To Win The War (Belle Ville S...

By TianaVianne

727K 26.6K 11.7K

Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tear... More

Prologue
Chapter 1: The twins
Chapter 2: That stare
Chapter 3: That yellow Rubicon Wrangler
Chapter 4: These walls around me
Chapter 5: The visitor
Chapter 6: The Keens
Chapter 7: Investment and bankruptcy
Chapter 8: The Creos cousins
Chapter 9: The deal
Chapter 10: The ride
Chapter 12: Not again
Chapter 13: Retreat
Chapter 14: View deck
Chapter 15: Bad things
Chapter 16: Turned away
Chapter 17: The dinner
Chapter 18: Three words, eight letters
Chapter 19: That car
Chapter 20: No mercy
Chapter 21: Stay
Chapter 22: Last Summer
Chapter 23: The promise
Chapter 24: The bestfriend
Chapter 25: The message
Chapter 26: The kiss
Chapter 27: The call
Chapter 28: Fooled
Chapter 29: Untold stories
Chapter 30: Graduation Ball
Epilogue
Self-published under KPub PH!
Special Chapter 1: Trevor
Special Chapter 2: Feem

Chapter 11: His arrival

18.6K 783 390
By TianaVianne


CHAPTER ELEVEN

His arrival


"PA, intrams na namin this week," paalam ko kay Papa kahit alam niya naman na 'yon. Taon-taon kasi ay required matulog sa dorm ng varsity kapag intrams. Kami rin kasi ang main organizer ng event.

"Okay 'nak. Kasama ba 'yong anak nila Keen? 'Yong magandang lalaki," tanong niya kaya napasapo ako sa noo ko. Bakit ba obsessed siya kay Trev?

Hindi ko siya sinagot at umakyat na sa taas para tapusin ang pag-aayos ko ng gamit.

Pagsapit ng 7PM, inihatid na ako ni Papa sa campus ng Belle Ville at ibinaba niya ako mismo sa harapan ng dormitory.

Nasa may likuran ang varisty's dormitory malapit sa SIVC building. Nakahiwalay talaga 'yong varsity's dormitory sa dormitory ng students na hindi naman athlete. 'Yong buong building malapit sa SIVC building, sa varsity lang lahat 'yon. Sama-sama 'yong basketball team, volleyball team, soccer team at iba pa.

"Thanks, Pa," sambit ko. Tumango lang siya bago muling nagmaneho.

Pagkapasok ko sa dormitory, napakunot agad ang noo ko. Pinagtitinginan ako ng basketball players na nakatambay sa lobby.

Alam ko naman kung bakit nila ako tinitingnan. Kumbinsihin ko man ang sarili ko na wala akong pakialam, hindi ko pa rin maiwasang mairita tuwing maaalala ko kung bakit gan'yan nila ako titigan.

I went to the third floor where volleyball players were staying. And there I saw almost all beds occupied.

Huminto ako saglit para humanap ng bakanteng kama pero wala akong makitang bakante dahil halos lahat ng kama ay may nakahiga at nakaupo na, 'yong iba naman ay may gamit na nakapatong sa kama kahit walang tao.

Napakunot ang noo ko. Sobra-sobra nga dapat ang kama rito ngayon dahil no'ng nakaraang taon ay marami pang kama na sumobra.

"Hey."

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at nakita ko si Gonz, nakasuot ng pulang shirt at black na shorts. "You can use my bed. Lipat na lang ako," saad niya habang nakaturo doon sa kama sa may kaliwa ko. Saan naman siya lilipat? Eh wala naman nang ibang kama dito.

Sinundan ko lang siya nang tingin at nakita ko kung paano niya sinipa 'yong mga gamit sa ibabaw ng kama sa may bandang kanan ko.

"What the hell, Gonz?!" reklamo ni Moyen pero ngumisi lang si Gonz.

"Isang tao ka lang naman, ba't ang dami mong kama? Nabili mo?" sarkastikong tanong sa kanya ni Gonz at saka siya lumingon kay . . . Trev.

Tinanguan ni Gonz si Trev at tumango rin pabalik si Trev.

What was that?

Bago pa ako makapag-react ay lumingon sa 'kin si Moyen at masama akong tiningnan.

"I don't know why those two always protect you after knowing everything you've done!" sigaw niya sa 'kin kaya natahimik lahat ng nasa kuwarto. Isang malaking kuwarto kasi 'to na halos sakop na 'yong buong third floor kaya talagang sama-sama kami rito.

Those two?

Si Gonz lang naman ang sumipa ng gamit niya kani—

Natigilan ako nang maalala ko kung paanong nagtanguan sina Gonz at Trev kanina.

Iyon ba ang ibig sabihin no'n?

Hindi na lang ako umimik at inayos ko na lang ang gamit ko sa kama na tinuro sa 'kin ni Gonz.

Bahagya akong napatingin kay Moyen at gusto kong tawanan ang itsura niya ngayon dahil hirap na hirap siyang pulutin 'yong mga gamit niyang tinapon ni Gonz sa sahig.

Maya-maya lang ay pinababa na kami sa lobby para sa meeting ng buong varsity. Buti na lang. Wala rin kasi talaga akong energy para makipagtalo pa kay Moyen.

Sir Augustino and Ma'am Loira, the head PE instructors, divided all the atheletes into fourteen groups to do the tasks.

Ang nakasama ko sa grupo ay sina Nimer, Julie at Erylle from volleyball girls. Kagrupo ko rin sina Carson at Markee from volleyball boys, at si Nayeen na galing sa women's basketball team, pati si Kyler na captain ng men's basketball team, at iba pang mga varsity na galing sa iba't ibang sports. 'Yong grupo namin ay na-assign sa events hall para i-set up 'yong stage.

Napatingin ako kay Kyler nang sabayan niya ako sa paglakad papunta sa events hall. Hindi talaga ako natutuwa sa presensya niya, sa totoo lang. Mahusay siyang basketball player pero hindi sapat ang husay niya para mamangha ako sa kanya.

Para maiwasan ko siya ay binilisan ko na lang ang lakad papuntang events hall. Pagkarating ko sa events hall ay agad kong binuksan lahat ng ilaw at naglakad na ako papunta sa stock room na nasa likuran pa. Nandoon lahat ng materyales at iba pang kailangan namin sa pag-aayos.

Binuhat ko 'yong isang malaking kahon at dinala sa may gitna ng events hall. Hindi naging mahirap sa 'kin ang pagbuhat no'n dahil sapat naman ang lakas ko at sanay na ang katawan ko sa mga mahirap na gawain.

Binuhat na rin ng mga kasama ko 'yong mga malalaking kahon na natira pa at nilapag din nila lahat 'yon dito sa gitna.

Ang iba ay naglagay ng mga banderitas at ako naman ay tumulong sa mga balloons. Nang matapos nang itayo nila Kyler ang stage, inayos na namin 'yong mga pangdisenyo.

Kanya-kanya silang kuwentuhan habang kumikilos, pero ako ay hindi umiimik at tahimik lang na gumagawa. Mas nakababagal kasi ng kilos 'yong pagdadal.

Halos inabot din ng tatlong oras ang pag-aayos namin ng events hall. Nang matapos kami ay agad kong tiningnan ang relo ko. 11PM na pala.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nauna nang umalis 'yong mga kasama ko. Grabe, iniwan pa nila 'tong mga pinagkalatan nila. Ako tuloy ang nagligpit ng mga natira at binuhat 'yong ilang kahon pabalik sa stock room.

Binalikan ko pa 'yong dalawang natirang box sa may stage at binuhat iyon pabalik ulit sa stock room. Nang mailapag ko ito sa stock room ay nagpagpag ako ng mga kamay ko.

Napalingon ako sa pinto dahil sa narinig kong pagbagsak ng mga gamit at ikinabigla ko nang makita ko si Kyler, may bitbit na malaking kahon. Nasira ang ilalim ng kahon kaya bumuhos sa lapag 'yong laman ng kahon.

Nandito pa pala siya. Bakit hindi ko siya napansin kanina? Sa bagay, napakalaki naman kasi nitong events hall.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang magpulot ng mga gamit na tumapon sa sahig.

"Thanks. Badtrip din naman kasi 'tong kahon, 'di matibay," he commented, shaking his head while picking things up.

I didn't say anything and just helped him in silence.

Nagpagpag ulit ako ng mga kamay ko dahil wala naman nang kalat pa sa sahig. Palabas na sana ako ng pinto pero natitiglan ako nang humarang bigla si Kyler sa harapan ko. Inis ko siyang tiningnan nang isara niya ang pinto at humarang pa talaga roon.

Humarap siya ulit sa 'kin kaya napakunot ang noo ko.

"Inaantok na 'ko, puwede bang umalis ka riyan?" reklamo ko.

Ignoring what I just said, his lips curved into a smirk and walked closer to me.

Agad akong nakaramdam ng kaba nang gawin niya iyon kaya napaatras ako. Nakailang hakbang ako paatras at naramdaman ko na lang na nakadiin na ako mismo sa pader. Wala na akong iaatras pa. Sagad na 'to.

Napayukom ang kamao ko.

"I'll make you mine tonight, Feem," bulong niya sa tainga ko kaya agad ko siyang tinulak. Pero dahil sa lakas niya ay hindi naging sapat ang pagtulak ko sa kanya para layuan niya ako.

Hinawakan niya ang bewang ko at halos manginig ang buong katawan ko.

"Please, let me go," I begged him, but he just let my words pass through his ears, like he hadn't heard me at all.

"Bakit ka umaarte? Para namang hindi namin nakita kung gaano ka kagaling―"

"Please, stop," putol ko sa sasabihin niya. "Kyler, please," dagdag ko pa. Pati mga mata ko ay nakikiusap sa kanya, pero bakas sa mukha niya na wala siyang balak tigilan ako.

Tears threatened to sting at my eyes and I immediately looked away.

"Oh, come on, Feem. I saw everything already. To be honest, I still have a copy of that video." An insolent smile escaped his lips. "And everytime I watch it, it makes me want to f*ck you too."

Biglang sumikip ang dibdib ko no'ng marinig ko iyon mula sa bibig niya.

Para bang bumalik sa utak ko lahat ng nangyari.

Binago nila ang buhay ko.

Sinira nila ang buhay ko.

Siyam na buwan na ang nakalilipas mula no'ng mangyari 'yon, pero para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Sa sobrang bigat nang nararamdaman ko, ngayon ko lang namalayang umiiyak na pala ako.

Pilit kong binaon sa limot ang lahat. Pilit kong inayos ang buhay ko. Pero hangga't sila ang nakapaligid sa 'kin, hindi ko alam kung posible pa bang maayos ko ang sarili ko.

Bumalik ako sa katinuaan no'ng magtangka siyang halikan ako. Mabuti na lang ay nakaiwas agad ako.

Umigting ang panga niya at saka siya mahinang natawa. "Don't play hard to get, Feem. We both know that you're not." Bakas sa boses niya ang pagkairita kaya mas lalo akong natakot sa kung ano'ng puwede niyang gawin sa 'kin.

Nagitla ako nang bigla niyang hawakan nang madiin ang magkabilang pisngi ko at pilit na inilapit ang labi niya sa labi ko. Pero bago pa niya ako tuluyang mahalikan ay pareho naming narinig ang pagbukas ng pinto kaya napataas ang kilay niya at dumistansya sa 'kin.

Sabay kaming napalingon sa pintuan at hindi ko inaasahan ang taong natatanaw ngayon ng mga mata ko.

It's Trev.

I don't care why he's here. His arrival was exactly what I needed to escape from Kyler.

Nang makita niya kami sa hindi kaaya-ayang posisyon ay napakunot ang noo niya. When his eyes darted on me, I immediately looked away to avoid his eyes. I didn't want him to see me crying. I had kept a vow to myself that I would never let anyone see my weakness and vulnerability.

Bago pa man ako makapagsalita ay nagulat ako dahil nakalapit na pala si Trev sa 'min at malakas niyang tinulak si Kyler papalayo sa 'kin.

Sinuntok niya nang malakas sa kaliwang pisngi si Kyler. Nang hindi siya makuntento ay sinuntok niya ulit ito ng dalawa pang beses dahilan para mawalan ito ng balanse at tumumba sa sahig.

Bakas sa mga mata ni Trev ang galit habang nakatitig ito kay Kyler na halos hindi na maimulat ang mga mata sa sakit. Kitang-kita sa mukha ni Kyler na napuruhan siya ng sobra ni Trev pero nagawa pa niyang tumawa.

Kitang kita ko kung paanong kumawala ang dugo mula sa bibig niya pero hindi pa rin siya tumigil sa katatawa.

Lalong uminit ang ulo ni Trev sa pagtawa ni Kyler kaya pumatong siya kay Kyler at sunod-sunod na malalakas na suntok ulit ang ibinigay niya kay Kyler. "Touch her again, you f*cktard. I'm going to make sure you'll never be able to play basketball again," he warned him, anger clearly written in his eyes.

Hindi ako makagalaw.

Muling bumalik sa isip ko lahat nang nangyari.

Nanatili lang akong nakasandal sa pader at unti-unting kumawala muli sa mga mata ko ang mga luha ko.

Pakiramdam ko kahapon lang nangyari lahat.

Hindi ko namalayang nakatayo na pala ngayon si Trev sa harapan ko. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay mas lalong bumigat ang loob ko at walang tigil ang luha ko.

Now he's seeing me weak and vulnerable, and I couldn't do anything about it.

Akmang pupunasan niya ang pisngi ko pero mabilis kong tinabig ang kamay niya.

Ikinagulat niya ang ginawa ko. "Hey, it's okay. It's me. I'm here," Sinubukan niya akong pakalmahin pero malakas ko siyang tinulak sa dibdib papalayo sa 'kin.

Madiin ko siyang tiningnan. "You're just like them, Trev. Alam kong nilalapitan mo lang ako dahil napanood mo rin," mapait kong sabi at saka ako nagmadaling tumakbo paalis.

I should've transferred to another school this academic year when I had the chance, but I chose not to.

I thought I was brave enough to face them again.

I thought I can handle people like them.

I thought I can endure their judgment.

I really thought I can save myself from shame.

But it turned out I've only fooled myself.


__

Tiana: Aw. Ano sa tingin niyo 'yung nangyari nine months ago? ;(((



Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.7K 43
Katakot takot na protesta ang ginawa ni Sybelle sa mga magulang niya para lang wag siyang ipadala sa probinsya ng mga ito. Pero ang ama niya ang bata...
126K 6.1K 36
Cory Dimaranan, a twenty-four-year-old travel blogger, seeks the opportunity to discover the wonders of Palawan...not until she discovers the not-so...
1.4M 43.9K 44
Rich and rebellious, Euphemia Villasenor only wishes for her father's attention and love. But when things get out of hand and she's finally pushed to...
1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...