Ilang sandali pa silang nagbangayan bago nagdesisyong hipan na ang mga whistles namin. Ayon sa mga seniors na nakasalubong namin kanina ay nakabase raw sa exousia particles namin ang pagpili ng academy sa Pegasus na magiging amin. Maging ang tunog ng mga whistle ay iba-iba depende sa may-ari nito.
Napaisip naman ako. Alam kaya ng academy ang type ng exousia'ng hawak ko?
Napatitig ako sa Pegasus whistle na hawak ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Nagkatinginan kaming lima bago sabay-sabay na hinipan ang mga pito. Sinakop ng buong lugar ang matinis na tunog na nilikha namin. Ako lang ba o parang nagblend yung tunog ng whistle naming lima?
Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang mga halinghing ng mga kabayo. Napatingin kami sa kalangitan kung saan may isang maliit na epipleon na lumulutang sa itaas ng academy. Doon daw inaalagaan ang mga pegasus.
Napanganga ako nang makita ang apat na pegasus na sunod-sunod na bumaba papunta sa amin. "Whoa!"
"OMG!"
"Oh my yogurt drink!"
"Omoo!"
"Witwew!"
Isang matikas na kayumangging kabayo ang lumipad patungo kay Emeline. Nililipad ng hangin ang kulay berde nitong buhok at may palamuting bulaklak sa ulo nito. Kapansin-pansin ang berde nitong mga matang kapareho ni Emeline.
Nilingon ko naman ang direksyon ni Jeanna at halos magningning ang mga mata ko nang makita ang kulay sky blueng kabayo. Bagamat sky blue rin ang kulay ng buntot at buhok nito ay kulay puti naman ang mga dulo nito.
Kay Noema naman ay kulay pula at tila apoy na naglalagablab ang buhok nito.
Nilingon ko si Neon. Kayumanggi naman ang kulay ng kabayo niya pero agad kong napansin ang kakaibang kombinasyon ng iba't ibang kulay sa buhok nito.
"Vynette..."
Malaki ang ngiting iginawad ko sa kanila nang tiningnan ko sila isa-isa. "Ang gaganda nila!"
Fudgee... kahit hindi ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng pegasus ay hindi ko pa rin mapigilang mapangha. They really reflect their own exousias.
Agad akong natahimik nang mapansin ang nagtataka nilang tingin. Kumunot ang noo ko. "May problema ba?"
"Where's yours?"
"H-huh?"
Lumingon-lingon ako sa paligid at unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapansing ako na lang ang walang kabayo. Nasaan siya?
Bumagsak ang mga balikat ko at napatingin sa lupa. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang dulo ng mga mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"Hindi mo naman ata hinipan ang whistle mo, ghorl." Sabi ni Noema.
"Ulitin mo kaya baka hindi narinig ang tawag mo." Rinig kong sambit din ni Jeanna.
"Oo nga hehehe." Pilit akong natawa pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-aalala sa mga mata ni Emeline. Huwag mo akong tingnan nang ganyan, please. Pakiramdam ko ang hina-hina ko at hindi ako bagay na kasama niyo rito sa academy.
Kahit napanghihinaan nang loob ay napabuga ako sa hangin saka hinipang muli ang whistle na hawak ko. Tinagalan at nilakasan ko nang kaunti ang pagtawag pero ilang minuto na kaming naghihintay ay walang ni anino ng isa pang kabayo ang dumating.
"Sh-t." Rinig kong mura ni Neon. "Baka sira ang whistle. Papalitan kaya natin sa administrator's office?"
Hindi ko maitago ang pagkadismaya nang tiningnan kong muli ang mga kabayong nasa tabi nilang apat. Bakit ako wala? Dahil ba wala akong maalala at hindi ko alam kung sino ako?
Pinagloloko lang ba ako ng dorm sa pinakitang simbolo sa pinto noong iniregister ko ang exousia ko?
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Fudgee! Nakakahiya naman itong pinaggagawa ko.Palagi na lang.
"Vynette," mahinang tawag sa akin ni Emeline. Napapunas ako ng luha saka siya nilingon.
"Let's go." Hinawakan niya ang kanang braso ko at hinila papasok muli sa main gate.
"T-teka—"
"Hintayin niyo kami. Saglit lang. Ipapapalit lang namin yung whistle ni Vynn." Paalam ni Emeline. Tumango naman ang tatlo. Pinunasan kong muli ang tumutulong luha ko.
"Emeline, 'yung kabayo mo."
"So? Wala akong pake." Matigas niyang sabi at inirapan ako. "Huwag ka ngang umiyak dyan! Ampanget mo."
Suminghot ako at sinamaan naman niya ako ng tingin. "Tumigil ka sa kakaarte mo dyan baka mabatukan kita."
"Emeline naman eh." Maktol ko.
"Emeline naman eh." Panggagaya niya pa sa akin kaya napasimangot ako.
Pabato niya binitawan ang braso ko at humalukipkip sa harap ko nang huminto kami sa paglalakad. "Tigilan mo nga yan." Naiirita niyang sabi.
"Nakakahiya kase eh. Pakiramdam ko sinisira ko ang mood. Huwag na lang kaya akong sumama, panira ako eh." Umiiyak kong sambit pero agad niya akong sinampal nang mahina.
"Tanga ka ba? Sino naman ang nagsabing panira ka sa mood?"
"Pakiramdam ko pabigat lang ako sa grupo."
Nabigla na lang ako nang bigla niyang hinampas ang braso ko. "Aray!"
"Aray..." Panggagaya niyang muli habang lukot ang mukha. "Ano? Gusto mo sapakin pa kita para matauhan ka?"
Mas lalo akong naiyak. "Sabi nang huwag kang umiyak eh! Ba't ang iyakin mo na, ha?"
"Ba't ang harsh mo sa akin?" Nagbago ang ekspresyon ni Emeline.
Napaupo ako. Itinakip ko ang dalawang palad ko sa mukha ko para hindi niya makita nang maayos ang pag-iyak ko. Nahihiya na ako dahil sa walang tigil na pagtulo ng luha ko. Ramdam ko na rin ang pagsipon ko at ang panginginig ng labi ko.
"Psh." Rinig kong ungot ni Emeline bago niya ako itinayo't niyakap nang mahigpit. "I'm sorry."
Mahina niyang sabi saka tinapik tapik ang likod ko para patahanin. "Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo."
"Paano na kung imposible ko nang maalala kung sino ako? Paano na kung hindi ko makontrol ang exousia ko dahil dun? Paano na kung—"
"Ssshh. Vynette, stop overthinking. Makakaalala ka rin soon." Sabi niya. "Pero kung hindi man tuluyang bumalik ang mga alaala mo ay narito naman ako, diba? Hindi kita pababayaan, promise."
"Hindi man bumalik ang mga alaala mo sa nakaraan mo, edi gumawa na lang tayo ng bago mong memories. Aalamin natin ang type ng exousia mo nang magkasama, okay?"
Sa sandaling iyon, isa lang ang nasa isip ko. Poprotektahan ko si Emeline. Kahit ano man ang mangyari, sisiguruhin kong ligtas siya.
"What are you doing here?" Sabay kaming napalingon ni Emeline sa pinagmulan ng pamilyar na boses na iyon. Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang makita ang grupo nina Ron na naglalakad papalapit sa amin.
"Why are you crying?" Lumapit sa akin si Ron pero hindi ko iyon pinansin at lumagpas ang tingin ko sa pito niya pang kasama. Kumpleto silang Royals maliban kay Elara na siguro'y kasama si Alexa ngayon.
"Napaiyakin talaga ng babaeng iyan. Hindi lang natawag ang pegasus niya ay nagsimula nang umiyak." Maarteng kwento ni Emeline. "Pupunta sana kami sa office ngayon para ipatingin ang whistle niya. Baka sira kaya hindi niya natawag ang kabayo."
"Halla anong problema sa pegasus whistle mo?" Lumapit sa akin ang babaeng may puting buhok at tiningnang mabuti ang whistle na hawak ko. "Mukhang wala naman yatang problema. Tumunog ba siya?" Mahinhin ang pagkakabanggit niya sa mga salita kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya.
Naalala ko na! Isa pala siya sa mga estudyante ng Axial na kumalaban sa mga Neroians noong nagkagulo sa Vier.
"Ikaw yung kasama ni Xander liit noon sa Vier, diba?" Sumabat ang isa pa nilang kasama. "I'm Genevieve Britt Atlantis from Diamazul pala." Inilahad niya sa akin ang kanan niyang kamay na agad ko namang tinanggap.
"V-vynette." Nakagat ko ang labi ko nang muntik na akong pumiyok sa pagsambit sa pangalan ko. Tumikhim ako. "Vynette Alicia."
"I'm Skylar Emeline Bloom." Pagpapakilala naman ni Emeline.
"Skylar? That sounds familiar..." Nilingon ko ang misteryosong babaeng may kulay pulang buhok. Mas matingkad ang kulay ng buhok niya kung ikukumpara kay Noema. Seryoso siyang nakatingin nang diretso sa mga mata ko kaya hindi mapigilan ang sariling mapalunok sa kaba.
"Don't scare her, Tania." Sabi naman ng isang lalaki. Kumikinang ang suot niyang earring sa kanan niyang tenga nang tumama ito sa sinag ng araw. Parang may kamukha siya. "Hi, madamoiselles. I'm Xander."
Lumapit siya sa amin at nagulat ako nang kinuha niya ang kanan kong kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. Kinindatan niya pa ako. Eh? "X-xander?"
Teka—ba't ang bilis naman atang naging binata si Xander eh kalong-kalong ko lang siya noong nakaraan ah? Agad akong namula nang maalalang hinalikan ko pa siya noon sa Vier! Fudgee!
Agad na nagtawanan ang mga Royals nang makita ang reaction namin ni Emeline. Pinakamalakas sa halakhak nila ay si Rey na halos maluha na kakatawa.
"Ang bilis mo namang lumaki." Alanganin na sambit ni Emeline saka kami nagkatinginan. "Hindi ko rin akalain na ang dating cute at inosenteng mukha mo noong bata ka ay mawawala at para ka na ring babaero kung makaasta."
Mas lalong humalakhak sina Rey. Kumunot ang noo ko nang makitang maging si Ron ay nakataas ang sulok ng labi na para bang pinipigilan ding matawa.
"Wait a minute, beautiful ladies. Mind explaining what are you talking about?" Si Xander lang ata ang hindi natawa at mukhang hindi gets ang kung anumang pinagtatawanan ng Royals. Ilang sandali pa ay kumunot ang noo niya nang may mapagtanto. "Tekaa—don't tell me—BWAHHAHA"
"Girls, hindi siya si Xander liit na nasa Vier noon." Sabi ng lalaking singkit at may kayumangging buhok. Kapansin-pansin ang buntot sa likod niya na parang buntot ng fox. Tumawa siya pagkatapos magsalita.
"Ha?"
"Let me clarify things. I'm Jack Xander Rapido of Electrico. Ang tinutukoy niyong Xander liit ay kapatid ko." Paliwanag niya. "Hindi ko alam kung anong nilaklak ng mga magulang ko kung bakit Xander din ang pangalan ng bulilit na iyon."
Agad naman kaming napatango ni Emeline. Wheew!
"Kung curious kayo, ako naman si Phillip Stanton Fox. Obvious naman na galing akong Animalia." Pagpapakilala naman nung lalaking singkit.
"She's Tania Cherry Sapphire naman." Turo ng babaeng may puting buhok sa misteryosong babae na may pulang buhok. "I'm Melisse Aerin Friz, pinsan ko si Ron." Mahinhin siyang humagikgik.
"About your whistle, chineck ko na pero wala namang sira. Itry mo kaya ulit na tawagin ang kabayo mo. Tara."
Hinila kami ng Royals pabalik sa main gate. Agad kong nilingon si Emeline na ngayon ay nakikipagbangayan na naman kay Rey.
"Hey," Pabulong na tawag sa akin ni Aerin. Saglit akong napatitig sa kulay bughaw na bandanang nasa noo niya na kakulay din ng mga mata niya. "I just wanna know anong relasyon niyo ng pinsan ko?"
"Huh?"
"Si Ron." Paglilinaw niya saka nginitian ako. "Nagtataka lang ako kase napansin kong kusa ka niyang in-approach kanina which is so unusual. Anong mayroon sa inyo?"
"We're—" Natigilan ako saglit at nilingon ang likod ni Ron na kasalukuyang nasa harapan namin. "—friends."
"Ah," Nadidismayang aniya. "Bakit?"
"Huh?"
"I mean bakit friends lang?" Tiningnan ko siyang mabuti at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "Sure kang friends lang kayo?"
Kumunot lamang ang noo ko sa tinuran niya. "Ahmm hindi ba dapat?"
Tumawa si Aerin sa sinabi ko dahilan para mapalingon sila sa amin. "Hoyy, anong pinag-uusapan niyo dyan? Share share." Nakataas ang kilay ni Genevieve sa amin saka lumapit. Nabigla na lang ako nang lumingkis siya sa kabilang braso ko kaya ang resulta'y pinaggigitnaan na nila akong dalawa.
"She's so cute, Vieve. She's so transparent. Hahahaha." Mahinhin ang pagkakatawa niya kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Ako? Cute? Eh mas hamak na cute siya kung kumilos at magsalita eh.
At saka bakit palagi na lang nilang sinasabi sa akin na transparent ako? Una si Alexa tapos si Aerin naman? Ganun ba talaga ako kadaling mabasa?
Bumaling sa akin si Aerin. "You like him, don't you?"
Namilog ang mga mata ko.
"Look at her, Vieve. Omgg why do you look so flushed?"
"Ah eh—"
"Confirmed!" Tumawa si Genevieve. Napalakas din ang pagkakasabi niya kaya muling lumingon sina Ron sa pwesto namin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Don't worry, your secret is safe with us." Kinindatan ako ni Genevieve habang binigyan lamang ako ng reassuring smile ni Aerin.
Fudgeee... Ganun na ba kahalatang may crush ako kay Ron?
Napangiti na lang ako nang alanganin. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit sa nararamdaman ko. For a moment, at least naramdaman kong belong ako sa mundo nila.
Nang makarating kaming muli sa main gate ay bumungad sa amin ang mga gulat na itsura ng tatlo. Nagtataka siguro sila na kasama namin ang Royals.
"Omoo..." Napangiti ako nang makitang napahawak si Noema sa laylayan ng damit ni Jeanna nang makita kami. Nagtatanong ang mga tingin nila sa amin pero si Emeline na ang kumausap sa kanila.
"They're your company?" Tanong sa akin ni Genevieve kaya tumango naman ako. Hindi pa rin nila ako binibitawan kaya nanatili na lamang ako sa pwesto ko.
"Aww... akala ko pa naman makakasama ka namin sa pamamasyal sa Festum." Dismayadong sabi ni Aerin. "Anyway, magkikita naman siguro tayo since iisang lugar naman ang pupuntahan natin."
Sumang-ayon si Genevieve. Nahagip ng tingin ko si Ron na kanina pa pala nakatingin sa akin. Kinunotan ko siya ng noo pero nag-iwas lang siya ng tingin.
"Oo nga pala. Try your whistle na pala." Dahil sa tinuran ni Aerin ay muli akong napatitig sa whistle na hawak ko. Dalawang beses ko na itong hinipan kanina at walang pegasus na dumating. Paano kung wala talaga? Mapapahiya na naman ako nito lalo pa't hindi lang sina Emeline ang kasama ko ngayon.
"Huwag na lang kaya." Mahina kong sambit. Napatingin naman silang dalawa agad sa akin. "Makikisakay na lang ako kay Emeline hehehe."
"Tsss. Why are you like that? Be confident." May halong irita ang tono ni Genevieve kaya napalingon ako sa kaniya. Ganun din kase ang sinabi sa akin ni Alexa noong nakaraan. Am I not being confident enough?
Napabuntong-hininga ako at napatitig sa whistle na hawak ko. Nagdadalawang-isip kung hihipan ko ba ulit o hindi.
"Hihipan mo iyan o ipapasungalngal ko iyan sa bunganga mo?"
"Vieve!"
Sumimangot ako at napalunok ng ilang beses. Ba't ang haharsh nilang magsalita?
"Woi! Ako lang ang may karapatang magsalita nang ganyan kay Vynn!" Singit na sigaw naman ni Emeline.
"Ghorl, Royal yang sinigawan mo baka nakakalimutan mo."
"So? Dapat ba may pake ako?"
"Future Queen yan siz. Ano ka ba?"
"Eh future naman pala eh. Saka na dapat sila magpakabossy kung sila na talaga ang Hari at Reyna. Tsss."
Rinig kong natawa si Genevieve sa mga sinabi ni Emeline. "Wow, I like that kind of attitude."
"Parang magkakasundo kayo Vieve hahhahaha."
"Tsk. Ibang klase talaga iyang babaeng yan." Napapailing namang sabi ni Rey kaya napalingon kami sa kaniya. "Oh? Ba't kayo nakatingin? Alam ko namang gwapo ako pero baka matunaw na ako niyan."
"Nagsalita ang pangit na unggoy."
"Aba't—sinong unggoy na naman ha?"
"Tsss. Ba't mo tinatanong sa akin kung sino ka?"
"Kung makapagsalita ka akala mo ikinaganda mo iyan."
"Bakit ikinagwapo mo naman ba ang pagiging unggoy?"
Huminga ako nang malalim. Natigil naman ang sagutan nilang dalawa nang malakas kong hinipan ang whistle ko. Sinakop ng buong lugar ang isang tunog na parang naging musika sa pandinig ko. Hindi ko alam kung ilang segundo ko iyon hinipan pero nang matapos ako ay halos kapusin ako ng hininga.
Ipinikit ko ang mga mata ko at lihim pa akong napacross fingers. Please...
Ilang sandali pa ay napamulat ako nang may marinig kaming huni ng kabayo na nanggagaling sa itaas. Is this for real? Nagawa ko na ba?
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman nang muling humalinghing ang isang kabayo. She's really here!
Parang biglang bumagal ang buong paligid. Napanganga ako sa bawat pagkumpas ng pakpak ng Pegasus. Kulay rosas siya. Wavy ang kulay rosegold nitong buhok at buntot na tinatangay-tangay ng hangin. Totoo ba itong nakikita ko? Kumikinang siya!
Nang lumapag siya sa harapan ko ay halos hindi ako makagalaw. Lumapit siya sa akin at iniyuko nito ang ulo sa harapan ko na siyang dahilan para makita ang isang bagay na tila nakadikit sa noo nito.
Kuminang ito nang masinagan ng araw. Lumapit naman ang mga kasama ko sa pwesto namin. "She's so beautiful."
Itinaas ko ang kaliwa kong kamay para mahawakan siya. Namumuong muli ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala.
Dahan-dahan kong hinaplos ang crystal na nasa noo niya. Katulad na katulad nito ang rosegold crystal na lumitaw noon sa pintuan ko. Kahugis din nito ang mga bituin sa langit.
Anong ibig sabihin nito? May kinalaman ba talaga sa crystal ang exousia ko?
..........
Date posted : June 24, 2020