Against the Waves (THE PRESTI...

Autorstwa diorlevestone10

1.1M 21.1K 5.3K

The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings... Więcej

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Last Part
Epilogue- Last Part (Spin off)
Note
SC 01: Twins

20

17.2K 326 24
Autorstwa diorlevestone10

Before the storm

Nairaos ko ang isang taon bilang second year college. Si Hayes naman ay mas lalong naging busy dahil gaduating student na ito. Madalas na siyang umaalis ng Tagaytay to inspect their farms in Nueva Ecija and in Aklan. Sa mga araw na nagdaan ay tinuruan ako ni Hayes sa shooting range. I can now handle guns. Minsan ko pa ngang nakasabay si Sorin. He is goot at shooting too!

Hayes always calls me after his work and texts me whenever he's free. Usually, one week na ang pinakamatagal niyang excuse sa school. I always try to help him in his studies since ang dami niyang hinahabol.

"Where are you?" Hayes asked.

"Nasa site ako. Tinignan ko lang 'yung progress sa shop."

Patapos na halos iyong pinatayo naming shop para sa physical branch ng Project Kilig. Iyong sa coffee shop ni Hayes, tuloy tuloy naman ang pag-angat ng sales.

Last last month pa iyon natapos at talagang patok sa publiko. Na-i-feauture na nga iyon minsan sa isang show sa T.V eh. Iyong sa flower shop naman, flourishing na lang then pintura. Siguro next month ay mabubuksan na namain iyon. Finally!

Bumuntong hininga ito sa linya. "Who is with you?"

"Ma'am kain po," yaya sa akin ng isang trabahador.

"Sige lang po...Uhm, wala akong kasama ngayon pero nagpahatid ako kay Hugo papunta rito."

Maingay ang background niya sa kabilang linya, marahil ay nasa farm nila ito dahil dinig ko ang mga makina.

"Hayes, baka pala mamaya ay pumunta ako ulit sa flower farm. I need to restock my flowers."

"What time do you need it? I can just pick it up for you."

Natuwa namana ko roon. "You'll do that?"

"Of course. Anything for you."

Napawi konti ang ngiti ko. "Wala ka bang gagawin? Ako na lang ang magretestock ng supply."

"I'm free today, love. What time do you need it again?"

"Okay, then. I'll text you the kind of flowers that I need. Hmm siguro by 5 pm, kaya ba?"

"Okay," pagpayag niya agad. "Are you done sight seeing your shop? I'll pick you up."

"Huwag na," tanggi ko agad. "I can handle myself. At isa pa, magkikita naman kami nila mama sa isang restaurant malapit dito."

Sa loob ng ilang buwan ay mas dumami ang ginagawa ni Hayes. Maging ang ilang coffee shops nila sa Manila at sa mga karatig lugar ay sa kaniya na ata ipinamahala ni Don Nicholas.

Minsan nagtataka ako, bunso si Hayes pero ang dami niyang ginagawa. Paano pa kaya sina Ate Shay at kuya Eubert? Sa sobrang dami sigurong properties ng mga Espinoza ay sinasanay na ng Don na ipamahala iyon sa mga anak.

"Are you sure?"

"Yes. I'll update you from time to time."

One thing I learned about Hayes, he is super clingy. He always calls and texts me whenever possible. He also sends me pictures when he's updating me! How cute.

"Okay then. Take care, ha?"

To be honest, a simple talk with Hayes already made my day complete. I am okay with this set-up. Us being busy with something we like, it's very wholesome for me. Hindi nakakasakal, hindi nakakasawa.

Nang makuntento ako ay napagpasiyahan ko na kitain ang pamilya ko. Galing silang Manila noong nakaraan. Ilang araw silang namalagi roon kasama si Lailana dahil sa business. I guess they just missed me.

"Hi, ma!" bati ko at hinalikan ito. Gayundin si papa. "Pa."

"I miss you, darling," saad ni mama.

"Ang binata ko!" Biro ni papa at sinalubong ako ng yakap. Napailing ako kay Papa.

"Kumusta po?" tanong ko.

Umupo ako sa tabi ni Lailana at pinisil pa ang pisngi nito pero naiinis siyang umiwas sa kain.

"My cheeks!"

I mocked her. "Arte!"

"Lailana, you said you missed your sister?" nanunuyang tanong ni mama.

Lailana gulped but still managed to roll her eyes to me. "What are you talking about, mama? Hell no."

Napangiti ako roon. "Sus. Kunwari pa ang isang 'to. Aba dapat lang na mamiss niya ako 'no."

"Eew." Labas sa ilong niyang tanong.

"So, how was your trip to Manila?" pagpapanimula ko pagkatapos ay kinuha ang menu.

"Ayos naman anak. We gathered some investors there. Sadyang malakas talaga ang kapit ni Don Nicholas, 'no?"

"Kaya nga po e. May advertisement na iyong mga products natin sa Philippine tv," sabi ko.

"Sana nga lang ay magtuloy tuloy ang lahat," si papa.

Mama held my father's hand. "We can do it, honey. We will."

Mas nakilala ang ilang produkto namin saiba't ibang lugar. Maging sa ibang bansa ay nag-aangkat na kami ng mga coffee and strawberry products.

"Should I put our full shares in Don Nicholas' business honey?" tanong ni mama.

Napatigil naman ako sa pagkain dahil doon. Si papa naman ay nagpunas ng labi gamit ang tissue at malalim na nag-isip.

Lahat? Bakit lahat?

"Hindi dapat tayo magpadalos dalos, Alani."

"But, Don Nicholas is a trusted partner."

"Kahit na. Edi sana binigay mo na lang sa kanila ang kompanya."

Sumingit ako sa usapan nila. "Papa is right mama. We should not be impulsive towards this. Malaking pera at shares po ang bibitawan natin kung sakali."

Hindi naman sa may duda ako sa kakayahan ng pamamahala ng mga Espinoza, pero kasi hindi tama na ibigay halos lahat ng shares doon. Parang lumalabas e binebenta na ni mama nang tuluyan ang naipundar nila.

"Alam ko naman iyon, Hija. Ang akin lang, malaki at marami naman na ang naitulong sa atin ni Don Nicholas. Hindi tayo pumalpak sa business natin. Napalago pa naman natin ito. Anong masama kung mas papalaguin pa natin ito?"

Hindi na ako nagsalita pa. Maging si papa ay napaisip din sa sinabi ni mama.

Kung ako kasi ang tatanungin ay sapat na sa akin kung ano ang tinatamasa namin ngayon. Ayoko nang maghangad pa ng sobra. Pero alam kong hindi gumagana ang prinsipyong iyon sa business. Pataasan do'n.

"Anyway, naisip ko lang naman iyon. Don't worry I won't make any decision without you guys knowing."

That made me feel relieved. Kilala ko si mama, alam niya na kailangan ng masinsinang pagpaplano at pag-iisip bago gumawa ng desisyon.

"Where's kuya Hayes?" Lailana asked out of the blue.

"Ow, he's busy. He's in the farm pero magkikita naman kami mamaya."

"Graduating na ang nobyo diba, Hija?" tanong ni papa.

"Opo," sagot ko.

Tumango tango si papa. "Mabuti naman kung ganoon. Masaya ako para sa inyo dahil nakikita ko na maganda ang dulot n'yo sa isa't-isa."

May kung anong humaplos sa puso ko nang marinig iyon mula kay papa. Talagang pabor na pabor ang pamilya ko sa aming dalawa. Ang pamilya na lang talaga ni Hayes ang problema ko.

Simula noong family dinner ay hindi na ako muling nakatapak sa bahay ng mga Espinoza. Hindi pa rin nila ako tanggap para kay Hayes. Mabuti na nga lang ay medyo napalapit na ako kina Ate Shay at Kuya Eubert. Nagpapalitan kami ng mensahe minsan. Niyayaya rin ako sa simpleng dinner at coffee shop.

"Nga po pala, Ma, about my birthday?"

"Honey, don't worry about it. Naasikaso ko na ang lahat." Excited na sabi ni mama.

"Really?" excited kong tanong.

Tumango siya at hinaplos haplos ang buhok ko. "We're going to celebrate it in our private resort in Bataan. Is it okay with you?"

Mas lalo akong naexcite dahil doon. "Of course, of course!"

My birthday is coming and I am super excited! This will be my first birthday celebration with Hayes that is my I am looking forward to it. I giggle.

"You can stay there anytime you want but for us, we'll be back here again. Alam mo na honey, business."

"That's so great,ma!" I said happily.

"Nakaayos na ang lahat, anak. Just bring your friends," huminto siya saglit at binigyan ako ng mapang-asar na tingin "...and of course your boyfriend."

"Ma."

"What? Am i wrong? Diba boyfriend mo si Hayes?" matawa tawa niyang tanong.

Napakagat ako sa labi ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya talaga.
Palagi kasi nila akong inaasar kay Hayes ng kung anu-ano!

"Oh honey, don't be shy. It's okay, your Dad is okay with him."

"Arte nito ni Ate." Si Lailana.

Nilabasan ko siya ng dila. Ngumiwi naman siya.

Buong maghapon ay sinamahan ko si mama manood ng netflix sa bahay. Samantalang si Papa ay bumisita saglit sa farm. Ipinaalam ko na din sa mga kaibigan ko ang planong pag-stay namin sa Bataan, I also invited Hugo. And, I texted my boyfriend that I am at home.

Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam na ako sa pamilya ko dahil nasa flower farm na si Hayes. Dali dali akong lumabas ng bahay.

I hugged him right away. "Did you miss me?"

Damn, he smells so good! Amoy baby!

He hugged me back. Pinanggigilan pa. "Aw. Ang sarap umuwi."

I smiled.

"Flowers." Sabi niya nang ilahad sa akin ang bungkos ng bulaklak.

Niluwagan ko ang yakap sa kaniya at tiningala ito. "Just because flowers?"

"Hmm. Just because flowers."

"Sweet mo naman."

He shrugged. "I planted that."

I blinked twice. "What?"

Hinagod niya ang buhok nito at proud na sinalubong ang mata ko. "That. Kakaharvest ko lang sa farm. I made sure it's fresh."

"No way!"

He smirked. "Guess I'm really in love with you."

I tiptoed immediately and gave him a peck. "Thank you!"

I mean, almost everyday he never fails to give me a boquet with an attach bible verse. And knowing na hinaharvest niya pala iyon at mukhang siya pa ang nag-arrange, mas naqppreciate ko siya lalo!

"Anything for you." He kissed me back and planted a soft kiss in my temple.

"Oh, before I forgot. We'll be going in our private resort in Bataan for my 20th birthday, you should come!" masaya kong balita sa kaniya.

He smiled at me and pointed the tip of my nose. "I know."

My burrows furrowed."How?"

"Tita Alani told me," kaswal niyang sagot.

I scoffed."Ikaw na kaya ang pumalit sa'kin bilang anak."

He smirked.

I mean, nauna pang sabihin ni mama kay Hayes ang plano sa birthday ko kaysa sa'kin. Ganun na ba sila kaclose? Goodness gracious. Minsan pa nga ay nahuhuli ko pang nagtatawagan sina Papa at Hayes at nag-uusap patungkol sa farm. Itong si Lailana naman ay ganoon din. Seriously?

"Actually, may plano na ako kung anu-ano ang pwede nating gawin doon. Super excited dahil ito 'yung unang pagkakataon na makakasama kita sa birthday ko."

Habang nagsasalita ako ay hinawi niya ang ilang buhok na humaharang sa mukha ko at taimtim lang akong pinagmamasdan. I small smile is plastered in his face as he listen to everything I say.

"Tell me more." Malambot niyang sabi.

"You can also invite your family! I mean...if they're not busy. Syempre. Pero sana ay hindi busy sila Ate Shay at Kuya Eubert, 'no?"

"I'll inform them," he said while nodding. Still looking at me with heavy lidded eyes.

I frowned. "Sayang, hindi makakasama ang parents mo."

He lifted my chin."It's okay. We've got plenty of time. Maybe next year they'll join us."

"You think so?" I hopefully ask.

He kissed my cheeks and put his arms around my shoulder, dragging me with him towards his car. "Yeah. I'll make sure of that."

Pagkadating namin sa flower farm ay inasikaso naman kami kaagad ni kuya Eubert. May in-attend-an daw na business meeting ang parents ni Hayes kaya naman doon na ako kumain ng dinner. Medyo tense nga lang ako kasi baka mamaya ay sumulpot sila bigla at masigawan na naman ako.

"Kumain ka pa nang kumain, Hija," alok ni Nanay Fina.

"Opo, Nay. Kayo po ba? Hindi pa sasabay?"

Umiling ito."Naku sige lang at kumain kayo diyan. Huwag ninyo akong intindihin kay busog pa ako."

Hindi talaga nagpapilit si Nanay Fina na sumabay sa amin sa hapag. Anu niya ay mamaya na siya kakain kasabay ng ilang tauhan doon.

"Your business is doing good. Congrats," pagbati sa akin ni kuya Eubert.

Ngumiti ako. "Salamat...kuya."

It feels strange actually. Hindi naman kasi ako sanay na may tinatawag na kuya dahil ako ang panganay sa amin ni Lailana pero ang gaan pala sa pakiramdam. Noong una nga ay akala ko galit din sa akin sina ate Shay at kuya Eubert but I guess, it's just their parents.

"I'm sorry Layana if we can't make it to your party," si ate Shay.

"Ayos lang, ate. Naiintindihan ko naman."

May kaniya-kaniya silang responibilidad sa pamilya. Sobrang bigat. Alam ko rin naman na hindi agad papayag ang mag-asawang Espinoza kapag nalamang party ko ang pupuntahan nila. Ngayon pa lang na magboyfriend-girlfriend kami ni Hayes ay tutol na ang mga ito, hindi ko maiwasang isipin kung paano kaya kapag natuloy ang sinasabing kasal ni Hayes.

Kasal.

Ngayon pa lang ay napapangiti na ako sa tuwing maaala ala ang plano sa amin ni Hayes. Alam kong nmalaking responsibilidad iyon pero sa tingin ko ay handa naman ako roon. Magiging handa ako dahil si Hayes ang makakasama ko.

Alam kong matagal pa iyon, bata pa kami. Marami pang mangayayri at kailangan muna naming patunayan ang mga sarili namin pero hindi pa rin ako makampante.

"Anong oras ang alis mo bukas, Hayes?" pag-iiba ng usapan ni kuya Eubert.

Napakunot naman ang noo ko roon. Sinulyapan lang ako ni Hayes saglit bago ibinalik ang paningin sa kaniyang kapatid.

Aalis siya? Mukhang hindi niya pa nababanggit sa akin.

"I'm still thinking if I should go."

Aalis siya? Papunta saan?

Buong dinner ay hindi ko na tinangka pa na magsalita. Hinayaan ko lang na mag-usap ang magkakapatid patungkol sa business. Hanggang sa hapag ay wala talaga silang takas. Paminsan minsan ay sumasali ako sa usapan kapag nasasabayan ko iyong topic nila.

"Aalis ka? Saan ang punta mo?" Tanong ko nang makasakay kami at nagsimula nang maglakad.

Kanina kasi sinundo niya pa ako nang nakasasakyan dahil galing siya sa farm nila sa Nueva Ecija. Pero kung tutuusin ay walking distance lang ang pagitan ng bahay namin at mansyon nila.

Kapag mga usapang business ay nagkakaroon agad ako ng hinuha na baka may kinalaman ito sa papa niya. Pinapahirapan nila si Hayes. Pati na rin sina ate Shay at kuya Eubert. Ayokong kwestiyunin ang paraan ng pagpapalaki nila Donya Lucianna at Don Nicholas pero namamalian ako sa set-up ng mga ito.

For the past few months, Hayes did nothing but to rant about how cruel is father is. Iyon lang ang palagi niyang kinukwento pero kahit minsan, hindi niya sinabi sa akin na pagod na siya kahit na halatang halata na sa mukha niya na ayaw niya na, tumutuloy pa rin siya.

He looked straight to my eyes."I need to leave."

"Bukas, right?"

He held my hand."Yes. I'm leaving. I'll be going to Aklan. I need to check the status of our business there."

Sobrang lawak ng koneksiyon ng pamilya Espinoza. Inisiip ko nga na baka bawat parte ng Pilipinas ay may pagmamay-ari silang lupa at factory.

"Kailan ang uwi?" Malungkot kong tanong.

Lagi akong ganito sa tuwing aalis siya. Pakiramdam ko nga ay may separation anxiety na ako rito kay Hayes. It's just that, I miss him every day. Iyong tipong kahit magkasama naman kami maghapon, namimiss ko pa rin siya. Parang kulang lagi iyong isang araw.

He bit his lower lip. "After 2 months."

Napatango tango ako. Two months lang. Two months pa bago siya umuwi. Mabilis lumipas ang oras pero ngayon pa lang, pakiramdam ko ay iyon na ng pinakamatagal na oras na mararanasan ko.

Two months. Ibig sabihin hindi siya aabot sa birthday ko?

"I know. I know, it's fucking long. That is why I am still undecided. Believe me, I tried to refus it several times. I want to attend your birthday. I want to be there, but they-"

I cut him off. "Naiintindihan ko."

"I don't want you to be upset, please. You're so quiet," namomroblema niyang sabi.

What I love about Hayes is that he really values my opinions. He always ask me whenever he's struggling with making decision-name it, whether it's about our coffee shop, academics and even the things related to his family.

"I thought I can convince my Dad to let me stay here and he can just send someone in Aklan, " he frowned. "You know him."

I tried to calm myself and understand the situation he's in right now. I nodded. He is still in cage in his father's expectation. So I guess, all my plans for my birthday that included him will be postponed.

He held my hand."I'm sorry."

I tried to smile but I'm just really sad. "Hey, it's okay. Anong oras ang alis nyo bukas?"

"Eight am," nahihirapan niyang sagot.

I nodded. I took a deep breathe.

Tanggap ko naman na aalis sila pero ang biglaan lang kasi. Hindi niya rin sinabi sa akin ng maaga. Pero ano bang magagawa ko? Trabaho niya iyon e. At isa pa, makakatulong din iyon sa kaniya to grow as a man and training na rin.

"I think you should just go home, it's getting late you have a flight tomorrow. Malapit naman na iyong bahay namin. Ayun o!"

He gripped my hand tighter to stop me from walking. I gave him an innocent look and smile. But Hayes just frowned and hug me so tight!

"Seeing you like this, it makes me want to disobey my father." Pilit niyang isinisiksik ang mukha sa aking leeg na animo'y may espasyo pa roon.

Hinampas ko pa siya sa braso. "Call and texts, pwede naman e."

"I can't leave you like this," frustrated niyang sagot."It's fucking long, Layana. Hindi lang kita makita ng isang araw para na'kong mababaliw."

I caressed his silky hair and made him face me. He is pouting too much like a baby!

"I'm okay. I promise I'm okay," paninigurado ko sa kaniya.

"I'm not okay." He hug me again. See how clingy this giant here? He rested his chin above my head and swing our bodies as he we hugged each other.

"May internet naman, ano ka ba. Saglit lang iyon."

"That's not enough for me, Layana," sandali siyang tumahimik."What if magtanan na lang tayo?"

Agad ko na naman siyang pinalo sa braso."Ano bang sinasabi mo?"

Hindi ko na napigilang matawa. Hayes is such a baby.

"Babalik ka rin naman hindi ba? Nasa Pilipinas ka pa rin naman."

Mas lalo itong nanlumo. Para siyang bata na hindi napagbigyan na bumili ng laruan sa mall.

"Pasalubong ko a," pagpapagaan ko ng loob sa kaniya. "You can just call me naman on my birthday."

Nakangiti ako pero nalulungkot din ako sa ideya na wala si Hayes sa birthday ko. Pero kagaya nga ng sabi ko, wala akong magagawa.

Nang dumating ang oras ng flight ni Hayes, pahirapan pa ang pagpapaalam niya sa'kin. Kung hindi lang siya hinatak ni Ate Shay ay hindi talaga siya aalis sa harap ko. Pinaulanan niya din ako nang halik sa harap mismo ng ate nito, nakakahiya.

"I'll be back, I promise."

I smiled. "So...see you in two months?"

He groaned. "Or earlier than that."

Pinaningkitan ko ito ng mata. "Huwag ko lang malaman laman na tinakasan mo ang gawa mo roon a."

I didn't expect that he will roll his eyes to me! I was about to lash out him when he hug me again and kissed my temple.

"I'll miss this...so much." Mas lalo pang humigpit ang yakap ni Hayes. Pinagbigyan ko na lang.

"Take care, love." Ani ko sa kaniya.

I waved my hands to him as he walked towards the arrival area. Panay ang paglingon nito. Hihinto, lilingon, tapos lakad ulit.

"Para siyang tanga sa ginagawa niya," matawa-tawang kumento ni Ate Shay.

Hindi na matanggal ang ngiti ko habang patuloy na kumakaway kay Hayes. I constantly telling him to 'Go' but he also keeps on pouting. Aw, this baby boy.

"He's just a cutie, Ate."

I hear Ate Shay's almost scowling. "You're only saying that because you're inlove with him but in my eyes, he looks so stupid."

Weeks without seeing Hayes is like hell. Hindi na ako nakukuntento sa pagtawag tawag namin. Ito ang mahirap kapag physical touch ang love language e, pakiramdam ko ay hindi ako magtatagal sa LDR. I missed him so much. I miss his clingyness, his touch, his kisses and his warmth.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral kahit na niloloko ko lang ang sarili ko na may natututunan nga ako. Alam kong walang spoon feeding sa college pero sana naman kasi ay magkaroon ng consideration iyong ibang prof. Iyong iba kasi ay puro assignments at report lagi ang pinapagawa tapos hindi pa sila nagtuturo.

"Akala mo naman totoong nag-aaral ka," kumento ni Migo, minsang sumama sa akin sa pagdalaw sa site.

Sinuri nito ang ilang bakal doon sa gilid maging ang mga natapos nang istante para sa mga papatungan ng bulaklak. He insisted to come here just to take a look in the site. Oo nga pala't soon to be Engineer ang isang 'to.

"Eh nakakainis naman kasi talaga iyong gano'n."

"Pagpray mo na lang grades mo," matawa tawa niyang sabi pagkatapos ay tinulungan na ako sa pagbuhat ng mga bungkos ng mga bulaklak. "Dami naman nito. Saan 'to sa burol?"

Piningot ko nga. "Engot. Dami ko lang orders ngayong linggo 'no."

Migo shrugged. "Kung kailan wala jowa mo saka doon maraming orders. Baka may balat sa pwet iyon."

I shrugged. "Ewan. Hindi ko oa nakikita."

Migo laughed. "May balak a?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "So? Sus, ikaw nga balita ko suki ka sa Carmona a. Iyong racing track? Ano ginagawa mo doon? Babae mo?"

Sumipol si Migo at nauna sa akin maglakad halatang iniiwasan ang topic. Hinabol ko siya.

"Totoo, ano? Sino doon ang bet mo? I should ask Lene about it!"

"Gaga! Wala! Wala akong panahon sa mga ganiyan 'no. Makalat lang ako sa facebook pero banal ako sa totoong buhay."

"Banal banal e wala ka ngang alam sa sampung utos ng Diyos!"

He scoffed. "Meron kaya!"

"O sige nga, ano? Magbigay ka!"

Tinaas niya ang pinky finger niya. Tumaas ang kilay ko doon. "Unang una, bawal magselos kapag walang karapatan."

Kumunot ang noo ko. Kalaunan ay natawa ako.

"See! I told you! Meron ka ng babae! Thank you, lord!"

"Kulit mo! Hindi nga! Wala! Ew kaya!" Patuloy niyang pagtanggi.

Napangisi ako at hindi tinantanan si Migo.

Migo and I went to my apartment. He talked to Eka and Lene for a bit before going home to their own apartment. Sayang nga lang at hindi na namin masyadong nakakausap at nakakabonding si Abes dahil halos sa Maynila na siya lagi tumutuloy! Si Hugo naman ay mas lalong naging busy sa basketball dahil siya ang Team Captain ngayong taon.

"Take a rest, Layana. It's almost midnight," sermon ni Hayes nang maggabi. Nakavideo call kami ngayon. Nakahiga na ito, walang saplot na pang-itaas.

I smiled inwardly when I remembered his body in the swimming pool area. It's been a long time since I've seen those biceps...those abs and chiseled chest-

"Your smile is creepy," he interrupted again.

I rolled my eyes to him as I cut the thorns of roses. Pasado alauna y media na pero ito ako, nag-aayos pa rin ng mga orders na idedeliver para bukas.

"What are you thinking, hmm?" He asked huskily.

Talagang sinusubok ako ng Panginoon e. Bakit ba kasi bedroom voice siya ngayon? At tignan mo nga iyan, iyang ayos niya! Sumasabay talaga sa takbo ng utak ko ang pagkakataon.

"Hmm. I'm just wondering kung bakit hindi ka na lang nagswimming club diba?" Edi sana palaging busog ang mga mata ko.

He paused for a moment, getting confused.

Paano ba naman kasi ilang beses lang ata siya sumali sa laro ng basketball tapos nagleave agad dahil nga diyan sa trabaho niya. Kahit isang beses din ay hindi ko na siya nakitang lumangoy ulit sa pool.

I sighed. Ang hirap ng buhay.

"You want me to join?"

Ngumuso ako, abala pa rin sa rosas. "Joining means...you'll get naked all the time right?"

Bahagya ko siyang sinilip sa ipad. He looks so amused. He even licked his lower lip and bit it to suppress his smiles!

"Most probably," he simple said.

Tumango tango ako na parang tanga.

Naiimagine ko na naman iyong malaAdonis niyang katawan. The way his muscle flex everytime he moved his arms and how the water almost sparkled when his body hits the sun. I'm fucking dead!

"Almost done fantasizing me?" Nanunuya niyang tanong.

I cleared my throat. Sinubukan kong samaan siya ng tingin pero ramdam ko ang pamumula ko talaga. Gagi, ang halay ko naman kapag madaling araw. At ito namang si Hayes ay talagang tuwang tuwa pa!

"Ang kapal mo wala ka ngang abs e."

His brows raised in amused way. His eyes looks sleepy but his smiles, damn. "You haven't seen it."

Tignan mo itong taong ito. Hinahamon talaga ako. Pinagtaasan ko ito ng kilay at mayabang sumandal sa upuan ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko.

"How sure you are? Pagtingin nga kung totoo? Ang sabi pa naman sa amin ng prof ko ay need muna ng proof bago maniwala sa sabi sabi."

Mas yumabang din ang tingin nito. Umahon ito kaonti at inayos muli ang pagkakasandal aa headboard.

He squinted his eyes. "You saw it. In the swimming pool. I bet, you enjoyed it."

I scowled making him laughed. "Enjoy? God, Hayes it's just what? I think 5 seconds? How am I supposed to enjoy that?"

He licked his lower lip again. "Not enough, huh?"

I just rolled my eyes at him and get back to my work. Tantanan mo na, Layana. Sarili mo lang ang ilalaglag mo! Baka isipin niya ay pinagnanasahan mo siya noong mga panahong iyon!

"And it pissed you off so much," he concluded.

I concluded. "Hoy, para sabihin ko sa'yo hindi katawan mo ang habol ko sa iyo 'no. Puso, puso ang habol ko."

He mocked me. "Really, huh?"

"Really!"

Echuserang ito. Porket maganda ang katawan amp! Pero totoo naman kasi. Iyong kamay niya lang at mga ugat ugat ang pinagnanasahan ko talaga. Lalo na kapag nagdadrive siya-the way he maneuver the steering wheel, Lord! And everytime he put his other hand at the back of my seat, I really find it so hot. But it did not come to the point that I'm sexualizing him!

"Just wait for me to come home and I'll show it to you up close whenever you want to, " he joked.

Padarang ko tuloy na ibinagsak ang rosas sa mesa.

"Hoy, Hayes!"

Tumaas ang kilay niya. "It's Jo, love or baby. I don't know who you are calling to."

I playfully rolled my eyes.

"Kailan ba? Paki...bili...san."

His laugh echoed the whole room. Napangiti rin ako dahil doon.

He keeps on mocking and teasing me the whole night and we haven't notice that we talked and listen to each other's laugh until the sunrise.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

717K 11.9K 43
Rejections doesn't scare her. Kaya kahit ilang nakakahiyang bagay pa 'yan, basta mapansin lang ng crush niya, gagawin niya. Embarrassment should not...
300K 4.9K 43
"Matandang Mayamang Maagang Mamamatay." That's what the retired Lieutenant and multi-billionaire Frederick San Lorenzo is known for. Despite his weal...
235K 3.6K 43
Elements of Love Series: 1 Aveline Pearl Delgado's life had been marred by her parents' harsh treatment for as long as she could remember. Their crue...
864K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...