Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 28

268 19 2
By CrabLamb

CHAPTER 28

[ Denial ]

---

Alex's Point of View

"Alex..."

Narinig ko iyon pero masyado akong pagod para buksan ang mga mata ko.

"Alex!"

Napakunot ako ng noo nang sa pagkakataong ito ay mas malinaw na sa pandinig ko ang boses ng natawag saakin, unti unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad saakin ang kadiliman.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid at agad kong napagtanto na sa ibabaw ng mababaw na tubig ako naka higa.

Narito nanaman ako sa lugar na iyon, Akala ko ay nawala na ito simula nang makilala at maging kami ni Jazzquin.

"Alex."

Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at hinanap si Jazzquin, pero nilingon ko na ang lahat ng direksyon at wala akong nahagilip ni isang hibla ng buhok niya.

"Alex," pagtawag muli saakin ni Jazzquin mula sa kaliwa, yoong boses niya ay nagma-makaawa, "Please—save me."

Agad akong tumakbo sa kaliwa upang sundan ang boses niya, habang natakbo ay isa lang ang natakbo sa isipan ko, ang iligtas at protektahan siya.

"Jazzquin?" tawag ko sakaniya nang hindi ko siya makita sa direksyon na tinakbuhan ko, "Baby, where are you?"

Napalingon ako nang marinig ko ang isang paghikbi mula sa aking pinanggalingan, nanayo ang mga balahibo ko nang mapagtanto kong si Jazzquin iyon.

"It hurts, he is hurting me."

Nang makumpirma kong sa pinanggalingan ko nangga-galing ang boses ni Jazzquin ay mabilis pa sa alaskwatrong bumalik ako roon, para akong tumatakbo ng bulag dahil sobrang dilim ng paligid at tanging tubig lamang sa talampakan ko ang nararadaman ko.

Napatigil lang ako nang parang dumudulas pakanan ang sahig, bumagal ako at mabilis na napaupo upang kapain ang sahig na dadaanan ko.

"Alex..."

"Jazzquin, sandali," ani ko habang nanginginig na kinakapa ang sahig, idagdag pa na nagpa-panic ang loob loob ko.

Mas lalo pa iyong nadagdagan nang tila rumolyo ang buong lugar at nagtuloy tuloy ako ng bagsak, awtomatiko kong prinotektahan ang ulo ko upang sa pag rolyo ko ay hindi ito mapuruhan.

Nagtagal ang pag galaw ng buong lugar ng ilang minuto nang nakapikit lamang ako, nakikiusap na gumising ako sa nakakadisturbong panaginip na ito.

Nang tumigil sa pag rolyo ang buong lugar ay nag hintay pa ako ng ilang segundo bago buksan ang aking mga mata, sa pagkakataong ito ay nakahagip  na ako ng ilaw kaya mula sa pagkakayuko ay unti unti kong inalisan ng proteksyon ang ulo ko.

Ganoon na lamang ako nagsisi nang pag tingin ko sa unahan ay nakita ko si Jazqquin, nakahubo at punong puno ng pasa sa katawan.

Nakatali ang buong katawan niya, nakasalikop sa hindi kumportableng posisyon ang mga binti at nakatali palikod ang mga braso. Ang buhok niya ay basang basa, hindi dahil sa mababaw na tubig na nasa sahig, kung hindi dahil sa sobrang pawis.

Awtomatikong gumalaw ang mga binti ko at tumayo upang makatakbo palapit sakaniya, pero nang limang metro na lang ang layo ko sakaniya ay humampas ako sa isang pader.

Napaatras ako at kinapa ang hindi ko napansing pader na iyon, agad ko iyong kinalampag nang makumpirma kong mayroon nga.

"Jazzquin!"

Manginig nginig ang nobya kong ipinatong ang lahat ng bigat ng ulo niya sa kaniyang baba.

"Help," pag hingi niya ng tulong saakin, yoong boses niya ay paos at tila hirap na hirap.

"Sandali baby," sabi ko sakaniya sabay atras at malakas na sinipa ang transparent na pader, pero walang nangyari, "Putang ina, ano ba ito?"

Habang abala ako sa pag basag ng pader ay nakita kong pinipilit gumalaw ni Jazzquin palapit saakin, kada singhot at daing niya dahil hindi kumportable ang pagkakaplakda ng dibdib niya sa sahig ay siya namang lakas ng suntok ko sa pader.

Ngunit, dumugo na ang kamao at nawasak na ang ilang buto ko sa daliri ay hindi man lang natinag ang pader. Hingal na hingal akong tumingin kay Jazzquin mula sa kabila.

"Bakit wala? Baby, paano k—"

Naputol ang pagsasalita ko nang may maaninag akong bulto mula sa likuran ni Jazzquin, habang papalapit ito ay siyang nginig ng aking mga mata.

Sebastian.

"Huli ka nanaman, Alex," pagpapamukha niya saakin.

Napagilid ang paningin ko sa likuran ni Sebastian nang may mapansin akong ibang presensya roon, mga presensya.

Bahagyang umawang ang labi ko nang makita ko si Jackquin, nakatitig lamang sa kaniyang kapatid katulad ng pagtitig niya sa motor kong ibinagsak niya.

Sa tabi niya ay si Mark, nakangiti ng tipid at kumikislap ang mga mata, kagaya noong una niyang nakita ang nobya ko.

Sa kaliwa ni Sebastian ay si Mrs. Augustus at ang anak ng chief justice, saakin sila nakatingin na tila alam nila ang bawat galaw ko at kung paano ako patatahimikin.

Bumaba ang tingin ko kay Jazzquin nang lumikha siya ng ingay na tila takot na takot, ginamit pa niya ang pisngi upang maiangat ang sarili gamit ang pader.

"Jazzquin..." natataranta kong bulong habang inaabot ang mukha niya, pero may hadlang na pader sa pagitan namin.

Tinitigan niya ako sa mata ng mangiyak ngiyak, wala na siyang boses para matawag ako pero kitang kita ko sa ekspresyon niya ang pagma-makaawa.

Dumantay ang tingin ko sa likuran niya, "Tama na..."

Nginisian lang ako ni Sebastian bago dumating ang pinaka nakakatakot na parte ng panaginip ko.

Nakarinig ako ng isang garagal na metal, yoong sunod sunod na tunog at bigat nito ang nagsabi saakin na may taong naghi-hila ng isang nakakamatay na balisong.

Halos bumaliktad ang sikmura ko nang makita ko si Adam, naka hubad siya katulad ni Jazzquin pero ang kaibahan nito ay pang dominante ang awra niya. May hila hila siyang palakol sa likuran at sa direksyong tinatahak niya ay alam kong kay Jazzquin siya papunta.

"Hindi," tangi kong nasabi sabay tingin kay Jazzquin, "Baby, takbo."

"I can't..." hirap na hirap na sabi ni Jazzquin, "If I run, my bones will crack into pieces."

Napasigaw ako ng ubod ng lakas at binuhos ang buong lakas ko upang wasakin ang pader, mukha pang nang aasar si Adam dahil mas binagalan pa niya ang paglalakad.

"I can't breathe anymore, Alex."

"Huwag huwag," pakiusap ko sakaniya at mabilis na umikot upang humanap ng butas, pero naikot ko na ang mga pwesto nila ay wala pa rin akong nakakapa.

"Baby, just try to run," pagmamakaawa ko na kay Jazzquin, sobrang desperado na ako, "Please, for me."

"You got me on my knees, Jenny!"

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon, nakita kong nakangiti saakin si Jonathan na tila hindi nakikita kung ano ang nangyayari sa harapan ko.

"Oh! Huwag mo akong titigan ng ganiyan, wala akong alam," taas kamay na sabi ni Jonathan sabay lisan.

"Jonathan, tulungan mo ako!"

"Nagsinungaling ka saakin, Alex," biglang ani ni Jonathan, mas lalo naman nanginig ang buong pagkatao ko sa sinabi niya.

Ang tinutukoy ni Jonathan ay ang patungkol sa numero ng anak ng chief justice.

"A—"

"Huwag ka nang magpaliwanag Alex, iligtas mo na lang siya."

"Alex!"

Napatingin ako muli sa direksyon ni Jazzquin at doon na ako tuluyang nag wala dahil hawak na siya ni Adam sa buhok.

"Anong sinabi ko saiyo, Schwarz?" sabi saakin ni Adam at mas binenda pa si Jazzquin sa mas hindi kumportableng posisyon, "Focus!"

Ang mga katagang iyon ay sinabi niya noong trainee pa ako.

Tuluyan na akong tinakasan ng kulay nang paulit ulit niyang inumpog si Jazzquin sa pader, "Kung gusto mo siyang iligtas, kailangan mong gawin lahat!"

Wala akong nagawa kung hindi panoorin ang ulo ni Jazzquin na iuntog sa pader ng paulit ulit hanggang sa may tumulong dugo mula sa kaniyang noo.

Sa sobrang nakakadisturbo ng tunog ng paglabas ng dugo ay napatakip ako ng tainga, pilit na tinatakpan upang hindi ko marinig.

Pero parang tumatagos ang tunog.

Basang basa na ang buong mukha ko kakaiyak.

Nang tumigil na ang tunog ay doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin muli.

Punong puno ng dugo ang kabilang parte ng pader kung saan inumpog si Jazzquin, natatakpan niyon ang kaniyang mukha at tanging ang walang buhay na niyang kamay ang nakikita ko.

Tinitigan ko iyon ng matagal upang tignan kung gagalaw pa.

Bahagyang nagkaroon ng pag-asa ang loob ko nang gumalaw nga iyon.

"Buhay pa?" tanong ni Adam na kinawala ng tipid kong ngiti.

Halos mamuti ang mga mata ko nang i-angat niya ang hawak niyang itak at walang gatol itong hinampas saaking nobya.

--- 

Napahilamos ako ng mukha habang nagbabasa ng mga dokumento, nakapag kape na ako at nakaligo't lahat lahat ay hindi pa rin ako nilulubayan ng takot.

Napatingin ako sa aking cellphone, tinext ko na naman si Jazzquin pagkabangon na pagkabangon ko at sumagot naman siyang nasa mabuting kalagayan siya, pero hindi pa rin ako mapakali.

Yoong takot ko ay parang yoong naramdaman ko para kay Jacky, hindi, mas matindi pa doon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay kuha ng termos ng kape ko, baka matulungan ako nitong kumalma.

"Kuya!"

Sa gitla at sobrang sensitibo ko ngayon ay tumapon ang iniinom kong kape sa aking damit, kahit na itim ang suot kong pang itaas ay  malagkit pa naman sa pakiramdam.

"Hay nako," bulong ko sa aking sarili sabay lapag ng termos sa aking lamesa.

"Ayos ka lang ba?" tanong saakin ni Nathalie habang inilalayo ko ang fitted kong shirt sa aking katawan.

"Ayos lang ako," agaran kong sagot sabay tayo sa swivel chair, "Hindi muna ulit ako sasabay sa tanghalian, mag ha-half day ako."

Nang a-akma akong lalabas ng opisina ko ay hinarangan ako ni Nathalie, "Half day? Anong akala mo sa atin? Office workers?"

"Kailangan kong sunduin si Jazzquin," pagdadahilan ko.

Mas lalong lumalim ang pagka kakunot ng noo ni Nathalie at nagkrus ng dalawang braso, "Pakakawalan kita dahil alam kong may pinagdadaanan ka."

"Oh hep!" pag harang niya sa pag tanggi ko, "Makikipag pustahan ako saiyo, pagkatapos ng 1 week mong bakasyon kasama ang nobya mo ay mag ha-half day ka? Paniguradong magagalit si Adam."

Umatras si Nathalie upang bigyan ako ng daan, "Kukuha ako ng tissue, asa kang may tissue sa banyo niyong mga lalaki. Isusunod ko na lang. Wala ka bang pamalit?"

Nang umiling ako ay inikutan ako ni Nathalie ng mata sabay balik sa kaniyang opisina, nagdire-diretso ako sa direksyon ng banyo at agad na hinubad ang aking pang itaas.

Hindi rin nagtagal ay kumatok nga si Nathalie upang iabot ang tissue, "Kuya."

Kinuha ko ang tissue mula sakaniya at agad na ginamit iyon upang ibsan ang lagkit sa damit at balat ko. Ang totoo niyan ay hindi ko na kailangan ng tissue pero hindi ako titigilan ni Nathalie kung hindi ko tatanggapin ang alok niya.

Habang pinapatuyo ang aking t-shirt ay naghilamos ako, nagba-bakasakaling magising at makumbinsi ko ang sarili na panaginip lang iyon kaya hindi dapat ako madisturbo na mangyayari iyon sa totoong buhay.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Tama nga si Riley, sa mga nakaraang buwan ay nawala kahit papaano ang salitang stress sa itura ko. Unti unti na ring nababawasan ang mga bangungot ko patungkol kay Jacky.

Pero bumabalik, at sa pagkakataong ito ay hindi na si Jacky ang kinakatay, si Jazzquin na.

Hinilamos ko ang mga tubig na tumutulo mula sa aking noo pababa sa lababo, unang pagkakataon pa lang naman ito.

Nang mahimasmasan at natuyo na ang aking damit ay nilisan ko na ang banyo, agad bumungad saakin si Jonathan na kadarating lang mula sa labas.

Napansin niya rin kaagad ako kaya ngumiti siya ng tipid saakin, muli kong kinumbinsi ang sarili ko na walang totoo sa panaginip ko kaya sinalubong ko rin siya ng ngiti.

"Alex," sabi niya sabay hila saakin papasok ng opisina niya, medyo nagitla pa ako pero inaasahan ko na rin at gusto ko rin naman siyang makausap ilang araw na.

May dala dalang folder si Jonathan sa kaliwang kamay, mas lalo tuloy lumawak ang ideya ko sa bubuksan niyang tapika.

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Jonathan bago nagsalita.

"May kinalaman ang mga Augustus sa pagkamatay ni Vergel."

Kumunot ang noo ko at naramdaman kong umibedensya sa mga mata ko ang pagkagitla.

Ang inaasahan kong tapika ay ang koneksyon ng kaso ni Jenny at kaso na hinahawakan ni Jonathan dahil binabantayan niya ang anak ng chief justice.

Doon pumasok sa isipan ko ang usapan namin noong nagba-basketball kami sa subdivision nila. Huwag mo sabihing...

Binuklat ni Jonathan ang hawak niyang folder at naintriga naman akong tinitigan iyon.

"Nalaman kong may ilegal tradings ang mga Augustus," panimula ni Jonathan sabay pakita saakin ng listahan ng mga ilegal nilang mga negosyo, lahat nang iyon ay sakto sa mga binanggit saakin ni Jazzquin, "Sa mga tradings na ito ay may iba't iba silang mga tao, hitman, delivery man..."

Hindi na ako nagulat nang makita ko ang pangalan ni Mr. Quinto sa listahan ng mga delivery man ng droga, pero nakasaad dito na ang huli niyang deliver ay noong nakaraang taon pa bago siya ikulong.

"Delivery man si Vergel?"

"Ng pera," paglilinaw ni Jonathan, "Pinatay siya dahil siya ang unang trumaydor, mukhang may digmaan rin sa loob ng black market."

May mga pangalan ng hitman akong nakita pero hindi ko natagpuan ang pangalan ni Jackquin doon, ang sabi ni Jonathan ay sobrang secured daw ng mga Augustus patungkol sa mga hitman nila. Karamihan sa mga nasa listahan niya ay binabantayan at yoong iba ay nahuli na.

Agad napako ang tingin ko sa isang pamilyar na pangalan.

"Ramon S. Goliath," basa ko sa pangalan ng ama ni Nelly, "Isa siya sa mga hitman?"

"Matalino ang mga Augustus," ani ni Jonathan, "Alam nilang pagi-initan ng NBI ang malalaking kumpanya na kumpetitor ng mga biktima kapag basta basta lang nilang pinatay ang mga ito."

"Kaya nila dinidisguise ang mga hitman bilang serial killer?"

"They are serial killer," paglilinaw ni Jonathan, "Ang nakadisguise ay sa iisang organisasyon sila nagta-trabaho, bawat malalaking tao na ibibigay sakanila para patayin ay may kalakip na malaking halaga ng pera."

Napahilamos ako ng mukha paakyat sa buhok. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya saakin

"Tang ina?"

"Pero salamat sa kapatid mo, Alex."

Napatingin ako kay Jonathan, nalilito ang ekspresyon dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Pero kalauna'y lumuwag din.

"Huwag mong sabihing--"

"Kung hindi siya nag traydor o nagnakaw, hindi tayo magkakaroon ng pintuan patungo sa mga ilegal na negosyo ng mga Augustus," sabi ni Jonathan, "Yoong pagkamatay niya ang nagsilbing lagusan sa atin, kaya hindi ko iyon sinayang."

Nag abot siya saakin ng isang litrato, ito yoong kuha ng isang tao na may suot na silicon na mukha upang kunin mula sa NBI ang pera na ninakaw ni Vergel.

"Ang taong iyan ang susi sa pangalawang pintuan."

Napadako muli ang paningin ko kay Jonathan, "Bakit?"

"Kinuha niya ang pera, noong una ay akala ko'y tauhan siya ng mga Augustus," seryosong pagbabahagi ni Jonathan, "Pero nalaman kong dalawang araw makalipas ng kinuha ng taong iyan ang pera, nabalitaan kong palihim na pinahanap ng mga Augustus ang taong iyan."

Napakurap ako, "Ang ibig mong sabihin ay kakampi natin ang taong ito?"

"Hindi ko alam," iling iling niyang sabi habang naka krus ang dalawang braso, "Nasa NBI ang pera nang kunin niya ito, ibig sabihin ay wala siyang tiwala sa NBI."

"O baka naman ay mayroong traydor sa NBI, alam niya iyon kaya niya kinuha."

Biglang lumabas ang imahe ni Adam sa utak ko.

Napatango si Jonathan bilang pag sang-ayon, "Maaari, kaya hindi natin siya ganap na kakampi. Isa lang ang sigurado ko, hindi siya tauhan ng mga Augustus."

Oo, dahil kung tauhan siya ay bakit pa magsasayang ang mga Augustus ng pera upang ipahanap ang sarili nilang tauhan?

"Ang iniisip ko lang Alex," pahina ng pahinang sabi ni Jonathan, "Aanhin ng taong iyan ang perang ninakaw niya?"

Napaigting ako ng panga, "Personal na interes?"

"Makakausap mo kaya si Ms. Hannah?" tukoy ni Jonathan sa kinasama ni Mr. Goliath, serial killer din na kinasama ng ginoo na kasalukuyang nakakulong.

"Oo," agad kong sabi, "Pwede ko siyang kausapin."

"Sa tingin mo ba ay hindi rin malayo na kasama si Jenny sa mga hitman na ito?"

Sa wakas ay binuksan na niya ang tapika patungkol roon.

"Iyon rin ang naiisip ko," agad kong bahagi.

"Kung gayon ay kailangan natin itong sabihin kay Adam," desididong sabi ni Jonathan.

"Sa tingin ko ay hindi magandang ideya iyon," pag harang ko sa suhestyon niya, agad na gumuhit ang pagkalito sa ekspresyon ni Jonathan.

"Mayroong posibilidad na may traydor sa NBI, Jonathan," bulong ko sakaniya, napaigting ng panga si Jonathan sabay tingin sa paligid.

"Hindi mo sinasabing si Adam ang traydor na iyon, hindi ba?"

Saglit akong natuliro sa sinabi ni Jonathan, agad akong nag-isip ng isasagot dahil kapag natagalan pa ay mahahalata niyang oo ang aking sagot.

"Kilala mo si Adam, kapag nalaman niya ay malaki ang posibilidad na kumalat sa buong headquarters ang patungkol dito," pangungumbinsi ko sakaniya, "Hindi maganda iyon."

"Kung gayon ay isi-sikreto natin ito? Hanggang kailan?" kunot noong tanong ni Jonathan, halata sakaniya na hindi niya gusto ang ideya ko.

"Sa ngayon ay dapat muna nating pakiramdaman kung sino ang daga dito sa NBI," matalinong suhestyon ko, sa pagkakataong ito ay nakikita ko na ang unti unting pag sang-ayon niya saakin.

"Tang ina, dagdag trabaho," pabirong reklamo niya sabay tawa ng malalim, "Masakit pa walang sahod."

Sabay kaming napatigil sa pagtawa nang biglang tumunog ang cellphone ko mula sa aking opisina.

"Balik na sa trabaho, batman," tulak saakin ni Jonathan na tila walang kaming seryosong pinag-usapan.

Lakad takbo naman ang ginawa ko pabalik sa opisina, sinarado ko pa muna ang termos ko bago tignan kung sino ang tumatawag.

Si Adam. 

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago pinindot ang answer button.

"Adam," normal kong bungad sakaniya habang inaayos ang mga papeles sa aking lamesa.

"Pumunta ka ng Fort Santiago," seryoso niyang utos saakin.

Nanginig ang mga mata ko, hindi ko alam kung dahil ba sa hula ko ay may bangkay nanaman siyang natagpuan o dahil sa boses niya.

Huli kong narinig ang boses ni Adam ay sa panaginip ko, at hindi maganda ang karakter niya doon.

"Mayroon kang limang minuto, nandito na rin si Mark."

---

Nang makarating ako ng Fort Santiago ay napansin ko agad na may nakaharang na crime scene tape sa hagdan pababa ng dungeons, dumiretso ako doon at inignora ang ibang turista na nakikiusosyo.

Pagkababa ko ay kay Mark agad dumantay ang paningin ko, saglit rin siyang tumingin saakin pero hindi rin kalauna'y nag-iwas siya.

"Alex," kuha ni Adam sa atensyon ko.

Naglakad ako palapit sa direksyon ni Adam ng hindi binababa sa biktima ang paningin ko, nag-abot siya saakin ng folder at iyon kaagad ang pinag tuunan ko ng pansin.

Ang biktima ay nagngangalang Abeth, isang hamak na gwardya ng isang art museum. Nakalagi sa folder na nagkaroon na siya ng mga kaso ng panghaharas ng mga turista lalo na kapag malapit nang mag sarado ang museum.

Ang disenyo ng crime scene? Nakadapa ang kaniyang bangkay, nakahawak ang kaliwanag kamay sa nagsi-silbing gate ng dungeon habang ang kaliwang kamay ay maluwag na nakakapit sa sahig, kalahati rin ng katawan niya ay nakapasok sa dungeon.

Malinaw ang mensahe ng krimeng ito, kung wala pa akong mga karagdagang kaalaman ay baka mababaw lang ang madeduksyunan ko.

Napalingon ako kay Mark, hindi ako naniniwalang hindi niya alam ang ibig sabihin ng nasa harapan namin ngayon. Napansin niyang nakatingin ako sakaniya kaya saglit siyang napatingin saakin.

"Anong deduksyon mo?" tanong saakin ni Adam kaya nalipat sakaniya ang paningin ko.

Bumalik sa bangkay ang paningin ko, "Katulad ng ibang biktima ay hindi dito pinatay si Mr. Abeth, ngunit hindi ito katulad ng ibang biktima ni Jenny na gusto niyang ipahiya."

Tinignan ko ang buong paligid.

"Medyo tago ang lugar pero kahanap hanap, kalahating may respeto si Jenny sa biktima at kalahating wala."

Hindi maiwasan ng utak ko na matawa ng palihim, para saan pa itong mga ginagawa ko kung may posibilidad na may kinalaman si Adam sa mga nangyayaring patayan? Para lang akong payaso na nag e-entertain at nag tatakip ng mga krimeng ginagawa nila.

Itinuro ko ang bangkay, "Kung mapapansin mo kalahati ng katawan niya ay nasa loob, ang ibig sabihin lang noon ay may tinatakasan siya pero namatay siya sa proseso."

Idiniin ko iyon para pailalim na patamaan siya, muling nanumbalik saakin ang mga kwento ni Jazzquin kaya bahagya akong nanggigil.

"Mayroon siyang tinatakasan?" nalilitong tanong ni Adam saakin.

Napakibit balikat ako, dama ko ang bahagyang pagkagitla sa mukha ni Adam sa ginawa ko.

"Kung gayon ay si Jenny ang gumawa nito?"

Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone sa bulsa, sabay kaming napalingon doon ni Adam.

Nang kunin ko iyon ay lumabas kaagad ang pangalan ni Jazzquin.

"Si Riley," pagsi-sinungaling ko, kilala ni Adam ang psychiatrist ko kaya kahit halata sa ekspresyon niyang ayaw niya ipasagot saakin ang tawag ay hinayaan niya ako.

"Hello?"

"Hey baby," malambing na bungad saakin ni Jazzquin, yoong tensyon at stress na namumuo saakin ay biglang naglaho sa isang iglap, "I'm on my way home, you are going to spend a night right?"

Pinangako ko sakaniya iyon kanina noong tumawag ako, hindi kasi ako mapakali.

Napatingin ako sa direksyon ni Adam, kasalukuyan silang nagu-usap ni Mark, "Yeah."

"I'll prepare the dinner then."

Napakurap ako sa sinabi ni Jazzquin, bahagya ko pang tinignan ang pangalan ng katawagan ko kung siya ba talaga iyon. Kahit kailan ay hindi niya ako ipinagluto, ako ang laging nagsi-silbi sakaniya.

"That would be nice," pahina ng pahina kong sabi, baka kasi marinig nila Adam at magduda. Ayoko ring asarin si Jazzquin dahil baka masira ang modo niya, mukha kasing maayos.

"See you later then? Make sure to come before dinner, I don't like to wait."

Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag, ilang segundo pa akong nagkunwari na may kausap hanggang sa ibinalik ko na ito sa aking bulsa.

Nang mapansing pabalik na ako ay parehas na napatingin saakin si Adam at Mark kaya napatigil sila sa pag-uusap.

Mas trumiple ang pagdududa ko.

"Adam, kailangan ko nang umalis," bungad ko sakaniya, pinilit ko pa ang sarili ko na mag mukhang sinsero.

Agad kumulubot ang noo ni Adam sa sinabi ko, nakita ko ring napakurap si Mark at nag iwas ng tingin.

"Bakit?" kalmado pero malalim na tanong saakin ni Adam.

Sipsip labi kong itinaas taas ang aking cellphone, "May sesyon ako ngayon kay Riley, nabalik nanaman ang mga bangungot ko."

Hindi pa rin makapaniwalang nilapitan ako ni Adam.

"Hindi ba makakapag hintay iyan? Mayroon tayong panibagong biktima dito Alex," sabi ni Adam, yoong tono niya ay malapit na sa pikon.

"Hindi natanggap si Riley ng pasyente pagkalampas ng alasais," pagsisinungaling ko pa, mag a-alasingko na kasi.

Hindi nakasagot si Adam sa sinabi ko, pinagma-masdan niya lamang ang mukha ko na tila may hinahanap. 

Pinagdududahan niya na ba ako?

"Hindi," agad na tanggi saakin ni Adam.

Nanlaki naman ang mga mata ko sakaniya, tinalikuran niya lang ako sabay balik sa pwesto niya.

Nakikita ko yung pag galaw ng lalamunan niya.

Gusto ko siyang sakalin.

"Ngayon ay sabihin mo saakin ang dahilan kung paano mo nasabing si Jenny ang may gawa nito," pagbabalik niya sa kaso na parang wala kaming pinag-uusapan.

Naramdaman ni Mark ang umiigting na tensyon sa pagitan namin ni Adam kaya bahagya siyang umatras.

Aso.

"Hindi pa ba sapat na mayroon siyang record na nanghaharas siya ng mga turista?" pinilit kong itago ang sarkasamo sa aking tono.

"Pero may dalawang copy cat si Jenny, Alex," nanggigigil na sagot saakin ni Adam, "Baka nakakalimutan mo? O baka naman naiwan sa Ilocos ang utak mo?"

Napagalaw ako ng panga, nakakaramdam na din ako ng pangingilim ng paningin.

"Ayusin mo saakin ang sagot mo Alex, paano mo nasabing ang orihinal na Jenny ang gumawa nito?"

Tuluyan na akong napikon.

"Hindi ko alam Adam," puno ng sarkasamo kong sagot, "Bakit hindi ikaw ang mag deduksyon? Wala ka namang ginawa kung hindi mag tanong."

Medyo malakas ang pagkakasabi ko niyon kaya yoong ibang pulisya at forensic scientist na kasama namin ay napatingin sa gawi ko, si Mark din ay napatingin saakin na parang hindi makapaniwala.

Si Adam ay hindi ko alam, wala akong tapang para tignan siya sa mukha.

Unti unti kong naramdaman ang pag lapit muli ni Adam saakin, inabante niya ng kaunti ang mukha niya saakin pero tinatagan ko ang ekspresyon ko.

"Wala akong narinig," matigas at may halatang nagpu-puyos sa galit na sabi ni Adam, "At wala kang sinabi, naiintindihan mo ba ako?"

Nang nagkaroon na ako ng tapang na salubungin ang mga mata niya ay ginawa ko, yoong mata ni Adam ay mulat na mulat at ang panga niya ay nagalaw na animo'y ngumunguya ng bato.

"Mukhang kailangan mo nga ng sesyon niyo ni Riley," pagsasalita niya muli sabay turo sa hagdan paakyat.

"Dismiss."

---

Nang pag buksan ako ng pintuan ni Jazzquin ay binungadan ko agad siya ng halik.

"You came," mapanukso niyang sabi saakin sa pagitan ng halikan namin, "Come on, you must be hungry."

Nagpahila lang ako sakaniya papasok ng kaniyang bahay, kahit lamya at lalambot lambot ang katawan ko ay pinilit kong maging magana sa paglalakad.

Nang nahila niya ako sa kusina ay agad kong nakita ang karneng niluto niya sa hapagkainan.

Tinititigan ko pa lang ay alam kong hilaw pa.

"I also bought vodka," ani niya habang nagkakalkal sa loob ng ref, "This is more stronger than we drank when you cooked carbonara."

Ngiti ngiti lamang akong pinagmasdan siya habang inaayos ang hapagkainan, suot suot niya ang t-shirt kong ninakaw niya sa mga gamit ko noong nag Ilocos kami at maikling shorts. Yoong buhok niya ay nakalugay at ilan sa mga hibla nito ay tumatama sa maganda niyang mukha.

"Do you still have a condom?"

Napataas ako ng dalawang kilay sa tanong niya, pero agad ko iyong sinagot.

"Oo, bakit?"

"I bought two boxes," nguso nguso niyang sabi at nag muwestra pa ng daliri ng dalawa, "Extra-large, right?"

Hiya hiya na lang akong napakamot ng ulo.

Napakurap ako ng ipag tulak niya ako ng upuan, "Let's eat?"

Ngiti ngiti naman akong lumapit sa direksyon niya, pero imbis na umupo sa upuang hinila niya para saakin ay hinila ko siya para yakapin at halikan sa noo ng matagal at madiin.

I'll protect Jazzquin, kahit itaya ko pa ang buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 14.3K 51
A Thomas Torres - Ara Galang Fan Fiction. In a chapter of your life where you are trying to start anew, fate suddenly decides to play with you, what...
223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
13.9K 1.7K 41
Note: Fleece, bisexual po ang "male" lead. Don't treat this as gay x girl story. 🙆 ******* Nakakairita si Nora para sa paningin ni Alexis. Ang ganda...