She's The Billionaire's Obses...

Bởi RainMaxxx

125K 4K 218

Every moment of her life is like a mystery,like a puzzle piece, magugulo ang dati nang magulong buhay ni heav... Xem Thêm

Prologue
Fall Chapter 1
Fall Chapter 2
Fall Chapter 3
Fall Chapter 4
Fall Chapter 5
Fall Chapter 6
Fall Chapter 7
Fall Chapter 8
Fall Chapter 9
Fall Chapter 10
AUTHOR'S NOTE
Fall Chapter 11
Fall Chapter 12
Fall chapter 13
Fall Chapter 14
Fall Chapter 15
Fall Chapter 16
Fall Chapter 17
Fall Chapter 18
Fall Chapter 19
Fall Chapter 20
Fall Chapter 21
Fall Chapter 22
Fall Chapter 23
Fall Chapter 24
Fall Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Author's Note

Fall Chapter 26

1.7K 41 1
Bởi RainMaxxx


Most of the girl got drunk so I suggested that they should stay here in mansion for a night. Si Jana at Cy lang ang nag-stay while the other choose to go home lalo na ang mag-asawa dahil sa mga anak nito. Lasing din si Joshua pero kinausap at nagpresinta si Client na siya na lamang ang bahala sa kaibigan. Mas mabuti na rin iyon dahil ayoko talaga na magkaroon ng gulo. Lalo na at nandito si Cyrena at Jana which is parehong may problema kay Joshua.

Tinulungan namin sila Manang na magligpit sa pool side. Past midnight na rin kami natapos. Thankfully hinintay kami nila Manang matapos. Habang nagliligpit kami ay napansin ko ang pagiging tahimik ni Cosmer. Namumula na ang buong muka nito hanggang batok. Namumungay na rin ang mga mata niya. Mukang naparami ang inom niya dahil hindi siya tinantanan ni Joshua kanina. Tahimik na nilapitan ko si Cosmer.

"Hon? Matulog ka na kaya, kami na ang bahala rito," nag-aalalang suhestiyon ko habang sinusuklay ang buhok niya.

Tumigil ito sa ginagawa at hinarap ako. Agad na pumupulot ang braso nito sa bewang ko. "Mabuti pa, bukas na lang natin ayosin ang mga 'to. Matulog na tayong lahat."

"Mabuti pa nga." Nilingon ko sila Manang na patuloy sa pagliligpit. "Manang! Bukas na lang ho natin ituloy pag-aayos. Magpahinga na po kayo."

Manang insisted na sila na ang tatapos pero nakokonsensya naman ako kaya pinilit ko silang bukas na lamang. Sa hulis ay pinagpabukas na lang namin ang pagliligpit. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Dumiretso naman kami ni Cosmer sa kuwarto niya.

Inutusan kong maligo si Cosmer para maging maayos ang tulog niya. Nang makapasok siya sa bathroom ay pumunta naman ako sa kuwarto ko. Hindi pa rin kasi naililipat ang mga gamit ko sa kuwarto ni Cosmer. Ayoko rin na doon na ilagay lahat ng gamit ko dahil hindi kasiya.

Pumasok ako ng bathroom without preparing any clothes. Medyo konti lang ang nainom ko pero dahil mababa ang alcohol tolerance ko, pakiramdam ko nalasing ako. Nahihilo at nasusuka ako kanina pa pero pinipigilan ko lang dahil marami pang dapat ayosin.

Nagtagal ako ng ilang minuto sa paliligo. Mayroon ng towels sa c.r kaya sa c.r pa lang ay nagpatuyo na ako ng katawan at nang lumabas ako ay wala akong kahit na anong saplot sa katawan, tanging isang tuwalya lang ang dala ko na ginagamit ko sa pagpapatuyo ng buhok.

Without me knowing, Cosmer are already there staring at me. Nang makita ko siya sa sofa ay nawalan ako ng balanse. Gaya ko ay gulat din ito sa nakita. Halos lumuwa na ang mga mata nito habang tulalang nakatingin sa akin pero nakabawi din sa gulat nang makita akong nadumba.

Una ang puwetan ko pero mas mabuti na iyon kaysa ulo. Nawala sa isip ko na nakahubo't hubad ako dahil inuna ko pang indahin ang sakit ng balakang ko. Agad na lumapit si Cosmer at binuhat ako ako. Inihiga niya ako sa sofa at nang maihiga ako ay hindi man lang ito umalis sa ibabaw ko. Nakatingin lang ito sa akin. Namumungay ang mga mata, siguro ay dahil sa kalasingan at antok. Halos magsalubong ang kilay ko habang takang nakatingin sa kaniya.

At the thought of him kissing me flash on my mind. Agad kong tinakpan ang bibig ko at tinulak siya palayo. Hindi puwede. Hindi pa ako ready. Bata pa ako. Okay, muka lang bata.

Nagmamadaling tumakbo ako papasok ng bed area ko. Parang gusto kong mawala na lang bigla. Nakakahiya. Nakita ni Cosmer ang buong katawan ko. I am not confident with my body. Sa skin ko confident ako pero sa katawan ko hindi. I have undeniable flaws on my body.

Napalunok ako bago nagtago sa ilalim ng kumot. Dito na lang muna ako. Wala rin naman akong lakas ng loob na harapin siya. Parang gustong kumawala ng puso ko sa hawla. Nanlalamig din ang paa ko. Pilit na pinakalma ko ang sarili. Kung ma-turn off siya edi bahala siya. Kung totoong mahal niya ako tatanggapin niya lahat ng imperfection ko. Sandali, sinabi na ba niyang mahal niya ako?

Bahala na nga. Inis na tinanggal ko ang kumot at umupo sa kama na nakabusangot. Nahagip ng paningin ko si Cosmer na nakatayo sa bukana ang hamba ng pasukan sa bed area ko. Akala ko ay namamalik-mata lamang ako pero nang lingonin ko muli ito ay naroon nga ang loko.

Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kumot ulit. Hind ko talaga siya kayang harapin. Nakarinig ako ng mahihinang yapag ng paa. Habang papalapit ito ay mas lalong nanlalaki ang mga mata ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Heaven, walang magagawa ang pagtatago mo," boses ni Cosmer na bumasag sa katahimikan.

Natumpak mo, Cosmer. Matamlay na bumusangot ako dahil sa sinabi niya. Nandito na 'to. Kainis naman kasi. Bakit kailangan niya pang sumunod dito? Ako naman ang laging pumupunta sa kaniya lagi a.

"Edi wow." Inis na tinanggal ko ang kumot hanggang dibdib lang.

"Bakit ka pa kasi sumunod dito?" Masamang tingin ang itinapon ko sa kaniya.

"Kasi gusto ko. Dito na lang muna tayo matulog. Nandito na rin naman tayo," kalmadong turan nito.

Malumanay lamang ang pagbitaw nito ng bawat salita, parang inaantok na. Bigla naman akong nakonsensya. Dapat makapagbihis na ako para makatulog na kami.

"Magbibihis muna ako, umalis ka na muna."

Bigla nagising si Cosmer sa sinabi ko. Halos magsalubong ang dalawang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Bakit ako aalis? Magbihis ka kung gusto o kung gusto mo ako na ang kukuha ng damit mo."

"Cosmer naman e. Umalis ka na muna," parang bata na pagmamaktol ko.

"Bakit ka ba nahihiya sa akin e asawa mo ako."

"E kasi, madami kaya akong strech mark, makikita mo. Tapos-"

Inabot niya ang bibig ko at tinakpak sabay higa sa tabi ko. "Tapos anong pake ko? Sexy ka pa rin naman kahit mayroon kang ganiyan, peklat man 'yan o ano. I love you the way you are. I fell inlove first in your imperfection and I will always embrace that."

"Thanks," tanging nasabi ko.

"Thanks lang? Wala bang, 'Thank you, Baby Cosmer. You're the best.' then kiss sa lips."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa paraan ng pagsasalita niya o susuntukin siya dahil sa sinabi niya.

"Ito gusto mo?" Pinakita ko ang kamao ko sa kaniya.

"Wala ka talagang pakisama." Nakasimangot na sabi nito.

"Ikaw naman, umaapaw ang kakornihan mo," pagsusungit ko.

"Ikaw naman, umaapaw ang ampalaya mo."

Kumot ang noo ko sa sinabi niya. Ampalaya? Bahala nga siya diyan. Inis na nagpaalam akong magbibihis na muna. Naiwan siya sa kama at ako naman ay pumunta na sa closet ko. Ilang minuto akong nagtagal sa closet area ko kaya nang bumalik ako kay Cosmer ay tulog mantika na ito. Ibang klase. Humihilik pa buti na lang hindi gaanong malakas. Pagtripan ko kaya.

Dali-dali kong kinuha ang pentel pen ko sa drawer ng mga gamit ko at kinuha ko rin ang cellphone ko. Bumalik ako agad kay Cosmer. Nag-drawing ako ng parang lubo sa ilong ni Cosmer. Para iyong sipon na lumubo. Nag-drawing ako three horizontal line sa magkabilang pisngi niya para magmuka siyang pusa. Tapos ilong ng puso sa tip ng nose niya. Dalawang sungay naman ng puso sa noo niya. Ang cute naman.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko si Cosmer. Vinideo ko rin ang paghilik nito. I selfie with him para happy. Tignan natin kung magagalit siya bukas.

Satisfied naman ako sa ginawa ko kaya nakangiti akong natulog.

Nagising ako na nasa sasakyan na ako. Umiiyak ako pero hindi ko alam ang dahilan. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan na nagpakaba sa akin. Hindi ako ganito magmaneho. Natataranta ako sa mga nangyayari. Gustohin ko mang patigilin ang sasakyan pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko sa kagustohan ko. Parang may sariling isip ito.

May ibinibigkas akong mga salita hanggang sa mas bumilis pa ang takbo ng kotse. "I hate you!" mga salitang binitawan ko bago sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag at sinabayan ng malakas na busina. Mabilis kong menaneobra ang manibela. Hindi ko na alam ang sunod na gagawin dahil sa pagkataranta. Basta ang alam ko lang ay dapat makaiwas ako sa paparating na liwanag.

Isang malakas na tunog ang bumalot sa tenga ko bago nagdilim ang buong paligid. Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Habol ang hininga na kinapa ko ang side table kung nasaan ang digital clock. Ala-onse na ng umaga sabi sa orasan. Napabuga ako ng hangin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay takot na takot ako.

Ang panaginip na iyon ay ang araw ng aksidente. Naaalala ko na pero hindi buo, may kulang. Hindi ko pa rin alam kung bakit umiiyak ako ng araw na 'yon. Parang may hindi magandang nangyari sa amin ni Cosmer. I was cursing his name. Ilang minuto akong napatitig sa kisame, pilit inaalala ang mga nangyari habang tahimik pa ang paligid.

Nilingon ko si Cosmer na mahimbing pa rin ang tulog. Nakaramdam ako ng gutom kaya napagpasiyahan ko ng bumangon. Sana naman may pagkain na sa kusina. Marahang kinalas ko ang pagkakayakap sa akin ni Cosmer. Maingat ang mga kilos ko palabas ng bed area ko.

Dumiretso ako sa bathroom para maligo. Medyo nahihilo pa ako siguro ay dahil sa alak. Hindi maalis sa isip ko ang napanaginipan ko. Alam kaya nila Cy and Jana? Baka puwede nilang masagot ang tanong ko, baka alam nila ang nangyari sa akin bago ang aksidente.

Nagmamadaling naligo ako at lumabas ng kuwarto. Hindi ko na na-check si Cosmer bago lumabas dahil gusto ko ng malaman kung ano ba talaga ang nangyari ng araw na 'yon. Dumiretso ako sa guest room kung saan natulog ang dalawa ng magkasama.

Hindi na ako kumatok pa at pumasok na lamang. Tulog pa si Cyrene samantalang gising na si Jana, nakatutok na agad ito sa cellphone niya. Bumangon si Jana nang makita ako. Patalon na sumampa ako sa kama sabay gabang papunta gitna. Napadaing naman si Cyrene dahil gumalaw ang kama pagkasampa ko.

"Ang aga mo naman, Heaven," takang turan ni Jana.

"Wala naman. May itatanong lang ako. Kanina kasi, nanaginip ako. Tungkol iyon sa aksidente. May alam ka ba tungkol sa nangyari sa akin? Alam mo kung ano ang nangyari bago ang aksidente?"

"Hindi, ang alam ko si Cosmer ang huli mong nakasama ng gabing iyon. Iyon ang narinig ko kay Tita at Tito nung araw na dumalaw ako sayo sa hospital."

"Si Dad, Mommy, at Cosmer lang ang nakaka-alam. Hindi naman sila magsasalita e."

"Si Joshua, baka siya puwede mong tanungin."

"Ano naman ang kinalaman ni Joshua dito?"

"Nakausap mo siya bago ang aksidente. Narinig ko 'yon mismo sa kaniya."

Si Joshua na naman. Bakit lagi siyang naikokonekta sa mga ganitong bagay? Bakit ba parang ang dami niyang alam? Kailangan kong maka-usap si Joshua. Napabuntong-hininga na lamang ako. Baka bukas ko pa kasi makausap si Joshua, ang dami pa namang nainom na alak ni Joshua kagabi. Sa huli ay inaya ko na lamang si Jana sa kusina.

Nakasalubong namin si Flor. Sinabi nitong handa na ang pagkain sa mesa. Mabuti naman. Inutusan ko na lamang siya na kapag nakita niya si Cyrene na palabas ng kuwarto ay sabihing kumain na sa kusina. Dumiretso kami ni Jana sa kusina. She said this is not her first time here.

Kaniya-kaniya kaming kuha ng pagkain. Nakailang subo na ako ng kanin nang biglang nag-ingat ang door bell. Sunod-sunod iyon, at parang gigil na gigil ang nagpipindot sa doorbell.

Napatayo na ako dahil sa pagtataka. Sino ang pupunta ngayong araw gayong wala namang puwedeng pumasok ng village ng basta-basta?

Nagpaalam ako kay Jana na pupuntahan ang bisita pero sasama raw ang bruha dahil natatakot daw siya mag-isa. Nakasalubong namin si Manang on the way palabas ng dining area.

"Hija, sakto. Nandyan si Joshua sa labas. E kaso hindi ko pinapasok kasi mukang lasing pa. Hinahanap ka saka si Jana at Cyrene raw."

"Bakit niya ho ako hinahanap?" sabat ni Jana.

"Ay iyan ang hindi ko alam. Labasin niyo na lang para makausap niyo."

Nagpaalam na kami kay Manang at tinungo si Joshua. Wala sa sariling naisatinig ko ang tanong ko sa isip. Paano nakapasok si Joshua ng village?

"Hindi mo ba alam? Kaibigan ni Joshua ang may ari ng village na 'to. Isa rin siya sa mga investor ni Mr. Monasterio na siyang founder ng village na 'to," sagot ni Jana sa tanong ko.

"Talaga? Ganoon talaga kayaman si Joshua at ganoon ka pa rin kabaliw sa kaniya?"

Hinampas ako ni Jana sa naging sagot ko. Sa gate pa lang ay rinig ko na ang malalakas na mura ni Joshua. Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang gulat at natatarantang si Joshua.

Lumapit agad ito sa akin sabay tingin ng masama kay Jana. Inirapan lamang ito ni Jana. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Heaven, anong sinabi nila sayo?" paos na tanong ni Joshua sabay hawak sa magkabilang braso ko.

Halos magsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Kumalas ako sa pagkakahawak niya at umatras palayo sa kaniya. Mas lalo siyang nataranta. Magulo ang buhok niya halatang bagong gising pa lang. Ang suot niya kagabi ay suot pa rin niya ngayon.

"Heaven, please..."

"Sabihin mo nga sa akin, Joshua. Ano ba dapat ang sabihin nila sa akin? Ano ba dapat ang marinig ko? Bakit parang takot na takot ka?"

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...