Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 28

1.5K 64 21
By Levelion

Kabanata 28
Simplicity

Natatanaw ko na ang mga kabundukang akala mo'y malapit lamang sa iyo, ngunit sa tuwing lalapitan mo'y animo lumalayo. Ang malalawak na kaparangan sa magkabilang gilid ng daang tinatahak namin. Ang luntiang paligid at ang patag na lupang medyo mabato ay nagpapahiwatig sa akin na narating ko na ang paroroonan ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang bintana ng sasakyan. Agad namang pumasok ang sariwang hangin sa loob nito, dala ang amoy ng natuyong dahon at singaw ng nabasang lupa at magdamag na hamog.

Magtatanghalian na ngunit hindi ganoon kainit ngayon. Kaya marahil marami akong nakikitang batang nagpapalipad ng saranggola sa bukid.


"Persis!"

Nasa mukha ni inay ang kasabikan nang patakbo niya akong lapitan at saka mahigpit na niyakap ako, pagbaba ko ng sasakyan.

Tatlong buwan din nang huli ko silang makita.

Si itay Noel at mang Dario naman ay pinagtulungang ibaba ang maleta ko at isang box ng mga pasalubong ko para sa kanila.

"Tamang-tama ang dating niyo. Nagluto ako ng pansit at sinigang na hipon. Halina't mananghalian na tayo." yaya ni inay.

"Nasaan po si Simplicity, inay?"

"Naroon sa kwarto, natutulog. Napakaagang gumising kanina ng batang iyon. Marahil nakakaramdam na paparating ka." nakangiting kwento ni inay.

"Puntahan ko po muna siya."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni inay. Sabik na pumasok na ako sa bahay namin at nagtungo sa silid ng mga magulang ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko at napahawak ako sa aking dibdib at saka marahang hinagod ito nang makaramdam ako ng paninikip ng paghinga.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang mahigit isang taong gulang kong anak. Mahimbing itong natutulog sa puting crib na nasa gilid ng kama ni inay at itay.

Simplicity Jane Buenrostro. Ang pangalang ibinigay ko sa kanya.

Humakbang pa akong lalo palapit sa crib upang mas mapagmasdan ko ang anak kong natutulog.

Nadudurog ang puso ko habang tinititigan ko ang anak ko.

Ang dahilan kung bakit mas lalo akong nagpursige na ituloy ang pagpasok sa industriya ng musika. 

Aminado ako na noong nalaman kong buntis ako ay kinabahan ako. Nagsimula ang mga sintomas ng pagbubuntis ko noong minsang muntik akong matumba sa school, dahil nakaramdam ako ng hilo. Akala ko noon ay gutom at puyat lang ang sanhi 'non at ilang araw kong binalewala lang iyon. Hindi rin naman kasi ako gaanong nakakaranasan ng morning sickness noon. Ang alam ko nang mga panahong iyon ay stress ako dahil sa mga nangyayari.

Isang linggo buhat ng makaalis sila Code ng Pilipinas ay nagsimula naman ang pagdinig ng kasong isinampa ko kay Remington Ynarez. Sa araw din na iyon ay nagsimula na akong makaramdam ng iba pang sintomas ng pagbubuntis. Nariyan na biglang iikot ang sikmura ko sa kung anong masangsang na pabangong naamoy ko.

At sa mga sumunod na araw ay doon lang ako nagkamay na bigyan ng kahulugan ang mga nararamdaman ko sa mga nakalipas sa mga nakalipas na araw. Hindi ko man lang naisip na iyong pagiging matakaw at antukin ko, pagiging emotional. Sinyales na pala iyon ng pagbubuntis ko.

Halo-halo ang takot na naramdaman ko nang malaman ko na nagdadalang tao ako. Una, nag-aaral pa ako at pangalawa ay baka si Remington Ynarez ang ama ng dinadala ko.

Wala akong planong ipalaglag ang bata kung mapapatunayan ko man na anak ko siya kay Remington, pero hindi ko maipapangakong makakaya ko siyang tanggapin ng buo. Iyon ang tumatakbo sa isip ko.

Hanggang sa malaman ko na four weeks na ang batang nasa tyan ko. Nabawasan ng kaunti ang pag-aalala ko. That means, Code is the father of my child. Dahil wala pang apat na linggo nang pagsamantalahan ako ni Remington Ynarez.

Pinili kong ilihim ang pagdadalang tao ko dahil gusto kong ilayo ang anak ko sa gulo. Hindi naging madali ang pagtatago ko sa kalagayan ko dahil unti-unti ng lumalaki ang tyan ko habang nasa korte ako at nilalaban ang hustisya.

Ganoon pa man, bago tuluyang lumubo ang tyan ko ay tuluyan ng nahatulan ng guilty si Ynarez.

Pagkatapos ng successful na laban ko sa korte ay pinili kong umuwi ng Ashralka. Limang buwan na ang tiyan ko 'non. Upang makalayo rin sa mga kabitbahay namin o sa mga taong mapanghusga ay sa Katibangahan namin piniling manirahan ng mga magulang ko.

Malayo sa kabihasnan ang bayan. Kakaunti lang ang mga naninirahan dito ngunit pawang mayayaman. Mayayamang ang nais ay isang simple at payapang pamumuhay.

Hindi naman mayaman ang pamilya ko, pero upang nakalayo sa gulo ng mundo ay pinili namin ang lugar na ito.

Noong una ay nangungupahan lamang kami sa isang maliit na barong-barong. Ngunit nang malaman ni Robert at Brayden ang kalagayan ko ay nag insist silang pautangin kami upang makapagpagawa ng mas maayos na bahay.

Hindi ko tinanggihan ang alok nilang tulong dahil para rin naman iyon sa mga magulang at anak ko.

Nagpagawa kami ng simpleng bahay. May dalawang kwarto, maliit na sala, banyo, kusina at komedor. Balewala na ang pintura noon.

Sa ngayon ay masasabi kong mas gumanda ang bahay namin ngayon dahil paunti-unti ko na itong itong napaayos. Nagkaroon na ng taniman ng gulay si inay. Nakapalatada na ang pader sa labas at loob ng bahay, may puting pintura na rin iyon. Nagpalagay na rin ako ng tiles sa sahig at bumili ng mga appliances at ilang kagamitan sa bahay.

Kahit na malayo sa kabihasnan ang bayang ito ay mayroon namang maayos na supply ng kuryente rito at malakas na signal. Siguro dahil karamihan nga sa mga nakatira rito ay mga mayayaman.

Ang sabi ko kay inay ay gawin na muna niyang nursery room ang kwarto ko dahil hindi ko naman nagagamit, pero mas pinili ng mga ito na isama sa silid nila ang anak ko upang mas matutukan daw nila ang pag-aalaga rito.

Nakikita ko naman kung gaano kaalaga sila inay kay Simplicity. Malusog kasi ito. Malalaki ang hita at binti nito, pati ang pisngi na kay sarap kurutin. Hindi katulad noong mga unang buwan pa lamang nito, maliit at halos hindi ko ito mabuhat sa takot na baka malasog ang katawan nitong tila ba napakahina.




Muli akong nagbalik sa kasalukuyan. Habang pinagmamasdan ko ang anak ko ay mapait na ngiti ang hindi ko maiwasang pakawalan. Dahil isang taon at mahigit na si Simplicity ay unti-unti ng lumilitaw ang pagkakahawig niya kay Code. Maputi na mamula-mula ang balat ng anak ko, tisay na tisay na namana niya sa akin ngunit kung titignan siya ay si Code ang makikita mo sa kanya.

Itim na itim ang buhok ng anak ko. Katulad ng malambot na buhok ni Code. Ang mga mata ni Simplicity ay mahahaba at makakapal ang lashes. Katulad din ng kay Code. Hindi ko pa mawari kung kanino nakuha ng anak ko ang ilong nitong may maliit na hiwa sa may tuktok, but her lips definitely came from her dad.

"Anak, kumain na muna tayo." yaya ni inay nang dumungaw ito sa pinto.

"Inay, salamat po sa pag-aalaga niyo kay Simplicity, huh."

Ngumiti si inay at saka tuluyang pumasok dito sa loob.

"Syempre unang apo ko iyan. Ibibigay ko ang lahat ng pagmamahal sa kanya."

Marahang ikinulong ni inay ang mga palad niya sa magkabila kong pisngi.

"Katulad ng pagmamahal na binigay ko noon sa iyo."

"Naaawa ako sa anak ko, inay. Hindi kasi ako parating nasa tabi niya at walang kaalam-alam ang ama niya tungkol sa kanya."

"Nauunawaan kita kung bakit mo ginagawa ito. Masyadong nagulo ang buhay niyo ni Code sa dami ng mga issues noon. At para sa akin, tama ang naging desisyon mong itago siya. Dahil tahimik na lumalaki ang anak mo rito. Malayo sa magulong mundong tinatapakan mo sa araw-araw."

Kahit kagatin ko pa ang labi ko ay hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"Proud ako sa iyo, Persis. Lumaki kang may paninindigan, matapang at mabuting tao. Sa kabila ng lahat ng mabibigat na pagsubok na hinarap mo. Nanatili kang nakatayo. Nandirito, kasama namin." nabasag ang boses ni inay at tumulo rin ang mga luha niya.

"Kahit na hindi mo natapos ang pag-aaral mo, sobrang proud ako sa iyo. Proud na proud ako sa iyo, anak. Tandaan mo iyan."

Mahigpit na niyakap ko si inay habang mahinang umiiyak.

Hindi ilang beses na pakiramdam ko, disappointment ako sa mga magulang ko dahil sa mga nangyari, kaya ang sarap sa pakiramdam na narinig ko kay inay ang salitang 'proud' kahit na hindi ko natupad ang pangarap nila para sa akin na makapagtapos.

Pagkatapos ng dramahan namin ni inay ay nag decide na kaming lumabas ng kwarto. Ngunit nang papalabas na kami ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.

"Nay, sunod na lang po ako. Sagutin ko lang ito."

Agad kong kinuha ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Brayden sa screen.

"Nakarating ka na ba?" wala man lang panimulang bati, diretso agad sa pagtanong ang isang ito.

"Oo, nakarating na ako."

"Kamusta si Simplicity? Send me a pic of her." nag-uutos iyon sa halip na pakiusap.

Nilingon ko ang anak ko na mahimbing pa rin sa pagtulog. "Mamaya na lang pag gising niya. Mamaya na lang din tayo mag usap, Bray. Kakain muna ako."

"Sige. Ikamusta mo na lang ako sa parents mo, huh."

"Uhm."

Paglabas ko ng kwarto ay naroon na sa komedor si mang Dario at itay Noel. Si inay naman ay hawak ang isang malaking bowl na may umuusok na sinigang na hipon.

Marahan niyang inilagay iyon sa gitna ng hapag.

Sinipat ko ang mga nasa mesa. May isang bowl din ng pancit bihon at may isang pitsel ng orange juice.

"Kain na, ma'am." alok ni mang Dario sa akin.

"Persis, maupo ka na rito." yaya naman ni itay Noel.

"Dito ka sa gitna namin, anak." si inay na nakangiting inginuso ang upuan sa gitna nila ni itay Noel.

Ngunit hindi pa siya nagsisimulang kumain. Nahiya yata at hinintay pa ako.

Habang kumakain kami ay ikinuwento namin ni mang Dario ang naging byahe namin patungo rito.

"Anak, tumawag nga pala si Donya Leticia, nakwento ko sa kanya na uuwi ka rito kaya nakiusap siya na bumisita ka raw agad sa bahay nila." ani inay habang naghuhugas kaming dalawa ng pinggan.

Si itay at mang Dario ay nasa labas ng bahay at nagkukwentuhan. Hindi kasi nagkakalayo ang edad kaya nagkakasundo yata sa pinag-uusapan.

"Sige po, tatawagan ko siya mamaya at baka bukas na lang ako pumunta sa kanila. Gusto kong makasama lang muna ngayon si Simplicity, tatlong buwan ko rin siyang hindi nakita."

"Persis, mabuti siguro kung sabihin mo na rin sa kanila ang totoo." ani inay.

"Gusto ko na kaming dalawa ni Code ang magsabi sa kanila, inay. Kaya kung maaari ay si Code ang gusto kong unang makaalam."

Wala akong narinig na imik kay inay ngunit narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong hininga.

Simula nang dumating si simplicity at lumipat kami rito sa Katibangahan ay tumigil na rin sa pangingisda si itay Noel, hindi na rin nagtitinda si inay. Ang buong atensyon nila ay ibinigay nila sa anak ko. Isa pa, sapat naman ang binibigay kong buwanang pera para sa kanila.

Pero dahil hindi na nangingisda si itay ay napagkaabalahan nitong mag alaga ng manok. May ilang manok nga siya sa likod bahay na madalas niyang ipanabong. Ayon sa kwento ni inay. Iyon nga ang madalas nilang pag-awayan.

"Sana naman kung uuwi na rito si Code ay sabihin mo na sa kanya ang totoo. Wag mo ng patagalin pa, anak. Lalong magagalit sa iyo iyon kung patuloy mong itatago sa kanya ang anak niya at saka, wag mong hintayin na sa iba niya pa malaman."

"Sasabihin ko na nga po. Wag kayong mag-alala, inay."

"Naaawa lang din kasi ako sa anak mo. Hindi ka na nga nakakasama, wala pang kaalam alam ang ama niya tungkol sa kanya."

"Sinubukan ko namang sabihin kay Code ang tungkol kay Simplicity, pero ilang beses niyang nireject ang pakikipag usap ko sa kanya. At hindi ko rin naman siya masisisi na ginawa niya sa akin iyon. He's just so mad at me. Pero wag po kayong mag-alala. Magkakaroon ng concert ang Downtown dito sa Ashralka at sisikapin ko na makapunta sa concert at makausap siya. Kahit na..." saglit akong napatigil sa pagsasalita at naplunok. "Kahit na may kasintahan na siya."

"Nagsisisi ka ba na binitawan mo siya?"

"Hindi ko alam, nay. Alam ko na tama ang ginawa kong desisyon, pero kahit anong pilit ko na itatak sa isip kong tama ang ginawa ko. Sumasakit ang puso ko."

"Ano man ang mangyari sa muli niyong pagkikita, maging matatag ka lang anak. Para sa anak mo, kay Simplicity."

Katatapos lang naming maghugas ni inay nang magising si Simplicity. Agad ko itong kinarga. Sa una ay hindi ito umiimik at parating nakatingin sa akin, nangingilala.

Mabuti na lang at kahit hindi ako parating nakakasama ng anak ko ay hindi ito umiyak at ilang minuto lang ay nasisilayan ko na ang mga ngiti nito.

Kuhang-kuha ni Simplicity ang ngiti ng kanyang ama.

Ano kayang magiging reaksyon ni Code kapag nalaman niya ang tungkol kay Simplicity? Makikita ko kaya siyang naiiyak sa tuwa?

Pero anong mangyayari sa amin ni Code kung magkikita kami ulit? Kaya ko kaya siyang pakiharapan kasama ang bagong babaeng minamahal niya?

Muli akong napahinga ng malalim habang pinagmamasdan ko si Simplicity. Naglalaro ito ng mga learning toys.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Nakapigtail ang buhok nito. Bagay na bagay sa kanya ang kulay pink niyang ribbon sa buhok and she's wearing a pink dress.

Sorry, anak. Sorry dahil baka hindi ko na maibigay sa iyo ang isang buong pamilya.

Kahit na kahawig pa ni Code ang anak namin. Malabong bumalik kami sa dati. Malabong magkabalikan ulit kami dahil may girlfriend siya.

Naramdaman ko na muling tumulo ang luha sa mga mata ko na. Nag-angat naman ng tingin sa akin ang anak ko. She wrinkled her nose at saka dahan-dahang naglakad palapit sa akin, with her tiny steps.

I was so confused when she reached her hand on my cheek and wiped out my tears with her little hand.

"Mama, iyak. No mama." malambing nitong sabi. "Mama, baby dito. Mama ko."

I can't believe that my very young daughter is comforting me. 

Mas lalo akong napaiyak dahil parang si Code ang tumitingin sa akin habang pinupunasan ang luha ko.

Bilugan lang ang mga mata ng anak ko, pero ang brown na kulay 'non at kung paano iyon mamungay ay katulad na katulad ng kay Code.

"Masaya lang ang mama kasi kasama ka niya, Simpicity." sabi ko sa anak ko na ikinulong ko sa bisig ko.

"Laro, mama. Laro baby, mama."

Pinakawalan ko mula sa mahigpit kong yakap si Simplicity na kinuha ang kanyang manika.

"Kakain na ang apo ko."

Nag-angat ng tingin ang anak ko nang lumapit si inay sa amin at may dala itong pink na pinggan.

Tila kinikilig na humagikgik si Simplicity at nagmamadaling tumakbo palapit kay inay na hinihipan ang maliit na kutsarang hawak, na may lamang kanin na may sabaw at kaunting gulay.

Habang pinapakain ni inay si Simplicity ay pabagsak akong naupo sa couch at itinaas ang telepono at saka dinial ang numero sa mansion ng mga Bergancia.

"Kamusta ang byahe? Mabuti at napatawag ka. Naikwento ni aling Remedios sa akin ang pagdating mo." ani donya Leticia.

"Okay naman po ang byahe. Iyon nga po ang sabi ni inay, kay tumawag ako. Dadalaw po ako riyan bukas."

"Aasahan ko iyan, huh? Dalawang taon ka na rin hindi dumadalaw dito."

Natutuwa ako na kahit alam ng pamilya ni Code na naghiwalay na kami ay hindi pa rin ako nakalimutan ni Donya Leticia.

"Mabuti ngang magpahinga ka muna, mahaba ang byahe, eh. Anong oras ba pupunta rito bukas nang makapaghanda ako."

"Hmm...baka po after lunch."

"Okay sige. Hihintayin kita."

Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Donya Leticia ay muli kong itinuon ang pansin ko kay Simplicity. Sa tuwing hihipan ni inay ang kutsarang may mainit na kanin, nakikita ko rin ang anak ko na nanghahaba ang nguso at umiihip.

"Nakausap ko na po si Donya Leticia." paalam ko kay inay.

"Onya? Mama, usap."

Napangiti ako sa anak ko na tila nanggigigil nang subuan ito ni inay.

"Yes, Simplicity. Your lola Leticia."

"Lola!" Nakangiting sabi pa ng anak ko

Malapit na anak, malapit mo silang makilala.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

276K 7K 52
Nagsimula ang pagkahumaling sa musika ni Amybelle Buencamino, nang minsan siyang magbakasyon sa Ashralka at masaksihan ang taunang battle of the band...
226K 6.2K 53
Fantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life...
9.1K 234 41
Fawziya Sandra Mendoza, an aspiring accountant and a published author goes back to the days she was in love with her highschool crush who's known to...
103K 2.8K 36
Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not enough to keep her heart, will she reconsi...