The Probinsiyana (COMPLETED)

De Liliesinsky

90.9K 4.1K 170

Sa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa aki... Mai multe

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
EPILOGUE

Kabanata 28

1.2K 70 1
De Liliesinsky

"He's dangerous Chels." Pigil sa paglalakad ko na sabi ni Clane.


Hinarap ko siya saka tinaasan ng kilay . "Alam mo Clane nirerespeto ko na parang kapatid na ang turi mo sakin pero hindi naman tama iyong pagsalitaan mo ng ganoon si Third. Ako ang pumayag na magpaliwag at ako ang may karapatan kung magtitiwala ako sakaniya o hindi. Clane masaya ako kapag kasama ko siya sana maging masaya kadin sa amin kahit na ayaw mo, just try it." Niyakap niya ako at hinarap para punasan ang mga luha sa aking nga mata na dumadaloy na sa aking pisngi.

"Fuck! what is your problem man?"
Bigla nalang tumilapon sa isang banda si Clane ng suntukin nalang siya ng agaran ni peste

"Akala ko ba bibili kalang ng tubig? bakit magkasama kayong dalawa ha? Hintay ako ng hintay doon iyong hinihintay ko pala may kasama ng iba!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.

Hinawakan ko siya sa kamay pero mabilis niya iyong tinabig "Don't touch me! Sinungaling ka!"

"Third please let me explain mali ang nakita mo" Pero hindi siya nakinig sa akin. Tuloy-tuloy itong umalis sa amusement park at iniwan ako mag-isa.

"Kasalanan ko ito, pasensiya na Chels" Hinging paumanhin naman na sabi ni Clane matapos makatayo.


"Wala kang kasalanan Clane, mauna na ako kakausapin ko muna siya bye Clane!"


Tinanguan lamang ako ni Clane saka na ako tumakbo para maka-uwi na pero papasok palang ako sa isang jeep ng may mahagip na ang mga mata ko. Hindi siya 'yon.


Hindi maaari,  kasama ko palang siya kanina.


Kamukha niya, hindi...hindi siya si Third ko


Sumakay na ako sa jeep para makadating agad sa bahay nila at makausap siya


"Oh hija ang aga mo ngayon?" Bungad sa akin ni Manang dory pagkapasok ko palang sa may living room.


"Si Third po ba manang umuwi na?" Nagtataka naman itong tumango sa akin.


"Nasa kwarto na kanina pa hija" Pagkapunta ko sa kwarto niya nakalock kaya naman kumatok ako. Ilang beses akong kumatok bago niya binuksan iyon.

"Chiechie?" Gulat na tanong nitong sabi sa akin. Anong nangyari sa baby?

Shit! bakit ako nasasaktan ng ganito!


"Pwede ba tayong mag-usap? Pakinggan mo muna ako bago ka magalit please..." Pagmamakaawa ko sakaniya


Niluwagan niya ang pagkakabukas ng kaniyang pintuan sa kwarto saka ako pinapasok.

Agad ko siyang niyakap na kinagulat na naman niya. "I'm sorry kung nakita mo kami ng ganon ni Clane...concern lang naman sa akin ang kaibigan ko eh kaya sorry hindi naman kami naglalandian kinausap lamang niya ako." Hinagod niya ang bujok ko saka ako hinalikan sa aking noo.


"It's okay kilala ko naman si Clane at hindi gagawa ng ikakasakit ko ang lalaking yon. I un derstand..." Ha? humiwalay ako sa pagkakayakap sakaniya at saka hinarap siya. Anong nangyari sa peste na pinagsasabihan iwasan si Clane?


"Anong sabi mo? Ikaw at si Clane hindi gagawa ng ikakasakit mo?" Mabilisan naman itong tumango sa akin at niyakap ako ulit.


"I miss you so much Chels." Ano? What the hell is happing right now?


"Oo saka matagal konang kaibigan si Clane hindi moba naalala na pinakilala ka niya sa akin?" Ha? anong pinagsasabi niya?


"Pero kakakita mo palang kay Clane ng isang araw, Third." Nginitian ako nito saka ginulo ang buhok ko.

"Don't joke around Chiechie dahil matagal na kaming magkakilala ni Clane at siya ang nagpakilala sayo sa akin kaya naman niligawan kita ng una palang kitang makita. Hindi mo ba natatandaan na panay ang busted mo sa akin noon?"


Anong pinagsasabi niya? Panay ngiti niya ng tipid sa akin saka pumipiling na para bang hindi makapaniwal sa mga pinagsasabi ko.


"Third isang buwan palang tayo at kakaligaw mo palang sa akin 4 months ago. Anong nangyayari sayo? Bakit hindi mo alam, eh napakasaya mo panga ng mga araw na sinagot kita sa court diba?  noong kinalaban niyo sila Jae?" Gulat naman itong napailing-iling sa akin saka ako hinawakan sa dalawa kong braso.


"Kakabalik ko palang kaninang madaling araw galing US. Chiechie at ni minsan hindi mo ako sinagot dahil tingin mo sa akin hindi mapapagkatiwalaan. Palagi mo akong binabasted kasi akala mo hindi kita seseryosohin." I shook my head as a respond to him and run away. Bakit bigla nalang siya naging mabait?


Bakit bigla nalang siya nagbago?


Anong nangyari sayo peste?


Anong nangyari sa peste na minahal ko? Bakit ang labo mong kausap at hindi nagtutugma ang ating mga kwento sa isa't isa?


Bakit ang daming bakit na hindi ko magawang masagot?


Ito naba ang kinakakatakutan kong mawawala kana sa akin dahil unti-unti kanang nagbabago?


Nag-usap lang kami ni Clane pero tilabay hindi mo na ako kilala.


At bakit para bigla nalang nagbago ang mukha mo sa aking mga mata?


"Nag-usap na kayo ni Third, hija?" Tanong sa akin ni manang dory pagkababa ko.


"Opo pero ang weird niya kaya babalik nalang po ako bukas manang." Nagbow ako sa harapan niya saka na tumakbo papalabas ng marinig kong may tumawag sa akin.


"Chelsie?" Putlang sabi sa akin ni Third.


Ano-ng?


Hindi naman siya lumabas sa kwarto niya ha? 


Oh dahil baka hindi ko lang siya napansin?


At sa back door siya dumaan at akala niya naka alis na ako kaya naman nasa harap siya ng gate ngayon?


Pero imposible!


Napaka imposible!


"Anong ginagawa mo dito?" Hindi mapakaling tanong nito sa akin at patingin-tingin sa aking likod.


"Nag-usap palang tayo kanina Third para kang nakakita ng multo diyan!" Sigaw ko sakaniya at magsasalita pa sana ako ng may bigla nalang lumabas sa Taxi na magandang babae at nakataas ang kilay sa akin.


"Babe why this girl is calling you Third? care to explain this to me?" Babe?


"Chiechie! Mag-uusap tayo ang tagal kong naw-ala Thunder?" Thunder?


"Third? fuck! What are you doing here?"


Third? Thunder?


Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Bigla nalang nag-unahan ang luha na kanina kopa pinipigilan.


Third?


 Thunder?


Pinaglaruan nila ang ang nanahinimik kong puso.


"Baby let me explain please, here me out first..." Tinulak ko siya dahilan para masagi niya ang kauha niya dahil hindi ko kayang tawagin siya sa pangalan kung saan niya ako niloko.


"Chiechie please let me explain... I didn't know his plan." Pinakatitigan ko siya.


Ang Third na totoo at ang Third na si Thunder na nakilala at minahal ko.


Bakit hindi ko napansin na magkamukang-magkamukha silang dalawa?


"Their twins girl at isa din ako sa mga pinaglaruan ng dalawang yan pero palaging naglalaro ay iyang si Thunder na nakilala mong Third pero tingnan mo tinggap ko pa din siya dahil mahal ko eh." Umiling ako saka na tinalikuran sila



Continuă lectura

O să-ți placă și

299K 7.9K 51
Kester has everything. He is living on his own and never needed help from others even from his parents. He managed to stay firm to his ground. Money...
259K 5.4K 39
Isang babaeng probinsyana ang mag ta-trabaho sa Manila, para sa pamilya. Hindi nya alam na ipag kakasundo pala sya sa amo ng anak nya para lang ito a...
63.7K 1.1K 36
To Married to Unmarried Could she still forget everything Or Could she's having a revenge Would she come back once Or Not but would you believe tha...
19.8K 950 28
Rishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When...