Walking in the Wind (Valdemor...

Galing kay anchoraigee

41.7K 1.2K 81

Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for... Higit pa

Walking in the Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Joaquin Gabriel
Author's Gratitude

Chapter 13

702 35 5
Galing kay anchoraigee

After dinner, I changed my clothes. Kahit gumala lang naman ako at nagtingin tingin sa mga stores na nandito ay napagod din ako. Dagdagan pa ng isipin na nasa paligid lang si Gab. Katabi pa ng room ko.

Mavy's classmates were already beneath the beach. Dumidilim na at kahit papunta pa lang kami doon ay matinding ingay nila ang namutawi. They're really enjoying their outing. Siguro kung mayroon kaming ganito ay sasama rin ako.

Nakapabilog kaming upo lahat. Katabi ko si Mavy saka katapat ko pa si Gab na ngayon ay may katabi nang bote ng beer. He's been drinking before we arrived here. Sa gitna namin ay bote na walang laman na para sa pinlano nilang game ngayong gabi.

It's spin the bottle. Nakalaro naman ako nito noon pero iba lang ngayon kasi hindi ko pa masyadong ka-close ang karamihan dito. Si Mavy lang.

Tumayo ang isa sa mga kaklase niya at nagbiro pa ng kaunti bago sinimulan kung ano ba ang pakay niya.

"Okay guys. We'll play spin the bottle. Kung kanino tumapat ang bote, ibig sabihin ikaw ang tatanungin. Kung sino iyong unang player bago ka napili ng bote ay siya ang magtatanong sa'yo ng truth or dare."

She explained it first. Pero dahil truth or dare nga ito, syempre mayroong consequences.

"Kapag hindi mo nasagot o nagawa, you have a consequence. Game? Let's start!" naghiyawan pa ang mga ito kaya napatakip ako sa tenga. Halos iyong buong resort ay parang okupado namin dahil sa ingay. They're really hyper, lalo pa't ang iba ay medyo nakainom na.

"I hate this game," Mavy whispered to me. Nilapit ko pa ang tenga sa kanya dahil medyo nahina iyong dinig ko.

His lips touched my ear which gave me weird feeling. Napadako ang tingin ko kay Gab na seryoso lang sa pag-iinom. It's like he's not in the mood to be here. Kanina pa kasi seryoso ang mukha niya.

Nagsimula na ang laro. It was fun at first because they really did something funny. Iyong iba ay napasubo sa consequence dahil hindi masagot o magawa ang sinasabi sa kanila.

"You should enjoy. Iyon naman ang purpose ninyo dito 'di ba?"

"Yeah. And the last time I joined, it was so embarassing. They made me do a sexy dance in front of them," I controlled my laugh upon hearing that. Hindi ko rin naman kasi ma-imagine na sasayaw nga ito. I never saw him dancing.

I focused myself on the game. Naroon na ang sexy dance na sinasabi nila. Parang hindi naman kasi nawawala iyon lalo na kung talagang trip ka ng nagtanong sa'yo. I'd rather answer everything to not just let myself embarass in front of them.

Natawa ako nang magpagulong-gulong sa buhangin iyong isa hanggang sa mabasa ng tubig dagat. Mukhang lasing na rin dahil pasuray-suray na nang makabalik sa pwesto niya.

They spin the bottle again until it pointed the man beside me. Mavy groaned at that. Umugong rin ang tukso at sigawan ng mga kaklase niya nang sinimulan nang magtanong.

He chose the truth.

"Hmm. Ano bang pwedeng itanong?"

"Bilis na! Tagal naman!

"Oh shut up, idiot! Maghintay ka!"

The guy who's gonna ask him is deeply thinking about the question that he'll gonna ask. Nang makasigurado na ay nakakalokong ngisi agad ang pinakawalan nito.

Tahimik lang ako kahit alam kong may kakaibang pinaplano ito para kay Mavy. Mukhang loko pa naman iyong nagtatanong sa kanya.

"Sino ang kainitan mo sa room natin? At bakit siya?" For me, it was a very easy question. Kung mayroon man ako siguro nun ay sasagutin ko kaagad.

He remained silent for a bit then drew a deep breath. Seryoso na ito at parang naging matalim kaagad ang mata niya. Naghihintay kaming lahat ng pwedeng isagot niya kaya tahimik na kami ngayon.

All eyes are on him now. Ewan ko ba kung pinapa-intense niya lang ang bawat segundo para mas dama namin o ayaw niyang sagutin iyong tanong.

Ilang minuto ang nakalipas pero hindi nito sinagot iyon. Kaya binigyan siya ng consequence.

Knowing him, he's not the type of guy that can really plant a hatred to someone. Mabait naman ito saka wala namang bad record. Sino ang iinitan niya sa room nila? Mukhang close naman silang lahat kahit na hindi ganoon sa kanila itong si Mavy.

"Kiss the girl you like the most here. That's the consequence," their energy came back again. Good thing it's not a sexy dance anymore but... wait?

Ano daw? Hahalikan niya ang babaeng nagugustuhan niya rito? Bukod sa akin, may iba pa ba siyang gusto rito?

Wait lang. Shocks. Am I really thinking that he'll kiss me here? Sandali. Hindi naman ako handa.

They started cheering loudly while I am surprised here. Parang nabalisa kaagad ang katawan ko nang mapansin iyong mga tinginan nila sa akin. They're smiling evily like they really like what's happening.

Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Mavy pero huli na ang lahat. His lips landed on mine before I could ask him for a help. It was just a quick kiss that it even made him surprise! Para akong naestatwa kaagad at hindi nakarecover.

Tanging sigawan at kantyawan ang pumuno sa paligid naming. His face is now apologetic about kissing me accidentally. Kahit ako mismo ay hindi mapaliwanag kung ano ba ang sandaling naramdaman.

"O-okay lang," I stuttered before gulping many times. And the last thing I knew, I immediately pulled myself out there. Mabilis iyong naging kilos ko at alam kong nabigla silang lahat.

I just... can't breath properly after that happened. Malamig pero parang nasakal ako bigla.

I was kissed in the public! First time ko iyon at aksidente pa! It was a consequence but I made it like it was a big sin. Bakit iyon kasi ang inutos sa kanya?

I should've not joined that game. If I only knew that that will happen, I'd never let myself be there. Mas gugustuhin ko pang sabihang kill joy basta huwag lang ganoon.

Alam ko namang halik lang iyon pero parang hindi naman yata tama na gawin sa akin? I know the fact that he likes me but... damn.

Napahilamos ako sa mukha saka humugot ng malalim na hininga. It was so rude going out there. Sana naman ay maintindihan ni Mavy kung bakit ako umalis doon.

Nakabusangot lang ako panigurado kapag nanatili ako. I can't be happy thinking about that accidental kiss.

Kinumbinsi ko ng ilang beses ang sarili habang nakaupo sa tabing dagat. Malayo ako sa naging pwesto sa kanila at masyadong walang tao rin ang narito. Masyadong madilim dito kaya hindi nila ako kita.

I just need a peace of mind after that. Talagang hindi ko lang kinaya ang nangyari. And darkness is the only way for me to calm. Sa parteng ito ko iyon nakita at nakakarelax rin ang bawat hampas ng tubig.

Pinunasan ko ang labi gamit ang kamay. Hindi naman sa maarte ako pero sadyang hindi ako sanay. Mavy's lips were soft. It was like a cotton placed on mine. Hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang pagkalambot niyon.

"Liking it?" nagulat ako sa boses na iyon. It was Gab who is silently walking toward me. Pansin ko rin ang pagsinghot niya.

Nandoon lang iyon kanina, ah? Bakit na naman ito nakasunod sa akin? And he asked me that I'm liking it? The kiss?

"Ba't ka nandito?" tanong ko pero umupo lang ito hindi kalayuan sa akin. He joined me while staring at the calm sea. Tinukod nito ang dalawang kamay sa buhangin na para bang nagre-relax.

"Mavy likes you. Why walk out when you're already together? Huh?"

"Hindi kami. Gusto lang niya ako pero hindi kami."

He laughed mockingly like I said something funny. Palihim akong napairap dahil talagang pinaniwala nito ang sarili na kami nga talaga ni Mavy.

Kanina pa ito simula noong dumating at nagpakita siya sa akin. Ni hindi ako nilalapitan dahil akala niya ay kami ni Mavy at baka magselos. That's his entire reason. Kung bakit kasi hindi kinumpirma bago ilatag ang babalang iyon sa sarili niya.

"Tss. Doon na rin papunta iyon. He even kissed you."

"That was an accident! Doon ka at alam kong nakita--"

"I didn't saw it. Masyadong masakit sa mata."

Humarap ako sa kanya at parang biglang umusok ang ilong ko. Masakit sa mata iyong halikan? Aksidente lang naman, ah! Ba't ba parang pati iyon ay big deal sa kanya?

"Hindi nakita pero alam mong hinalikan niya ako," pagalit kong sabi dahil kitang-kita ko ang pagkabusangot ng mukha niya ngayon.

Nakakairita dahil hanggang dito ay talagang sinundan niya ako para sabihin iyon? Is that his real purpose here? Pagkatapos nang hindi niya ako kinakausap tapos ganito? Masakit talaga sa ulo ang lalaking ito.

Why can't he just stay and kiss his girls all day instead of bugging me?

"It's the consequence. And don't ever try to argue on me because I know what happened."

"Galit ka ba?"

"Do I look like calm right now?"

"Eh ikaw nga kung makipaghalikan, nagalit ba ako? Narinig mo bang nagreklamo ako? Ha?"

I swear. My patience is not long this time. Talagang sinasagad nito ako at parang hindi matatapos ang gabi na hindi niya ako iniinis.

Kung hindi pag-uusap ang pakay niya ay iyon naman. He talks like he didn't do something. Parang ako pa ang may kasalanan kung bakit ito galit ngayon.

"Pwede mo namang iwasan pero talagang pumayag ka pa."

"Ano? Do you really think I like being kissed on my lips? Aksidente nga! Are you really listening to me?!"

"There's no such romantic on that. Gusto pero hinalikan agad. Speed 'yon ,ah?"

Inikot ko ang mata at kung hindi ko lang pilit na pinapahaba ang pasensya ay baka nasuntok ko na ito. I really need Chesca to be here. I need her noise and let her do the right thing to make this guy beside me to shut up.

Gabing-gabi pero umiinit ang ulo ko nang dahil sa kanya. He's too much. Kaninang umaga pa ito.

"Eh bakit ba nagagalit ka? Ikaw ba ang nahalikan?"

He became silent for a moment. My chest is now pounding fast. He gritted his teeth and faced me while his jaw's clenching.

"I don't like seeing people touching what I like. Sa madaling salita, ayokong may humahawak sa kung anong gusto ko," I gave him my confused look. Nangunot ang noo ko sa hindi maintindihan na sinabi niya.

What does he mean by that?

I cracked my mind thinking about what he said but I ended up staring at him. Nakita niya kung ano ang naging reaksyon ko kaya napailing na lang ito.

He stood up and turned his back on me. Ganoon rin ang ginawa ko at pinigilan na naman siya.

Hobby yata nito ang mag-walk out na lang parati. He's been doing that earlier!

"Anong sabi mo?" I held his wrist.

"Narinig mo na. Hindi ko na uulitin pa."

"Narinig ko pero hindi ko maintindihan kaya ipaintindi mo sa akin."

Hinarap ako nito saka namamanghang tumingin sa akin, sa mismong mga mata ko. Naroon pa rin ang natatawa niyang ekspresyon na para bang angkop iyon sa sitwasyon.

"Matalino ka pero pagdating dito, medyo nabobobo ka," I glared at him but he just gave me a smirk. Hindi naman lasing kahit amoy na amoy ko iyong alak mula sa hininga niya. Nagawa akong insultuhin porque't hindi ko gets iyong sinabi niya.

Mabuti sana kung lesson namin 'to.

"Just get straight to the point. Ano ba kasi 'yon?" tanong ko pa at napapikit ito na para bang naiinip na sa akin.

"I don't know if you're just pretendi--"

"Ano na kasi?"

"I like you. Happy?"

Dire-diretso niyang sabi kaya natameme ako. Walang preno iyon at parang ipinamukha sa akin na gusto nga niya ako. Ngayon ay talagang sumeryoso ang kanyang mukha at hindi ko mapigilang umiwas ng tingin.

God. Bakit sobra naman yata ang binibigay sa akin ngayong araw na'to?

First, Mavy confessed that he likes me then Gab suddenly confessed too. Are they really sharing some feelings for me? O talagang pareho nilang tinaon ang pag-amin sa akin? I can't take it anymore!

Napahawak ako sa dibdib dahil sa lakas ng tibok niyon. I wanted to find some air again but my feet seems buried on the sand and I can't take it out.

Ang ginawa ko na lang ay ang patuloy na pag-iwas ng tingin sa kanya, takot na salubungin iyong mga mata niya.

If I am the person who admires them the most, I could say I'm the luckiest one. Ni minsan ay hindi ko naman hiniling na may magkagusto sa akin nang dalawahan pa. I never wished for this but it's now happening.

"We're friends, Gab."

He rolled his eyes and massaged the bridge of his nose.

And he likes seeing a lot of girls. Sinabi ko na dati na ayokong madamay sa mga agenda nito o kung ano pa mang kalokohan niya.

"And... I am not gonna involve myself in your game. Pwedeng huwag ako ang paglaruan mo? I can't be your toy," dagdag ko pa.

He moved and let himself near me. We're beneath the sea, both standing and feeling the cold breeze of the wind. The cold thing which I love the most. The wind. It soothes and calms me but for now, it seems like it's not cooperating with me. Sinabayan iyong init ng nararamdaman ko.

"Sinong nagsabi sa'yo na pinaglalaruan kita? Tell me. Nakita mo ba ang sarili kong nilalabas ang ibang babae noong naging komportable ako sa'yo?"

I was out of breath for a moment. He used to date girls before but not until he knew me. Ngayong hindi kami masyadong nag-uusap ay bumalik ito sa dati niyang gawi. And I admit, I was not surprised seeing him being like that again.

The old Gab.

Is that his reason why he's seeing a lot of girls again? His feelings for me or what?

"I wouldn't invite and celebrate with you on my condo if I don't like you. I would not go every night on your work and spend some of my time just to see you working if I don't like you. Do you think I invited you to dinner if I don't like you?"

Namawis agad ang kamay ko at muling nakaramdam ng kaba. Talagang pinaalala niya iyon sa gitna ng pag-amin sa akin.

He's like confessing and let me think again about that. Reminiscing all the happenings, huh? Ginawa niya bang katibayan iyon?

"I like you. Je vous aime bien. Mi piaci. Chạn chxb khuṇ. Gusto kita," hindi ko alam kung saan kumuha ito ng kakapalan ng mukha. "Siguro sapat na ang limang lenggwahe na iyan para matatak mo sa isip mong iyon ang nararamdaman ko."

Napalunok ako dahil talagang seryoso nga ito. Tahimik lang ako at hindi alam kung anong sasabihin sa kanya.

Bakit kay Mavy, hindi naman ako ganito noong umamin siya? Sa kanya parang kinabahan ako bigla at parang nabalisa.

He's... different. Nagawa niyang pahintuin iyong utak ko ng ilang segundo nang dahil sa pag-amin niya.

"And don't be speechless. Alam kong nagulat ka pero sana naman magsalita ka kasi ilang minuto kang tahimik. Nami-miss ko ang boses mo."

"Are you playing? Masyado kang isip bata kung umasta."

"Hindi. Ganyan talaga kapag gusto mo ang isang tao. You'll miss every detail about them. And thanks for speaking. Sarap sa tenga ang boses mo."

And now, I regret why I am still here. Kung tutuusin ay kanina pa ako nakaalis rito. Pumunta ako dito para mapalayo doon sa kanila at matahimik iyong utak ko tapos sinundan naman niya ako para umamin din.

Is he threatened by Mavy's actions to me? Kaya ba kinuha niya ang pagkakataong ito para umamin sa akin?

"Una na 'ko," mabilisan kong paalam at nilagpasan siya, hindi na pinansin kung anong reaksyon niya.

Napailing ako dahil masyadong marami ang idinulot ng gabing ito sa akin. It made my mind in a mess. Sana ay hindi na lang ako sumama dito.

"Aria Beatrice," he called which made me face him again. Nakalayo na ako't lahat, nagawa pa akong tawagin gamit ang buo kong pangalan.

"What?"

"Liligawan kita."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

396K 19.8K 42
"So, Mrs. Kashi Abhay Pratap Singh..chalte hai. Goodbye..". Saying this, he left her broken in this world of betrayal. ~~~~~~~~~~ Kashi, a simple gir...
592K 27.1K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...