Where is Franco? (Published u...

Von TheLadyInBlack09

197K 6.4K 595

Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkad... Mehr

PROLOGUE
WARNING
Missing #1
Missing #2
Missing #3
Missing #4
Missing #5
Missing #6
Missing #7
Missing #8
Missing #9
Missing #10
Missing #11
Missing #12
Missing #13
Missing #14
Missing #15
Missing #16
Missing #18
Missing #19
Missing #20
Missing #21
Missing #22
Missing #23
Missing #24
Missing #25
Missing #26
Missing #27
Missing #28 - The Finale
ANNOUNCEMENT!
Love at First Write... The Second Time Around
TV Series
Epilogue
Special Chapter

Missing #17

4.6K 163 8
Von TheLadyInBlack09

NAPAHINTO sa paglalakad si Joy palapit sa gate ng bahay niya ng mapansin ang isang batang nakaupo sa gilid ng kalsada hindi kalayuan. Nakasuot ito ng makapal na jacket at nakatungo ang mukha sa mga hita. Kakauwi lang niya galing sa trabaho at dumaan pa siya sa isang restaurant upang maghapunan. Pasado alas-otso na at halos ilang mga ilaw na lamang sa mga poste ang nagbibigay liwanag sa kalsada na lalong nagdudulot ng takot sa kanya.

            Pinilit niyang ihakbang ang mga paa palampas sa bata upang marating ang gate at nanginginig ang mga kamay na binuksan iyon. Naririnig niya ang mahihinang hagulhol nito na lalong nagpapalamig sa pakiramdam niya.

            “Uy!”

            Napapitlag siya ng marinig ang malakas ng pagtawag ng isang boses batang babae. Muling siyang napalingon sa kinauupuan ng batang nilapasan. Nakatunghay na ito sa kaharap na batang babae.

            “Umuwi ka na raw sabi ni mommy. Kanina ka pa niya hinahanap!” muling sabi ng batang babae.

            Tumayo naman ang batang lalaki na nakasuot ng makapal na jacket bago sumunod sa paglalakad ng batang babae palampas sa kanyang kinatatayuan.

            Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago itinuloy ang pagbubukas ng gate at dumiretso na ng pasok sa loob ng bahay.

            “Ang paranoid mo, Joy! Super paranoid!” paulit-ulit na bulong niya ng makaupo ng sofa. “Shit!” sambit niya ng biglang umalingawngaw sa buong bahay ang tunog ng door bell. “Kailangan ko na talaga magbawas ng kape,” aniya bago muling tumayo upang tingnan kung sino ang bisita. Hindi pa rin masyadong nagpaparamdam si Ryan kaya madalas na siyang nagko-commute dahil madalas ring nasa talyer ang kotse niya. Naiintindihan niyang may sarili rin namang business na dapat asikasuhin ang binata.

            “Oh Iñaki!” kunwa’y gulat na bati niya kahit kanina lang ay lihim siyang nananalangin na sana ay muli itong bumisita sa bahay niya.

            “Hi Joy! Mind for some wine?” tanong ni Iñaki bago itinaas ang hawak na bote ng wine at isang plastic na barbeque ang laman.

            “Sure! Halika pasok ka,” nakangting anyaya niya. Tumuloy siya saglit sa kusina at kumuha ng dalawang kopita at plato bago bumalik sa sala kung nasaan si Iñaki.    

            “Anong meron?” nakangiting tanong niya sa binata na sa lapag na umupo sa halip na sa sofa na ginaya niya na rin.

            “Wala lang.  Weekend kasi bukas kaya gusto ko sana mag-chill. Pero tinatamad naman ako pumunta sa bar kaya naisip ko, dito na lang sa iyo at least kasama ka.”

            “Huh? Bakit naman ako? Mas marami ka nga makikita na mas thrill  kapag nag-bar ka,” pinipilit niyang ikubli ang kilig na nararamdaman habang inaayos ang barbeque sa plato  na hawak.

            “Alam mo kasi, para akong balot eh.”

            “Balot? What do you mean?” kuno’t noong tanong niya.

            “Isa lang ang chick na gusto ko,” tugon nito na may ngiti sa mga labi na lalong nagpasingkit sa mga mata.

            “Tse! Ang korni mo!  Oh,” naramdaman niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya bago iniabot ang plato ng barbeque pagkatapos kumuha ng isang stick. “Solong anak  ka rin ‘no?” pag-iiba niya ng topic.

            “Nope, dalawa aming magkapatid actually,” anito habang sinasalinan ng alak ang kopita na hawak ng isang kamay.

            “Nasa Amerika na rin ba siya?”

            “Nope again… He died a few years ago.”

            “I-I’m sorry,” aniya.

            “It’s okey. Matagal na ‘yun kaya naka-move on na ako. Siguro,” ani Iñaki kasunod ang pag-abot ng kopita sa kanya. “Here.”

            “Thanks,”  aniya ng maabot ang kopita.

            “Ikaw?”

            “Hmm…  Anong ako?”

            “Tell me something about yourself.”

            “Slum note? Anyway, hmm… Solong anak lang ako nina mama at papa. Pareho silang nasa States kasama si lola. So as you can see, we’re almost the same, I’m living on my own already.”

            “What about you and Ryan?”

            “Ryan and me?” balik tanong niya sa binata bago kumagat sa barbeque na hawak.

            “Yes, Ryan and you. Are guys dating?”

            “We’re childhood friends.”

            “Is he courting you?” muling tanong ni Iñaki.

            “Courting? I’m not sure, ayoko naman maging assuming.  Pero siguro napansin mo na hindi na kami madalas nagkakasama ngayon. Nanawa na yata siya sa kapraningan ko.”

            “Kapraningan?”

            “Yes. Kapraningan. Lately kasi  -  never mind.”

            “Basta ako hindi kita iiwan. Hindi ako magsasawa na samahan ka kahit saan ka pa pmunta.”

            Napahinto siya sa muli sanang pagkagat sa barbeque at napatingin kay Iñaki. Kanina pa pala ito nakatitig sa kanya.

            “I like you Joy. I’m not asking you to like me. I just wanna let you know my feelings. Maybe for now,  but then  willing akong maghintay hanggang sa magustuhan mo na rin ako.”

            Pakiramdam ni Joy ay tuluyan ng naipit ang dila niya. wala siyang anumang salitang maapuhap na maaaring itugon sa binata. Nagsimula na ring bumilis ang kabog ng dibdib niya at napapalunok sa kabila ng nanunuyong lalamunan. Ano bang dapat niyang itugon dito, mula’t sapul ay alam niya sa sarili na si Ryan ang gusto niya pero nitong nagdaang mga araw ay hindi na niya matatanggi sa sarili na unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya kay Iñaki.

            “Cheers!” nakangiting sabi ni Inyaki na bahagyang itinaas ang hawak na kopita ng alak na tila nagpabalik sa isipan niya sa reyalidad.

            “Cheers!” tugon naman niya na itinoast ang sariling kopita sa hawak ni Iñaki kasunod ang dire-diretsong   pag-inom ng alak na laman niyon.


***

***


NAALIMPUNGATAN si Joy mula sa malalim na pagkakatulog dahil sa ingay ng mga pusa sa labas ng bahay. Muli na sana niyang ipipikit ang mga mata ng mapagtantong wala siya sa sariling kama. Bumangon na siya at iginala ang paningin sa paligid na may isang dim light lang na bombilya ang nakabukas.

            “Iñaki…” nakangiting bulong niya ng makita ang binata na mahimbing na natutulog ng nakaupo sa katabing sofa na kinahihigaan niya kanina. Hindi na niya matandaan lahat ng nangyari o huling napagkwentuhan nila ng binata. Pero sigurado siyang nauna siyang nakatulog sa binata at ito ang nagbuhat sa kanya upang makahiga ng maayos sa sofa.

            Bahagya siyang kumilos upang makalapit sa nahihimbing pa rin na si Iñaki. Napapangiti siyang tinitgan ang mukha nito habang tila may sarili namang isip ang isa niyang kamay na nagsimulang maglaro ang hintuturo mula sa matangos nitong ilong papunta sa mga labi na tila nais tandaan ang mga hubog niyon. Napakagwapo ng binata sa malapitan.

            Napapitlag siya sa biglang munting pagkilos na ginawa ni Iñaki. Mabilis siyang muling humiga at nagkunwang natutulog.  Ilang saglit niya ring pinakiramdaman ang binata at ng wala ng kahit na anong pagkilos siyang naramdaman mula dto ay muli siyang bumangon at tiningan ito.  Nagbago ito ng pwesto ng pagkakaupo at halos nakayakap ang mga braso sa sarili na tila nilalamig. Bakas na muli ang malalim na pagkakahimbing nito.                  

            “Kukuha ako ng kumot,” bulong niya bago tumayo at nagsimulang maglakad patungong hagdan. Ngunit muntik na siyang mapasigaw ng may biglang tumakbong bata mula sa kusina patungo sa madilim na bahagi ng ilalim ng hagdan. Muling binalot ng pamilyar na lamig ng hangin ang katawan niya kasunod ang pangangatog ng mga tuhod. Saglit niyang ibinalik ang mga tingin kay Iñaki na mahimbing pa ring natutulog.

            “Napapraning lang ako. Minamalikmata lang ulit ako,” malakas na bulong niya. Nagdesisyon siyang muling lakasan ang loob at inihakbang ang mga paa. Ngunit mabilis rin siyang muling napahinto.

            ‘Tagu-taguan… maliwanag ang buwan…’

            “You’re not real… You’re not real…” Mahigpit siyang napakapit sa may hawakan ng hagdan kasunod ang pagpikit ng mariin sa mga mata.

            ‘Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo…’

            Nagsimula ng kumabog ng malakas ang dibdib niya na tila nais ng lumabas mula sa kinalalagyan nito.

            ‘Joy, tulungan mo ako…’ boses ni Ed na bumulong sa kanang tainga niya.

            ‘Joy, tulungan mo kami…’  boses naman ni Dei na bumubulong sa kaliwang tainga niya.

            “I-I’m sorry guys…” Nangangatal na rin ang mga labi niya sa takot kasunod ang panginginig ng buong katawan niya sa takot.

            ‘Isa…’

            ‘Magtago ka na…’

            ‘Nand’yan na siya…’

            ‘Tulungan mo kami…’

            Magkakahalo na ang mga bulong  na naririnig niya na hindi na niya mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari. Pakiramdam niya rin ay sa mismong tainga na niya bumubulong ang mga ito. Naririnig na rin ang mga mga yabag nito na tila papalapit sa kinatatayuan niya.

            “You’re not rea… You’re not real…”

            ‘Dalawa…’

            Muli niyang sinubukan ihakbang ang mga paa ngunit tila tuluyan na siyang napako sa kinatatyuan. Ramdam niyang malapit na sa kanya ang papalapit na mga yabag.

            ‘Tatlo…’

            “Ayoko na please… Tigilan ninyo na ako… Ayoko na --- EHHHH!!!!”


***

***


“JOY! Joy! It’s me, Iñaki,” nag-aalalang sabi ni Iñaki ng maiharap si Joy at mabilis itong mahigpit na ikinulong sa mga bisig.

            Naalimpungatan siya mula sa pagkakahimbing ng tulog dahil sa mga bulong na naririnig kaya kaagad siyang bumangon at labis na nagtaka ng  makita si Joy na nakatayo sa may pangalawang baitang  ng hagdanan na tila may kausap. Bumubulong ito mag-isa ngunit mas nag-alala siya ng mapansing tila nanginginig ito sa takot.

            “Nandito sila… Nandito sila Iñaki…”

            Bahagya niyang inilayo ang sarili sa dalaga bago ikinulong ang magkabiling pisngi nito sa mga palad niya. “What happened?”

            “Nandito sila Iñaki… Nandito sila… Naririnig ko sila. Nararamdaman ko sila…” Nanginginig pa rin ang dalaga at malikot ang mga matang iginagala sa madilim na paligid.

            Inilibot na rin niya ang mga tingin sa paligid. Wala siyang sinoman o anumang nakita na kakaiba. Pero hindi niya maitatanggi ang kakaibang lamig na yumayakap sa katawan niya. Naguguluhan na rin siya. Sino ang tinutukoy ni Joy  na ‘sila’? Sino ang tinutukoy nito na nararamdaman at naririnig sa paligid. “Joy, look at me… Look at me.” Ibinalik niya ang mga tingin  kay Joy na sa wakas ay nagawa na ring salubungin ang mga tingin niya. “Now tell me, who are you talking about?”

            “N-nadito sila…”

            “Sinog sila?!” Bumibilis na rin ang tibok ng puso niya.

            “Si Dei… Si Ed…”

            Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang oras sa pagitan nilang dalawa.  Tila may nais pa siyang marinig na pangalan mula sa mga labi ni Joy.

            “And Franco…”


***

***

“ARE you sure, okey ka na?” tanong ni Iñaki.

            “Y-yes…” tugon ni Joy na sinasabayan ng pagtango pagkatapos uminom ng tubig mula sa basong inabot ni Iñaki. Nakupo na silang magkatabi ng binata sa sofa at kahit paano ay nahimasmasan na rin siya. Pero may matinding takot pa rin na naiwan sa dibdib niya na hanggang ngayon ay nararamdaman niya.

            “Joy…”

            Naramdaman niya ang init ng palad ni Iñaki na lumapat sa kamay niya bago napabaling doon ang mga tingin niya.

            “Kung masyado ng mabigat, nandito lang ako. Kung ano man ang gumugulo sa isipan mo, handa akong makinig at intindihin lahat,” serysong sabi ng binata.

             “Paano mo malalaman kung patay na ang taong matagal ng nawawala?” tanong niya bago sinalubong ang mga tingin ng binata. May kakaiba siyang biglang naramdaman sa mga tingin nito na hindi niya maipaliwanag. Ramdam na niya ang higpit ng hawak nito sa kamay niya at pansin niya ang kakaiba sa mga tingin nito sa kanya  tila sabik sa mga susuod niyang sasabihin. “Sa tingin mo ba kayang bumalik ng isang patay  mula sa kabilang buhay?”

            “Ang sabi nila bumbalik lang daw ang kaluluwa ng isang patay kapag hindi sila natatahimik sa kabilang buhay…”

            “Nasabi rin ba nila kung paano matatahimik ang isang kaluluwa ng patay.”

            “Kapag nagawa na niya ang gusto niyang gawin sa mundong ito…”

            “Kapag namatay na kaming lahat…” bulong niya kasunod ang pagsandal ng buong likod sa malambot na sofa.

            “Kayong lahat? Ang ibig mo bang sabihin, ikaw at ang mga kaibigan mo?”

            Isang buntong hininga ang binitawan niya ngunit hindi siya tumugon sa tanong na iyon ng binata. Paano niya sasagutin ang tanong kung iyon ang maaaaring maging dahilan upang maungkat ang lihim na itinatago nila ng barkada.

            “May nangyari ba sa inyo ng mga kaibigan mo noon?”

            Napakunot noo siyang muling tumingin kay Iñaki. Parte ba ng kapraningan niya ag kakaibang kislap na nakikita niya sa mga mata nito?

            “I-I mean, kagaya ng sinabi ko dati, kung masyado ng mabigat at magulo lahat, handa akong makinig kung iyon ang ikagagaan ng pakiramdam mo…”

            Kaagad na napawi ang lahat ng pagtatatakang namumuo sa isipan nya ng maramdaman ang sinseridad sa boses ng binata.

 Hindi lang mga buhay natin ang pwedeng masira. Pati na rin ang buhay ng mga pamilya natin, Joy.’

Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng muling marinig sa isipan ang boses ni Ryan. Ang litanya  nitong lalong pumipigil sa sarili niya na ibahagi ang  lihim ng nakaraan.

“Naiintindihan ko kung hindi ka pa handa… Pero  sana h’wag mong kalimutan na nandito lang ako lagi para makinig. Para sa iyo…”

Muli nabaling ang tingin niya sa kamay ng maramdaman ang pagpisil ng mainit na palad ni Iñaki.

“Nandito lang ako para sa iyo, Joy…”


***

***


“IKAW na naman… Ikaw na naman ang bida,” bulong ni Ryan ng maihimpil ang minamanehong kotse sa madilim na bahagi ng subdivision. Maaga niyang tinapos ang lahat ng dapat asikasuhin sa trabaho at sinadya niyang hindi tawagan si Joy dahil nais niya sanang sorpresahin ito.

            Ngunit mas nasorpresa pa siya sa nangyari. Bago pa man niya maihimpil ang kotse sa tapat ng bahay nito ay napansin na niya ang naglalakad na si Iñaki na tila patungo sa bahay ni Joy. Hindi nga siya nagkamali ng maihimpil ang kotse sa hindi kalayuan, sapat lamang upang makita niya ang  pagbukas ni Joy ng pinto at pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. Nakita niya kung gaano kasaya ang mukha nito ng papasukin sa loob si Iñaki.

            Binuksan niya ang pinto ng kotse kasunod ang pagbaba at pagbitaw ng hawak na mga bulaklak. Gigil na gigil niya iyong pinag-aapakan haganggang sa humiwalay na halos lahat ng mga petals sa tangkay nito.

            “Bakit lagi mo na lang sinisira ang diskarte ko?!” malakas na sigaw niya. “Jose Narciso! Jose Narciso! Saan ko ba narinig ang panglan mo?! Bakit pakiramdam ko kilang-kilala na kita?!” Ilang malalim na buntong hininga pa ang binitawan niya bago muling bumalik sa loo ng kotse. Saglit niyang ipinikit ang mga mata bago inabot ang cellphone sa katabing upuan.

            “Hello  Luigi? Can you do me a favor? Can you search someone’s profile for me?”


***

***

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

74.6K 3.4K 21
Si Mandy Cheng ay may sariling mundo. Her world consists of fantasy, horror, and mystery. At hindi uso sa kanya ang mundo ng musika, lalong-lalo na a...
75.2K 3K 5
Kilalang Prinsipe sa mga kababaihan si Gian kahit na isa siyang babae. Itinuturing namang Prinsesa ng pamilya niya si Eva kahit na 'di naman dapat. W...
59.1K 1.4K 56
Ako yung laging nandyan kapag nasasaktan siya. Kapag nasusugatan siya. Kapag may problema siya. Kapag may sama siya ng loob. Ako lagi yung inaasahan...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]