The Playboy's Contract

بواسطة ImJlous

643K 7.1K 465

Too dumb to trust the devil. المزيد

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas

Chapter 37

10K 120 15
بواسطة ImJlous


  “So you're working with him?” Usisa ni Nathan habang nagmamaneho papunta sa kakainan namin.

“Uh-huh, unluckily.” I nodded then pursed my lips.

      “Ayos lang sa'yo na makasama siya?”

Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit nga ba parang ayos lang sa akin na nakakatrabaho ko si Mark? Bakit natitiis kong maging malapit sa tanong nanakit sa akin noon?

“Siguro kasi... hindi naman niya ako na aalala.”

       “Pero na aalala mo siya. Napatawad mo na?”

Hindi ko alam. Paano ko ba masasabing napatawad ko na si Mark? Kasi kung ang ibig sabihin ng pagpapatawad ay paglimot sa sakit, malamang ay hindi pa rin.

“Huwag na natin siyang pag-usapan.” Tumingin ako sa kalsada.

  “I'm sorry, curious lang. Akala ko kasi napatawad mo na kaagad 'yon, akala ko nakalimutan mo na niloko at pinaglaruan ka niya noong high school. Pasensiya ka na rin at wala akong nagawa no'ng una, gustong-gusto ko na talagang sabihin sa'yo ang totoo noon pero hindi talaga nagpapatinag si Mark. Gusto ka niyang mapaalis sa school para lang makabalik siya bilang vocalist ng Zone Zero.”

   Ang sakit pa rin sa dibdib na marinig iyon pero mas masakit sa tainga dahil naikwento niya na sa akin ito na pang ilang beses na.

“Ewan ko ba sa kapatid kong iyon, gustong-gusto ka niya talagang masaktan at paiyakin. Pero nandito lang ako...”

Napakuyom ang kamao ko dahil sa pagpapaalala niya ng lahat ng iyon, mukhang mali pala ang desisyon ko na rito sa kotse niya sumakay. How can he be so fucking insensitive? Isang pagpapaalala niya pa talaga sa past, bababaan ko na 'to.

Nang hindi na ako nagrereact sa mga kinukuwento niya ay nanahimik na rin naman siya. Mabuti naman 'yon dahil naiirita na ako.

Pagtigil noong sasakyan ay bumaba na kaagad ako, natanaw ko agad ang mustang ni Mark. Talagang sumunod pa siya, akala ko naman ay mahihiya na siya.

Pagbaba niya sa kotse ay nagmamadali siyang lumapit sa akin, naunahan pa nga niya si Nathan na bumaba.

     “Tara na?” si Mark.

Tumango si Nathan at nauna nang lumakad papasok sa restaurant, sumunod nalang ako at si Mark naman ay sumabay sa akin.

     “Hindi naman masarap ang pagkain dito,” bulong niya sa akin.

I scoffed, “Edi huwag ka nang sumama.”

     “Gutom na ako, e'.” Humawak pa siya sa tiyan niya.

Natawa tuloy ako ng bahagya imbes na mainis dahil sa kakulitan niya. What the hell is happening to me?

Pagpasok namin sa loob ay nagtinginan kaagad ang lahat kay Mark kahit siguro ang iba ay hindi niya fan. Attractive din naman kasi siya at matangkad kaya agaw atensyon talaga kapag dumaan siya.

Sa table ay tumabi sa akin si Mark at sa harapan namin si Nathan, inabot kaagad sa akin ni Mark ang menu pero nagtuturo siya.

     "Heto medyo masarap 'to tsaka eto.” Tinuro niya 'yong pancit at chicken.

“Ikaw na kaya ang mag-order? Parang mas marunong ka pa e.” Ibinalik ko sa kaniya ang menu.

      “Nagsu-suggest lang naman ako para hindi ka magsisi,” aniya at binigay ulit sa akin ang menu.

“Ang kulit mo naman kasi.”

        “Sorry na manager.”

Sasagot pa sana ako kaso biglang tumikhim si Nathaniel kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya. Ngayon ko lang napagtanto na baka na-out of place siya sa aming dalawa ni Mark.

      “Mira, masarap ang salad rito.” Iyon naman ang suhestyon ni Nathan.

“I'll get that,” mabilis na sagot ko.

Nang dumating ang waiter ay sinabi na namin ang orders at si Mark ay nag stick pa rin doon sa chicken at pancit. Unang dumating ang order namin ni Nathan dahil salad lang naman iyon.

       “Hindi 'yan masarap,” bulong ni Mark sa may tainga ko.

Hindi ko nalang siya pinansin. Tinikman ko iyon at hindi nga ganoon kasarap pero maganda naman ang lasa lalo na kung mahilig sa salad. Siguro mahilig lang talaga sa ganito si Nathan.

Napatitig ako kay Nathan. Kitang-kita sa kaniya ang pagiging matured, sa kilos at pananalita pa lang. Hindi kagaya nitong si Mark na parang na stuck na sa pagiging binatang high school student.

Mga katulad ni Nathaniel ang preferred kong pakasalan in the future. A fine man who's hardworking ang matured. Kung kami kaya ang magpapakasal sinu-sinong mga pupunta? Kasi ayaw naman sa kaniya ng mga kaibigan ko. Actually, ayaw nila sa magkapatid na 'to.

     “Salamat,” imik ni Mark nang dumating na 'yong orders niya.

Mukhang masarap nga ang mga iyon, ang bango pa ng amoy. Halos maglaway na ako nang pinigaan pa niya iyon ng kalamansi. Parang nagsisisi tuloy ako na salad lang ang in-order ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa pagkain niya nang ngumisi siya sa akin. Titiisin ko nalang itong salad, nakakahiya naman kasi kay Nathan.

      “Gusto mo ba? Eto sa'yo nalang, oorder ako ng bago.”

Bago pa ako makatanggi ay iniusog niya na 'yong plato niya sa harapan ko, tapos tinawag niya ulit 'yong waiter at um-order nga ng panibago.

Nag-init ang pisngi ko bigla at hindi na makapagsalita, kahit magpasalamat sa kaniya ay hindi ko na magawa.

“Kain ka na.”

   Totoo ngang masarap 'yon pancit, pati 'yong manok malasa rin. Nasaid nga ang lahat nitong plato ko pero ang salad ko ay natira, punong-puno na kasi ang tiyan ko.

     “Sabi ko sa'yo e',” ani Mark.

Ipinatong niya ang black card niya sa ibabaw ng bill at handa na sanang iabot 'yon sa waiter pero pinigilan siya ni Nathan.

      “Ako na.”

“Ako na, mas marami naman akong na order.”

      “Ako naman ang nagyaya,” si Nathan.

Pero nagmatigas si Mark at iniabot agad ang bill. Napansin kong nag-igting ang panga ni Nathaniel at nginisian lang siya ni Mark.

Nauna na ng lumabas si Nathan sa restaurant, kami ni Mark ay hinintay pa 'yong card niya niya. Paglabas namin ay sumalubong kaagad si Nathan sa may parking area at sinapak si Mark sa pisngi.

    Napamura ako kasabay noon at lumapit kaagad Kay Mark, napaupo kasi siya sa lupa at nawalan ng balanse.

“Anong problema mo?!” Pinagpag niya ang sarili at handa na sanang sugurin si Nathan pero ihinarang ko ang sarili ko.

      “Ikaw ang problema ko! Kanina ka pa! Bakit hindi ka makaramdam?!”

“Gusto ko lang malaman kung sino siya sa buhay ko noon!” Sigaw ni Mark.

Kanina lang ay hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nila, pero ngayon ay parang malinaw na kung ano iyon.

“Wala kayong koneksyon na dalawa! Miracle was my girlfriend back then kaya siguro pamilyar siya sa'yo! Ni hindi nga kayo magkakilalang dalawa kaya huwag kang umasta na parang kung sino sa buhay niya!”

Nanginginig ang mga kamao ni Mark at gigil na gigil ng sunggaban ang kapatid niya. 

    “Mark, tama na.” Napayakap na ako sa kaniya.

“Pasensiya ka na,” aniya.

Naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa akin at napaluha ako dahil doon. Ngunit kumawala rin naman kaagad ako at bumaling kay Nathan, bakas pa rin ang inis sa ekspresyon ng mukha niya pero  nanahimik na lang siya.

      “Umuwi ka na Nathan, salamat sa oras mo ngayong gabi.” I smiled.

Hinila ko na kaagad si Mark papunta sa sasakyan niya at hindi na naman siya nagreklamo pa. Pagpasok ko sa sasakyan ay napapikit ako at napabuntong hininga ng malalim.

   I'm so stressed dahil sa dami ng nangyaring kaguluhan ngayon.

Kay Mark na ako sumabay dahil pareho lang naman kami ng building ng condo, walang ibang rason. Kaya naman noong sinubakan niya akong kausapin sa byahe ay hindi ako nasagot. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya through text noong makarating na ako sa unit ni Lovie.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...