One Rebellious Night (GLS/Del...

By jonaxx

19.4M 656K 497K

GLS second generation. 1 of 3 More

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25

Kabanata 22

728K 26.2K 44.1K
By jonaxx

Kabanata 22

Answer


We woke up at the sound of the door bell. Dumilat ako at nakitang nagmamadali na siyang magbihis.

"Who's that?" I dropped the question before I realized who it might be.

Pupunta nga pala ang pamilya ni Royce ngayon! Madaling araw na kaming umuwi at siyempre, hindi naman natulog kaagad!

Nasa kuwarto ako ni Royce ngayon. Pareho kaming kagigising lang. We took a bath after the first round so we are presentable naman. Kaya lang, magulo pa ang buhok niya at halatang kagigising lang.

"Tiya mo!" sabay balikwas ko sa kama niya.

Pumunta siya sa banyo at nagmamadaling magtoothbrush. Meanwhile, I rummaged his closet for some of my clothes. Hindi ako nakapaghanda pero makakahanap naman ako ng presentable rito

Nakakita ako ng maayos naman na short sleeves button down dress.

Royce is wearing a simple t-shirt and sweatpants. Sa bagay, nasa bahay lang naman kami kay ayos lang kahit ano.

"I'll get it," aniya pagkatapos mag door bell ulit.

I nodded and proceeded to his bathroom to wash up and change my clothes. May toothbrush ako rito kaya doon ko na ginawa ang lahat ng paghahanda.

Nagmamadali ako dahil siyempre tanghali na. Baka ano pa ang sabihin ng Tiya at Tiyo niya kapag nakitang sobrang tagal kong magising! At siguro naman nag explain na si Royce kung bakit ganoon.

Lumabas ako sa kuwarto ni Royce na nakapagbihis at maayos na ang itsura. Nag-angat ng tingin ang kung sino sa sofa at nahanap niya agad ako. Kita lang kasi ang sala galing sa kuwarto. Nakatunghay iyong landing sa industrial chandelier ng sala.

Nagulat ako nang nagkatinginan kami noong nag-angat ng tingin. Her jaw dropped and I can hear their voices talking. It was Lavender Soledad who first saw me.

I cleared my throat before proceeded to the stairs. Pababa ako nang narinig si Royce.

"Si Sky, Tiya..."

"Sky! Magandang tanghali..." ang Tiya sabay tayo at salubong sa akin sa hagdanan. "Nakuwento ni Royce na natagalan kayo ng gising dahil may nilakad kayo kagabi?"

I hugged his Tita. Nakatayo naman sa likod ang Tiyuhin ni Royce. He's a tall and thin man with glasses. Nakangiti. Pero hindi nagtagal ang tingin ko. Dumapo agad ito sa pangatlong kasama nila, si Lavender Soledad na nasa sofa ngayon at umaambang tatayo.

Bakit siya nandito? Is she family? Definitely not, right? But...

"Ah. Opo. Pasensiya na po."

"Buti na lang naka-order pala si Royce para ngayon. At nagdala naman kami ng pagkain din..." sabay ngiti ng Tita ni Royce.

Nag doorbell ulit. Nagpaalam agad si Royce na buksan dahil mukhang iyon na raw ang pina-deliver niya.

"Tulungan na kita," Lavender Soledad's voice echoed.

"Ah... Ito nga pala si Lav."

Napigilan ito sa pagsunod kay Royce dahil sa tawag ng Tiya. Ngumiti ako pero may parte sa isip kong hindi ko mawari.

"Lav, nagkakilala na ba kayo ni Sky?"

"Uh, nagkita na po kami, Tiya."

"Itong si Royce talaga... Asawa niya, hindi pinakilala sa'yo? Anyway... Sky, si Lav. Kaibigan ni Royce."

Kaibigan pala. Ba't siya nandito? Pamilya 'to, ah?

I held out my hand.

"Schuyler Rockwell," pakilala ko. "Or Sky..."

"Nice to meet you." She smiled.

She's pretty. Matangkad at pormal. Tingin ko rin ilang beses ko na siyang nakita. Siguro madalas siya sa kompanya. She's wearing a white formal dress now and she looked very sophisticated. Hindi makapal ang make up pero lutang naa lutang pa rin ang ganda niya.

Diniretso ni Royce ang pagkain sa kusina. Nagmano ako kay Tito pagkatapos kong maipakilala kay Lavender.

"Excuse me, tulungan ko lang si Royce sa kusina..." she said and proceeded to walk towards the right door.

Naisip ko tuloy... madalas siguro siya rito. Mukhang alam na alam niya ang mga... pasikot-sikot.

"Kumusta ka naman? Kumusta ang biyahe n'yo? At... trabaho?"

Inusisa ako ni Tiya sa sala. Hindi ko magawang magconcentrate sa pinag-uusapan dahil lumilipad ang isipan ko sa kusina. Si Royce at Lavender ang nandoon. May pinag-uusapan kaya sila? Ano naman?

Bakit ba kasi siya nandito? Hindi ba pang pamilya 'to?

I was so uncomfortable. Hindi ko madiresto ang mga sagot ko katitingin ko sa kusina. Hindi rin ako makahanap ng tiyempo na magsabing pumunta kami roon dahil tuloy-tuloy ang usisa ni Tiya.

"Anong sa'bi ng parents mo nang nagpunta sila rito?"

"Okay lang po..."

Biglang lumabas si Royce galing sa kusina. I swallowed hard and my heart skipped.

"Tiya, dito na po kayo mag kuwentuhan at may tanghalian na po."

Buti na lang!

Dumiretso na kami sa kusina at naabutan ko si Lavender na nag-aayos ng mga kubyertos. It was done in a nice way, like how my mom does it. I know how to do those things too, lalo na dahil mahilig ako sa designing pero talagang naunahan niya ako ngayon.

"Ang galing mo talaga sa table setting, hija, Lavender..." si Tiya.

Tumawa si Lavender. "Basics lang, Tiya..."

"Naku, ako hindi marunong sa ganyan!"

Naupo si Royce sa kabisera. Ako naman sa gilid niya at ayon kay Tita, si Lavender ang dapat na umupo sa kabilang gilid ni Royce. Tumabi si Tiya sa kanya at si Tiyo ang katabi ko.

I felt very uncomfortable that she's in front of me and she's beside Royce. I really felt the waves of bitterness inside of me. Kahit maliit na bagay lang naman iyon. Posisyon lang naman sa pagkain. At ngayon, hindi lang sa kanya pumapait ang sikmura ko. Pati na rin sa Tiya ni Royce...

Yumuko ako at tiningnan ang mga pagkain.

"This looks good," puna ko sa order ni Royce na pasta.

"Gawa ko 'yan. Nagdala kami ng pagkain dito..." inunahan ni Lavender.

"Oh... Well... it looks good!" sabi ko.

She smiled. "Thank you."

"Masarap talaga 'yan. Magaling magluto si Lav ng lasagna. Kuha ka, hija!" Tiya encouraged me.

"Oh... Opo..."

"Gusto mo ba?" Royce smirked. "I'll get you some."

Siya na ang kumuha noong serving spoon at naglagay sa pinggan ko. Pipigilan ko sana siya pero kinausap naman ako ni Tiya.

"Ikaw ba hija, marunong magluto?"

"Hindi pa, Tiya. Pero gusto niya namang matuto kaya ayos lang. At abala din kami sa trabaho kaya minsan, breakfast lang ang naluluto rito," si Royce.

"Siguro hindi ka sanay. You're a Rockwell. Marami ka sigurong taga sunod na kasambahay."

Well, that's true but I hate to admit it.

"Naku, oo nga pala!"

"So sinong nagluluto ng breakfast, Royce?" si Lav habang kumukuha rin ng pagkain niya.

"Siyempre ako..." Royce smirked at her.

Parang may pumilas sa puso ko nang nakita ang ngitian nila. Kumain na lang ako sa nilagay ni Royce sa akin. Masarap pero unang subo pa lang, wala na akong gana.

"Everyday?"

"Si Sky naman ang naghuhugas ng pinggan kaya walang problema," Royce chuckled and looked at me.

"Marunong ka palang maghugas ng pinggan, hija..."

"Opo. Marunong naman pong maglinis din," sabi ko at uminom ng tubig.

"Eto kasing dalawang 'to, halos kami na ang nagpalaki ng Tiyo mo..."

Lavender chuckled and looked at Royce. Royce smiled at her then looked at her Tita.

I swallowed hard and nodded. Nag-angat muli ng tingin kay Tiya.

"Tinuro talaga namin sa kanila ang paglilinis at pagluluto kasi siyempre, hindi naman kami laging nandiyan. Paano kung sila na lang ang maiwan? Walang kasambahay at walang pera kaya mas maganda na marunong sila sa gawaing bahay nang mabuhay sila kahit wala kami."

Alam ko namang pangaral iyon pero bakit na-o-offend ako? Bakit parang sampal sa pagpapalaki sa akin? Na maraming kasambahay at marangya na hindi na kailangang matuto na maglinis o magluto dahil may gagawa naman noon para sa akin. My parents are always there for me. And if they're gone, we have the money to make everything work for me.

"Parehas kasi silang maagang naulila rin."

"Tiya, ganoon talaga kasi mahirap lang tayo. Pero kahit naman ako, kung magkaanak na ngayong kaya ko silang mapalaki ng mas magaan ang buhay, gagawin ko rin iyon."

"Maayos din naman tayong napalaki? Mas okay nga iyon dahil marunong tayo sa buhay. Yumaman man o humirap, walang problema dahil kaya natin," si Lavender.

"You've got a point but I certainly won't let my daughter cook something on the kitchen when she's younger. At maghihintay lang ako kung kailan niya gustong matuto. Ganoon siguro sa mga Rockwell, Tiya..."

"Uh... Oo. Actually my brothers know the chores. Lalo na dahil pareho silang nakabukod ngayon," bawi ko.

"So... that means you can learn the chores if you want to, right?" si Lavender Soledad.

Hindi ko talaga alam kung bitter ba ako o may kakaibang kahulugan iyon.

"Yeah. Natuto din naman ako ng kaunti pero hindi lang talaga kailangan... sa bahay."

Royce chuckled. "Dito mapipilitan siyang maghugas ng pinggan dahil kaming dalawa na lang."

Nagkatinginan kami. I smiled a bit, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Baka pagkatapos ng ilang buwan, kukuha na talaga kami ng kasambahay."

"Ayos pa naman. May tagalinis naman at nakakapaghugas naman ako ng pinggan."

"'Yong dating tagalinis mo, Royce?" si Lav.

So she really comes here?

Naisip ko tuloy ang nangyari kagabi. Nasa kuwarto niya kami. Hindi kaya... doon din sila ng babaeng ito?

Wait... why am I thinking about them? They're not doing that, right? They're just friends!

Damn it! What's wrong with me, why am I so bitter?

Pero paano iyong mg articles na nagsasabing si Attorney Lavender Soledad ang girlfriend ni Royce? Bakit ganoon 'yon? Siyempre hindi ako magiging asawa ni Royce kung sila nga. At ngayon... nandito siya!

The conversation continued. Ilang oras yata kaming nandoon para pag-usapan ang trabaho at kung ano ano pa. Napag-usapan din namin ng kaunti ang kabataan nila.

Lavender Soledad is Royce's childhood friend. Halos sa kanila na tumira si Lav dahil malapit lang ang bahay nila kina Royce. They grew up together so naturally she knows so many intimate things about Royce.

Pareho sila ng highschool at nagsumikap din si Lav na makakuha ng scholarship para pareho sila ng college ni Royce. I wonder then if they had any relationship more than friends?

"Hindi ka ba nagulat, hija?" si Tiya na tinutukoy ang kasal namin kay Lavender.

Binaba ni Lavender ang iniinuman.

"Hindi naman po, Tiya. Alam ko naman po ang mga plano ni Royce. Kaya hindi na ako nagulat sa kasal nila ni Sky," sabay ngiti niya sa akin.

Ni hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi.

"I understand, Tiya... Biglaan lang din talaga ang desisyon ko."

"Oo nga. May nababasa pa ako sa balita pero spekulasyon lang naman iyon. At hindi mo naman ugali iyon..."

"Na ano po?" si Royce.

"Na... para sa negosyo lang daw ang kasal," tumawa pa si Tiya.

My heart skipped a beat. Nakita ko ang angat ng tingin ni Lavender sa akin.

"Hindi po totoo 'yon," Royce lied.

"Iyon na nga, e. Mga tao talaga... kung ano ano ang mga sinasabi."

"Marami rin kasi ang nag-aabang na bumagsak si Brandon Rockwell, Tiya, kaya ganoon."

Royce sighed. "Lahat naman ganoon kapag nasa tuktok, Lav."

Lav... That sounds like my endearment to him. Love... I call him that but he can't call me the same.

Yumuko ako at tahimik lang.

"You know that, right?" Lavender asked and looked at me.

"Ah. Oo. Ganoon talaga sa negosyo..."

I volunteered to wash the plates. Nagkahiyaan pa kami ni Tiya pero sa huli sinabi ni Royce na ako na ang bahala.

I started washing them manually when he suddenly stood beside me to wash the spoon and fork.

"Ako na nito. Doon ka na sa sala..." sabi ko.

He chuckled. "Mas mabilis kapag tayong dalawa."

"Nakakahiya naman sa bisita. Wala ni isa sa atin ang nag ientertain. SIge na..."

Nagkatinginan kami. There's a ghost of a smile on his lips and his eyes were narrowed indulgently.

"No..."

"Royce..." saway ko.

"Royce, tawag ka ni Tiyo..." si Lavender na nasa likod pala yata namin.

"Oh?"

Royce washed his hand and wiped.

"Balikan kita dito," bulong niya bago ako iniwan doon.

Nilingon ko si Lavender at nakitang nagliligpit pala siya ng tirang pagkain. I sighed.

Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinggan nang lumapit si Lavender sa akin. Tumabi siya. She eyed the now done spoon and fork. Si Royce ang naghugas noon kanina. Sinulyapan ko siya bago ko nilapag ang mga baso.

"Ayos lang. Ako na rito," sabi ko sabay pakita niya sa tinidor.

Nagulat ako at natigilan.

"May sabon pa. Hindi ka pala marunong..."

"Uh..." Tiningnan ko iyon at mayroon nga. "Si Royce nito. Hindi niya siguro naayos..."

"Hmm..." she snorted and washed the remaining spoon and fork again.

Bago ko pa siya mapigilan ay nagsalita na siya.

"Pumunta kayo sa bar kagabi? Uminom?"

"Ah... Oo."

Sinabi pala ni Royce. I thought he only answered vaguely.

"So when do you plan to stop drinking?"

"H-Huh?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ba alcoholic ka? Dapat umiwas ka sa alak."

"I'm not alcoholic."

"Oh yeah? Did you have yourself checked by a professional para sabihin na hindi ka nga addict?"

Naiirita ako. Hindi ko alam kung bitter ba ako o ano pero naiirita na talaga ako.

"No. But I know I'm not."

"You're not a professional. You can't diagnose yourself."

Nilagay niya ang mga hinugasang kutsara at tinidor sa tabi ng mga bread knife. Nagpunas na rin siya ng kamay at ngumiti sa akin.

"If you really want to get out of this relationship with him, then get it over with and clean your name. Fast. Dahil hindi na rin siya natutuwa sa nangyayaring 'to. Nakakasakal."

What? She knows?

She smiled. "You are using him to cover you up, right? To make you look sophisticated cuz your image was trash."

"What did you say?" mariin kong tanong.

"I'm just saying that the faster you accept your sitauation, the faster your problems are solved. Pareho n'yo namang ayaw 'to... Ikaw na lang ang hinihintay niya. Kung umayos ka, saka lang siya makakawala..."

Hindi ako makapaniwala na alam niya. Marami naman ding nakakaalam sa pamilya ko pero...

"So stop being an addict and have yourself medically checked... maybe in some exclusive instution or something," she said suggestively. "And then let him go..."

Sa kaba ko, hindi ako makahanap ng mga salita. Pero dahil nainis ako sa ngising iginawad niya at sa tono niya kanina, nabawi ko ang sarili ko.

"Bakit? Nag-aabang ka na makawala siya?" nagtaas ako ng kilay at sumilay ang ngisi sa labi ko.

Napawi ang ngisi niya.

"Are you done?" I heard Royce call.

"Excuse me. Kausapin ko lang si Tiya, Royce. Magaling pala si Sky maghugas ng pinggan."

Royce chuckled. "That's her talent," he joked.

Pero nagtagal na sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Lavender. And I knew the answer to my own question, even if she didn't really confirm it.

Continue Reading

You'll Also Like

96K 3.3K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
722K 36.9K 20
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
385K 5.2K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...