Walking in the Wind (Valdemor...

By anchoraigee

41.9K 1.2K 81

Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for... More

Walking in the Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Joaquin Gabriel
Author's Gratitude

Chapter 16

670 21 3
By anchoraigee

Panic ran through me. Halos hindi ko na malaman kung anong nangyayari dahil sa kaba at takot. I am sitting and Gab's driving me around but it couldn't take away my fears. Hindi matigil ang panginginig ng kamay ko at pangangatal ng labi.

Paano kung nakita ni Papa iyon? Paano kung pagdating sa bahay ay sesermonan niya ako at mumurahin? Iniisip ko pa lang ay natatakot na ako.

He never got mad at me before. He never tried hurting me but what if that'll happen? Lalo pa't kasama ko si Gab.

He stopped the car and faced me. Tulala ako at kahit papaano ay malayo na iyon sa kung saan kami kanina.

Nakailang panalangin ako sa utak na sana ay hindi nakita ni Papa. Hindi ko maisip kung anong gagawin niya sa akin kung sakali.

"Hey, stop crying," kinurap ko ang mata saka naramdaman ang panyo niyang pinunas sa mukha ko.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako sa sobrang pag-iisip tungkol doon.

I grabbed the handkerchief from him and wiped it myself. Huminga ako ng malalim saka napahawak sa sentido.

Too risky to feel my curiosity. Hindi ba pwedeng ma-try ko ang isang bagay na kailanman ay hindi ko nasubukan nang walang pangamba? Can I at least try it once in my lifetime without getting scared of the possible consequences?

I was determined to finish my studies. I am school oriented and prohibited to have a romantic relationship with someone until I finish studying.

Masunurin ako pero hindi ko madiktahan ang nararamdaman ko. If I will fall out of love, will there be a chance for me to pour it all to someone I love?

Pwede bang suwayin ko ng isang beses ang magulang ko? All my life, I dedicated all my hardworks for them. I did my best and tried everything just to make them proud and myself, too. Pwedeng kahit magmahal lang ako ang kapalit lahat nang iyon?

"Ihahatid kita--"

"Huwag!" nagulat ito sa biglaang pagtaas ng boses ko. "Sorry. Huwag muna. I can't stand hearing my father's scolds to me. Ngayon ko lang hihilingin sa'yo 'to," I drew a deep breath. "Please stay with me... even for a while."

Tumango ito na parang naiintindihan ang naramdaman ko. I once said to him about the only prohibited thing for me. Kahit ngayon man lang ay masamahan niya ako.

He bought water for me. Tinungga ko iyon habang tahimik at malalim ang iniisip. We stayed inside his car. Ayokong lumabas dahil baka makita ko na naman si Papa.

Kasama nito kanina ang iba niyang katrabaho at tingin ko'y may importanteng ginagawa doon kanina. I silently wished for a possibility that he didn't saw me with Gab.

Please lang.

Sana hindi niya ako nakita.

Tahimik lang kami sa loob. He never tried disturbing me. Naroon ang pag-vibrate pa ng phone ko. Nang tignan kung sinong tumatawag ay mas lalo lang akong kinabahan.

Tumatawag sa akin si Mama at tadtad na ako ng texts. I slowly replied to her. Sinabi kong may importanteng nilakaran at pinatay ang phone. Kung hindi ako nakapag reply ay mag-aalala iyon sa akin at baka i-report pa kay Papa.

"Anong oras ka uuwi?" lumingon ito sa akin at tinignan ang relo.

"Until you feel better. Pupunta akong Galleria de Asuncion."

Tumango ako saka napainom ulit ng tubig. Hindi na ako nang-usisa pa kung anong gagawin niya roon. It's not my business. Laman ng utak ko ngayon kung ano iyong dadatnan ko mamaya sa bahay.

"You know what? I envy you for having a complete family," he rested his back on his chair and gave me his attention. He broke the deafening silence by that. "You have a mother and a father which prohibits you for some things. Alam mo bang minsan ko na ring hiniling na pagbawalan sa isang bagay? Weird but I wanted to feel it especially from my father. Gusto ko ring maranasang sigawan o pagalitan dahil nalasing ako o dahil sa mga kabulastugan ko."

Tahimik akong nakinig sa kwento niya. Somehow, he's stealing my attention to not think about what happened earlier or what may happen.

"You are lucky enough to have a father on your side. Ako? I experienced celebrating both mother's and father's day with just my mom. My mom attended family days with just her presence, representing my father to just let me feel of having a family."

"Dati ay naiinggit ako kasi bakit iyong iba kumpleto, samantalang ako may iisang kulang. My mom's not evil to be left behind. Hindi naman niya deserve maiwanan habang buntis. Pakiramdam ko nga ay hindi minahal ng tatay ko ang nanay ko. He's such an asshole."

He laughed a bit on that. He told me a little detail before but I think, knowing the other parts of the story is more painful. Masakit na iyong una kong narinig pero mas masakit iyong isinawalat niya sa akin ngayon.

I feel sorry for him, for the life that he experienced with missing puzzles that needs to be filled.

This side of him that he's showing to me now is far different from all the behaviors that has seen by people. Ibang-iba sa mga bersyon na nakikita ng mga tao sa kanya.

Who would have thought that the man who's dating a lot of girls is hiding something behind his mask?

Maaaring masaya iyong panlabas na katauhan niya pero sa likod niyon ay ang lungkot at sakit na kanyang kinikimkim. Too easy to hide all of it these days. Kaya nang magpanggap.

"I won't copy my father's steps if I will be having a family in the future. Ayokong maranasan ng magiging anak ko na walang tatay sa tabi niya. Ayokong mang-iwan ng taong mahal ko."

He drank the water beside him and sighed. Parang nailabas niya iyong lahat ng kanyang sama ng loob sa akin. I pity him.

Mayaman, kayang bilhin lahat pero sadyang napakalaking kulang sa buhay niya ang kawalan ng tatay.

Money can't really fulfill all the happiness that you need. Maaaring marami kang mabili gamit ang pera pero iba iyong pagkukulang kapag pamilya ang pinag-uusapan.

"You can be a good father. I can see it from you," sabi ko, dahilan ng pagseseryoso niya. Ramdam ko iyong sinseridad niya noong sinabi niya ang huling mga salita.

Ayaw niyang mang-iwan ng taong mahal niya. Ayaw niyang sa huli ay siya ang magiging dahilan ng pagkukulang. And I think that's the best words I've heard from someone who never experienced having a complete family.

"Just making you feel better. Pasensya na kung iyon pa ang ikinuwento ko sa'yo. Wala akong maisip, eh. And I want to be open with you. I guess it is okay telling you my life?"

"Tsk. Okay na. Saka wala naman na akong takas sa sermon ni Papa sa akin mamaya. Thank you kasi kahit papaano ay medyo gumaan ang loob ko."

"Harapin ko kaya Papa mo? Baka sakaling magustuhan ako."

Umiling kaagad ako. Walang interes si Papa kung gwapo o may kaya ito. Ang gusto niya lang ay masunod ko ang patakaran niya. At baka mabaril pa siya ng wala sa oras. I'm being serious here. Ayokong mangyari iyon.

"No. You don't know him that much."

Tumango na lang ito sa sinabi ko. I can't let him do that for me. Sa huli ay baka may magawa pa si Papa sa kanya.

Inubos ko ang oras sa loob ng kotse niya. Maghahapon nang nagiging tahimik ako. All I did was just listening to his stories and rants about his school. Iyon lang ang ginawa ko kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.

He never asked me again on what time I will be going home. Talagang nagkwento lang siya ng kung ano ano para malibang ako. And I'm thankful because he understands me. Siguro matinding panalangin na lang ang gagawin ko para mamaya. Sana gumana.

"Salamat, ah? Malaking tulong ang nagawa mo," I smiled a bit and before going out of his car. Bumaba rin ito saka nilapitan ako.

Hindi na ako nagpahatid sa bahay. All I need is just a ride from here. Ayoko ring ma-chismis doon sa bahay lalo pa't mausisa iyong mga kapitbahay.

Ayoko ring makita ni Papa kung sino itong kasama ko. Kinabahan na nga ako kanina tapos dadagdagan ko pa?

"Sure. You can call me later. Just be safe and take care yourself. Huwag kang kabahan. That's your father and he won't hurt you."

I smiled before tapping his shoulder. Binigay niya iyong bulaklak sa akin na ngayon ay nasa paperbag na. I took it from him.

"Baka magduda Papa mo kaya nilagay ko na dyan."

Buti na lang dahil ilang tanong ang sasagutin ko kapag nakita niya itong bulaklak. He will suspect me again of having an admirer again.

"Sige. Kita na lang tayo next week."

Hinintay muna nito akong makasakay sa tricycle bago umalis. Tinanaw pa ang sinasakyan ko hanggang sa mawala iyon sa paningin niya.

I glanced at the paper bag I'm holding. Good thing he managed to put it in here. Balak ko pa namang patuyuin ang mga ito sa journal notebook.

Nang nakarating sa bahay ay abot abot ang kaba ko. The lights are on and I can clearly hear the noise of the television. Nanonood si Papa ng balita at makakadaan ako sa harapan niya.

I gulped hard before entering the house. Binati ko ito saka madaliang dumaan sa harap niya. I'm like a thief stealing something. Tinago ko iyong dala sa likod ko.

"Saan ka galing?" before I could open my room, his voice made me jump. Napahawak ako sa dibdib saka hinarap si Papa.

His eyes were like silently inspecting the thing I am carrying. Pinanatili kong normal ang ikinikilos bago nagsalita.

"May importanteng pinuntahan, Pa. Kumuha ng iilang gamit galing kay Chesca," paliwanag ko saka itinaas ng marahan iyong bitbit.

Sana naman makumbinsi siya. Iyon lang ang naisip kong dahilan. I can't think of any reason now.

Lord. Pasensya po sa pagsisinungaling. Ngayon ko lang naman ginawa 'to kay Papa. Sana naman maniwala siya. Please lang po.

He narrowed his eyes like he's catching if I am really saying the truth. Mas lalo akong kinabahan nang seryoso itong tinignan ako na para bang alam niya ang nangyari.

"Baka naman may kinita kang iba?"

"Po? Hindi naman, Pa. Buong araw kaming nagsama ni Chesca. Nilibre ako kaya di makatanggi."

Palusot ko pa. Sana naman hindi madapa si Chesca kung nasaan man siya. I made her as my reason here without knowing her. Nagiging makasalanan na ako.

Tumango ito saka binalik ang tingin sa pinapanuod. Parang nabunutan ako ng tinik nang makapasok na sa kwarto saka sumandal sa pinto.

This day is a tiring day. Pagod ang isip at katawan ko kahit na ang ginawa ko lang naman ay ang pag-isip sa magiging sermon ni Papa na hindi nangyari.

Thank God you heard my prayer. Tatanawin kong isang malaking himala ito.

I placed the flower on my table and sat on the chair. Binuksan ko iyong bintana saka ang ilaw sa gilid ko at binuklat ng journal notebook na may lamang mga ginawa kong tula. Inipit ko sa loob niyon ang mga bulaklak.

Ayokong makita rin nila ito dahil magsususpetsa sila sa akin. What happened earlier was enough. Ayoko nang dagdagan pa.

Your flowers might be wither but the scent will trap here forever. Thanks for being there when I needed someone. Thank you for trusting me about telling your life, rants and for letting me know who you truly are. You deserve someone who understands you.

P.S. First time kong mabigyan ng bulaklak kaya tinago ko talaga. Don't worry, I'll give you this when the right time comes. Sayang lahat ng tinta dito kapag hindi mo nabasa. Kung hindi man, ayos lang. Baka sabihan mo akong makaluma.

I wrote it all before finally staring at it. Medyo kumapal na iyong mga pahina na sinulatan ko.

I write poems. Matagal ko nang sinusulatan ng tula itong journal notebook ko. I find it very old way to express something but trust me, it's so beautiful to read rhyming words.

Nakatitig lang ako doon hanggang sa nag-ring iyong phone ko. Mabilisan kong kinuha iyon at sinagot.

"How was it? Did your father scolded you?" sinara ko iyong notebook saka sumandal sa upuan. I don't know why but I felt relieved when I heard his voice. Para kasing mas malambot iyon. The softness of it is like something that lightens up the mood.

"Hindi, buti na lang kasi hindi nang-usisa pa si Papa." Tumayo ako at ni-lock ang pinto para makasigurado lang. Bumalik ako sa pag-upo habang kausap pa rin ito.

"Well I guess you're good?"

"Hmm. A bit."

He sighed then silence covered us. I tapped my table as I wait for him to say something. Nakapangalumbaba ako hanggang sa tumikhim ito.

"Are you really want to hide your situation? I mean... hindi ka ba mapapagod kakatago sa magulang mo para sa'kin?"

Natigil ako sa ginagawa. If I can tell this to them directly without feeling scared, then sure, I would be glad. Kaso iba si Papa.

"Sa ngayon, oo. Alam mo bang gusto ko rin namang makaranas ng mayroong inspirasyon tuwing nag-aaral? It's okay for me to hide this for the mean time since you're still at the first level."

I am not sure with my answer. Naroon pa rin naman ang kaba sa akin. I can't guarantee myself that I can hide this perfectly.

"Just tell me if I am disturbing your studies. Handa naman akong tumigil at maghintay sa'yo. Courting is just a process to show how much you are eager to get someone. Walang wala iyan kapag nakilala na kita ng husto.K ung gusto mo, pakasal na agad tayo kapag naka-graduate ka na."

He chuckled and I rolled my eyes. Kung makapagsabi, akala mo talagang kami ang para sa isa't isa. I am not sure if I'll be settling down after that. Gusto ko pang bigyan ng lahat sina Mama.

"Kapag... kapag nakatapos ka na at kung sinagot kita, I promise, I'll tell them right away. Ang gusto lang naman kasi ni Papa ay iyong nakapagtapos saka hindi na umaasa sa magulang. And I think, that would be the best time if ever."

I told him. Sana nga dumating ang araw na hindi ako natatakot, hindi nababalisa at hindi umiiyak nang dahil sa pagtatago. For now, I'll be okay with this set up.

After his graduation.

That will be the time I am making sure of myself if I already had a feelings for him. Kung mayroon, handa akong ipaglaban. Kung wala, I'm afraid that it will all end it there.

Continue Reading

You'll Also Like

432K 27.1K 39
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
4.2M 147K 67
When a hopeless playboy, Chad James Carter was busted by his father, his life turned upside down. After his father had found out that he was spending...
319K 9.6K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...