Herrera Series 7: Owning the...

Galing kay KNJTHNDSME

347K 14.4K 1.2K

Nang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26-27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter

Chapter 18

6.9K 310 16
Galing kay KNJTHNDSME

Chapter 18

"WHAT'S with the face?" Kunot noong tanong sa kanya ni Celeste nang bisitahin niya ito sa bahay nito. Napansin nito ang hindi niya maipintang mukha.

Nakapambahay lang nang maabutan niya ito. May hawak pa itong tambo at basa na ng pawis ang buong katawan nito.

"Naabala ba kita?" Tanong niya.

Niluwagan nito ang pinto. "No. Buti nalang at dumating ka, may oras ako para makapagpahinga."

Mahina siyang natawa. "Nasaan ang katulong mo?"

"We didn't have one."

Nangunot ang kanyang noo. "Why not? Hindi ba nakakapagod na nagtatrabaho ka tapos ikaw rin ang naglilinis ng bahay mo?"

"That's what housewife do, right? Keeping the house tidy and clean?"

"Kaya ayaw kong mag-asawa e." Aniya saka nakangiwing tiningnan ang pinsan. "Baka lumusyang ako."

Hindi naman lusyang si Celeste, sa totoo lang ay maganda parin naman ito. Hindi lang talaga niya inakala na ito ang mag-isang naglilinis sa malaki nitong bahay.

Mahinang natawa si Celeste. "I don't mind. As long as my husband love me. Anyway, do you want anything? Water or juice?"

Umiling siya. "No. I just want to talk to you?"

Iminuwestra nito ang sala. "Come have a sit." Sabay silang naglakad patungo sa sala. Naunang umupo si Celeste saka nito ibinaba ang hawak na walis. "So, what's your problem?"

"Boys." Pabagsak siyang umupo sa sofa nito.

"Boys?" Lalo lang lumalim ang gatla ng pagkaka-kunot ng noo nito. "You mean, boys? More than one?"

Tumango siya.

"As far as I know, si Lucien lang ang karelasyon mo. Don't tell me you have more than one."

"Gaga!" Singhal niya. "Wala akong karelasyon kahit sino sa kanila."

"What do you mean?"

Napabuntong hininga siya. Wala siyang rason para hindi magsabi ng totoo kay Celeste. "I am not actually dating Lucien."

"So, who is he? A fuck buddy?"

"Kind of."

"I don't get you. Ikaw? Magkakaroon ng fuck buddy? E hindi mo pa nga na-experience makipag-sex e."

"Nasaan mga anak mo?" Tanong niya. Nag-aalala na baka marinig sila ng mga ito.

"They went to a birthday party with Aspen. I am all alone here." Sagot nito. "So, spill the bean, Roxie!"

"May kondisyon kami ni Lucien. I will promote his bar in exchange of him getting me pregnant."

Nanlaki ang mga mata nito. Naghahanap ng salitang itutugon sa kanya. Nang walang mahanap ay natatawang naiinis itong tumayo sa mahabang sofa.

Sinundan niya ng tingin ang kaliwa't kanan nitong paglalakad, animo'y na-stress sa sinabi niya.

"You are crazy!"

"I know."

"No, Roxie! You are literally crazy! Pwede na kitang dalhin sa mental sa ginagawa mo."

"Lolo is all board with it."

"He knew?"

Tumango siya. "Oo."

"What the f***!" Lalo itong namangha.

"Anyway, I only want a child. Wala akong planong mag-asawa."

Hindi ito nagsalita. Malamang ay inirerehistro parin ang kanyang mga sinabi.

"Bibigyan ako ni Lolo ng mana kung sakali mang bigyan ko siya ng apo."

"Gagamitin mo ang magiging anak mo sa kasakiman mo? Gano'n ka na ba kadesperada para makuha ang mana mo?"

"If I can't have mine, mapupunta iyon sa mga anak niyo." Deretsa niyang sagot.  Hindi inisip kong mao-offend ba niya ang pinsan.

Napalitan ng galit ang mukha ni Celeste. "Sa tingin mo ba, kaya kami nagsilang ng sanggol ay para makakuha ng mana kay Lolo? Ganyan ba ang tingin mo sa amin?"

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabi—"

"My husband owns a company, Sera's husband owns one too. Eros is a doctor, kaya niyang sustentihan ang pamilya niya. Alexa can live her life without money from Lolo. Hindi namin kailangan ng pera ni Lolo para mabuhay." Punto nito.

"I am sorry if you think it that way."

"You are not sorry, Roxanne. Gusto ko lang ipaliwanag sa'yo na hindi sa lahat ng oras, nakadepende ang isang tao sa pera" Kalmado man si Celeste, ay alam niyang gusto na siya nitong sigawan at paalisin sa bahay nito. "Hindi ko lang inaasahan na maririnig ko iyan mula sa'yo. Hindi ko rin inaasahan na ang isang katulad mo na successful na sa career ay maghahangad pa ng higit. Of all people." Mahihimigan niya ang pagkadismaya sa tono nito.

Tumayo siya. "I'll leave then." Bago pa man siya makahakbang ay muli itong nagsalita.
Nakatalikod ito at hindi na muli pang lumingon sa kanya.

"Lucien is a good guy, you know. I just hope you look at him and realize that he is more than what he is. All you have to do is give him a chance. Give yourself a chance aswell."

Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito at pumanhik sa itaas ng bahay nito. Siya naman ay lumabas na ng bahay nito.

Bigla ay bumigat ang puso niya. Hindi niya akalaing gano'n pala ang magiging kalalabasan ng pag-amin niya. Napagtanto niyang may mali siya.

'Give him a chance.'

Pero hindi niya kailangan ng tao sa buhay niya. Hindi niya kailangan si Lucien para mabuhay. Ang kailangan niya ay anak na maibibigay nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay maghihiwalay na sila ng landas.

Iyon lang ang mahalaga, at iyon lang ang kailangan niyang itatak sa isip niya.

Kung anuman ang nararamdaman niya ay kailangan niya iyong itapon. Kailangan niyang pilitin na huwag maramdaman.

'The sooner I get pregnant, the better.' aniya sa isip.

SALUBONG ang kilay ni Roxanne nang makita na sarado ang bar ni Lucien kinabukasan.

Gusto sana niya itong kausapin upang pag-usapan nila ang kanilang kasunduan. Ngunit wala ito roon.

Nagtungo siya sa apartment; nagbabakasakaling naroon ito. Hindi naman kasi ito umuwi sa bahay niya kagabi.

Naroon parin ang 'for sale' sign nito.

Naging malalim ang pagbuntong hininga niya bago niya pinindot ang doorbell ng pinto ng unit ni Lucien. Ngunit walang sumagot.

Muli niya iyong pinindot, ngunit makaraan ang ilang segundo ay walang nagbukas. Inis niyang pinihit ang nakasarang pinto; nagbabakasaling bukas iyon, ngunit hindi rin.

"Where is he?" Naiinis niyang tanong sa sarili.

Nasa gano'ng sitwasyon siya nang mapansin ang isang kulay asul na box sa harap naman ng kanyang apartment unit.

Kunot noo niyang tinungo iyon upang tingnan kung ano ang laman. Sa ibabaw ng box ay may isang papel.

Kanya iyong kinuha at binasa.

Hey, beautiful. Wear them tonight. I'll pick you up at 6:30

Love, Ashton

Umirap siya sa hangin saka nilukot ang papel. Kaagad niya iyong itinapon sa basurahan na katabi lang ng elevator.

Ang malaki namang box ay pinasok niya sa loob ng kanyang apartment at itinabi sa sofa na hindi manlang tinitingnan ang laman.

Kanya paring iniisip kung nasaan ang binata.

Malamang ay ayaw na nitong makipagkasundo sa kanya. O hindi kaya'y natakot ito sa Lolo niya kaya umalis na lamang. Malamang ay napagtanto na nito na hindi siya kawalan at maghahanap na lamang ng iba na ita-trato ito bilang isang lalaki.

Nagtagis ang bagang niya dahil doon. "If that's the case, then fine! Hindi lang rin ikaw ang lalaki sa mundo!" Singhal niya sa hangin. Nagbaba siya ng tingin sa asul na kahon.

Ashton.

May gusto ito sa kanya. Sigurado siyang handa itong gawin ang ipapagawa niya ng walang pag-aalinlangan. Gagamitin muna niya ang pagkagusto nito sa kanya pansamantala.

.

Nang sumapit ang alas sais ay nagbihis siya. Sinuot niya ang dress na ipinadala ni Ashton. Inayos niya ang sarili upang magmukha siyang disente. Hindi niya kailangang maglagay ng makapal. Kaunting makeup lang ay sapat na.

Nakatingin siya sa sariling repleksyon at hindi niya maiwasang mamangha. Hindi niya akalaing may taste ito pagdating sa damit pambabae.

Ang long dress ay kulay itim, tube and mermaid cut at tama lang ang pagkakahapit sa hubog niya. Tumingkayad ang bawat parte ng katawan niya.

Hindi kita ang dibdib niya at labis naman niya iyong ipinagpasalamat. May silicon bra na sa dibdib kaya naman hindi na niya kailangan pang magsuot ng bra.

Sa ibabang parte naman ay may mahabang hiwa hanggang sa pinakataas ng kanyang hita kaya naman kinailangan pa niyang magsuot ng medyo mataas na  t-back upang walang makakita.

Napairap naman siya sa sobrang taas na heels. Sinong babae ang magsusuot ng four inches na heels at nakasuot ng hapit na long dress. Hindi niya alam kung anong klaseng aksidente ang mangyayari sa kanya kung sakali.

Ngunit matangkad si Ashton at baka gusto lang nito na magpantay sila kaya iyon ang ipinasuot sa kanya.

Isinuot rin niya ang mga alahas na nakasama sa kahon na iyon. Kumikinang ang mga ito sa katawan niya.

"Not bad." Aniya. "Though, I looked like I am attending a funeral." Napangiwi siya.

Nang sumapit ang itinakdang oras ay tumunog ang doorbell niya. Hindi na siya nagtanong pa kung sino iyon. Muli niyang inayos ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas.

Sumalubong sa kanya ang disenteng disente na si Ashton. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok. Napaka-gwapo nito sa suot na tuxedo.

"Hey, beatutiful." Gumapang ang mga mata nito sa kabuuhan niya. "You look good."

Umirap siya. "Stop that, will you?"

"Or you'll fall for me?" Nakangising anito.

"Or I'll punch you really hard."

Umakto itong nasaktan. "Ouch." Saka natawa. "Shall we go?" Inarko nito ang siko.

"Wala pa naman tayo sa event, kaya walang rason para hawakan kita."

Tumikhim ito saka ibinaba ang kamay. Iminuwestra nito ang elevator. Ito narin ang pumindot. Nang bumukas ay pinauna siya nitong pumasok.

"What's the event?"

"It's about wine."

"An event for wine?" Sarkastiko siyang natawa. "Seriously, sinong magkakainteres sa event na iyon?"

"Your brother? Lewis? All bar owners, I guess. And me." Saad nito.

"Yeah, I know you like wine." Punto niya. "But I like hard drinks."

"Lasengga ka kasi." Sambit nito. "Good thing you don't turn me off."

Umirap siya. "Huwag mo nga akong daanin sa mga salita mo. Naiinis ako."

Mahina itong natawa. "Tipikal na ikaw. Kailan ba nagkaroon ng kilig sa'yo ang mabubulaklak kong salita? Pero matutuwa ko kung wala pang nakakagawa niyon sa'yo."

Bumukas ang pinto at lumabas siya. Sumunod naman ang binata.

"Wala pa."

"That's good to know."

Sa labas ng gusali ay naghihintay ang isang itim na sasakyan. Sa tabi niyon ay may driver na nakaabang at binuksan ang backseat door nang makita sila.

Iminuwestra ni Ashton ang pinto. "Get in."

Sumakay siya. Si Ashton naman ay umikot sa kabila. Nang makasakay ito ay siya naman ang pagsakay ng driver.

Pagkatapos niyon ay umusad na ang sasakyan.

Sa buong byahe ay sinikap ni Roxanne na makinig sa mga kwento ni Ashton. Tango lang ang itinutugon niya rito at kung minsan naman ay nagtatanong rin siya upang hindi sila gaanong magkailangan.

Kalaunan ay napunta sa kanya ang usapan.

"How is your love life?"

"As you already know, I am single."

Tumango ito. "Hmm. E sino iyong pinupuntahan mo sa bar?"

"None of your business."

"Hindi ako 'yong tipo ng tao na nanghuhusga ng kapwa. Alam mo iyan, Roxanne. Pero kapag alam kong magiging ka-kompitensya ko, palagi kong tinitingnan kung ano ang kaya nilang ibigay."

"What do you mean?"

"He is just an ordinary man. Like your ex. Compared to me, he has nothing to offer for you."

"Ano naman kung gano'n?"

"I can give you everything." Seryoso nitong wika.

Napailing siya. "Whatever you can give me, I am sure I can give it to myself. I can get it with my bare hands. Besides, I don't need a man. Kung sinuman ang taong tinutukoy mo, wala siyang papel sa buhay ko."

Saktong huminto ang sasakyan.

"Sir, narito na ho tayo."

Pagkasabi niyon ay nagpauna na siyang bumaba.

Inayos niya ang sarili, sinigurong walang lukot ang kanyang damit.

Inilahad ni Ashton ang siko nito at kanya naman iyong kinuha. Sabay silang pumasok sa loob ng isang hotel.

Nagtungo sila sa malaking ball room ng hotel na iyon. Tulad ng inaasahan ay maraming tao ang sumalubong kay Ashton, kinakamusta ang binata.

Siya naman ay nakangiti lang at bini-beso beso ang mga babaeng sumasalubong sa kanya ngunit hindi naman niya kilala.

"Who is this young lady?" Tanong ng isang matandang lalaki na buong pagkamanghang nakatitig sa kanya.

"Sir, this is Roxanne Herrera."

Umaangat ang noo nito at mas lalo lang namangha. "Really? One of the grand-daughter?"

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Yes."

"I am pleased to meet you, miss Herrera." Sabi nito saka tinapik si Ashton. "Keep her."

"I will, sir."

Palihim siyang umirap. Ang ngiti ay nakaukit parin sa kanyang labi.

Humarap sa kanya si Ashton nang iwan sila ng matanda. "You are quite famous."

"Yeah, I am one of the grand-daughters." Sarkastiko niyang ani saka nangunot ang kanyang noo. "Kung ganitong klaseng event lang naman pala ang pupuntahan natin, bakit kailangan ko pang mag-ayos?"

"There is an after party on top of the hotel. Pupunta tayo roon pagkatapos nating magbigay ng score sa mapipiling wine."

"Why?"

"Well, that's the point of the event."

Hindi siya sumagot. Luminga lang siya sa paligid.

Malawak ang ball room na iyon ngunit hindi gaanong matao. Ang iba kasi ay nakapila pa sa isang pinto at naghihintay na sila ay makapasok.

Dahil isa si Ashton sa mga VIP ng event na iyon ay may access ito na maglabas masok.

Tulad ng inaasahan ay may mga stall ng bar island sa paligid. Iba't ibang klase ng wine products ang nakapaskil sa mga karatula ng mga ito.

May mga free taste sa bagong labas na wine at mga cocktails at 100 percent alcohol na wine.

Sa isang side naman ay mga bar owners na may iba't ibang flavors ang nag-ooffer. Doon siya hinila ni Ashton at tumikim ito ng mga wine.

Dumako sila sa isang stall kung nagkaroon ng interes si Ashton. Lumabas ang isa sa mga bartender upang mag-offer sa kanila ng wine.

"Sir, ma'am, we can give you a—"

Bumaling siya sa bartender nang hindi ito ituloy ang sasabihin. Halos mamutla siya nang makita ang salubong at walang emosyon nitong tingin sa kanya.

"Lucien?"

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...