Stuck In My Rainbow Identity

By meriemei

4.9K 1.8K 778

[Completed] Rans Keith Abing is not a normal guy, He's strong, handsome, and Smart. And now you're asking, Wh... More

Stuck in my rainbow identity
Beki Lingo Translation
Simula
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Wakas
Author's Note

01

285 88 54
By meriemei



Chapter 01


"Okay ka lang, Pare?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Blake, tinanguan ko lang siya at naglakad na papalapit sa kama ko.

Katulad nga ng sabi nila, iisang kwarto lang kami pero kaniya-kaniyang kama. Dalawa lang ang rest room house kaya mahihirapan kami tuwing pasukan.

And for freaking sake! Mahihirapan akong kumilos kasama nila!

Imagine, noong nakaraang araw lang pinapantasya ko ang kagwapuhan nila and then now, titira ako kasama nila?

Oh, come on! Paano ako magtatago? Pero keri lang, atleast uh, yummy roommates!

Narinig kong sumarado ang pinto hudyat na lumabas na si Blake. I closed my eyes and I pursed my lips habang pinipigilan ang kilig ko, pero hindi ko na kaya!

Buhay na buhay ang dugo ng pagkabakla ko!

Tumili ako ng pagkalakas lakas at isinalaksak ang mukha sa unan.

Oh my Goodness! I'm living with my four boyfriends! Uh, pwede na yata akong mamatay! Charot, sayang pretty.

Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis ko silang tinawagan sa group chat sa facetime at mabilis naman silang sumagot kaya iinggitin ko na sila!

"Anong problema mong paminta ka?" Pagbati ni Charlotte dahilan para umikot ang magaganda kong mata. Akala mo naman napakaganda!

"Ano ba kasi 'yon beks?" Sabat naman ni Edrianne, ang sasama talaga ng ugali. Manang mana sa'kin!

"Yeah right! It's gabi na kaya and I have beauty tulog pa!" Sabi naman ni Kristine, e kung sampalin kaya kita? Para maka-beauty tulog kang conyo ka?

Ayokong mastress, sayang ganda ko!

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, hindi mo matago 'yung saya at kilig ko! Shit, makikita ko silang topless araw araw! Uh, yummy!

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko..." panimula ko habang kinakagat ang labi ko, hindi ko na kaya! Kailangan ko nang ikwento sa kanila, sobrang hindi ako makapaniwala!

"Hindi naman pala maniniwala, bakit pa kami makikinig sayo?" Sabay ni charlotte, inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. Kahit kailan talaga, kontrabida ng taon!

"Manahimik ka nga! Ang baho ng hininga mo!" Pang aasar ko sa kaniya, inamoy niya ang hininga niya at napangiwi naman siya sa baho. See? Kikay kikay, hindi naman marunong magtoothbrush.

"Dalian mo na beks, tawag na ako ni Mommy!" Pangungulit ni Andrea, may rule kasi kami sa barkada na wala dapat ma-left behind sa chika. Well, that's how girls talked.

Huminga muna ako ng malalaman at saka nagsimula.

"Kasama ko sa iisang bahay si Blake, Nick, Tony and Baby Tayler ko!" I shouted out of excitement.

"Ano?!" Sabay na sabay nilang tanong, bakas sa mga chaka nilang mukha na nagulat sila sa sinabi ko. Well, that's my goal, inggitin sila!

"Sa Matthew din sila mag-aaral at nasa iisa kaming deluxe house!" Pasigaw kong sabi pero mukhang hindi naniniwala ang mga bakla, sabi ko na nga ba!

"Wait, beks naka-drugs ka ba?!" Andrea asked, inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagmamaganda.

"Seryoso mi! Maski ako hindi makapaniwala!" Pangungumbinsi ko sa kanila, Napaawang ang labi nila at sabay sabay kaming tumili.

"O.....M....G..." Sabay sabay naming sabi habang may malalaking ngiti, ilang taon kaming baliw sa apat na 'yan and then now, kasama ko sila sa iisang bahay! Goodness! Haba ng hair ko!

"Is it totoo ba?! I'm so inggit na!" Sabi ni Kristine but I just flipped my imaginary hair. Duh! Mainggit kayo sa ganda ko!

"Ako din beks! Nakawan mo ako ng brief ha!" Lumaki ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Charlotte, kahit hindi niya sabihin, gagawin ko 'yan! Uh, yummy!

"Plano ko din 'yan mi!" Naisip ko na din 'yan minsan, kapag wala sila dito, uh! Magkakandawalaan ang mga brief nila! Charot!

"Dude?"

Halos mapabalikwas ako sa kama nang marinig ko ang boses ni Blake, shit!

"What's happening?" Seryosong tanong ni Tony at nakakunot ang noo, narinig ba nila ang huni ng kabaklaan ko? Shokot!

"Ah-eh w-wala Pare." Nauutal kong sabi at hirap na nagtunog lalaki. Sa sobrang taranta ko hindi ko namalayan na para na akong tanga dito, ano ba Rans! Nasaan na ang ganda mo?!

Naglakad si Blake paikot ng kwarto at binuksan ang mga cabinet, anong ginagawa niya? Hinahanap niya ba ang pagkalalaki ko? Wala na Blake, naglaho na! Charot.

"May narinig kaming sigaw, Sino 'yon? may dala ka bang babae?" Takang tanong ni Blake, I faked a cough at nagsalita.

Kailangan ko mag-isip ng bright Idea.... got you!

"H-hindi Pare, girlfriend ko." Gusto kong masuka sa sinabi ko pero wala akong choice! Kapag nalaman nilang ako ang tumili, baka umabot kay Daddy! Shokot ko lang sa kalbong 'yon! Kinalikot ko ang phone ko at naghanap ng picture ni Kristine, mabuti nalang at may itsura 'tong baklang 'to kahit papaano.

Ipinakita ko sa kanila ang picture ni Kristine at ngumiti sa kanila.

"Binanatan ko kasi ng mga pick-up lines, ayun, kinikilig." Maskulado kong sabi, nakakashokot ako today ah! Nakakasuka! Kahit kailan hindi ako babanat at kahit kailan, hindi ako magkaka girlfriend!

Over my gorgeous and perfect body!

"Is that so?" Tanong ni Tony at tinanguan ko lang siya, Goodness! Bakit napaka sungit nito sa personal?! Pero keri lang, gwapo naman.

"Pasensya na sa istorbo, By the way, enjoy!" Nakangiting sabi ni Blake habang kumakaway sa'kin. Hindi ko alam kung naniwala ba siya o ano man but one thing's for sure...

May girlfriend ako sa paningin nila! Disgusting!


"Dude, that's creepy." Naguguluhang sabi ni Tony, siguro hindi siya naniwala, halika ka dito baby, kiss kita para maniwala ka. Charot.

"Single ka kasi, Tony." Pang-aasar ni Blake habang tinatapik ang balikat ni Tony. Napaka mapang-asar talaga nito ni Blake! Ang sarap niya tuloy!

Kasama, sarap kasama.

"Fuck you." Tony cursed sabay lumabas ng kwarto.

The moment na nakalabas sila ng kwarto ay nakahinga na ako ng maluwag, that was so close! Mabuti nalang at naniwala sila sa paandar ko, nakakasuka nga lang pero keri na, kaysa naman mapadala sa military.

Shokot.

Humiga na ako sa kama at hinayaan ang sariling kainin ng apat na gwapo-- I mean, kainin ng dilim.

-

Nagising ako dahil sa mga kaluskos ng paa na naririnig ko, I slowly opened my eyes and-

O...M....G...

The four hunks wasn't wearing anything but a towel on their waist! Halos tumulo ang laway ko sa sobrang ganda ng view, uh! This is heaven!

Taranta akong naglakad palapit sa cabinet ko para kumuha ng gamit at dumiretso sa cr, mabuti nalang at napigilan ko ang sarili kong tumili. Kung nagkataon, warla na ng taon!

Itinukod ko ang kamay ko sa sink at tiningnan ang sarili sa salamin, bakit ka namumula self?! Baka nahalata ka nila, kalandian mo kasi!

Kalma self, apat na taon kang makakakita ng nota sa umaga. Masanay ka na.

I did my morning ritual at lumabas na ng cr, wala na sila sa kani-kanilang pwesto kaya malamang nasa school area na sila. Kinuha ko ang mga gamit ko at mabilis na umalis ng bahay, I locked the door and I saw a pink service infront of the house.

Kinawayan lang ako ni Manong driver kaya sumakay nalang ako, mabilis kaming nakarating sa campus at kinuha ko ang papel na iniabot sa'kin ni Manong. This is my section's name and schedule, Tourism A1...

Inilibot ko ang magaganda kong mata sa paligid ng main building at hinanap ang section sa pinto nito.

"Tourism A1..." the first door, wala... second, wala... third-

"Ayun!" Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob, pinipigilan ko ang matambok kong pwet na kimendeng dahil mahirap na. Kailangan mas lalaki pa ako sa mga classmate ko, Goodness! Ang hirap hirap kaya! Sa ganda 'kong 'to, lalaki ang kilos ko! Nakakainis!

Pumasok ako sa loob at mabilis na iginala ang tingin dahil, it's hottie search time! Oras na para maghanap ng mga pagnanasaan, pero syempre wala namang tatalo sa apat kong boyfriends. Charot.

"Huy Pare!!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Blake, nakita ko silang apat sa pinakadulong upuan at tabi tabi. Ang sasarap!

Sarap maging blockmate kasi.

Si Blake at baby Tayler na nakangiti at kumakaway sa'kin, si Nick na abala sa pagbabasa ng libro at si Tony na busy sa cellphone.

Sa apat na 'to, si Tayler at Blake ang madaldal at si Nick at Tony naman ang mukhang walang pakialam. Chusera! Sa ganda 'kong 'to ayaw nila akong tingnan?! Whatever!

"We're classmates!" Masayang sabi ni Tayler, Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. Napalunok ako ng madiin dahil sa ginawa niya, I can smell his manly scent!

Nagwawala na ang makulay kong pagkatao sa loob! Goodness! My crush just....just... Ah!!

Kalma self, lalaki ka dito...ah! I faked a cough at ngumiti sa kanila.

"Oo nga, Pare!" Sagot ko habang nagtutunog lalaki, nakakadiri talaga! Ganito-ganito lang ako pero deep inside, gusto ko na siyang lantakan-charot.

"Nice!" Masayang sabi ni Blake sabay naki-pag up here sa'kin. Goodness, para akong nakaramdam ng kuryente nang magtama ang balat naming dalawa!

Okay.... lalaki ako!

"Hoy Bro congrats ah!" Masayang sabi ni Blake na ikinakunot ng noo ko, "Nakabingwit ka ng magandang girlfriend!" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya, gross! Mas maganda pa nga ako kaysa sa kaniya!

"S-salamat." Nauutal kong sagot, hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa pandidiri at inis. Mas maganda ako sa kaniya, hello!

"Sabihin mo naman kung saan mo siya nakilala! She's absoloutely gorgeous!" Masayang sabi ni Tayler, gusto ko silang murahin dahil katabi lang naman nila ako. Tapos maghahanap pa sila ng iba, hello?!

Sa ganda kong 'to, hindi niyo ako napapansin?!

Magsasalita na sana ako nang dumating ang isang hindi katandaang babae, I think She's the Professor. Malamang.

"Good morning everyone!" Bati niya, tinapik ni Tayler at Blake ang balikat ko at bumalik sa upuan nila. Naupo ako sa tabi ni Tony, tinapunan niya ako ng tingin kaya nginitian ko siya.

Tila wala siyang nakita at hindi ako pinansin, hmp! Halikan kita dyan e, tingnan ko kung hindi pa niya ako makita.

"You know what's happening in the first day of school? Introduce yourself and state your ability, since you're all juniors." The Professor said dahilan para gumawa ng mahihinang ingay ang klase, sino ba namang maeexcite dito? ako lang naman yata ang masaya dito dahil talongis din ang hanap ko, sila? hindi sila masaya! kasi pechay ang hanap nila!

Nagsimula nang magpakilala ang mga lalaki and so far, wala pa akong nakikitang gwapo. Akala ko pa naman madami, shokot naman ng mga peslak dito!

Natapos na ang lahat at kaming lima nalang ang natitira, tumayo si Blake at ngumiti ng pagkalapad lapad sa klase. Goodness! Napakagwapo talaga!

"Blake Martin, Taken but still ready to mingle. I'm the best in basketball." He said at sumunod naman si Tony.

"Tony Alexis Falcon, uh singer, dancer and player." He said at walang pakeng umuwi sa upuan niya. Tumayo si Nick at inayos ang salamin niya, hottie!

"Nick Ryan Olivares, taekwondo and basketball player." Napa-'ohh' ang kabaklaan ko sa loob dahil sa sinabi niya, He's a taekwondo player!

Goodness, sipain mo ako! Paluin mo ako! Spank me Daddy!

"Tayler Fernandez, dancer and Player ng basketball, mas magaling pa ako kay Blake." He said at sinenyasan na ako ng teacher na tumayo. I pursed ny lips as I hide my smile, kahit anong gawin ni Tayler kinikilig talaga ako. Nagwawala ang mga paru-parong may rainbow na pakpak sa t'yan ko.

If I know, lahat sila may lahi. Hindi lang ako sure kung ano, malalaman ko nalang 'yon kapag ako na 'yung nilahian nila. Charot!

Hinarap ko sila at nakita kong walang ibang nakatingin sa'kin kung hindi ang teacher. Mga maskuladong panget, naghahanap ng kipay.

"Rans Keith Abing, Dancer." I said at mabilis akong bumalik sa upuan ko.

"Nice meeting you, students." She said at nagsimula na sa kung anu-ano mang ritwal.


--

Natapos ang klase and lunch time na, I don't know kung saan ako pupunta. Ang hirap kapag wala sila Edrianne, wala akong masampal.

"Hey, Rans!" Napalingon ako nang marinig ko nag boses ni Baby Tayler, gusto ko siyang yakapin pero ang ginawa niya, sinuntok niya lang naman ang napaka lambot kong balikat.

"Huy Pare!" Sagot ko, nakakadiri talaga kapag nagtutunog lalaki ako. Hindi bagay, diyosa kasi ako. Hindi bagay sa'kin maging lalaki, sa ganda kong 'to?

"Join ka sa'min mag lunch!" Pag-aaya ni Blake, may karapatan ba akong tumanggi? Apat na crush ko 'to! Tatanggi pa ba sa biyaya? Charot.

"Sige ba!" Sagot ko at sinabayan silang maglakad palabas ng building.

Dito sa Matthew walang cafeteria, ang nagsisilbing kainan dito ay parang mga restaurant at fastfood sa loob. Habang naglalakad kami hindi ko masyadong kilala ang mga kainan dito, wala bang jollibee dito?!

Mukhang New York ang street ng Matthew's campus, ang ganda ng sidewalk. Lakas maka-vintage.

Naglakad kami sa side walk, tiningnan ko sila at Pare-parehas ang kamay nilang nakalagay sa bulsa nila. Huminga ako ng malalim at ginaya sila, mahirap na!

Baka sabihin bakla ako, sinong bakla?!

Nakarating kami sa isang hindi ko kilalang kainan, pansin ko lang, walang mga ganitong branch sa labas ng Matthew. Siguro ang Matthew talaga ang gumawa nito para sa mga estudyante. Not bad, para kaming may sariling mundo dito sa loob.

Ang nakakainis lang, all boys 'to. Wala akong makakasampalan, hindi naman ako pwedeng magpakabakla dito. Siguro kung tumili ako, dadating agad ang tatay ko at pasakayin ako sa tangke. Baka ibigay ako sa China, shokot ko lang.

Siya nalang ibigay ko sa China, tutal malangis naman noo niya.

Pumasok kami at may naka-reserve na silang upuan kaya hindi na kami nahirapan. Inikot ko ang mga mata ko at marami akong nakitang gwapo, kaso lahat sila may ka-video call na girlfriend.

Andito naman ako! Charot, I have these 4 na pala.

Umupo kami at nagtawag lang sila ng waiter, infairness, pati waiter gwapo. Umorder na sila ng pagkain at nanahimik nalang kami sa table. Ako ang nasa center, bale si Tayler at Blake nasa kanan ko. Habang si Tony at Nick naman ay nasa kaliwa ko.

Si Tony ay agad na nagpalsak ng earphone sa tainga, si Nick naman at dumiretso sa pagbabasa ng libro habang si Blake at Tayler naman ay masayang tumitingin sa mga waitress. Mga babaero!

Nilabas ko ang cellphone ko dahil wala akong kausap, kung bakla ako ngayon edi sana niyakap ko na silang apat. Hmp! Napakaduga talaga nitong si kumareng tadhana. Eksaherada!

"Bakit mo nga pala naisipang pumasok dito sa Matthew?" Napatingin ako nang magsalita si Blake, napakadaldal talaga nitong lalaking 'to! Bakla yata 'to e. Chismoso.

"Well, to someone who has a girlfriend like you. You probably doesn't like to attend in boys school." Pagpapatuloy ni Tayler at binigyan ko lang sila ng pekeng ngiti. Kapag sinabi ko kayang bakla ako, ano kayang magiging reaksyon nila? Girlfriend girlfriend pa kayo diyan!

"Sa totoo lang, hindi ko naman gusto." Sagot ko sa kanila, kung hindi naman kasi dahil sa tatay kong kalbo, hindi ako papasok dito. Edi sana nasa Up ako at nanunungkit ng gwapong matalino. Pero keri naman dito sa Matthew, nandito 'yung apat e! Aalis pa ba ako?!

"Ah, family's choice?" Tanong ni Blake, I nodded and smiled.

"Same as Tony and Blake." Patango-tangong sabi ni Tayler, Kumunot ang noo kong maganda at takang tumingin sa kanila.

Hindi rin nila gusto rito?

"Talaga?" I asked and they nod at me.

"Hindi ko gusto dito kasi walang babe, boring." Pagbibiro ni Blake pero kitang kita na malungkot siya, tumango nalang ako dahil ayoko naman makialam sa personal na buhay niya. Saka na kapag mag-asawa na kami. Charot.

"Ako pumasok lang dito kasi trip ko lang." Sabi naman ni Tayler, tumango lang ako at humarap kay Nick. Dahil dakilang chismosa ako, tinanong ko siya.

"Ikaw Nick, bakit ka nag all boys?" I asked, malay mo kaya siya nag-all boys dahil alam niyang dito ako papasok. Duh! Alam ko na 'yang mga ganiyang galawan!

"Kasi-" Naputol ang sasabihin ni Blake nang may makita siya sa likuran namin. Lumingon kami at nakakita kami ng isang--gwapo!

Buhay na buhay nanaman ang pagkabakla ko!

"Hi Nicolai!" Bati ni Blake, lumapit sa'min si fafa at naupo sa tapat ko. Nakita kong nawala ang atensyon ni Nick sa libro at ngayon ay nakangiti nang nakatingin kay.....Nicolai?

"Oy bro, how are you?" Tanong naman ni Nicolai kay Blake, tinanguan siya ni Blake and He chuckled.

"We're fine, kayo ba? May topak nanaman si Nick e, nag away kayo?" Pabirong tanong ni Blake, nahalata siguro ni Tayler my loves na naguguluhan ako kaya nagsalita na siya.

"Siya ang dahilan kung bakit nasa Matthew's si Nick, they're together for 2 years.." He whispered nagtayuan ang balahibo ko, hindi dahil sa nalaman kong bisexual si Nick, kung hindi dahil sa kilig! Putaragis naman!

Itong si Tayler sabi ko mamaya na sa bahay, nakakahiya dito sa public.

Enebe!

"But it's still a secret." He continued.

"Bakit?" I asked.

"Family feud." He said, my lips parted but I just nod at him.

3 out of 4, erase na si Nick, taken na pala.

Whatever, Asawa nga naagaw boyfriend pa kaya. Charot!

Dumating na ang pagkain at tahimik namin itong nilantakan, ramdam na ramdam ko ang malalagkit na tinginan nilang dalawa.

Like, Sana all.

Natapos kaming kumain at tahimik na lumabas ng restaurant, hindi pwedeng matapos ang araw na 'to na hindi ako nakakakuha ng picture. Naglakad na kami pabalik ng building at nakaisip ako ng magandang Idea!

Pasikreto akong kumukuha ng picture, inilagay ko sa tainga ang phone ko at nagpanggap na mayroong kausap. I clicked the capture button but shit! May sound! Nakakainis ka naman! Kung kailan kailangan na naka-silent saka naman hindi naka-silent.

"Pare, kinukuhanan mo kami picture?" Blake asked.

"Why? Crush mo kami?" Tayler asked.

"Dude, are you a gay?" Nakakunot na tanong ni Tony.

Hindi ko alam ang gagawin ko, I shallowed hard at takhang tiningnan sila. My Goodness! Bakla ka ng taon! Lagot ka ngayon!

"B-bakla? Sinong bakla?" I asked, natahimik si Blake at Tayler habang si Tony naman ay nagpalsak ng earphone sa tainga at nagpatuloy sa paglalakad.

"You." Matigas na sabi ni Tony, Napaawang ang labi ko pero mabilis ko ring tinago. Jusko! Alam na ba niya?! Katapusan na ba ng pagiging paminta ko?

"H-hindi ah, Pinapanood kasi kayo ng girlfriend ko sa tiktok saka sa instagram. Gusto niyang malaman kung totoo ba 'yung sinasabi kong kasama ko kayo." Pagdadahilan ko, nag-umpisa na akong magtawag ng mga santo dahil kailangan kong ipagdasal na maniwala sila.

"Ah! Sige ba!" Masayang sabi ni Blake.

"Video greet narin natin!" Nakangiting pag-aaya ni Tayler.

"Nice one, Tayler." Ani ni Blake, huminto sila sa paglalakad at kinuha ang cellphone ko. Mabuti nalang at pinalitan ko na ang lockscreen ko, silang apat kasi 'yon. Lagot na 'pag nagkataon.

Nakahilera na silang apat at itinapat ang mga mukha sa camera, Si Tony ang may hawak ng phone dahil siya ang nagsisilbing 'leader'. Ganito pala feeling ng nanonood ng live?! Shit! I want to die na! Charot, sayang pretty.

"What's her name?" Tony asked, I faked a cough bago ako magsalita.

"A-ah, Kristine, Andrea, Alex, Charlotte and Edrianne." Their lips parted but I just gave them a smile, May mali ba sa sinabi ko?! May kulang pa nga e, ako! Bakit ba kasi lalaki ako sa paningin nila?!

"Chickboy! Lima girlfriend mo!" Pagbibiro ni Tayler, Actually baby wala akong girlfriend. Boyfriend magkakaroon kapag umamin ka na gusto mo ako.

Uh! Can't wait.

"A-actually, si Kristine lang ang g-girlfriend ko d'yan, the rest, kaibigan niya." I want to puke! Kakadiring kipay!

Sabay sabay silang tumango at humarap na sa camera, nakita kong kaagad nagbago ang mood ni Tony at Nick. Kung kanina ay tila ang susungit at hindi ngumingiti, ngayon sobrnag laki na ng ngiti.

Bakit kayo ganiyan?! Babae din naman ako!

"Hi, Kristine! We're looking forward to meet you in person, Thank you for supporting us! We love you and we will take care of your boyfriend." Sabay sabay nilang sabi, halos malaglag ang panga ko dahil sanay na sanay na sila! Maski sasabihin sa video greet kabisado na nila, wow!

Sabihin niyo nga, salamat shoppee. Charot!

"Hi, Edrianne..." Panimula ni Nick

"Charlotte..." Blake said

"Alex..." Tayler said

"And Andrea!" Tony said and they continue,

"Thank you for supporting us! See you soon and we love you guys so much!" They said at tinapos na nila ang video, ibinalik nila sa'kin ang phone ko at nginitian ko sila.

Pangiti ngiti lang 'to pero deep inside gusto kong manakit, ako ang nagpa video greet tapos ako 'yung wala?! Nasaan ang himalang sinasabi ni Nora Aunor?

"Salamat!" Masayang kong sabi at itinago na ang phone ko sa bulsa.

"You're welcome, bro." Tayler said and He tapped my shoulders.

Argh!! Pakiss nalang para hindi na ako tampo.

Hmp! Damot.

--

"Beks! How to be you?!" Inggit na sabi ni Andrea, We're currently here at Andrea's house at pinanood ko na sa kanila ang video greet ng 4 hunks.

After lunch, pumasok na ako sa klase ko at tapos kaagad ng 6pm. Sabi naman ng staff sa office pwede akong lumabas, basta babalik kaagad ng 10pm kaya dumiretso na kami dito.

Masarap kasi tumambay sa bahay nila Andrea, tahimik and of course maraming pagkain.

I rolled my eyes and I flipped my long hair.

"Mahirap ma-achieve ang katulad ko, mangarap ka nalang." Mayabang kong sabi sa kaniya, kahit anong gawin nila, hindi nila ako magiging ka-level. Hello? Rans Abing 'to!

"Wala ka namang video greet." Sabi naman ni Charlotte, tinaasan ko siya ng kilay at tinawanan siya.

"Atleast kasama ko sila sa iisang bahay." Wala man akong video greet, makikita ko naman araw araw ang pandesal nila. Almusal ko pa!

"Andeng! Natatapakan mo 'yung buhok ni beks!" Sigaw ni Alex, umakto akong nahihila ang buhok at umakto naman si Andrea na umalis sa pwesto para hindi na matapakan ang mahaba kong buhok. Sabay sabay kaming tumawa dahil mukha kaming tanga.

Natigilan kami nang tumili si Kristine. Shokot. Sakit sa ears!

"Omg! Ano ang say nila? They will take care of my boyfriend?! Beks! I don't have jowa kaya!" Pagmamaktol niya habang winawagayway ang phone ko, I gave her an apologetic look and an awkward smile.

"What?! Don't tell me..." She asked and I nodded, Napangiwi siya na tila nandidiri. Kapal ng mukha! Akala mo naman ang bango ng kipay!

"Oo, pasensya kana bakla! Hindi ko alam sasabihin ko e. Narinig nila akong tumili."

"Ew! How can I akit my baby kung sinabi mo na you're my boyfriend?!" Sigaw niya, sinampal ko siya ng pabiro at inirapan siya.

Wala akong choice! Arte nito!

"Manahimik ka! 'wag kang over acting d'yan! As if naman pabor sa'kin 'yon! Hello! No to kipay! No to boobs!" I covered my body using my hands and I rolled my eyes. Eww! As if naman gusto ko 'yung sinabi ko, halos masuka-suka na nga ako kakasinungaling ko sa apat.

"Argh! You can sabi Charlotte naman!" Magmamaktol niya.

"Eww! Labas ako d'yan!" Charlotte shouted.

"Makisakay ka nalang! Kapag nalaman nilang bakla ako, baka umabot kay Daddy."

"Okay lang 'yan Kristine!" Andrea said

"Sagot ka ni beks." Saad naman ni Alex.

"May lovers na pala tayo." Natatawang sabi ni Charlotte at halos lumuwa na ang ngala ngala niya kakatawa.

"Ako nalang pala ang unicorn dito, naging zebra na din si beks!" Edrianne said, baklang 'to! Sipain ko dragon balls mo e!

"No way! No to boobs!" I said and I gave them a nandidiri face. Kakasuka talaga!

"Ew! You disgust me!" Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Kristine, Ano daw?! Hilain ko bakal mo sa ngipin e!

"Arte mo ha!"

"Hmp!" Papadyak-padyak siyang umalis at naupo sa isang sofa malayo sa'min. Nagkatinginan kaming lima at Sabay sabay na humalakhak. Whatever!

Natapos ang girls bonding and I decided na bumalik na sa Matthew's, malapit nadin mag 10 pm at kailangan ko nang mag swipe para sa time-in.

Mabilis akong nakarating sa Matthew at naglakad lang ako papasok sa mini-subdivision ng campus. I reached the house and I swipe my card, may napansin akong letter sa mail box kaya binuksan ko ito.

It's for me, Tony and Tayler?

---

Good evening Mr. Abing, Mr. Falcon and Mr. Fernandez, We heard that you're a dancer. Our group wants to invite you to our first dance group session that will held tomorrow afternoon at the dance room.

We're looking forward to dance with you! Have a nice day!

-Matthew's dance group

---

"Bongga!" I said at tuloy tuloy nang pumasok sa loob, excited na akong mag twerk sa harap ng taga-Matthew.

Kabahan na sila sa tambok ng pwet ko.

I went inside and I saw them watching in the television, dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng maiinom at nilapag sa table ang letter.

Drink your water bitches!

Sabi nga nila, Water lang daw lagi para sa clear skin. Pero bakit ganon? All i get is pee?! Nasaan ang hustisya?!

"Ano 'yan, Rans?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Tayler, Tinuturo niya ang letter. I nod at him and i just finished my drink.

"Dance group session bukas, iniimbitahan tayong tatlo ni Tony." I replied, lumaki ang ngiti niya at binuksan ang letter.

"Game ako d'yan!" Ani niya na mayroong malaking ngiti sa mukha niya, Napakagwapo mo naman baby, pakiss nga!

"Ikaw, Tony?" He asked Tony na kasalukuyang hawak ang cellphone niyang pastel violet at nakakunot ang noo. Ano nanaman kayang problema nito?

Are you mad, babyboy?

Do you want to cool down?

"I need to meet John tomorrow." Sabi niya at hindi parin kami tinatapunan ng tingin, Sino si John? Akala ko ba ako lang Tony?! Taksil ka!

Charot, Artistahin?

"Mukhang tayong dalawa lang bukas ah." Napalingon ako kay Tayler at nginitian niya ako, I nod and smiled back. Hello, crush ko na ngumingiti sa'kin!

Kahit hindi lang bukas, Tayler.

Gawin mo ng habang buhay, nahiya ka pa e!

---

A/N:

If you don't understand some beki language, go back to the "Beki lingo translation"

But if you can't find it there, comment in a certain chapter and I will answer it.

Don't forget to vote! Happy reading!

Love, meriemei

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
26.9K 1.3K 38
(Second book: His Secret Wife) Dominic Martinez is a man of wealth, power, and looks. He is perfect, but also dangerous. He's a man that everyone wa...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...