Billionaire's Ex-girlfriend...

By Amihan2526

664 31 4

WARNING: Nakakakilig! He is a tricycle driver who turned into a Billionaire. He is a romantic young man who t... More

Disclaimer and Synopsis
Prologue
Chapter 1 - Doubt
Chapter 2 - Deal
Chapter 3 - Interview with Niel
Chapter 4 - Past
Chapter 6 - Following
Chapter 7 - Tutubusin kita

Chapter 5 - Cellphone

35 1 0
By Amihan2526

Kinabukasan, wala pang 7:00 AM ay nasa CT mall office na si Anayeli. Ngayon ang orientation niya. Kaya kailangan ay hindi siya mahuli kahit isang minuto man lang. Excited siya na kinakabahan sa bago niyang trabaho.

Excited dahil may bago na siyang trabaho. Kinakabahan dahil hindi niya alam kung paano siya tatratuhin ni Niel bilang secretary nito. Natatakot din siya na baka gawin din ng binata sa kanya ang mga ginagawa nito sa mga dating secretary nito.

You can do it Anayeli! Aja! Positibo niyang sabi sa isip.

Mga 7:30 ng umaga ay dumating na si Ms. Mildred, ang HR General manager ng CT mall office. Sabi nito sa tawag kahapon ay ito daw ang mag-o-orient sa kanya. Maaga pa naman, kaya niyaya muna siya ni Ms. Mildred na magkape. Libre naman ang kape doon sa office na iyon kaya sige go lang. Tamang-tama wala silang agahan ni Tantan kanina. Kaya babawi na lamang siya sa kape.

Binigay niya ang bente pesos niyang labis sa pitaka kay Tantan para naman makabili ito ng pandesal o kahit anomang pangpalipas ng gutom nito. Alam niyang napakahirap mag-aral kung walang laman ang sikmura. Kaya pinaubaya na lang niya dito ang bente pesos niya. Kaya naman niyang magtiis sa tubig lang kung kinakailangan. Swerte naman na may palibre ding tinapay si Ms. Mildred. Kaya tuwang-tuwa si Anayeli sa isip niya dahil nagkalaman ang tyan niya. Hindi siya mahihilo sa gutom during her orientation.

Sakto alas otso ay sinimulan na ni Ms. Mildred ang orientation niya. Panatag siya dahil wala si Niel. Ayon kay Ms. Mildred ay sa makalawa pa ito papasok sa opisina dahil meron itong business trip sa abroad.

Iba na talaga si Niel, pa-business business trip na lang. Samantalang dati trip to Luneta park lang sila palagi sakay ng tricycle nito. Patago pa yun. Natatawa niyang balik-tanaw sa isip.

But from the bottom of her heart, she is so happy for his achievements. Even though they separate ways, there's still a silver lining to their breakup. He settled his relationship with his family. And he pursues studying to become a very successful businessman like Mr. CT and his siblings.

She vividly remembers, Niel has no plans for the future, he is very contented sa pamamasada lang ng tricycle nito noon. For him, studying is just a compulsory obligation, that's why people need to study. And she's glad Niel changed his mindset, he graduated with a degree, at sa US pa nagtapos ang lolo mo. Pati IT ay natapos din pala nito, ayon kay Ms. Mildred.

Siya itong nangangarap noon na makapag-aral abroad. Pero siya itong hindi natuloy. Napahinto pa siya noon sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Napabuntong-hininga na lang siya ng mababaw nang maisip na naman ang pag-aaral niya ng Dentistry na hindi natuloy.

Natapos ang maghapon niyang orientation na punong-puno ng bagong kaalaman. Excited na siyang i-apply sa mga susunod na araw ang natutunan niya kay Ms. Mildred.

Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya si Tantan na kumakain ng fried chicken. Nagtaka siya dahil hindi naman aabot ang bente pesos nito sa friend chicken. At may nakalarang pang grocery sa harapan nito. Kaya napakunot siya lalo ng noo.

"Tristan, saan galing yang mga pagkain at grocery? May namigay ba ng relief goods, ang galante nila ha, ang dami," pagtataka niya habang hinahagod ng tingin ang mga iyon sa ibabaw ng mesa.

"May dalawa pong babae na nagpunta dito kanina Ate. May kasama po silang driver. Ang gaganda po nila at ang babait. Pinapasok ko po sila dahil sabi nila kaibigan nyo daw sila," excited na kwento ni Tantan kahit na puno ng manok ang bibig.

"Ano daw pangalan nila?"

"Umm, sa pagkakaalala ko po Cora at Teng, tapos yung driver Rufos daw ang pangalan. Binigyan pa nga po nila ako ng pambaon sa eskwela, good for 1 month daw po yun."

"Ano?!" gulat niyang bulalas. "Magkano ang ibinigay nila sayo?" Nakaramdam siya ng hiya sa magkapatid na Alcazar.

"Two thousand po. Ayaw ko nga pong tanggapin, pero iniwan po nila sa mesa. Need ko daw po yun para di ka na mamoroblema sa baon ko."

Gosh, bakit ganon na lang sila kabait at ka-concern sa amin? Lord, may nagawa po ba akong sobrang kabutihan para ibigay mo sa akin ang magkapatid na iyon? Sabi niya sa isip.

Matapos makausap si Tantan ay agad niyang dinayal ang cellphone number ni Teng. Gusto niyang magpasalamat sa mga ito at alamin na rin kung bakit sila binigyan ng grocery at pagkain at baon si Tantan.

"It's just a small thing Anayeli. We just wanted to help you and Tantan. And by the way, maganda ang pagpapalaki mo sa kapatid mo. Naalala ko tuloy sayo at kay Tantan kami ni Ate Cora noong mga bata pa kami," papuri at may sigla na sagot ni Teng sa kanya na nasa kabilang linya.

"Salamat po talaga Ma'am Teng. Sobra-sobra na po talaga ang tulong nyo sa amin," nahihiya pa ring pasasalamat niya dito.

"Cut the ma'am, Anayeli. Just call me Teng. At isa pa deserve nyong tulungan."

"Bakit po ba nagdala pa kayo ng grocery nakakahiya na po talaga sa inyo. Tapos sinuong nyo pa ang putik dito sa lugar namin. Pasensya na po talaga sa lugar namin ha," tanong at paumanhin niya dito.

"It's okay, di ka dapat mahiya. Kami ang nagkusa. Nalaman kasi namin kay Mildred na hindi ka kumain ng agahan at tanghalian. I'm sorry Anayeli kung masyado ka naming pinababantayan. Pero sa susunod wag kang mahihiya na magsabi kay Mildred ng kahit ano lalo na kung wala kang pera na pambili ng pagkain," naaawa na wika ni Teng sa kanya.

"Pero okay lang naman po ako. Kaya ko pong tiisin ang gutom. Sanay na po ako."

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Don't ever do that again. At wag kang mag-alala sa pagkain mo bukas sa office, Mildred will cover it. Alam namin na tatanggihan mo kung bibigyan ka namin ng pera. Kaya iti-treat ka na lang ni Mildred ng foods, okay."

"Bakit po ba ang bait-bait nyo sa akin?" nahihiya muli niyang tanong dito. Gusto niyang maiyak na naman dahil sa sobrang saya na nakatagpo siya ng mababait na nilalang.

"Dahil mabait ka rin naman. At karapat-dapat kang tulungan," sinserong sagot ni Teng sa kanya.

Matapos makipag-usap ay naluha na lamang si Anayeli. Di niya alam kung paanong pasasalamat pa ang gagawin niya at sasabihin kina Teng. Napakaswerte talaga niya na nakilala ang mga ito. At hindi man lang nagdalawang isip ang mga ito na tulungan siya noong gabi na nadukutan siya. Kaya naman sinabi niya sa sarili na susuklian niya ang kabutihan ng magkapatid sa kanya.

Kinabukasan sa pagpapatuloy ng kanyang training ay walang pagsidlan ang kanyang saya. Totoo nga ang sinabi ni Teng na si Mildred ang bahala sa kanyang pagkain, hanggang sa unang sahod daw niya iyon gagawin ng mga Alcazar at ni Mildred. Napakabait ni Mildred sa kanya kahit simula pa lang noong aplikante pa lang siya.

May edad na ito at byuda na. Ayon sa kwento nito ay may dalawa itong anak na nasa kolehiyo na. Anak pa nga ang tawag nito sa kanya. Namimiss tuloy niya ang kanyang mommy. Ngayon lang kasi ulit siya natawag na anak at mula pa iyon sa ibang tao.

Mga bandang alas dos ng hapon ay nataranta na ang mga kaopisina nina Anayeli. Nalaman kasi ng mga ito na darating ng mas maaga si Niel. Akala ng mga ito ay bukas pa darating ang boss nila. Kaya naman todo linis ang mga ito nang sinabi ni Mildred na ilang oras na lang ay naroon na si Niel.

"Ms. Mildred, bakit po kayo lahat naalerto nang malaman nyo na darating si Sir Niel?" pagtataka niya.

"Naku mahirap ng mabodyak. Kaya ikaw umayos ka mamaya ha. Wag mong pansinin kung mainit man ang ulo niya. Wag kang hahara-hara sa paningin niya. Mas gusto nun walang nakikitang tao kapag mainit ang ulo."

"Matapang po bang boss si Sir?"

"Hindi siya matapang, pero istrikto siya. Ayaw niya ng tatamad-tamad. At lalong ayaw niya ng makalat na opisina."

"Naninigaw po ba siya at nanghihiya?"

"Hindi lang naninigaw, he also fired lots of employees so easily. Walang puwang sa kanya ang useless na empleyado. Katwiran niya ay madami pa namang aplikante sa labas. Kaya hindi siya nanghihinayang na magtanggal ng tao, basta nakitaan niya ng kaunting pagkakamali."

"Buti po natatagalan nyo siya?"

"Hindi kasi tiger Niel ang kilala ko. Tupa siya sa pagkakakilala ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tigas ng puso niya sa kapwa ko empleyado lalo na sa mga babae. Pero noong una ko siyang nakatrabaho dito, he is super sweet and super kind sa aming lahat. Lalo na sa akin. Kaya sa kabila ng pagkamainitin ng ulo niya at pagkapalikero, iniintindi ko siya."

"Kayo po ba, hindi niya napapagalitan?" curious pa rin niyang tanong dito.

"No, and he never yelled at me. Maybe because of seniority that's why he still respecting me. Pero naiintindihan ko naman kung bakit siya masungit minsan. He is the father of thousand employees, kaya natural lang na magpaiba-iba ang mood niya dahil sa stress at pressure. Maiba ako anak, sabi ni Ma'am Teng may kapatid ka daw na elementary," tanong nito habang abala sa pagpupunas-punas ng mesa ni Niel.

"Opo, kami na lang po sa buhay. Si papa naman po nakakulong," wala ng hiya-hiya niyang kwento dito.

"I see, nadadalaw mo pa ba ang tatay mo sa kulungan?"

"Hindi na po, wala po kasi kaming maipapamasahe ni Tantan."

"Saan ba siya nakakulong?"

"Sa Alabang po."

"Hindi naman pala kalayuan sa Manila," napangiti si Mildred ng bahagya.

"Opo, kaya lang alam nyo naman po. Ginto para sa amin ni Tantan ang piso."

"I understand. Anyway, maiwan muna kita dito sa office ni Sir Niel ha. Habang wala ka pang ginagawa, magpunas-punas ka lang dyan. Alam kong nalinis na ng cleaner natin yan kanina. Pero okay na rin ang sigurado tayo," bilin nito sa kanya.

Pagkaalis ni Mildred ay nagpunas-punas muna nga si Anayeli. Nagawa na naman niya lahat ng pinapagawa ni Mildred na dokumento kanina. Sanay na siya sa trabaho niya na secretary. Kaya easy na lang sa kanya ang trabaho niya ngayon kay Niel. Ang inaalala niya ay ang magiging treatment ni Niel sa kanya simula mamaya.

Nang mga bandang alas dos ay dumating na si Niel sa opisina. Sa tantsa ni Anayeli ay wala ito sa mood, marahil dahil pagod sa byahe. Bakit kasi dumiretso agad ito sa trabaho, pwede namang magpahinga muna sa bahay.

"Good afternoon po sir," magalang niyang bati kay Niel nang nasa tapat na niya ito. Nasa labas ng office nito ang table niya. Tumayo pa siya at ngiting-ngiti pa siya sa gwapo pero arogante niyang boss. Hindi naman siya pinansin ni Niel, dire-diretso lamang ito sa loob ng office.

Suplado! Asik niya sa isip. Kala mo naman kung sinong gwapo. Pero infairness ang gwapo nga niya. Natawa na lang siya sa naisip.

Umupo na lang siya sa kanyang swivel chair. Naghihintay siya ng tawag ni Niel. Pero alas singko na ay hindi pa rin naman ito tumatawag sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung uuwi na siya o mag-o-overtime. Sabi kasi ni Mildred ay hindi siya pwedeng umuwi hanggat hindi sinasabi ni Niel.

"Hay, time to go home na hindi ko pa rin alam kung overtime ba ako. Ang hirap naman ng ganito," mahina niyang usal.

Nasanay kasi siya sa mga previous boss niya na automatic no overtime kapag walang sinabi ang mga ito na kahit ano bago mag-alas singko. Pero itong si Niel ay baligtad. Kailangan daw ay ito ang magsasabi kung pwede na siyang umuwi. Dahil automatic daw na ot siya kapag walang salita si Niel.

Inabot na siya ng ala sais ay hindi pa rin nagpaparamdam si Niel sa kanya. Gustong-gusto na talaga niya itong katukin at tanungin. Pero nag-aalangan siya.

Patient Anayeli, patient! Pauuwiin ka rin niya. Sabi niya sa isip dahil sa inip.

Hanggang sa inabot na ng alas nwebe, pero wala pa ring salita si Niel. Panay na ang tingin niya sa relo niya na nabili pa niya sa tyanggi sa halagang isang daan. Hanggang sa hindi na siya nakatiis. Kaya kumatok na siya sa pinto ng office ng boss niya. Narinig naman niya ang boses ni Niel na pinapapasok na siya. Kaya marahan niyang pinihit ang door knob.

"Sir, ano pong oras ako pwedeng umuwi?" magalang niyang tanong dito nang makalapit na sa mesa ni Niel.

"You can go home anytime you want. Hindi ba dapat kanina ka pang 5 o'clock nakauwi?" sagot nitong walang gana. Hindi man lang tinapunan ng tingin ang pobreng dalaga.

Putik na yan! Mura ni Anayeli sa isip. Bigla siyang nainis kay Niel.

"Sorry po sir, sabi po kasi ni Ms. Mildred hintayin ko raw po ang signal nyo kung kailan ako pwedeng umuwi," katwiran niya. Hindi siya natutuwa talaga.

"Oh, I'm sorry, nawala sa isip ko. By the way, you can go home now. Mag-file ka na lang ng overtime," sagot ni Niel na nakatutok lang ang atensyon sa laptop nito.

"Salamat po sir, mauna na po ako."

"Wewe-wait! Give me your cellphone," biglang sabi nito nang pahakbang na sana si Anayeli. Nakatunghay na ito at nakatingin sa dalaga.

"Sir?" pagtataka naman ng dalaga.

"I said your phone. I will type my personal cellphone number to your phone. So we can talk about my schedule kahit nasa bahay ka," katwiran nito na tila minamandohan si Anayeli.

"Ah okay po sir. Sandali lang po, kukunin ko lang sa table ko," paalam niya.

Agad siyang lumabas upang kunin ang kanyang cellphone. Nakatutok muli si Niel sa laptop nang mapasukan niya.

"Sir, ito na po," sabi niya habang iniaabot ang cellphone sa boss. Agad namang nag-angat ng tingin si Niel.

Napangisi agad ito. Namutawi ang dimple nito at mapuputing ngipin. Ngayon lang ulit nakita ni Anayeli ang napakagandang ngiti nito. Nakaramdam tuloy siya ng pagka-miss sa masaya nilang tawanan at kwentuhan noong araw. Palatawa kasi si Niel at makwento. Samantalang siya noon ay seryoso. Si Niel lamang ang nakakapagpangiti sa kanya noon. Palibhasa nga ay driver ito. Kaya napakadami nitong alam na nakakatawang istorya na napupulot sa mga ka-toda nito noon.

"Are you kidding me! I'm asking for your phone, not your little brother toy," naiiling nitong sabi at natatawa.

Gago 'to ah! Ang mahal kaya ng bili ko dito tapos sasabihing laruan ang cellphone ko! Inis niyang sabi sa isip. "Hindi po yan toy sir, cellphone po iyan," depensa niya na parang nainsulto ng bahagya.

"Really? It looks like a toy, and there is a tie on it. Kaya akala ko laruan ng kapatid mo yan," wika nito na hindi na napigilang tumawa.

Yabang mo! Samantalang noon wala ka ngang cellphone, nakiki-text ka nga lang sa Papa Polly mo kapag may date tayo, wag ako ugok! Inis na naman niyang sabi sa isip habang tinitingnan ang tumatawang kausap.

"Ganon po ba, sorry naman po sir. Yan lang kasi ang kaya ng budget ko," hindi ngumingiti na lang niyang sagot kay Niel.

"Magkano ba ang bili mo dyan?" nakaramdam naman si Niel ng pagkapahiya dahil seryoso ang itsura ni Anayeli.

"Mahal po."

"Magkano nga? At saan mo nabili?"

"200 pesos po sir, binili ko po yan sa kapitbahay naming snatcher. Tinawaran ko pa nga po yan. Kasi walang charger, tapos mukhang marami ng pagsubok na pinagdaanan," seryoso niyang sagot. Pero sa sagot niya ay napahalakhak na naman si Niel. Inakala na nagbibiro lamang ang dalaga.

"Sir, may nakakatawa po ba sa sinabi ko?" may inis niyang tanong dito na tawang-tawa dahil sa selpon niyang bulok.

"Yes, you made my day, Anayeli!" natatawa pa rin nitong sabi.

Oh great! At least napatawa kita sa selpon kong bulok. Wika muli niya sa isip. "Ah ganon po ba? Nakakatawa po pala ang may cellphone na mumurahin at de keypad na may tali ng lastiko," seryoso niyang sagot sa binata. Napahiya naman si Niel sa sagot niya. Kaya napawi din agad ang ngiti nito sa labi.

"Okay, give me your toy, I mean your phone." Iniabot naman yun ni Anayeli. Agad tinaype nito ang number nito sa cellphone ng dalaga. "You can go home now," sabi nito nang maibalik na kay Anayeli ang cellphone.

"Salamat po sir, have a good evening po," magalang nitong pasasalamat sa nakakainsultong boss.

"You too!" sagot lang ng binata.

Paglabas ni Anayeli ng office ay muntik na niyang mabangga ang babaeng kasalungat niyang papasok sa pinto. Buti na lang at mabilis siyang napa-preno sa paglakad.

"Sorry po!" paumanhin niya dito. Tiningnan lang naman siya ng masama ng babae. Hinayaan muna niyang makapasok ang babae sa pinto.

Bago niya tuluyang isinara ang pinto ay nadinig pa niyang tinawag ni Niel ang babae na babe. Napairap siya sa nadinig. Pero bakit ganon, parang may kung anong tumusok sa puso niya nang madinig iyon kanina.

Nasa jeep na siya pauwi ng bahay ay iyon pa ring salita ni Niel na babe kanina ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya. Nagseselos ba siya? Bumabalik na ba ang pagmamahal niya dito noon? Hindi tuloy siya nakatulog agad kinagabihan.

Anayeli, wala kang karapatang mag-selos. Isa pa, langit at lupa na ang agwat nyo ngayon. Kaya magtigil ka at magpakamanhid. Remember your mission. Yes, my mission! Sabi niya sa isip. Babalik ka rin sa dati Niel. Dugtong pa niya.

Kinaumagahan ay maaga siyang pumasok sa opisina. Akala niya ay siya pa lang ang magiging tao doon pagdating niya. Pero laking gulat niya dahil mas maaga pang dumating sa kanya ang boss niya. Nakita kasi niyang bukas na ang ilaw sa office nito.

Sa isip-isip niya ay imposibleng maiwan lang na bukas yun nun kagabi. E gabi-gabi chinicheck ng mga guwardya ang office nila maging ang kay Niel. Ini-o-off ng mga yun ang mga ilaw na naiwang naka-on. Nag-worry tuloy siya dahil baka mabodyak siya nito kapag nakita siya na mas late ditong dumating.

Alas syete pa lang pero nandito na siya. Lagot ako nito. Hindi naman kasi siya nag-text na maaga pala siyang papasok. Ano kaya, papasok na ba ako ng office niya o maghihintay ako ng alas otso? Tanong niya sa isip na naguguluhan dahil natatakot na baka masermonan. Pero sa huli ay nagpasya din siyang pasukin si Niel sa opisina nito.

Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang humakbang papunta sa pintuan ng office nito. Bahala na! Sabi muli niya sa isip. Kumatok siya ng isa. Agad naman siyang pinapasok ni Niel.

"Sir, do you need anything?" magalang niyang tanong dito.

"No, no! But I want you to come closer. I want to give you something," Nase-sense ni Anayeli na maganda ang mood nito ngayon. Kaya biglang nawala ang pag-aalala niya na masermonan.

"Sir?" pagtataka niya sa sinabi nito.

"I said I want to give you something. So come here," ulit nito at utos sa kanya.

Lumapit naman siya sa gilid ng table ni Niel. Agad namang iniabot ni Niel sa kanya ang isang paper bag.

"Sir, what's this?" nahihiyang tanong niya.

"Check it," kalmadong sagot ni Niel.

Dinukot naman agad ni Anayeli ang kahon sa loob ng paper bag. Hanggang sa bumungad sa kanya ang isang latest iphone na model.

"Do you like it?" nakangiting tanong nito sa kanya nang makita na tila namangha ang itsura ng dating kasintahan sa nakita.

"Sir, para kanino po ito?"

"For you. Para makontak kita agad. I want you to use that as a company cellphone. Kinokontak kasi kita kanina, hindi naman kita makontak. I guess your toy phone is not working well," natatawang biro nito.

"Pero sir wala po akong pambayad dito."

"No worries, it's company property. Wala kang babayaran dyan. Wala ka ring aalalahanin sa load dahil ang company ang maglo-load nyan. And I also want you to put my daily planner on that phone. A duplicate I mean. Para kahit nasa bahay ka, kapag tinawagan kita may kopya ka ng schedule ko."

"Ganon po ba, sige po pag-aaralan ko itong gamitin. But bear with me sir. Ngayon pa lang po kasi ako makakagamit ng ganitong cellphone. Kaya baka bano pa ako dito. For the mean time yung book planner ko lang po muna ang pagtyagaan natin."

"Whatever suits you. And you don't have to start working kahit nandito na ako. Follow your working schedule. I just come early because I have to meet a friend ng maaga."

"I see. Sige po sir. Balik na po ako sa table ko. Salamat po ulit dito sa company cellphone."

Paglabas ni Anayeli ay inisip niya kung sino kaya ang friend na kinita ni Niel, e napakaaga pa. Wala naman sa schedule nito na may appointment ito ng maaga.

Samantala, pagkaalis ni Anayeli sa office ni Niel ay hindi malaman ni Niel ang gagawin sa dibdib niya. Napakalakas kasi ng tibok nito. Naglakad-lakad siya sa loob ng office niya pero hindi pa rin mawala ang kaba niya.

Sa totoo lang ay nag-aalangan din siya na ibigay ang cellphone na yun kay Anayeli. Personal talaga niyang binili yun kagabi dahil nahabag siya sa cellphone ng dalaga. Dinahilan lang niya na company cellphone iyon pero hindi naman talaga.

Nawala lang ang mabilis na tibok ng puso niya dahil tumunog ang cellphone niya. It was Jessica, the woman who visited last night. After they fuck last night ay nakipag-break na siya dito.

Pero kinukulit pa rin siya nito na magbalikan sila. Natikman na niya ito kaya bakit pa niya ito babalikan. Hindi naman ito virgin para panghinayangan niya. In fact kung sino-sino na ang lalaking naka live-in nito. Ang iba ay kakilala pa niya.

Hindi naman siya gago para seryosohin ang ganoong klase ng babae. At gaya nga ng sinasabi niya palagi. Hindi pa naipapanganak ang babaeng seseryosohin niya at ihaharap sa altar. Hanggang sa bigla na namang pumasok sa isip niya si Anayeli. Mula nang makita niya ang dalaga sa opisina niya ay palagi na lang itong gumuguhit sa isip niya kahit na ayaw niya itong isipin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...