Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 24

1.4K 47 6
By Levelion

Kabanata 24
Issues

Nanatili lang ako sa condo ni Code pagkatapos kong marinig mula kay Chard ang balitang nakakulong siya ngayon. Kung alam ko lang kung saan siya dinala ay kanina pa ako umalis dito, pero ayaw sabihin sa akin iyon ni Chard at ang mahigpit niyang bilin ay wag akong aalis dito sa condo dahil pupuntahan nila ako rito.

Ngayon ay kasama ko na ang Downtown, habang si sir Gerry at Mr. Frazer naman ay aasikaso ang piyansa ni Code.

Nakatutok kaming lahat sa TV ngayon dahil kasalukuyang ibinabalita sa flash report ang pagkakakulong ni Code. Maraming nakaabang na media sa labas ng presinto kung saan nakakulong si Code. Marami ang gustong marinig ang statement niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

"I don't know what's his problem. Nagulat na lang ako na nasa opisina ko na siya at pinagsusuntok na niya ako. Kung hindi pa pumasok ang secretary ko ay baka napatay na ako ng lalaking iyon." ani Remington Ynarez, habang nakahiga ito sa kanyang kama, sa isang private room sa makati med at inienterview ng isang reporter.

Nakuha niya pa talagang magpa-interview sa ganoong kalagayan, marahil upang makakuha ng mas maraming simpatya sa mga tao.

Namamaga ang buong mukha ni Remington Ynarez. Ang kaliwa niyang mata ay namumula at sa paligid 'non ay nagkukulay ube na para may mga namumuong dugo. Tadtad talaga ng pasa ang mukha nito. Bakas na bakas ang galit ni Code doon at marahil sa mata ng marami ay napakawalang puso na ni Code ngayon.

Naninikip ang dibdib ko habang pinanonood ko ang walanghiyang producer na lumapastangan sa akin. Lumalabas na siya pa ang agrabyadong agrabyado ngayon. Para bang napakainosente niya sa mga nangyayari.

Hinilamos ko ang mga palad ko at saka muling napaiyak.

"Magiging okay din ang lahat." pang-aalo ni Gervin na tinabihan ako sa upuan at hinagod ang likod ko.

"Hindi gagawin ni Code iyon ng walang mabigat na dahilan." ani Chard.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya malapit sa harap ng TV. Nakahalukipkip at mariin at nagtatanong na nakatingin sa akin.

"Alam ko na may alam ka rito, Persis. Sabihin mo sa amin. Ano ang dahilan at nagawa ni Code iyon?"

Ang kaninang mga nakatuon sa tv na si Valdemir at Ashton ay nakatingin na rin sa akin ngayon. Tahimik na hinihintay ang sagot ko. 

Pinuno ko muna ng hangin ang aking dibdib. "K-Kagabi,"

Muling bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari. Napayakap ako sa sarili ko. Para bang nananayo na naman ang mga balahibo ko sa mga ala-alang iyon. Ayoko ng alalahanin pa iyon, pero kung hindi ko sasabihin sa kanila ay hindi sila maliliwanagan.

"Hindi natuloy ang recording ko kay Remington Ynarez dahil..." Kinagat ko ang ibaba kong labi.

Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha nila.

"Sige, Persis. Tell us." ani Chard. "Kailangan mong sabihin sa amin para maipagtanggol namin si Code. Napakahirap ng sitwasyon niya ngayon dahil maging kami ay walang alam---."

"I was raped."

Tumigil sa pagsasalita si Chard at nakita ko sa mukha nilang lahat ang pagkabigla.

"Si Remington Ynarez?" hindi makapaniwalang tanong ni Valdemir.

Tumango ako.

Napamura si Ashton. Si Valdemir at Gervin naman ay tahimik na nagkatinginan at saka muling bumaling sa akin, while Chard is still in shocked.

"H-Hindi ko alam na gaganti si Code sa kanya. Hindi namin napag-usapan iyon." umiiyak kong sabi.

Kagabi ay hindi talaga namin pinag-usapan ni Code ang tungkol sa nangyari. Pagkatapos kong ilahad sa kanya ang lahat ay hindi na siya nagtanong pa. We just spent the whole night, making love.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Valdemir. Si Chard naman ay hinihilot ang kanyang sentido.

"Mali kasi si Code, eh. Hindi dapat siya gumanti sa ganoong paraan. Hindi niya dapat nilalagay sa kamay ang batas." ani Gervin.

"Sa ginawa niya ay mas lalong lumala ang sitwasyon at maaari pa siyang mabaliktad ni Ynarez." dagdag naman ni Ashton.

"Kasalanan ko 'to, eh. Kung hindi ako nagpadala sa mga pambobola ni Remington Ynarez. Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito."

"Persis, wag mong sisihin ang sarili mo. Biktima ka at tutulungan ka namin." ani Chard na lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Sa ngayon ay kailangan natin kumuha ng abugadong magtatanggo sa iyo. You have to file a raped case on that man."

Napansin ko na naman ang paghinga ng malalim ni Ashton sa isang sulok. "Pag-isipan muna nating mabuti ang mga gagawin natin, bago tayo kumilos." aniya. "Hindi birong kalaban ang Ynarez na iyon. I know about that man, may nabasa akong balita noon na may isang starlet ang nagsampa sa kanya ng kaso. Rape case din yata iyon, pero ibinasura lang at alam niyo ang ginawa ng starlet na iyon? Sa sobrang depress siguro dahil walang naniwala sa kanya at mas pinaburan ang lalaking iyon, nagpakamay siya."

"Hindi naman gagawin ni Persis iyon!" kumpyansang sabi ni Gervin ngunit nasa mukha ang mumunting takot. "Nandito lang naman kami para sa iyo, Persis. Katulad nga ng sinabi ni Chard, tutulungan ka namin, kaya wag mong gagawin iyong ginawa ng starlet na iyon." dagdag niya pa.

Magpakamatay? Noon ay madalas kong naiisip iyon kapag may problema ako, kasi iyon ang pinaniniwalaan ko na tatapos sa lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Pero sa paglipas ng panahon ay iniwasan ko ng bigyan ng puwang sa isip ko iyon.

Hindi pagpapakamatay ang solusyon para takasan ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman mo. Kapag ginawa mo iyon, parang tinanggalan mo lang ng pagkakataong lumigaya ang sarili mo, kasi nagpadala ka sa madilim na bahagi ng buhay mo ng hindi mo hinihintay ang pagsapit ng liwanag, na mag-aahon sa naghihikaos mong damdamin.

"Ang hirap lang talaga ng sitwasyon ngayon, kasi involve si Code. Kung hindi siya nakialam, eh di sana...nakafocus tayo ngayon sa case ni Persis." ani Valdemir.

"Hindi natin siya pwedeng sisihin. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Code." pagtatanggol ni Chard kay Code. "He's probably guilty. Hindi kasi niya naprotektahan si Persis. Code loves her so much at masakit para sa kanya na malamang may tao na nanamantala kay Persis at wala siyang nagawa roon."

Ako nga ay nahihiya na. Lagi ko na lang kasing pinapahamak si Code at ang Downtown.

Nitong mga nakaraang araw ay paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung talaga bang para kami ni Code sa isat-isa. Sa sunud-sunod kasing problemang dumaraan sa amin, pakiramdam ko ay tadhana na talaga ang gustong sumira sa amin.

Baka totoo ngang mali ako para sa kanya.

"Code!"

Sabik na napatayo ako sa single couch na inuupuan ko.

Lahat kami ay napatingin sa pinto nang pumasok si Code na sinundan naman ni sir Gerry.

"Anong nangyari?" tanong ni Chard na sinagot ni sir Gerry.

Habang nagkukwento ang manager ng Downtown ay lakad takbo akong lumapit kay Code at saka mahigpit ko siyang niyakap na agad din niyang tinugon nang ikulong niya ako sa kanyang mga bisig.

"Bakit mo ginawa iyon? Hindi mo dapat ginawa iyon. Bakit ba pinapahamak mo na lang parati ang sarili mo para sa akin, Nicodemus? Nakakainis ka!"

Ibinaon ko sa dibdib ni Code ang mukha ko at napahagulgol.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng mga yakap ni Code sa akin at ang banayad na pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko.

"Because I love you." bulong niya sa akin.

Totoong naiinis ako kay Code sa mga pabigla-biglang desisyon na ginagawa niya and that's because I am concerned to him.

"Tahan na."

Nag-angat ako ng tingin, ngunit nananatiling magkahinang ang mga katawan namin dahil sa mga braso naming nakapulupot sa isat-isa.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

Napahikbi ako at muling tumulo ang luha sa mga mata ko nang makita ko ang pasa sa ilalim ng kanyang bibig.

"Ako pa talaga ang tinanong mo nyan? Ikaw nga itong nakulong."

"Hindi ako nasaktan, Persis." nginitian niya ako. Maybe for assurance. "Salamat sa pagsama kay Persis." aniya nang bumaling siya sa mga kamyembro niya.

Nagdesisyon kami na ayusin muna ang kaso ni Code bago namin asikasuhin ang kaso na isasampa ko kay Remington Ynarez. Iyon din ang gusto ko. Ang malinis muna ang pangalan ni Code.

Pero sa paglipas ng mga araw ay mas lalong lumalala ang lahat. Lumabas ang issue tungkol sa publicity stunt na ginawa noon nila sir Gerry at sir Donald. Lumabas sa mga peryodiko, internet at balita sa radyo at TV ang katotohanan tungkol kay Code at Laarnie. Nalaman ng mga tao na pakulo lang ng dalawang kampo ang lahat para mapag-usapan.

Wala mang ebidensya kung sino ang may pakana ng pagkalat 'non ay malakas ang pakiwari naming lahat na si Ynarez ang may gawa 'non, lihim niya kasing espiya si Mr. Raymundo na nalaman ni Mr. Frazer.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit naging malapit si sir Raymundo kay sir Gerry. Hindi rin itinanggi ni sir Gerry na naikwento nha raw niya kay Mr. Raymundo ang tungkol sa gawa-gawang issue nila, kasama si sir Donald.

Gusto ko na lang maglahong parang bula. Kasi araw-araw kong iniisip na kung hindi dahil sa akin ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Sa akin nagsimula ang lahat at mung hindi dahil sa pagtitiwalang ibinigay ko sa maling tao, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Ang dating paghanga kay Code ng marami ay unti-unti nang natatabunan ng galit. He's getting a lot of bashers, haters or whatever you call it. Sumasama na ang tingin ng marami sa Downtown.

Sana panaginip na lang ang lahat.

Sa bawat peryodiko na nakikita ko ay Downtown ang nasa front page, kung hindi naman ay isang malaking picture ni Code. Sa internet ay laman din sila ng mga newsfeed ng ibat-ibang social media at ayon pa sa mga taong nagagalit sa kanila na. 'Downtown is going down.'





"Hindi talaga dapat kita hinayaang mag-isa. Sana pala nagpumilit akong samahan ka kahit ayaw nila." ani Brayden habang nakaupo kaming dalawa sa lover's lane.

He knows everything.

"Kung kailangan mo ng witness, mag wiwitness ako, Persis. Ipagtatanggol kita. Sasabihin ko ang mga napuna kong kakaiba nang araw na iyon, tulad na lang ng hindi pagpaparamdam ng manager mo nang araw na iyon at iyong pagbabawal niya na magsama ka sa studio, kahit na malapit na kaibigan."

"Hindi ka pwedeng mainvolve rito, Bray. Hiyang-hiya na nga ako sa pinsalang ginawa ko sa Downtown, baka pati ikaw at ang grupo mo ay masira rin dahil sa issue ko. Tama na, Bray. Ayoko ng mandamay ng ibang tao." Napayuko ako at hinilamos ang palad ko sa aking mukha.

"Kaibigan mo ako at handa akong tumulong para sa iyo." nasa himig ni Brayden ang determinasyon na nagpaparamdam ng kaunting takot sa damdamin ko.

Nag-angat ako ng tingin at mariin ko siyang tinignan. "Pero hindi ko kayang tanggapin ang tulong mo, kung iyon ang magpapahamak sa iyo."

"Damn, Persis.!" isinuklay ni Brayden ang mga daliri niya sa buhok.  "Hindi ako mapapahamak. Wag mo akong alalahanin. Alalahanin mo ang sarili mo. Lumaban ka, Persis. Wag mong hayaan na tapakan ka lang ng Ynarez na iyon. Marami kaming handang tumulong sa iyo, but you have to trust yourself too."




Sa pagpapatuloy ng mga araw ay ganoon pa rin ang estado ng mga nangyayari. Nagigipit pa rin si Code. Galit na nagpoprotesta ang mga tao sa harap ng building ng Rise Records, mga hangal na pinagtatanggol si Ynarez dahil sa ginawang pambubugbog ni Code. Pati sila sir Gerry at sir Frazer ay kinasusuklaman din ng marami dahil sa mga panlilinlang na ginawa nila noon.

"Persis, you should stay. Wag ka muna pumasok." nagbababalang suhestyon ni Wency.

May dala itong peryodiko at malunggay pandesal na nakalagay sa paper bag. Nabili niya iyon sa bakery na nasa tapat nitong building.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong ko habang kumakain at nakabalot ng tuwalya ang aking ulo. Katatapos ko lang kasing maligo.

"Tignan niyo 'to."

Nanlaki ang mga mata ko sa nang buklatin ni Wency ang peryodiko at mga pictures namin ni Brayden at pictures namin ni Code ang naroon.

"Pati ikaw ay pinupuntirya na nila." ani Jenielyn.

'Babaeng namamangka sa dalawang ilog'

Persis Buenrostro. Isang college student ng University of Santo Thomas. Pinaniniwalaang ex girlfriend ni Code Realonda at ngayon ay malapit nga ba sa puso ni Brayden Manjeron na bokalista ng Zenith?

Ilang araw makatapos lumaganap ang balitang pagpapanggap lamang ang namagitan kay Code Realonda at Laarnie Isabedra, maraming haka-haka na hindi tuluyang naghiwalay si Code at ang dati nitong nobya ni si Persis. Ngunit ang pinagtataka ng marami ay malimit na kasama ng dalaga ang bokalista ng Zenith na si Brayden Manjeron. Ano nga ba ang totoong estado ng tatlo? Totoo nga bang namamangha sa dalawang ilog ang nasabing dalaga?

"Obviously, haka-haka lang nila yan. Gusto lang nilang idamay si Persis. Wala silang alam kung di gumawa ng tsismis, eh diba magkaibigan lang naman kayo nung Brayden, Persis?" tanong ni Beatrice na nakataas ang isang kilay sa akin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Kailan ba nila titigilan si Code? Kailan ba sila titigil sa paninira sa Downtown? Nakakainis din itong ibang mga pumapanig kay Ynarez. Sila iyong mga taong nagpapadala sa tsimis at madaling manghusga ng kapwa. Nanggigigil ako sa kanila." si Wency na humalukipkip.

"Papasok pa rin ako. Kung magtatago ako dahil sa tsismis na iyan ay ang ibig sabihin lang ay guilty ako sa pinaparatang nila sa akin." sabi ko. "Isa pa, sanay na ako sa mga paninirang isinusulat sa akin ng ilang kolumnista, na immune na nga yata ako sa mga iyan."

Pinilit kong ngumiti sa mga kasama ko.

"Don't give us fake smile, Persis. We all know that things have been tough for you lately at alam din namin na may inililihim ka sa amin. You don't have to pretend that your strong. We're here for you, handa kaming makinig sa iyo." si Jenielyn na inakbayan ako.

Pinili kong ilihim sa kanila ang ginawa ni Remington Ynarez sa akin. Ang tanging nakakaalam lang 'non bukod sa Downtown ay si Brayden.



Sa kabila ng issue na kinasasangkutan ko ngayon ay lakas loob pa rin akong pumasok sa school and as usual, pagpasok ko pa lang sa gate ay mga nanghuhusgang tingin na ang sumalubong sa akin.

"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?" sita ni Wency sa ilang nasasalubong namin.

Nakakatuwa nga dahil hinatid pa nila ako sa classroom ko at pinagpapasalamat ko naman na hindi pumasok si Brayden ngayon, para makaiwas na rin kami sa issue o baka sadyang umiwas lang din siya sa issue kaya hindi siya pumasok ngayon.

Normal naman ang naging takbo ng araw ko. Nakasabay ko si Beatrice na mag break. Pero habang kumakain kami sa carpark ay panay ang kwentuhan ng mga schoolmates namin sa akin. Masasakit na salita ang naririnig ko na pilit kong binabalewala.

"Wag mo silang pansinin, Persis. Inggit lang sa iyo ang mga iyan." ani Beatrice.

Alanganin akong ngumiti sa kanya at saka nagpatuloy sa pagkain.

Beatrice tried to give a fun conversation, pero hindi ko rin naituon ang isip ko roon. Nakakailang kasi ang mga masasamang tingin na ipinupukol ng marami. Kahig nga hindi ako nakatingin ay nararamdaman ko ang mga mata nilang tila unti-unti akong sinasaksak habang nakatalikod.


Code: Nasa labas ako ng gate

Nasa plaza mayor ako nang matanggap ko ang message niyang iyon kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng gate at sa isang gilid ay agad kong natanaw ang Hummer na dala niya.

"How was your day been?" tanong ni Code pagpasok ko. He looks so serious.

Nag seatbelt ako habang nakatingin siya sa daan at naghahanap ng pagkakataon na mag u-turn.

"Code, may bago na namang balita. Tungkol sa---"

"I know. Napag-usapan na rin namin kanina ang tungkol doon. Malaki ang hinala ni sir Gerry na kay sir Donald galing ang mga larawang kuha sa inyo ni Brayden. Galit kasi si sir Donald kay sir Gerry at Mr. Frazer dahil pati siya ay nadadamay sa issue. Ikinagagalit niya rin ang malaking pagbagsak ng rating ng drama namin ni Laarnie."

Bumuga ng malalim na buntong hininga si Code habang nag dadrive. Nakita ko ang pag-iigting ng panga niya at mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela, dahilan upang maglabasan ang ugat niya sa braso.

"Marahil ay ibinenta ni sir Donald kay Ynarez ang mga larawan at siya ang nanuhol sa columnist na nagsulat ng issue tungkol sa iyo. Mabigat ang kalaban natin, Persis."

Huminga ako ng malalim. "Iyon din ang sabi sa akin ni Ynarez nang sabihin ko sa kanya na kakasuhan ko siya. Hindi ko man lang siya kinakitaan ng anumang takot noon. Pakiramdam ko, wala ng pag-asa na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin."

"Gagawan ko ng paraan, Persis." mariin na sabi ni Code. "Kinausap ko na si papa at sa oras na magsampa ka na ng kaso ay may magaling na kaibigan siyang abugado na tutulong sa atin. Magkakaroon ng hustisya ang ginawa ng hayup na iyon sa iyo."

Huminto ang sasakyan ni Code nang nasa intersection na kami. Kinuha niya ang kamay ko at saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

Katulad ng madalas niyang ginagawa ay dinala niya sa kanyang bibig ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Code, lumiko ka pala. Gusto kong dumaan sa bar ni ate Alyanna. Itatanong ko lang kung pupwede pa ba akong tumugtog."

"Wag ka ng tumugtog doon. Iniistress mo lang lalo ang sarili mo, Persis."

"Per---"

"No more buts."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

226K 6.2K 53
Fantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life...
72.5K 3.6K 47
"Seoul gave me a lot to hold on to. From creating good memories to bad heartbreak. From life lessons to applying it. Seoul taught me that love is unc...
427K 12.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
5K 733 44
Harmony Of Love Series #2 © All rights reserved. Pagkatapos ng ulan, isang aksidente ang ating naranasan. Pagkatapos ng ulan, iniwan mo akong luhaan...