Tell Me Where It Hurts

By SiMarcoJoseAko

26.6M 636K 112K

For Ara Angeles, the plan is to live the simple, ordinary life she's been living in Batangas-to study hard an... More

Bachelor Stories Series 5: Tell Me Where It Hurts
Kabanata II - Rancho De Montemayor
Kabanata III - Unang Halik
Kabanata IV - Ang Nakaraan
Kabanata V - Kaarawan
Kabanata VI - Adobo
Kabanata VII - Gusto
Kabanata VIII - Yakap
Kabanata IX - Kubo
Kabanata X - Iwasan
Kabanata XI - Goto
Kabanata XII - Baby
Kabanata XIII - Date
Kabanata XIV - Trabaho
Kabanata XV - Girlfriend
Kabanata XVI - Iniiwasan
Kabanata XVII - Akala
Kabanata XVIII - Muntikan
Kabanata XIX - Bakit?
Kabanata XX - Maynila
Kabanata XXI - Tayo na
Kabanata XXII - Noah at Allie
Kabanata XXIII - Rules
Kabanata XXIV - Komportable
Kabanata XXV - Privately
Kabanata XXVI - Nahulog
Kabanata XXVII - Alagaan
Kabanata XXVIII - Mahal kita
Kabanata XXIX - Kwintas
Kabanata XXX - Regalo
Kabanata XXXI - Kasal
Kabanata XXXII - Unknown Number
Kabanata XXXIII - Nanlalamig
Kabanata XXXIV - Party
Kabanata XXXV - Durog na durog
Kabanata XXXVI - Kakalimutan
Kabanata XXXVII - Panibagong Simula
Kabanata XXXVIII - Welcome Party
Kabanata XXXIX - Boses
Kabanata XL - Muling Pagtatagpo
Kabanata XLI - Samuel
Kabanata XLII - Bagong Presidente
Kabanata XLIII - Mensahe
Kabanata XLIV - Dinner
Kabanata XLV - Hinala
Kabanata XLVI - Rebelasyon
Kabanata XLVII - Nagmamakaawa
Kabanata XLVIII - Mother's Love
Kabanata XLIX - Kasunduan
Kabanata L - Bagong Bahay
Kabanata LI - Papa
Kabanata LII - Kulang pa ba?
Kabanata LIII - Heena
Kabanata LIV - Get in
Kabanata LV - Happy Birthday!
Kabanata LVI - Our Room
Kabanata LVII - Hindi na ako
Kabanata LVIII - Iniisip
Kabanata LIX - Binuhat
Kabanata LX - Maramot
Kabanata LXI - Stay
Kabanata LXII - Resignation
Kabanata LXIII - Takot na takot
Kabanata LXIV - Nasasaktan
Kabanata LXV - Rason
Kabanata LXVI - Saglit lang
Kabanata LXVII - Hindi pwede
Kabanata LXVIII - Ako na lang
Kabanata LXIX - Ospital
Kabanata LXX - Ang Pagtatapos
Epilogo
Author's Note

Kabanata I - Simula

572K 9.9K 1K
By SiMarcoJoseAko

Napatulala ako sa isa sa mga lalaking ipinakilala ng emcee sa harapan. Ngayon ko lamang siya nakita pero parang matagal ko na siyang kilala. Pinagmamasdan kong mabuti ang bawat galaw niya. Ang pagkumpas ng kanyang mga kamay, ang bawat pagbuka ng kanyang bibig, at kahit ang pag-alon ng bagsak niyang buhok sa tuwing gumagalaw siya ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Napakaperpekto niyang tingnan sa aking paningin. Aakalain mong isa siyang modelo sa isang sikat na magazine dahil sa tindig niya. Hindi ko alam na mayroon pa lang lalaki na maamo ang mukha pero maangas pa rin ang dating.

"Ano ba, Ara? Marami pa tayong gagawin! H'wag kang tumunganga d'yan!" Nabali lamang ang pag-iisip ko nang magsalita si Glenda sa tabi ko. Mabilis akong kumilos at agad na pumasok sa loob.

"O, itong mga 'to, serve n'yo na sa labas," ani Klara sabay abot sa akin ng mga baso na mayroong lamang alak. Tumango lamang ako at nagmadaling lumabas. Marami nang tao at dapat lamang na alerto ka dahil kaunti lamang na pagkakamali ay mapapansin ka na agad. Mabilis naman na nauubos ang mga alak na sinerve ko sa mga bisita.

"Give me a drink." Bigla akong natigilan nang lumapit sa akin ang lalaking kanina lang ay tinititigan ko. Sigurado akong siya 'yon dahil kanina ko pa siya tinititigan. Mabilis lamang niyang kinuha ang natitirang baso ng alak sa tray na hawak ako at agad na pumasok sa loob ng mansyon ng mga Montemayor. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakakita nang ganoong kagwapong lalaki.

Bumalik ako sa loob para tingnan kung mayroon pa akong gagawin. Buti na lamang at marami kaming katulong dito dahil hindi ata kakayanin ng sampung katulong ang mga gawain dito. Hindi rin kasi biro ang laki ng mansyon kaya marami ang kailangang trabahador. Sa tingin ko, lagpas labindalawa kaming mga katulong ang nagtatrabaho sa mansyon.

"Ara, nakita mo ba kanina 'yong mga Montemayor? Ang gu-gwapo!" kinikilig na sabi ni Glenda sa akin. Umirap naman ako sa hangin habang maayos na isinasalansan ang mga gamit na plato sa lababo. Pinili ko na lamang na tumulong sa pagliligpit dahil baka mamaya ay himatayin na ako kapag muli ko siyang nakita.

"Kung nandoon ka lang talaga kanina, mapapatigil ka sa ginagawa mo. Naroroon sila sa isang lamesa at grabe lang talaga ang mga karisma nila. Naku, kung may hihilingin lamang ako sa itaas, isang Montemayor na!" dagdag pa niya at tinulungan na rin niya ako sa aking ginagawa.

"Akala ko ba ayaw mo sa mga mayayaman?" Lagi niya kasing iginigiit sa akin na ayaw raw niya sa mga mayayaman dahil mga matapobre daw ang karamihan sa mga ito.

"Gaga ka, sino'ng aayaw sa mga 'yon kung ganoon naman sila kagwapo? Muntik na atang malaglag ang panty ko kanina, mabuti na lang at mahigpit ang garter."

"Magtigil ka nga d'yan! Puro kahalayan na 'yang mga pinagsasabi mo!" Natatawa na rin ako sa mga sinasabi niya.

"Kapag nakita mo lang talaga sila, mawiwindang 'yang ganda mo sa kakisigan nilang lahat!" kinikilig pa rin niyang sabi. Natatawang napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Kung alam mo lang, Glenda.

"Ara, doon ka muna sa labas at kulang na ang tao roon." Napalingon ako kay Klara nang marinig ko ang boses niya.

"Mamaya na lang ulit tayo mag-usap," paalam ko kay Glenda. Nagpunas muna ako ng mga kamay.

"Kunin mo 'yong bote ng wine at ihatid mo sa lamesa ng mga Montemayor. Bilisan mo at kanina pa nila hinihintay 'yan," ani Klara. Agad ko namang kinuha ang bote na itinuro niya at agad na pumunta sa labas. Hinanap ko muna ang pwesto ng mga Montemayor at medyo nahirapan akong hanapin sila dahil hindi ko naman sila mga kilala. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki kaya agad akong pumunta sa pwesto nila para ibigay ang alak nila.

"Damn you, Travis! You're really an asshole. Ngayong bumalik na siya, ano ka na ngayon? Tangina, kung ako sa 'yo babakuran ko agad si Jeorge. Damn, she's so hot!" ani ng isang lalaki na sa tingin ko ay lasing na dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Ito na po iyong alak niyo." Kinuha naman nila ang bote ng alak na dala ko. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang tingin ng lalaking kanina ay tinititigan ko lang mula sa malayo. Bumilis ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa kanya. Mabilis akong umalis dahil baka mamaya ay himatayin na lamang ako dahil sa titig niya. Akmang papasok na ulit ako sa loob nang may isang lalaki ang humablot sa braso ko.

"Miss, what's your name?" nakangisi niyang tanong.

"A-Ara po." Lumawak ang kanyang ngisi at nakita kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Napalunok naman ako at para bang gusto ko na lang maglaho bigla.

"Give me some refreshment at hihintayin kita roon," aniya sabay turo sa lugar kung saan walang masyadong tao. Kinakabahan man ay tumango ako at mabilis na pumasok sa loob para ikuha siya ng bote ng alak. Lumabas agad ako para puntahan siya sa lugar na itinuro niya sa akin. Nadatnan ko siya roon na mag-isa at naninigarilyo. Muling rumehistro ang ngisi sa kanyang mukha nang makita niya ako.

"You came," bulong niya at hindi ako sumagot.

"Sige po, sir, babalik na po ako ulit sa loob—"

"Why don't you stay here for a while? Wala namang tao." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Gusto ko siyang itulak pero ayokong gumawa ng eksena. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko dahilan para maramdaman ko ang init ng kanyang hininga.

"Magkano ka, Ara?" bulong niya sa akin.

"S-sir..." Nagprotesta ako pero idinantay niya lamang ang hintuturo niya sa mga labi ko.

"Shhh...." Kinilabutan ako sa ginawa niya at mas mabilis na ngayon ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Name your price, honey. I'm willing to double it, just pleasure me tonight," paos niyang sabi sa akin na para bang nang-aakit.

"S-sir, ayoko po," nauutal kong sagot.

"Oh honey, I don't take no as an answer. H'wag ka nang pakipot, we'll both benefit from each other."

"S-sir, ayoko po talaga—"

"I told you, I don't take no as an answer. What I'm asking is your price so I can fuck you tonight." Naramdaman ko ang kamay niya na umakyat sa balikat ko at marahan niya iyong hinaplos. Napalunok ako sa ginagawa niya at naramdaman ko na rin ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko.

"S-sir, please po. Ayoko po talaga—" Naramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko at napasinghap ako nang bigla niya iyong pisilin. Tuluyan nang tumakas ang mga luha sa mga mata ko. Ganito pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na, wala ka halos magawa dahil natatakot ka.

"Shit, your tits are really big." Akmang magsasalita na ako nang may matigas na boses ang nagsalita sa likuran naming dalawa.

"Not in my party, Anthony." Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang malaman ko kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.

"Oh, my dear Aivan! Why are you here? You should be entertaining your guests!" nakangiting sabi niya kay Sir Aivan. Walang emosyong tumingin naman ito sa akin at napayuko ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya. H'wag sana niyang isipin na pumatol ako sa lalaking ito.

"I said, don't fuck around in my party." Matigas ang bawat pagbigkas niya ng mga salita. Unti-unti naman akong lumayo sa lalaki.

"So the little Montemayor is not so little anymore, e? So fearless, Aivan." Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Don't make me say this one more time," mariin niyang sagot sa lalaki bago bumaling sa akin ng tingin.

"Get back to work." Agad naman akong tumalima sa sinabi niya at nagmamadaling umalis doon at bumalik sa loob ng mansyon. Nakahinga ako nang maluwag at para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Saan ka ba nanggaling, Ara? Kanina pa kita hinahanap!" Sumulpot sa harap ko si Glenda na kunot na kunot ang noo.

"S-sa labas lang." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayokong mahalata niyang takot na takot ako.

"Sige, tumulong ka na ulit dahil baka makita ka ni Klara at sabihing nakatunganga ka lang." Tumango naman ako at pilit na itinuon ang aking atensyon sa trabaho upang makalimutan ko ang nangyari kanina. Mabilis namang lumipas ang oras at unti-unti nang nababawasan ang mga bisita. Walang tigil din ang paghatid ko ng alak sa labas at pagtulong sa loob ng kusina kaya ramdam ko na ang pagod. Lumalalim na rin ang gabi pero karamihan sa mga taong naiwan sa party ay mga nakangiti pa rin.

"Break muna tayo para kumain muna," ani Klara sa aming lahat. Inaya naman ako ni Glenda na kumain pero ang sabi ko ay lalabas lang ako saglit.

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntonghininga nang makaupo ako sa isang upuan kung saan walang tao. Doon ay napagtanto ko kung ano ba ang nangyari kanina. Nabastos ako pero wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko man lang nagawang sampalin o itulak ang lalaki kanina dahil sa takot ko. Natatakot kasi ako na kung lumaban ako, baka ako lang din ang madehado dahil sino lang ba ako? Wala naman akong pera at kapangyarihan para ipagtanggol ang sarili ko laban sa kanya. Kahit naman kasi pantay–pantay ang lahat sa mata ng batas, kapag may pera ang kalaban mo, talo ka pa rin.

Nawala ako sa aking iniisip nang may marinig akong mga boses kaya luminga ako para hanapin iyon. "Your lips are so damn good, Aivan..." ani ng isang babae at nanlaki ang mga mga mata ko nang makita kong si Sir Aivan ang kasama ng babae at sila'y naghahalikan.

"Let's finish this inside," sagot ni Sir Aivan. Sa hindi naman inaasahang pagkakataon, bigla siyang lumingon sa aking pwesto dahilan para magtama ang aming mga tingin.

Continue Reading

You'll Also Like

931K 34.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
84.7K 4.1K 29
Passionate baker Jenny Zamora unexpectedly falls for her rich, loyal customer's son, Gavin Trinidad. With the cakes and sweets she regularly bakes fo...
3.9K 156 9
What will you do ? If everything is a Lie ... [ Short Story ] ***** Story Started : December 1, 2015 Story ended : December 7 , 2015 @2015 @LouieJean...