Taming the Wild Waves Rivera...

By felicitousapple

234K 5.3K 837

Zyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niy... More

Taming the Wild Waves
Prologue
WAVE ONE
WAVE TWO
WAVE THREE
WAVE FOUR
WAVE FIVE
WAVE SIX
WAVE SEVEN
WAVE EIGHTH
WAVE NINE
WAVE TEN
WAVE ELEVEN
WAVE TWELVE
WAVE THIRTEEN
WAVE FOURTEEN
WAVE FIFTEEN
WAVE SIXTEEN
WAVE SEVENTEEN
WAVE EIGHTEEN
WAVE NINETEEN
WAVE TWENTY
WAVE TWENTY-ONE
WAVE TWENTY-TWO
WAVE TWENTY-THREE
WAVE TWENTY-FOUR
WAVE TWENTY-FIVE
WAVE TWENTY-SIX
WAVE TWENTY-SEVEN
WAVE TWENTY-EIGHT
WAVE TWENTY-NINE
WAVE THIRTY
WAVE THIRTY-ONE
WAVE THIRTY-TWO
WAVE THIRTY-THREE
WAVE THIRTY-FOUR
WAVE THIRTY-FIVE
WAVE THIRTY-SEVEN
WAVE THIRTY-EIGHT
WAVE THIRTY-NINE
WAVE FORTY
Epilogue

WAVE THIRTY-SIX

3.5K 110 21
By felicitousapple

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-SIX



Kinaumagahan, kahit alam kong gabi na kila Kiara ay tumawag pa rin ako sa kaniya upang ibalita ang nangyari sa amin kahapon.



Habang pinagmamasdan ko ang tatlong makapal na tuldok na umaalon kasabay ng tunog, ay hindi ko maiwasan ang kabahan.



Hindi ko alam ang dapat na gawin kung sakaling magpunta nga rito si Dark, kaya mas mabuti na siguro na malaman ni Kiara.




Marami rin namang katuturan ang isang iyon kapag dating sa mga ganito. Pero kailan nga ba pupunta rito si Dark?


Kinakabahan ako sa isiping iyon. Si Dark ang taong lagi kang gugulatin gamit ang mga galaw niya, hindi mo siya inaasahan pero makikita mo nalang kasama mo na pala siya.



Napangiti ako at umiling at nang lumitaw sa video si Kiara na pu-pungay pungay ang mata ay agad akong nakaramdam ng konsensiya.



Nagising ko yata ang isang 'to.



I was about to speak pero naunahan na ako ng isang lalake mula sa kabilang linya. Nanliit ang mga matang tiningnan ko si Kiara, na ang itsura ngayon ay tila ba nahuli na may ginagawang masama.



"Sino ba kasi 'yan?" reklamo ng lalake sa kabilang linya, at noong ulitin niya iyon ay napagtanto ko na kung sino.




I crossed my arms over my chest. I saw her biting her lower lip habang parang may sinisipa sa kanyang harapan.



Mas lalo lang akong naghinala. Hindi ko alam na ang pinsan ko ay nag uuwi ng lalaki sa kanyang condo.





"Jasper, come out now." I said impatiently. Ginawa nga ng mokong at walang kahiya hiyang lumabas at agad na yumapos kay Kiara.



Iritado naman siyang tinulak ni Kiara pero tinawanan niya lang. "Oh si Zyreen? Alam ba ni Darky 'to?" napangiwi ako sa pagkaka banggit niya sa pangalan ni Dark.



"Ewan ko sa'yo!" iritadong ani ni Kia at ako nalang ang hinarap. Napangiti naman ako at lumapit sa kanila.




Akmang magsasalita na ako kaya lang naunahan na naman ako ni Jasper. "B-buntis ka?!" tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya.




"Sino ang ama?" tanong ni Jasper pero bago pa man ako makapag salita ay may kumalabit na sa akin.




Si Inday lang pala. "Yes, Inday?" ani ko rito. "Ah ma'am, pasensiya na ho kayo sa istorbo. May naghahanap po kasi sa inyo sa labas." nanlaki ang mga mata ko at dali daliang tumayo.



"Oh? Anong nangyari Zyreen?" puna ni Kiara pero hindi ko siya pinansin. "Ah...anong itsura?" nauutal na tanong ko sa kaniya.



Nilaro laro niya ang dulo ng kanyang buhok na tila ba kinikilig, kaya may hula na ako kung sino iyon. Kung si Raven naman iyon ay hindi na mag do-door bell pa, makapal ang mukha ng isang iyon e.



"Ma'am malaki!" kumunot ang noo ko. "Ang alin?" sabay naming sabi ni Kia, kaya nagkatinginan pa kami. "Ang katawan ma'am! Kayo naman oh, kung ano ano ang iniisip niyo." ngumiwi ako at umiling.



Mukhang wala sa katinuan ang isang 'to ngayon. "Ah sige papasukin mo nalang. Sabihin mo lalabas rin ako, sa kuwarto muna ako!" sabi ko at dahan dahan na pumasok sa aking kuwarto.




Mabuti nalang at wala akong kasama rito bukod kila manang at Inday. Si papa at mama kasi ay mag ga-gala raw, hinayaan ko na dahil wala rin naman gaanong ginagawa ngayon si mama.







Mabilis kong ni lock ang pinto at lumapit sa aking salamin. Tinanggal ko ang pony ng aking buhok at sinuklay iyon.




Hindi tulad ng dati na hanggang puwet ko na ang aking buhok, ngayon ay hanggang dibdib nalang.



Pagkatapos kong ayusin ang aking buhok ay tiningnan ko ang aking mukha, baka mamaya masyado pala ang eye bags ko.



Hindi naman kaya hindi na rin ako nag lagay ng cream. Tiningnan ko ang kabuuan ko. Mataba na ako, hindi ganoon kataba kaya lang malayong malayo na talaga ako sa dating itsura ko.



Lumapit ako sa aking tukador kinuha ang puting dress na pang buntis. It stop before my feet kaya balot na balot ako rito.



Pagkatapos kong mag bihis ay lumapit na ako sa pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at huminga muna ng malalim bago iyon binuksan.






Nang makalabas ako ay nakita ko si manang na may dalang meryenda, para siguro sa kaniya. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa sala at narinig ko nalang na nagkukuwentuhan na pala ang tatlo.



Mas lalo akong kinabahan kaya agad kong kinuha ang cellphone ko. Ramdam ko na rin ngayon ang tingin sa akin ni Dark.



Tiningnan ko si Kiara na malungkot akong tinitingnan. Binalik ko ang tingin kay Dark na mukhang iritado na naman ang mukha.




Sa palagay ko ay sinumbatan niya si Kiara ngayon, base sa mga itsura nila. "Mamaya nalang tayo mag usap." sabi ko at tipid na ngumiti sa dalawa, bago patayin ang tawag.



Lumingon ako kay Inday at manang Soleil na pinagmamasdan kaming dalawa ngayon. "Hindi ko alam na...kilala mo pala itong alaga ng kapatid ko." salita ni manang na siyang ikinagulat ko.




"Matagal na naninilbihan sa mga Rivera ang kapatid kong si Soleng, kilala mo siya?" walang emosyong tanong sa akin ni manang. Tumango lamang ako.



"Sige. Nandoon lang kami, tumawag lang kayo kapag may kailangan." ani nito bago hinila si Inday na halos maglaway sa kakatingin kay Dark.



Nang maiwan kami ni Dark ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung saan mag sisimula o kung ako ba dapat ang mag simula.



"What's your reason?" I flinch when he suddenly talk. Ayaw ko sa ganitong epekto niya sa akin, hindi ako handa kapag siya ang kasama ko.



"Ha?" parang tangang ani ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Anong rason mo?" napapikit siya bago ituloy ang mga salita.



"Bakit mo ako iniwan?" nang masabi na niya biglang kumirot ang aking puso. Suminghap ako at umayos ng tindig. Hindi ko hahayaan na makita niyang masyado akong naapektuhan sa mga salita niya.



"Speak, Zyreen. I'm waiting." mariing sabi niya. His perfect face is directly looking at me. His eyes that are full of mysteries na kahit kailan ay madali mo namang nakikita, pero pilit niyang tinatago.




"Hindi mo ba talaga alam?" puno ng sarkasmo ang nasa boses ko. Kumunot ang noo niya, his sharp jaw clench infront of me.




"Explain, Zyreen. I can't understand you." nahimigan ko na ang iritasyon sa kanyang boses. Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mga mata.




And when I did that, I knew that I fucked up. Again infront of him. "Remember the day when I texted you, to come meet me at the park?" matapang kong salita.



"Yeah, bakit hindi." sarkastikong aniya. "Nagutom ako kaya pinahinto ko si Kia sa isang coffee shop. Sa loob no'n hindi ko inaasahan na makikita ko ro'n si Remedy." hinarap ko pa siya lalo.




"Si Andra? What about her?" takang tanong niya. Mukhang wala ngang alam ang isang 'to, pero pwede rin namang nag papanggap lang siya.




"Nilapitan niya lang naman ako at sinabing ikakasal na kayo." diretsong sabi ko. For the first time in my life, ngayon ko lang nakita ang ganitong galit sa kaniya.



"Bullshit! And you believe her?" tanong niya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko, kaya nakatingala na rin ako.



"That day I got so devastated! I felt betrayed and all! Nagpunta ako sa condo ni Kia to check on you. Kaya lang wala akong naabutan. Hinintay ko pa kayo, pero siya nalang pala ang darating." mahina pero mariing ani niya habang papalapit nang papalapit sa akin.



"I beg for you. Nalaman ko nalang na nasa Zambales ka raw kaya I drove there with the night. Tapos pagkarating ko ro'n...wala ka parin." nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tumulong luha sa kanyang kaliwang mata.



Agad niya naman iyong pinahid. Tumayo ako upang hawakan siya na agad naman niyang sinalubong. I thought iwawaksi niya, imbes ay lumapit pa sa akin at sinandal ang noo niya sa akin.



"Para na akong baliw kakahanap sa'yo. I was about to call my men to find you but there's an emergency call from home." mas lalong kumirot ang puso ko, una dahil nakikita ko siyang ganito. Pangalawa, naalala ko na naman ang pagkawala ni tita Fatima.



"It's my father crying over the phone. Saying that my mother was sent in the hospital." mariin siyang pumikit kaya naging sunod sunod ang luha na pumatak ro'n.



Agad ko iyong pinunasan. Hinawakan niya ang kamay ko at pinanatili ro'n sa kanyang mukha. Hinahayaan na mahaplos ko siya.



"She was dead on arrival." with that words of him. We cry together. "I stop looking for you, but that's just a month, pero nang magkasakit si papa I stop again to come here." patuloy siya sa pag kukuwento.



I hush him but he shook his head. "Hindi ko inaasahan na makikita kita rito. Noong sinabi sa akin ni Tanya na nakita ka niya hindi agad ako naniwala. Pero nang makita ko si Raven sa isang bar, doon na ako naniwala. But I can't accept the fact that you're also pregnant." umiling ako pero hindi ko nakuhang magsalita.




I'm running out of words.




"You're pregnant. I asked myself. Why can I make the girls around me fall in love with me pero pagdating sa'yo parang wala lang, na ang dali lang para sa'yo na iwanan ako?"






"And yesterday pinapamigay mo pa ako, hindi mo manlang kinuwestiyo si Tanya. I want you back, Zyreen. I don't care if you're pregnant with other man."





"I'm willing to be a father, basta ikaw ang ina." mas lalo akong nanghina sa sinabi niyang iyon. So Remedy just lied to me, sana pala kinumpirma ko muna.




Sana ay hindi siya mag isang nagdurusa noon sa pagkawala ng mama niya. "Lahat ng mga babaeng pinagseselosan mo, pinagtulakan ko." sabi pa niya.




"I push Tanya away and if you're thinking why we're together, it's just for business. I push Andra too, and her family almost hate me for that." paliwanag niya.




"Now tell me, si Raven ba talaga ang ama ng mga anak mo?" he caress my face. I depend on him now, kapag binitawan niya ako ay pihadong babagsak ako.




Umiling ako. "Sa park, doon ko sana sasabihin sa'yo." kumunot ang noo niya at medyo lumayo sa akin pero nakahawak pa rin naman.




"Zyreen? What do you mean?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Sorry, hindi na sana ako naniwala agad kay Remedy at sa mga hinala ko." yumakap ako sa kaniya at sumubsob sa kaniyang dibdib.




"So.." nanginginig ang boses niya. "You're saying that, they're mine?" aniya at tumango lang ako, saka nagpatuloy sa pag iyak.



"Tangina!" nag angat ako ng tingin sa kaniya. Is he mad at me? Well okay lang naman dahil, maling mali talaga ako. Imbes na maging maganda ang kinalabasan, pinalala ko pa.




Mariin siyang nakapikit still muttering some curse. I was about to speak nang maunahan ako ng taong kadarating lang.



"Hey hey! What's happening here?" tanong ni Raven na agad nakalapit sa amin. Tiningnan siya ng masama ni Dark.



Pantay lang sila pero mas malaki ang katawan ni Dark kay Raven. Kinuha ni Raven ang braso ko at tiningnan ang kabuuan ko.



"She's fine. We're just talking." binawi ni Dark ang mga braso ko kay Raven kaya umigting ang panga ni Raven.



This is not good.

"It's okay, Raven. Give this day to us. Um...you can just go home for now. We'll talk later." I smiled at him and he just nodded, he looks in pain.



"It's not just going to be a day, Zyreen. Ngayong alam ko na, na akin 'yan hindi mo na ako pwedeng iwan." sabi ni Dark, madilim ang mga tingin sa akin, dahilan upang manginig na naman ang aking mga tuhod.



I know from the very start that Dark is wild and ruthless, I don't think I can tame him now.



What now, Zyreen?

Continue Reading

You'll Also Like

252 74 11
This collection of poetry is my personal expression of the situations that revolve around me. It contains my opinions on topics such as broken promis...
5.4K 196 28
Althaia Soliel Sy, a complex young woman, faces anxiety, past wounds, and academic struggles. Her best friend, Ellison, he provides solace but also h...
3.6M 288K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...