Kahit Konting Pagtingin (Book...

بواسطة Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... المزيد

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 26

1.5K 58 17
بواسطة Levelion

Kabanata 26
Sa susunod

"Persis? Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka puma---"

Umiiyak kong nilingon si Wency na nasa pinto ng dorm. Hindi niya naituloy ang sasabihin niya at nanlalaki ang mga mata, marahil dahil sa pagkabigla nang makita niya akong umiiyak dito sa balcony.

"Anong nangyari?" concerned niyang tanong sa akin nang lapitan niya ako at yakapin.

Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat ni Wency at sa yakap niya ay natagpuan ko ang nang-aalong pakiramdam na tuluyang nagpahagulgol sa akin. Sabayan pa nang mga kamay niyang marahang humahagod sa likod ko na para bang sinasabi 'non na ilabas ko lang lahat.

Hindi ako makapagsalita dahil tinatalo ng hagulgol ko ang mga salitang gustong kumawala sa bibig ko.

"Nakipag break ka sa kanya?"

Tumango ako kay Wency. Narito na kami ngayon sa rooftop at parehong nakatanaw sa ibaba.

Kalmado na ako ngayon, pero nasasaktan pa rin ang puso ko at hindi ko alam kung kailan ito maghihilom.

"Why did you do that? Ngayon ka kailangan ni Code. Ang dami niyang problema ngayon."

"At lahat ng iyon dahil sa akin, Wency."

"Bakit ikaw?"

Nilingon ko siya. Nagtatanong ang mga tingin niya sa akin.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila ang totoong dahilan ng ginawang pambubugbog ni Code kay Remington Ynarez. All they know is, hindi gagawin ni Code ang bagay na iyon ng wala itong mabigat na dahilan.

"Dahil pinagsamantalahan ako ni Remington Ynarez, Wency."

Naitakip niya ang isa niyang palad sa kanyang bibig. Nanlalaki na naman ang kanyang mga mata. "Paanong nangyari iyon? Oh my God, Persis!"

Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari upang mas maliwanagan siya. Muli ay inalala ko ang bangungot na sinapit ko sa kamay ng mapagsamantalang producer.

"Napakahayup pala ng producer na iyon. Sa tuwing haharap siya sa press ay para bang inosente siya at napakabait na tao. Magaling lang palang umarte ang animal na iyon!" gigil na sabi ni Wency bago niya ginagap ang kamay ko at pinisil ito.

"Wag kang mag-alala. Nandito kami para suportahan ka, Persis." Wency's eyes is full of determination while saying that. "Lalaban ka kasama kami. Kung lalakasan mo ang loob mo, balewala kung gaano pa kayaman ang lalaking iyon. Makakamit mo ang hustisya."

"Sana nga, Wency. Sana makamit ko ang hustisya."

Hindi naging madali ang pagtulog ko. Mukha ni Code ang pumapasok sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Ang mukha niyang nagsusumamo sa akin upang hindi ko siya hiwalayan. Ang mukha niyang pilit lumalaban, pero pinili kong bitawan.

Kinabukasan ay maagang kumalat sa mga social media ang statement ng pamunuan ng Rise Records ukol sa termination of contract ng Downtown. Bagong tsismis na naman ang pag-uusapan ng marami.

Pagdating ko sa school ay hindi ako nagkamali. Bawat madaanan kong grupo ng estudyante ay iisa ang topic. Ang Downtown. Marami ang natutuwa sa nangyayari sa banda ni Code, ngunit marami rin ang hindi.

Dahil sa bagong issue ng Downtown ay natabunan 'non ang issue tungkol sa love triangle raw namin ni Code at Brayden. Hindi ko lang alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon o hindi.

Tinignan ko ang cellphone ko at muling napabuntong hininga, habang nakaupo ako sa upuan ko at nakapangalumbaba. Simula ng maghiwalay kami kagabi ni Code ay hindi na ako nakatanggap ng text o tawag mula sa kanya, na parati niyang ginagawa.

Bakit pa nga ba ako umaasa na gagawin niya iyon, eh nakipaghiwalay na nga ako sa kanya. Ito ang consequences ng desisyon na ginawa ko. I need to get to it.

Sa ikalawang pagkakataon ay pinakawalan ko na naman si Code Realonda. Siguro, para sa iba ay katangahan ang ginawa ko, pero iyon lang ang naiisip kong paraan para ilayo siya sa kamalasang dinadala ko sa buhay niya.

Hindi ko kayang maging masaya sa piling ni Code, kung nakikita kong nahihirapan naman siya.

"Ms. Buenrostro!"

Kung hindi pa ako kinalabit ni Brayden at pinanlakihan ng mga mata ay hindi ko mapupuna ang masamang tingin ni Professor Sanchez sa akin.

"Y-Yes, ma'am?" nahihiyang tugon ko.

Namaywang ito at tumaas ang isang kilay. "I've been calling your name but you're spacing out. Okay ka lang?"

Dahan-dahan ko siyang tinanguan at saka nahihiyang yumuko.

Katatapos lang ng pangalawang subject namin ngayong araw. Breaktime na namin pero dahil masyado pang mahaba ang oras ay naglakad-lakad na lang muna kami ni Brayden at naghanap ng mapagtatambayan.

Napapikit ako at hinawakan ang aking batok at saka dahan-dahang inikot ko ang aking ulo habang naglalakad kami ngayon sa kaliwang lane na konektado sa plaza mayor. Nalampasan na namin ang fountain at ang Arch of the centuries, natatanaw ko rin sa di kalayuan ang Benavides Statue.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay bigla akong napahawak sa braso ni Brayden. Umikot kasi bigla ang paningin ko.

"Are you alright? You look pale, Persis. Nanlalamig din ang kamay mo."

Kulang ako sa tulog at hindi rin ako kumain ng almusal kanina. Iyon marahil ang dahilan kaya gusto ng bumigay ng katawan ko.

"Maupo na lang muna tayo, Bray." yaya ko sa kanya.

"I think we should go to the clinic."

Inalalayan ako ni Brayden na papunta sa bakanteng bench na pinalilibutan ng mga puno at halaman.

"Pagod lang ako." sabi ko at saka yumuko at itinukod ang siko ko sa aking hita at saka hinilot ko ang aking sintidi.

"Kahit na. Bibigyan ka nila ng gamot doon and you can rest. Teka, hindi ka dapat yumuyuko. Lalo kang mahihilo. Tumingala ka, Persis." Nag-aalalang sabi pa ni Brayden.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Sa halip ay Itinakip ko ang isa kong palad sa mukha ko at saka tuluyang napaiyak.

"Persis, what's wrong? Kanina ka pa wala sa sarili. Ano ba talagang problema? Sabihin mo sa akin."

Nag-angat ako ng tingin. Humihikbi.

"We broke up, Bray at ako ang nagpasya ng lahat."

"Why?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi at muling yumuko at saka nilaro ang keychain ng susi ko sa dorm.

"Kasi pakiramdam ko, dahil sa akin kaya nagugulo ang buhay ni Code. Hindi kami para sa isat-isa, Bray. Isa akong hadlang sa pangarap niya."

"But you love him and he loves you so much."

Nag-angat akong muli ng tingin at mapait na tinignan ko si Bray. "Minsan, mas magandang sundin ang isip kaysa sa puso. Kahit sobrang sakit, kailangan mong tanggapin...kasi iyon iyong tama."

Niyakap ako ni Brayden. Pinilit kong itulak siya dahil hindi tamang niyayakap niya ako sa ganitong klaseng lugar.

"People will see. Baka kung ano na namang isipin nila." nangangambang sabi ko.

"Don't mind them. Just cry, Persis. Let it out."

Para bang hinahatag ng mga bisig ni Brayden ang mga luha ko upang bumagsak ang mga ito at hindi ko napigilang mapahagulgol at saglit na makalimutan ang mga taong maaaring nag-iisip na ng hindi maganda sa akin, sa amin.

Nang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko ay apologetic kong tinignan si Brayden. Nakita ko kasing basa ng luha ko ang kanyang suot na polo shirt.

"I'm sorry, nabasa ko ang---"

"It's okay." nakangiting sabi niya na pinunasan pa ng daliri niya ang natitirang mga luha na naglandas sa pisngi ko.

Kitang-kita ko pa nga ang mga nanghuhusgang tingin ng ilang estudyante sa amin.

"Mabuti pa. Kumain na lang tayo." yaya ni Brayden. "Okay ka na, diba?"

Tumango ako. Agad naman niya akong hinila patayo at saka kami lumabas ng campus.

Dahil ayaw ni Brayden na maglakad kami ng malayo kasi mainit daw at baka mahilo ako ulit. Kumain na lang kaming dalawa sa pinakamalapit na carinderia at pagkatapos ay bumili rin kami ng milktea.

Pabalik na kami sa loob ng school nang mapahinto ako sa paglalakad at mapalingon sa likod. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may sumusunod sa amin.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o napaparanoid na ako, basta nararamdaman ko na may mga matang nagmamatyag sa amin simula pa kanina.

"Something wrong?" tanong ni Brayden na ilang hakbang na ang layo sa akin.

Hilaw ko naman siyang nginitian at umiling bago ko siya patakbong nilapitan at muli ay sabay kaming naglakad papasok ng UST.

Bago kami tuluyang makapasok sa campus ay muli akong lumingon sa likod namin at inilibot ang tingin ko sa paligid.

Baka nga napaparanoid lang ako.


Kumunot ang noo ko nang muling rumehistro sa screen ng phone ko ang isang unknown number. Pangatlong beses na itong tumatawag. Hindi ko ugaling sumagot ng tawag kapag hindi nakasave ang number sa phone ko. Pero sa pang apat na attempt nitong pagtawag sa akin ay nakulitan na ako kaya sinagot ko na.

"Hello?"

"Good afternoon, is this Ms. Buenrostro?"

Oh. Lalaki ang tumatawag sa akin at sa boses nito ay mukha itong karespe-respetado.

"Yes speaking."

"I'm attorney Thamar Osman. I'm Don Leonardo's family friend and his son asked me to help you. Did I disturbed you right now?"

"A-Attorney? Naku po, sorry kung ngayon ko lang nasagot. Hindi ko po alam na kayo pala iyan. Sorry po talaga. Akala ko kasi kung sino kasi hindi nakasave ang number sa phone ko." apologetic kong sabi.

Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. "Palagay ko nga. You must be very tired now. So, maybe we can just meet tomorrow. I want you to tell me everything, Ms. Buenrostro. Para mapag-aralan ko na agad ang case mo at makapag file na tayo ng complaint."

Half day lang ang klase ko bukas. Tamang-tama.

"Can we meet after lunch?"

"Sige."

"Salamat po."



"Sino iyon?" tanong ni Brayden.

"Iyong abugado ko, Bray."

"How I wish, magaling ang abugadong iyan at kaya kang ipaglaban."

"Sana nga talaga, Bray."

"Persis, Brayden. Una na kami." paalam ng dalawa sa mga kaklase namin.

"Sige, bukas na lang." ani Brayden.

"Bye!" ako naman habang kinakawayan ang mga ito.

"Saan na ang punta mo? Uuwi ka na ba? Isasabay na kita." tanong ni Bray.

"Hindi na. May bibilhin ako sa national bookstore."

"Tamang-tama, may bibilhin din ako. Samahan na kita."

Tumango ako at hindi na tumanggi pa sa kanya.

Nagtungo kami ni Brayden sa greenbelt at pagkatapos naming mamili ng ilang school materials ay nag dinner kami sa isang fastfood at saka naglakad-lakad pagkatapos, hanggang sa makarating kami sa ayala triangle garden. Isang malaking park dito business district.

Gabi na ngunit marami pa rin taong nakatambay dito. Ang ilan ay mukhang mga pauwi na rin.

May ilang nagpapicture kay Brayden. Hindi ganoon karami, di tulad ng mga nagpapapicture noon kay Code. Hindi kami nakakapamasyal ni Code ng maayos kapag nagpupunta kami sa ganitong lugar, parati kasi siyang dinudumog. Nakasunod ang mga tao sa kanya, kahit saan siya magpunta. Kahit na nakadisguise siya ay minsan marami pa rin ang nakakakilala sa kanya.

Iyong last time na namasyal kami. Iyon lang ulit iyong time na naging payapa ang pamamasyal namin. Siguro kasi, nahihiyang lumapit sa kanya ang mga fans niya, dahil sa mga kontrobersya na kinasasangkutan niya, pero nararamdaman ko pa rin at nakikita sa mga mata ng ilang tao ang natitirang paghanga nila kay Code, sa pamamagitan ng tanaw nila at pagsunod ng tingin kay Code.

Nakaupo kami ni Brayden ngayon sa damuhan at prenteng naaaliw na pinanonood ang ilang skateboarder na nagpapakitang gilas ng ibat-ibang tricks nila, habang kami Brayden ay umiinom naman ng frappe ng binili namin sa isang coffee shop, sa di kalayuan.

"Persis."

Nawala ang ngiti ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses nang lalaking tumawag sa akin.

Nagpalinga-linga ako at sa likuran ko ay natagpuan ko si Code.

He looks miserably handsome. Nakasuot siya ng ripped jeans at striped na rust polo shirt.

"Let's talk, please." aniya.

Tumingin ako kay Brayden at saka ako tumayo. Nakikita ko ang ilang taong nakatingin sa amin, hindi kasi nakadisguise si Code.

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos na tayo, Code." mahinang sabi ko sa kanya.

"Next week na ang alis namin, Persis. Tell me you don't want me to go and I'll stay here."

"Bakit ko gagawin iyon? Sumama ka sa kanila, Code."

"But---I want to stay with you."

Namumungay at nanghihimok ang mga mata niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nilingon si Brayden.

"Bray, tara na." yaya ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo.

"Hindi. Sasama ka sa akin sa condo." Mariing sabi ni Code na mahigpit na hinawakan ang kamay ko, na para bang ikadudurog iyon ng mga buto ko.

Napangiwi ako. "Code, ano ba? Bitawan mo ako!" pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya.

"Code, nasasaktan si Persis " awat ni Brayden.

Nag-igting ang mga panga ni Code at dinuro si Brayden. "Wag kang makialam dito!" asik niya.

"At wag kang mag eskandalo rito. Dinadagdagan mo lang ang kahihiyan mo." ani Brayden na matigas na nakipagtitigan kay Code.

Tensyon ang nararamdaman ko sa pagitan nila. 

Nanlilisik ang mga mata ni Code nang bitawan niya ang braso ko at saka nilapitan si Brayden at kinuwelyuhan niya ito. Nabitawan naman ng huli ang hawak niyang frappe at ang ilang taong payapang nakaupo malapit sa kinaroroonan namin ay nagsipaglayo rito. 

"Mas gusto mong makasama ang lalaking ito, kaysa sa akin, Persis?" Naroon ang pait sa tono ng boses ni Code.

"Code, bitawan mo si Brayden. Wag kang mag eskandalo rito."

Nanginginig ang mga kamay ni Code at kulang na lang ay mag-apoy ang mga mata niya sa galit, habang nakatingin siya kay Brayden. Pero unti-unti niya rin itong binitawan.

Animo nanonood ng makapigil hiningang palabas ang mga tao na nakatingin sa direksyon namin. Walang gustong makialam o umawat.

"Kung papipiliin ako kung sino ang mas gusto kong makasama. Tama ka, Code. Mas gugustuhin kong makasama si Brayden kaysa sa iyo. Dahil sa kanya, nakakalimutan ko ang problema ko."

"You're just saying that to hurt me." iiling iling na sabi niya. Matabang na ngiti pa ang pinakawalan niya.

"Tara na, Brayden." ako na hinawakan ang kamay ni Bray.

"Why do you have to hurt me like this?" narinig ko ang pagpiyok ng tinig ni Code at ang nakita ko ang pagkislap ng luha sa mga mata niya.

Kinagat ko ang ibaba kong labi sa tanong niyang iyon.

"Para magising ka sa katotohanan, na hindi ako ang tamang babae para sa iyo."







Huminga ako ng malalim pagpasok ko ng sasakyan. Sumandal ako sa upuan at ipinatong ang ulo ko sa headrest.

"You didn't mean it." ani Brayden.

"Of course I don't." nabasag ang boses ko nang tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Pero kung hindi ko sasabihin iyon sa kanya. Hindi niya itutuloy ang plano nila, Brayden at kapag hindi niya itinuloy iyon at mas pinili niya ako. Walang mangyayari sa buhay niya, Bray at siguradong pagsisisihan niya ang lahat balang araw."

"How did you know? Bakit naman pagsisisihan niya kung ikaw ang pipiliin niya, Persis?"

"Because I'm nothing."

"You're wrong. You're a dream, Persis. And for Code, isa ka sa mga pangarap niya."

"Hindi, Bray. Magiging miserable lang lalo ang buhay ni Code sa akin."

"What if...someday, all of these will be your regret?"

"Then I'm doomed. I will forever be miserable."






Kinabukasan ay nakipagkita ako kay attorney Thamar Osman dito sa isang cafe sa España, pagkatapos ng klase ko. Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at ipinaliwanag naman nito sa akin ang maaaring maging takbo ng kaso. Panatag ang loob ko kay attorney Thamar. Siguro dahil pinalalakas niya ang loob ko sa mga sinasabi niya.

"Sinisigurado ko sa iyo na ipapanalo ko ang kasong ito, Ms. Buenrostro. Walang sinumang makakatakas sa batas kapag ako ang lumutas." aniya.

"All you gotta do is tell them the truth and nothing but the truth." hinagod nito ang kanyang baba. "Tignan natin kung ano ang magagawa ng pera niya. I will make that man rot in hell." kumpyansa pa nitong sabi.

Mukhang bata pa si attorney Thamar Osman. Sapalagay ko ay nasa mid thirties pa lamang ito, makisig at magandang lalaki. Mukha rin itong may halong banyaga. Ayon sa kanya ay kaibigang matalik ni Don Leonardo ang kanyang ama at ilang beses na rin niyang nakasalamuha si Don Leonardo.

"I will do everything to help you, Ms. Buenrostro. Just trust me." anito bago kami tuluyang maghiwalay dahil may meeting pa raw siyang pupuntahan.

Pasakay na ako ng grab nang tumawag naman sa akin si Chard upang makipagkita at naisip ko na sa basement parking na lang kami mag-usap, iyon naman kasi ang sadya niya.

Pagbaba ko ng grab na sinasakyan ko ay nagtatakbo akong pumasok sa loob at saka nagtungo sa back door.

Nakita ko agad sa isang gilid ang sasakyan ni Chard na agad kong tinungo. Kinatok ko ang bintana 'non at saka pumasok.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin, Chard?" tanong ko.

"Nasasaktan ng sobra si Code sa ginawa mong pakikipag break sa kanya." anito.

Napabuntong hininga ako. Nasasaktan din naman ako.

"And? Gusto mong tulungan siya na makipagbalikan ako sa kanya? Do you really want us to get back together, Chard? Kapag pinili niya ako, siguradong hindi niya itutuloy ang pagpunta sa Estados Unidos."

"I know. At ang totoo, pabor ako sa ginawa mo, Persis. Natatakot ako na baka iwan niya ang banda. But then, it's hard for us to she him so wretched."

"Makakayanan din niya ang lahat."

"Kung gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon. Pumunta ka sa airport sa lunes. Alas-diyes ang flight namin kaya kailangan mong pumunta roon ng mas maaga, kung maaari ay isang oras bago ang flight namin, Persis."

Sumisikip ang dibdib ko sa isipang aalis na si Code at hindi ko alam kung kailan ko siya muling makikita at sa kung paano ko siya pakikiharapan sa muli sa pagdating ng panahong iyon.

"Hanggang sa muli nating pagkikita." mapait kong nginitian si Chard.

"Salamat, Persis. Pinapangako namin na aalagaan namin si Code, para sa iyo and we will make our dream come true."

Tumango ako.

"I wish you happy." sabi pa ni Chard.








Makaraan ang ilang araw ay kumalat ang balitang pakikipag away ni Code kay Brayden, kasabay ng balitang iyon ay ang balitang nakatakdang lumipad ang banda patungo sa America para roon ipagpatuloy ang kanilang karera sa musika.

At ngayon ang araw ng pag-alis nila ni Code. Sinabi ko iyon kay Brayden kaya pareho kaming humahanap ng tiyempo ngayon na makaalis sa klase dahil nag insist siyang samahan ako sa airport.

"Ma'am, may I go out." nakangising sabi ng professor namin na saglit na napatigil sa pagsasalita sa harap.

Pag-alis ni Brayden ay nagpatuloy ang professor namin sa lecture nito. Ako naman ay hinihintay si Brayden na mag message sa akin upang iyon ang maging senyales ng pag-alis ko.

Brayden:
Nandito na ako sa tapat ng gate, Persis. Hintayin kita.

Kinakabahang lumunok ako at saka huminga ng malalim.

"Ma'am, cr lang po ako." paalam ko.

Tinanguan ako nito at saka pasimpleng hinablot ang maliit kong backpack at dali daling lumabas ako ng classroom namin.




"Bray, bilis! Baka hindi na natin maabutan." apura ko sa kanya.

"Calm down. Kahit naman maabutan natin sila. Hindi mo naman lalapitan, eh." aniya.

"Basta. Ang mahalaga, makita ko siya kahit sa huling sandali."

Mag-aalas nuebe na nang makarating kami sa NAIA. Hinihingal pa ako sa pagtakbo mula sa entrance ng terminal at mula sa malayo ay natatanaw ko ang Downtown na isa-sa ng pumapasok sa loob ng airport. Maraming fans ang nag-iiyakan habang nakatayo sila sa barandilya. May mga hawak na banner at kumakaway sa papaalis na banda.

Hindi ko pinigilan ang mga luha ko nang bumagsak ang mga ito, habang tinatanaw ko si Code na nagpapalinga-linga sa paligid. Tila may hinahanap. He looks so sad.

Kinalabit siya ni Gervin na nagpaharap sa kanya sa mga ito at saka tuluyan na itong pumasok sa loob ng terminal.

"Babalik din siya. Magkikita rin ulit kayo." ani Brayden na tinapik ang balikat ko.

Nanatili lang akong nakatingin sa entrance ng terminal. Nanlalabo ang mga mata dahil sa luha.

"At siguradong sa pagbalik niya. Hindi na pag-ibig ang meron siya para sa akin. Siguradong sa susunod na pagkikita namin ay kinasusuklaman na niya ako, Brayden."

Itutuloy...

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

12.4K 1K 50
"INFINITE" *SUNGGYU-THE BOSS *WOOHYUN-THE PILYO *MYUNGSOO-THE ICE KING *SUNGYEOL-THE HAPPY VIRUS *HOYA- THE CASSANOVA *DONGWOO- THE GOODBOY *SUNGJONG...
276K 7K 52
Nagsimula ang pagkahumaling sa musika ni Amybelle Buencamino, nang minsan siyang magbakasyon sa Ashralka at masaksihan ang taunang battle of the band...
226K 6.2K 53
Fantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life...
28.9K 738 54
Adolescents Ardour #2 How would you know if you are falling in love? What risks are you willing to sacrifice for your loved ones? Kahit ikakasama mo...