Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 21

1.3K 58 3
By Levelion

Kabanata 21
Contract

"Code is back and Downtown will continue their music."

Animo'y nanonood ng laban ni Manny Pacquio ang marami nang maghiyawan ang mga ito sa anunsyong rumehistro sa malaking LCD screen dito sa Bonifacio Global City sa Taguig. Napakatipid lang ng statement na sinabi ni sir Gerry sa harap ng maraming press na nasa tapat ng Rise Records, pero parang nanalo na sa lotto ang mga kababaihang nanonood, sa sobrang tuwa. Actually, hindi lang mga babae ang nakikita kong nagbubunyi, mapalalaki at matatanda ay nakikita namin ang galak sa mukha.

Downtown isn't just a younger generation's favorite band dahil karamihan sa mga nanay at tatay, tito at tita, lolo at lola ay kilala rin sila. They are the all generation's favorite band right now and I must say that, they're the kings of Original Pinoy music today. Hindi mo iyon maitatanggi dahil ang mga awitin nila ang parating maririnig sa radyo at pati sa mga music channel.

"Gwapo pala si sir Gerry sa screen." nakaface mask man ay nauulinigan ko ang pagtawa ani Code habang nakaupo kami sa isang park bench at nakatingala habang pinanonood si sir Gerry sa malaking screen.

"Bakit? Gwapo naman talaga si sir Gerry, huh." dipensa ko sa pang-aasar ni Code at saka kami sabay na tumawa.

Pareho kaming naka-disguise kaya walang nakakapansin sa aming dalawa.

Live na nagaganap ang statement ni sir Gerry and supposedly, Downtown dapat ang sumasagot ngayon sa mga press. Ang kaso ay minabuti talaga nila ni Mr. Frazer na wag munang paharapin ang banda sa press, bilang preparation sa kanilang upcoming album.

Ang plano ni Mr. Frazer at sir Gerry ay uhawin ang mga fans nang sa ganoon ay mas manabik ang mga ito sa banda. Which mean, magiging malimit ang pagpapakita ng Downtown sa publiko. No mall shows, guesting, concert benefits or whatsoever. Para sa banda ay isang nakakaaliw na challenge ang planong iyon.

Masarap yatang makipagtaguan at habulan sa mga paparazzi o media. That's thrilling.

Sa ganoong pakulo ay hindi na kailangang magsinungaling at manloko ng mga tao para lang maging matunog ang pangalan ng isang artist o celebrity. Katulad ng pinaniniwalaan ni Mr. Frazer at Gerry noon.

Napalingon ako kay Code nang kuhanin niya ang kamay ko. Ipinatong niya ang palad ko sa palad niya at saka pinagsalikop namin ang mga daliri namin. Malambing na hinilig ko pa ang ulo ko sa kanyang broad shoulder at niyakap ng malayang kamay ko ang isa niyang braso, bago muling natuon ang atensyon namin sa LCD screen.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa nakikita kong tensyon sa mukha ni sir Gerry na hindi magkanda ugaga sa pagsagot ng mga katanungan mula sa press at sa nakita ko sa mukha ng Downtown manager ay pinakanahirapan siyang sagutin ang katanungan tungkol sa paghihiwalay kuno ni Laarnie at Code.

Iniiwasan nitong makapagbigay ng statement na makakasira sa panig ni Code at Laarnie. Maganda rin naman ang ginawa niyang dahilan na alam kong napagplanuhan na nila marahil ni sir Donald. Manager ni Laarnie.

Ayon kay sir Gerry ay maayos ang naging paghihiwalay ni Code at Laarnie. Desisyon daw nilang dalawa iyon.

At dahil ang pagkakaalam ng lahat ay kahihiwalay lang ni Code at Laarnie, kailangan naming mag-ingat ni Code na wag makita ng media na magkasama, para makaiwas na rin sa panibagong kontrobersya na maaaring gawin ng mga taong makikitid ang utak. Ilang buwan lang din naman ang titiisin namin sa pagtatago and after a months, we can make our relationship public again. No more hiding.

Pagkatapos naming panoorin ni Code ang live interview ni sir Gerry ay malaya na kaming naglakad-lakad sa high street. Maraming tao ngayon dahil sabado, pero kampante kami ni Code na walang makakakilala sa amin.

Malaki ang ipinagbago ng disguise namin ni Code ngayon. Nakasuot ako ng kulay itim at lampas balikat na wig, na sinamahan ko pa ng pagsusuot ng nerd glass, while Code is still using his black facemask with aviator sunglass at hindi mo talaga siya makikilala dahil sa suot niyang medium short curly dark brown wig na itinatago ang kanyang suot na hilaw. Ang gwapo niya kahit mahaba ang buhok niya. Kahit yata magpakalbo siya ay hindi mababawasan ang taglay niyang kagwapuhan, para ngang lalo lang madadagdagan iyon, lalo na ang kanyang sex appeal.

"Balak ko ng makipagkita kay sir Rem bukas." paalam mo kay Code.

"Sasamahan kita. Pero dapat ay tawagan mo muna siya dahil baka may iba siyang appointment bukas." sabi naman ni Code.

"I'll call him later."

"Tawagan mo rin ako bukas para masamahan kita."

Nakangiting tumango naman ako.

Nasa loob na kami ng Central Square nang mapatigil kami sa paglalakad ni Code at gumilid nang makasalubong namin ang isang matangkad at magandang babae. Sa tindig nito at mala coca cola nitong katawan ay posibleng isa itong modelo. May dalawang malalaking lalaki ang nakasunod dito, marahil ay bodyguards niya.

The women is captivating with a sophisticated beauty.

Nakasuot ito ng itim na high heels at body-con na white dress at pinatungan ng denim jacket na itinalukbong kang naman sa mga balikat nito.

Mataas at matangos ang ilong ng babae. Ang kanyang labi ay manipis na bahagyang nakaawang, sumisilip ang kanyang bunny teeth na bumagay sa kanyang mga labing kumikinang sa lipgloss, medyo mamula-mula ang kanyang pisngi na may mataas na cheekbone. She have a set of beautiful almond eyes. Overall, she looks like a goddess from mount olympus.

Parang ginawa niyang runway ang bawat malakaran niya. Kutis porselana ito. Ang buhok niya ay kasing kulay ng dark brown wig ni Code. Ang dulo 'non ay kulot na sa bawat galaw niya ay tumatalbog talbog iyon.

Nakatalikod na ang babae ay hindi ko pa rin mapigilan sundan ito ng tingin. Paano ba nama'y nakakabighani ang kanyang ganda.

"Persis, let's go. I'm hungry." yaya sa akin ni Code na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Ang ganda 'non." namamanghang sabi ko kay Code nang magsimula na kaming maglakad ulit.

"Mas maganda ka roon."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Iba talaga mambola si Nicodemus, nakakakilig kahit alam mong sinasabi lang niya iyon para bigyan ka ng confident.



"Goodnight, Ms. Buenrostro. I'll see tomorrow."

Parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan sa mga huling salitang binigkas ni sir Rem. Tila nakiliti pa nga ang tenga ko sa lambing 'non.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa magiging meeting namin bukas. Ayon sa kanya ay ipakikilala niya rin daw ako sa kilala niyang manager na interesadong ihandle ako. We will talk about contracts at kung anu-ano pa.






"What? S-Sige. Ako na lang ang pupunta, Code. Don't worry, kaya ko naman. Hindi na ako bata, Code. Hindi ko pwedeng ipostponed iyon, nakakahiya. Sunduin mo na lang ako mamaya pag-uwi. Yeah, I'll call you. Bye."

Ipinikit ko ang mga mata ko at napabuntong hininga.

Kanina pa ako kinakabahan pero mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ako masasamahan ni Code. May biglaan silang meeting ngayon. Hindi ko naman pwedeng hintayin na matapos iyon dahil nakakahiya naman kay sir Rem. Ang usapan kasi namin ay pupunta ako sa office niya after ng klase ko.

"Persis, may alam akong bagong kainan. Tara." yaya ni Brayden sa akin. Nasa mukha niya pa ang excitement.

Nginitian ko naman siya. "Sorry pero may meeting kasi ako with sir Rem ngayon."

"Oh, oo nga pala." nagkamot siya ng ulo. "Goodluck, huh."

"Salamat. Sige, mauna na ako."

"Mag-iingat ka." nakangiting bilin niya habang palabas ako ang gate.





'Ynarez Inc.' iyon ang nakasulat sa signage na nakakabit sa itaas at gitnang bahagi ng mataas na building kung saan ako binaba ng sinakyan kong taxi. Marami ang naglalabas masok sa building at pawang mga nakacorporate attire ang mga ito. Nahiya ako bigla sa porma ko. Nakasuot ako ng type c uniform ngayon, halatang-halata tuloy na estudyante ko.

"Good afternoon ma'am, how may I help you?" tanong sa akin ng babaeng empleyada na narito sa front desk.

"May meeting po ako kay Mr. Remington Ynarez."

"Sandali lang po, ma'am. I'll give a call to his secretary."

Tahimik kong sinundan ng tingin ang babaeng nakikipag-usap na ngayon sa secretary marahil ni sir Rem.

"What's your name, ma'am?"

"Persis Buenrostro."

Pagtapos nitong makipag-usap ay nginitian niya ako at saka ibinigay sa akin ang floor at exact location ng secretary ni sir Rem. Kailangan ko raw kasing dito muna magtungo.

Pagsakay ko ng elevator ay nahiya ako nang puro naka corporate attire ang mga kasabay ko. Nagbatian sa tingin ang ilan sa mga ito. Pigil ko ang hininga ko habang pinaggigitnaan nila ako. Napakaseryoso pa ng mga ito na para bang my bayad ang kanilang mga ngiti.

Nasa pinakataas ang opisina ni sir Rem kaya nang makarating ako roon ay ako na lang halos ang natira sa loob ng elevator. Medyo hilo pa ako nang lumabas ako dahil matagal bago nakaakyat ang elevator sa floor na ito.

Ayon sa instruction ng babae sa front desk ay nasa bungad ang office ng secretary ni sir Rem. Iyon ang una kong tinungo.

Pagdating ko roon ay lalaki ang naabutan ko. Isang lalaking nakasalamin.

"Good afternoon po. Ako po si Persis, ako po iyong may appointment kay sir Rem ngayon."

Ngumiti ang lalaki at tumayo mula sa inuupuan nitong executive chair at iniwan ang kung ano mang ginagawa nito sa harap ng malaking apple computer na ginagamit nito kanina.

"Follow me, Ms. Buenrostro. Mr. Ynarez is waiting on you in his office."

Sumunod ako sa lalaki. Naglakad kami sa isang mahaba at tahimik na corridor at sa dulo nito ay huminto kami. Ilang ulit kumatok ang lalaki bago nito pinihit ang doorknob at pinauna akong pumasok.

Pagpasok ko ay agad na sinara nang secretary ang pinto. May maikling way papasok na inilang hakbang ko bago ko nasilayan ang kabuohan ng malawak na office ni sir Rem.

"Good afternoon."

Halos mapatalon ako sa gulat nang batiin ako nito habang prenteng nakaupo sa kanyang executive chair. Halatang inaasahan na ang pagdating ko.

Sa likod niya ay naroon ang malaking glass wall kung saan matatanaw ang manila bay at ang ilang malalaking buildings. Siguro ay napakagandang tumanaw ng citylights dito kapag gabi.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. May ilang indoor plants, may malaking bookshelves at may maikling itim na sofa sa gilid na nakatapat sa isang malaking flatscreen tv.

"Have a sit, Ms. Buenrostro." yaya ni sir Rem sa akin na inilahad ang kamay sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.

Nahihiyang naupo ako roon at inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking mga hita at nilaro ang aking mga daliri.

Sa ibabaw ng table ni sir Rem ay naroon ang kanyang laptop at ilang mga files. Mayroon din hour glass sa gilid at sa gitna ay naroon ang nameplate niya na nagpalaki ng mga mata ko.

'Remington Ynarez'
Chief Executive Officer

He's not just a music producer but also a CEO?

"What made you look so surprised, Ms Buenrostro?" nakangiting tanong ni sir Rem na para bang aliw na aliw ito sa akin.

"C-CEO din po pala kayo?"

Tumawa ito. "The last time I checked, yes. I am."

Bakit hindi ko nabasa iyon sa google? Kulang kulang naman pala ang information ni wikipedia.

"Anyway, Mr. Raymundo can't be here today. May emergency kasi. But if you want, I will discuss the contract now. Okay lang din kung hindi mo muna pipirmahan, pwede mo rin siyang ipacheck muna sa mga kilala mong marunong bumasa ng contract. Ayoko namang madaliin ka, Ms. Buenrostro."

Kinuha ni sir Rem ang folder na nasa gilid ng kanyang laptop at ibinigay ito sa akin.

"Discuss ko na?"

Binuksan ko ang folder at may ilang pages ng printed contract na narito.

"Sige, po sir. "

Habang dinidiscuss ni sir Rem ang laman ng contract ay sinasabayan ko naman ito ng basa. Para sa akin ay maganda ang laman ng mga nakasulat dito. Wala akong problema roon, pero plano ko na ipabasa rin ito kay Code.

"Do you have any question?" tanong ni sir Rem.

"Wala na po, sir. Babalik na lang po ako ulit dito kapag napirmahan ko na ito at kung may tanong pa po ako."

Hindi ito umimik pero matama itong nakatingin sa akin.

"Your eyes is the most beautiful eyes I have seen, Ms. Buenrostro." irrelevant na tanong niya sa akin na nagpainit ng pisngi ko. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa biglaan niyang pamumuri.

"Code must be very happy to have a girlfriend like you."

"Po?" kumunot ang noo ko.

Hindi ba siya updated sa news kaya ganoon ang tanong niya o alam niya talagang kami pa rin ni Code?

"Oh. I forgot. Hindi na nga pala kayo ni Code." nakangiting sabi nito.

Napabuntong hininga ako. Thank God, he didn't know.

"But still, he's lucky that he got a chance to have you."

Nag-iwas ako ng tingin kay sir Rem na para bang tumatagos hanggang sa mga buto ko ang nanunuring tingin nito at hindi ko alam kung namalikmata lang ako na may nakikita akong pagnanasa sa mga tingin niya.

Huminga ako ng malalim at napatayo sa kinauupuan ko.

"I-I have to go, sir."

"Hindi mo ba ako sasamahan sa studio?" tanong nito.

"Next time na lang po, kapag kasama na natin si Mr. Raymundo."

"Alright." tumango-tango ito. "I can't wait to work with you, Ms. Buenrostro."

Hilaw ko siyang nginitian. I can't smile properly, naiilang kasi ako sa mga tingin niya sa akin. Masyadong nagiging intimate iyon, para bang tinutukso ako ng mga mata niya.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.8K 36
Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not enough to keep her heart, will she reconsi...
428K 7.8K 24
He left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA
276K 7K 52
Nagsimula ang pagkahumaling sa musika ni Amybelle Buencamino, nang minsan siyang magbakasyon sa Ashralka at masaksihan ang taunang battle of the band...
417K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.