Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 20

1.4K 54 7
By Levelion

Kabanata 20
Continue


Pag-alis ni Mr. Frazer ay tahimik akong naiwan sa rooftop. Sa pag-ihip ng malakas at malamig na hanging panggabi ay pikit mata kong pinuno nito ang aking dibdib. Kasunod 'non ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko na nasa bulsa.

Sino ang mag memessage o tatawag sa akin ng ganitong oras? Sa tantya ko ay mag aalas-onse na.

Pumasok sa isip ko si Code. Siya lang ang nakakagawa 'non. Madalas kaming nag-uusap ng napakatagal sa cellphone noong nasa Ashralka pa ako, minsan naman ay sa telepono.

Hinugot ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nagulantang nang mabasa ko ang pangalan ni Code.

Code is calling...

Natatarantang sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?"

Halos lumundag ang puso ko sa tuwa nang muli ay marinig ko ang banayad at nakakahalinang boses niya.

Nag-alis muna ako ng bara sa aking lalamunan bago ako nagsalita.

"Nicodemus! Nasaan ka bang lalaki ka?!" bulyaw ko sa kanya.

Narinig ko ang malakas na pagtawa niya. "Do you miss me?" malambing nitong tanong.

Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko at ang mga luha ko ay unti-unti ko ng nararamdaman sa gilid ng mga mata ko.

"Of course! Kahapon ka pa namin kinocontact. Nasaan ka ba?"

"Nagpapahinga." tipid niyang sagot.

"Nasaan ka?"

"Nasa kama ko." pilosopong sagot naman niya sa akin.

"Umayos ka ng sagot mo, Code! Hindi ako natutuwa sa iyo." pagalit ko ng sabi.

"I miss you, baby."

Parang hinaplos ang puso ko sa malambing na pagkakabigkas niya ng endearment niya sa akin, kaya hindi ako agad nakapagsalita.

"N-Nasaan ka ba kasi, Code?" malambing ko na rin na tanong sa kanya.

"Matulog ka na. Susunduin kita bukas sa school mo. I just called you because I really miss you."

Magsasalita pa sana ako but he ended up his call. Ugh. He doesn't want me to know where he is.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Mag aalas-onse na nga at malakas ang kutob ko na nasa condo na niya si Code ngayon.

Pagpasok ko sa loob ng dorm ay madilim na at naririnig ko na rin ang mahihinang hilik ng mga kasama ko na animo nagpapaligsahan. Iniwasan ko na wag makagawa ng ingay at dahan-dahan akong umakyat sa kama ko at ibinaba roon ang bag ko.

"Persis?" paungol na tawag sa akin ni Jenielyn. "Bakit late ka na naman umuwi?" tanong niya pa.

Sasagot na sana ako pero mukhang nakatulog na rin ulit siya.

Pagkalagay ko nang gitara ko sa gilid ng refrigerator ay tuluyan na akong lumabas ulit ng dorm.

Wala mang kasiguraduhan na nasa condo na nga niya si Code ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid ako roon.

Dalawampung minuto lang ay nasa tapat na ako ngayon ng condo ni Code. Ang sabi ng receptionist sa ibaba ay hindi raw niya napansin si Code, pero ang alam niya ay umalis ito kahapon pa ng hapon.

Nasa harap na ako ngayon ng unit ni Code. Umaasa na pagbubuksan niya ako sa oras na kumatok ako rito.

Huminga muna ako ng nalalim at saka nagdadalawang isip na kumatok ako ng ilang beses. Nag-message rin ako sa kanya na nasa tapat ako ng condo niya. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay napabuntong hininga na ako at tumigil sa pagkatok.

Hibang na ako para umasang nakauwi na nga talaga siya.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis.

"Persis?"

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Code. This time, hindi na sa cellphone dahil ang boses na iyon ay nasa likod ko lamang.

Mabilis akong lumingon pabalik at parang may kung anong kumurot sa dibdib ko nang  makita ko si Code na nasa harap ng pinto. Magulo ang kanyang buhok, walang suot na pang-itaas at naka-sweat shorts ito na kulay abo.

"What are you doing here?" tanong pa ni Code na mukhang kagagaling lang sa pagkakatulog.

"Did I wake you up?" naluluhang tanong ko.

Nginitian naman niya ako. "Come here."

Inilahad niya ang mga braso niya sa akin at nananabik naman akong tumakbo at ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya. Mariin din akong kinulong ni Code sa kanyang matigas at malalaking braso, habang ang kanyang mukha ay ibinaon niya sa mga balikat ko.

The warmth of his body makes me feel secure.

Inangat ni Code ang katawan ko at sinalo ang aking pang-upo at saka siya naglakad papasok sa loob ng unit niya at isinara ang pinto.

Sa likod nang pinto ay isinandal ako ni Code. Yumuko ako at tumingala naman si Code upang magpantay ang tingin namin at saka ko hinawakan ang kanyang mukha. Masuyo ko itong hinaplos at pinagmasdan at saka pikit mata kong dinikit ang noo ko sa kanya.

"How did you know that I'm here? Wala akong maalalang sinabi ko kung nasaan ako." tanong ni Code.

Ngumiti naman ako at inilayo ang mukha ko sa kanya. 

"My heart felt you."

"Pero gabi na, Persis. Hindi ka na dapat lumalabas ng bahay ng ganitong oras. Paano kung hindi ako nagising sa messages mo? Paano kung wala ako rito?"

Para akong batang sinermunan niya. Nanghaba tuloy ang nguso ko at parang ibon na tinuka naman ni Code ang labi ko nang mabilis niyang sinakop iyon, ngunit di naman iyon ganoon kalalim. He just pressed his lips on mine at halos isang segundo lang ang itinagal 'non, ngunit para ng marka ang halik na iyon sa pakiramdam ko at tumatak sa labi ko.

"Nakakainis ka kasi! Kailan ka pa umuwi? Saan ka ba galing?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Ibinaba muna ako ni Code ngunit ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa baywang ko.

Siya naman ang nakayuko ngayon at ako ang nakatingala.

"Bumalik ako sa Ashralka. Dinalaw ko ang tiya at papa roon."

Bakit nga ba hindi ko naisip na bumalik si Code ng Ashralka? Siguro dahil natakot ako na baka mastress ang donya sa pag-aalala, pati na si Don Leonardo na nang huli kong bisita ay sinabi nga ni donya Leticia na namomoblema ito sa planta.

"Hiniling ko na wag ipaalam kahit kanino ang pagdating ko. Napag-usapan din namin na habang wala pa akong panahon na asikasuhin at pamamahalaan ang ilang negosyo namin ay inirekumenda ko kay papa si Robert, para makatulong sa kanya. Balita ko kasi ay gusto na niyang lumipat ng mapapasukan."

"Maganda ang naisip mong iyan, Code. Makakatulong iyon kay Robert."

"That's what I'm planning to do. Isa pa, katulad ko ay mahal na mahal din ni Robert ang Ashralka."

"Siya nga pala, Code. Gusto kong pag-usapan ang pag-alis mo sa Downtown."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Code sa sinabi ko at saka tinalikuran niya ako at naglakad. "May pasok ka pa bukas, matulog na tayo." malamig niyang yaya sa akin.

Patakbo ko naman siyang sinundan at hinawakan sa braso. "Code, bumalik ka na. Your fans are waiting for you. Hindi mo ba papakinggan ang hiling nila sa iyo?"

Huminto siya sa paglalakad at mariin akong tinignan. "Hindi na ako babalik sa banda, Persis. Buo na ang desisyon ko."

"Alam ko kung gaano mo kamahal ang musika. Pero bakit ganoon mo na lang kadaling bitawan ang pangarap mo? Maraming nagmamahal sa iyo Code, maraming umiidolo. Ngayon ka pa ba susuko?"

"Hindi mo ba ako naiintindihan, Persis? Masyado ng magulong ang mundong ginagalawan ko para sa atin. Mahal ko ang musika at hindi mawawala sa puso ko iyon, pero kung ang karera ko o ikaw ang pipiliin. It will always be you. There's no greater dream than to be with you, Persis. Handa akong bitawan ang lahat, mahawakan lang kita."

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang pag-alpas ng luha sa mga mata ko.

"Nag-usap na kami ni Mr. Frazer at nanghingi na siya ng tawad sa akin, Code. Aayusin na niya ang lahat kaya bumalik ka na."

"Psh, pakitang tao niya lang iyon."

"Lumuhod siya, Code."

Bakas sa mukha ni Code ang pagkabigla.

"At alam natin na hindi niya gagawin iyon kung nagpapakitang tao lang siya at kitang-kita ko sa mga mata niya na sincered siya sa panghihingi ng apology. Gustong-gusto niyang bumalik ka sa banda. Alam mo bang nag-aalala na sa iyo sila Chard? Code, hindi mabubuo ang Downtown kung wala ka."

"They can find another vocalist. Marami namang magagaling dyan."

"But nothing's better than you."

"Come on, baby." Muli kong hinaplos ang pisngi niya at masuyong tinignan ko siya. "Alam ko na natatakot ka lang para sa atin, alam ko na sobra mo akong mahal...pero hindi mo kailangang isakripisyo ang lahat. Gusto ko pang makapanood ng concert mo, gusto pa kitang makitang kumakanta, habang pinapalakpakan ng maraming tao."

"They are better without me. Puro na lang kontrobersya ang binibigay ko sa banda. Pakiramdam ko ay ako ang sumisira 'non at hindi ko kayang sirain ang pangarap ng mga kamyembro ko, Persis."

"Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi mo sinisira ang pangarap nila ngayon, Code? Pangarap nilang makilala sa buong mundo, pero kasama ka. At kung hindi mo sila sasamahan. Hindi matutupad ang pangarap nilang iyon."

Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga.

"I'll go to the office tomorrow."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Babalik ka na?"

"We'll talk about it tomorrow."

Ngumuso ako at niyakap siya. "Sabihin mo na sa akin in advance ang desisyon mo."

Nakangiting inangkla naman niya ang isa niyang braso sa leeg ko.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi at hinawakan ang aking baba. "I'll comeback if you'll kiss me."

"Sus, iyon lang pala. I'll be willing to do it." nakangiting sabi ko at saka ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at tumingkayad upang abutin ang mga labi niya.

Sinalubong naman ni Code ang mga labi ko nang yumuko siya at hinawakan ang baba ko.

"Sigurado kang ayaw mo ng maging lyricist namin?" tanong ni Code habang nakahiga kami sa kama.

Nakayakap ako sa kanya habang gumuguhit ng kung anu-ano sa kanyang malapad na dibdib. Samantalang ang kanya namang isang braso ay nakaunan sa akin at ang isa ay iniunan niya.

Pasado ala-una na pero hindi parin kami natutulog.

"Nakapag desisyon na ako, Code. Tatanggapin ko ang inaalok sa akin ni Mr. Remington Ynarez."

"Remington Ynarez? Siya ang nag-alok sa iyo?" gulat na bulalas ni Code.

"Kilala mo siya?"

"Persis, he's a top producer in the asia and one of the hottest bachelor. He's also a billionaire."

"What?" maging ako ay nagulat din.

Ang alam ko lang ay isang producer si Mr. Reminton. Wala akong kaalam-alam na isa siyang mayaman at kilalang music producer. Kaya marahil ganoon na lamang karaming press ang lumapit sa kanya noon sa party, nang una ko siyang makita.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Code?"

"I'm hundred percent sure, gusto mo isearch pa natin."

Inabot ni Code ang cellphone niya sa bedside table at ibinigay sa akin.

Mabilis kong tinipa ang password 'non at napangiti nang bumungad sa akin ang wallpaper niya na picture naming dalawa.

Nag-init pa nga ang pisngi ko dahil kuha iyon noong may nangyari sa amin sa loob ng sasakyan sa may tagaytay.

Nakaakbay siya sa akin doon at nakahalik sa noo ko.

"Persis, search mo na." pukaw ni Code sa akin.

"Ay oo nga pala."

Pumunta ako sa browser niya at nagulat nang pagbukas ko 'non ay pornsite ang bumulaga sa akin.

"Nicodemus!"

Natatawang tinanggal niya iyon. Tinangala ko naman siya at saka sinamaan ng tingin.

"Bakit ba ang hilig niyong manood ng porn?" nagtatanong kong sabi habang tinitipa ko ang pangalan ni Mr. Rem na agad namang lumabas sa suggestion box.

"Para mas marami tayong magawang pinagbabawal na technique." ani Code.

"Huh?"

"Wala." nakangisi niyang sabi.

Bakit pakiramdam ko ay kabastusan na naman ang pinagsasasabi nitong si Code?

Binalewala ko na lang ang sinabi niya at tinuon ang pansin ko sa information na inilabas ni google. Kasabay 'non ay ang hindi ko naitagong pagkamangha.

"See. I told you." ani Code. "Sasamahan kita kapag nakipag meeting ka na sa kanya." dagdag pa ni Code.

"B-Bakit?"

"Because I want to meet him as well. Isa pa, mahilig sa magaganda ang producer na iyan at karamihan sa mga singers na naging producer siya  ay nalilink sa kanya. At iyon ang ayokong mangyari."

Mahigpit akong niyakap niya Code.

"What's mine is mine. I don't share."

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang nakakulong sa bisig ni Code.

Kinabukasan ay nagpasya akong wag pumasok ng school ngayon. Unang beses ko pa lang namang mag aabsent. Gusto ko kasi talagang masaksihan ang pakikipag ayos ni Code kay Mr. Frazer at pagbabalik niyang muli sa banda.

Sa fire exist kami pumasok ni Code pagdating namin sa Rise Records building. Naitawag na niya kay sir Gerry ang magaganap na pakikipag meeting niya ngayon kay Mr. Frazer at magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon ni Code patungo sa conference room ng building upang kitain si Mr. Frazer patungo sa office ni Mr. Frazer. Nasa loob kami ng Rise Records kaya balewala lang kung may makakakita sa amin na magkaholding hands ngayon.

Napakagwapo ni Code sa suot niyang faded jeans, nakaputing sando lang siya na pinatungan niya ng denim jacket, messy quiff ang kanyang hairstyle, nakasuot siya ng aviator sunglass at nag susway sa tenga niya ang kanyang hikaw na krus.

Pinagtitinginan si Code nang bawat empleyadong nakakasalubong namin. Ang iba pa nga'y tinatawag siya. Kinakawayan at tipid na nginingitian naman sila ni Code.

Pagdating namin sa conference room ay wala si Mr. Frazer pero hindi namin inaasahan ni Code na makikita namin dito ang Downtown.

"Code!" Napatayo si Gervin sa kinauupuan nito at sa mga nangingislap niyang mga mata ay mababanaag mo ang pananabik at saya, nang gumuhit sa labi nito ang ngiti.

Napatingin naman ako kay Chard na tinanguan ako habang prenteng nakaupo sa executive chair.

Nagsilapit na sa amin si Ashton, Gervin at Valdemir. Sabik na nakipagyakapan at kamustahan kay Code.

Nanatili namang nakaupo si Chard at pinanonood kami. Pero nang magsibalik sa kani-kanilang upuan ang tatlong myembro ng Downtown at lumapit kami sa kinauupuan ni Chard ay tumayo na rin ito. Sinalubong niya ng ngiti si Code.

"It's nice to see you again, man. I'm really glad you changed your mind" aniya nang magyakap sila. Tinapik pa nga nilang dalawa ang likod ng isat-isa.

"Salamat sa pang-giguilty niyo sa akin." ani Code.

Tumawa naman si Chard sa sinabi niya at saka ito muling naupo.

"Nasaan si Mr. Frazer?" nagtatakang tanong ko pag-upo namin ni Code sa dalawa pang bakanteng executive chair sa helera ni Chard.

"Parating na iyon. Sabay na raw sila ni sir Gerry." ani Valdemir.

Habang naghihintay kay Mr. Frazer at sir Gerry ay hindi napigilan ng ilang Downtown members na ilabas ang kanilang mga naging reaksyon nang ianunsyo ni Code ang pag-alis niya sa banda.

"Muntik ng umiyak si Gervin. Kami pa ang sinisisi kung bakit ka aalis." kwento ni Valdemir habang nanunuksong nakatingin kay Gervin.

"Syempre nagkapikunan kayo habang nasa recording tayo 'nung hapon na iyon." paliwanag naman ni Gervin.

"Nagkapikunan?" nagtatakang tanong ko nang lingunin ko si Code. "Ano iyon, Code?"

"Ang sabi kasi nitong si Valdemir, kung hindi raw niya alam na boyfriend mo si Code noon, liligawan ka raw sana niya." ani Chard habang nagpapalipat lipat ang tingin sa dalawang lalaking involve.

"I swear, inaasar ko lang talaga si Code 'non. Kasi nga sabi niya, kahit na malapit kayo nung Brayden na bokalista ng Zenith. Hindi raw siya nagseselos."  paliwanag naman ni Valdemir. "Kaya sinabi ko na paano kung magkagusto ako sa iyo."

"Changed the topic. Ayoko ng pag-usapan iyan, baka magbago pa ang isip ko at tuluyan kong iwan ang banda na'to." seryosong sabi ni Code na kunwaring inaaliw ang sarili sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa at pinaiikot-ikot niya.

"Oh, napipikon ka pa rin, Code?" natatawang tanong naman ni Ashton.

Nag-angat ng tingin niya si Code ngunit hindi hininto ang ginagawa. Tumama ang mga nagbabantang tingin niya kay Ashton.

"Pero sa totoo lang, we are all glad and thankful to your decision." nawala ang playful na ngiti sa labi ni Valdemir. "Kahit na pikon ka, temperemental at hot headed, you're the best vocalist that we've ever met."

"Thanks for insulting me." nakangiting sabi ni Cods na nagpangiti rin sa lahat.

Ilang minuto ang nakalipas. Napatigil sa pagkukwentuhan ang Downtown nang magkasabay na dumating si Mr. Frazer at sir Gerry. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa, kaya ang lively na presensya kanina ay napalitan ng tensyon dahil sa hatid ng dalawang bagong dating.

Kinakabahan ako. May bago na naman bang bad news kaya ganoon ang itsura ng dalawa?

Naupo si Mr. Frazer sa unahang executive chair at si sir Gerry naman ang umakupa sa dulo. Bago magsalita si Mr. Frazer ay tumingin siya sa akin at saka iyon lumipat kay Code.

"Welcome back, Nicodemus." aniya.

Hindi ko mawari kung natutuwa ba siya dahil mabibigat ang mga tingin na ipinupukol niya kay Code.

"I know that I've been hard to everyone and I'm guilty as charged. Masyado akong naging makasarili at sa sobrang paghahangad ko na umangat, hindi ko alam na nasasakal ko na pala kayo. Sa harap niyo ay gusto ko rin humingi ng tawad sa'yo, Persis."

Ang kaninang mabibigat na tingin ni Mr. Frazer ay tila nahaluan na ngayon ng lamyos.

Napalunok ako habang nakatingin siya sa akin.

"Humihingi ako ulit ng tawad sa ginawa ko."

"Ako rin."

Napalingon kaming lahat kay sir Gerry na sa wakas ay nagsalita na rin. Kanina pa kasi siya tahimik.

"Sorry kung inilayo kita kay Code. Napagdesisyunan namin ni Frazer na ayusin na ang tungkol sa kumalat na issue tungkol kay Code at Laarnie. Hinihintay nalang namin ang response ni Donald at kung hindi man siya papayag. Itutuloy pa rin namin ang pagbibigay ng statement sa press tungkol sa totoong estado niyo ni Code at sa estado ng banda." aniya.

"Everything will go back to normal." sabi naman ni Mr. Frazer.

"Let's continue our dream." dagdag pa ni Code.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 234 41
Fawziya Sandra Mendoza, an aspiring accountant and a published author goes back to the days she was in love with her highschool crush who's known to...
103K 2.8K 36
Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not enough to keep her heart, will she reconsi...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
28.3K 4K 67
Season One. Love is not confined to a single definition but rather exists as a kaleidoscope of emotions and experiences. Love is portrayed as beauti...