The Sunset's Cry (Nostalgia O...

Galing kay juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... Higit pa

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XLIII: Bagong Umaga

30 2 3
Galing kay juanleoncito

Makalipas ang dalawang araw, panibagong pagbungad ng umaga, unti-unti nang nakaipon ng panibagong lakas. Tila bang napangiti na lamang habang nakatingin sa salamin.

Narito sa loob ng kwarto mukhang naninibago. Nag-aayos ng sarili’t gamit kung kaya ay papunta ng Andromeda upang ipagpatuloy ang naisantabing kagustuhan.

Ako na lamang ay bumuntong-hininga kasabay ang pagdungaw sa bintana na tanging tanaw ang kariktan ng sinag ng araw. Ganoon na rin ang pagsuot ng sumbrero at tuluya nang lumabas ng kwarto habang hawak-hawak ang bag.

“B-Boy!” pagbungad ni Tatay Gabo kung kaya ako’y nagulat.

“T-Tay naman. Nanggugulat ka pa eh,” bigkas ko na lamang at natawa kaming pareho.

“Eto naman. T-Teka, sigurado ka na bang papasok ka na?” pagtatanong ni Tatay Gabo.

“Oo Tay, dami ko nang naiwang trabaho. T-Tsaka, okay na naman ako.” Tumango na lamang ako at ngumiti kay Tatay Gabo.

Tila bang sa ganoon ay nag-iba ang reaksyon nito’t ako na lamang ay nagtaka.

“B-Bakit Tay? M-May problema ba?” pagtatanong ko sa kanya.

“Si Xavier... H-Hindi pa kasi siya sumasagot sa mga tawag ko. Ayaw ko na ring makaabala pa’t makiusap kay Jim. B-Boy, hindi pa kasi tayo nakapagpasalamat kay Xavier eh---”

Hindi na natapos ni Tatay Gabo ang pangungusap niya nang agad akong nagsalita.

“T-Tay---”

“P-Pwede bang kausapin mo na siya? S-Siguro naman, wala ng poot diyan sa puso mo,” pangungusap pang muli ni Tatay Gabo.

Tila bang ako na lamang ay natahimik sa mga sinabi niya at napayuko ng ilang sandali. Unti-unting inahon ang sarili at bumuntong-hininga upang sagutin muli ang mga salitang binitawan niya.  

“S-Sige Tay, pupuntahan ko na lang din siya sa Primavera. P-Pero, kung sasagot man siya ulit sa tawag mo o pumunta rito. Sabihin mo, babayaran ko lahat ng mga gastong binayaran niya sa akin noong nasa ospital pa ako. A-Ayoko lang magkaroon ng utang ng loob.”

Ngumisi na lamang ako ng bahagya at inayos ang sumbrerong isinuot ko. Ganoon na lang din ang pag-akbay ng bag sa aking kaliwang balikat.

“Sige na Tay, aalis na ako,” pagbaling ko’t nagmano sa kanya.

Tuluyan ng lumabas ng bahay at dumiretso na sa gate nang nailabas na ang sasakyan kani-kanina. Agad na pumasok dito sabay paglapag ng inakbay na bag sa kabilang upuan at isinara ang pinto.

Pumreno ng dalawang beses at ipinaharurot na ang sasakyan. Hindi alintanang ganito kasarap pagmasdan ang panibagong araw. Diretso ang tingin sa kalsada, ganoon na rin ang pagpihit ng manobela. Ninanais na maging maganda ang araw na ito hanggang sa ito ay lumubog at bubungad ang buwan.

Binuksan na lamang ang musika ng sasakyan. Sinabayan ng pagsipol ang himig nito’t napatingin sa sinag ng araw.

Pawang ngiti ang nakikita sa labi. Napagtantong bagong umaga ay natanaw ko na. Dumating, upang bigyan ng kasiyahan ang mga mata. Hanggang sa handang harapin muli ang mundo.

Ibinaling na lamang muli ang sarili sa pagmamaneho habang pinapakinggan pa rin ang musika.

Mahigit kalahating oras ang nakalilipas, narating na ang paroroonan. Agad na pinarada ang sasakyan at ganoon na lang din ang pagbukas ng pinto nito at kinuha na ang bag. Dali-daling bumababa upang tumungo sa opisina.

Tila napahinto na lang ako nang sumagi sa isip ko ang alaala ng unang tungtong ko rito sa kompanya.

Napatingala, nakatayo noon sa harap ng Andromeda. Apat na taon ang nakalipas, sinubukang tumayo galing sa mabibigat na mga pinagdadaanan.

Pawang ngiti at pananabik ang dumaloy sa aking katawan. Iyon na nga ang isa sa mga pinakamasasayang araw sa buhay ko, ang makatungtong sa pinapangarap kong karera.

“Bro!” pagtawag noon ni Jim sa akin.

Nginitian siya sabay pag-akap sa kanya na tila bang matagal nang hindi nagkikita.

“Ano bang hinihintay mo? Tara na. It’s your first day kaya huwag mong sayangin ang pagkakataong ito,” salita niya.

Tumango sa kanya na tila bang sa pagkakataong iyon ay napalitan ng lungkot ang noo’y masasayang mga amta.

“Oh, ano na naman ba ‘yang mukha mo?” pagtaka ni Jim.

“A-Ahh---” utal ko.

Tinapik nito ang balikat ko at muling nagsalita. “B-Bro, I’m not saying this to interfere you. I know, it’s hard to forget those times but I think, you should start building yourself again. Kasi kung hahayaan mo lang ulit ang sarili mong malugmok diyan sa mga iniisip mo, these achievements of yours will be nothing.”

“I-I...” utal ko pa ngunit hindi na natapos nang agad itong nagsalita.

“Apat na taon na rin ag nakalipas bro, siguro naman sapat na ‘yun para magsimula diba?” aniya pa.

“O-Oo naman. Tara na nga, i-tour mo na nga lang ako.” Pareho na lang kaming natawa kasabay ang tuluyang pagpasok.

Sa pag-alala noon, ako ay napailing na lamang at napangisi kasabay ang pagtingala muli sa gusaling ito. Muli nang naglakad papasok ng kompanya at dumiretso na sa elevator.

Mag-isa sa loob, tila bang kinakabahan sa muling pagpasok sa opisina kung kaya ay matagal na ring hindi nakakapunta rito.

Ilang segundo pa’y bumukas na ang elevator at ako na lamang ay napabuntong-hininga kasabay ang tuluyang pagpasok sa opisina.

“WELCOME BACK, DIREK!” sigawang narinig ko nang binuksan ang pinto.

Tila bang ako na lang ay naistatwa sa nangyari’t nakikita pa ang mga nakadisenyong cartolina. Hindi makagalaw, pawang paulit-ulit na natatawa.

“A-Ano ba ‘to? M-May pa surprise pa kayo,” wika ko.

Dali-dali namang lumapit sa aking kinatatayuan sina Yaz at Rex ganoon na lamang din sina Mrs. Javier at Mr. Lacson. Kitang-kita ang saya sa kanilang mga mata’t ngiti naman sa kanilang mga labi.

“Direk, na-miss ka namin sobra,” pagbigkas ni Yaz.

“Nako Yaz. Binobola mo na naman ako,” pagsagot ko’t natawa na lamang ang lahat.

“Direk naman.”

Tinapik ko na lamang ito sa balikat at ngumiti.

“B-Bro, kamusta ka na?” tanong pa ni Rex.

“Eto naman...” pagbaling ko na lamang.

“Teka nga, tanggalin mo nga ‘yang sumbrero mo,” saad niya pa’t tinanggal ang suot kong sumbrero, “Ayan, mas pogi.”

Muling natawa ang lahat habang ako naman ay napayuko’t pawang nahiya kung kaya ay kinuha na ang sumbrerong kinuha ni Rex at isinuot itong muli.

Ako na lamang ay lumapit sa kanila Mr. Lacson at Mrs. Javier upang sila ay kamayan.

“Welcome back, Mr. Samaniego,” bati ni Mr. Lacson.

“Thank you po and thank you for letting me back,” sagot ko’t ngumisi sa kanila.

“It’s always been an honor to have you in our company at dahil diyan we have an announcement,” pangungusap muli ni Mr. Lacson.

Tila bang lahat ng mga mata ay agad na nakatingin sa kanya’t nag-aabang kung anong mahalagang anunsyo ang sasabihin niya.

“What is it, Mr. Lacson?” tanong pa ni Rex.

“I’m proud to say that, in many entries sent at the CFFF, We, Us & Trafalgar is one of the finalists. Congratulations!” anunsyo ni Mr. Lacson.

Hindi makapaniwala, kitang-kita ang saya sa kanilang labi. Pawang hindi makabigkas ng salita’t hindi makagalaw. Lubos na saya ang aking natatamasa na pawang nararamdaman ang pagbuo ng luha sa aking mata.

“Congratulations, Mr. Samaniego. You really did well on your first,” pagbati ni Mr. Lacson.

“Congratulations,” pagbati rin ni Mrs. Javier.

Pagtango na lamang ang nagagawa’t naisukli sa kanila kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.

“Direk, congratulations!” wari pa ni Yaz.

“B-Bro, congrats! It should be a celebration,” pagbati rin ni Rex.

“Call it!” tanging salita na nabigkas ko.

Kaliwa’t-kanang pagbati ang naririnig, kaliwa’t-kanang pagtango rin ang isinukli. Unti-unti namang nagsibalikan ang lahat sa kanilang mga opisina habang kami ni Rex ay dumiretso nang tuluyan sa amin.

Hanggang sa pag-upo sa aking upuan, hindi pa rin makapaniwala’t tuloy-tuloy na nga ang mga pagbungad ng panibagong umagang dala ay kasiyahan.

“Bro, bakit parang hindi ka naman masaya?” saad pa ni Rex.

“No. I’m happy. Hindi lang talaga ako makapaniwala,” sagot ko sa katanungan niya.

“Dapat lang. Ito na nga siguro ang simula ng mas maraming proyekto kasama ang Primavera,” sambit muli ni Rex.

Napasandal na lamang ako sa aking kinauupuan ngunit agad namang napaahon nang naalalang kailangan puntahan si Xavier sa Primavera.

“Pupunta muna ako ng Primavera.” Agad akong napatayo at inilapag na lamang ang sumbrero sa mesa.

“T-Teka, bro!” tawag pa ni Rex kung kaya ay hindi na ito pinakinggan.

Dire-diretsong paglalakad, dali-daling lumabas ng opisina at tumungo muli sa elevator habang inaayos ang nagulo kong buhok. Ibinulsa na lamang ang kanang kamay habang naghihintay sa pagbukas nito.

Ilang saglit pa ay agad nang lumabas ng elevator at tumungo na sa parking lot ngunit sa hindi inaasahan ay tila bang bumungad sa aking daanan ang papalapit na si Xavier.

Hindi kalayuang distansya, parehong napahinto ang mga paa. Ako ay bumuntong-hininga at unti-unti itong nilapitan.

“X-Xavier...” pag-utal ko nang lumapit ako sa kanya.

“C-Congrats!” pagbati niya na lamang.

Ako ay tumango at bahagyang ngumisi sa kanya. “S-Salamat. Ts-tsaka nga pala...”

“I-I’m happy... I’m happy that you made it. I’m sorry for doubting you at first but I’m sure, magiging successful ‘to,” dagdag niya pa.

“Kalimutan na lang natin ‘yon. Pero, sana nga, magiging successful. Hindi naman din ‘to dahil sa’kin eh. Dahil din ‘to sa tulong ninyong lahat,” pangungusap ko pa.

Ito na lamang rin ay tumango kasabay ang pamulsa nito ng kanyang kanang kamay. Ako ay natawa na lamang at napayuko. Tila wala ng nararamdamang galit kapag ito ay kaharap.

“Teka, sa’n ka ba dapat papunta?” pagbaling ng tanong nito.

“I-I was about to visit you. Kaso... sakto, nadatnan naman kita rito,” saad ko, “M-Magpapasalamat lang sana ako dahil sa tulong na binigay mo noong nasa ospital pa ako. Huwag kang mag-alala, I will pay for it. Nakakahiya naman sa’yo.”

Ito ay mabilis na napailing at nagsalita. “Huwag na. Siguro, isa na rin ‘yun sa mga kabayaran ko sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa’yo and I’m sorry for doing that.”

Huminga ako ng malalim at umiling din. Bakas naman sa kanyang mukha ang sinseridad na makikita mo rin sa kanyang mga mata.

“E-Eto naman. Sabi ko nga diba, kalimutan na lang natin ‘yun. Nakakatawa mang isipin, ako rin naman ‘tong matigas ang ulo eh, hindi marunong magpatawad.” 

“But I’m still the one who committed sins,” wika pa nito.

Yumuko ako at napahimas na lamang ako ng baba. Muling ibinalik sa kanya ang tingin upang magsalita.

“X-Xav---”

Hindi ko na natapos ang nais kong ibigkas nang siya ay diretsong nagsalita.

“No, it’s my fault. I’m sorry for ruining your life. I-I took affair with A-Aya---” bigkas niya pa’t pinigilan na lamang ito.

Binulsa ko na lang rin ang kanang kamay ko at nagsalita. “Xav, m-matagal na ‘yon and Aya is in peace. Let’s just forget about it para lang tayong mga bata, nagsisisihan.”

Natawa na lamang kaming pareho habang ako ay napayos ng buhok.

“Tama nga naman,” wika niya.

Bakas naman sa kanyang tindig ang tila pagkatulala nito’t nagbigay sa akin ng pagtataka kung kaya ay agad akong nagsalita.

“B-Bakit? M-May problema ba?” pagtataka ko.

Ibinalik nito ang tingin sa akin at ito na lamang ay ngumisi ng bahagya. “W-Wala. Nakaka-miss lang ‘tong ganito. ‘Yung nakakausap ka ng walang alinlangan.”

“Bakit? Ganoon na ba talaga ako kainis-inis kapag nakakausap mo ako?” pagbibiro ko pa.

“Sobra! Kung alam mo lang, sinapak na kita matagal na.” Mga salitang binitawan niya’t natawa na lamang kaming pareho.

Tila bang matagal na rin noon huling pagtawa namin sa isa’t-isa at nakakapanibago lang.

“Eto talagang kupal na ‘to,” ekspresyon ko, “Basta, let’s just forget about it and I need to pay you, ‘yon lang ‘yon.”

“Ikaw bahala,” sagot niya.

Muli na lamang kaming bumungisngis at natawa. Ngunit, kasabay rin noon ang agarang paglingon naming nang narinig ang paglitaw ng mga boses na tila malalakas na pagbulalas.

“Nasaan ba siya?!” rinig naming boses na tila papalapit sa aming kinatatayuan.

“Sabi niya pupunta raw siya ng Primavera,” bigkas pa ng isa.

“Ano?! Anak ng...” pagputol ng pangungusap.

Pawang naistatwa pati na rin si Xavier kung kaya ang boses na naririnig ay mula pala kina Jim at Rex na napahinto rin. Tila napaigtad ang mga ito dahil sa nakita nilang hindi kapani-paniwalang pag-uusap namin ni Xavier.

Dali-dali itong lumapit na pawang aakmang pipigilan pa kami.

“T-Teka, a-ano ‘to? Alam mo Xavier kung manggugulo ka lang---”

Wala nang naisunod na salita si Jim nang ako ay nagsalita agad.

“Alam mo Jim, para kang siraulo!” pagbigkas ko’t natawa pati na rin si Xavier. Kitang-kita pa rin ang pagtataka ng dalawa kung kaya ay napakunot na lamang ito ng noo.

“A-Ano ‘to? So, bati na kayo ganoon ba? Para naman akong tanga nito. Ba’t ‘di niyo sinabi sa’kin?” sunod-sunod na mga katanungan ni Jim.

Ako na lamang ay humugot ng malalim na paghinga kung kaya ganoon din ang patuloy pa ring pagtataka sa kanilang mga mata.

“B-Bro, we’re sorry ngayon lang din ‘to.” Pagtawa ni Xavier at ako’y ganoon din patuloy pa rin ang pagkunot ng noo ni Jim na tila mas nagpatawa sa amin.

“Halika nga rito. Ang drama mo!” diin ko pa kasabay ang paghila ko sa kanya at inakbayan ganoon din ang pagkumot ng pisngi nito na para bang walang kasing tigas.

“Punyemas, ano ba!” pagpiglas nito’t inayos ang sarili.

Tila mga paghagalpak at pagtawa lamang ang bumabalot sa dalang katahimikan nitong basement. Ganoon din ang saya at galak na nakikita sa bawat pagkisap ng mata.

“K-Kayo-kayo lang? Hindi niyo ‘ko isasama?” pagsingit pa ni Rex.

“Halika ka na nga rito, Baby-yy Rex. Aju-ju-ju-ju!” pangungutya pa naming dalawa ni Jim at lahat na lang kami ay natawa.

Pawang naabot na nga ang bagong umaga na tanging bitbit ay kasiyahan lamang. Wala na ngang mahihiling pa kung kaya ay ito na nga ang pag-usbong ng panibagong araw.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.1K 132 5
This story is a work of fiction. Contains matured scene for open minded only. Keep off of the grass kids, seriously.! Date started: August 23 2015 Da...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
97.5K 550 6
(SPG/ R-18) ❤️ Owl City boys Series - 3 ❤️ This story is no longer available here. To read the complete version, please visit my Dreame account. Than...