Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

CrabLamb tarafından

16K 838 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... Daha Fazla

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 26

279 18 2
CrabLamb tarafından

CHAPTER 26

[ Revolt ]

---

Alex's Point of View

Tulala kong tinignan ang mga papeles na naka balandra sa aking lamesa.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang makabalik kami ng Maynila ni Jazzquin mula sa  Pagudpud, pero hanggang ngayon ay nalipad pa rin ang utak ko sa mga sinabi niya noong huling gabi namin roon.

"I know who Jenny is."

Para akong binaril sa narinig ko, lumuwag din ang pagka-kakapit ko sa cooler kaya tuluyan itong bumagsak sa semento.

Awang ang labi kong tinignan si Quin kung seryoso ba siya sa kaniyang sinabi, matapang lang siyang nakatingin saakin at mahahalata mo ang determinasyon sa mga mata.

"A-anong..."

"She is my sister."

Doon ako napakurap at napalunok, nag-iwas rin ako ng tingin at humigop ng napakaraming hangin.

Hindi ko alam ang sasabihin, idagdag pa ang milyong milyong mga tanong na sa isang iglap ay nakahilera sa utak ko. Paano? Bakit? Saan nagsimula? May kapatid siya? Bakit hindi ko alam? Ano? Anong kinalaman ni Adam dito?

"Biological?" tanging lumabas sa bibig ko.

Agad tumango si Jazzquin sa sinabi ko, "She is older."

Pakiramdam ko parang napupunding ilaw ang ekspresyon ng mukha ko, may parte saakin na kaunting masaya dahil nagiging tapat saakin si Quin ngayon at hindi totoo ang teorya ko, pero may parte rin saakin ang hindi mapakali dahil kilala ni Quin ang taong hinahanap ko.

Ilang buwan kaming magkakilala at magkarelasyon, alam rin niyang ako ang may hawak sa kaso ni Jenny dahil samu't saring artikulo na ang nailimbag patungkol doon. Naiintindihan ko kung hindi niya kaagad sinabi saakin.

Pero, hindi ko maiwasang isipin kung...

"I know what you are thinking," muling salita ni Quin, nabaling muli ang atensyon sakaniya mula sa malalim kong pag-iisip, "I'm not like her, matagal na kaming hindi nagkikita."

Kumunot ang noo ko, senyales na nakulangan ako sa sinabi niya.

"When our father died, she ran away. Walang nakakaalam kung saang siya pumunta. Narinig na lang namin na nakahanap siya ng paraan para makalipad dito sa Pilipinas fourteen years ago."

"We?"

"Our mother," paglilinaw ni Quin sa tanong ko, "Noong lumayas siya ay ako na lang at si mama ang mag kasama."

"Noong narinig ninyong nasa Pilipinas ang ate mo, sumunod kayo? At bakit siya naglayas?"

Tumango si Quin bilang sagot sa una kong tanong, "She hates us, her whole family. For being poor."

"Dahil sa mahirap kayo?" hindi makapaniwalang ulit ko sa sinabi niya.

"Let's just say na na-rape siya and wala kaming pera noon para makakuha man lang ng abogado," simpleng paliwanag saakin ni Quin.

"Paano?" naguguluhan pa ring tanong ko, "Ilang taon ang agwat ninyong dalawa? Bakit dito sa Pilipinas? Bakit niya ginagawa lahat ng ito?"

Hindi na napigilan ng bibig ko ang magtanong ng marami, pakiramdam ko yoong puzzle na akala ko ay kasing laki lamang ng isang picture frame ay lumawak na kasing laki ng isang plain na pader.

"2 years ang tanda niya saakin. I was 11 when she ran away, I don't know kung ilang taon siyang lumapag dito sa Pilipinas."

Kung ie-estimate ay naglalaro sa 14 hanggang 16 ang edad ng ate ni Quin nang makarating ito ng Pilipinas.

"Paano siya nakarating dito?"

"Matalino ang ate ko, pero hindi noong mga taong iyon," iling iling na sabi ni Quin, "Hindi niya kayang umalis ng Russia ng walang kapit."

Napakurap ako nang may mapagtanto ako.

"Mga Augustus?"

Napatango si Quin sa sinabi ko, "Hindi ko alam kung nasaan si ate. Simula nang lumapag kami dito sa Pilipinas hanggang sa mamatay si mama ay kahit hibla ng buhok niya ay hindi namin nasilayan."

Nakita kong ngumiti si Quin ng kaunti, pero hindi iyon umabot hanggang sa kaniyang mga mata.

"Paano mo nasabi na ang ate mo ay si Jenny kung hindi pa kayo nagkikita ng ilang taon?"

Natahimik si Quin sa itinanong ko.

"Dito papasok si Adam."

Sa sinabi niya ay napaseryoso ako.

"My mother used to date Adam, never niya akong na meet dahil noong panahong sila pa ay nagdo-dorm ako at minsanan lang akong umuwi sa bahay. Naririnig ko lang siya sa mga kwento ni mama."

"At?"

"Nagpatulong si mama sakaniya na mahanap si ate," at sa pagkakataong iyon ay mas lalong namuo ang takot sa mga mata ni Quin, "And it turns out we almost share the same face."

"Kuya!"

Nabalik ako sa kasalukuyan nang malakas akong kinatok ni Nathalie .

Doon ko lang napansin na tumutunog ang telepono ko, agad agad ko itong kinuha at handa na sanang mang hingi ng tawad sa taong nasa kabilang linya.

"Hello? Mrs. Melanie, pasensya na po at ngayon ko lang nasagot."

Bumalik ang tingin ko kay Nathalie mula sa labas ng opisina, tinignan ko siya na tila nagpapasalamat. Binigyan niya lamang ako ng isang thumbs up.

"Agent Schwarz..."

"Mrs. Melanie?"

Ilang minuto muna siyang natahimik bago sabihin ang nais sabihin.

"Napaaway si Nelly."

Sa narinig ay agad kong hiningi ang ilang detalye kay Mrs. Melanie, ang sabi niya ay yoong naikwento niya saaking kaibigan ni Nelly ang nakaaway nito sa gitna ng klase noong isang araw. 

Ang sabi pa ng Ginang ay umabot pa sa puntong pinagbantaan ni Nelly ang kaibigan na papatayin niya ito.

Agad akong kumilos paalis na headquarters at nag maneho papuntang LPU. Base sa narinig kong impormasyon kay Mrs. Melanie ay taga C.A.S faculty ang kasalukuyang nagtu-turo kila Nelly nang mag-away silang magkaibigan.

Unang Deduksyon

Ang sabi saakin ni Mrs. Melanie ay kaya niya nalamang nakipag away si Nelly ay bukod sa ipinatawag siya sa guidance ay nakita niyang sira ang calculator ng anak.

Ang subject ay nangangailangan ng calculator.

Pangalawang Deduksyon

Base sa mga gurong kilala kong nagtuturo, iisa lang naman ang kilala kong may hawak ng subject sa CITHM na may kinalaman sa mga numero.

Si Jaime.

"Hi Sir Alex! Miss ka na namin!" bati saakin ng ilang mga naging estudyante ko.

Isang tipid na ngiti at maikling kaway lang ang iginawad ko sakanila at nagtuloy tuloy na ng lakad patungong faculty.

Hindi na ako guro dito kaya imbis na dumiretso ng pasok ay kumatok na muna ako bago ito buksan, pagkabukas ko ay siyang lingon saakin ng ilang mga faculty members na kilala ko at ilan na bago.

"Alex?" boses iyon ni Jaime.

"Uy," medyo hiyang bati ko sakaniya sabay lawak ng awang ng pintuan, tamang tama at nandito si Jaime dahil siya talaga ang sinadya ko rito, "May klase ka na ba? Pwede ka bang makausap saglit?"

"Si Alex naandito?" ani ni Olive sabay lingon sa akin mula sa ginagawa sa laptop, "Uy! Kumusta!"

Napangiti ako, ilang buwan lang ang nakalipas pero parang taon na ang dumaan, "Ayos lang, may itatanong lang ako kay Jaime."

Malakas na napasipol si Olive.

"Nako, ano iyan ha?" pang-aasar pa niya habang gumuguhit ang isang pilyong ngisi sa labi.

Napailing na lamang ako, marami talagang hindi nagbabago.

"Gusto mo ba patayin ako ng asawa ko?" natatawang suway sakaniya ni Jaime na ikinatawa ko rin, hindi kalauna'y bumaling na saakin si Jaime, "Bilisan lang siguro natin Alex, may klase ako ng 3:30."

"Tapusin mo na lang ang exam ng mga bata," suway ko kay Olive nang maglakad palabas si Jaime, napakamot na lang ng ulo si Olive at humarap na muli sa kaniyang laptop.

"Alright, Agent Schwarz," bungad saakin ni Jaime nang maisarado ko ang pintuan ng faculty, "Anong nagawa kong kahina-hinala?"

Napaismid ako, "Hindi porket ta-tanungin kita ay may ginawa kang kahina-hinala."

Napatawa si Jaime sa sinabi ko.

"Walang nagbago, hindi ka pa rin minsan maka pick-up ng joke!" pangu-ngutya niya saakin na ikinakamot ko ng ulo, "Well, ano nga iyon?"

"Narinig kong may nakaaway ang batang ito sa klase mo noong nakaraang araw?" panimula ko sabay abot kay Jaime ng litrato.

Hindi siya nag atubiling kunin iyon at dinungaw lang saglit, "Ah oo, isa iyan sa mga matatalino kong estudyante sa CITHM department. Nakakagulat lang na masasangkot siya sa ganoong away."

"May ideya ka ba kung ano ang pinagmulan ng away?"

"I'm not sure," hindi siguradong sagot saakin ni Jaime, "Abala lang ako sa pagtu-turo noon nang bigla na lang silang mag sigawan noong nagi-isa niyang kaibigan."

"Sigawan?"

"Pakiramdam ko may ipinagta-tanggol ang batang iyan na ino-ostracize ng kaibigan niya," sabi ni Jaime habang nakatingin sa litrato ni Nelly, "She's saying na nagawa lang iyon ng taong iyon dahil may dahilan siya, na it's not his fault? Something like that."

Naintriga ako sa tinutukoy na tao ni Nelly, "May nasabi ba itong pangalan?"

Kung si Mr. Goliath ang tinutukoy ni Nelly ay mukhang tama si Adam, may kinalaman ito sa ginagawa ng ama.

Napatingin si Jaime sa taas na tila naroon ang sagot, ilang segundo lang rin naman ang dumaan ay naalala niya.

"I believe may narinig akong Cash."

Napakurap ako sa isinagot ni Jaime.

"Sigurado ka?" pagpa-pakumpirma ko pa.

"Yeah," tango tangong sabi ni Jaime, "Pagkasigaw na pagkasigaw pa lang ng batang iyan ay nilapitan ko na sila, I'm sure na nabanggit niya ang pangalan na iyon."

Agad akong napaisip sa ibinahagi ni Jaime, ang sabi niya ay sinabi ni Nelly na may dahilan si Cash. Kung de-deduksyunan ay tama ang hinala ko, na noong isang linggong nawala si Nelly ay si Cash ang may hawak sakaniya.

Mayroon kayang nangyari sa loob ng isang linggong iyon? Mayroon kaya silang napag-usapan? Napag kasunduan? Kung pinagta-takpan ni Nelly si Cash hanggang ngayon ay paniguradong mayroon.

Kung mayroon mang isang bagay ang nagtutulak sa bata na i-sikreto ang napag kasunduan nila ni Cash ay i-isa lamang ang ibig sabihin noon.

Minanipula o nahulog si Nelly kay Cash sa maikling panahon. Stockholm syndrome.

"Alex, magsi-simula na klase ko," puna ni Jaime habang nakatingin sa kaniyang relo.

"Ah!" ani ko na tila biglang naalala, "Last na, pwede ko bang malaman kung anong pangalan noong batang naka away ni Nelly?"

Gumilid ang labi ni Jaime at tumingin muna sa paligid, "Huwag mo na lang sabihin kahit kanino na saakin mo nakuha, ha? Kung mag kausap kayo huwag mong sabihin ako ang nag bigay."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, "Image?"

"Ng School," kibit balikat na sabi ni Jaime.

Nang sabihin na saakin ni Jaime ang pangalan ng bata ay agad ko rin siyang hinayaan na pumunta sa susunod niyang klase. Wala na rin akong gagawin pa sa LPU kaya napag desisyunan ko nang umalis.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay mas lalong naba-bawasan ang mga taong nasa paligid ko, bukod kasi sa oras ng klase ay walang bubong ang parking lot, tirik pa ang araw kaya hindi ito masayang tambayan ng ganitong oras.

Doon ko naramdaman na may nagma-masid sa akin.

Awtomatiko akong napatigil sa pagla-lakad, hindi lumilingon kung saan. Gusto ko kasing pakiramdaman muna kung saan nanggagaling ang titig na iyon.

Tumuloy ako sa paglalakad ng kaunti pero agad na lumingon sa aking kaliwa kung saan mapuno.

Doon ko nakita ang isang babae, naka upo sa sementadong ugat ng narra, naka pantalon ito at naka mamahaling sandals, yung pang itaas niya ay light brown na off shoulders kaya agad mong mapapansin ang kaniyang malaking peklat sa bandang balikat.

Halos takasasan ako ng kulay nang dumantay ang paningin ko sa kaniyang mukha. Kamukhang kamukha niya si Jazzquin, mas kayumanggi nga lang ang kulay niya kaya halatang mas matagal siyang nanalagi dito sa Pilipinas, maikli din ang kaniyang buhok, idagdag pa na itim na itim ang shade niyon kumapara sa kulay ng kay Quin.

Nakangiti lang siya saakin ng malawak, nagawa pa nga niyang itaas ang isang kamay upang kumaway saakin na tila nang-aasar.

Anong ginagawa niya dito? 

Anong ginagawa dito ni Jenny?!

Mukhang sumalamin ang mga iniisip ko sa ekspresyon ko, dahilan para mas lalong lumawak ang ngisi niya saakin.

Papatayin niya ba ako? May balak ba siyang patayin ba dito? Sino?

"Alex?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Nelly, naagaw niya tuloy ang atensyon ko.

Base sa itim niyang uniporme at mataas na takong, mukhang may klase siya.

Agad nag dilim ang eskpresyon niya nang makitang nakuha niya ang atensyon ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Panandaliang bumalik ang paningin ko sa pwesto ni Jenny, pero katulad ng isang bula ay bigla na lamang itong nawala. 

Napapikit ako, maling inalis ko ang paningin sakaniya.

"May kinuha lang ako, dati akong nagta-trabaho dito," pagda-dahilan ko kay Nelly, hindi siya nakasagot sa sinabi ko.

Hindi rin nag tagal ay tinalikuran niya ako.

"Kung nandito ka para kumuha ng impormasyon patungkol sa nangyaring away sa pagitan namin ni Fin, gusto kong malaman mo na napaka walang respeto mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nelly saakin, alam kong tinutukoy niya ang panghi-himasok ko nanaman sa natatahimik niyang buhay. Matagal ko nang alam na parte iyon ng trabaho ko pero hindi ko akalain na isasampal niya iyon sa mukha ko.

"Katulad ng sinabi ko ay nandito ako dahil may ilang gamit akong kinuha," depensa ko pa sa aking sarili, matapos niyon ay nilagpasan ko na siya at maglalakad na sana papunta sa direksyon ng aking motor nang...

"Kaya pala isang tawag lang saiyo ni mama ay nandito ka na?"

Napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon, talagang hindi lang pang display ang talino ni Nelly.

Mayamaya ay naglakad siya papunta sa harapan ko, "Sa susunod idaan niyo na lang sa text, masyado kayong halata."

Iyon lang at nag lakad na siya palayo sa akin. 

---

Hindi nanaman ako makatulog.

Krus ang dalawang braso akong nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame, magda-dalawang oras na akong ganito.

Pilit kasing naglalaro sa utak ko ang nakita ko kanina, muli tuloy nanumbalik yoong pinag-usapan namin ni Jazzquin.

"Anong ibig mong sabihin sa almost?" hindi ko mapigilang tanungin.

"We are sisters," simple niyang paliwanag, "Pero aakalain ng iba na kambal kami dahil mag kamukhang mag kamukha kami. Akala ko sa paghi-hiwalay namin ay magka-kaagwat ang itura namin pero hindi pala."

"What does she look like?" wala sa sarili kong tanong, napakurap si Quin sa sinabi ko at tinaasan ako ng isang kilay, "Ang ibig kong sabihin, mayroon ba siyang ibang trait o kung ano man na magpapa iba ng itura niya saiyo?"

Napaisip ng isasagot si Jazzquin, "She has this huge scar," turo niya sa kaniyang kaliwang balikat, "My sister has been a rebel since seven, when she killed one of our cats, my father spille a boiling water on her."

Sa narinig ko ay mas lalong nanikip at bumigat ang ulo ko, malinaw na hindi maganda ang naging childhood ni Jenny.

"Nabanggit mong na rape siya," pagbu-bukas ko muli ng tapika, "Sinong nang rape sakaniya?"

"I don't know," kibit balikat niyang sabi, "She didn't really talk about it, basta ang ginawa niya lang ay makiusap saamin na humanap ng abogado. But what's funny about that, hindi niya masabi saamin kung ano ang buong storya."

"May teorya ba kayo kung sino?"

"I have," mabilisang sagot ni Quin, "But my sister is a natural liar, I don't know kung totoong na rape siya dahil wala naman siyang mailapag na storya saamin."

"Natural... liar?"

"Every time we ask her a question, she'll not debate with herself on the inside. She'll gladly choose the lie, it's a part of her abnormal defense."

Trust issues.

"Ano ang dapat kong malaman patungkol kay Adam?" pagbabalik ko ng tapika kay Adam dahil hindi niya nabuo ang partisipasyon ni Adam dito.

"Let's discuss it inside the transient," seryosong sabi ni Quin habang nagma-matyag sa paligid, "It will give us more privacy."

Iyon lang at tinalikuran na niya muli ako, bumaba ang tingin ko sa nabitawan kong cooler at agad iyong dinampot.

Nagma-madali akong humabol kay Quin ng lakad, marami pa talaga akong katanungan na gustong masagot.

Pagka-kandado na pagka-kandado niya ng pintuan at pagka lapag na pagka lapag ko ng cooler sa lamesa ay inaya ko siyang maupo sa aking harapan.

"Well?" ani ko na tila uhaw na uhaw sa impormasyon.

Saglit niyang tinitigan ang ekspresyon ng mukha ko sabay salita muli.

"You should not trust him, Alex."

Bago pa man ang lahat ay unti unting nahulog ang kamalayan ko sa mahimbing na tulog.

---

"Wala si Jonathan?" puna ko nang makita kong wala siya sa kaniyang opisina.

"Kakaalis lang," ani ni Nathalie sabay lagpas sa aking likuran at balik sakaniyang opisina, "Anong gusto mong tanghalian? Tatawag na ako ng delivery."

"Pass muna ako, kailangan kong bumalik ng LPU," sagot ko.

Napakurap si Nathalie sa sinabi ko, "Oh? Babalik ka ulit sa pagka guro?"

Natawa ako sa sinabi ni Nathalie, "Porket pupunta roon ay babalik na ako? Pero siguro, pag nasara ko na itong kaso ni Jenny."

Nang mailigpit ko na ang mga gamit ko at naayos na ang mga dadalhin ay agad akong naglakad palabas ng opisina.

Naputol nga lang nang aksidenteng nakabangga ko si Mark.

"Oh! Pasensya na," pag hingi niya ng dispensa kahit yoong mga dala niya ang bumagsak sa sahig.

Pinanood ko lang siyang pulutin ang mga papel na iyon mag-isa, napakurap pa ako nang marinig ko ang sarili kong panga na gumagalaw.

"Ayan," ani ni Mark sa sarili sabay pantay ng mga papel na natapon sa sahig, "Ikaw pala Alex! Natanggap mo na ba yung background na hinihingi mo saakin?"

Ginawaran ko siya ng isang tipid na ngiti at tumango, "Oo, maraming salamat pala para doon."

"Walang anuman, siya nga pala. Hindi ako sinipot ni Ms. Monique, triny ko rin puntahan ang address niya pero hindi na siya roon nakatira," bakas ang panghi-hinayang sa mukha ni Mark.

"May ideya ka ba kung saan siya pumunta?"

"Sabi ng mga kapitbahay ay byirnes ng gabi siya umalis, nakatakda kaming mag kausap noong sabado pa dapat," ani ni Mark, "Sa ngayon ay naka pokus muna ako sa paghahabol sakaniya, I think you should talk to Adam regarding with Mr. Quinto's death."

Tinanguan ko lamang siya bilang sagot, kalauna'y nagpaalam na rin na pupuntang LPU para sa isa ko pang trabaho.

Balak kong kausapin ang kaibigan ni Nelly ngayon na si Fin, ayon sa pagu-usap namin sa telepono kagahapon ay pumayag naman itong makipag-usap saakin kaya walang kaso.

Habang nasa byahe ay namutawi saakin ang huling sinabi ni Mark, na kausapin ko si Adam. Simula nang makabalik ako mula Ilocos ay hindi ko pa siya nakikita, ang sabi ay nasa Canada ito dahil may nilalakad.

Hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon o hindi.

"Bakit?" agaran kong tanong sa sinabi ni Quin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit, samantalang tinulungan sila ni Adam na makita ang kapatid niya.

"He killed my mother."

Nanginig ang mga mata ko sa narinig ko, pakiramdam ko rin ay may kung anong dumaan sa magkabilang tainga ko kaya ako nabingi.

"Ano?" paulit ko, paninigurado rin na nakakarinig pa ako.

"Hindi lang money laundering ang illegal na negosyo ng mga Augustus, they also support child prostitution," naluluhang sabi ni Quin, "Simula nang pag-usapan nila ni mama ang patungkol sa kapatid ko, naging iba daw siya. Hindi rin nag tagal nalaman ko na lang na pinatay si mama. Ang masakit pa doon ay pinagmukha nilang aksidente."

Doon ko naalala ang kwento ni Adam na may aksidente siyang napatay na serial killer.

"Paano ka nakakasiguro?" hindi ko matanggap na tanong,"At sinasabi mo bang customer nila si Adam pagdating sa child prostitution?"

Napahimas ako ng sentido nang tumango si Quin, iniisip ko pa lang na kasabwat si Adam sa lahat ng ito ay unti unti ko nang naiintindihan si Wojtek.

Yoong respeto at galit, naghahalo.

"If you don't believe me, ask Mr. Andrada," pagtukoy ni Quin sa kaniyang senior, kung hindi ako nagkakamali ay tinukoy iyon ni Adam habang kumakain kami sa Glorietta, "Ask him kung paano mag kwento sakaniya ang senior mo ng mga malalaswang karanasan na pinapatamasa sakaniya ng mga Augustus."

"Pero siya ang nag lagay saakin sa kasong ito," halos pabulong kong sabi.

"Because he trusts you," sangga ni Quin sa sinabi ko, "I think media play lang ang lahat para ipakita sa mga kaanak ng biktima na may ginagawang progreso ang NBI. Alex, can't you see? He always asks you for weekly report!"

Biglang pumasok sa isip ko na ang taas ng posisyon ni Adam, ang kasalukuyan ring chief justice ay kamag anak ng mga Augustus.

Tang ina. Kahit saan yata ako lumingon ay naroon sila.

"Kaya mo nalamang si Jenny ang kapatid mo dahil nagta-trabaho ito sa mga Augustus?" tumango muli si Quin sa sinabi ko, "Bilang ano?"

"I don't know, Alex," sagot ni Quin habang nasinghot at pinupunasan ang mga namu-mugtong mata, "A hitwoman? Yeah, ganoon naman ang ginagawa niya ilang buwan na ang nakakaraan, hindi ba?"

Mga limang minuto kaming nahulog sa katahimikan matapos noon, ako ay pilit na ino-organisa ang mga piraso sa aking utak habang si Quin naman ay inaabangan ang magiging reaksyon ko. Mukhang naga-abang rin ng iba pang mga katanungan.

"Bakit mo ako nilapitan?"

Gumaan ang ekspresyon niya sa itinanong ko, sa totoo lang mali ang tanong ko. Bakit niya sinabi saakin? Isa ako sa mga pinagka-katiwalaan ni Adam, isa rin ako sa mga taong nakasama na ni Adam sa field na ito sa loob ng halos sampung taon.

Hindi ako ang pinaka perpektong kandidato para pagsabihan ni Jazzquin ng mga ganitong bagay.

"You are different."

Sinundan ng mata ko ang kamay niyang naglalakbay papatong sa kamay kong nasa lamesa, "I'll admit, wala talaga akong tiwala saiyo noong una. You are a creep in my eyes, but when you open up about how you saved your little sister..."

Umangat muli ang tingin ko sa mga mata niya.

"You look so fragile, at that moment I knew that you are a victim."

Hinawakan ko ang kamay ni Quin at pinisil pisil iyon, "Bakit hinahanap mo pa rin ang ate mo hanggang ngayon? After all she has done?"

Napangiti si Quin ng mapakla sa itinanong ko.

"If you are in my position, Alex. Will you let Jacky to ruin her life forever?" pagbabalik niya ng tanong saakin.

Hindi. Hinding hindi.

"How can you handle all of this, Quin?" hindi ko makapaniwalang tanong sakaniya, "Yoong mga death threats ba na sinasabi mong natatanggap mo ay galing sakanila?"

"For sure," tango tangong sagot ni Quin. Doon ko lang naramdaman kung gaano ako kagago para kwestyunin kung bakit siya may baril.

"Kung gayon, noong nabaril ka ay hindi warning para kay Jonathan iyon?" tanong ko muli nang mahanap ko na ang aking boses.

"Yes, it's a warning for me to stay out of their business."

Pagkababa ko ng stand ng motor ay siyang alis ko rin ng aking helmet, malapit lang ako sa lugar kung saan ko nakita si Jenny kaya hindi ko naiwasang mapunta ulit doon ang tingin ko.

Wala.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay tago ng helmet sa saddle bag, kung sinasadya niyang mag pakita saakin ay iisa lang ang ibig sabihin noon, mas marami nang matang nakatingin saakin sa mundo ng krimenalidad.

Sinong maga-akala na ang isang kaso ng serial killer ang siyang magdadala saakin sa mundo ng mafia? Mukhang magta-tagpo pa nga ang kasong hinahawakan namin ni Jonathan.

Kailangan kong makausap si Jonathan sa lalong madaling panahon, lalo na at sabi ni Jazzquin ay pinagsu-suspetyahan niya rin si Lany.

Ang sabi saakin ni Fin ay hihintayin niya ako sa opisina ng student publication, siya daw ang editor-in-chief kaya libre niyang nahahawakan ang susi niyon.

Nang kumatok ako ay ilang segundo lang rin ay nagbukas ito, tumingin pa siya sa paligid bago ako pinapasok.

"May klase pa ho ako ng 1:30 pm," paalala niya saakin sabay upo sa pinaka gitnang swivel chair.

"Huwag kang mag-alala, tatlong tanong lang naman ang itatanong ko saiyo. Hindi tayo aabot ng labing limang minuto kung tapat kang sasagot," sabi ko sabay upo sa isang swivel chair na naka paligid sa parihabang lamesa.

Tumango lang si Fin bilang sagot.

"Alam mo na siguro ang patungkol sa nangyari sa ama ni Ms. Nelly Goliath," walang gatol kong panimula, tumango naman siya muli, "Si Ms. Nelly ay under observation pa dahil may mga impormasyon siyang hindi ibinabahagi saamin, mas lalo pa iyong umapoy nang mag sagutan kayo at ilan sa mga content ng away ninyo ay narinig ng ilan sa klase ninyo."

Hindi ako nakatanggap ng tango sa pagkakataong ito.

"Ngayon, ang tanong ko ay mayroon bang naibabahagi saiyo si Ms. Goliath na kahit na anong impormasyon na maaaring makatulong sa aming imbestigasyon?

Napaigting ng panga si Fin sa itinanong ko, tila nagda-dalawang isip.

"Kung naga-alala ka sa kung anong maaaring kahinatnan nito, huwag kang mag-alala. Hinding hindi madadawit ang pangalan mo."

"Paano ho ako makakasiguro na hindi madadawit ang pangalan ko?" puno ng pagdududang tanong saakin ni Fin.

As expected, maliksi ang pag-iisip ng bata. Hindi naman siguro ito magiging head ng isang organisasyon kung hindi.

"Hindi mo kilala kung sino ang nagsabi saakin ng pangalan mo, hindi ba?" tanong ko sakaniya, "Pruweba lang iyon na nirerespeto ko ang pribasiya ng bawat witness na tinatanong ko."

Napaisip si Fin sa sinabi ko, "Ts, si Ms. Jaime. Tama ba ako?"

"Hindi," agad kong tanggi.

Sumandal si Fin sa kaniyang swivel chair sabay krus ng dalawang braso, tinaasan pa niya ako ng kilay na tila mas nadagdagan ang pagdududa.

"Nakita ko ho kayong magkausap kahapon sa tapat ng C.A.S faculty," pambabasag niya saakin.

Matiim kong tinignan si Fin at doon ko nasilayan ang mayabang nitong ngisi, nakikita ko na. Pinagla-laruan niya ako.

Naningkit ang mga mata ko.

"Wala kang balak mag salita, ano?"

Napakibit ng balikat si Fin, "Bilang isang head ng publishing organization, alam na ho dapat ninyo na palaban ang mga tao dito. Hindi po kami tumatanggap ng mga artikulo na may halong kasinungalingan."

Katulad ni Quin.

Wala siyang intensyon na sabihin saakin ang mga nalalaman niya, pero bakit pa siya nag sayang ng oras para makipag kita saakin?

Agad akong napalingon sa may pintuan nang marinig ko ang pag pihit ng door knob at ang pagbu-bukas nito.

"Ah, Ms. Jackquin!"

Mula sa paniningkit ay awtomatikong nanlaki at napuno ng takot ang mga mata ko.

Si Jenny...

"Hi Fin," tipid na ngiting bati nito sa batang aking kausap, agad niyang napansin ang presensya ko kaya bumaling ang tingin niya saakin.

Lahat ng balahibo ko ay tumaas nang mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti.

"Hello, visitor."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

14.2K 1.2K 43
These words are what I think every night. Started: May 12, 2020 Ended: - Highest Ranking: 🏆 #2 about my life 🏆 #2 things change 🏆 #3 poetry 🏆 #4...
5.1M 46.3K 21
(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* Luke Contrero badly wants the innoce...
541 287 35
Midnight Package Series #01 As Jineina received an unknown package, she got the eerie feeling she never experienced before. Upon opening it, she was...
37.3K 2.7K 30
Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat para lang maipaglaban ang kanilang pagmama...