Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 27

276 18 2
By CrabLamb

CHAPTER 27

[ Tea ]

---

Alex's Point of View

Titig na titig ako sa mga estudyanteng nakaupo sa paligid ng parihabang lamesa.

"Okay, basta kapag tapos na yung articles ay ipasa niyo na kay Maylene para ma-proof read na niya, then diretso kay Fin," abalang sabi ni Jenn—Jackquin habang seryosong nagsu-sulat sa kaniyang planner.

Humarap siya kay Fin at itinuro ito, "Kapag na finalize mo na yung ipapasang article saiyo, i-diretso mo na kay Joyce," turo naman nito sa isang babae na nakaharap sa laptop, "Para mailagay na niya sa lay out."

"Kailan po ang target na release ng newsletter?" tanong ni Fin habang nagsusulat sa sariling kwaderno.

"Sana sa second week ng October para masimulan niyo na ang next issue," napatingin sa gawi ko si Jackquin at pinang singkitan ko siya ng mata dahil ngumisi nanaman siya saakin, "Maganda kung Literary Folio ang susunod niyong ire-release, tamang tama kung mailalabas ninyo iyon ng November."

"Maganda kung November nga ang lit folio," ani ng isang babaeng estudyante sabay sandal sa kaniyang swivel chair at laro ng ballpen, kung tama ako ay Xerlyn ang pangalan niya, "Halloween, kung nakakatakot ang magiging theme ay maraming gaganahang mag pasa."

"Good idea," sang-ayon ni Fin sakaniya, "Joyce lagay ka ng invitation sa newsletter, kaya ba?"

"Ano ilalagay?"

"Saka na natin pag-usapan iyan kapag mayroon na talaga tayong concept," putol ni Jackquin sa dalawa, "For now, let's focus on finishing the other articles for the newsletter. Mahirap pag sabay sabay, ang gawin mo na lang Joyce ay mag iwan ka ng white space sa kahit na anong page ng newsletter saka doon mo ilagay yung magiging invitation."

"Yes po miss."

"Ihanda mo na rin pala yoong request for budget, Renz," baling ni Jackquin sa isang estudyante na naka unipormeng pang medtech.

"For ano po?"

Napatingin si Jackquin sa kisame na tila naroon ang sagot, "Hmn, for newsletter, literary folio at para sa screening. Isang buwan na nang nag simula ang semester hindi pa rin tayo nakakauto ng freshmen!"

"Wala ba tayong makukupit diyaan miss?" panggugulang ni Fin, natawa na lang si Jackquin.

"Maglabas muna kayo ng issue!" sagot ni Jackquin sa tanong ni Fin sabay pukpok ng planner niya sa ulo ng editor-in-chief, "Sasama ng ugali ng mga ito, ang laki na nga ng nabawas ninyo sa tuition fee!"

"Pang meryenda lang miss!"

"Sa susunod nating meeting, magpapa deliver ako ng Mcdo, ayos ba iyon?" masayang sabi ni Jackquin, "Sa ngayon ay bumalik na tayo sa newsletter, panay segway nanaman tayo at wala nang natapos!"

Tumagal pa ng isang oras ang meeting nila, may halo pa kasing mga biro at kwentuhan ang pagpupulong.

Kung nagtataka kayo kung bakit kasali si Jenny sa pagpu-pulong ay dahil siya ang adviser ng student publication nila Fin. Kaya pala nakita ko siya sa ilalim ng narra noong nakaraang araw, dito siya nagta-trabaho.

Ang totoo niyan ay pwede na akong umalis, nag palusot lang ako na may mga itatanong pa ako kay Fin pagkatapos ng meeting, pero ang totoo niyan ay hindi ko maiwan ang mga estudyante kasama ang kilalang serial killer na gumagala sa buong Maynila nitong nakaraang buwan.

Napanood ko ang buong meeting, kung hindi ko lang alam ay masasabi kong passionate si Jackquin sa pag gu-guide ng mga bata pag dating sa journalism. Kung kausapin niya ang mga ito ay malumanay at sobrang propesyunal.

Ngunit, doon magaling ang mga serial killer. Sa pag akto, sa pag ma-manipula, sa mga salita.

Napaisip ako, dapat si Jenny ay hindi marunong sa mga salita, pero si Jackquin ay marunong. Mukhang dinedevelop niya ang kaniyang skill sa larangang iyon, o kaya naman hindi niya iyon pinapakita dahil hindi naman sexual offenders ang mga kaharap niya?

"Pasensya na po at hindi ko talaga pwedeng sabihin," magalang at pinal na sabi saakin ni Fin, "Kahit nag-away kami ni Nelly, hindi ko iyon storya para sabihin ko."

Napasipsip na lang ako ng pisngi at napatango.

"May klase ka pa," ani ni Jackquin kay Fin sabay patong ng kamay sa balikat ng bata, nanatiling naroon ang paningin ko.

"Late na naman po ako ng 30 minutes," natatawang sabi ni Fin sabay ayos ng kaniyang bag sa likuran, "Alis na po ako miss!"

Tinanguan lang siya ni Jackquin at tuluyan nang umalis ng kwarto, nag paalam na rin ang ibang estudyante at isa isa na silang lumabas hanggang sa kami na lang ang natira.

Malawak ang kwarto pero parang ipinagdamot sa hangin, nang hindi ko nakayanan na makasama siya ng ilang segundo ay agad akong humakbang palabas.

"Aalis ka na agad, Agent Schwarz?"

Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon, napatingin ako sa gilid ko upang pakiramdaman kung may ginagawa siyang hakbang papalapit saakin.

Nang wala akong naramdaman o narinig na isang yabag niya ay bahagya akong lumingon, "Wala na naman akong dapat gawin dito."

Agad akong naalarma nang humakbang siya palapit saakin, hindi ako gumalaw upang hindi niya mahalatang naaapektuhan ako sa pag lapit niya. Pinagmasdan ko pa ang high heels niyang wari ko'y mamahalin na lumikha ng tunog.

Nang tumigil na siya ay napansin kong medyo pasok na siya sa personal kong espasyo kaya bahagya akong napaatras, napansin niya iyon kaya siya natawa.

"I knew it," sabi niya habang tinatakpan ang labi niya na halatang mapupunit na sa sobrang pag pipigil ng ngiti, "Noong nakita kita sa parking lot at gumuhit ang takot sa ekspresyon ng mukha mo, I knew that you know something."

Inikot ikot pa niya ang daliri niya sa tapat ng mukha ko, hindi ko alam kung bakit ko iyon sinundan ng tingin.

"Isa ka ba sa mga kaaway ko?"

Tila naman nahulog ang puso ko sa aking sikmura, agad napako ang tingin ko sa ekspresyon ng mukha niya na ngayo'y nakaka-ilang ng sobra.

Yoong awra niya na makapanindig balahibo ay mas lalong umigting ngayong may pagba-banta sa boses niya.

"Bakit naman kita magiging kaaway?" pangba-balik ko sa hamon niya, "Base rin sa sinabi mo, mukhang marami kang kaaway?"

Nahatak ang labi niya pababa na may kasama pang pag kibit balikat.

"Wow, observant ka rin pala."

Sinabi niya iyon na parang hangang hanga siya saakin.

"You know what? I'm really getting an anti me vibe off of you," ani niya pa sabay turo saakin, "But sorry, the feeling is not mutual. I really don't care about what you think of me anyways."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, masyado siyang madaldal. Isa iyon sa mga nakikita kong kaibahan niya kay Quin.

Napalunok ako, Jackquin at Jazzquin. Quin rin pala siya, siguro magandang hindi ko na tawaging Quin pa si Jazzquin.

"Gusto mo ng siopao?"

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagka-kataon na tumanggi sa inalok niya dahil agaran na niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng opisina.

Kabisado ko pa rin ang LPU kaya alam ko na ang direksyong tinatahak namin ay papuntang cafeteria, saglit akong napatingin sakaniya na parang hindi makapaniwala sabay tingin sa paligid.

"Dalawang siopao at dalawang mirinda," sabi niya sa tindera na bahagya pang tumingin saakin.

"Hu—"

"Huwag ka na mahiya! Libre ko naman," sabi ni Jackquin sabay labas ng kaniyang pitaka.

Pinanood ko siya hanggang sa maglabas nga siya ng pang bayad, kasabay rin noon ay ang pag-abot sakaniya ng dalawang siopao at dalawang plastic ng mirinda.

Humarap si Jackquin saakin at inabot ang mga pagkain, ilang akong tinanggap iyon.

"Keep the change," agad na harang ni Jackquin sa tindera nang a-akmang ia-abot na sakaniya nito ang sukli, nginitian siya ng tindera bago siya pasalamatan.

"Ang bait mo naman para magkaroon ng maraming kaaway," sarkasamo kong sabi pagka labas namin ng cafeteria.

Imbis na punahin ang sarkasamo sa tono ko ay natawa na lang siya, "The nature is balanced, we need to balance ourselves too."

Habang naglalakad ay pinanood ko siyang paliguan ng sauce ang kaniyang siopao, ayoko sanang kumagat sa inilibre niya saakin pero nalipasan na ako ng gutom at hindi naman ako nakapag pananghalian. Kape lang rin ang ininom ko kaninang umaga kaya sa huli ay kumagat rin ako.

Hindi ko alam, nakakadisturbong isipin na parang wala lang akong nagla-lakad sa eskwelahan kasama ang babaeng may pakana ng lahat ng papeles sa folder ko.

"Naniniwala ka ba na ang laman ng siopao ay mga pusa?"

Muling nanumbalik sa memorya ko ang sinabi ni Jazz na pumatay ang ate niya ng isang pusa, lihim kong minura ang sarili ko dahil nawalan tuloy ako ng gana.

Nang mapansin niyang hindi ko na muli ginalaw ang siopao mula sa unang kagat ay agad siyang naalarma.

"Holy shit, I'm sorry!" sobrang sincere ng pagkakasabi niya, "I forgot na dapat hindi ako nagbu-bukas ng ganiyon kapag may pagkain."

Nanginig ang isa kong mata habang nakatingin sakaniya, "It's fine. Pumatay ka nga ng isa, hindi ba?"

Mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang paningin niya saakin, nakita kong may gitla sa mga mata niya pero hindi ako nagpauto.

"Ang kapal pala ng wallet mo," puna ko muli sa pitaka niya na punong puno ng pera, "I wonder kung saan iyon nanggagaling."

Hindi na ako nagulat nang unti unting sumilay ang ngiti muli ni Jackquin sa kaniyang mga labi.

Sa pagkakataong ito ay alam kong malapit ko na siyang mapikon.

"Marami ka pang trabaho, Agent Schwarz. Ihatid na kita sa parking lot?"

"Huwag na," agad kong tanggi.

"I insist," pangungulit pa niya, "Gamitin mo na rin yoong paglalakad natin para maubos ang libre ko saiyo, hindi ka naman makakapag motor ng kumakain, hindi ba?"

Hindi na ako nakipag talo pa dahil mukhang siya iyong tipo ng tao na hindi pumapayag na tanggihan, hindi ko rin alam kung saan ko nabawi yoong gana ko sa pagkain at bago pa kami makaapak ng parking lot ay nasimot ko na ang mirinda.

"Nice," tango tangong puri ni Jackquin sa motor ko, ako naman ay pilit na sinisiksik ang kamay ko sa huling bulsa ng pantalon ko pero hindi ko talaga mahagilap ang susi.

"Nasaan iyon?" bulong ko sa sarili ko sabay kapkap ng aking pwetan at hita.

Naagaw ang atensyon ko nang umalis si Jackquin sa tabi ko at lumapit sa motor ko.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang sipain niya paakyat ang stand at hindi sinalo ang katawan. Wala akong oras para saluhin ang motor ko kaya wala akong nagawa kung hindi panoorin iyong tumumba, ang masama pa ay sa parteng bumagsak pa nakalagay ang helmet ko.

Bagsak ang panga kong tumingin kay Jackquin, nakababa rin ang tingin nito sa motor na tila nanghihinayang.

"Sayang," ani niya sabay tingin saakin, "Sa susunod wag mo akong dinadaan sa panunuya. Believe me, you don't want to go there."

Napalunok ako sa sinabi niya.

May kung ano siyang ibinato saakin at agad ko iyong nasalo, laking pagtataka ko nang makitang susi ng motor ko iyon.

"I still like you though," tango tangong sabi ni Jackquin, kalmado na ang boses niya pero matindi pa rin ang mulat ng mga mata niya, "Hindi ka lang pala ganoon katalino katulad ng una kong impresyon saiyo. Oh well, proshchay!"

Iyon lang at naglakad na siya palagpas saakin.

Agad kong inangat ang aking motor at chineck ang aking helmet kung may gasgas, napapikit na lang ako nang makita kong may basag ang shield.

Tinignan ko rin kung may gasgas ang ibang parte ng motor ko na bumagsak at napakamot ng ulo nang makita kong putol ang isang side mirror.

Lihim akong napamura.

Igting ang pangang sinundan ko ng tingin ang naglalakad na palayo na si Jackquin.

---

Sa oras na natanggap ko ang background ni Jackquin ay agad ko itong ni review.

Nakalakip dito kung kailan siya ipinanganak, saang lugar siya ipinanganak, sino ang kamag-anak niya at kung kailan siya lumapag dito sa Pilipinas.

Lahat ng sinabi saakin ni Jazz ay pasok, nakalista rin dito kung ano ano ang mga naging trabaho ni Jackquin. Imposible na makaipon siya ng ganoon kakapal ng pera kung ito lang ang trabaho niya.

May natulong sakaniyang pinansyal, wari ko'y kada may papatayin siya ay nakakakuha siya ng pera.

Kahina-hinala rin na ilang buwan siyang nagtrabaho sa club kung saan nangyari ang Shaw Boulevard massacre, nag resign lang siya isang buwan bago mangyari iyon.

"Alex."

Napaangat ako ng tingin nang marinig kong kumatok si Mark sa pintuan ng opisina ko, nanatiling nakayuko ang ulo ko habang ang mata ko ay nakatunghay sakaniya.

Matagal niya akong tinitigan, nakikita ko ang pag galaw ng lalamunan niya na tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano.

"Pwede ba tayong mag usap sa meeting room?" pag-aya niya saakin sabay angat ng iilang papel, "May kailangan tayong pag-usapan."

Hindi na niya hinintay pa ang pag payag ko at nagdire-diretso na nga ng punta sa meeting room, ako naman ay unti unting umangat sa aking swivel chair at sumunod sakaniya.

Nang makapasok ako ng meeting room ay doon ko naramdaman kung gaano ka seryoso ang awra ni Mark, inaya niya akong umupo at sinarado ang pintuan.

"Nakausap ko si Ms. Monique sa telepono kagabi," bungad niya sa usapan sabay upo sa isang monoblock, "Nanghingi siya ng dispensa kasi tinakasan niya ako, nakatanggap daw kasi siya ng pagbabanta. Sino nga bang hindi matatakot doon, hindi ba?"

Hindi ako sumagot at nanatiling nakikinig sakaniya.

"She said na noong gabing iyon, may isang babaeng lumabas sa isa sa mga videoke room. Wearing a bloody plastic transparent suit," ani niya sabay abot saakin ng isang guhit, binabaan ko iyon ng tingin at unti unting tinanggap.

Pinilit ko na huwag magulat nang makita ko ang mukha ni Jazz.

"May apat na tao rin daw na naka maskarang pumasok sa videoke house," bahagi muli ni Mark sabay abot saakin ng isang papel, sa pagkakataong ito ay isang pahina naman ng buong statement ni Ms. Monique.

Tuliro na ang witness habang pinagmamasdan ang dugong tumutulo sa plastic suit na suot ng suspect, lumapit sakaniya ito at pinagbantaan na huwag mag sasalita.

Napalunok ako habang binabasa ang buong statement, pabalik balik pa ang paningin ko sa drawing ni Jazz at sa deskripsyon na ibinigay ng witness.

"Pinagi-isipan ko talaga kung paano ko sasabihin saiyo," hindi kumportableng sabi ni Mark kasabay nang pag patong ko ng dalawang papel sa ibabaw ng lamesa.

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at napasandal sa kinau-upuan kong monoblock, nag-iisip.

"Mukhang hindi ka nagulat?" puna niya saakin.

Unti unting bumaling ang tingin ko kay Mark, yoong tingin na nanghahamon.

"Pati si Mark?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango si Jazzquin, "Matagal ko nang hindi gusto ang lalaking iyon."

Agad na lumabas sa utak ko ang mga pagkakataong tumitingin ng palihim si Mark kay Quin, mula sa una nilang pagkikita hanggang sa kaarawan ni Adam.

"I'm sure na may gagawin sila," ani ni Jazzquin habang kagat kagat ang kaniyang kuko.

"Gagawin?"

"After the warning, for sure hindi pa sila tapos saakin. Hindi sila maku-kuntento hangga't may matang nakatingin sakanila," paliwanag ni Jazzquin, "They will do something to ruin me."

Isang malalim na katahimikan ang namutawi sa paligid namin, kitang kita ko sa mukha ni Jazzquin ang malalim na pagi-isip.

Mayamaya lang ay nanlaki ang mga mata ni Jazzquin sabay titig sa mga mata ko, bahagyang umawang ang labi ko nang makita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata.

"My sister and I are very similar when it comes to looks," panimula niya, hanggang doon pa lang ang sinasabi niya pero nahulaan ko na agad.

"Hindi," agad kong tanggi.

"Isn't it suspicious na pinagsama kayo ni Mark sa i-isang kaso?" kagat labi niyang sabi, napakurap ako ng marami nang tamaan rin ako ng realisasyon.

"But don't worry!" pag papahinahon niya saakin, "I know how to deal with it."

"Paano?" kunot noong tanong ko.

Ngumiti ng tipid saakin si Jazzquin, "I already ask around about him, hindi porket kalaban ko ay NBI agent ay basta basta na lang ako magpapaturo."

Bahagyang lumuwag ang pagkakakunot ng noo ko, anong patungkol kay Mark?

Tumuon si Jazzquin sa lamesa at bahagyang inabante ang mukha papalapit saakin, "If ever he point his finger on me, ask him this question."

"Sino ang ina ni William, Mark?"

Napakurap si Mark sa itinanong ko, yoong tingin niya saakin na nagdududa ay napalitan ng pagkalito.

"Huh?"

"Noong una mong nakita ang nobya ko, kitang kita ko kung gaano kumislap ang mga mata mo," sabi ko at pahampas na inilapit muli sa direksyon ko ang guhit ni Jazzquin, agad kong kinuha ang ballpen sa aking bulsa at nag guhit doon, "May pag hanga, pero wala ka namang ginagawang masama kaya hindi ako kumilos."

Dinig na dinig sa buong meeting room ang tunog ng pag guhit ko, umanggulo pa ako para mas maging makatotohanan ang idinadagdag ko.

"Hindi ko maintindihan, Alex."

"Napansin ko lang na may pagka-kaparehas ang mga mukha ni Jazzquin at ni William," kibit balikat na sabi ko, sakto rin na natapos ako sa pag guhit, "Hindi naman pwedeng magkaroon na ng anak ang nobya ko, wala pa iyon sa plano namin. Ang sabi mo rin ay carbon copy ng anak mo ang ina niya."

Ipinatong ko ang palad ko sa guhit at itinulak ito palapit sa gawi ni Mark.

"Mukhang magiging magka pamilya pa tayo," ani ko sabay taas ng aking palad mula sa guhit.

Bumaba ang tingin ni Mark sa guhit at agad siyang natuliro sa aking iginuhit, nakita kong umangat ang kamay niya at manginig nginig na itinaas ang guhit sa paningin niya para mas makita iyon ng mas maayos.

Dinagdagan ko ng leeg at balikat ang guhit, mas binigyan ko nga lang ng detalye ang peklat ni Jackquin sa kaliwang balikat.

Nang dalawang minuto na ang lumipas at nakatingin pa rin si Mark sa guhit ay hinabol ko ang tingin niya.

"Pamilyar?"

Umangat ang tingin niya saakin, "Nakita mo si Jackquin?"

"Kung gayon ay totoo?" malalim kong tanong kay Mark.

"Saan mo nakita si Jackquin?" pag-iwas niya sa tanong ko, yoong boses niya ay natataranta.

Napakibit balikat ako, "NBI ka, bakit hindi mo siya ipatrace?" sarkasamo kong sabi, "Maliban na lang kung alam mo naman talaga kung nasaan siya."

"H-hindi ko alam!" agad niyang pag tanggi sa sinabi ko, "Hindi ko rin siya ma-trace."

Patay ang mga mata kong tumayo sa kinau-upuan kong monoblock at lumabas ng meeting room, bumalik sa sariling opisina upang kunin ang nakalap kong background ni Jackquin sabay lakad pabalik ng meeting room.

"Bakit nakakuha ako?"

Mabilis na bumaba ang paningin niya sa content ng papel.

"Nagbago siya ng apelyido."

Napataas ang dalawang kilay ko, "Bakit naman kaya?"

Inilipat ni Mark sa pangalawang pahina ng background ni Jackquin at binasa ang nilalaman noon. Pinanood ko lamang siya ng blanko ang mukha.

"Siya si Jenny," pagbabagsak ko na ng bomba, napatigil si Mark sa pag tingin ng mga papel at nag-angat ng tingin saakin.

"Mayroon ka bang pruweba na siya si Jenny?" hasik ni Mark sa sinabi ko, nang hindi ako nakasagot ay tumayo siya sa monoblock na kinau-upuan at nag handa upang makaalis.

"Pupuntahan mo siya?" pag-puna ko sa ikinikilos niya, "Nagkita kami sa LPU kanina at nilibre niya ako ng siopao at mirinda, nakita ko yung pitaka niya. Limpak limpak ang naroon."

Napatigil sa pag kilos si Mark at prinoseso ang sinabi ko, napagalaw rin siya ng panga.

Umakto ako na tila napapaisip, "Bakit kaya? Sino ang nagba-bayad sakaniya?"

Napapikit si Mark nang tamaan siya ng sarkasamo ko.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Alex, nakukuha ko rin kung bakit ka nagdududa saakin ngayon."

Seryoso akong tinignan ni Mark.

"Pero ito lang ang sasabihin ko saiyo. Kilala ko si Jackquin, hinding hindi niya makakayanang pumatay ng tao," pinal na sabi ni Mark sabay lakad papunta sa harap ko.

"Matalino kang tao, Alex," puri niya saakin.

"Kung may sinabi man saiyo si Jazzquin o si Jackquin, huwag mong daanin dito," turo niya sa aking dibdib, "Dahil baka hindi mo alam ay minamanipula ka na nila dito," turo naman niya sa aking ulo sabay lagpas saakin.

Napakuyom ako ng kamao sabay lingon sa likuran ni Mark. Pilit na iniisip ang malaki niyang punto.

---

Mga tatlong katok lamang ang ginawa ko bago buksan ni Riley ang kaniyang pintuan.

Napakurap siya nang makita ako, nagitla yata dahil ilang buwan rin akong hindi bumisita sakaniya.

"Alex."

Hiya akong itinaas ang kanang kamay ko upang kumaway saglit.

"Pwede pa ba?" nagba-bakasakaling tanong ko sabay silip sa loob ng opisina niya.

Napalingon si Riley sa sarili niyang opisina sabay tingin sa sariling relo, "Lagpas ka na sa oras."

Napangiti ako sa sinabi niya, "Pero nandito ka pa."

"Kasi dito ako nakatira," natatawa niyang sabi sabay lawak ng pagkakabukas ng pintuan, "Come in."

Natawa na lang ako sabay hakbang papasok ng pinaka klinika niya, narinig ko ang pag sarado ng pintuan sa likuran ko kasabay ng pag gala ng mata ko.

"Nagpa renovate ka?" puna ko sa klinika niya.

"Yes," ani ni Riley sabay tabi saakin, "I think mas nakaka relax tignan para sa mga pasyente kung green ang dingding."

Napapikit ako ng isang mata at naglakad papunta sa sofa na laging ko pinupwestuhan.

"Sa tignin ko mas ayos ang kulay asul."

"I'll keep that in mind," sabi ni Riley sabay upo sa pang isahang sofa, "It's been a while though."

Napangiti ako habang nagta-tanggal ng sapatos, "Do I look better?"

"Hmn..." pag-iisip niya habang nakatingin saakin, "Your eye bags were gone and you look more cheerful if I'll compare you to Alex that I talked with 3 months ago."

Pinagsalikop ko ang dalawang sapatos ko at itinabi sa paanan ng sofa, nang umayos ako ng upo at tumulala saglit upang balikan ang mga nalaman ko nitong mga nakaraang araw ay napahinga ako ng malalim.

"Really?"

Mukhang nabasa ni Riley ang lihim na mensahe sa tono ko.

"Lay down, Alex."

Pumwesto ako sa sofa upang makahiga, tumingin sa kisame at sinubukang pag pahingahin ang buong kaluluwa ko.

"Why did you come in here?" panimula ni Riley.

Minasahe ng isang hinlalaki ko ang isa ko pang hinlalaki.

"I don't—feel like myself."

Nakarinig ako ng tunog ng isang papel at guhit ng ballpen, nagsusulat siya.

"How?"

"You said that I look cheerful, that my eye bags were gone," pag-uulit ko sa sinabi niya kanina, "I don't know if this version of me is really me."

"Why?" tanong muli ni Riley, "Don't you think that it's positive?"

Napakibit balikat ako habang nakaismid, lumikha rin ako ng tunog na tila may pinipilit na makuha sa pagitan ng mga gilagid kahit wala namang naroon.

"I feel disturbed."

"In?"

"The information," paglalabas ko, isa isa nanamang humanay ang mga sinabi saakin ni Jazzquin at Mark, napahilamos na lang ako ng mukha, "I finally met the woman I want to marry, but there's..."

Napapikit ako dahil hindi ko masabi, kahit wala dito si Jazzquin ay ayokong magsabi ng kahit na anong mag mumukha akong traydor sakaniya.

"There's this halo, revolving around us."

"And that halo is?"

"Truth," kurap kurap kong pag-amin, "I'm inside it, but I can't seem to know what's in it."

"And what do you think is the cause?"

Hindi ako nakasagot sa itinanong ni Riley, hindi ko alam kung hindi ko ba talaga alam ang sasabihin o ayoko lang tanggapin ang sagot.

"What do you want to do, Alex?" tanong muli ni Riley nang mapansin niyang hindi ako makasagot sa huli niyang itinanong.

Napalunok ako ng laway habang nakatingin pa rin sa kisame, sa tagal kong nakatingin roon ay parang hinihigop ang paningin ko paikot.

"I want to look for the core."

Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa buong paligid sa sinabi ko, naririnig ko rin ang pagtigil ni Riley sa pagsusulat sa kaniyang pwesto.

"You are still searching for answers, aren't you?" dama ko ang ngiti niya sa labi habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Kumurap ako sabay guhit din ng tipid na ngiti.

"Yeah."

---

Pagkauwi ko agad ng bahay ay agad hinanap ng mata ko si Jona. Bagong panganak kasi ito kaya chinecheck ko palagi ang kundisyon niya.

"Hmn," tangi kong nasabi nang mahagilap na siya ng mata ko, nag squat ako at pinanood ang tatlo niyang supling na sumuso sakaniya, "Si tres lang ang kamukha ni Reiner eh."

Tinitigan lang ako ni Jona sa sinabi ko, yoong tingin niya ay para akong nag joke na hindi nakakatawa.

"Moody," hasik ko kay Jona sabay kutkot ng noo niya, sa ginawa ko ay napahiga siya upang pumikit.

Agad kong napansin na wala si Reiner sa tabi niya kaya muli kong iginala ang paningin ko, hindi naman nagtagal ay may narinig akong ingay sa may kwarto ko kaya tumayo ako sa pagkaka squat at humakbang papunta roon.

"Reiner?" tawag ko sa aking pusa kasabay ng pag-awang ng pintuan.

Halos mapaatras ako nang makita ko siya sa may kama ko, nakaupong nakatingin saakin ng pirmi. Nahuli ko siyang may nilalaro bago ko siya tawagin kaya wari ko'y may kung ano sa kama ko.

Agad hinanap ng palad ko switch ng ilaw at ganoon na lamang gumuhit ang gitla sa mukha ko nang makita ko kung ano ang pinaglalaruan ni Reiner.

Dalawang patay na daga ang nakahimlay sa ibabaw ng kama ko. Isa sa mga ito ay wasak talaga ang katawan at nagkalat ang laman sa kobre ko.

"Meow."

Sanay na ako sa ganitong senaryo, pero hindi ko alam kung anong espesyal sa nakikita ko at nag resulta ito ng pagbaliktad ng aking sikmura.

Continue Reading

You'll Also Like

82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
7.3M 375K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...