To Win The War (Belle Ville S...

Da TianaVianne

728K 26.6K 11.7K

Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tear... Altro

Prologue
Chapter 1: The twins
Chapter 2: That stare
Chapter 3: That yellow Rubicon Wrangler
Chapter 4: These walls around me
Chapter 5: The visitor
Chapter 6: The Keens
Chapter 7: Investment and bankruptcy
Chapter 8: The Creos cousins
Chapter 9: The deal
Chapter 11: His arrival
Chapter 12: Not again
Chapter 13: Retreat
Chapter 14: View deck
Chapter 15: Bad things
Chapter 16: Turned away
Chapter 17: The dinner
Chapter 18: Three words, eight letters
Chapter 19: That car
Chapter 20: No mercy
Chapter 21: Stay
Chapter 22: Last Summer
Chapter 23: The promise
Chapter 24: The bestfriend
Chapter 25: The message
Chapter 26: The kiss
Chapter 27: The call
Chapter 28: Fooled
Chapter 29: Untold stories
Chapter 30: Graduation Ball
Epilogue
Self-published under KPub PH!
Special Chapter 1: Trevor
Special Chapter 2: Feem

Chapter 10: The ride

19K 948 268
Da TianaVianne


CHAPTER TEN

The ride


"ABANG ka lagi sa mga bolang ibibigay ko. Ayusin mo talon mo mamaya, baka magpabebe ka na naman do'n," iritang sabi ko kay Rara bago magsimula ang second set. Panalo kami no'ng first set, kaya hindi kami pressured ngayong second set.

"Nakakahiya kayo. Nanalo nga tayo no'ng first set pero ang lamya ng galaw niyo. Wala kayong baon na palo kanina. Puro madaling i-receive mga palo niyo," kunotnoo kong sabi kaya napamaang si Rara.

"At ikaw? Maganda ang laro mo? Hindi ka ba mayabang masyado?" inis na reklamo niya.

Sasagot sana ako pero inunahan ako ni Coach Quirro. "Tama si Feem. Ang lamya ng galaw niyo kanina. Ayusin niyo na lang ngayong second set."

Inirapan ako ni Rara.

"Mahina 'yong kalaban, oo. Pero hindi ibig sabihin no'n ibababa niyo 'yong level niyo sa kanila. Ipakita niyo sa kanila kung paano talaga kayo maglaro," seryosong sabi ko at saka ako lumagok ng tubig.

"Ano pa nga bang gagawin namin? Ikaw naman lagi nasusunod kahit walang kuwenta pangangatuwiran mo," sagot ni Moyen at saka siya padabog na umupo sa bench. Isip bata. Napailing na lang ako.

Nang magsimula na ang second set, sunod-sunod ang puntos namin. Pumupuntos din naman ang kabila pero nakakapuntos lang sila kapag error namin.

Napapailing na lang ako dahil masyadong kalmado ang mga ka-team ko. Kung mahina ang kalaban, dapat ipakita nilang malakas sila. Bakit ba pinapakita nilang mahina rin sila? Ano? Tamad na tamad lang maglaro?

Nang matapos ang second set ay kunotnoo akong nagpunta sa bench namin.

Bumuo ng bilog ang team namin kasama ang mga lalaki at sabay-sabay kaming nagdasal. It's part of our routine. Praying.

Nang matapos ang seremonyas nina Coach Zavardo at Coach Quirro, bumalik na ako sa bench.

Bago ko pa man makuha ang bag ko sa bench, napatingin ako kay Trev na tinalon 'yong railings. Naglakad siya papalapit sa 'kin habang bitbit ang gym bag niya.

Ano na naman kaya ang pakay niya? Minsan ay gusto ko na lang maglaho na parang bula para lang tantanan niya ako.

"Bakit wala ka sa mood? Panalo naman kayo." Napakunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon.

"Maganda 'yong naging game niyo. Pero 'yong sa 'min, boring. Puro pabebe 'yong kakampi ko," iritang sabi ko kaya mahina siyang natawa.

"Chill. Maybe they didn't want to waste their energy dahil kaya niyo namang manalo without giving it all."

"They should quit then," malamig kong sabi at saka ko kinuha ang bag ko para magpunta sa CR.

Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Team captain siya, dapat hindi gano'n ang mindset niya.

Pagdating ko sa CR ay biglang tumahimik sila Betty na kanina ay nagtatawanan habang nagkukuwentuhan. Masyado naman silang obvious. Minsan, galingan naman nila.

Sa inis ko ay lumapit ako sa kanila at saka ko siya sinampal.

Nanlaki ang mga mata niya at galit na tumingin sa 'kin. "What was that for?!" singhal niya. May sasabihin pa sana ulit siya pero sinalubong ko ulit ng sampal ang kabilang pisngi niya.

"Hindi ka gumagalaw sa court kanina. Kampante ka na kami ang gumagalaw para sa 'yo," madiin kong sabi. Wala akong pakialam kung mali ang ginagawa ko. Sa lahat nang nagawa nilang mali sa 'kin ay kulang pa 'to.

"Kailangan mo ba talagang manampal?" reklamo niya.

Nagkibitbalikat lang ako at ngumiti nang mapang-asar. "Kulang pa?" sarkastikong sabi ko.

Bakas sa mukha niya ang pagpipigil ng galit. Gustuhin man niya akong patulan ay hindi niya na ginawa dahil alam niya ang puwedeng mangyari sa kanya kapag ginawa niya 'yon kaya naman mabilis niyang hinablot ang bag niya at nauna nang lumabas.

Sinundan siya ng iba pa naming ka-team at naiwan akong mag-isa.

Now it's peaceful.

Naghilamos ako ng mukha at nagpunas.

Pagkahubad ko ng jersey ko ay nagpalit na ako ng white t-shirt. Sana nga ay hindi na lang ako nagpalit dahil hindi naman ako pinagpawisan sa laro kanina.

Inalis ko na ang pagkakatali ng buhok ko at inilugay ko na ito. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay natigilan ako nang makita ko si Rara mula sa salamin. She just got out of the cubicle and I pretended that I didn't see her.

Dumiretso siya sa tabi ko at naghilamos din ng mukha niya.

Pagkatapos niyang maghilamos ay nagpunas siya ng mukha. "You don't have to be so cruel with our teammates, Feem."

Kinuha ko na ang bag ko dahil ayokong makinig sa kahit na anong sasabihin niya. Wala siyang karapatang pagsabihan ako.

"A true captain doesn't do what you always do."

I scoffed when she said that.

They made me become the person I am today. Sino siya para husgahan ako?

Kaysa patulan siya ay lumabas na lang ako at naglakad papunta sa parking. Pagkasakay ko sa bus namin, may mga ilan pang hindi nakasakay dahil kumakain pa raw. Hindi pa tuloy muna makaalis ang bus.

Umupo na ako sa puwesto ko kanina. Iidlip muna siguro ako dahil medyo masakit ang ulo ko. Sobrang aga ko kasing gumising kanina, eh wala pa naman akong halos tulog.

Niyakap ko ang bag ko at sumandal sa bintana. Medyo nakakaramdam na ako ng lamig dahil sa aircon, sinabayan pa nang maulan na panahon. Pero dahil tinatamad akong kunin ang sweater ko sa bag ko, hinayaan ko na lang.

Nang ipikit ko ang mga mata ko ay narinig kong sumakay na sa bus ang mga volleyball boys. Sa ingay nila ay talagang hindi ako makakaidlip nito.

Inis kong tinapkan ng bag ang mukha at tainga ko pero rinig ko pa rin ang tawanan nila.

Seriously? Hindi ba sila puwedeng tumahimik?

Iritable kong inalis ang bag sa mukha ko para sana sigawan sila sa likuran pero natigilan ako nang bumungad si Trev sa paningin ko, nakatayo sa harapan ko.

"Eat," tipid niyang sabi habang inaabot sa 'kin 'yong plastik na hawak niyang may lamang tubig at pagkain.

Tumingin ako sa relo ko at natigilan ako nang makita kong past twelve na. Kaya pala kumukulo na rin ang tiyan ko.

Nagugutom na talaga ako pero ayokong tanggapin 'yong inaalok niya. "No thanks," pagtanggi ko.

Mahina siyang tumawa at umupo sa tabi ko kaya tiningnan ko siya nang masama. "Do'n ka sa likod. Si Rara ang nakaupo r'yan," singhal ko sa kanya pero ngumiti lang siya.

"I told her to sit beside Gonz," kalmadong sabi niya at saka niya binuksan 'yong pagkain na dala niya.

"Gusto mo yatang subuan pa kita," pang-aasar niya kaya agad kong kinuha ang pagkain sa kamay niya.

Natawa siya sa ginawa ko pero hindi ko na siya pinansin. Sinimulan ko na agad kainin 'yong bigay niya. Buttered vegatables 'yong ulam at sakto lang naman 'yong rice, pero dahil malakas akong kumain ay nabitin pa rin ako.

"Tapos ka na?" tanong niya at tumango lang ako.

Napatingin ako sa kanya nang kunin niya ang hawak ko at saka inabot sa 'kin 'yong bottled mineral water.

Why is he acting like this? Hindi ko naman siya kapatid o tatay.

"Thanks," tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin naman magawang magalit sa inaasta niya because I know him. Ugali niya lang talagang maging mabait sa lahat.

He's always like that.

Nang makumpleto na kaming lahat sa bus ay bumiyahe na kami pauwi. 'Yong plano kong matulog ay 'di ko magawa dahil paniguradong makatutulog ako sa balikat ni Trev at ayokong mangyari 'yon.

Sinikap kong manatiling gising buong biyahe at maya-maya lang ay nagsalubong ang mga kilay ko nang maramdaman ko 'yong ulo ni Trev sa balikat ko.

Kaya ayoko ng katabi sa bus, eh.

Aalisin ko na sana 'yong pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko pero hindi ko naituloy dahil nakita ko kung gaano kahimbing ang tulog niya.

Inis akong tumingin sa labas ng bintana at hinayaan na lang siyang matulog sa balikat ko.

"I was expecting you to lean on my shoulder. But I was also expecting that you wouldn't do that, so thanks for letting me lean on your shoulder instead." My eyes widened the moment I heard his voice.

What the f*ck?

He wasn't asleep?!

Tumawa siya nang mahina. Inirapan ko siya at inis ko siyang tinulak pero kumapit siya nang mahigpit sa braso ko at nanatiling nakasandal sa balikat ko.

"Trev!" reklamo ko pero tinawanan niya lang ako.

"Let me sleep for a while, alright?" Bakas sa mukha niya na inaantok talaga siya. Naalala ko bigla kung gaano siya napagod sa game nila kanina.

Napabuntonghininga tuloy ako at hindi na nakipagtalo. "Gisingin na lang kita kapag nasa Belle Ville na."


__

Tiana: Add/follow me on Facebook, Tiana Vianne Isidoro


Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

84K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
160K 4.7K 42
To Kyle, Marie Kris is like gravity. He can't help but fall for her. Once, twice, thrice...countless times. To Kyle, Marie Kris is like a magnet. No...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
19.8K 525 50
(Alvarez Series #1) Everyone likes the college sweetheart, Akia Izanami Rio. With that innocent beauty and good personality, surely everyone is head...