Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 32

1.9K 91 30
By Levelion

Kabanata 32
Nandito pa rin


"Sumama ka na sa amin, Persis." yaya ni Felix sa akin habang nanananghalian kami.

Hindi ko pa nga lang nababawasan ang pagkain ko dahil pinakakain ko pa si Simplicity na nakaupo sa kanyang feeding chair.

"Kayo na lang. Huling araw ko na bukas dito sa Ashralka. Gusto kong sulitin ang mga sandaling kasama ko ang anak ko." sagot ko at saka sinubuan ko si Simplicity.

"Pero iyon ang plano natin, diba?" ani Robert.

"May natitira ka pa namang isang araw para sulitin kay Simplicity. Please, Persis. Ngayon lang ulit tayo makukumpleto." pamimilit pa sa akin ni Tyron.

Gusto ko rin naman talagang nakabonding ang mga kaibigan ko. Kung hindi lang siguro kasama si Code ay baka hindi ako nagdadalawang isip na sumama sa kanila.

"Sumama ka na, sasama din ako. Para naman hindi masayang ang pagpunta ko rito. Gusto kong makita ang iba pang pinagmamalaki ng Ashralka." nakisali na rin si tita Araceli sa pangungumbinsi sa akin.

"O, pati si tita sasama na." nakangiting sabi ni Felix. "Persis, sumama ka na. For us. Wag mo na lang munang isipin si Code. Isipin mo na lang na sumama ka para makasama kami."

"Don't worry, darling. You'll be alright." assurance pa ni tita Araceli sa akin.

"Sige na anak, sumama ka na. Nang dunating ka rito ay bihira lang kitang nakitang ngumiti, mukhang parating malalim ang iniisip mo at kahit hindi mo sabihin...nararamdaman ko na may pinagdaraanan ka. At saka, pagkakataon mo na rin na makapag relax naman at malay mo, magkaroon din kayo ng pagkakataon na makapagsarilinan ni code."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni inay. Nakalimutan niya yata na si Code nga ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip akong sumama sa mga kaibigan ko.

"Masabi mo na ang tungkol kay Simplicity." dagdag pa ni inay.

"Hindi nga po ako sasama dahil sa kanya." mariin kong sambit habang nakatingin kay inay. "Kung sasama man ako sa kanila, iyon ay para makapag relax. Hindi para ipagtapat sa kanya ang totoo. I'm planning to tell him the truth before I left this town."

Hindi umimik si inay, nagpatuloy na lamang ito sa pagkain. Si itay Noel at mang Dario ay sa sala naman kumakain dahil hindi na kami kasya rito sa mesa.

Tumingin sa akin si Robert. "O, edi sasama ka na?" nakangiting tanong niya.

"Oo na. Sasama na ako. Ang kulit niyo, eh."

"Tagumpay!" ani Felix na nakipag apir sa katabi niyang si Tyron at Joe.










Tulog na si Simplicity nang umalis kami ng bahay. Ayon kay Robert ay magkita-kita nalang daw kami sa Dodiongan, nauna na kasing umalis ng mansyon ang Downtown, ayon kay Code na timawagan kanina ni Felix.

Habang tinatahak namin ang daan patungong Dodiongan ay binuksan ko ang bintana ng sasakyan ni Robert.

Napangiti ako nang pumasok ang malamig at malakas na hangin.

"Tita, okay lang naman kung patayin na lang natin ang aircon?" tanong ko nang lingunin ko si tita Araceli na mag isa at prenteng nakaupo sa backseat.

"Pakibuksan na lang po ang bintana riyan." ani Robert na nagmamaneho.

Nauuna ngayon sa amin ang sasakyan ni Felix.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib nang langhapin ko ang sariwang hangin at saka ipinatong ang mga braso ko sa edge ng bintana at ipinatong ko naman sa mga braso ko ang aking baba.

Nakakabusog sa mata ang kaliwa't kanang mga tanawin na nagpapaganda sa Ashralka.

May mga bahagi ng daan na pinalilibutan ng mga nagtataasang puno ng niyog na sabay-sabay na winawasiwas ng hangin ang mga sanga at dahon nito. Animo bumabati ng kaway ang mga iyon sa iyo. May mahabang talahiban din kaming nadaanan, sa tataas ng mga damo roon ay halos pwede ng pagtaguan. Hindi rin mawawala ang mga malalawak na palayang tila nagiging ginto dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga ito. Makikita pa nga ang ilang magsasakang masisipag na nagtatanim doon.

Tila humahalik ang mabababang ulap sa tuktok ng mga matataas at luntiang kabundukan. Nagkalat naman sa kabukiran ang mga baka, kalabaw at kambing. Payapang kumakain ang mga iyon.

Nang lingunin ko ang manager ko sa likod ay napangiti ako. Hindi lang pala ako ang nag eenjoy sa magagandang tanawin ng Ashralka. Nakikita ko kasi sa mukha ni tita Araceli ang pagkamangha habang nakatingin ito sa labas ng bintana.







Matapos ang kalahating oras na byahe ay narating na namin ang bungad na daan patungo sa Dodiongan falls. Dalawang sasakyan lamang ang nakaparada rito at sa wari ko ay pagmamay-ari ng Downtown ng mga ito. Isang itim na Jeep wrangler at isang gray na land rover defender ang narito.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad na kinuha ni Robert ang dala kong backpack, naroon ang ilang gamit ko at pamalit ni tita Araceli na hiniram niya kay inay, biglaan kasi ang pagsama niya rito, kaya wala siyang nadalang gamit panligo.

Dahil nasa bungad pa lamang kami ay kailangan naming mag trek ng kalahating oras din, bago namin marating ang falls.

Noon ay napakadali lamang sa akin na umakyat sa mga bahaging matatarik, patungong Dodiongan falls, pero ngayon ay nahihirapan na akong pumanhik. Ilang beses akong muntik madulas sa mga batong nilulumot. Mabuti na lamang at laging alerto si Robert para alalayan ako. Natutuwa rin ako kay tita Araceli dahil kahit may kaartehan ang manager ko ay hindi ko iyon naramdaman sa kanya ngayon.

Nag-eenjoy ito sa trekking na ginagawa namin. Naririnig ko pa nga ang tawa nito kapag nagpapatawa ang mga kaibigan ko, para hindi kami mabagot sa pag-akyat sa mga madudulas at matatarik na bato.




Pagkatapos ng kalahating oras ay nanabik ako nang marinig ko ang tunog ng bumabagsak na tubig sa talon. Isang sapa pa ang daraanan namin upang tuluyan naming marating ang Dodiongan falls.

Hawak kamay kaming tumawid sa mabatong sapa  na may di gaanong malakas na agos ng tubig, sa linaw nga 'non ay nakikita mo na ang repleksyon ng asul na kalangitan. Ang ibat-ibang huni ng ibon ay nakakapagpagaan din ng kalooban.

Hanggang sa matanaw na nga namin ang  Dodiongan falls. Nakakahalinang pagmasdan ang pagdaloy ng malinaw na tubig, sa kambal na daluyan nito. Malakas ang bagsak ng tubig sa kanang bahagi at sa kaliwa naman ay pino ang bagsak ng tubig, mas malapad din ang sakop ng tubig na dumadaloy sa kaliwang bahagi.

Napapalibutan ng mga luntian at malalagong sanga at dahon ng puno ang tuktok ng Dodiongan falls. Naroon pa rin ang mga mahahabang baging sa tuktok, na maaari mong lambitinan. Madalas naming ginagawa iyon noon.

Naabutan kong tumalon si Ashton muna sa itaas pabagsak sa tubig. Umaalingawngaw din ang kanilang mga tawanan.

Ang excitement na nararamdaman ko kanina ay nahaluan ng kirot nang matanaw ko si Code sa tubig. Nakapulupot ang mga braso ni Avaina Olaivar sa kanyang batok at nakangiti ang dalawa.

"We're here!" sigaw ni Felix habang kumakaway pa ito. Narito kami sa batuhan.

Nagulat naman ako nang may magtakip ng mga mata ko.

"Don't stare if you don't want to get hurt." boses iyon ni Robert.

Napalingon ako kay Robert nang tanggalin niya ang palad niyang itinakip niya sa akin at saka hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa mataas na rock formation kung saan namin ilalapag ang mga gamit namin.

Naghuhubad na ng kani-kanilang mga t-shirt ang mga kaibigan ko nang matanawan ko si Chard na nakahawak ngayon sa baging at nakahanda ng maglambitin at tumalon sa tubig. Nakaabang naman sa likod niya si Gervin at Valdemir na mukhang inaapura na si Chard, ngunit nakikita ko sa mukha nito ang pag-aalangan na tumalon.

"Kaya mo iyan, Chard!" sigaw ko mula rito sa tinutungtungan naming rock formation. Gusto kong palakasin ang loob niya.

Mataas naman kasi talaga ang kinaroroonan nila. Para sa mga first timer ay talagang magdadalawang isip kang tumalon mula roon.

"Hi, Persis!" pasigaw na bati sa akin ni Gervin na malapad ang ngiti at kumakaway kaway pa.

"We miss you, Persis!" dagdag pa ni Valdemir.

I miss them too.

Hindi ko alam kung bakit bumaba ang tingin ko. Nahagip tuloy ng paningin ko si Code na nakatingala rito. Naroon siya sa gilid ng bumabagsak na tubig. Sinuklay niya ang kanyang buhok ngunit hindi nawala ang tingin niya rito. 

May kung anong kumukurot sa dibdib ko kahit hindi ko mawari kung saan eksaktong nakatingin si Code. Ayokong isipin na sa akin siya nakatingin dahil kasama ko rito si tita Araceli at Robert.

Sa halip na tiyakin kung kanino ba talaga nakatingin si Code ay pinili kong ibaling na lamang sa iba ang atensyon ko.

Maya-maya'y nagtatalunan na ang mga kaibigan ko sa tubig at si tita Araceli ay inaaya na rin akong lumangoy. Ang suot kong white summer dress ay tinanggal ko muna. Sa ilalim kasi ng bestidang suot ko ay suot ko ang mapusyaw na kulay lilang ruffle bikini na pa tatsulok ang cup at adjustable ang straps. This isn't the first time na nagsuot ako ng bikini kaya hindi na ako gaanong naiilang. Maybe because maturity mold my confidence.

Pagkatapos kong mahubad ang bestida ko ay hinila na ako ni tita Araceli papunta sa baba, kung saan naroon ang mga kaibigan ko na naghaharutan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang nang habang lumulusong ako sa batuhang bahagi sa ibaba ng talon ay napansin ko na nakatitig sa akin ang mga kaibigan ko at ilang myembro ng Downtown.

"Woah! Marunong ka palang magsuot ng bikini, Persis?" tila nang-aasar na tanong ni Ashton habang nakaupo ito sa tabi ni Code.

Hilaw ko itong nginitian. Tila nanlambot naman ang tuhod ko nang magtama ang mga mata namin ni Code na salubong ang kilay habang nakatingin sa akin.

Malamig ang tubig ng talon pero parang may gumapang na init sa buo kong katawan dahil sa paghagod ng tingin ni Code sa akin.

Hindi sila gaanong malayo sa kinaroroonan ko kaya tanaw na tanaw ko kung paano niya paglandasin ang mga mata niya sa akin na para bang hinuhubaran niya ako.

Nang lumubog na ako sa tubig ay nakita ko naman si Code na hinihila ngayon ni Aviana ang isang kamay nito upang tumayo. Mukhang inaaya siya nito sa kung saan.

Nakabikini rin naman si Aviana, mas matangkad sa akin, payat at maliit ang baywang. Kaya sapalagay ko ay wala naman akong binatbat dito kung kasexyhan ang pag-uusapan.

"Hey,"

Napalingon ako kay Chard nang lumangoy siya palapit sa akin.

"How are you? Ang sabi sa amin ni Robert ay sumama raw ang pakiramdam mo kahapon. Balak sana naming makipag kwentuhan sa iyo at makipag kamustahan pero ayun nga, hindi ka na namin nakita." anito.

"I'm fine now." tipid ko siyang nginitian.

Tumaas naman ang isa nitong kilay at saka makahulugang nilingon si Code na kasalukuyang naglalakad na paakyat sa rock formation.

"Really?"

Muling nagbalik ang tingin ko kay Chard na nakakalokong nginitian ako.

"I'm fine. Chard." mariin kong sagot at saka ako umahon sa tubig at naupo sa batuhan.

Tumatawang sumunod naman sa akin si Chard at naupo siya sa isang malaking tipak ng bato.

"Siya nga pala, magkakaroon kami ng secret concert bukas. Punta ka, huh? Namimiss na namin iyong mga sigaw mo habang nag peperform kami."

"Oo, pupunta ako."

"Balita ko ay malapit na rin ang first concert mo. Next week na ba?"

Tinanguan ko siya.

"Tatlong linggo ang itatagal namin dito sa pinas at may dalawang araw pa kami rito sa Ashralka, that means, asahan mo ang pagpunta namin sa concert mo."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "T-Talaga? Pupunta kayo?"

"Yup, kung okay lang sa iyo?"

"Syempre naman! Isang karangalan ang mapanood ng pinakamagaling na banda sa buong mundo, ang concert ako."

"Ano iyang pinag-uusapan niyo, huh? Isali niyo naman ako." ani Gervin nang lumapit ito sa amin. Isinuklay niya ang mga daliri niya sa kanyang basang buhok at saka tinabihan niya ako sa inuupuan kong malapad na bato.

"Ang sabi ko kay Persis ay pupunta tayo sa concert niya." ani Chard.

"Ah, alam mo na ba na magkakaroon kami ng secret concert, Persis? Sana pumunta ka, alam mo kapag nag coconcert kami sa ibang bansa, hinahanap-hanap namin ang presensya mo. Ikaw iyong number one fan namin na laging nakapwesto sa unahan ng stage at sumisigaw ng mga words of encouragement habang nag peperform kami. Hindi mo lang alam, pero boses mo ang nangingibabaw sa pandinig namin sa tuwing tumutugtog kami."

Napangiti ako sa sinabi ni Gervin.

"Bakit kayo na riyan?" tanong ni tita Araceli habang naglalakad ito sa batuhan, palapit sa amin. Ipinakilala ko naman siya sa mga kaibigan ko dahil hindi pa pala sila nagkakakilala kagabi.

Nang muli kaming lumusong sa tubig ay nakipag unahan namang lumangoy sa akin ni Valdemir. Siya raw kasi ang pinakamagaling lumangoy sa kanila kung hindi isasama si Code. Because Code is a really good swimmer.

Manghang-mangha sila sa akin nang matalo ko si Valdemir. Nakipag water wrestling pa nga ako kay tita Araceli habang buhat ako ni Robert at si tita naman ay buhat ni Ashton.

Nang matapos kaming magkulitan ay kanya-kanya naman kami ngayon ng ginagawa. Ang ilan ay umakyat na naman sa itaas para mag dive, nasa tapat naman ng bumabagsak na tubig ang ilan at ang iba ay naglalangoy langoy lang, tulad ko.

"Persis, tabi ka. Baka mabagsakan ka. Tatalon si Code." babala sa akin ni Tyron na isang gilid.

Agad naman akong lumangoy ngunit paalis sa gitna. Narinig ko nga ang hiyaw ni Code mula sa itaas.

Nahilam ako sa tubig na sumalpok sa mukha ko dahil sa pagbagsak ni Code mula sa itaas at napatili ako nang may humawak sa hita ko.

Para akong nanigas sa kinatatayuan  ko nang biglang umahon si Code sa harap ko at magkatitigan kaming dalawa.

Parang hinihigop ng mga titig niya ang paghinga ko.

Sinuklay niya ang buhok niya at hinilamos ang tubig sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasang magbaba ng tingin sa kanyang lalapad na balikat at sa kanyang dibdib.

Nagliligalig ang puso ko nang ilabas ni Code ang kanyang dila at kagatin ang kanyang ibabang labi.

"You've changed a lot. Are you trying to seduce them?"

"Huh?" tumaas ang isa kong kilay.

Nanunuyang ngumiti naman siya sa akin. "And trying to be innocent at the same time. You're enjoying it, aren't you? The attention of eveyone, by using your body? Ganyan ka na ba kababa ngayon, Persis? Ginagamit mo ang katawan mo, para mapansin ka ng mga lalaki."

Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Code sa akin at hindi ko alam kung namalikmata ako nang may mahagip akong pait sa mga mata niya. 

Akala ko ay sa dibdib ko siya nakatingin pero napagtanto ko na suot ko pala ang iniregalo niya sa aking kwintas noon, iyong may pendant na note.

I didn't intentionally wear this. Sadyang madalas ko lang talagang isinusuot ito, dahil nakukulangan ako kapag wala akong nahahawakan sa leeg ko.

Saglit siyang napatitig sa kwintas ko. Mariin niyang tinititigan ito na para bang gusto niyang tunawin iyon. Habang ako ay gusto na rin maglahong parang bula, dahil pakiramdam ko ay nasusunog ako sa init ng presensya ni Code.

"Code!"

Pareho kaming napatingala ni Code nang marinig namin ang pagtawag sa kanya ni Aviana. Nasa itaas ito at hawak ang baging. Handa ng tumalon.

"You can do it, babe!" dinig kong sabi ni Code.

Sinamantala ko naman ang pagkakataon na umahon sa tubig at magpatulo na muna at saka ako magpapalit na ng damit. Nawalan na kasi ako ng ganang maligo.

Bakit hinuhusgahan ako ng ganoon ni Code? Dahil lang ba sa mga nakikita niyang pananamit ko ay aakusahan niya na akong nang aakit ng mga lalaki at nagpapapansin sa mga ito?

Kung alam lang niya na sa kanya lang naman ako humihingi ng kahit konting pagtingin. Sa kanya lang ako nagpapapansin.






"Persis, bakit nagpalit ka na? Bakit umahon ka agad?" tanong ni Felix sa akin habang inaayos ko ang gamit ko.

"Did he say something on you? Nakita ko na kinausap ka niya kanina." ani Robert.

"Wala siyang ginawa. Giniginaw na ako kaya nagpalit na ako." pagdadahilan ko.







Alas-sais na nang magsiuwi kami. Nakipag beso beso pa nga sa akin si Avaina bago umalis.

"It's nice to meet you again. Let's have a coffee some other time." nagyayaya pa nitong sabi.

"Sige ba."

"Babe."

Napalingon si Avaina nang lumapit si Code sa kanya. Ipinulupot ni Code ang braso nito sa baywang ng kanyang nobya. And in front of me, muling hinagkan ni Code ang girlfriend niya.

Muling umusbong ang naninibugho kong damdamin sa lantarang intimacy na pinagsasaluhan nila ni Aviana.

"Let's go, we need to go first." yaya ni Code sa girlfriend nang magkalas ang mga labi nilang dalawa.

Naunang maglakad si Avaina pasakay ng jeep wrangler ni Code. Siya naman ay sinulyapan pa ako.

Nirokyohan ko siya ng mga mata ko at ang loko ay nanunudyong nginitian naman ako.

Gusto kong isipin na pinagseselos niya ako. Pero bakit? Para manghinayang ako na nawala siya sa akin. Well, matagal ng nangyari iyon.










"Anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama."

"Mama!" Hinawakan ni Simplicity ang mukha ko habang nakahiga ako sa kama at siya naman ay nakaupo sa gilid ko habang ipinapatong niya sa mukha ko ang mga laruan niyang letters.

"Wawa, mama iyak. No. No. No." iniling-iling ng anak ko ang kanyang ulo at saka tinanggal ang mga laruan niya sa mukha ko.

Hindi ko namalayan na may tunutulo na palang luha sa mga mata ko na pinunasan ng anak ko.

"Mahal mo ba ang mama, Simplicity?"

"Mama, lab." at saka biglang humagikgik ang anak ko.

Kanina ay sobrang lungkot ko nang makauwi ako rito sa bahay, but Simplicity save my loneliness. She's like a ray of sunshine.

Wag kang mag-alala anak. Maipapakilala rin kita sa lahat at hindi na tayo mangungulila sa isat-isa.





Kinabukasan ay naglakad-lakad kami ni Simplicity di kalayuan dito sa amin at sa malawak at bakanteng lote sa tapat ng bahay namin ay nakipaglaro ako sa anak ko. Malayang nagtatakbo ang anak ko sa damuhan at kunwaring hinabol-habol ko naman ito. Dumating din si Robert at nakipaglaro sa anak ko nang tumawag sa akin si Brayden.

"How have you been? Mukhang nag eenjoy ka dyan, huh?"

"You don't know what's your saying, Bray."

"What do you mean? Don't tell me you haven't talked to him yet? Hindi ba't bukas na ang balik mo rito?"

"Sasabihin ko sa kanya mamaya. Pupunta ako sa secret concert nila."

"Kung nandyan lang ako. Ako na siguro ang nagsabi kay Code. Pasalamat ka busy kami ngayon."

Bahagya akong tumawa.

"What are you doing right now?"

Nilingon ko si Simplicity na masayang nakikipaglaro kay Robert. "Nilalaro namin ni Robert si Simplicity dito sa harap ng bahay."

"How I miss your daughter. Kung pwede lang talagang dalhin mo rito si Simplicity, eh."

Mula sa background ni Brayden ay narinig ko na may tumawag sa kanya.

"Persis, tawagan mo ako bukas pagdating mo rito. Magsisimula na ulit ang rehearsal namin."

"Break a leg." sabi ko.

"Goodluck din sa pakikipag usap kay Code. Sana maging maayos nag lahat."

Sana nga.






Alas singko nang hapon nang umalis kami ni Robert sa bahay at nagtungo sa concert venue ng Downtown. Ang La Solimatra National High School. Naroon na rin si Felix, Joe at Tyron na nakatayo sa harap ng gate.

Hindi kalakihan ang stage na nakaset up sa quadrangle ng school na bahagyang nagpanumbalik ng mga magagandang ala-ala ng nakaraan sa akin.

May ramp stage pa rin ngunit hindi iyon gaanong mahaba. Sa magkabilang gilid ng stage ay naroon ang apat na malalaking speaker at sa stage ay naroon na ang mga musical instrument na gagamitin ng banda.

Ang ibat-ibang kulay ng liwanag ay tila naglalaro dahil sa likot ng mga ito, at sa magkabilang gilid ng stage ay naroon ang malalaking banner kung saan nakaprint ang malaking pictures ng banda.

Ang mga fans ay excited ng naghihiyawan kahit wala pa naman ang Downtown. Ang production team ay nagkalat at nag sesenyasan.


Hanggang sa magdilim. Nanahimik ang mga fans at binuksan ang kani-kanilang hawak na lightstick, na ipinamigay lang din kanina sa entrance.

Hindi ganoon kadilim sa stage dahil bahagyang natatanaw ko ang madidilim na pigura ng mga taong umakyat doon at pumwesto. Ang Downtown iyon marahil.

Ilang saglit pa ay kumawala ang usok sa gilid ng stage at saka nagliwanag ito dahil sa sumabog na pyrotechnics. Nagliwanag ang entablado. Naghiyawan ang mga manonood at pumailanlang ang tunog ng pinaghalong instrumento ng banda.

"So you sailed away, into a gray sky morning."

At muli ay narinig ko ang humahalina at malamig na boses ni Code habang nakapikit ito at nakatayo sa gitna ng stage, hawak ang mikropono.

"Now I'm here to stay, love can be so boring. Nothing quite the same now, I just say your name now."

Idinilat niya ang kanyang mga matang nagsusumamo.

"But its not so bad, you're only the best...I ever had. You don't want me back. You're just the best I ever had."

Parang ligaw na bala ang mga lirikong binibitawan ni Code. It's not intentionally for me, but it hits me hard.

"So you stole my world, now I'm just a phony."

Napalunok ako nang tumingin si Code sa direksyon namin.

"Remembering the girl, leaves me down and lonely. Sending in the weather, make yourself feel better..."

Naglakad si Code sa maikling ramp stage at saka umupo sa gitna 'non.

Muli niyang kinanta ang chorus at saka itinaas niya ang kanyang mikropono sa ere, habang ang mga manonood ay sabay sabay na kumakanta.

Nakakabilib ang paghahandang ginawa ng production team at ng Downtown sa free and secret concert na ito.

Natutuwa rin ako na mapanood silang muli sa ebtablado. Hindi pa rin kumukupas ang galing at karisma ni Code. Ang kanyang mga ekspresyon ay hindi pa rin nawawala sa tuwing kakanta siya, iyon ang nakakadagdag ng emosyon sa mga taong nanonood sa kanila. Si Code ang klase ng singer na buong puso kung kumanta.


"Congrats!" bati ko kay Chard sa backstage.

Nakita ko naman na nakipag fist bump at bro hug ang mga kaibigan ko sa ibang members ng Downtown.

Binati at niyakao ko rin ang ilang myembro ng Downtown. Except kay Code na nasa isang sulok. Nakasandal siya sa itim na pader at nakahalukipkip. Ang mga mata at kamay niya'y nakatuon ang pansin sa kanyang cellphone.

Marahil ay katext o kachat niya si Aviana na wala ngayon dito.

"Go, on. You should tell him now." ani Robert nang tapikin niya ang balikat ko.








Nakita kong naglakad na si Code papasok sa dressing room yata nila. Isang makapal at itim na tent iyon.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at saka naglakad patungo roon.

"Code?" pagtawag ko sa kanya bago ako pumasok sa loob.

Pagpasok ko ay agad bumungad sa akin si Code na nakaupo sa folding chair na may pangalan niya sa likod ng sandalan. Pumipindot siya sa kanyang cellphone.

"Nicodemus." pagtawag ko ulit sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at agad na kumunot ang noo nang makita ako.

"Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong sa akin.

"C-Can we talk?"

"I'm busy." walang ganang sabi niya at saka muling itinuon ang pansin sa kanyang cellphone.

"Code, please!" ipinagsalikop ko ang palad ko at nagsusumamong humakbang pa ako palapit sa kanya. "Saglit lang, kausapin mo ako."

Bagot na huminga siya ng malalim si Code at saka isinuksok sa bulsa niya ang kanyang cellphone at tumayo. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at akmang maglalakad na palabas ng tent.

"Bago man lang ako bumalik sa maynila bukas. Gusto ko na malaman mo muna ang tungkol dito." habol ko sa kanya. 

Huminto si Code sa paglalakad nang malapit na siya sa bungad ng tent.

"Noong gusto kong mag-usap tayo. Pinagbigyan mo ba ako, Persis?" Marahas siyang lumingon sa akin. "Pinagtabuyan mo ako!" singhal niya. "Pinahiya sa maraming tao. Alam mo ba ang pakiramdam ko 'non?"

"M-Matagal na iyon, Code."

Naningkit ang kanyang mga mata at ang mga panga niya'y nag-iigting na sa galit.

"Hindi ibig sabihin na matagal na iyon ay wala na ang lahat!" pahasik niyang sabi. "Tangina! Nandito pa rin, Persis." mariin niyang idinuro ang kanyang dibdib. "Nandito pa rin." Humina ang boses nito na para bang may pait na iniinda.

Tumulo naman ang mga luha sa mata ko na agad ko rin pinunasan at saka ako nag alis ng bara sa aking lalamunan.

"Ayokong balikan pa natin ang nakaraan, Code. What I want to talk about is our child."

Ang galit sa mukha ni Code ay napalitan ng pagkalito. "Our child? W-What the hell are you talking about?"

Mariin kong tinignan si Code. "May anak tayo, Code. Her name is Simplicity and if you want to see her. Pumunta ka sa bahay bukas, bago ako umalis ng Ashralka. I want you to meet her."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay Code ay nagmamadali na akong lumabas ng tent. Iniwan ko siyang walang imik at tila pinoproseso pa ng utak niya ang mga sinabi ko.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 244K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...
28.9K 738 54
Adolescents Ardour #2 How would you know if you are falling in love? What risks are you willing to sacrifice for your loved ones? Kahit ikakasama mo...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
780K 8.4K 44
C O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.