Lies and Promises

By chimchimimi

7.3K 284 44

Zaldivar # 1: Agafia went to Dubai to give her family a better life. Sa trabaho lang dapat siya naka-focus pe... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 6

266 12 1
By chimchimimi


Chapter 6



Barbie:

Thank you ate Pia! May laman na yung ATM card ni Mama. Nabilhan ko na rin siya ng gamot. Pero sabi ni Mama huwag mo raw ipadala sa amin lahat. Mag-ipon ka raw.

Napangiti ako nang mabasa ko ang chat sa akin nung pinsan ko. Sa wakas ay nakuha na nila ang pinadala ko.

Ako:

Syempre naman! 'Wag kayong mag-alala, kalahati ng sweldo ko ay iniipon ko. 'Diba magka-college pa tayo?

Hindi lang kasi ang pag-aaral ko ang pinag-iipunan ko. Gusto ko ring mabigyan ng magandang edukasyon ang pinsan ko at ilang taon na lang ay malapit na rin siyang mag-kolehiyo. Pinag-iisipan ko nga kung babalik ulit ako rito kapag natapos ang kontrata ko. Pero kung gagawin ko iyon ay mapupurnada na naman ang pag-aaral ko.

Barbie:

Marami diyang nag-ooffer ng scholarship. O 'di kaya'y maghahanap ako ng sponsor. Joke lang. Haha. Labyu ate Pia!

Napailing na lang ako sa tinuran niya. Masyado pa siyang bata pero alam ko namang biro niya lang iyon. Kilala ko naman iyong pinsan kong iyon. Nagta-type pa ako ng ire-reply ko nang mag-chat siya ulit sa akin.

Barbie:

Ate, sorry din ha. Pagkatapos namin mag-withdraw at bumili ng gamot kahapon ay nag-jolibee kami. Ngayon lang ito promise!

Sabay send sa akin ng selfie nila ni Tita habang nasa Jolibee. Naka-peace sign pose ang pinsan ko samantalang naka-finger heart naman si Tita. Kaloka 'tong dalawa.

Ako:

Sige lang. Bili na rin kayo ng mga kailangan niyo. Para sa inyo naman talaga ang pinadala ko.

Barbie:

Thank you! Ingat ka dyan! Next time na mag-video call tayo ay i-house tour mo kami ni Mama sa bahay ng amo mo.

Hindi na ako naka-reply pa kasi nag-offline na siya. Ano na naman kayang ginagawa noon? Tanghali na rito sa Dubai samantalang hapon na sa Pinas.

Dalawang buwan na ako rito sa Dubai. Medyo na-late dumating iyong sahod ko pero mabuti na rin iyon kasi malaki-laki tuloy ang natanggap ko. Tinulungan din ako ni Nana Lotty na ipadala through online banking ang sahod ko kila Tita. Masyado pala siyang techy, daig pa akos.

Isa-isa kong tiningnan ang mga pictures nung pinsan ko na naka-upload sa My Day niya. Iyong latest niyang post ay may caption pa na 'Just woke up' na 30 minutes ago pa lang na-post. Next na picture ay iyong in-upload niya kahapon. Puro picture nila ni Tita na kumakain sa Jolibee. Pinost pa iyong plato niyang may chicken joy at jolly spaghetti.

Ang babaeng iyon talaga. Dapit hapon na pero siya patulog-tulog pa. Imbes na ma-frustrate ay natatawa na lang ako.

Pangiti-ngiti ako habang hawak ang phone ko kaya hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Sir Les.

"Ay Sir! Nandyan po pala kayo!" napahawak ako sa dibdib ko. Nakakagulat lang kasi na nandito pala siya.

"I thought wala kang boyfriend?" kunot noo niyang tanong sa akin pero mas kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Wala naman po" hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya.

"Sino ba yang ka-chat mo sa phone at kanina ka pa nakangiti?" seryoso ang tinig nang pagkakatanong niya sa akin.

"A-ah, pinsan ko po. Kinakamusta ko lang po" tumango naman ito nang sabihin ko kung sino ang kausap ko.

"Okay but make sure to check your chores. Baka masunog niluluto mo" pakasabi niya nun ay nanlaki ang mga mata ko! Oo nga pala! May niluluto ako at nakalimutan ko ito!

Binuksan ko ang niluluto ko at mabuti na lang ay hindi naman nasunog. Muntikan na. Grabe pa naman iyong effort ko kanina hiwain lahat ng sangkap for my perfect Filipino style Menudo.

Ito na nga ba iyong palaging sinasabi sa akin ni Nana Lotty. Huwag na huwag mag-cellphone habang nasa trabaho. Mag-focus ka nga Pia!

Kumuha ako ng kutsara para tikman ito. Okay naman. Lutong-luto na nga!

"Nasunog ba?" di ko namalayang nandito na rin pala si Sir sa kusina.

"Hindi naman po! Tikman niyo po" iniumang ko ang kutsara sa bibig niya. Hinipan niya ito at tinikman.

"Masarap po ba?" pero imbes na sagutin ako ay tumango lang siya. Akala ko pa naman ay makakarinig ako ng compliment.

"Gutom na po ba kayo? Ipaghahanda ko na po kayo ng pananghalian niyo"

"Sige" dahan-dahan siyang naglakad papunta sa dining table. Wala si Nana Lotty ngayon dahil may inaasikaso ito na hindi ko naman alam kung ano iyon. Nagpasama siya kay Natoy kaya naiwan kami rito ni Sir na dalawa sa bahay.

Nilagay ko na sa mesa ang mga pagkain. Binigyan ko na rin siya ng plato pero nang aatras na ako ay tinawag niya ako.

"Join me" iyon ang sabi niya pero sa itsura niya ay para siyang nag-uutos lang. "I don't accept no for an answer." mariin nyang sabi. Tutal ay gutom na rin ako kaya pinaunlakan ko ang utos niya.

Tahimik lang kaming kumakain ng lunch ni Sir nang bigla siyang magsalita.

"If nakapag-college ka, ano sanang kurso ang kukunin mo?" napaisip ako.

"Gusto ko po sana mag-nurse noon. Parang ang cool po kasi na sumuot ng puting uniform kaso takot naman po ako sa dugo. Babagsak lang po ang grades ko doon. Siguro magti-teacher na lang po ako" tumango-tango naman siya.

"Saan mo sana gustong mag-aral? May magagandang university sa Pilipinas, I can help you with that" nababa ko ang hawak kong kutsara at napatingin kay Sir.

"P-po? N-naku, may malapit na school naman po sa amin, doon ko po balak mag-enroll pero matagal pa naman po iyon. Hindi pa po kasi ako tapos ng Senior High pati po iyong pinsan ko." explain ko sa kanya.

"Really? May nag-ooffer ng Senior High dito, pwede kitang i-enroll. Gusto mo ba?" napaubo ako sa sinabi niya.

"Huwag na po Sir! Nakakahiya naman po at saka mas focus ako ngayon sa trabaho ko po rito sa inyo"

"If you said so. Sa Pinas kasi, pinag-aral ni Mommy ang mga kasambahay namin for free. Wala ka naman dapat na ikahiya" okay naman sana kaso dito talaga sa Dubai niya ako pag-aaralin? Ang mahal kaya mag-aral dito! Bakit siya mag-aaksaya ng pera para pag-aralin ako rito kung gayon ay pwede namang pagbalik ko ng Pinas kung saan libre pa sa public school?

"Babalik din naman po talaga ako sa pag-aaral pagkatapos ng kontrata ko po rito" ani ko. "Masarap po ba iyong menudo ko?" iniba ko na ang usapan.

Hindi niya sinagot ang tanong ko pero napansin ko na pangatlong beses na siyang kumuha ng ulam at kanin. Madami ang nakain niya, okay lang sana kaso may therapy pa siya mamayang hapon.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Nana Lotty at si Natoy. Pinakain ko na sila nang lunch dahil pag-dating ng ala-una ng hapon ay kami naman ni Sir Les ang ipagda-drive ni Natoy.

"Ang sarap nitong niluto mong Menudo Pia!" puri ni Nana Lotty at Natoy sa luto ko. Buti pa sila nasarapan, si Sir kaya?

"I'm okay. I can do this" wika sa amin ni Sir habang naglalakad papasok ng sasakyan niya. Ayaw na niyang inaalalayan siya. Kung tutuusin, sobra na ang improvement ng katawan niya. Hindi na siya nahihirapan kumpara noong unang tapak ko sa bahay na ito na parang sobra siyang nasasaktan kapag naglalakad. Ngayon ay hindi na masakit sa kanya ang maglakad-lakad although may crutch pa rin siya at iika-ika pa rin kung lumakad.

Baka nga by next month ay hindi na siya gumamit ng saklay. Malapit na ring alisin ang semento sa binti niya.

Matagal ang gamutang ito pero may progress siya. Sulit iyong pagbantay at pag-alaga namin ni Nana sa kanya at iyong pag-papainom ko palagi ng gamot.

Pakarating namin sa ospital ay hindi na gumamit pa ng wheelchair si Sir. Maging ang kaniyang Physical Therapist ay natutuwa sa improvement ng kalagayan niya.

Tulad ng dati kong ginagawa ay sa waiting area kami ni Natoy naghintay hanggang sa matapos ang therapy ni Sir. Si Natoy ay busy makipag-usap sa mga anak niya sa phone samantalang ako ay busy maglaro ng candy crush sa cellphone ko nang bumungad ang chat sa akin ni Niña sa messenger at kinukumusta ako.

Ako:

Okay lang ako. Naka-adjust naman kahit papaano. Tinatrato ka bang maayos ng amo mo?"

Niña:

Ayos lang ako. Nag-sweldo ka na diba? Uutang sana ako ng P10,000. Pang dagdag gastusin lang sana sa anak ko, na-ospital kasi. Ilang araw na rin kasi siyang naka-confine at naubos agad iyong pera ko sa gamot niya.

Nakagat ko ang labi ko. Si Niña ay isa sa mga kasama kong pumunta rito sa Dubai. Hindi pa naman kalakihan ang hawak kong pera pero pwede ko naman siyang mapahiram kahit kaunting halaga.

Ako:

Ganun ba? Papahiramin kita pero nasa P5,000 lang ha. Nagpadala na kasi ako sa pamilya ko sa Pinas kaya iyan lang ang halagang mapapahiram ko. Kailangan din kasi ni Tita bumili ng mga gamot.

Niña:

Naku okay lang. Malaking tulong na iyan. Thank you so much!

Ako:

You're welcome! Send mo sakin ATM number mo. Online ko na lang ihuhulog. Sana gumaling na iyong anak mo.

Niña:

Thank you Pia! Hulog ka ng langit.

Ayoko nga sana magpahiram pero naalala ko ang sarili ko noong walang-wala kami nila Tita. Halos magmakaawa ako sa kapitbahay namin na pahiramin kami ng pera para mabilhan lang siya ng gamot. Alam ko iyong feeling na iyon kaya kung may maipapahiram ako sa abot ng makakaya ko ay tutulong ako.

Natapos ang therapy ni Sir. Kahit ayaw niya nang inaalalayan siya ay binabantayan pa rin namin siya ni Natoy dahil mahirap na at baka matumba o madulas pa siya.

Habang pauwi na kami ay napansin ko na sa ibang direksyon na naman kami dinala ni Natoy. Saan na naman kaya kami pupunta?

Medyo malayo ang naging biyahe namin at pakalipas ng ilang minuto ay pumasok sa isang parking hall si Natoy at doon ito huminto. Nasaan kami?

"Come back here at exactly 8 Natoy. May pupuntahan lang kami ni Pia"

"Sige po Sir!" sagot ni Natoy. Bumaba kami ni Sir sa kotse niya. Hindi na ako nag-abalang tanungin siya kung nasaan kami. Sinundan ko na lang siya kahit ang bagal niya pa maglakad dahil sa sementadong binti at saklay niya.

"Ba't nandiyan ka sa likod ko? Sabayan mo naman ako maglakad" sinunod ko ang gusto niya. Tumabi ako sa kanya. Doon ko rin lang narealize na malapit lang kami sa Burj Khalifa. Napatingala pa ako nang tingnan ko ang kabuuan nito. Ang ganda at ang taas-taas nito sa personal. Halos hindi ko makita ang tuktok. Pag-iipunan ko talagang makapunta ako sa tuktok. Siguro by next year, papasok ako diyan at makakaakyat ako ng top floor.

Habang papalapit ay natatanaw ko ang malaking lake sa di kalayuan at doon ko narealize kung nasaan kami. Ang daming turista ang nagkalat at lahat ay nakatingin sa iisang direksyon na para bang may inaabangan.

Nandito lang naman kami sa Dubai Fountain!

"OMG Sir! May show ba ngayon?" 'di ko mapigilan ang magtanong.

"Just look" tumingin siya sa akin at ngumisi.

Hindi nga nagtagal ay nagsimula na iyong Dubai Fountain Show na sa internet ko lang nababasa at nakikita. Ang ganda pala sa personal! Napaka-synchronized nung mga tubig sabayan mo pa ang mga tugtog. Ang sosyal at ang classy! Ang ganda talaga!

Kinuha ko ang phone ko at nag-video. Ipapadala ko 'to sa pinsan ko mamaya. Siguradong maiinggit ang iyon.

Tumagal ng halos isang oras ang show. Punong-puno ng mga locals at tourists ang lugar. Isa ito sa mga tourist attraction ng Dubai. May balak din nga akong mamasyal dito kaso naisip ko na baka next year na pero hindi ko aakalaing dito kami pupunta na Sir.

"Sir ang ganda!" patalon-talon pa ako. Hindi ko matago ang excitement ko.

"Ang ganda talaga" sabi niya pero nakatingin siya sa akin. Halos matuod ako sa kinatatayuan ko at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit siya nakatingin sa akin?

Pero nung muli kong paglingon sa kanya ay sa fountain na siya nakatingin. Ako yata ang namalikmata kaya umiling na lang ako. Ikaw Pia ha, napaka-asyumera mo!

Nang matapos ang show ay siya namang nag-sialisan 'yung ibang mga tao. Ako naman ay picture lang ng picture sa paligid. Ang dami rin kasing skyscraper at buildings ang nakapaligid kaya ang ganda tingnan lalo na't gabi na.

Nag-selfie rin ako na nasa malayong background ko ang Burj Khalifa kaso palaging fail. Nahihiya naman ako mag-request kay Sir na picturan ako.

Hindi ko rin namalayan na medyo napalayo na pala ako mula sa kinatatayuan niya.

"Miss, pinay ka?" napalingon ako sa kaliwang bahagi ko nang may tumawag sa akin. Nakita ko ang isang pinay rin na mukhang nasa middle age na at may kasama itong Arabic na halos ka-edad niya rin. Siguro mag-asawa sila.

"U-uhm, opo" sagot ko.

"Ay tamang-tama! Pwede magpa-picture?" inabot nito sa akin ang phone niya. Pumayag naman ako. Nag-pose ang dalawa habang nasa background ang lake. Yung isang anggulo naman ay gusto nilang kita ang Burj Khalifa kaya ginawa ko ang makakaya ko para maganda ang kalabasan nito.

"Thank you ha! Are you an OFW here? Or a tourist?"

"OFW po. DH po ako rito"

"Talaga ba? Ako nagsimula rin akong DH dito. Itong hubby ko ang amo ko pero nainlove sakin. Kaka-celebrate nga lang namin kahapon ng silver anniversary namin. Baka iyon din ang fate mo" kumikislap ang mga mata niya habang nagku-kwento. Iyong asawa niya naman ay malaki ang ngiti habang pinapakinggan ang asawa. Mukha atang naiintindihan nito ang sinasabi niya.

"H-hindi naman po" cute ang love story nila pero hindi naman ibig sabihin na porket nangyari sa kanya ay mangyayari rin sa akin.

"Oh siya thank you ha. Gusto mo picturan din kita?"

"Sige po!" binigay ko sa kanya ang phone ko at agad naman akong nag-pose.

"Pia!" nagpi-picture sakin iyong babae nang biglang may humigit sa palapulsuhan ko.

"Where have you been?" kita ko ang sersyosong tingin sa akin ni Sir Les.

"Ano nag-"

"Hija, 'di mo naman sinabing kasama mo boyfriend mo" sabi nung babae. Sasagot sana ako nang muli na naman itong nagsalita.

"Hijo, sumama ka sa picture para may remembrance kayo ng girlfriend mo"

"H-hindi po-"

"Sige po" napatingin ako kay Sir dahil sa sinabi niya.

Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang na naka-pose kami habang nakaakbay si Sir Les sa akin. Nahigit ko ang aking hininga at parang hindi ko makagalaw. Ang bilis din nung tibok ng puso ko.

"Smile!" sigaw nung asawa nung pinay.

"Kiss each other!" dagdag pa niya.

Aangal sana ako pero bigla na lang akong hinalikan ni Sir sa pisngi.

OH MY GOD!

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...