Kahit Konting Pagtingin (Book...

De Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... Mais

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 30

1.8K 76 14
De Levelion

Kabanata 30
Birthday Party

Naexcite si tita Araceli nang sabihin ko sa kanya na iniimbitahan din siya ni Don Leonardo sa party nito bukas at dahil wala rin siyang pang party dress ay nag decide na kaming mamili sa mall na nasa tapat lamang ng hotel na tinutuluyan niya.

Habang nag-iikot ikot kami rito sa boutique na pinasukan namin ay nakuha ang atensyon ko ng isang isang v-neck halter dress na suot ng mannequin. Royal blue ang kulay 'non at hanggang hita lamang ang haba, na mayroon pang dalawa o tatlong pulgadang slit o hiwa sa gilid.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Hindi pa ako nakakapagsuot ng ganitong dress sa buong buhay ko and I feel like wearing it.

Ayaw na ayaw ni Code na nagsusuot ako ng mga revealing dress and that's the reason why I have to buy this one. Gusto ko na mapukaw ko ang atensyon niya sa muli naming pagkikita at wala akong pakialam kung sa hindi magandang paraan ko makukuha ang atensyon niya. What's important is I have to get his attention.

Ngunit sa isang sulok ng isipan ko ay itinatanong ko kung may pakialam pa ba si Code sa akin, para magalit siya kung makikita niya man akong nakasuot ng ganitong klase ng damit?

"Don't tell me that's the dress you want to wear for the party tomorrow night, darling?" Tila namamanghang tanong ni tita Araceli na nakataas ang isang kilay at may nakakalokong ngiti sa akin.

"Why not? It looks good. At saka, mukha namang bagay sa katawan ko." paliwanag ko.

Nagkibit balikat ang manager ko at sinipat ang dress na suot ng mannequin na nasa harap namin.

"It's just that I never saw you wear a dress like this. You always love to wear those lace and long dresses with sleeves. It's quite unusual, darling."

Nginitian ko si tita Araceli at saka tinawag ang saleslady.

Nang isukat ko ang dress ay saktong-sakto lang ang sukat nito sa akin. Para bang it was really made for me. But showing too much skin, gives me chill and at the same time, naeexcite ako na isuot ang dress na ito at makita ang reaksyon ni Code.

Umaasa ba ako na may mahahagip akong expression sa mukha niya na magugustuhan ng puso ko?

Alas singko na nang hapon nang maghiwalay kami ni tita Araceli at alas-sais pasado naman nang makabalik ako sa Katibangahan.

Pagpasok ko ay naabutan ko si Simplicity na naglalaro ng kanyang baby alive.

"Hello, baby doll!" pagtawag ko sa anak ko.

Nag-angat ng tingin niya ai Simplicity at parang hinahaplos ant puso ko nang malapad itong ngumiti na para bang sabik na sabik siya sa akin. Binitawanan niya pa nga ang manika niya at tumayo mula sa pagkakasalampak sa carpet at  kumaripas ng takbo palapit sa akin.

"Diyos ko kang bata ka! Dahan-dahan!" nag-aalalang saway ni inay sa anak ko, habang sinusundan niya ito.

Sinalubong ko naman si Simplicity at nang magtagpo kami ay naupo ako sa sahig at niyakap ko siya at saka hinalik-halikan ang kanyang  pisngi.

"Ang bango-bango naman ng baby doll ko."

"Mama, lalo balbie. Danda, mama balbie."

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinakikinggan kong nagkukwento ang bulol kong anak na minsan ay parang pang nagsasalita ito ng pang ibang planeta.

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga habang tahimik na pinagmamasdan ang anak kong ngayon ay kinakalikot ang shoulder bag ko.

Kung hinayaan lang ako ni Code na makausap siya noon pa ay siguro, nasasabik din siyang umuwi ngayon ng Ashralka dahil kay Simplicity.

Muli kong ibinalik ang isip ko sa kasalukuyan.

"Ano pong pagkain, inay?" tanong ko.

"Nagluto ako ng adobong pusit, tsaka sinabawang talbos ng kamote. Iyang anak mo, gustong-gusto niyan ng gulay. Lalo na ang talbos."

Natutuwa at nangigigil kong ikinulong sa mga palad ko ang pisngi ni Simplicity.

"Ang galing naman ng baby doll ko, kumakain ng gulay."

"Oo, nadaig ka pa. Noong bata ka ay napakahirap mong pakainin ng gulay, kaya madalas kitang nagugulpi, eh."

Nagkamot ako ng ulo.

"Mahilig po sa gulay si Code."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang impormasyon na iyon. Siguro dahil iyon ang bigla kong naalala.

"Ah, namana naman pala ng apo ko sa tatay niya ang pagkahilig sa gulay." ani inay.

"K-Kumain na nga po tayo. Nagugutom na ako." iyon na lamang ang nasabi ko.


"Kamusta nga pala ang lakad mo kanina? Ano bang napag-usapan niyo ni Donya Leticia?" tanong ni inay habang naghuhugas kami ng pinggan. Si itay ay binabantayan naman si Simplicity, habang nanonood sila ni mang Dario ng basketball.

"Naimbitahan po ako ng Donya sa birthday ni Don Leonardo bukas. Ang sabi pa nga niya ay pwede ko rin daw kayong isama."

"Ay nakun! Hindi kami bagay sa mga ganyang kasiyahan, Persis. At saka sinong magbabantay kay Simplicity?"

"Iyon nga rin po ang iniisip ko kaya tumango na lang ako sa Donya. Nasabi rin sa akin ni Donya Leticia na ngayon ang dating ng Downtown."

"Wala ka na talagang ligtas kay Code. Basta wag mo ng aksayahin ang panahon, anak. Kausapin mo na agad at sabihin sa kanya ang totoo, sa oras na magtagpo kayo."

Para bang napakadali lang ng inuutos ni inay. Kung alam lang niya na isipin ko pa lang na magkikita kami ni Code ay nanginginig na ang mga tuhod ko.

Dahil natitiyak ko ng hindi ko makakasama ng buong araw bukas ang anak ko ay pinatulog ko ito sa tabi ko. Usually kasi ay sa crib ito natutulog. Ang sabi ni inay ay napakalikot daw nitong matulog at isang beses na itong nalaglag sa kama nila nang itabi nila ito.

Nilagyan ko ng mga unan ang gilid ng kama ko upang magsilbing harang kung maglikot man si Simplicity. Tumagilid ako ng higa, itinukod ang siko ko at sinapo naman ng palad ko ang aking ulo. Napapangiting pinagmasdan ko ang anak kong mahimbing na natutulog, habang nakapasak sa bibig nito ang bote niya ng gatas. Marahan kong hinaplos ang buhok ni Simplicity at saka ko siya hinalikan sa gilid ng kanyang noo.

Nawala man si Code sa akin ay ibinigay naman ng diyos sa akin si Simplicity. The Diversion of all the pain and misery that I have in the past.

Ganoon pa man ay hindi maipagkakaila ng damdamin ko na nangungulila ang puso ko kay Code. Siya pa rin ang lalaking nagmamay-ari ng malaking bahagi ng puso ko. Sa dalawang taon na lumipas ay hindi ako naattract sa kahit na sinong lalaki, may ilan din na nagpalipad hangin ngunit hindi ko binigyan ng pagkakataong makapasok sa puso ko.

I preserve my heart to a man that happily in love to someone else.

Para akong nagpakawala ng isang ibon sa hawla ngunit nang lumipad ay ako ang nakulong. I let him go while I'm still loving him. Nakulong ako sa pag-ibig na kahit anong pagpupumiglas at pagkawala ang gawin ko ay mas lalo lang akong ginagapos nito.

At kahit paulit ulit kong sabihin sa lahat na masaya ako para kay Code dahil nakahanap na siya ng bagong minamahal, sa kaibuturan ng puso ko ay para akong nalulunod sa panibugho.




Alas-nuebe pa lang ng umaga ay umalis na ako ng Katibangahan, dinaanan din namin ni mang Dario si tita Araceli bago kami nagtungo sa mga Bergancia.

 

Habang tinatahak namin ang malawak na Hacienda Bergancia ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Kagabi ay hindi ako makatulog kakaisip sa kung anong gagawin ko kapag nagkita kami ulit ni Code, pero hanggang sa makatulog ako ay wala akong naging tiyak na plano.

Ang nasa isip ko ay bahala na kung anong lalabas na reaksyon sa akin kapag nakita ko si Code.


Pagdating ko ng mansion ay ang mayordomong si Richard ang sumalubong sa amin ni tita Araceli.

"Magandang umaga. Pasok po." magiliw na bati ni Richard sa amin ni tita Araceli.

Pagpasok namin sa loob ay tahimik ang bahay. Tanging ang mga yabag namin sa marmol na tiles ang maririnig.

"Nasaan sila Donya Leticia, Richard?" tanong ko.

"Nasa likod po, ma'am Persis. Kausap ang party planner."

Tahimik lang si tita Araceli ngunit kitang-kita ko sa malilikot nitong mga tingin ang pagkamangha. Bahagyang nakaawang pa nga ang kanyang bibig.

"S-Sila Code po?" nahihiyang tanong ko na muntik nang hindi ko mailabas.

"Hindi rito tumuloy si señorito, ma'am."

Parang may barang natanggal sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Richard.

"Nakacheck in po sila ng mga kasama niya sa isa sa mga hotel sa centro."

"Oh. Baka pareho pa kami ng hotel na tinutuluyan." nakangiting sabi ni tita Araceli.

"Hindi ko alam kung saang hotel sila tumutuloy, pero ayon kay señorito nang tumawag siya kaninang umaga ay may kasama silang hindi maganda ang pakiramdam, kaya nagtungo sila sa hospital at doon nag check in sa pinakamalpit na hotel dito sa bayan." kwento ni Richard.

"You still have time to get ready, darling." bulong naman ni Tita Araceli. "Napakayaman ng pamilyang 'to, Persis." dagdag niya pa, habang naglalakad kami patungo sa sala.

Sa livong room ay tahimik kaming iniwan ni Richard upang tawagin si Donya Leticia.

"Ganito kayaman si Code Realonda? Aba'y kahit bumagsak pala ang karera niya noon ay hindi siya mamumulube. Baka naging CEO pa siya ng kumpanya nila. Napakayaman ng pamilyang ito. Mas malaki ang nansion na 'to sa mga mansion na napasukan ko noon." ani tita Araceli na hindi pa rin tumitigil ang mga mata sa paggala.

Hindi naman ako umimik sa sinabi ng manager ko dahil nakatanggap ako ng message galing kay Robert.

Robert:
Nasa mansion ka na?

Persis:
Oo. Thank God, wala si Code rito.

Robert:
Haha. Hinahanda ka pa ng tadhana, mukhang di ka pa kc ready. Wag kang makampante, hindi mo siya maiiwasan.

Persis:
I know. 😩

Robert:
Sabay-sabay kami pupunta riyan mamaya. I'll see you later.

"Persis!" Pukaw ni tita Araceli sa atensyon ko, habang kinakalabit niya ako.

Nag-angat naman ako ng tingin at saka sabay kaming napatayo nang matanaw ko ang paparating na si Donya Leticia.

Nakasuot ng maxi dress ang Donya. Kulay lila iyon at may maliliit na pattern at halos sumayad na rin sa lupa ang damit dahil sa haba nito. Nakasabog naman ang buhok nito na may malalaking alon.

Paglapit sa amin ni Donya Leticia ay nakipagbeso-beso ito sa akin at saka nakangiting sumulyap kay tita Araceli.

"Manager ko po pala." pakilala ko sa kanya.

Inilahad ni Donya Leticia ang kamay niya kay tita Araceli, tinanggap naman iyon ng huli.

"Araceli po. Kinagagalak ko kayong makilala Donya Leticia."

Ngumiti ang Donya. "Ako rin. Pasensya na kung hindi ko kayo masyadong maaasikaso, huh. Medyo abala kami ngayon, eh. Nag-aayos na kasi ang mga staff ng party planner na kinuha namin at gusto ko na walang aberya na mangyari mamaya, kaya tsinitsek ko kung nasa ayos ang lahat." anito at saka lumingon sa likod.

"Manang!"

Nagmamadaling lumapit sa amin ang isa sa mga kasambahay na nakauniporme.

"Pakisamahan naman sa guest room ang mga bisita ko." utos nito sa katulong at saka muling lumingon sa amin. "Mamaya ay ipatatawag ko na lang kayo sa tanghalian, Persis. At saka, maya-maya lang ay darating na rin ang mga make up and hairstylist na tinawagan ko. Sa guest room na lang din tayo mag-ayos."

"Nandito na pala ang mga espesyal nating panauhin."

Lahat kami ay sabay-sabay na napalingon sa paparating na si Don Leonardo. Makisig itong naglalakad habang nakapamulsa.

Nang lingunin ko ang manager ko ay nakanganga ito at tulalang nakatitig kay Don Leonardo.

Napakabilis ng panahon at ngayon ay nadagdagan na naman ang edad nito, ngunit ang gandang lalaki nito ay hindi kumukupas. Kung sabagay ay nasa early forties palang naman ito.

Naramdaman ko ang pagkapit ni tita Araceli sa braso ko at habang mas lumalapit si Don Leonardo sa amin ay mas nararamdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa akin.

"Maligayang kaarawan po, Don Leonardo." bati ko rito.

"Maraming salamat, Persis." anito at saka lumipat ang tingin sa manager ko na kulang na lang ay mabuwal ito sa kanyang kinatatayuan. Mukhang nastarstruck yata si tita Araceli sa gwapong Don.

"You must be her manager?" tanong ni Don Leonardo kay tita Araceli na napipilan at tanging tango lang ang naging sagot nito.

Yumuko naman ako at kinuha ang dala kong regalo para kay Don Leonardo.

"Ibibigay ko na po, baka makalimutan ko mamaya." nakangiting sabi ko habang inaabot ang di kalakihang kahon na may limang pirasong phonograph record.

Ayon kasi kay Code ay mahilig daw makinig ng music si Don Leonardo at nakikinig ito gamit ang mamahalin at vintage nitong turntable.

"Maraming salamat, Persis." ani Don Leonardo nang makuha niya ang regalo ko. "Hindi ka na dapat nag-abala." dagdag pa niya.

"Wala po iyon."

"May regalo rin po ako sa inyo, Don Leonardo."

Lumingon ako sa manager ko at napangiti. Sa wakas ay nakahanap na rin siya ng sasabihin, ngunit nasa tono ng boses niya ay nahihimigan ko roon na tensyunado siya. Nanginginig nga ang kamay niya nang iabot kay Don Leonardo ang maliit na box na regalo niya.

"Maraming salamat din dito---" Kumirba ang isang kilay ng Don. "Ano ngang pangalan mo?"

"Araceli Jacinto ho."

"Oh. Thanks for this, Araceli." nakangiting sabi ni Don Leonardo.

Kinagat ko naman ang ibaba kong labi upang wag mapadaing dahil sa mas dumiin na hawak ni tita Araceli sa akin, nararamdaman ko na nga rin ang mga kuko niyang bumabaon sa balat ko.






"Grabe ka, tita. Ganyan ka pala kiligin? Muntik na akong masaksak ng kuko mo." natatawang reklamo ko sa kanya pagpasok namin sa isa sa mga guest room ng Bergancia mansion.

Pabagsak na nahiga naman sa kama ang manager ko. Idinipa nito ang mga braso at nakangiting nakatitig sa kisame.

"Napakagwapo kasi ni Don Leonardo. Siguro mas gwapo siya noong kabataan niya." tumagilid ito ng higa habang nakangising itinukod ang kanyang siko sa kama at saka sinapo ng palad niya ang kanyang ulo. Ang isa naman niyang kamay ay nakapamaywang.

Para siyang nagpopose sa isang photoshoot.

"Nakita mo iyong biceps ni Don Leonardo? Mukhang matigas, namumutok kasi yung sleeves ng polo shirt na suot niya. Grabe! Ang hot! Pinagpapawisan talaga ako ng malagkit kanina, tapos iyong tuhod ko parang bibigay na."

Nakangiting napailing na lang ako kay tita Araceli. Mukhang na love at first sight yata siya sa tatay ni Code.

"Code is hotter than him." pagmamalaki ko naman.

Tumaas ang isang kilay ni tita Araceli. Ngiti ito ng nakakaloko at nanunuksong tinignan ako. "Kaya nga bumigay ka, eh." aniya.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at saka tinalikuran siya at kunwaring kinalikot ang cellphone ko, upang itago ang pamumula ng aking pisngi.

"Kay Don Leonardo pala nakuha ni Code ang lakas ng karisma niya. Hays, ang mga ganoon kagwapong lalaki ang kahinaan ng mga babaeng tulad ko." dagdag pa ng manager ko.

Pasado alas-singko ng hapon ay nagsimula na akong ayusan ng make up artist. Nauna naman ng kaunti sa akin Donya Leticia at tita Araceli.

Nagkakasundo ang dalawa na panay ang kwentuhan tungkol sa mga nauuso at kinalolokohan noong mga panahon nila. Hindi kasi nagkakalayo ang edad ng dalawa. Nakikisali rin sa kwentuhan nila ang mga nag-aayos sa amin habang ako ay tahimik lang na nakikinig ng music.

"Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyang damit, Persis." puna ni Donya Leticia paglabas ko ng banyo.

Nakita ko naman ang pagtaas ng isang kilay ni tita Araceli habang hinahagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Maraming press mamaya, Persis. Siguradong pupunahin nila ang suot mong iyan." seryosong sabi nito na tila ba binabalaan ako.

"That's okay, she dressed to kill. Kung pupunahin man siya ay siguradong positibo iyon, Araceli." nagtatanggol na sabi naman ni Donya Leticia. Kinindatan pa nga ako nito.

Nahihiyang nginitian ko ito at saka muli akong naupo sa pwesto ko upang ayusin naman ang buhok ko.

Naunang matapos na ayusan si Donya Leticia at nang bandang alas-sais na ay bumaba na ito. Sinadya rin niya talaga na magpauna dahil siya ang mag-aasikaso sa mga bisitang paparating. Ilang minuto naman ang nakalipas ay sunod na natapos ayusan si tita Araceli.

"Persis, sunod ka sa ibaba, huh? Baka kailangan ng tulong ni Donya Leticia, puntahan ko muna." anito.

Tumango lang ako at saka tinignan ang reflection ko sa salamin. Malapit na rin akong matapos.

Mag-aalas siete na nang matapos akong ayusan.

Nakalugay ang buhok kong nakakulot ngayon. Natatakpan ang kaunting pekas na tila isinaboy sa pisngi ko. Naging mas buhay ang mga mata ko sa dark eyeshadow na inilagay sa akin. Napakaayos din ng pagkakakilay sa akin at ang dark shade of red matte lipstick na inilagay sa akin ay nagustuhan ko rin. Hindi iyon mabigat sa labi.

Pagkatapos kong maaprobahan ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako ng guest room.

Naglalakad ako sa di kahabang pasilyo nang madaanan ko ang isa pang living room, dito sa itaas. Malapit iyon sa hagdan.

May tatlong bisita ang nakaupo sa sofa at may kanya-kanyang hawak na kupitang may lamang red wine.

"Balita ko'y pupunta rito ang anak ni Don Leonardo kasama ang mga kabanda niya at iyong girlfriend niyang modelo." sabi ng isang babaeng sa tantya ko ay kaedad na ni Donya Leticia.

"Iyon nga rin ang inaabangan ko. At alam niyo ba na imbitado rin ngayon dito ang dating girlfriend ng anak ni Don Leonardo. Si Persis. Naroon nga sa ibaba ang manager niya." sabi naman ng babaeng napakaikli ng buhok at ang edad ay tila hindi rin nalalayo sa edad ng donya.

"Oh, talaga? Tagarito rin kasi ang batang iyon at nagagalingan ako sa kanya." ang babaeng singkit at mukhang pinakabata sa tatlo, ang nagsalita.

"Ano kayang pakiramdam niya na makikita niya ngayon ang ex boyfriend niya kasama ang current girlfriend?" iyong babaeng unang nagsalita ang bumida na naman sa usapan. "Natatandaan ko pa ang balita noon na nakipag break si Persis kay Code sa sharap ng maraming tao. Kawawa ang binata, broken nang umalis ng bansa."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Nakamove on naman na siguro iyong dalawa. Nakikita ko kay Code na masayang masaya siya sa buhay niya ngayon. Si Persis naman ay mukhang may lihim na relasyon sa isa sa myembro ng Zenith. Ewan ko ba kung bakit nagagawa pa siyang tanggapin ng mga Bergancia rito, eh mukha namang siya ang nagloko."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ng babaeng may maikling buhok.

Bakit kasi nakinig pa ako sa usapan ng mga iyon. Nag-init tuloy ang ulo ko. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko na patulan ang mga tsismosang iyon. Hanggang dito ba naman sa mansion ng mga Bergancia ay nakarating sila?

Napakabilis manghusga ng mga tao. Napakalikot ng utak nila, para pag isipan ng hindi maganda ang mga taong hindi naman nila lubos na kilala.









Mula rito sa malaking balcony sa second floor ay tahimik kong tinatanaw mula rito ang mga tao. Nakaharap ang balkonahe sa backyard kung saan nagaganap ang pagdiriwang. Ayokong bumaba dahil naroon ang ilang press na siguradong kukulitin lang ako.

Nanatili ako rito hanggang sa dumating sila Code.  At ang makita siyang muli na may ibang babaeng kasama ay para bang nagpabitaw sa kakaunting pag-asang meron ako. Ayokong masaktan, pero iyon ang nararamdaman ko.

Sa malalambing na tinginan at ngitiang ipinupukol ni Code at Aviana sa isat-isa ay parang gusto kong isiping, sana ako na lang si Aviana.

Akala ko kaya kong maging manhid sa pagkakataong ito. Pero kapag lalo mong binabalewala, lalong kumakawala. Iyon ang damdamin ko.

Buong gabi ay hinihiling ko na mapansin ako ni Code, pero kahit ang simpleng pagbati ay ako pa ang nag insist 'non. Pinilit kong kumilos ng normal sa harap ng mga kaibigan namin at kabanda niya, maging sa kanyang girlfriend at sa palagay ko naman ay nagtagumpay ako roon.

Hindi nga lang umubra ang plano kong magpapansin kay Code sa pamamagitan ng suot kong dati ay ipinagbabawal niya.

Tanging malalamig na tingin lamang ang natatanggap ko sa kanya, na para bang hinihiwa ang kalamnan ko. I can't feel his love anymore, more of hatred ang nababasa ko sa mga mata niya. Para ngang wala lang sa kanya na nandito ako ngayon.

Akala ko ay kakayanin kong tapusin ang gabing ito. Makikipagsaya sa mga kaibigan ko at makakausap si Code tungkol lay Simplicity. Ngunit tuluyang bumigay ang damdamin ko dahil sa anunsyong pagpapakasal ni Code sa girlfriend niyang si Aviana Olaivar.

I didn't see it coming that's why it hits me big time.

Naging blanko ang lahat sa akin. Nakalimutan ko ang dahilan kung bakit nandito ako.





Hilam na ako sa mga luha ko nang mabilis akong tumakbo palabas sa gate na nasa likod.

Pakiramdam ko ay para akong nasa isang pelikula nang biglang kumulog at habang tumatakbo ako sa gitna ng patag na lupang daanan, na pinalilibutan ng mga nagtataasang damo. Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan na tila dinamayan ako sa kasawian na nararamdaman ko.

Ikakasal na si Code at hindi sa akin.



"Persis!"

Nabali ang takong ng sapatos na suot ko at sa bigat na rin ng kalooban ko ay bumagsak ako sa daang ngayon ay naging maputik na dahil sa pagkabasa nito sa ulan. Nakatingin ako sa kawalan habang umiiyak at paulit-ulit na naaalala ang pag-aanunsyo ni Code ng nalalapit nilang kasal ni Avaina. At sa harap ng maraming tao ay buong puso niya itong hinagkan.

Itinukod ko ang mga braso ko sa lupa. Naghahalo ang luha ko at tubig ulan sa mga mata ko.

Napahagulgol na lamang ako habang nakayuko at umiiyak na nakasalampak sa lupa.

"Persis! Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka." ani Robert na hinawakan ako sa braso. Pilit na itinatayo.

Bakit ba sinundan niya pa ako?

Tinabig ko ang kamay ni Robert sa braso ko. "Iwanan mo ko, Robert. Gusto kong mapag-isa."

"Hindi kita iiwan kung ganito ang kalagayan mo. Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Baka nakakalimutan mo si Simplicity."

Pumasok sa isip ko ang anak ko. Ang mga ngiti nitong nagbibigay sigla sa buhay ko. Ang kawawa kong anak. The only bright part of my life.

"She needs you."

Nag-angat ako ng tingin at napahikbi nang makita ko ang nang-aalong mukha ni Robert. Basang-basa na rin siya ng ulan.

"Come on. Hindi pa ito ang katapusan ng buhay mo, pogs."

"Ayoko ng bumalik doon. Hindi ko siya kayang makita ulit, Rob. Nadudurog ang puso ko."

"Come with me, I'll take you home." yaya nito sa akin.

Itutuloy...






Continue lendo

Você também vai gostar

5K 733 44
Harmony Of Love Series #2 © All rights reserved. Pagkatapos ng ulan, isang aksidente ang ating naranasan. Pagkatapos ng ulan, iniwan mo akong luhaan...
12.4K 1K 50
"INFINITE" *SUNGGYU-THE BOSS *WOOHYUN-THE PILYO *MYUNGSOO-THE ICE KING *SUNGYEOL-THE HAPPY VIRUS *HOYA- THE CASSANOVA *DONGWOO- THE GOODBOY *SUNGJONG...
154K 5.1K 63
Kirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that mayb...
333K 17.5K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...