Gangster's "I Hate You"

By chuporybeer

146K 1.6K 452

[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is un... More

[Prologue]*
Chapter 1 [What Happened?]*
Chapter 2 [Present Time]
Chapter 3 [First Day of School]*
Chapter 3 [First Day of School] (Part two)
Chapter 4 [Batch election. Meet... who?]*
Chapter 5 [Explosion (~~,)]*
Chapter 6 [He's a GC...] (Part one)
Chapter 6 [He's a GC...] (Part two)*
Chapter 7 [Answers to my Questions]*
Chapter 8 [Chismosa]*
Chapter 9 [Déjà vu?]*
Chapter 10 [Bakit sila pa?!]
Chapter 11 [Deadly Desserts]*
Chapter 12 [Baliw -.-]
Chapter 13 [Friday, Fried day!]
Chapter 14 [What's in the eyes.]*
Chapter 15 [Sister]*
Chapter 16 [Change the World =.=]*
Chapter 17 [Wicked Angels]*
Chapter 18 [We did it!]
Chapter 19 [Valentines Day :">]
Chapter 20 [Way back into Love]
Chapter 21 [Say Huwaaat?!]
Chapter 22 [Can't be Moved]
Chapter 23 [What a SURPRISE!]
Chapter 24 [Breakeven]
Chapter 25 [New but Old]
Chapter 26 [Power of Love]
Chapter 27 [Acceptance]
Chapter 28 [A day to remember]
Chapter 29 [Moving Closer]
Chapter 30 [Status: Compl...]*
Chapter 31 [TCC :">]
Chapter 32 [Raise Your Glass]
Chapter 33 [Ow-key? .__.]*
Chapter 34 [The Merge]
Chapter 35 [CMFT...WLUBMYGF]*
Chapter 36 [Realization and Expectations]
Chapter 37 [Starts with the Letter W] (Part1)
Chapter 38 [I Lied] (Part 2)
Chapter 39 [Sing it from the heart]
Chapter 40 [That Ikikikikik >.<]
Chapter 41 [Story of Us]*
Chapter 42 [Ghost]*
Chapter 43 [Guardian Angelsss]
Chapter 44 [Best best best]*
Chapter 45 [Le Visitors]
Chapter 46 [Official]*
Chapter 47 [The Right Time]
Chapter 48 [Suddenly]
Chapter 49 [Freedom]
[EPILOGUE]
Special Chapter [New Lives are Formed]

Chapter 50 [Richard Flores]*

1.5K 16 7
By chuporybeer

Last chapter but not the last update. Short lang po ito. Ata?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Richard Flores]

December 26, 20**

Calling…

Claire Jasojaso

(Hello? Morning.) Bati sa kabilang linya ng boses na kakagising pa lang.

“Claire!”

(Ay bakla! Chessa! Ano yun? Kamusta?)

“Ha? Ito. Okay naman. Kakagising ko lang eh. Nandito kami ngayon sa Batangas. Kayo nasaan?”

(Nasa bahay. Sa… Wait. *yaaawn* Jethro! San nga ba to?! Ah… Chessa nasa Baguio pala kami.) Aba. Malayo din pala yung narrating nila ni Jetty.

“Ganun ba? Sige. Uh, sabihin mo kay Jetty bumalik na kayo sa Manila. May importante tayong gagawin. Bye na.”

(Sige sige. Byiiieeee.)

-Call Ended-

Ayoko sanang pabalikin sila sa Manila kasi alam kong nagba-bonding pa sila. Kahit nga ako ayaw pang bumalik. Pero tumawag si Jm at pinababalik na kami. Uh, okay na rin. At least magkasama kami ni Drake kahapon nung pasko. At ganun din naman si Jethro at Claire.

Naging masaya ang pasko namin ni Drake. Nagbabad kami sa dagat. Ito ngayon, halos negra at negro na kami >.>

“Mianna, I’m done.”

“Ayun! Buti—DRAAAAKE!” >////> “Abnormal ka! Magbihis ka nga muna. Galing ka naman sa banyo hindi mo pa sinuot yung pantaas mo doon! Shupiii!”

“Okay okay. Sorry. Hahaha. Magbibihis na po.” Bumalik ulit siya sa banyo habang tumatawa pa rin.

Ugh! Lumabas ba naman ng topless?! Eh paano kung… Err. Mamaya magahasa ko pa siya eh. Bahala siya. Mawawala V-card niya ng di oras…

>___< Pero on the second thought, dapat pala hindi ko muna siya pinabalik sa banyo. Dapat binilang ko muna yung abs niya eh.

“Mianna”

“AAAAAHHHHHH!” Hoo! Ang gulat ko sa lalaking to >o< Argh! Bakit ko ba kasi naisip yung inisip ko kanina eh? Ang manyak ko. Kaderder.

“Okay ka lang?”

“Y-yeah. Oo naman. Sige na. Maliligo na ako para makabalik na tayo sa Manila.” Tumayo na ako at pumasok sa banyo. Nang matapos akong maligo, nagbihis na ako at lumabas ng banyo.

“Alis na tayo?”

“Agad agad?” Grabe naman ‘to. Kakalabas ko palang sa banyo alis agad? Di pwedeng pahinga muna o kaya magsuklay man lang?

“Hindi naman. Uh. Kain muna siguro tayo.” Nag-thumbs up ako then lumabas na kami ng kwarto. Pagpunta namin sa dining area ay may nakahanda nang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami ng bahay.

Naabutan naman namin ang caretaker ng bahay na nagdidilig ng mga halaman.

“Manang, aalis na po kami.”

“Ah sige,Charles. Mag-ingat kayo ha. Kamusta mo nalang ako sa magulang mo. Advance Happy New Year na rin kamo.”

“Salamat po. Makakarating po sa kanila. Advance Happy New Year din po. Bibisita nalang po ulit kami sa susunod. Babye po.”

“Paalam din. Sayo rin hija. Ingat kayo.” Sabay tingin niya sa akin.

“Paalam din po. Salamat po sa pag-welcome sa amin.” Naglakad na kami papunta sa sasakyan ni Drake. Kumaway kami sa isa’t isa hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin namin.

Ilang oras nakalipas, nakarating din kami sa Manila. Dumiretso kami sa bahay ni Tita Ana. Nandun na pala ang lahat. Ay joke. Si Claire at Jethro pa pala. Malayo din ang Baguio. Baka mamaya pa sila makarating.

“Chessa! Charles! Andito na pala kayo. Si Claire at Jethro ba na-contact niyo?” Tanong ni Tita Alice.

“Opo. Papunta na rin po sila. Pero nasa Baguio daw po sila baka mamaya pa makarating.”

“Ay ganun ba? Sige. Pahinga nalang muna kayo. Pare-pareho kayong nabigla eh. Hintayin muna natin sila.” Napag-alaman ko na lahat pala kaming magbabarkada ay biglaang pinatawag. Nasa kanya-kanya din pala silang bakasyon.

Kung anu-ano lang ginawa namin. Yung iba, natulog muna. Tapos mayamaya, dumating na din sila.

“Kerry-kerryyyy!”

“Jetty! :D Buti dumating na kayo. Ang tagal niyo!”

“It was traffic.” >o< Tumingin siya kila Tita. “Sorry po matagal kami.”

“Haha. Okay lang yun hijo. Mahaba talaga ang biyahe.” ~ Tita Alice.

“Oo nga naman. Haha. Oh tara na doon sa meeting room at umpisahan na ang meeting.” Tumayo na si Tita Ana at naglakad papunta sa meeting room daw. Sinundan nalang namin siya dahil di naman namin alam kung saan yon.

Kaya pala kami pinatawag dahil gusto nila Tita na magkakasama kami sa New Year. So, nag-plano kami ng kung anu-ano.

“Dapat maraming games!” Suhestiyon ni Kelly.

“Oo nga!” Sang-ayon naman ni Luigi.

“Marami na kaya! Pinaka maganda talaga yung truth or dare. Bwahaha.” ~ Nech

“Tamaaa!” ~ Hannah

Mga loko talaga ‘tong mga to. Panigurado kakaiba yung truth or dare na mangyayari sa bagong taon.

***

December 31, 20**

6 PM

 

WAAAAAAAH! Mayamaya lang, sasalubungin na namin ang bagong taon *u*

Excited na ako. Nandito na kami sa bahay ni Tita Alice. Kami kami lang naman magbabarkada tapos si Tita Ana at Tita Alice tapos si Mae, Yaya Sol pati yung ibang katulong nila Tita.

“Ang cuuuuute! Lahat tayo naka-blue. Ang ganda.” :’’’’> Komento ni Tita Ana.

Napag-planuhan naming mag-blue dahil sabi sa balita, yun daw ang lucky color ng taon. At maganda rin ito sa mata. Parang ako lang. XD

Lumipas ang oras. 10pm na. May ilan na rin kaming naririnig na mga paputok galing sa labas. Tapos na kaming kumain at kasalukuyan kaming naglalaro ng truth or dare. Naghihintay kami sa pagpatak ng alas dose.

Yung truth or dare, kung sino ang matatapatan ng ulo ng bote, siya yung tatanungin. At ang magtatanong naman o magpapagawa ng dare ay yung previous na taya.

“AHAHAHA! Lagot ka ngayon Luigi! Truth or dare?” Masiglang tanong ni Claire.

“Truth.” Sagot naman ng binata.

“Aish! Dapat nag-dare ka eh. >o< Madali lang kasi kapag truth. Psh.” Pag-singit naman ni Kelly.

“Okay game. Sinong mahal mo?” Ay -__- Tama nga si Kelly. Abnormal talaga ‘tong si Claire. Dapat hinirapan naman niya! Pero napansin ko, hindi pa rin sumasagot si Luigi. Napatingin ako sa kanya at..

O_O Okay?! Why is he looking at me? -___-

“Si… Si...” Tumingin ako kay Kelly. Hala! Nakayuko na siya. >.< Ano ba naman ‘tong si Luigi! Bakit hindi niya pa sinasagot yung tanong ni Claire?

“Uy ang tagal naman!” Pagreklamo ni Claire.

“Si... Wag kayong maingay. Secret lang natin ‘to. Si… Kelly Flores. Hush lang kayo.”

*TUGSH!*

“UWAAA! Leshe ka! Kinabahan ako sayo! WAAAH!” Nakatanggap ng batok si Luigi galing kay Kelly. Anak ng! Loko kasi ‘tong si Luigi. Nagpakaba pa. Ayan tuloy nabatukan :3

“Haha. Sorry naman ^^ Gusto ko lang ma-suspense ka. Hahaha. I love you.” Banat nga naman oh.

“Che! I love you too!” Hahaha. Maka-che naman ‘to si Kelly, maga-I love you too rin pala. Ang cute nila ^o^

“O game. Ako naman mag-iikot.” Inikot ni Luigi yung bote tapos tumapat kay Drake. “Truth or dare?”

“Dare.” Aba matapang. Sa mga nakalipas na natapatan ng bote, siya palang ang nagde-dare. Alam kasi namin na iba kapag nag-dare ka.

“Nice choice. Walang atrasan ‘to. Mag-sexy dance ka sa harap ni Chessa.”

Luigi what the eff?! >o<

“What?! Unfair!” Reklamo ni Drake.

“No, it’s not. Ganun naman talaga yun eh. Buti nga sexy dance lang eh. Now, go.” Tumingin sa akin si Luigi. Ugh. Ang daya! Dapat hindi ako kasama dito!

Wala na akong nagawa at tumayo nalang.

Hinawakan ako ni Drake sa balikat. KYAAAAH! >///>

“WAIT!” Nak ng tokwa! Andun na eh. Ay shems. Hindi ako excited ah!

“What?” Iwas tingin na tanong ni Drake.

“Let’s add some music, beybeh!” Kinuha ni Josh ang cellphone niya at nagpatugtog ng kantang pang-club. Nagtawanan naman sila at pinag-umpisa na si Drake. Patay ‘tong mga to sa akin kapag tumapat sa kanila yung bote at ako ang magu-utos.

“Go Charles! Seduce Chessa! Wooo!”

“Gago.” =__= “Lagot kayo sa akin mamaya.” Natawa na lang ako sa reaksyon ni Drake at nakisakay sa trip ng barkada. Nagkatinginan kami.

"What?" Tanong niya. Hihi. ^u^ Naiinis na siya.

"Nothing. You're cute."

"Tsk. I'm not buying that." Tumawa ulit ako at niyakap siya saka sinabing nagjo-joke lang ako habang tinatapik ang likod niya.

"Yiiiieeeee." Reaksyon ng barkada. Binelatan ko sila at umupo na kami ni Drake.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalaro.

15 minutes bago mag-New Year, nagtipon-tipon na kami sa garden. Nagsindi ng mga fireworks na umiilaw. Hindi ko alam yung tawag eh >_>

“YEEEY! HAPPY NEW YEAAAAAAAAAR!” ~ Hannah

“Easy lang. May 15 minutes pa. Haha.” ~ Jm

"Eh! Naman eh." Sambit ni Hanah at yumakap sa bewang ni Jm. Tinawanan lang siya ng nobyo.

“Kerry-kerry!”

“Uy Jetty! :D Konting minuto nalang, bagong taon na. Magbagong buhay ka na! Hahaha.”

“Ikaw nga dapat magbagong buhay eh! Lagi mo kong inaaway.” *pouts*

“Asus! Marunong ka nang magtampo ngayon ah!”

“Aray! >o> Mashakit. Hawch!” Tawa lang ako ng tawa habang hinihila ang pisngi niya. Para pa rin siyang bata. Haha.

“Advance happy new year guys!” Huh?!

Napalingon ako sa may pintuan ng garden/backyard ni Tita Alice.

“Mam! Sorry po. Yung guard po kasi, lumabas saglit kaya siya nakapasok. Ayaw po namin siyang papasukin pero nagpu-pumilit. Binantaan niya pa po kami. Pasensya na po talaga mam.” Sabi ng katulong ni Tita Ana.

“S-sige. K-kami na ang bahala sa kanya.” Yan nalang ang nasabi ni Tita Ana.

“Richard, anong ginagawa mo dito?” Tanong agad ni Tita Alice.

“Wow. What a warm welcome. Ganyan ba kayo sa bisita niyo? Ayaw niyo ba akong makasama?” Tng*na pala nito eh.

Sinong tanga ang gugustuhing makasama siya sa bagong taon? =___=

“Richard, umalis ka na. Wala kang magandang maidudulot dito. Bagong taon na. Sana magbago ka na, hijo.” Pakiusap ni Tita Alice na tinawanan lang ni Richard.

“Magbago? Sige. Pag gray na yung katawanan niyo.”

“Umalis ka na dito pare.” ~ Luigi.

“Gago. Close tayo? Porket ba girlfriend mo na yung kapatid ko mag-pare na tayo? Tsk. Mangarap ka. Ay oo nga pala. Wala na akong kapatid. Matagal ko nang binaon sa limot. HAHAHA”

“Sumosobra ka na ah!” Hinila ni Luigi ang kwelyo ni Richard at akmang susuntukin ito pero napatigil siya.

“Oh bat ka tumigil? Sige. Ituloy mo.” Hindi naman tinuloy ni Luigi at ibinagsak niya si Richard sa lupa.

“Hayop ka. Lumayas ka na kung ayaw mong masaktan.” Sabi ni Luigi at dumistansya na. Lumapit naman si Kelly at tinulungan ang kuya niyang tumayo pero tinanggihan ito ni Richard.

Napaka-swerte ni Richard at kapatid niya si Kelly. Kahit anong kasamaan nito, hindi niya pa rin nalilimutang magkapatid sila.

“Di ko kailangan ng tulong mo taksil. Wala kang kwentang kapatid. Lumayas ka sa harap ko!” Tinulak niya si Kelly palayo.

Gusto ko nang saktan si Richard pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Ni hindi ako makapag-salita.

“Hay. Napaka boring ng araw na ‘to. Diba TITA Ana? TITA Alice?” Pinagdiinan ni Richard ang salitang Tita pero may mapang-asar na ngiti sa mukha niya.

“Ito may regalo ako sa inyo.” May kinuha siya mula sa likod…

O__O

“HAHAHA! Ano? Sinong gustong mauna? Ikaw gusto mo?” Feeling ko, nanginginig na ang buong katawan ko sa takot dahil sa nakatutok na baril sa akin pero di pa rin ako makakilos. Sanay na ako sa ganitong eksena. Ilang beses na akong natutukan ng baril. Pero anong nangyayari ngayon?!

“Richard, hindi magandang biro yan!” Pipigilan sana ni Tita Alice si Richard kaya lang…

“Oopppss. Easy lang. Wag niyong subukang lumapit sa akin o mamamatay kayo. Kayong lahat.” Dahil dun, napatigil ang lahat. Hindi alam ang gagawin.

“Ikaw taksil, gusto mong mauna?” Fudge. Nagawa ni Richard na itapat sa sarili niyang kapatid ang baril na hawak hawak niya.

“Kuya, tama na. Please.” Humakbang si Kelly palapit. “Kuya, please. Itigil mo na ‘to.” Palapit ng palapit si Kelly.

Hindi kami makagalaw. AAAAHHH! Tng*na naman! Alam ko, konti nalang baka iputok na ni Richard ang baril niya.

“KUYAAA!” Umiiyak na sigaw ni Kelly. Sobra sobra na ang takot niya sa kapatid niya. Tumakbo siya papunta sa kuya niya.

“KELLYYYY!” Tumakbo si Luigi papunta kay Kelly at niyakap ito. Iniharap niya ang likod niya kay Richard.

*BANG*

O___O

“JL! JL! Imulat mo lang yung mata mo. JL. TUMAWAG NA KAYO NG AMBULANSYA! LUIGIIIIII!” Umiiyak na sigaw ni Kelly habang tinatapik ang mukha ng binata. Baha ng dugo ang sahig kung saan nakalatay ang katawan ni Luigi.

Nanatili akong nakatayo. Naramdaman ko nalang ang luha na pumapatak na galing sa mata ko.

“Ana, halika’t tumawag na tayo ng ambulansya!”

“Luigi!”

“Si Richard! Wag niyong hayaang makatakas!”

“Anong gagawin natin?!”

Halo-halo na ang naririnig ko. Pero mas nangibabaw ang pag-uusap ni Kelly at Luigi. Sa wakas, nakagalaw na ako. Inalalayan ako ni Drake at sabay kaming lumuhod sa tabi ng katawan ni Luigi.

“JL, wag kang pipikit! Wag mo kong iiwanan. Lagot ka sa akin pag pumikit ka!” Yakap yakap ni Kelly ang nanghihina na si Luigi. Kahit nahihirapan, inabot ni Luigi ang mukha ni Kelly.

“Ssshhh. Wag kang umiyak. Papanget ka niya sige ka. Haha-- *cough* Kung mamamatay man ako, wag mong kakalimutan to… Kelly Flores, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kahit sa kabilang buhay, hindi kita mapapalitan. Nag-iisa ka lang. Hehe. Wag mo kong kakalimutan, okay? Pero—“

“JL! WAG MONG SABIHIN YAN! *huk* Please. Nagmamakaawa ako sayo. Wag kang susuko, JL.  Wag mo akong iiwan. Please. JL. Please.”

“Sshhh. Wag kang umiyak. Mahal kita, Kelly.” Ang huling kataga na sinabi ni Luigi at nawalan na siya ng malay.

“LUIGIIIII! Mahal din kita. Please wag mo akong iwanan. Please.”

“Luigi…” Sambit ko. Hindi ko na kinayang tignan siya at napayakap nalang ako kay Drake. Naaalala ko si Kuya pati si Drake noon. Alam ko kung gaano kasakit makita ang taong mahal mo na duguan, walang malay tapos wala kang magawa.

Napakabilis ng pangyayari.

Kanina lang, excited kami para sa bagong taon. Kanina lang, naglalaro pa kami ng truth or dare. Tapos dumating si Richard. At ito ngayon si Luigi, naga-agaw buhay.

“Drake, lalaban siya diba? Gigising pa siya ulit diba?”

“Yes. He will. He’s a very strong person. Hindi niya tayo iiwanan ng ganun ganun lang.”

“Sana nga. Sana talaga.” Nilapitan ko si Kelly at niyakap siya. “Be strong, Kelly. Kung kaya mo, kaya din ni Luigi. Be strong.”

Richard Flores, kailan ka ba magbabago?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

186K 5.1K 76
Four years nang single si Gee at tila walang planong mag-jowa. Kinaiinisan na kasi niya ang mga lalaki buhat nang iniwan siya nang walang pasabi ng p...
5.1M 64.4K 54
[Daddy Series 1]: Book 1 of 2 ng Daddy? Published na po under LIB. Php129.75 Book 2 of 2 is also published already. Please do support. Thank you! [T...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
41K 529 81
Everyone deserves a better story and to have a happy life. Everyone deserves to show their real personalities, deserves to be treated like a Queen. E...