The Seductive Doctor (Savage...

Av Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something Mer

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 13

111K 3.5K 361
Av Maria_CarCat

Donuts



Nagmadali akong lumabas ng classroom pagkatapos ng aming klase. Sinabi kasi sa akin ni Kenzo na hihintayin niya ako at sabay kaming maglulunch. Humaba ang nguso ko nang hindi ko siya nadatnan sa labas ng classroom namin. Babagsak na sana ang balikat ko ng kaagad ko siyang makasalubong sa may hagdanan. Humahangos itong tumakbo paakyat.

"Baby..." hinihingal na tawag niya sa akin. Imbes na magsalita ay mabilis akong yumakap sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang pagkahingal nito pero naramdaman ko din ang pagganti niya ng yakap sa akin. "Bumili ako ng gamot para diyan sa sugat mo" sabi pa niya sa akin tsaka ipinakita ang plastick ng drug store.

Tumango lamang ako sa kanya at tsaka siya nginitian. Pinagsiklop ni Kenzo ang aming mga kamay habang naglalakad palabas ng building. "Si Abby nasaan?" tanong niya sa akin kaya naman napatawa ako.

"Nakatambay nanaman sa library, crush nga kasi niya yung librarian" nakangiting kwento ko sa kanya kaya naman napangisi ito.

Unti unting nawala ang ngiti ko ng makita ko si Fidez sa dulo ng hallway. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya kami ni Kenzo. Bayolente akong napalunok, sobra sobra ang kaba sa aking dibdib. Tangina parang tatalon palabas ang puso ko dahil sa kaba. Napatingin ako kay Kenzo pero seryoso at diretso lamang ang tingin niya sa daan. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng lagpasan namin si Fidez.

"Kenzo" tawag niya dito. Hindi man lang lumingon o huminto si Kenzo, tuloy tuloy lang ang ginawa niyang paglakad. Hindi ko naiwasang lingonin si Fidez pero wala na ito sa kanyang kinatatayuan kanina.

Binitawan ni Kenzo ang kamay ko at tsaka niya inilipat ang kamay niya sa aking likuran. "Saan mo gustong kumain?" malambing na tanong niya sa akin.

Napanguso ako. Bwiset ako naman ngayon ang nakukunsensya dahil sa itsura ni Fidez kanina. Inis talaga yung babaeng iyon eh, magaling mambwiset at magaling ding magpaawa. Feeling ko tuloy ang sama sama ko nanaman.

"Masama ba ako?" hindi ko na napigilang magtanong kay Kenzo. Kaagad niya akong nilingon at nginisian.

"Bakit mo naman naitanong?" tanong niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. "Eh kasi ipinagdadamot kita" nahihiyang sagot ko sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. "I don't mind. Mas kinikilig nga ako pag ganuon" nakangising bulong pa niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Kinikilig ka? Paano, patingin nga" pagpilit ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napahalakhak.

"Stop it Sera, hindi ko ipapakita" laban niya sa akin kaya naman sumama ang tingin niya sa akin. Hinampas ko siya sa braso niya.

"Napakagago mo" masungit na sabi ko sa kanya tsaka ko siya inirapan. Napatitig ito sa akin at napakagat labi pa ang loko. Muntik ko na tuloy makagat ang labi ko, bwiset.

Sa may teacup kami kumain ni Kenzo ng lunch. Siya na din ang umorder para sa aming dalawa kaya naman habang naghihintay sa kanya ay ang binuklat ko yung makapal na libro niya. Para akong aantukin habang nakikita ang mga pahina na punong puno ng sulat.

Napahinto ako sa paglilipat ng makita ko ang malaking picture ng Vagina. Nakabukaka iyon ay colored pa kaya naman amaze na amaze ako. Sa sumunod na page ay ari naman ng lalaki. "Ang bastos ng libro ng mga Med nato" umiiling na sabi ko habang binabasa ko yung mga parts nuon. Titig na titig ako duon ng kaagad akong magulat sa biglaang pagdating ni Kenzo. Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko na iyon nasara.

"Titig na titig ka diyan ah" pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Grabe pinagaaral niyo talaga iyan ano?" puna ko sa kanya na tinanguan niya.

Inilapag niya isa isa ang order namin. Siya ang nagayos nuon kaya naman pinanuod ko lamang siya. "Andami naman nito" puna ko sa pagkaing inilapag niya sa aking harapan.

"Ubusin mo yan" sabi pa niya kaya naman napanguso ako at tsaka nagsimula na ding kumain.

Tahimik kaming kumakain ng sikuhin ko siya. "Kabisado mo na yung parts?" panguusisa ko sa kanya kaya naman halos mabulunan si Kenzo.

"Siraulo ka, baka matapunan pa ako ng pagkain ha" suway ko sa kanya kaya naman ng makabawi ay natawa siya.

"Kumakain tayo baby" natatawang suway niya sa akin na ikinairap ko lamang.

Hindi na sana ako magsasalita pa ng muli siyang humilig sa akin at tsaka binulong. "Gusto mong idemo ko sayo mamaya?" paos na sabi niya sa akin kaya naman muling nagtaasan ang mga balahibo ko.

Kaagad ako siyang hinampas sa braso. "Ang bastos mo talaga Kenzo, hayop ka talaga" sita ko sa kanya na tinawanan niya lamang.

Pagkatapos kumain ay nilagyan niya ng ointment ang sugat sa gilid ng aking labi. Nanatili lamang ako nakatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon. "Bakit naman niya ginawa ito sayo?" seryosong tanong niya sa akin kaya naman nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya.

"Eh kasi naka 90 lang ako sa exam ko. Tapos napahiya pa siya sa mga kaibigan niya nang sabihin ko sa kanila na hindi pa sure kung makakagraduate ako next year" malungkot na kwento ko sa kanya. Titig na titig ito sa akin habang mariing nakikinig.

"Hindi kasi ako katulad ng ate ko na matalino, kaya nga sa Ateneo siya pinagaral ni Papa...gusto ko ngang sa bulacan lang mag college at mag educ pero ayaw niya" patuloy na kwento ko pa.

Marahang hinaplos ni Kenzo ang pisngi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko ng nakangiti ang gago, nagdradrama ako dito tapos ngingiti ngiti siya. "Thank you pa din sa Daddy mo at dito ka niya pinagaral. Kung hindi, hindi kita makikilala" sabi niya na ikinairap ako.

"Kung hindi mo ako nakilala feeling ko si Fidez endgame mo" laban ko sa kanya ba ikinangisi niya.

"Magkaibigan lang kami ni Fidez,Wag na magselos uhm..." sabi niya at tsaka ako hinalikan sa aking pisngi.

Marahan niyang hinaplos ang parte ng pisngi ko na malapit sa aking sugat. "Pero hindi pa din tamang sinaktan ka niya. Hindi dapat niya sinasaktan ang baby ko" malamabing na sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Kasalanan ko naman kasi Bobo ako" sagot ko sa kanya kaya naman pumungay ang mga mata ni Kenzo.

"Hindi iyan totoo, medyo tamad ka lang pero hindi ka bobo" sabi niya sa akin at bahagyang tumawa para pawiin kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko.

"Tangina ka talaga Kenzo" nakangusong sita ko sa kanya kaya naman napangiti siya bago bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Walang sabi sabi niyang inangkin iyon kaya naman napapikit na lamang din ako.

Tinuruan ako ni Kenzo para sa Finals namin. Pagkatapos ng final exam ay magkakaroon kami ng Outreach program na gaganapin sa may bustos bulacan. Isang bahay ampunan ang pupuntahan namin duon.

"6 ng umaga dito sa school. Sabay sabay tayong pupunta sa bustos" anunsyo ng coordinator namin. Kanina ang last set ng exam namin. Biyernes ngayon at sa linggo na ang outreach program namin.

"May ilang pharmacy alumni din tayo mula sa college of medicine ang makakasama natin" anunsyo pa niya na hindi ko na lamang pinansin. Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Abby.

"Hindi ako makakasama sa linggo" bulong niya sa akin na ikinalaki ng aking mata.

"Hoy gago, requirements ito para sa public health subject natin" paalala ko sa kanya kaya naman napanguso siya.

"Eh kasi naman eh, pupunta na kami ng tagaytay bukas" pagdadahilan pa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Kausapin mo si sir, baka mamaya ibagsak ka niyan gaga ka talaga" suway ko pa sa kanya kaya naman bumagsak ang kanyang balikat.

"Nasa bulacan ba sina tito at tita?" tanong niya pa sa akin. Nagkibit balikat ako bago ko siya sinagot. "Ewan ko..." tamad pang sabi ko sa kanya kaya naman nag ngiting aso siya.

Matapos maningil ng contribution at mapagplanuhan ang magiging program namin ay nagkanya kanya na din kami nang uwi. "Susunduin ulit ako nila kuya, Arcayard muna tayo?" yaya niya sa akin kaya naman napatingin ako sa aking orasa.

Alastres pa lang ng hapon at alasais pa ang  tapos ng exam ni Kenzo. Ayoko namang tumunganga magisa sa quadrangle kaya naman tumango ako kay Abby. "Basta ibalik niyo ako dito bago magalais, hindi ako magpapalam kay Kenzo baka magalit eh" sabi ko pa sa kanya kaya naman tumango tango siya.

Sinundo kami ng mga pinsan ni Abby na kaibigan ko na din. Wala naman silang balak uminom, ang gusto lang nila ay makicelebrate sa amin dahip tapos na ang school year at kung maipapasa namin ang lahat ng subject namin ngayon ay 4th year na kami ni Abby.

"Scam kayong mga gago kayo" nakangising sita ko sa kanila dahil sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may dumating na dalawang bucket ng san mig. Tatawa tawa ang mga gago.

"Tig dalawang bote lang" paninigurado pa nila sa akin kaya naman nakangising napailing iling na lamang ako. Ang dapat sanay dalawang bote lang namin ay naging tatlo. Hihirit pa sana sila ng pangapat nang kaagad na akong tumanggi.

Napatingin ako sa aking wrist watch at nakitang pasado alasingko na. Alasais ang labas ni Kenzo at paniguradong malalagot ako duon pag nakita niya ako.

"Babalik na ako sa school bahala na kayo diyan" paalam ko sa kanila at kaagad na napahawak sa lamesa dahil sa pagkaoit of balance. Hindi naman kaagad ako nalalasing sa ilang bote ang kaso ay puyat kami kagabi dahil sa pagrereview.

Tinawanan nila ako. "Tangina Sera nagkaboyfriend ka lang tinalikuran mo na ang alak?" kantyaw nila sa akin maya na man itinaas ko ang middle finger ko at isa isa iyong itinapat sa mukha nila. Natawa ang mga gago.

Nagpresinta si Harry na ihatid ako sa school. Hindi ko naman siya tinanggihan dahil mas convinient iyon at mas mapapabilis ang pagbalik ko duon. Medyo tinamaan ako kaagad dahil narin sa pagod at puyat. Mabilis akong sumandal sa upuan pagkapasok ko ng kanyang sasakyan.

"Salamat sa paghahatid sa akin" nakangising sabi ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako kaya naman napanguso ako.

Tahimik lamang si Harry habang nasa byahe kami. Panay din naman ang tingin ko sa labas. "Ok naman ba ang boyfriend mo?" seryosong tanong niya sa akin. Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagtanong kaya naman tinanguan ko na lamang siya.

"Pag sinaktan ka isumbong mo kaagad sa amin" sabi pa niya kaya naman napatawa ako.

"Hindi ako sasaktan ni Kenzo" nakangiting paninigurado ko sa kanya.

Nakita ko ang kanyang pagtiim bagang. "How sure are you? Gaano ba kalaki ang agwat ng edad niyo?" seryosong tanong pa niya sa akin kaya naman unti unting napawi ang ngiti sa aking mga labi.

"Limang taon. Pero 20 na ako sa susunod na buwan kaya 4 years na lang" laban ko pa sa kanya. Tangina todo effort pa ako sa mageexplain pero sa huli ay inirapan niya lamang ulit ako.

"Men our age has needs, baka iwanan ka niya pag hindi mo naibigay ang pangangailangan niya" pangaral pa niya sa akin kaya naman bumagsak ang mata ko sa aking hita.

"You mean Sex?" mahinahong tanong ko sa kanya.

"Yes Sera" matigas na sagot niya sa akin at napabuntong hininga pa.

Kumunot ang noo ko. Matanda lang ng isang taon si Harry kay Kenzo. "Sa age niyong iyan..."

"Anong age?" naguguluhang tanong niya.

"Yang age niyo. Gurang" sabi ko pa na ikinamura niya. Natawa ako dahil sa lutong nuon.

Napahalakhak ako. "Crispy mura" pangaasar ko pa sa kanya na ikinatawa niya din. Patuloy kami sa pagtatawanan. Huminto ang kanyang sasakyan sa tapat ng main gate.

Bumaba si Harry sa kanyang sasakyan at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hinampas ko pa siya sa dibdib nang hindi pa din siya tumigil sa pagtawa tungkol sa pagtawag ko sa kanya sa gurang.

"Kaming mga gurang ang masarap" laban pa niya kaya naman muli ko siyang hinampas.

"Tangina ka. Ang kapal ng mukha mo, kadiri!" asik ko pa sa kanya. Minsan lang ganyan si Harry. Mas madalas siyang bugnutin kaya naman sinulit ko na ang pagiging makulit niya.

Nang matapos kami ay tinanaw ko pa ang pagalis ng kanyang sasakyan pabalik sa Arca yard para sunduin ang kanyang mga pinsan. Ngingiti ngiti pa ako ng pumihit ako para pumasok sa university. Nagulat ako nang makita ko ang mabigat na tingin ni Kenzo sa akin. Napanguso ako at kaagad na naglakad para lapitan siya.

"Hi" nakangiting bati ko sa kanya at tangkang hahalik sa pisngi niya nang mabilis niya akong pinigilan.

Tangina. Pakipot pa ang gago.

Humilig siya papalapit sa akin. Buong akala ko ay hahalikan niya ako sa labi kaya naman napapikit na ako. Pero nadismaya lamang ako ng wala akong naramdamang halik mula sa kanya.

"Nakainom ka" sita niya sa akin. Kita ko ang kanyang galit. Bahagya nilang nilingon ang guard at marahan akong hinila palayo sa main gate.

"Binalak mo pang pumasok sa Campus na nakainom. Gusto mong maguidance?" pangaral pa niya sa akin.

Seryoso ito at nakakunot ang kanyang noo habang pinapagalitan ako. Imbes na matakot sa kanya ay mas lalo lamang akong nainlove kay Kenzo. Ang gwapo, shit.

Mas lalong kumunot ang noo niya ng makitang nakangiti lamang ako sa kanya. "Nakikinig ka ba sa akin Seraphine?" pagbanggit niya sa aking buong pangalan. Nakakapanindig balahibo iyon. Parang napakasexy ng dating ng buong pangalan ko dahil sa kanya.

"Sorry po" paglalambing ko sa kanga. Nagtiim bagang ito bago niya hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako sa may convinient store.

Hindi ako umimik at hinayaan lamang si Kenzo sa gusto niyang gawin. Bumili siya ng dalawang kape at Sandwich, napanguso ako ng kumuha pa siya ng isang box ng rice meal.

Tahimik pa din ito habang diretso ang tingin sa may counter. Napalingon ako sa may estante ng donuts. "Gusto ko din ng donuts" sabi ko sa kanya sabay turo pa duon sa may estante.

Tamad niya akong nilingon pagkatapos ay yung estante. Tumango ito kaya naman napa palakpak ako. "Gusto mo din?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ako.

Inilingan niya lamang ako kaya naman napanguso ako. Kumuha ako ng donut na gusto ko at kaagad na ibinigay iyon kay Kenzo. Pagkatapos naming mabayaran ang pinamili namin ay dumiretso kami sa aking dorm. Uminit pa ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari sa amin nung huling punta namin.

Tahimik lamang din si Kenzo, kahit nung pumasok kami sa dorm ko ay tahimik lamang siya. Muli kong ibinalibag ang sapatos ko sa kung saan, nakita ko ang pagsunod ni Kenzo sa sapatos kong napunta sa kung saan. Nagngiting aso lang ako sa kanya ng lingonin niya ako.

Muli kong hinubad ang uniform ko kaya naman ang naiwan na lamang sa akin ay ang puting sando na naka tuck in sa aking suot ba puting pencil cut. Hindi ko tiningnan si Kenzo habang ginagawa ko iyon. Wala namang masama dahil boyfriend ko naman siya.

Para hindi mahirapan ay nagindian seat ba lamang kaming pareho sa aking carpeted na sahig. Nagsimula na kaming kumain at inuna ko yung donut na gusto ko. "Nagpaalam ka ba sa akin na iinom ka?" seryosong tanong niya sa akin kaya naman napatigil ang pagsubo ko ng donut.

"Eh may exam ka pa eh. Alanga namang katukin kita duon at sabihing Kenzo, pwede ba akong uminom? Siguradong hindi mo naman ako papayagan" nakangusong sabi ko pa sa kanya. Nanatili ang mabigat ba tingin niya sa akin.

"Papayagan naman kitang uminom basta kasama mo ako. At sino yung lalaking naghatid sayo kanina?" patuloy na tanong pa niya. Para talaga akong nasa hot seat amputa.

Pinagpatuloy ko ang pagkain habang nakikipagusap sa kanya. "Kapatid iyon ni Abby. Kagaya mo gurang na din siya" tuloy tuloy na sabi ko pa kaya naman napatakip ako ng bibig.

"Sinong gurang?" matigas ba tanong niya sa akin kaya naman napakurap kurap ako. "Si harry. May sinabi ba akong ikaw?" pagmamaang maangan ko pa sa kanya.

Seryoso lang siyang tumingin sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa braso ko. Napahiyaw ako ng hawakan niya ang pasa ko duon.

"Saan mo nakuha ito?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Nilunok kong mabuti ang pagkaing nginunguya ko. Pero may kung anong bumara pa din sa aking lalamunan ng muling magbadya ang pagtulo ng luha. Bumagsak ang mata ko sa pagkain. "Si Daddy. Nagalit kasi siya..." malumanay na kwento ko kay Kenzo. Ramdam ba ramdam ko ang titig niya sa akin.

Marahan niyang hinaplos ang braso ko na may pasa dahil sa mahigpit na pagkakahaklit ni Daddy sa tuwing nagagalit siya sa akin.

"Palagi ba?" marahang tanong niya ba mas lalong nagpaantig ng puso ko.

Umiling ako kasabay ng pagtulo ng luha. "Pagnakikita niya ako, pagnakikita niya ang grades ko" nahihiyang kwento ko sa kanya.

Lumipat ang kamay ni Kenzo sa aking mukha para marahang pahirap ang mga tumulong luha. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Gumapang naman ako papunta sa kanya kaya naman nasa gitna na ako ngayon ng mga hita niya. Isinandal ko ang aking likuran sa kanyang dibdib, sumandal naman si Kenzo sa aking sofa para may suporta kami.

Nanatili ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking bewang. Nakaparte ang kanyang mga binti sa aking gilid. Naramadaman ko ang ilang beses na pagamoy niya sa aking ulo pagkatapos ay hahalik siya.

Itinaas ko ang donut na hawak ko para pakagatin siya. "Kain na..." pagpupumilit mo pa sa kanya. Napangiti siya bago siya kumagat duon sa donut ko. Muli akong umayos ng upo at marahang isinadal ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"Natatakot ako sa result ng finals. Baka may bagsak nanaman ako, pag meron ayoko ng umuwi sa bulacan" kwento ko pa sa kanyan. Bumaba ang ulo ni Kenzo, ipinahinga niya ang baba niya sa aking balikat.

"Saan ka uuwi kung ganuon?" malambing na tanong niya sa akin.

"Uhm, dito lang ako sa dorm" laban ko pa sa kanya. Nanindig ang balahibo ko ng marahan niyang tinaniman ng halik ang balikat ko.

"Ayaw mo sa akin umuwi?" paglalambing niya kaya naman napamura ako.

"Inaakit mo nanaman ako!" asik ko sa kanya matapos ang malutong na mura. Muli niyang hinuli ang labi ko para halikan.

"Sabi ko isang halik kada mura. Gustong gusto mo talagang hinahalikan ka eh" pangaasar pa niya sa akin.

Itinaas ko ang middle finger ko sa pagmumukha niya kaya naman napahalakhak si Kenzo. Pagkatapos niyang matawa ay naramdaman ko ang hininga niya sa may bandang tenga ko. Napahiyaw ako ng kagatin niya ang tenga ko.

"Napakagago!" asik ko sa kanya. Nanglingonin ko ay nakakagat na siya sa kanyang pangibabang labi.

"Nakakagigil" paos na sabi niya sa akin bago niya isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti nung una pero sa huli ay hinayaan ko na lamang siya.

"Hindi ka na galit?"

Naramdaman ko ang pagilang niya. "Wag ka na ulit magagalit sa akin ha, ikaw na nga lang ang kakampi ko" sumbong ko pa sa kanya. Mas lalo tuloy humigpit ang yakap niya sa aking bewang.

"Sorry" malambing na sambit niya na ikinagulat ko.

"Bakit ka nagsosorry?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasi natakot na galit ako sayo"

Napanguso ako dahil sa kanyang isinagot sa akin. "Pero hindi din maiiwasan. Palagi ka namang gumagawa ng ikagagalit ko eh" pangaasar pa niya sa akin.

Umayos ako ng upo patagilid kaya naman malaya ko ng nayakap si Kenzo. Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. "Iiwasan ko ng gumawa ng ikagagalit mo" paninigurado ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya. " Ayos lang palagi naman kitang patatawarin" paninigurado niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tiningala.

Bumaba ang tingin ko sa nakaparteng labi ni Kenzo. Umayod ako ng upo para maabot ko iyon. Hindi naman ako nahirapan ng siya mismo ang yumuko para salubungin ang labi ko. Lumalim ang halik namin, mas lalong nakakalasing iyon. Kung halikan niya ako ay para lang siyang kumain ng paborito niyang pagkain.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng putulin niya ang halik. Nabigla ako ng kaagad niya akong hinila para muling yakapin.

"Pagka graduate mo papakasalan na kita kaagad" seryosong sabi niya na ikinatawa ko.

"Ang bilis ah. Next year na iyon" pananakot ko pa sa kanya.

"Pag nasa poder na kita hindi ka na masasaktan ng Daddy mo. Walang pwedeng manakit sa asawa ko" sabi pa niya kaya naman muling naginit ang aking mga mata.

Hindi ako nakapagsalita. "I love you baby..." malambing pang bulong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. Ilang beses ko na itong narinig kay Kenzo pero ni minsan hindi ko pa siya sinagot.

"I love you too" malambing na sagot ko na ikinabato niya.


















(Maria_CarCat)

FortsÀtt lÀs

Du kommer ocksÄ att gilla

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
809K 13.5K 32
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
161K 8.9K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
695K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...