw na ito sa kanya.

"Grabe ang huling beses na nagsulat ako dito, magkabati pa kami ah." bulong niya sa sarili habang binabasa ang huling mga sulat.

"Dear Diary, 

        To make the long story short, in love na nga ako sa kanya. And i'm really sure of what i'm feeling. Dun pa lang sa reaction ko kanina nung nahalikan niya ako, grabe. Tapos buti nalang di niya ako narinig nung sinabi kong mahal ko siya. Buti nalang talaga slow siya. Hehe. 

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon