Kahit Konting Pagtingin (Book...

Oleh Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... Lebih Banyak

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 33

1.9K 86 14
Oleh Levelion

Kabanata 33
Nagdurusa

Paglabas ko sa tent na pinag-iwanan ko kay Code ay agad na hinanap ko si Robert. Natagpuan ko itong nakahalukipkip at nakatayo sa isang tabi habang nakikipagkwentuhan sila ng mga kaibigan ko sa Downtown.

Paglapit ko kay Robert ay agad kong kinuha ang kanyang pulsuan at saka hinila ko siya palayo sa lahat.

"We have to go, bye!" paalam ko sa kanila habang hinihila ko si Robert na hindi ko naman narinig na nagreklamo. Nagpatianod lang ito sa panghihila ko.

Pero ang mga naiwan namin ay bakas ang pagtataka sa mukha. May ilan pa ngang balak magprotesta ngunit walang naglakas loob.

Binitawan ko si Robert nang makalabas na kami ng school gate.

"Nasaan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya at saka tumuro sa malayo.

"Let's go!" yaya ko pa sa kanya.

"What happened?" tanong ni Robert sa akin habang sabay kaming naglalakad patungo sa pinagparadahan niya ng kanyang sasakyan.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ako sumagot. "Alam na niya. Sinabi ko na."

Tila namamanghang namilog naman ang mga mata nito. "Anong sabi niya?"

Nagkibit balikat ako na ikinalukot ng noo nito. "Bakit hindi mo alam?" naguguluhan niyang tanong.

"Kasi pagkasabi ko sa kanya ng tungkol kay Simplicity, natameme siya sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapagsalita."

Narating na namin ang sasakyan ni Robert na pinatunog niya.

"Nabigla iyong tao, syempre hindi talaga agad makakapagsalita iyon." natatawang sabi niya bago siya pumasok sa loob ng kanyang kotse.

"Nagkasagutan din kasi kami bago ko ipagtapat sa kanya ang tungkol sa anak namin." ikinabit ko ang seatbelt ko nang makapasok na rin ako sa loob ng sasakyan. "Kaya 'nang sabihin ko sa kanya na puntahan niya si Simplicity sa bahay at ipakikilala ko sa kanya ang anak namin ay umalis na ako."

"And how sure are you na pupuntahan nga niya ang anak ninyo? Alam niya ba ang bahay mo? At saka, hindi basta basta naniniwala si Code nang walang sapat na eksplenansyon. Sana'y nag explain ka man lang sa kanya. Paano kung hindi siya maniwala na anak niya si Simplicity?" ani Robert na binuhay ang ignition.

"Naisip ko na rin iyan, na baka hindi siya maniwalang anak niya si Simplicity, because of what I've been through before. Pero kapag nakita niya ang anak namin, hindi siya magdududa na nananalaytay ang dugo niya kay Simplicity. Maniniwala siya, Robert. Balat ko lang ang namana ng anak ko sa akin and the rest of my daughter's features scream his genes!"

"At iyon ay kung pupunta nga siya." tila nagdududang sabi pa ni Robert na ang tingin ay nakatuon sa madilim na daan.

Tanging ang headlights lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa daanan namin.

Lumingon ako sa labas ng bintana at tinanaw ang madilim na palayang nadaraanan namin ngayon. Hindi ko na nga malaman kung nalampasan na ba namin ang palayan. Katulad ng walang katiyakang mangyayari bukas.

"He will." deklara ko na lamang.

Ibinibigay ko ang tiwala ko kay Code, kahit pa sa malalim na bahagi ng damdamin ko ay naroon ang agam-agam.








"Kape muna tayo, Rob." yaya ko sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Hindi na. I need to get back to them. Anong oras ang alis mo bukas? Pupunta ako rito para makapagpaalam, sigurado kasing matatagalan na naman bago tayo magkita ulit." naroon sa himig ni  Robert ang lungkot sa nalalapit kong pag-uwi.

Sa loob ng ilang araw na pamamalagi ko rito sa Ashralka ay naging hingahan ko ng sama ng loob si Robert, just like before. Kung wala siguro siya ay hindi ko siguro kontrolado ang damdamin ko, baka sumabog ako. He's been a very good friend to me and I'm very lucky to have him, because he loves me unconditionally.

"Alas-nuebe ako aalis dito. May importanteng meeting kasi kaming hahabulin ni tita Araceli. "

"Alright, I'll see you tomorrow." mapait niya akong nginitian.

Nakangiting tumango naman ako at saka lumabas na ng kotse.

Nakapasok na ako sa gate nang marinig ko ang muling pag-andar ng sasakyan ni Robert.

Bakit nga pala bukas ang gate? Sino kayang gising pa? Ginala ko ang tingin ko sa paligid.

"Ay diyos ko ka, Mang Dario!" halos mapatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko nang makita ko si Mang Dario na nakaupo sa upuang kawayan sa may tabi ng puno ng Kamias, naninigarilyo ito.

Tumawa naman ito at nagkamot ng ulo. "Pasensya na, ma'am. Nagpapaantok lang ako."

Napailing-iling na lang ako habang nangingiting pumasok sa bahay namin.



Pagpasok ko ng bahay ay ang iyak naman ng anak ko ang bumungad sa akin. Mag aalas-diyes na at gising pa ang anak ko?

"Magandang gabi, inay." bati ko nang makalapit ako sa kanya. Kalong niya si Simplicity na saglit na tumigil sa pag-iyak nang makita ako.

"Etong anak mo, hindi ko na naman alam kung anong gusto. Namemerwisyo na naman. Buti na lang at layo-layo ang bahay dito, dahil nakakahiya sa kapitbahay." tila nagsusumbong na sabi ni inay.

"Bakit umiiyak na naman ang baby doll ko? Namiss mo ba ang mama, huh?"

Humikbi si Simplicity at saka muling umiyak. Kinuha ko ang anak ko kay inay, bago ako nagmano rito.

"Nasaan ang itay, nay?" tanong ko habang isinasayaw at tinatapik tapik ko ang anak ko na unti-unti ng humihina ang iyak.

"Nasa kwarto na, nagpapahinga. Napagod kakahimas sa mga manok niya." Natawa ako sa sarkastikong sabi ni inay.

"Siya nga po pala, nasabi ko na kay Code ang tungkol kay Simplicity."

Bumaba ang tingin ko sa anak kong pikit na ang mga mata habang subo nito ang hinlalaking daliri.

Nang muli akong mag-angat ng tingin ay nakita ko naman sa mukha ni inay ang tuwa. "Anong sabi niya? Kailan niya dadalawin ang apo ko?" naroon din ang pananabik sa mukha niya.

"Pupunta po siya rito bukas." Hindi nga lang ako sigurado.

"Natutuwa ako anak! Sa wakas ay makikilala na ng apo ko ang tatay niya."

"Pero, inay...h-hindi po ako sigurado kung pupunta talaga si Code."

Ang tuwa sa mukha ni inay ay napalitan ng pagkalito. "Bakit?"

"Wala siyang naging tugon nang sabihin ko sa kanyang may anak kami. Nabigla siya sa sinabi ko, hindi ko na rin nagawang ipaliwanag sa kanya ang lahat dahil nagkasagutan kami, kaya ang sabi ko na lamang ay pumunta siya rito bukas."

"Sa palagay mo'y pupunta siya?"

"Umaasa ako."

Bumaba ang tingin ko sa anak ko. "Umaasa akong pupunta siya at makikilala na niya ang anak namin."

Yumuko pa ako at saka hinalikan ang noo ni Simplicity na ngayon ay tila anghel na natutulog sa kanlungan ko.


Nang mailagay ko na si Simplicity sa kama ay dali-dali akong lumabas ng silid ko at saka tinungo ang telepono sa sala.

Madilim ngunit nasisilayan ko pa naman ang sala, dahil sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na ilaw sa komedor. Maingat akong naglakad upang wag makagawa ng ingay, mahimbing na kasing natutulog sa sofa si mang Dario. Naghihilik pa nga ito.

Alas-onse pasado na. Siguradong nahihimbing na sa pagtulog ang mga tao sa mansion, pero importante ang tawag kong ito, kailangan kong masigurado na pupunta si Code rito sa bahay bukas.

Matapos ang ilang ring ay may sumagot sa kabilang linya. Babae. Mukha rin namang hindi pa ito natutulog.

"Pwede bang makausap ang señorito Nicodemus ninyo? Si Persis kamo ito."

"Ay, ma'am wala pa po rito si sir. Hindi rin po yata uuwi ngayon dito."

"Ganoon ba, sige salamat na lang. Pasensya na sa istorbo."

Marahan kong ibinaba ang telepono at saka bumalik sa kwarto ko. Si Robert ang naisip kong tawagan mula sa cellphone ko.

"Hello, Rob?" namamaos kong sabi dahil baka marinig ang anak ko.

"O, bakit gising ka pa, Persis?" sagot niya na mukhang hindi pa rin natutulog.

"Where are you?"

"Nandito sa bahay."

May mga naririnig akong boses sa paligid ni Robert. Mukhang may mga kasama siya.

"Are you with---"

"Him?" putol nito.

"Ah-huh."

"Kasama ko rin si Felix, Joe at Tyron. Nasa sala sila nag-iinuman."

"Sinabi ni Code sa inyo ang sinabi ko kanina?"

"Nope. He was quite the whole time."

"Pwede ko bang mahingi ang cellphone number niya? Tumawag ako sa mansion at ang sabi sa akin ng katulong ay wala pa raw siya at hindi rin ito sigurado kung uuwi si Code."

"Ang sabi ko ay wag na silang magsiuwi, hindi na rin makakauwi itong si Code dahil halos hindi na makalakad sa kalasingan."

"H-Hindi niyo kasama si Aviana o ang ibang Downtown?"

"Hindi. Kami-kami lang ang narito."

Idinikta sa akin ni Robert ang numero ni Code at pagkatapos ay tinapos ko na ang tawag ko rito at saka agad na tinawagan ko ang numero ni Code, ngunit hindi ko macontact.

I tried to text him. Baka kasi wala lang siyang signal o kaya naman ay lowbat. Anu man ang dahilan, anytime ay mababasa niya ang message ko.

I texted him my full address and number incase he didn't know o makalimutan niya ang usapan namin. Sinabi ko rin kung anong oras ang alis ko.

Ibinaba ko na ang phone ko sa bedside table nang maisend ko ang contact details ko. Napahinga ako nang malalim at saka tumabi kay Simplicity at marahan na hinaplos ko ang buhok nito.

Anak, sana dumating ang papa mo. I know you're papa will love you and he's excited to see you, you're one of his dream back then, baby doll. You are.







Alas-siete pa lang ng umaga ay nagising na ako upang mag-empake ng mga gamit ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa mga nakasalansan kong gamit at sa anak ko na nahihimbing pa rin sa pagtulog.

Iiwan ko na naman si Simplicity. Mag-isa na naman akong matutulog sa malaking condo na tinutuluyan ko sa manila. Babalik na naman ako sa mundong pinangarap kong abutin, mundong magulo at puno ng pagpapanggap.

Muli ay tatayo na naman ako sa entablado, haharap sa mga taong ikaw ang iniidolo. Pero sa likod ng entabladong iyon. Nagtatago ang isang babaeng nalilito, naguguluhan dahil nasa pagitan ng pangarap at tunay na kasiyahan.

Is this what fame will brought you? Loneliness.

Fame eat my soul. Hindi na ako ito. Hindi na ito ang gusto ko. Gusto ko ng bumalik sa dati.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang mga luha ko, ngunit kumawala pa rin ang mga ito.







"Ma'am, wala na ba kayong nakalimutan?" tanong sa akin ni Mang Dario pagkatapos niyang mailagay ang mga bagahe ko sa likod ng sasakyan.

"Wala na po, manong."

Tinignan ko ang wrist watch ko. Sampung minuto na ang nakalipas buhat nang mag alas-nuebe.

"Ano? Sumagot na ba?" tanong ko kay Robert.

Buhat ko si Simplicity na hawak ang kanyang feeding bottle habang nakahilig ang ulo sa balikat ko at umiinom ng gatas.

"Unattended pa rin, eh." si Robert na bakas din sa mukha ang pagkabahala.

"Wala ba siyang nabanggit kagabi na pupunta siya rito? Nagtanong man lang ba siya kung saan ang address ko?"

Umiling si Robert.

Napahikbi ako at saka hinalikan ko ang likod ng ulo ni Simplicity.

"Basta paggising ko, wala na siya sa bahay. Pero sila, Tyron natutulog pa rin sa lapag. Tumawag ka na ba sa mansion?"

"Tumawag ako kaninang alas otso pasado, pero ang sabi ay hindi pa umuuwi si Code. He's probably with...Aviana."

"Damn that guy!"

Muli kong tinignan ang oras sa wrist watch ko. Gustuhin ko man na magtagal pa ay hindi pwede. Ito ang napag-usapan namin at kailangan talaga naming humabol ni tita Araceli sa meeting mamaya, nakakahiya sa mga big boss kung hindi kami pupunta dahil tungkol sa magaganap na concert ko ang tatalakayin sa meeting.

"Kailangan ko ng umalis. Dadaanan ko pa si tita Araceli."

"Sa katabing hotel lang na tinutuluyan ng manager mo ang tinituluyan ni Aviana, sasama ako sa iyo, puntahan natin si Code, baka naroon siya."

Umiling ako habang tila may kung anong nakabara sa dibdib ko. "Wag na. Ayokong mag habol kay Code, kung hindi niya kayang tanggapin na may anak kami. Wala na akong magagawa roon. Ayokong ipilit sa kanya si Simplicity, ayokong mamalimos ang anak ko ng atensyon sa tatay niya." huminga ako ng malalim. "Binigyan ko si Code ng pagkakataon na puntahan dito si Simplicity, ibinigay ko sa kanya ang address at number ko, pero hindi man lang niya ako nagawang tawagan. Tama ng ako na lang iyong mamalimos ng kahit konting pagtingin sa kanya. Pero tama na ito."

I can't believe this. He didn't come, he didn't come to meet our child.

Parang dinudurog ang puso ko habang yakap ko ang anak ko.

Hindi niya ba gustong makita at makilala ang anak niya? Ganoon ba siya kagalit sa akin para hindi siya maniwalang anak niya si Simplicity?

"Akin na si Simplicity." kinuha ni Robert sa akin ang anak ko, hinarap ko naman si inay at saka mahigpit ko itong niyakap.

"Ang anak ko, inay. Alagaan niyo po siya, huh. Pasensiya na kayo kung kayo ang inooblega ko na mag-alaga sa kanya."

"Walang kaso sa akin iyon, anak. Apo ko si Simplicity, hindi isang obligasyon ang alagaan siya. Kusang loob ito, dahil mahal namin siya ng itay mo, katulad ng pagmamahal namin sa iyo."

Ipinaon ko sa balikat ni inay ang mukha ko habang impit na umiiyak. Nararamdaman ko naman ang pag hagod niya sa likod ko.

"Sige na, humayo ka na."

Nag-angat ako ng tingin at pinunasan naman ni inay ang luha ko.

"Magpapakatatag ka lagi. Nandito lang kami para sa iyo, Persis. Wag kang makakalimot na magdasal. Iingatan mo ang sarili mo.

Humikbi ako habang tumatango sa mga bilin ni inay.

Sumunod ko namang niyakap si itay. "Itay, wag niyo naman pong masyadong inaasikaso ang manok niyo, nagtatampo na ang inay, eh." pabirong sabi ko, upang pagaanin ang mabigat na kong pakiramdam.

Narinig ko pa nga na tumawa si itay sa biro ko.

"Laging mag-iingat. Hihintayin namin ang muli mong pagbabalik."

Nang kuhanin ni inay si Simplicity kay Robert ay ang kaibigan ko naman ang niyakap ko.

"Don't worry, dadalaw dalawin ko rito si Simplicity. Mag-iingat ka parati sa manila. Kung kailangan mo ng tulong ko ay lagi lang akong narito, Persis." ikinulong ni Robert ang pisngi ko at mariin niya akong tinitigan. "Stay strong, you're a fighter and a brave women."

Tumango ako sa kanya at saka naglakad na papasok ng kotse.

Nagpalipad pa nga ako ng halik sa hangin patungo sa anak ko na inosenteng nakatingin sa akin.









Habang nasa byahe ay panay ang tulo ng luha ko habang nakarap ako sa bintana. Ayoko kasing makita ni tita Araceli kung gaano ako kamiserable. Pero nararamdaman ko ang simpatya sa akin ng manager ko nang abutin niya ang kamay kong nasa ibabaw ng hita ko. Pinisil niya ito na para bang pinararamdam niya sa aking nandyan lang siya sa tabi ko.





Nagdaan ang mga araw na puro paghahanda ang ginawa ko para sa nalalapit kong concert. Kasabay ng mga naglalabasang article tungkol sa first ever concert ko, sa mga preperasyon na ginagawa ko, naging maingay din ang balita tungkol sa engagement ni Code at Aviana, kahit pa ilang araw na nang ipahayag iyon ni Code, sa birthday ni Don Leonardo.

Parang araw-araw nga yata ay si Code, Aviana at ang Downtown ang laman ng showbiz news. Sa tv, radyo, mga peryodiko at sa internet. Sila ang laman ng balita. Bakit nga naman hindi magiging matunog ang pangalan nila, they are the brightest stars of music entertainment. They shine the world with their talent. Isa pa, may nalalapit din silang concert dito.

Kaya lang ay hindi pa rin maiiwasang maikabit ang pangalan ko kay Code.

Isinuot ko ang aking wayfarer nang lumabas ako ng Dream Record Label. Nakaalalay sa akin ang dalawang bodyguard. Nasa unahan ko naman si mang Dario at sa nakasunot sa akin si tita Araceli.

Nagkikislapan ang mga camera ng paparazzi at press habang naglalakad ako patungo sa sasakyan.

"Persis, anong masasabi mo sa balitang engaged na ang ex boyfriend mong si Code Realonda?"

"Totoo bang nag walkout ka sa birthday ng papa ni Code Realonda pagkatapos ianunsyo ng sikat na bokalista na ikakasal na ito?"

"Ano ang estado ng relasyon niyo ni Code?"


Pumikit ako at napabuntong hininga nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. Sumunod naman si tita Araceli na naupo sa may unahan.

"My God! Anong klase ba silang tao?" ani tita Araceli.

"Imbes na tanungin ka tungkol sa nalalapit mong concert ay iyon pa talaga ang itinanong sa iyo? Mga walang konsiderayon sa damdamin mo. Mga walang puso! Basta makagawa lang ng mapag-uusapan ay hindi na iniisip ang damdamin ng iba." himutok pa ng manager ko.

Hindi ako umiimik. Hinilot ko na lamang ang aking sintido.



"Nine o'clock ang call time natin bukas, Persis. Don't forget, darling." ani tita Araceli bago niya itinaas ang bintana ng sasakyan at umandar ang sasakyang minamaneho ni mang Dario.

Ihahatid niya ang manager ko sa bahay nito sa Caloocan at saka ito uuwi sa kanila.





Ang bigat ng katawan ko nang makapasok ako sa  loob ng madilim kong unit. Kinapa ko ang switch ng ilaw at nagliwanag naman ang buong sala, iyon kasi ang unang bubungad pagpasok dito.

Sa likod nang kulay abo kong sofa ay naroon ang glass wall na natatakpan ng beige blind. Inangat ko iyon at tumambad sa paningin ko ang maliwanag na city light. Parang alitaptap ang mga ilaw mula sa mga building na mas mababa sa kinaroroonan ko.

Humalukipkip ako at ilang minutong nakamasid lamang dito, hanggang sa maisipan kong nagpatugtog. Napakatahimik kasi. Nakakabingi, ngunit ang isip ko ay gulong gulo. 

At kung gaano man karami ang mga magagandang kagamitan na narito, I still feel empty.

Binuksan ko ang home theater at kinonekta ang phone ko roon at saka nagpatugtog.

Pabagsak akong naupo sa sofa. Ipinatong ko ang mga paa ko rito at niyakap ko ang mga tuhod ko.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa ginawa ni Code. Ang hindi niya pagpunta sa bahay namin ng araw na iyon ay parang pagtatakwil na rin niya sa anak namin. Nasasaktan ako para kay Simplicity.

I love him, but if he can't love our daughter I guess it's time to forget him, time to move on.

Nagbalik ako sa aking sarili nang maisip kong maglakad-lakad na lang muna. Magpahangin sa labas, magpagaan ng kalooban.

Nagtungo ako sa banyo. Ilang minutong humarap sa salamin bago ako nagpalit ng suot. Naglagay ng hanggang balikat, tuwid at itim na wig, na magtatago ng kulay apoy kong buhok.

Nagpalit din ako ng hoodie at saka lumabas sa unit ko at naglakad-lakad sa labas.

Maganda ang mga daan dito sa Makati. Nasa gitna ng financial district ang condominium na kinaroroonan ko kaya kahit maglakad lang ako ay makakarating na ako sa mga malls o park na malapit dito.

Closing time na ng mga malls kaya kakaunti na lang din ang tao ngayon. Malamig ang hangin dahil ber month na at laganap na rin ang mga chirstmas light sa paligid.

Sa tapat ng isang boutique ay napahinto ako nang makita ko ang malaking picture ni Code na nasa window display.

Nakaupo siya sa isang silya, magkahiwalay ang mga hita. Suot niya ang isang denim jacket na nakabukas ang lahat ng butones, tila kumikinang ang kanyang tanned skin. Kitang-kita ang kanyang muscled chess and firm abdomen.

Bumaba pa ang tingin ko. Kupas na pantalon ang suot niyang pang-ibaba, nakikita ang pangalan ng clothing shop sa nakalabas na garter ng kanyang suot na underwear.

Muling umakyat ang tingin ko sa mukha niya. Parang nang-aakit ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanyang malalalim na dark brown eyes ay nangungusap, samahan pa ng kanyang makapal at mahahabang pilik mata na ubod ng ganda. Ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang mga mga labing tingnan mo pa lang ay parang kaya ka ng dalhin sa alapaap.

Marahan kong hinaplos ang larawan ni Code.

"Bakit kailangang matupad natin ang kanya-kanya nating pangarap na hindi tayo magkasama?"

Idinikit ko ang noo ko sa salamin habang hinahayaang tumulo ang mga luha ko. Bunga ng nagdurusa kong puso.

Itutuloy...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

349K 18.2K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
5K 733 44
Harmony Of Love Series #2 © All rights reserved. Pagkatapos ng ulan, isang aksidente ang ating naranasan. Pagkatapos ng ulan, iniwan mo akong luhaan...
438K 13.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...