Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

Oleh CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... Lebih Banyak

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 25

286 17 6
Oleh CrabLamb

CHAPTER 25

[ Spill ]

---

Alex's Point of View

Tinitigan ko ang buong lugar na kinalalagyan ko.

Hindi pa ako nakakalingon ng buo pero alam ko na agad ang sagot.

Ito ang dati naming tahanan.

Agad hinanap ng mga mata ko ang bintana kung saan laging natambay si mama upang mag basa ng libro, namilog ang mata ko nang makita ko nga iyon doon. Saktong sakto pang may nakapatong na tsaa sa katabing side table.

Nilapitan ko ang tsaa at hinawakan ito upang damahin kung mainit pa, mainit pa nga.

Ibig sabihin ay kalalagay lang nito dito.

Pero nasaan si Mama?

Ginala ko ang paningin ko sa buong bahay, imbis na mag gala gala pa ay mas tinalasan ko ang pandinig ko upang marinig kung saang bahagi ng bahay naroroon ang aking ina, pero nabigo ako.

Wala akong naririnig o nararadamang ni-isang presensya, maliban saakin.

"Kuya!"

Gulat akong napalingon sa aking likuran, agad iyong dumantay sa isang ulo ng babae na naka tanghod sa pintuan palabas sa veranda ng bahay.

Napakunot ang noo ko nang makita ko kung sino iyon.

"Quin?"

Agad kumulubot ang kaniyang mukha sa sinabi ko.

"Mukha ba ako yung girlfriend mo? Tinawag kitang kuya," sabi niya sabay pasok ng kaunti at pameywang.

Doon ko siya napagmasdan ng buo, doon ko napansin na imbis na asul na katulad ng kay Quin ay kulay kaki ang mga mata ng babaeng kaharap ko, iba rin ang gupit at estilo ng buhok nito kumpara sa aking nobya. Ang mas nagpa-iba pa sakanilang dalawa ay ang estilo sa damit.

Ayon sa alaala ko ay napansin kong walang damit na kulay lila si Quin, tinanong ko siya isang beses kung bakit wala at ang sabi niya ay hindi siya mahilig sa lila at wala siyang balak bumili ng kahit na anong damit na kulay ganoon.

Lila ang isa sa mga pinaka paboritong kulay ni Jacky.

Bahagyang umawang ang labi ko habang nakatingin sa babae, mas lalo namang lumawak ang ngiti niya.

"Hindi porket magka edad na dapat kami ng girlfriend mo ngayon ay dapat kamukha ko na rin siya," ani ni Jacky.

Napasinghap ako.

"Nananaginip ako, hindi ba?"

"Wen interessiert das?" ikot mata niyang sabi, sabay tingin sa tsaa, "Huwag mong galawin, kay mama iyan."

Matapos niyon ay tinalikuran niya ako at naglakad palabas ng veranda, malinaw na pinapasunod niya ako roon kaya agad akong humakbang pasunod.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko palabas ay natigilan na ako at napayuko sa sahig ng veranda, sa lugar na ito huli kong nakita si mama at nakausap.

Malinaw na malinaw pa sa alaala ko kung paano lumabas mula sa hiwa niya sa leeg ang limpak limpak na dugong pinakawalan ni Sebastian.

"Namatay siya pagkaiwan na pagkaiwan mo sakaniya para iligtas ako," biglang bahagi ni Jacky, napatingin ako sakaniya sa kaniyang ibinahagi, "Ikinuwento niya saakin iyon."

"Nasaan si mama?" gusto ko siyang makita, kahit na alam kong panaginip lang ito.

Napanguso si Jacky saakin, "Panaginip mo ito, dapat ikaw ang magpalitaw sakaniya."

Pero kagaya ng ilang panaginip, limitado lang ang mga mako-kontrol mo.

Napangiti si Jacky na parang nabasa niya ang aking isipan, tinalikuran niya ako muli at umupo sa swing ng veranda.

"Ibig sabihin lang niyon ay ako lang ang gusto mo munang makausap, kasi ako ang pinaka best friend mo, hindi ba?"

Sa sinabi niya ay inilibot ko muli ang paningin ko sa buong kapaligiran. Wala ngang tao, maliban sa aming dalawa.

"At base sa reaksyon mo nang makita mo ako at nakilala, ako pa rin ang iniisip mo hanggang ngayon," parang bata na napakrus ng dalawang braso si Jacky at inilingan pa ako, "Kuya, dalawang dekada na."

Isang malalim na pag hinga ang ginawa ko sabay lakad para makatabi ako sakaniya, "Ang dali para saiyo dahil hindi naman ikaw ang naiwan."

"Sorry," ngiting pag hingi niya ng paumanhin, "Sinubukan ko namang lumaban, pero nakatakda talaga ako noong araw na iyon."

"Huwag na nating pag-usapan iyon," iling iling kong sabi habang nakayuko, "As much as possible, ayokong pag-usapan iyon habang kausap kita ngayon."

"Parte ng utak mo ay naiisip iyon," paninisi niya saakin.

Tumawa naman kami ng sabay, yoong tawa ko ay puro at walang ibang iniisip na kung ano man. Kahit pa alam kong lahat ng ito ay nasa loob lang ng utak ko.

"So, nag NBI ang magaling kong kuya?" pagbu-bukas niya ng unang tapika, nakakatawang isipin na ito talaga ang naiisip kong una niyang pupunahin kapag nakapag-usap na ulit kami.

"Nagalit ang kuya," kibit balikat kong depensa, "Naisip ko noon na kapag nahuli ko ang gumawa satin niyon ay matatahimik na ako."

"Kaya mo ginive up yung pagsu-sundalo mo?" ani ni Jacky habang pinapatong ang dalawang binti sa upuan, bahagya rin siyang humarap sa gawi ko at tinungkod ang siko sa sandalan upang makapag salumbaba, sakop niya tuloy ang buong espasyo ng swing.

Tango lamang ang tangi kong nasagot.

"Saan ka nag stay pagkatapos ng lahat ng nangyari?" tanong niya saakin.

"Kay papa."

"Nyek," napatakip ng bibig si Jacky sa isinagot ko, tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Wala akong choice, ayoko na rin namang bumalik... dito," sabi ko sabay muwestra sa buong bahay, "Bawat sulok, naalala ko kayo ni mama."

"Sabagay, kung ako rin ang nasa kalagayan mo ay iyon rin ang gagawin ko," pag sang-ayon ni Jacky saakin.

Napangiti naman ako at sumulyap sakaniya ng kaunti, "Pupusta ako na kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay maka-kasundo mo si Vergel."

"Oh, that guy," pag-alala ni Jacky sabay galaw para dumuyan ang swing ng kaunti, "He was lost, you know. But I don't think na maka-kasundo ko siya, hot headed kaming dalawa."

"Parehas kayong hot headed kaya maiintindihan niyo ang isa't isa," sabi ko habang nakangiti, medyo nabawasan nga lang iyon nang maalala ko iyong pagkakataon na nalaman kong pinatay siya, "Parehas ko rin kayong hindi nailigtas."

"Kuya!" pag suway saakin ni Jacky, "Magkasundo nga tayo, huwag nating pag-usapan ang nangyari noong araw na iyon at kahit na ano pang malulungkot na pangyayari sa buhay mo. Ayokong mapuno ang usapan natin ng madidilim na tapika dahil maniwala ka saakin, 90% ng magiging usapan natin ay panay pagsisi mo sa sarili mo kapag ganoon."

Napakamot ako ng sentido sa sinabi niya, "May parte ba ng buhay ko na maliwanag?"

"Mayroon, for sure!" sabi niya sabay hampas sa aking braso, doon ko napagtanto na hindi nga si Quin ang kausap ko, kung hindi si Jacky talaga mismo.

Siguro ay hindi naman talaga siya umabot sa ganitong edad kaya mukha ng nobya ko ang naiisip ko.

"Tungkol sa mga kaibigan mo," suhestyon ni Jacky saakin.

"NBI rin ang mga kaibigan ko, Jacky. Puro kaso kaya madilim pa rin ang mga maiku-kwento ko."

"Kailangan ba talaga kasama ang mga kaso? Ang horrible mo talaga mag share!" kutya niya saakin, "Ano ang ugali nila at anong opinyon mo sakanila, ganoon na lang. Hay nako, kailangan pa kitang tulungan eh!"

Napahilamos ako ng mukha, "Kanina mo pa ako kinukutya."

"Tinutulungan lang kita, blöd," ikot mata niyang sabi pero nakangiti, "Ano nga, sige na last na pagtulong ko na ito ha. Let's start kay Jonathan."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at sumagot na lang, "Magkaugali kayo."

"Ohhhh," sabi ni Jacky habang namimilog ang mga labi, "No wonder at siya ang pinaka close mo."

"Oo, madaldal rin siya at malakas na nilalang. Kwela din at parang bata," komento ko na may halong sarkasamo, pinapatamaan ko kasi siya.

Sinamaan ako ni Jacky ng tingin, tinawanan ko lang siya.

"Mas malakas ang sense of justice ni Jonathan kumpara saakin," komento ko pa sa aking kaibigan, "Loyal siya at sobrang bait, pero katulad ng lagi namang nangyayari ay hindi nananalo ang mababait na nilalang."

"You are saying na he sucks when it comes to girls?"

Napatawa ako ng malakas, "Ganoon ba ang dating? Hindi iyon ang ibig kong sabihin pero oo, medyo sablay siya pagdating sa mga babae."

"At sinasabi mo rin na kung buhay ako ay ganoon rin ako pagdating sa mga lalaki?"

Napakibit balikat na lang ako, "Wala akong sinasabi."

Muli akong natawa nang sunod sunod niya akong hampasin, mukhang napikon pa nga siya lalo dahil may halong suntok pa ang mga hampas niya.

"Let's move on with Adam," ani niya nang makabawi na ako ng tawa, "Yung binaback stab mo noon pa."

Sinamaan ko ng tingin si Jacky, "Kahit pa hindi ko sabihin ay alam ni Adam na kabackstab backstab ang ugali niya minsan."

"Kasi straightforward siya?"

Napakrus ako ng dalawang braso at bahagyang bumaba ng higa sa swing, yoong upo ko ay tila tamad na tamad, "Wala akong problema sa pagka straightforward ni Adam, siya lang iyong tipo ng tao na hindi marunong tumi-ming."

"At prumeno," pahabol pa ni Jacky sa komento ko, napatango na lang ako, "But despite all of that, ang laki ng respeto mo sakaniya."

"Siya kasi ang tumayo kong ama," yoong tono ko ay parang wala akong choice, "Binibigyan niya ako ng mga advice, pilosopiya na taliwas minsan sa mga aksyon niya, tapos lagi niyang natu-tumbok kung ano talaga ang nasa isipan at gusto ko."

"Katulad mo siya?"

"Torpe ako at marunong akong prumeno, Jacky," depensa ko agad, "Isa pa ay nakikinig ako sa argumento ng kausap ko at kinikonsidera ko ang opinyon nila. Si Adam ay hindi."

"Oh yeah, I remember noong 2nd year high school ka at may gusto kang babae."

Nanlaki ang mga mata ko sa binubuksan niyang tapika, hindi ko inaasahan na bubuksan niya iyon, "Huwag,"

"Hi Sharlyn, narinig kong mahilig ka sa pansit," pagkatapos ay umakto siyang may ibibigay na kung ano sa hangin.

"Ah huwag!" sabi ko sabay takip ng mukha ko sa sobrang kahihiyan.

Napatawa ng malakas si Jacky habang tinitignan ang reaksyon ko, "You look so stupid!"

"Oo alam ko," lumong lumo na sabi ko, "Hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin, She's the top 2 in our class at alam kong mainit ang dugo niya saakin kahit hindi niya sinasabi."

"What? She said yes naman kahit galit siya hindi ba?"

Inalis ko ang pagka-katakip ng kamay ko sa aking mukha at lumong lumo na tinitigan si Jacky, "Narinig ko kasing mahilig siya sa maanghang."

"Kaya imbis na chili flavor ang niluto mo ay binudburan mo na lang ng chili powder?"

"Hindi naman ganoon kasama iyon."

"Inubos mo iyong isang plastic!"

"Hindi ko sinasadya!"

Nagtawanan muli kami ni Jacky, maluha luha pa nga ako habang umaangat ng upo. Medyo nangangalay na kasi ako.

"But infairness," lumawak bigla ang ngiti ni Jacky, "Nanalo ka ngayon, with her."

Medyo bumaba ang pagka-kangiti ko nang sa wakas ay buksan na ni Jacky ang tapika patungkol kay Jazzquin, muling nanamlay ang mga mata ko at napayuko.

"You said na hindi nananalo ang mga mababait na lalaki," pag-alala ni Jacky sa sinabi ko kanina, "Pero nanalo ka sakaniya, kahit maraming lalaking nakapaligid sakaniya."

"Kailan pa ako naging mayabang?" komento ko.

Nasa sarili ko akong panaginip. Ibig sabihin lang niyon ay lahat ng sinasabi ngayon ni Jacky ay nasa utak ko lang rin.

"What? Totoo naman ah, you are a good guy," seryosong opinyon ni Jacky.

"Si Jazzquin kasi ay..." napa kulubot ako ng mukha, hindi ko kasi alam kung paano sasabihin, "I don't know, mukha siyang unimpressed sa napakaraming bagay."

"Ahuh."

"Kung titignan mo siya, para siyang perfectionist," paglalabas ko pa ng opinyon, "Mula sa damit, sa trabaho, sa ayos ng buhok. Kaya hindi ako magtataka na marami akong kaagaw sakaniya."

"Kaya pinagdadamot mo siya?"

"Pinagdadamot niya rin naman ako, isa pa ay I'm not that great," pagpapababa ko sa sarili ko, "Siguro nga mahusay ako sa pag hawak ng mga kaso, sa pag connect the dots. Pero average akong lalaki, hindi ako mayaman, katulad ng sinabi mo kanina ay horrible ako sa pag sh-share..."

Sa pagkakataong ito ay hindi sumagot si Jacky, medyo nagitla lang ako dahil negatibo itong ibinabahagi ko at malinaw na nagkasundo kaming huwag dalhin ang usapan sa mga tapikang magpapababa ng sarili ko.

Isang malalim na hininga muli ang pinakawalan ko, "I can see you to her. Yoong awra niya... Pakiramdam ko may nagu-udyok saakin na protektahan siya, na dapat wala na akong isang tao pa na..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil alam kong mapupunta nanaman iyon sa pagkamatay ni mama at Jacky.

"Kaso nga lang, Jazzquin is a free woman. Hindi siya nagpa-papigil sa mga limitasyon, hindi naman siya nanlalalaki pero... Kayang kaya niya gawin iyon dahil hindi ako kasing," sinenyas ko ang kamay ko na parang ang taas ng nobya ko, "Kasing ganito niya, she's a fighter at dapat kung siya ang espada ay ako dapat ang shield, pero mahina ako."

"What? You punched Sebastian ten times!"

"Hindi kasi iyon ang ibig kong sabihin," iling iling kong sabi, "Mahina ako, mentally. Palagay ko nga kapag iniwan niya ako ay babalakin kong mag pakamatay."

Hindi muli nakasagot si Jacky sa sinabi ko.

"Paano kung dumating yoong araw na makahanap siya ng magandang rason para hiwalayan ako? Na makahanap siya ng iba? Na makahanap siya ng kasing perpekto niya? Na makahapan siya ng lalaking... tatanggap sakaniya ng buong buo? Yoong mas hihigitan yoong mga bagay na naibigay ko?"

May namuong mga luha naman sa mga mata ko na pakiramdam ko talaga ay totoo, agad ko iyong pinunasan, "Hindi pa nakatulong na nag-away kami. Ang masama pa ay ako ang may dahilan."

"Ikaw ang may dahilan?"

"Nagkaroon kasi ako ng teorya patungkol sa kasong hinahawakan ko, tapos napansin kong may pagkakatulad sakaniya ang ibang traits ng suspect," panimula ko, "Hindi maganda ang naidulot niyon sa mag hapon namin kaya napansin niya agad na medyo ilag ako, sinubukan kong buksan sakaniya ng dahan dahan pero mabilis niya akong nahuli sa mga intensyon ko."

Napatingala ako sa kisame, "Hindi lang yung agenda ko na mag bukas siya saakin ng ilang kwento patungkol sa kaniya, kung hindi pati rin yoong teorya ko."

"She's sharp, huh?"

Bahagya akong natawa sa komento ni Jacky, "Kaya nga sinasabi ko saiyo, she's something else."

"Hmn," tango tangong sabi ni Jacky sabay tingin din sa kisame, "Gusto mo bang marinig ang opinyon ko para dito?"

Napangiti ako, "Oo."

Narinig ko ang malalim na paghinga niya ng malalim, "Una sa lahat, gusto kong i-congratulate ka dahil muli, nanganib ang iniingatan mo dahil sa ka-engotan mo mag share at mag build ng conversation."

Napapikit ako.

"Salamat."

"Second," napatikhim muna si Jacky bago nagpatuloy, "Huwag mo ngang sabihin na kasalanan mo lang lahat, may kasalanan rin siya."

Napaubo ako na may kasamang tawa, "Saan naman galing iyan?"

"Kapag naga-away ang dalawang mag karelasyon, parehas silang may mali," pangangaral ni Jacky saakin, "Parehas kayong may mali pero may parehas din kayong punto. Nagta-talo kayo kung sino ang mas lamang ang punto, hindi ninyo na tuloy nakikita kung ano talaga ang negatibo na siyang ugat talaga ng problema."

"Nagsisimula na akong magduda kung panaginip ito."

"Makinig ka kasi," iritableng sabi ni Jacky, "Kaming mga babae ay blanko ang utak namin kapag nagagalit, pero kapag humupa na ay nagkakaroon kami ng realization. Iyon ang advantage ninyong mga lalaki, mas mabilis ang paghupa ng galit at realization ninyo kumpara saamin kaya palagi kayo ang nanla-lambing."

Hindi ako nakasagot, sineseryoso talaga ang sinasabi saakin ni Jacky.

"Kung tama ako ay mangyayari kay Jazzquin ang realization na iyon," ngiting sabi ni Jacky saakin, "Hulaan ko, pag gising mo at nag harap na kayo muli, hindi na siya galit."

"You don't know her," iling iling kong sabi, naalala ko tuloy noong inaya niya ako mag kape pero hindi ako pumayag. Dinibdib niya iyon hanggang sa ayain ko siyang mag dinner.

"Kung hindi totoo ang sinabi ko, bakit siya pumayag na makipag dinner saiyo kung sobrang upset siya sa hindi mo pag payag sa pag ka-kape?"

Gulat akong napatingin kay Jacky, sa isip ko lang iyon sinabi pero nabasa niya.

"Kuya," ani niya sabay tuktok ng ulo ko, "Hindi lahat ng tao ay magaling sa mga salita. Kita mo ikaw, engot sa pag approach."

Habang hinihimas ang ulo kong tinuktukan niya ay napaisip ako.

"Baka kagaya mo, hindi lang din marunong si Jazzquin sa mga salita."

Sa sinabing iyon ni Jacky ay tila may nagising, hindi lang sa loob loob ko kung hindi pati na rin sa paniniwala ko.

Lumawak ang ngiti ni Jacky saakin, yoong ngiti na sobrang puro, yoong ngiting kahit kailan ay hindi ko na ulit nasilayan pa buong buhay ko.

"Maraming paraan para mabasa ang isang tao kuya, baka kagaya mo ay sa aksyon niya dinadaan ang lahat."

---

Nagising ako nang makarinig ako ng pagkalampag sa kusina.

Agad akong napabangon mula sa banig na kinahihigaan ko sa sala at napatingin kay Jazzquin na nakatingin rin sa gawi ko.

Napansin kong nakabihis siya at base sa suot niyang off shoulder na kulay dilaw ay may suot siyang swim suit sa loob.

Hindi niya ako pinansin at umiwas agad ng tingin, bumaba ang kaniyang mata sa kutsarang nasa sahig at pinulot ito. Iyon marahil ang nag pagising saakin.

Tahimik at lutang akong iniligpit ang pinag higaan ko, habang nirorolyo ang banig ay hindi maalis alis sa utak ko ang huling sinabi ni Jacky bago ako magising.

Maraming paraan para mabasa ang isang tao, baka kagaya ko ay sa aksyon nila dinadaan ang lahat.

Napatingin muli ako kay Quin, nakatalikod siya sa gawi ko at abala siya sa pagsa-sandok ng kanin sa loob ng tupperware.

Mukhang nakapag handa na siya ng tanghalian, base na rin sa cooler na nasa lamesa ay handa na ang lahat para sa pag punta namin sa beach.

Pagkatapos kong umihi at mag hugas ng kamay ay agad naghanap ng a-almusalin ang mata ko. Napansin kong may inihaw at kanin na mukhang bagong saing sa ibabaw ng lamesa kaya agad akong napatingin kay Quin.

"Sa-saiyo ba ito?" medyo kabado kong tanong sakaniya.

Isang iling lamang ang sinagot niya saakin, ibig sabihin ay para saakin iyon.

Halos mapunit ang pisngi ko sa kakapigil na ngumiti, gusto ko rin sana nang makipag ayos sakaniya pero baka sumablay lang ako. Sa pagkakataong ito ay dapat ko na talagang unti untiin ang lahat.

Pagkatapos kong kumain ay nagbihis na rin ako pang ligo, swimming trunks at sando na puti lang ang sinuot ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay siyang sakto rin pag sarado ni Quin ng cooler, ilang segundo kaming nagti-tigan hanggang sa nauna siyang umiwas.

"Ako na diyaan," ilang kong turo sa cooler at isang plastic na hula ko'y pinagla-lagyan ng kanin.

Hindi niya naman ako pinigilan nang kunin ko iyon, bumalik pa siya ng kwarto para kunin ang kaniyang instax at nagpa-assist na nga kami sa lalaking may ari ng transient papunta sa beach.

"Wala ho gaanong turista?" puna ko sa ibang transient na nadadaanan namin, sinubukan ko lang magbukas ng tapika dahil masyadong tahimik.

"Oho, setyembre kasi," sagot ng may ari ng transient, "Pero kapag holiday, lalo na pag tag-init ay punuan."

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa katahimikan at kapayapaan ng buong paligid. Wala gaanong sasakyan na dumadaan, walang mga nagpa-pataasang gusali, walang usok, at walang tunog ng telepono. Malayong malayo sa buhay sa siyudad.

Ang tanging makikita mo lang sa kaliwa't kanan ay nagpapataasang mga puno, daan na may halong buhangin, i-ilang mga bahay bahay at transient.

Probinsyang probinsya.

Ilang taon na ang nakakalipas nang dalhin ako ni mama dito, kahit marami rami na ang nagbago ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha.

Mayamaya lang rin ay tumawid kami sa kabilang kalye, pasimple kong hinawakan si Jazzquin sa likuran para samahan siyang tumawid kahit wala namang paparating na sasakyan. Mabuti na lamang at hindi siya umangal.

Pumasok kami sa isang maliit na gate katabi ng Saud resort, dati ay may harang ito na sira sirang alambre pero ngayon ay may gate na.

Naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa ang semento ay naging purong buhangin na, may makikita nang hotel sa aming kanan at iilang mga kubo malapit sa harap nito.

Sa kaliwa naman ay mga tindera na nagti-tinda ng mga keychains, magnet at mga pagkain.

"Pwede ka nang maligo," pasimple kong sabi kay Quin, "Kukuha lang ako ng cottage."

"Shouldn't we pay first?"

Napakuyom ako ng labi dahil sumagot siya, palaro kong inilagay ang daliri ko sa aking labi.

"Tinuro lang saakin ito ni mama, nakaligo ako dito mag hapon noong bata ako ng hindi nagba-bayad."

Tinaasan niya ako ng isang kilay sabay tingin sa pinanggalingan naming gate.

Hindi rin nagtagal ay naglakad na palapit si Quin sa dagat at ako naman ay nag renta ng cottage, pinili ko iyong malapit sa kinatatayuan mismo ni Quin para kahit maligo kami sa parteng iyon ay kita namin ang mga gamit.

Matapos kong ilagay at takpan ang ibang mga gamit ay naglakad na ako patungo kay Jazzquin, nakalubog ang mga sakong niya sa tubig habang hawak ang kaniyang instax. Tahimik lang rin siyang nakatingin sa dagat, tila hinahanap ang kalapit na isla.

Pasimple akong tumabi sakaniya, dinama ang napakalamig na tubig. Bukod kasi sa hindi tag init ay nasa norte kami.

"I don't know how to swim."

Napakurap ako sa sinabi ni Quin, napatitig rin ako sakaniya upang siguraduhin kung siya ang nag salita.

"Me and my family used to live at a seaside in Russia," bahagi pa niya, bumalik ang tingin ko sa dagat at hindi nagsalita o nag tanong.

"The water is cold as ice," patuloy ni Quin, "Colder than this water."

Hindi na ako nagtaka, majority ng klima doon ay tag lamig. Kung ano ang tag lamig sa Pilipinas ay paniguradong summer doon.

"Every time I go back in there, I always look farther than my eyes can see."

"May hinahanap ka?"

"Maybe?" blankong tono niyang sagot sa tanong ko.

Bigla akong naintriga, ano kaya ang hinahanap niya? Bagay kaya? Mayroon kayang isang bagay si Quin noon na inanod ng alon?

"Gusto mo bang maibalik iyon?"

Kung mayroon man ay susubukan kong hanapin para sakaniya, ang tanga pakinggan gawa ng maaaring nasa kailaliman na iyon ng dagat pero  nadala na ako masyado.

Sa sinabi ko ay naramdaman kong napatingin siya saakin, ayokong salubungin ang tingin niya dahil baka makita nanaman niya kung gaano ako kahina.

Baka isipin niya rin na gumagawa ako ng paraan para mas makausap siya gayong hindi pa kami ayos mula sa pinag awayan namin kagabi.

"No," sagot niya sa aking tanong.

Dumiretso ang labi ko.

"Say hello to him, Alex."

Bahagyang napakunot ang noo ko, "Him?"

Bumalik ang paningin ni Quin sa karagatan.

"My father."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya, ang ibig bang sabihin noon ay...

Umalis si Quin mula sa tabi ko, naglakad siya patungo sa cottage namin at hinatid ko lang siya sa pamamagitan ng panonood.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nangwestyon at nagdeduksyon na lamang, bumalik ang paningin ko sa karagatan at tinanaw ang pinakamalayong maabot ng mga mata ko.

Base sa nakita ko sa mga mata ni Quin kanina ay mayroon akong naramdaman at nakitang kaunting  kalungkutan.

Doon ko naalala na mas uso ang cremate sa Russia, siguro ay pinakawalan ni Quin ang labi ng ama sa karagatan.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi ko kanina, bakit nga ba niya gu-gustuhing makuha ang labi ng ama kung payapa na ito?

Napailing na lang ako at naghubad ng sando, naglakad ng kaunti sa mababaw at sumisid taliwas sa galaw ng alon.

---

Nagising ako mula sa blankong panaginip, idlip lang naman kasi ang ginawa ko.

Iyon ang akala ko dahil nang buksan ko ang mga mata ko ay kulay asul na ang langit, hindi na rin ako gaanong nagulat dahil maga-alaskwatro na nang sinubukan kong umidlip.

Bumangon ako mula sa hinihigaan kong upuan sa cottage, nakaramdam ako ng kaunting pangangati sa aking likuran dala ng buhangin at mga bakat.

Nang makabawi ay hinanap agad ng mata ko si Quin para ayain na siyang bumalik sa transient, gusto ko na rin kasing mag banlaw.

Tinignan ko ang lugar kung saan ko siya huling nakitang nakababad kanina, hindi siya mangangahas na pumunta sa malalim dahil bukod sa madilim na ay hindi siya marunong lumangoy.

Nang hindi ko siya nakita ay lumabas ako ng cottage at nag lakad patungo sa kaliwang bahagi ng beach, walang boundary ang mga magka-katabing resort dito kaya libre akong makakalakad.

Narating ko na ang teritoryo Saud pero hindi ko pa rin siya nakikita, naisip ko tuloy kung bumalik na siya ng transient ng wala ako.

Bigo akong bumalik sa cottage, chineck muli ang mga gamit na dala dala namin upang tignan kung ay nawala.

Imbis na mawalan ay nadagdagan, sa kabilang parte ng upuan ng cottage ay nakalapag ang case ng viola, nakaawang at walang laman.

Sa pagtahimik ng paligid at pag hina ng mga alon ay doon ko lang napansin ang isang malalim na tugtog mula sa aking kanan.

Sinundan ko ang tunog na iyon, habang naglalakad ay napansin kong iilang tao na lang ang makikita sa beach. Malamig na kasi ang simoy ng hangin.

Habang palapit ako ng palapit ay mas lalong nagiging malinaw ang tugtog sa aking pandinig.

Hula ko ay ci-nompose ang tugtog sa piano pero tinutugtog lang niya sa viola, hindi ako maalam sa musika in general, pero maalam ako ng kaunti sa kanilang koneksyon.

Nakatalikod saakin si Quin, may suot suot siyang summer dress na kulay asul at pansin ko ring basa ang buhok niya.

Marahil nauna na siyang mag anlaw gawa nang bumalik siya ng transient para kunin ang viola, hindi niya naman kasi iyon dala kanina.

Nakaharap siya sa karagatan, naka ayos ang postura at naka dikit ang mga daliri sa i-ilang string ng viola. Ang baba niya ay nakahimlay sa ibabang parte ng katawan ng instrumento habang ang isa ay abala sa pag kiskis ng bow sa mga string.

Napakapayapang tignan ni Quin ngayon, kasama ng hangin ay sumasayaw ang ilang parte ng damit niya at ang hindi niya kahabaang buhok, ang kalaliman ng tinutugtog niyang musika ay sakto sa modo ng padilim na langit at mahinang hampas ng tubig.

Para ba ito sa kaniyang ama? 

Ilang segundo lamang ang nakalipas ay tumigil siya, medyo nabitin ako dahil pakiramdam ko ay naputol yoong tono.

Dahan dahan niyang ibinaba ang viola at lumingon sa gawi ko, napakurap ako at napakamot ng ulo habang nagla-lakad palapit sakaniya.

Nang makalapit ako sakaniya ay nagmatapang akong tumitig sa mga mata niya.

"Yayayain na sana kitang bumalik sa transient."

Yoon lamang at inokupa ng mga alon ang katahimikan sa pagitan namin ni Quin.

Kalaunan ay tumango siya at nilagpasan ako, isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago sumunod sakaniya pabalik ng cottage.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakalabas na agad kami ng gate, wala namang nadaang sasakyan at okupado ang dalawang kamay ko kaya medyo humuli na lang ako para kahit papaano ay mabantayan ko ang likuran ni Quin.

Ang tanging dala niya lang ay ang kaniyang viola na nakalagay na sa case, wala akong nakitang instax kaya sa palagay ko ay ibinalik niya sa transient iyon.

Panay kuliglig lang at malakas na hampas ng preskong hangin ang maririnig sa paligid, kung may usapan man ng mga tao ay malalayo ang mga ito sa pwesto namin.

Napatigil ako nang mapansin kong tumigil si Quin sa paglalakad, kanina pa siya tahimik kaya wari ko'y ito na ang pagkakataon na magsa-salita siya.

Nakumpirma iyon nang humarap siya saakin, napakurap ako tsaka sinalubong ang mga mata niya upang tignan kung anong laman noon.

May kakaiba kay Quin ngayon, ang inaasahan ko talaga ay galit pa rin siya hanggang ngayon, at ie-express niya iyon sa pamamagitan ng pagkausap saakin ng may halong sarkasamo at paninisi.

Pero ang nakukuha ko lang mula sakaniya ay... katahimikan.

Ilang minuto na kaming nagti-titigan, heto nanaman kami at nakikiramdam sa isa't isa. Ayokong magsalita dahil sa napanaginipan ko, gusto ko sa pagkakataong ito ay si Quin ang magdala ng konbersasyon. Hindi ko siya a-agawan ng moment ngayon.

"I'll not apologize for what happened last night."

Medyo inaasahan ko na sasabihin niya iyon kaya tumango ako.

"Alam ko, I'm sorry."

Iyon lang at nahulog nanaman kami sa isang nakakabinging katahimikan, hindi pa rin siya naglalakad muli kaya wari ko'y hindi pa siya tapos.

Hinigpitan ko ang pagka-kakapit sa cooler, medyo nangangalay na ako pero hindi ko iyon ininda.

"We need to go back in Manila tomorrow, I used your laptop to contact the editor in chief and she said that she'll allow me to work the day after tomorrow."

Bahagyang umigting ang panga ko, medyo nadisturbo ako dahil ginamit niya ang laptop ko ng hindi ko alam pero mas nanaig ang panghi-hinayang, imbis na maging mas malapit kami ni Quin ngayon ay parang mas nalayo siya saakin, parang wala lang itong plinano kong bakasyon.

Kahit na ganoon ang nararamdaman ko ay pinilit ko pa ring pakitaan siya ng isang ngiti.

"Sure."

Doon ko naalala yoong cellphone ko, masyado rin akong naging okupado sa away namin ni Quin na nakalimutan kong ibibigay mga pala saakin ni Mark ang background ni Quin. Nasa bulsa iyon ng pantalon na suot ko kahapon kaya hindi ko dala sa beach.

"Tara na?" aya ko at nauna nang maglakad kay Quin. Nag-aalala na baka tumawag rin si Adam.

"Alex."

Awtomatiko akong napatigil nang tawagin niya ang pangalan ko, yoong boses niya ay malumanay, walang bahid ng kung ano mula kahapon.

Lumingon ako sakaniya at nagulat ako nang makita ko ang ekspresyon na ibinibigay niya saakin, yoong labi niya ay nakakuyom at yoong mga mata niya ay nanginginig.

Takot, pagda-dalawang isip, pagdududa. Iyon ang nakikita ko.

"You need to know about something."

Kurap kurap akong humarap sakaniya ng buo, seryoso kasi ang boses niya. Ngayon ko lang ito nakita at narinig mula sa aking nobya.

"It's about Adam."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

629 165 43
Capes Series 1 In a world where mankind was born with superhuman abilities, in Summit City, they were called an abomination-the people who don't belo...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...
82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.