Out of my League [Completed]

由 Priceless_smiles

380K 10.6K 2.3K

"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note and FAQs!

Chapter 27

7.4K 214 68
由 Priceless_smiles

Chapter 27

Maaga kami kinabukasan para sa importanteng meeting na sinasabi ni Air. Quarterly Business Review daw iyon ayon kay Axl. Isa iyong meeting kasama ang mga customer, o iyong mga representatives ng bawat kumpanya na under sa Genesis Group of Companies.

Sabi ni Axl ay hindi naman kami incharged doon dahil ang mga Customer Success Managers daw ang magfafacilitate ng updates. Pero kailangan pa rin ang executives sa meeting, dahilan kung bakit dadalo rin si Air at Sir Arsen.

Iyon din ang dahilan kung bakit napilit ako ni Axl na magpunta sa mall kahapon para bumili ng damit na isusuot ngayon.

Ternong blazer at slacks na kulay navy blue ang suot ko, habang puti naman ang damit na panloob at itim ang stiletto. Siya ang namili nito at sabi niya ay ayaw niya daw masyado ng mga skirt.

Ayos lang din naman sa akin pero mas maganda rin ang magskirt paminsan minsan dahil opisina naman ito.

Inayos ko ang kaniyang navy blue rin na necktie na itinerno niya sa damit ko. Maging ang kaniyang suit at slacks ay kakulay ng suot ko.

"Paano ka natuto niyan?" Sabay hawak nito sa baywang ko.

"Huh?"

"I wonder if you ever had a boyfriend and you also do this to him.." titig na titig ito sa akin na ikinatawa ko.

"May necktie ang uniform ko noong highschool at maging ngayong college kaya syempre ay marunong ako nito."

Tumaas ang kilay nito. Nang matapos ako sa pag-aayos ng kaniyang necktie ay nginitian ko siya.

"You like me wearing my suit, don't you?"

Kumunot ang noo ko, "Paano mo naman nasabi?"

He shrugged, "I notice how you stare at me more when I'm wearing this."

Kinagat ko ang labi ko para itago ang ngiti pero hindi naman ako nagtagumpay.

"Mas bagay kasi sayo.." bulong ko sabay iwas ng tingin.

He chuckled, "You like me in formal huh."

Hinapit nito ang baywang ko nang magtangka akong umatras palayo.

"You're not gonna ask me what outfit of yours do I like the most?"

Nag-iwas ako lalo ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. He really likes teasing me like this.

"Axl tara na, baka ikaw nalang ang hinihintay sa boardroom."

Lalo nitong inilapit ang mukha sa akin. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko.

"I like your outfit in the morning when you wake up baby.." bulong nito sa tenga ko na nagpatindig sa mga balahibo ko.

Pakiramdam ko ay nasusunog ang mukha ko sa sobrang init nito. Alam ko ang tinutukoy niya syempre dahil ilang beses niya na ba akong nakitang naka-tshirt at walang bra? Nakakahiya.

He chuckled near my ear before settling for a kiss on my right cheek. "And I really like your flushed face."

"Axl.." huminga ako ng malalim. Kung hindi ko siya aawatin baka ma-late nanaman siya sa meeting.

Natawa ito, "I know I know, I just want to tease you."

Tumayo ito ng tuwid sa harapan ko, sinimangutan ko naman siya. Inangat niya ang kamay para kunin ang kamay ko.

"Let's go,"

Tumango ako at humawak din sa kamay niya. Magkahawak-kamay kaming sumakay sa elevator.

"Okay lang ang ganito kung tayo lang dalawa ha, pero hindi pwede kapag nakaharap ang mga empleyado mo. Lalo na mamaya sa meeting, baka hawakan mo ang kamay ko ng ganito. Siguradong magugulat ang board at lalo na ang papa mo."

Tumaas ang kilay nito pero hindi naman nagsalita. Ginalaw ko tuloy ang kamay naming magkahawak.

"Seryoso nga kasi Axl.."

Sumulyap ako sa dalawang bodyguards na patay malisya lang naman sa likuran namin.

"Okay okay if that's what you want." Pinisil nito ang kamay ko bago binitiwan nang makalabas na kami ng elevator.

Tumayo ang lahat at bumati nang pumasok na kami ni Axl sa boardroom. Malaki ang boardroom pero ngayon lang ito napuno ng ganito.

Everyone looks so presentable and authoritative on their own ways, lalo na ang mga babae, they all look beautiful and sophisticated.

Dumako ang tingin ko kay Air at Sir Arsen na parehong nakatingin sa akin. Ngumiti ako at bahagyang yumuko sa kanila, gumanti rin naman sila ng ngiti.

Sumenyas si Axl at nagsiupo na ang lahat. Akmang ipaghihila niya pa ako ng upuan nang kumunot ang noo ko sa kaniya. Binitiwan niya ang upuan ko at tumikhim bago bumaling sa harapan.

"Good morning. Is everyone here?" Pormal na pormal ang boses niya nang nagsalita.

Nagsitanguan ang lahat.

"I assume the CS managers distributed the agenda prior to this day and I hope you reviewed it already so we can prevent the meeting from derailing."

Binuklat ko ang folder na nasa harapan ko. Hindi ko naman kailangan basahin ang agenda dahil hindi naman ako gagawa ng report tungkol dito pero palagay ko ay mas mabuting naiintindihan ko ang pag-uusapan.

Nagsimula ang facilitators sa mga reviews ng mga nakaraang activities na isinagawa. Sunod ay nagpresent sila ng data points na nagpapakita ng values na nadeliver ng kumpanya sa loob ng quarter na iyon. Hindi biro ang kinikita ng kumpanyang ito. Ang quarterly values na naipapasok ay halos hindi ko mapaniwalaan.

They emphasized the ROI so well. Kitang-kita ko ang pagtango ng mga nakikinig, mukhang satisfied sa mga naririnig.

They presented benchmarking data showing the success of the business. Maging ako ay kumbinsidong sobrang successful sa lahat ng larangan ang GGC. This shows the competence of Axl as the CEO, talagang napaka-galing.

May iilang mga tanong pero nasagot iyon ng maayos.

Nagprepresent na ng goals para sa susunod na quarter nang maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko. Hindi ako palaging nakakatanggap ng mensahe at tawag at kadalasan ay importante lang ang natatanggap ko dahil hindi ko naman bastang ibinibigay ang numero ko.

Lumingon sa akin si Axl nang kalabitin ko siya.

"Restroom lang ako," bulong ko dahil ayaw ko naman maglabas ng cellphone dito.

Kumunot ang noo niya, "I'll go with you.."

"Huh? Wag na, hindi ka pwedeng umalis dito."

"My bodyguards are outside the door, ibibilin lang kita sa kanila."

Akmang tatayo ito nang hawakan ko ang braso niya. Sumulyap sa amin si Air kaya medyo nahiya ako pero mas mahihiya ako kung ihahatid niya pa ako sa pintuan at panonoorin kami ng lahat ng narito.

"Axl ako na, malapit lang ang restroom dito.." bulong ko.

He sighed, halata sa itsura niyang ayaw niya pero sa huli ay tumango rin siya.

"Make it fast Adri."

Tumango ako at ngumiti. Mabuti nalang din at malapit lang sa pintuan ang upuan namin kaya hindi masyadong napansin ang pag-alis ko.

Apat ang bodyguard ni Axl na nasa labas lang ng pintuan. Ang iba ay nakakalat lang sa floor na ito.

"Ma'am Adri saan po kayo?" I recognized Kuya Eleazar. Siya yata ang head ng mga bodyguards ni Axl.

"Ah sa restroom lang po."

"Pinapa-escort po kayo ni Sir Axl."

Huminga ako ng malalim at tumango nalang. Sinundan niya ako hanggang sa restroom pero hindi na siya gaanong lumapit.

Walang ibang tao sa restroom nang pumasok ako. Hindi naman kasi matao ang floor na ito dahil mga boardrooms lang ang naririto.

Binuksan ko ang mensaheng natanggap. Galing iyon sa hindi kilalang number at halos manlaki ang mga mata ko nang mabasa iyon.

Unknown
Stay out of this Adrianna. I don't ever want to hurt someone like you because you remind me so much of my sister. Pero kung patuloy mong tutulungan si Axl ay hindi ka makakaligtas sa akin.

Is this..is this the suspect? At anong ibig niyang sabihin?

Nagpapanic akong luminga sa paligid. I can't be alone here at kailangan kong sabihin ito kay Axl. Humakbang ako palapit sa pintuan pero bago ko pa mahawakan ang knob ay bumukas na iyon at pumasok si Aliyah.

Agad akong napaatras nang makita siya. She's wearing a red dress and stiletto at may dala ring bag. Ang kaniyang ngiti ay nagpatindig sa balahibo ko.

Lumapit siya sa sink kaya lalo akong napaatras. Inilapag niya ang bag niya doon at binuksan.

"Did you receive the warning Adrianna?"

Napalunok ako. I've never been this scared my whole life. Ni hindi ko magawang pindutin ang cellphone ko para matawagan si Axl.

"A-Aliyah.." I stuttered.

She smiled, "I really liked you from the start. You remind me so much of my sister, you both struggled to live your dreams. But you both dreamed to be with the wrong person."

"What do you mean?" Lito kong tanong.

She sighed, ngayon ay tuluyan na akong hinarap. "My poor sister fell inlove with the mighty Axl Genesis. And what happened? The Genesis destroyed her and her dreams."

"H-hindi kita naiintindihan Aliyah. Anong kinalaman ng kapatid mo dito?"

Tumalim ang titig nito sa akin. Suddenly, the red outfit she's wearing is striking a bloody image in my head.

"This is all about my sister, this is all about getting back to the Genesis after everything that they have done to my precious little sister."

Ang sinabi niyang iyon ay tila naging kasagutan sa mga tanong ko nitong nakaraan. This is all vengeance.

Napaatras ako at halos matumba na dulot ng panginginig ng aking mga tuhod. She smirked upon seeing my reaction.

"Genesis supports a lot of foundations and orphanages, they feed hungry and homeless children. Kasama kami ng kapatid ko doon, isa siya sa mga pinakain ng mga Genesis at isa rin siya sa mga sinira nito. She was Axl's sweetheart, first love. They practically grew up together at nang malaman ng lola niya ang relasyon nila ay pinaghiwalay sila." Tumawa ito, her laugh sounds so scary.

"Ofcourse, ang mayaman ay para sa mayaman lamang. Ipinaglaban siya ng kapatid ko pero ano ang ginawa ng pamilya niya? They banned her from all the airlines in the country. My sister struggled to finish her studies to graduate as a flight attendant pero ano ang nangyari? Kahit kailan ay hindi siya nakatapak sa eroplano para magtrabaho!"

Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya. They all sound made up to me lalo pa't kilala ko ang pamilya ni Axl. Pero ang lola niya, hindi ko pa nakikilala ang lola niya.

"His grandma made sure that they will never meet again. At nang makita ko kung gaano naghirap at umiyak ang kapatid ko, ipinangako ko sa sarili ko na makakaganti rin kami sa kumpanyang ito, pababagsakin namin ang GGC hanggang maghirap sila."

"I..I don't understand..walang kasalanan si Axl. Pinaghiwalay sila ng kaniyang lola."

Tumawa ito, "Axl is a powerful man but he couldn't fight for his girl? He let her suffer, he let her and her dreams die!"

Umiling ako, "Aliyah I'm sure Axl was hurt too, kung totoong magkasintahan sila noon pa ay sigurado--"

"If he was hurt, if he loved her sincerely, gagawa siya ng paraan Adrianna."

"This is the reason why you killed an innocent person at the CCTV room Aliyah?"

Nagtaas ito ng kilay, "It sounds fair for my dead sister."

Nanlaki ang mga mata ko. Her bloodshot eyes told me how it haunted her for years.

"Aliyah.." nanginig ang boses ko nang nagtangka pa ito lalong lumapit. Kita ko sa kamay niya ang isang maliit na kutsilyo na lalong nagpanginig sa mga tuhod ko.

"Months after trying to survive with a work that doesn't fit her, nagpakamatay ang kapatid ko Adrianna. My only family left me because of the Genesis."

Umiling ako, nangingilid na ang mga luha sa pinagsamang takot at awa para sa kaniya.

"I struggled so hard to be able to work here, Axl helped me, siguro ay guilty siya sa pagkamatay ng kapatid ko. Sa tagal kong nagtrabaho bilang kaniyang sekretarya, inalam kong mabuti kung paano ko siya pababagsakin Adrianna. But you came here and ruined my plans. I could have messed his life, Calix could have deleted the company's database, but you were fucking here! You ruined all my plans Adrianna!"

Napatili ako nang sumugod siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog. Tuluyan akong naiyak sa takot.

"Hindi mo dapat siya tinutulungan Adrianna. I can let you escape, don't ever help him again. I'm doing this because I'm seeing my sister in you."

Hindi ako nakapagsalita sa takot. The Aliyah infront of me right now is far from the firm and sophisticated woman introduced to me weeks ago.

Inalagaan niyang mabuti ang galit at ngayon ay kitang-kita ko kung paano siya kinakain nito.

"Aliyah mali ito, you should have talked to Axl about this.." I cried.

"Wala kang alam Adrianna!"

Lalong bumuhos ang luha ko sa takot. She looks so desperate for revenge at alam kong tama siya, wala akong alam.

At si Sir Calix? Ano ang dahilan niya para gawin ito kay Axl? They were friends.

"Did you use Sir Calix for your plans?"

She smirked, "He loves me, I used that to my advantage."

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"I told him I will marry him if we do this together." She smiled, "I don't believe in love Adrianna, I saw how it ruined my sister. But I can certainly use people who loves me."

I can't believe her. I never believed criminals wanted to be criminals. But Aliyah just proved me that people can choose the path they want to take, it's all in their hands and she chose this. Anger and grief consumed her.

Umiling ako, "Huli na ang lahat Aliyah. Axl already knows that it's you and Calix.."

Nanlaki ang mga mata nito. I watched how her soft features hardened in anger.

Sa isang iglap lang din ay nakaramdam ako ng kirot sa aking tagiliran. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dugo ko sa kaniyang kamay.

"You should just die then." She pulled the knife so she can stab me once more.

The excruciating pain numbed my whole body, focusing on the pain alone. Maging ang boses ko para sumigaw ng tulong mula sa bodyguard na nasa labas lang ay nawala.

Bumagsak ako sa malamig na tiles ng restroom, namimilipit sa sakit.

I tried to open my mouth but my words just won't come out. She watched me as I struggle. Nagawa pa niyang maghugas ng kamay sa sink habang pinapanood ako.

"Ang mga katulad mong mahirap ay hindi bagay sa mayaman. Dapat itinatak mo 'yan sa isip mo Adrianna. Walang mabuting dulot si Axl sayo, I hope you know that by now."

Pumatak ang mga luha ko nang tuluyan niya akong iwan habang nag-aagaw buhay.

Is this really my end? At kasalanan ba ito ni Axl? I chose to be here, I chose to be beside him. At kahit mamatay ako ngayon ay hindi ako nagsisisi.

Pero paano siya? I can only imagine his pain if I die, if the girl he likes dies again. I can only imagine the pain he's gonna go through, kung mauulit ang nangyari.

Alam kong wala akong alam sa nakaraan niya. Pero hindi ako naniniwalang hinayaan lamang ni Axl na maghirap ang babaeng mahal niya. He's been protective of me kaya paanong pababayaan niya ang taong mahal niya?

Bigla ay bumukas ang pintuan. Mga boses ang narinig ko pero nangibabaw ang boses niyang iyon.

"Adrianna.."

I felt how his hands trembled when he tried to hold me. Literal akong naliligo sa sariling dugo na nagkalat maging sa puting sahig ng banyo.

I want to respond but I already feel like dying.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nag-aagaw buhay ka. The pain is not important anymore, everything around me is like in slow motion, the sound of flat silence is ringing on my ears.

"No Adrianna please.."

Iyon na ang huling narinig ko bago ako tuluyang nilukob ng dilim.


**
Vote.Comment.Follow :'>

继续阅读

You'll Also Like

24.7K 766 33
Doctors, particularly cardiologists, are the one who treats and fix hearts. Literally. But what if the doctor is the one who had a damaged heart? Who...
612 243 33
Aldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Som...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...