Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Denouement
Writer's note

Chapter 30

449 29 7
By CrabLamb

CHAPTER 30

[ Naked ]

---

Alex's Point of View

Hindi ko hinayaan na pag saraduhan ako ni Nelly ng pintuan.

"Anong—" pagalit na turan niya pero bumaba ang paningin niya sa hawak kong mga papel.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago humarap sakaniya. Hindi gagana kay Nelly ang pagkuha ng tiwala lalo na't alam niyang mayroon siyang impormasyon na kailangan na kailangan ko.

"Ikaw si Jenny?" malalim na sabi ko sabay abot sakaniya ng mga papel.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko sabay baba ng tingin sa inaabot kong papel sakaniya, unti unti niyang kinuha iyon sabay isa isang tinignan.

"Ano ito?" naguguluhang tanong niya saakin.

"Nakita ko sa likuran ng graduation picture mo," agaran kong sagot sabay pakita sakaniya ng litrato ni Cash na naka tusok sa pole, agad na umusbong ang takot sa mga mata niya.

"H-hindi ko kayang pumatay," tulalang iling na sabi ni Nelly, "Hindi ako katulad ni Papa! Si- siguro ay siya ang naglagay sa litrato ko nito!"

Magpapaliwanag pa sana siya saakin nang mapansin niya ang klase ng tingin na ginagawa ko, yoong noo niya ay unti unting kumunot at napalitan ang natataranta niyang mata ng labis na pagkamuhi.

"Sabi ko na nga ba at pinagsususpetyahan mo pa rin ako."

"Bakit hindi?" atras ulo kong sabi sakaniya, nagulat siya kung gaano katatag ang sarkasamo ko sa boses, "Ilang buwan na ba tayong ganito? Ilang tanong ko pa ba ang kailangan mong takasan? Alam kong alam mo na ang daming butas sa mga kinukwento mo at alam mong hindi kami tanga para hindi makita iyon!"

Tinignan ako ni Nelly na parang ibang tao ako.

"Gusto mo malaman kung ano ano yoong mga butas? Kailangan ko pa bang isa isahin saiyo para malaman mo kung saan ka sumablay?" agresibo ko pang tanong sakaniya, hindi nanaman siya nakasagot.

"Noong araw na nahuli ang papa mo, akala mo mahuhuli ka na rin kaya tinangka mong magpakamatay, pero hindi ka nagtagumpay," pagpa-paalala ko sa nangyari, hindi makapaniwalang umawang ang labi saakin ni Nelly.

"Noong nagkamalay ka, napagtanto mo na wala pa kaming alam patungkol saiyo. Hindi ka nga lang naging handa dahil noong oras na nagising ka nandoon na kami ng Head Agent ko sa kwarto mo. Yoong mga sagot mo? Akala mo ba hindi namin iyon ku-kumpirmahin?"

"Hindi iyon sapat na ebidensiya para akusahan mo akong mamamatay tao!" sigaw niya saakin.

"Eh ano ito?!" sigaw ko rin sakaniya sabay hablot ng mga nakalap kong papel, "Nakalagay sa frame mo, natagpuan sa property ninyo. Isa ka sa mga huling taong nag-ayos ng tahanan ninyo bago mo abandunahin, anong paliwanag mo doon?!"

Nanginginig na si Nelly kakaiyak, kitang kita ko kung paano maghalo panic sa mukha niya at ang kagustuhan niyang magpaliwanag.

Ipinakita ko ulit ang litrato ni Cash sakaniya at napansin kong mas lumakas ang iyak niya, "Kaya mo pinatay si Cash dahil siya ang may hawak sa kaso mo, tama?"

"Hindi—"

"Anong ginawa mo noong isang linggo ka nawala, Nelly?" seryoso kong tanong sakaniya habang nakatingin pa rin siya sa litrato ng crime scene sa karaoke house, "Huwag mong sabihing research pa rin? Nakausap na namin mga ka-grupo kuno mo, kahit hibla ng buhok mo ay hindi nila nakita noong linggong iyon."

"A—ano—"

"Plinano mo na ba ang pag patay sa kapatid ko o may may iba kang trinabaho?" putol ko muli sa sasabihin niya.

"Hindi!" sigaw niya sabay tulak saakin, pakiramdam ko ay ginawa niya ang lahat para lang matumba ako pero hindi iyon sapat, "Hindi iyon ang nangyari!"

"Pwes! Anong nangyari?!" hablot ko sa mga palapulsuhan niya para mapigilan siya.

Umiling iling saakin si Nelly, "Alam ko ang ginagawa mo, hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?!"

"Dahil papatayin nila ako kapag sinabi ko!"

Napaluwag ang pagkakahawak ko sa palapulsuhan niya sa narinig ko, ginamit niya namang pagkakataon iyon para makawala saakin.

"Mga Augustus?"

Gulat na napatingala saakin si Nelly na tila hindi niya inaasahan iyon, maging ako man ay nagulat dahil buong akala ko ay si Cash ang kumuha sakaniya.

"Kilala ko si Jenny, Nelly," pag-amin ko sakaniya na mas lalo niyang kinagimbal.

"Hindi," tanggi niya sa sinabi ko habang nakatingin sa mga mata ko, "Hindi mo siya kilala."

"Saan nagta-trabaho ang mama mo, Nelly?" pagtukoy ko kay Mrs. Melanie, "Tama ba ang hula ko na parehas kayong nagta-trabaho para sa mga Augustus?"

Sa sinabi ko ay tuluyang napaiyak si Nelly, yoong iyak niya ay sobrang basag na basag at takot na takot. Para siyang aso na takot na takot na mahawakan.

Tuloy tuloy siyang napaatras, "Hindi ko ginusto, pero ang sabi nila papatayin nila ako kapag hindi ako sumunod."

Napaluhod pa si Nelly sa harapan ko, mas lalong umawang ang labi ko nang pagsalikupin niya ang dalawang kamay niya na tila nagmammakaawa saakin.

"Noong nawala ako ng isang linggo, nalaman kong nagta-trabaho si Papa para sakanila pati si Hannah, pero naamoy ng mga Augustus na traydor sila."

Naramdaman ko ang pagbakas ng pagkalito sa mukha ko, "Anong ibig mong sabihin?"

"May kinakausap si Papa sa telepono niya, babae," himas himas noong bahagi ni Nelly, "Hindi ko alam kung sino pero ang pakiramdam ng mga Augustus ay panganib sa negosyo nila iyon."

Agad pumasok sa isipan ko ang taong naka silicon na maskara para kunin ang pera. Kung gayon ay iisa nga lang sila? Totoo ang mga sinabi niya saakin?

"Bakit nila pinatay si Cash?" natutulalang tanong ko.

"Traydor din siya," ani ni Nelly habang nagpupunas ng mga luha, "May nakakita na maga-abot siya ng final report na nagsasabing ang mga Augustus ay may posisyon sa black market."

"Nakakita?" bulong ko sa sarili ko.

Ang huling nakasama ni Cash bago siya patayin.

Si Lany.

Undercover, iyon ang ginawa ni Cash.

"Ang sabi niya saakin ay mag tiis lang ako ng kaunti," umiiyak na sabi ni Nelly habang hawak hawak ang litrato ni Cash, "Na matatapos rin ang lahat, na kapag lumabas sa publiko ang baho ng mga Augustus ay magiging normal na estudyante na ulit ako."

Unti unti na akong naliliwanagan.

Dala dala ang mga nakalap kong litrato ay kumilos na ako para dumiretso kay Jazzquin.

Ngayon pa lang ay pinag-iisipan ko na kung anong koneksyon ni Jackquin kay Mr. Goliath, parehas silang nagta-trabaho sa Augustus? Mag kasangga sila pagdating sa disenyo? Kaya ba siya nasa LPU para bantayan si Nelly?

Habang tinatahak ang daan papunta sa motor ko at pilit na pinagko-konekta ang dalawa ay napatigil ako nang makakita ako ng pamilyar na bulto.

Halos malaglag ang puso ko sa aking sikmura nang makita ko si Jackquin, bahagyang nakaupo sa motor ko at naka krus ang dalawang braso.

Lihim akong napamura nang mapansin kong nakatagilid ang ulo niya at pinapanood akong ayusin ang mga papel na nasa kamay ko.

"Why did you stop?" nagta-takang tanong niya saakin, "Are you afraid that I'll kill you right here?"

Sinundan ko ang kamay niya na nakaturo sa pwesto niya, napalunok na lang ako.

"Mark told me about what you said to him," ani ni Jackquin sabay lakad papunta sa pwesto ko, hindi ko alam kung bakit hindi ako gumawa ng kahit na anong hakbang para umatras, "Don't worry, I didn't deny it."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, naguluhan.

"Anong ibig mong sabihin?" lakas loob na tanong ko nang makalapit na siya saakin, hinayaan ko lang rin na hablutin niya ang mga papel na nasa kamay ko.

Pinanood ko siyang isa isahin ang mga papel at kada lipat niya ay napapansin kong paluwag ng paluwag ang ekspresyon niya, na tila ba palala ng palala ang kung ano mang nararamdaman niya sa loob loob.

"Anong hindi mo dineny?" tanong ko muli sakaniya nang hindi niya sagutin ang unang tanong ko.

Tumunghay ang mata niya saakin mula sa pagka-kayuko, "Ikaw naman parang hindi mo pa alam. Of course! That I'm Jenny."

"Aminado ka?" natatawa pero hindi makapaniwalang sabi ko, tuluyan na akong natawa nang kumibit balikat lang siya.

"Why would I deny it kung siguradong sigurado ka na ako ang gumawa?" makahulugang ani niya saakin, "These are nice by the way, you can use it against me."

Hindi nawala ang paningin ko sakaniya nang i-abot niya muli ang mga papel saakin, hinahanap ko o naghihintay ako ng pilyang pag bawi niya sa mga sinabi niya pero walang dumating.

"Susuko ka?" hindi ko napigilang tanungin.

Tumingin saakin si Jackquin, yoong tingin niya ay walang halong kahit na ano. Hindi ko pa rin mabasa pero nakikita kong puro ang mga iyon.

Iyon ay dahil may hinahanap rin siya mula saakin.

"There it is," ngiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko, "The loophole, can you see it?"

Napaiwas ako ng tingin dahil nadali niya ako roon. Kung siya si Jenny ay dapat pinupunit niya ang mga papel sa harapan ko ngayon, ebidensiya iyon laban sakaniya.

Si Jenny ay ang tipo ng hindi susuko, hindi magaling sa mga salita at sisirain ang mga ebidensiya laban sakaniya.

"You already know this before you met me, don't you?" panghuhuli niya sa paningin ko, "Natakpan lang nang natakpan ng denial."

"Denial?"

"Ah! There it is," turo niya sa mukha ko, lalo namang lumalim ang kunot ng noo ko, "Let me guess, nasa isip mo na na si Jazz si Jenny, you had a fight with her and she told you several things that's half accurate."

"Sinasabi mo bang nag sinungaling siya saakin?"

"Hey!" suway niya saakin, hinampas pa niya ang ilang papel na hawak niya sa balikat ko, "I didn't say anything about her lying."

"Ginagago mo ba ako?" pagpansin ko sa ginagawa niya.

Minamanipula niya ang usapan, iyon ang nararamdaman ko.

"Alright! I'm going to be straight," ikot matang sabi niya, "She lied to you, 50 percent."

Aangal pa sana ako pero bigla niyang inilabas ang kaniyang pitaka at pinakita saakin ang laman noon.

"You think na sa mga Augustus ko nakuha ito matapos kong pumatay ng mga pinapapatay nila?" panghuhuli niya muli saakin kaya napaawang na ng tuluyan ang labi ko, yoong mga sasabihin ko rin ay nakalimutan ko na, "Magiging magandang statement din iyon, save it for later."

"Hindi kita maintindihan," iling iling na sabi ko habang pinapanood siyang ibalik sa bulsa ang pitaka, "Malinaw na sinasabi mong hindi ikaw si Jenny pero parang hindi mo ako pinipigilang akusahan ka."

Napangiti si Jackquin sa sinabi ko, "Litong lito ka na ba? Paano pa kaya kung sabihin ko na saiyo ang lahat lahat, hindi ka kaya maligaw?"

"Lahat lahat?"

"The truth," sabi ni Jackquin sabay krus ng dalawang braso, "Ang sabi mo sa tawag ninyo ni Jazzquin kanina ay nasa 7Eleven ka malapit sa headquarters ninyo, nakain ng pananghalian. It looks like naghahanap ka rin ng ibang kasagutan na hindi siya involve."

Napakuyom ako ng kamao. Hindi dahil sa galit ako, kung hindi dahil sa guilty ako.

Tahimik lang akong pinagmasdan ni Jackquin, binabasa na parang akong isang bukas na libro. Pakiramdam ko kung ano ang eksaktong iniisip ko ngayon ay nakikita niya.

"You really love her, don't you?"

Igting ang panga akong napatingin sakaniya, ang inaasahan ko ay may pang mamaliit sa mga mata niya o kahit pangungutya.

Pero wala akong nakita.

"Bakit ba parang kung makapag salita ka ay parang kilalang kilala mo ako?"

"You are like otets," kamot kamot leeg niyang sabi, "You are smart but too emotional. Ang dali mo tuloy basahin."

Matagal ko siyang tinitigan, paunti unti ay nawawala ang pagdududa ko sakaniya.

"Hindi ikaw si Jenny, tama ako?" diretsong sabi ko sakaniya.

Isang malakas na buntong hininga ang inilabas niya, parang ang tagal niyang kinimkim iyon.

"Dingdong! Oo, pero huwag mong sabihin kahit na kanino," tipid na ngiting sabi niya saakin, napakurap ako ng mabilis, "Trust me Alex, if you want everything to go smoothly, you have to work with me."

"Ang sabi ni Mark hindi kita dapat pagkatiwalaan."

"Oh, really?" 

Nakita ko sa mga mata niya ang bahagyang hapdi, pero wari ko'y batikan na siya sa ganitong larangan kaya kung anong bilis na labas niyon ay siyang bilis noon na mawala.

"I can't blame him, I really fucked up 10 years ago."

Kung gayon ay totoong nagkaroon sila ng relasyon ni Mark? Kaya ba hindi niya kasama ang mag ama niya ngayon dahil...

"Anong nangyari?"

Umakto siyang nag-iisip at napatingin pa sa langit, "Let's say that I'm doing dirty works way back in the 90's and he didn't accept me for who I am."

Bahagyang umawang ang labi ko sa narinig ko, damang dama ko iyong sakit sa tono niya kahit walang bakas.

"Anong mga 'dirty works'?" 

Inikutan niya ako ng mata, "It's a long story Alex! Do you want to know the truth or not?"

Napalunok ako at nag krus ng dalawang braso, nakita kong napataas siya ng dalawang kilay.

"Bakit kita pagka-katiwalaan?" seryosong tanong ko sakaniya, para akong nanghihingi ng magandang deal mula sa kaniya.

Naningkit ang mga mata niya saakin habang nakangiti.

"Because your half-brother trusted me."

"Pero nang ra-rape si Cash," bigla kong nasabi matapos ang malalim kong pag-iisip.

"May dahilan kung bakit niya ginagawa iyon," tingin pababang pagpo-protekta ni Nelly kay Cash, "Hindi naman siya nananamantala ng kahit sino, namimili siya."

Napakunot ako ng noo, "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ginagamit niya iyong method na iyon para kumuha ng impormasyon," pag-amin niya saakin, "Ang sabi niya ay marami rami na siyang nakakalap ng ebidensiya, kaya talagang sakaniya ako umasa."

Biglang nanamlay ang mga mata ni Nelly.

Napatay si Cash, kaya nawalan siya ng pag-asa.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin?" kaswal kong tanong sakaniya kahit halata na ang sagot, "Malaking tulong ang inaabot namin saiyo kaya ligtas ka saamin."

"Hindi ko alam," piyok at pabulong na kibit balikat ni Nelly, "Sobra—kalat nila, ang lawak ng organisasyon nila. Hindi ko alam kung sino ang pagka-katiwalaan ko."

Hindi ko siya masisi.

"Grabe," nababaliw niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha, "Sa mga libro na nababasa ko, akala ko hangga't hindi mo iniinvolve ang sarili mo sa mga mafia o hindi mo sila binabangga ay ligtas ka. Hindi ko alam na damay damay ito."

Nagsimula nanaman siyang manginig, "Kada papasok ako sa LPU at pinagti-tinginan ako ng ibang estudyante ay pakiramdam ko ay hindi ako normal. Nai-imahe ko na kapag nakipag-usap lang ako ng kaunti sa ibang tao ay ki-kidnapin nila ulit ako at ku-kwestyunin ng kung ano ano."

Tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko kung gaano siya kadaling mabasag. Pinanood ko siyang maglakad at may kung anong kinuha sa Island Counter.

"May tiwala ako saiyo, Alex."

Agad akong naalarma nang makakita kong kutsilyo ang kinuha niya.

"Pero nang makita kitang kasama siya, nasimot iyon lahat."

Lihim akong napamura.

"Kung binabalak mong pabagsakin sila," bawat hakbang niya ay napapaatras ako, "Sinasabi ko ngayon pa lang ay imposible na. Kaya mas mabuting mamatay ka na lang."

Awtomatiko kong hinawakan ang baril ko at itinutok sakaniya iyon. Napatigil naman siya sa paglapit saakin sa nakita.

"Inatasan kang patayin ako?" tanong ko.

Umiling siya saakin at itinapat sa sariling lalamunan ang kutsilyo, agad kong tinutukan ang balikat niya at pinaputukan siya roon.

Napasigaw si Nelly sa sakit at nabitawan ang kutsilyo, habang pinipigilan niya ang pagdudugo ng daplis niya ay agad akong lumapit sa gawi niya para sipain palayo ang kutsilyo.

Aalma pa sana si Nelly nang biglang pumasok si Jonathan at ang iba pang pulis sa loob ng apartment. Ang sabi ko kasi ay kapag narinig nila ang signal ko ay saka sila pumasok.

"Katulad ng inaasahan natin, sinubukan niyang mag pakamatay," sabi ko kay Jonathan.

"Bitawan ninyo ako!" sigaw ni Nelly pero masyadong mahapdi ang sugat niya para makapang laban siya. Sa ugaling ipinapakita niya ay paniguradong sa DSWD ulit ang bagsak niya.

"Bakit niya binalak mag pakamatay?" tanong saakin ni Jonathan habang sabay naming pinapanood na ilabas si Nelly.

"Tama ang hinala ko noong una," sagot ko kay Jonathan kaya napatingin siya saakin, dama ko na ang pag kunot ng noo niya.

Bago tuluyang mailabas si Nelly ay lihim kaming nag tanguan gamit ang tingin.

"Kinidnap siya ni Cash," napaigting si Jonathan ng panga sa sinabi ko, "Stockholm syndrome."

"May kinalaman ba siya sa mga Augustus?" tanong saakin ni Jonathan habang nagka-kalkal sa lamp shade at ibang mga gamit ni Nelly.

"Mayroon," sagot ko sabay taas ng mga device na halatang inilagay ng mga Augustus para manmanan ang mga galaw ni Nelly, "Ginagawa siyang kapalit ni Mr. Goliath."

Naagaw ang atensyon ko nang makakuha ako ng mensahe.

Nabuksan ko na. – Wojtek.

"May kailangan akong puntahan Jonathan, kaya mo na ba asikasuhin ang lahat ng ito?" pagtukoy ko sa buong lugar pati kay Nelly.

Tinanguan ako ni Jonathan, "Mukhang malapit mo na siyang mahuli, Alex."

Napatingin ako kay Jonathan sa sinabi niya.

Hindi ko matanggap na kaya kong mag sinungaling sa pinaka matalik kong kaibigan.

"Inom tayo sa Sabado?" aya ko sakaniya.

Natatawang umiling si Jonathan.

"Malayo pa sa katapusan ang kaso ko," isinenyas na niya ang pintuan, "Dali na, malapit ka nang lumaya."

---

"Bakit tayo mangda-damay ng bata?" apela ko kay Jackquin.

"Kahit hindi ko isama si Nelly dito ay damay na siya," hilamos na paliwanag saakin ni Jackquin, "Hindi mo alam ang kakaibang takot na pinagda-daanan ng batang iyon."

Duda akong pinagmasdan siya, "Bakit? Naranasan mo rin ba kung ano ang nararanasan niya?"

"Psh!" ikot matang sabi ni Jackquin, "Worse than that."

"Alam mo, kanina mo pa nilalapag ang mga plano mo pero wala akong maintindihan," kamot leeg kong reklamo sakaniya, "Paano ako makakasiguro na hindi mo ako ginagamit kung plano lang ang sinasabi mo saakin? Akala ko ba sasabihin mo saakin ang buong katotohanan?"

"I already did!" depensa ni Jackquin sa sarili niya, "I already said that my little sister lied to you, 50%! And she is Jenny."

Marahas akong napabuntong hininga sa huli niyang sinabi, napaiwas din ako ng tingin.

"What? You can't accept it until now?" sarkastika niyang tanong saakin habang hinahabol ang tingin ko, "She has her own purpose, you know."

"Alam ko," matigas kong sabi habang naka iwas pa rin ng tingin.

Siguro nga, natakpan ako ng denial nitong mga nakaraang araw. Alam ko sa sarili ko na malaki ang posibilidad na nagsinungaling saakin si Jazzquin, pero naisip ko kasing bakit siya magsi-sinungaling saakin? Pwede niya naman akong hiwalayan o patahimikin kung alam niyang may nakakapa na akong mali.

Pero hindi niya ginawa iyon, gumawa lang siya ng kwento na kalahating totoo pa. Bakit niya gagawin iyon kung hindi siya desperada na hindi ko malaman ang lahat lahat? Importante ba ang opinyon ko para sakaniya?

"Hanga ako saiyo, Alex."

Sa biglang pag puri saakin ni Jackquin ay napabalik ang tingin ko sakaniya.

"Kahit ang tanga tignan, I'm thankful na ganiyan mo kamahal si Jazzquin," tango tangong sabi niya, napataas ako ng dalawang kilay.

Hindi ko alam kung tamang may nakita akong inggit sa mga mata niya.

"She might not deserve it, but I'm not questioning luck for being so grateful to her,"  ngiti ngiti niyang ani sabay tingin sa kalangitan, hindi na nakakapaso ang sinag ng araw, "Jazz had a tough life too. I can't say if it's tough as mine, but I know it destroyed her." 

Nakatingin lang ako kay Jackquin habang binubuod niya ang kwento ni Jazzquin. Nang napatingin siya saakin ay mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"If you want the details, wala kang maasahan saakin."

"Bakit?" pangungulit ko.

Napakibit siya ng balikat, "It's not my story to tell, isa pa half of her life ay wala ako sa tabi niya."

Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ako ng ideya.

"Oh iyan ha! May ideya ka na kung bakit niya ipinasa saakin yoong mga kasalanan niya," tapik niya ng malakas sa likuran ko, hindi naman ako makapaniwalang tinignan siya, "Hirap maging panganay ano? Saiyo lahat ang sisi."

Hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili ko kay Jackquin, kahit gaano kalaki ang kasalanan sakaniya ni Jazzquin ay hinahayaan niya lang.

Iniisip ko kung ako ang nasa posisyon niya at si Jacky ang gumagawa ng lahat ng patayan ay ganito rin ang gagawin ko. 

"Alright! Mag patuloy na tayo, mag di-dinner pa kayo hindi ba?"

Pinagmasdan ko muna ng sampung segundo ang inaabot saaking cellphone ni Wojtek bago hawakan iyon.

"Wala na iyang password," ani niya habang ini-islide ko pakanan ang lock screen, "Huwag kang mag-alala, wala akong ginalaw kahit isang file."

Napatango ako at tipid na nginitian si Wojtek, "Salamat."

Tinapik ni Wojtek ang balikat ko.

"Kung kailangan mo ulit ng tulong ko, huwag kang mag dalawang isip na lumapit ulit saakin," suhestyon ni Wojtek.

Napatawa ako ng malalim, "Pagtuunan mo muna ng pansin ang sarili mo."

"Kulang pa iyan sa mga—" napatigil si Wojtek sa pagsasalita pero alam ko na kung ano ang kasunod niyon.

Napalunok ako nang napayuko siya.

Hanggang ngayon ay guilty pa rin siya.

"Hindi mo kasalanan ang ginawa ni Senior Sebastian," pag papaalala ko ulit kay Wojtek, "May mga bagay na kaming dalawa lang ang nakakaalam, labas ka doon Wojtek at wala akong kaso kung mataas pa rin ang respeto mo sakaniya."

Napatango si Wojtek, kitang kita ko sa mga mata niya na pinipigilan niyang huwag maluha.

"Mas mataas ang tingin ko saiyo, kuya."

Napaigting ako ng panga, hindi ko alam pero sa mga bagay na kinahaharap ko ngayon ay malaking tulong ang mga katagang iyon para hindi gumuho ang mentalidad ko.

Pamilya, iyon kami. Noon pa man.

Sa isipin na ito na ang huling beses na makikita ko si Wojtek ay hinayaan ko na ang isang butil ng luha ko ang tumulo.

"On your feet soldier."

---

Binuksan ko na ang pinakahuling mensaheng nakapaloob sa inbox ng phone ni Jazzquin.

Medyo mahaba kaya natagalan akong basahin iyon, wala akong planong may palagpasin na isang impormasyon kaya tiyanaga ko talaga.

Matapos kong basahin ang buong kontent niyon ay ginawa ko na ang nasa plano.

Sinelect ko ito lahat at dinelete.

"Jazz is far too gone," ani ni Jackquin, "Hindi magiging madali na patigilin siya."

Nanamlay ang mga mata ko sa narinig.

Napaharap saakin si Jackquin, "I have a question for you."

Napataas ako ng dalawang kilay sakaniya, iyon na ang paraan ko ng pagta-tanong ng 'ano iyon?' dahil hindi ko makuha kung bakit kailangan pa niyang kunin ang permiso ko.

"Hindi ba sabi mo binigyan ka ni Sebastian ng pagkakataon para mamili?" pag tukoy niya sa sa nangyari saamin ni Jacky, "What if kung ganito ang choices na ibinigay niya saiyo? You'll leave Jacky to him, but! You'll be spared."

"Iyon ang nangyari."

"Yung second choice ay yoong opposite," pagturo ni Jackquin sa gitnang daliri niya, naka senyas kasi siya ng dalawa saakin, "Jacky can escape, but you'll be the one to die."

"Iyon ang pinagdasal kong dapat nangyari."

Ibinaba ni Jackquin ang mga daliri niya.

"So you'll choose to die?"

Tumango ako.

"Hmn?" sabi ni Jackquin na tila napaisip, "Okay, let's say iyon nga ang nangyari. Ano sa tingin mo ang mangyayari kay Jacky after her rescue?"

"Titira siya kay papa," naimahe ko na iyon ilang beses na, "She'll go on with her life."

"How can you be so sure about that?" taas isang kilay niyang tanong.

Napakunot ako ng noo, "Anong ibig mong sabihin?"

"Paano ka nakakasiguro na she'll do well after you die? Hindi mo ba naiisip ang posibilidad na baka kabaliktaran ang mangyari?"

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko, kalauna'y gumaan rin nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.

"You don't know Jacky, she's a fighter."

"Jazz is a fighter too," pag harang niya sa sinabi ko, hindi ako nakasagot dahil totoo, "But because of 'that' trigger, her fighter side magnifies."

Agad na nangibabaw ang katahimikan matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Hinihimay ko kasi ang mensahe ng sinabi niya.

"Ang sinasabi mo ba ay may nag trigger kay Jazzquin para gawin ang lahat ng ito?"

"Duh!" ikot matang sabi ni Jackquin na parang hindi-pa-ba-halata?

"Remember what I told you when we were in LPU?" tanong niya muli saakin.

"Na huwag kitang i-taunt dahil I don't want to go there?" sagot ko.

"Are we friends?" sarkastika niyang tanong saakin, napakamot na lang ako ng pisngi.

"I said that the nature is balanced," galaw galaw ng ulo pa niyang tanong, napasingkit ako ng mata upang alalahanin iyon, "So we need to be balanced also."

"Oh?"

"That's what we are going to do to take her humanity back," ngiting bahagi niya saakin.

Itinago ko ang cellphone sa aking bulsa at nag maneho na ng motor patungong bahay ni Jazzquin.

Siguro sa mga oras na ito ay tapos na.

"To take her humanity back?" pag-uulit ko sa mga kataga niya.

Mas lalong lumawak ang ngiti saakin ni Jackquin, "Now, this is the biggest part of the plan Alex. I want you to listen carefully."

Makalipas lamang ng labing limang minuto ay narating ko na ang bahay ni Jazzquin.

Napansin ko na may iilang kapit bahay ang panay ang tingin sa bahay ng nobya ko.

"Katulad ng sinabi ko may napihit na 'trigger' kaya nag magnify ang fighter spirit ni Jazzquin," pagpapaliwanag pa ni Jackquin saakin.

Bukas ang gate pero walang nagta-tangkang pumasok.

"May narinig talaga akong putok ng baril," narinig kong bulong ng isa habang tinatahak ko ang daan papasok.

"Huwag mo na pangarapin pang kontrolin siya, you can't" iling iling na suhestyon ni Jackquin, "But we can stop her by pulling that trigger again. We will add other reagents nga lang para imbis na mag magnify ay reduce ang mangyari."

Bawat hakbang ko ay umaalingawngaw sa buong bahay ni Jazzquin.

Nang tumapak ang sapatos ko sa loob ng bahay ay agad na bumungad saakin ang inaasahan ko na talagang senaryo.

"Ano ang trigger?"

Nakatalikod si Jazzquin saakin, nasa lababo siya ng kusina at base sa agresibo niyang paghuhugas ng mga kamay ay halatang nagpa-panic siya.

Bumaba ang tingin ko sa wala nang buhay na si Jackquin.

Tinuro ni Jackquin ang kaniyang sarili.

"Me."

Continue Reading

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
13.9K 1.7K 41
Note: Fleece, bisexual po ang "male" lead. Don't treat this as gay x girl story. 🙆 ******* Nakakairita si Nora para sa paningin ni Alexis. Ang ganda...
10.1K 731 14
C O M P L E T E D WARNING: Extreme misogyny, sex trafficking, graphic content, disturbing pictures, murder, violence, vulgar words
3.7K 427 50
(C O M P L E T E D) (UNDER REVISION) SEVEN BLUES #1 Roj believes in quotation, "Love is like an instrument. Perfect beat, perfect tune. Perfect beat...